Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MODULE WEEK NO.

7
Don Carlos Polytechnic College
Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon
Telephone Number: 09362264300

College of Education/Teacher Education Department


Lit 1: Mga Anyo ng Kontemporaryong Panitikan sa Filipino
Semester of A.Y. 2020-2021

Introduksiyon

Ang balita ay isang imformasyon hinggil sa isang pangyayaring naganap na, nagaganap pa lamang, o
magaganap pa sa isang tiyak na hinaharap, ngunit hindi pa alam ng marami, na may kaugnayan sa
kabuhayan, katahimikan, edukasyon, pulitika, kultura, isports, kalusugan at/o paniniwalang panrelihiyon.

Rationale
COURSE MODULE

Sa modyul na ito, tatalakayin natin ang kahulugan, bahagi, sangkap, at uri ng


balita upang mapalawak ang kaalaman natin tungkol sa paligid at nabibigyan tayo ng
dagdag karunungan.
Intended Learning Outcomes

Activity

Panuto: Gumawa ng sariling sanaysay tungkol sa balita.

Diskusyon

KONTEMPORARYONG PANITIKAN

Balita – Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas


at loob ng isang bansa na nakakatulong sa pagbibigay alam sa mamamayan. Maaari
itong ihayag sa pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa
bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang mambabasa na nakikinig o
nanonood.

Mga Bahagi ng Balita

1. Mukha ng Pahayagan – ito ang pinakaunang pahina ng pahayagan. Niglalaman


ito ng pangalan ng pahayagan at headline ng mga balita.

1
Crafted by Mariel Bandada
MODULE WEEK NO.7
2. Balitang Pandaig-dig – mababasa naman sa bahaging ito ang mga kaganapan sa
iba’t-ibang parte ng daigdig.
3. Balitang Panlalawigan – nakapaloob naman sa bahaging ito ang mga kaganapan
sa iba’t-ibang lalawigan ng bansa.
4. Editorial o Pangulong Tudling – ang pahinang ito ay naglalaman ng matalinong
kuro-kuro ng patnugot o mamamahayag tungkol sa isang napapanahong isyu o
paksa.
5. Balitang Komersyo – ang bahaging ito ng pahayagan ay naglalaman ng mga ulat
na may kaugnayan sa industriya, kalakalan, at komersyo.
6. Anunsyo Klasipikado – ang pahinang ito ay nakalaan para sa mga taong
naghahanap ng trabaho na pwedeng pag-aaplayan. Dito rin mababasa ang
tungkol sa mga bagay na ipinagbebenta o pinapaupahan tulad ng kotse, bahay
at iba pang ari-arian.
7. Obitwaryo – ito ay parte ng pahayagan na naglalaman ng mga anunsyo tungkol
sa mga taong pumanaw na. mababasa din ditto ang impormasiyon ng mga
namayapang tao, kung saan ito nakaburol, kalian at kung saan ito ililibing.
COURSE MODULE

8. Libangan – ang pahinang ito ay naglalaman ng mga balita na naghahatid ng aliw


sa mga mambabasa.
9. Lifestyle – Mababasa sa bahaging ito ang mga artikulong may kaugnayan sa
pamumuhay. Tulad ng tahanan, pagkain, paghahalaman, paglalakbay at iba
pang aspeto ng buhay sa lipunan.
10. Isport o Palakasan – sa bahaging ito mababasa din sa bahaging ito ang mga
kaganapan at balita tungkol sa iba’t-ibang isport sa loob at labas ng bansa.

