Professional Documents
Culture Documents
Lit. 1 Module 8 PDF
Lit. 1 Module 8 PDF
8
Don Carlos Polytechnic College
Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon
Telephone Number: 09362264300
Introduksiyon
Ang salitang Lathalain ay kuari ng salitang artikulo at salin sa Ing. Feature. At sapagka’t ito’y
nakapaghahatid ng kabatiran bukod sa kasiyahan at kawilihan sa mambabasa, ito’y ibinibilang ding
isang uri ng balita. Walang laman itong katakdang estilo, na parang de kahong nauuna ang
pinakamahalagabago sumunod anmga detalye tulad ng mga tuwirang balita. Malaya rito ang isang
manunulat sa paraan ng pagsulat, maaari niyang simulan at wakasan ito sa anumang paraang nais niya.
COURSE MODULE
Rationale
Sa modyul na ito tatalakayin natin ang kahulugan, bahagi, at mga uri ng lathalain.
Intended Learning Outcomes
Diskusyon
Magasin/Lathalain
Ang lathalain, katulad ng balita ay hindi lamang isinusulat upang magpabatid, kung lalo p
nitong pinapalawak ang balita o impormasyon sa pamamagitan ng kawili-wiling pamamaraan. Ito ay
nagdaragdag at nagpatingkad ng kulay at buhay ng pahayagan. Kaya ang istilo nito ay nakasalalay
sa malikhaing isipan ng manunulat.
Ayon kay Gene Gilmore sa kanyang aklat na Inside High School Journalism, “ang
pinakaangkop na paglalarawan sa lathalain ay nagsasabing ito ay balita na isinusulat tulad ng isang
piyesa ng kwentong kathang-isip.” Katulad ng isang manunulat ng maikling kwento, kadalasan
ginagamitan ang pagsulat nito ng mga pampanitikang sangkap tulad ng kulay, dayalogo, anekdota at
pang emosyong pananalita upang mkapukaw ng pangkatauhang kawilihan. Ito ay nagbibigay-panuto
rin, nagpapabatid at nagpapayo, ngunit ang pinakapangunahing layunin nito ay ang magbigay ng
aliw.
Pamatnuaby ang tawag sa una at pangalawang talata ng balita o ng lathalain. Nagsisilbi itong pang-
akit sa mga mambabasa. Sa lathalain, makabagong pamatnubay ang ginagamit sa panimula ng akda
COURSE MODULE
na maaaring binubuo ng isang salita lamang, isang parirala, isang pangungusap o isang talata.
B. Katawan ng Lathalain
Pagkatapos makasulat ng pamatnubay, hand aka nang iorganisa ang mga datos upang buuin
2
Crafted by Mariel Bandada
MODULE WEEK NO.8
ang katawan ng iyong lathalain. Ang pagbuo ng istorya ay kadalasang pinakamahirap dahil
nangangailangan ito ng pagsasaayos ng mga datos sa pamamaraang napapanatili nito ang kawilihan
ng mambabasa mula sa simula hanggang wakas.
Habang ang tuwirang balita ay sinusulat sa pabaligtad na piramide, ang tanging lathalain ay
sinulat sa piramideng kaayusan na may kongklusyon.
C. Wakas
Lahat naman tayo kahit hindi natin aminin ay kinikilig kapag may namamataan tayong nagpropose sa harap
3
Crafted by Mariel Bandada
MODULE WEEK NO.8
ng maraming tao. Sa Park, sa coffee shop, sa foodcourt at sa restaurant. Pero nakarinig ka na ba ng isang
marriage proposal sa gitna ng daan?
Sa isang kalsada sa Maynila ay natunghayan ng marami ang pagtigil ng isang magkasintahan sa gitna ng
kalsada dahil umano’y naubusan sila ng gasolina. May lumapit na dalawang MMDA traffic enforcer at
habang nakikipag usap ang lalaki sa MMDA traffic enforcer ay bigla na lamang silang pinalibutan ng mga
lalaking nakamotorsiklo at patuloy llamabg sila sa pag-ikot hanggang sa bigla na lamang lumuhod ang lalaki
sa gitna kaharap ang kanyang kasintahan. Iyon ang nagging senyales upang mabatid ng babae na inaalok na
siya ng kasal ng kanyang kasintahan. Agad naman siyang pumayag at sa labis na tuwa ay nagyakapan ang
dalawa kasabay ng palakpalan ng mga taong nakapanood at pagbusina ng mga motorsiklong pumalibot sa
kanila bago sila umalis. Marami ang kinilig sa kanila dahil gumawa pa ng pakulo ang lalaki at kinausap niya
pa ang mga MMDA traffic enforcer para doon niya alukin ng kasal ang kasintahan ngunit kasabay nito ay
marami rin ang nainis. Nainis sila dahil nagdulot lamang ng traffic ang ginawa ng lalaki. Maraming mga
motorist rin ang nagsabing naabala lamang sila sa ginawa ng lalaki. Patunay lamang ito na hindi sa lahat ng
oras ay aayon ang mga bagay bagay para maging perpekto ang lahat para sa ganitong gawain. Suhestyon ng
iba ay sa ibang lugar na lang sana nila dinaos ang ganitong kaganapan upang hindi sila nakakaabala. Ayon sa
magkasintahan ay wala silang pakialam sa mga egatibong komento sa kanila ng iba, ang sa lalaki lang ay
iyon ang naisip niyang paraan upang ipaalam sa mundo na mahal na mahal niya ang kanyang kasintahan.
COURSE MODULE
Bawat taon ang pinakahihintay ay ang araw ng pasko dahil ito ay masaya lahat ay kompleto kasama ang
buong pamilya ngunit ito ang hindi ko pa nararanasan ang mabuo ang pamilya sa araw ng pasko .Palaging
nasa malayo si papa tuwing araw ng pasko wala kaming magagawa dahil kailangan niyang kumayod para
mapag aral kami ,kinakaya niya lahat ng lungkot at mga pagsubok ganoon din saamin na kinakaya namin ang
lahat gustuhin man namin siyang umuwi kaso mahirap dahil narin sa mahal ang pamasahe pauwi kaya tinitiis
namin ang lahat kahit gustong gusto na naming siyang makasama , kung kayat ang tanging hiling ko sa
darating na pasko ay makasama namin siya .
Exercise
Sumulat ng isang lathalain na naghahambing sa iyong sarili sa kahit anong bagay na may
pagkakahawig sa iyong mga katangian.
Assessment
Reflection
Ano ang kahalagahan ng lathalain para sayo? Ano ang mga naiambag nito sa ating
buhay?
Resources and Additional Resources
4
Crafted by Mariel Bandada
MODULE WEEK NO.8
5
Crafted by Mariel Bandada