Mga sangkap ng Balita

1. Kapanahunan – ito ay bago pa lamang nangyari o maaaring matagal nang


nangyari ngunit ngayon lamang natuklasan.
2. Kalapitan –mas interesado ang mga tagapakinig o mambabasa na malaman ang
nangyayari sa kanilang paligid o pamayanan kaysa sa malayong lugar.
3. Kabantugan – tumutukoy sa pagiging prominente o sa pagiging kilala ng taong
sangkot sa pangyayari.
4. Kakatwahan o kaibahan – mga pangyayaring di karaniwan tulad halimbasa ng
isang tao na nangagat ng aso o ng isang hayop na dalawa ang ulo.
5. Tunggalian – ito ay tumutukoy hindi lamang sa laban ng tao laban sa kapwa tao,
maaari itong pakikibaka ng tao laban sa kalikasan o ng tao laban sa kaniyang
sarili.
6. Makataong Kawilihan – ito ay tumutukoy sa mga pangyayaring nakapupukaw sa
iba’t-ibang uri ng emosyon ng tao: pag-ibig, poot, simpatiya, inggit at iba pa.
7. Romansa at Pakikipagsapalaran – tinalakay dito hindi lamang ang buhay pag-ibig
ng isang tao katulad ng mga artista kundi ang pakikipagsapalaran din ng mga
ordinaryong tao.
8. Pagbabago ng Kaunlaran – anumang pagbabago at kaunlarang nangyayari sa
2
Crafted by Mariel Bandada
MODULE WEEK NO.7
pamayanan ay nangyayari sa pamayanan ay maaaring paksain ng balita tulad ng
pagpapatayo ng mga bagong gusali, mga kalsadaq, pamilihang bayan at iba pa.
9. Bilang o Estadistika – halimbawa nito ay ang mga ulat ukol sa pananalapi, resulta
ng eleksyon at iba pa.
10. Pangalan – tumutukoy sa mga pangalang nasasangkot sa balita tulad ng mga
nakapasa sa mga board examinations.
11. Hayop – halimbawa nito ay ang mga bagong inakay ng Philippine Eagle mula sa
itlog na nabuo sa pamamagitan ng artipisyal inseminasyon.
12. Kalamidad – kapag nagkaroon ng malakas na bagyo,lindol,pag-putok ng bulkan
at iba pa, karaniwang pinapaksa ng balita ang mga pinsalang dulot nito.

Mga Uri ng Balita

1. Paunang Balita (Advance News) – Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng


balita, subalit inilathala na rin bunga ng pangangailangang maipaabot agad sa
COURSE MODULE

madla.
2. Tuwirang Balita (Straight News) – sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang
pinakamahalagang impormasyon tungo sa maliit na detalye.
3. Balitang bunga ng pakikipanayam – karamihan sa balitang nabasa, naririnig at
napapanood ay bunga ng pakikipanayam.
4. Kinipil na Balita – ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa
pahayagan kung kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsama-sama.
5. Madaliang Balita o Flash – ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng
pansin.
6. Depth news o Balitang may lalim – kinakailangan ang masusing pananaliksik,
upang higit na matalakay ang mga ulat na nakapaloob dito.
7. Balitang Pansensiya – tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga
bagay na makakatulong sa pagpapadali ng Gawain.

Iba pang Uri ng Balita

1. Balitang Panlokal – mga balita tungkol sa isang lokal may unit ng pamahalaan
tulad ng barangay.
2. Balitang Pambansa – mga balitang mahalaga na nagaganap sa buong bansa,
tumutukoy din ito sa mga pangyayari sa loob ng bansa na mahalaga sa
nakakaraming mga mamamayan gaya ng eleksiyon, rebolusyon o pag-aaklas at
iba pang paglalahad maaring magdulot ng epekto o impluwensiya sa
mamamayan ng bansa.
3. Balitang Pandaigdig – tumutukoy sa mga balitang nagaganap na mahalaga sa
buong daigdig.
4. Balitang Pampulitika - tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.
5. Balitang Pampalakasan – tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga
3
Crafted by Mariel Bandada
MODULE WEEK NO.7
palaro at kompetisyong pampalakasan.
6. Balitang Pang-edukasyon – tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa
edukasyon.
7. Balitang Pantahanan – tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa
pamamahala ng tahanan.
8. Balitang Pangkabuhayan – tungkol sa mga mahalagang pangyayari na may
kinalaman sa negosyo at takbo ng kabuhayan ng bansa.
9. Balitang Panlibangan – may kinalaman sa larangan ng telebisyon, radio, pelikula,
tanghalan, atb.
10. Balitang buhat sa talumpati – ito’y buhat sa pinaghandaang okasiyon tulad ng
palatuntunan, seminar, panayam o pulong.

Exercise

Gawain: Sumulat ng sariling balita hinggil sa sumusunod:


a. Pagdaraos ng iyong sariling kaarawan, kaarawan ng iyong kapatid, ng iyong ina o
kaya’y ng iyong ama.
COURSE MODULE

b. Isang aksidente ng sasakyan na malapit sa inyong lugar, o aksidente na nakita sa


internet.
Assessment

Magtala ng limang napapanahong balita sa ngayon.

Reflection

Mahalaga ba ang balita sa ating buhay? Ano ang naging ambag nito sa ating buhay?

Resources and Additional Resources

 https://www.pinoynewbie.com/ano-ang/pahayagan
 https://www.scrib.com/document/376385030/KAHULUGAN-NG-BALITA-MGA-
BAHAGI-MGA-URI-MGAPAMPAHAYAGANG-PAMPAARALAN-AT-KATANGIAN-NG-
MAMAHAYAG
 Gelly E. Alkuino (Pampaaralang Pamahayagan sa Nagong Henerasyon) 2008

4
Crafted by Mariel Bandada

You might also like