Act Sheets WK 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
FILIPINO 10

WEEK 8

GAWAINBLG. 1: Gintong Kaisipan!

Balikan ang mga natalakay na aralin. Isulat sa bawat kahon ang mahalagang kaisipan hinggil sa panitikan at gramatika na
natutuhan mo sa bawat aralin. Gumamit ng sagutang papel. basahin ang tungkol sa simposyum na makatutulong sa iyo
upang maisagawa ang pangwakas na gawain.

Panitikang Mediterranean

GAWAINBLG. 2: Suriin Mo Itala ang mga impluwensiya ng mga panitikang Mediterannean sa panitikan, pamumuhay,
kaugalian, paniniwala, at kultura sa ating bansa at sa mundo. Gawin sa sagutang papel.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsasagawa ng Suring-basa

1. Alamin kung anong uri ng akdang pampanitikan ang sinusuri.
2. Bago isulat ang suring-basa ng isang akda, gumawa muna ng sinopsis o maikling lagom.
3. Ipahayag ang kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan .
4. Gumamit ng mga pananalitang matapat.
5. Pahalagahan din ang paraan o estilo ng pagkakasulat.
Pormat na gagamitin sa pagsulat ng suring-basa
I. Panimula
Uri ng panitikan – Pagtukoy sa mga anyo ng panitikang sinulat, sa himig o damdaming taglay nito.
Bansang pinagmulan – Pagkilala sa bansa kung saan naisulat ang akda.
Pagkilala sa may-akda – Ito ay hindi nangangahulugan sa pagkasuri sa pagkatao ng may-akda kundi
sa mga bagay na nag-uudyok sa kanyang likhain ang isang akda.
Layunin ng akda – Pagsusuri sa kahalagahan ng akda kung bakit sinulat. Layunin ba nitong
magpakilos o manghikayat, manuligsa, magprotesta, at iba pa.
II. Pagsusuring Pangnilalaman - Tema o Paksa ng akda – Ito ba’y makabuluhan, napapanahon,
makatotohanan at mag-aangat o tutugon sa sensibilidad ng mambabasa
Mga Tauhan/Karakter sa akda – Ang mga karakter ba’y anyo ng mga taong likha ng lipunanng
ginagalawan, mga tauhang hindi pa nalilikha sa panahong kinabibilangan o mga tauhang lumilikha,
nagwawasak, nabubuhay, o namamatay. Kung walang tauhan, ang persona sa akda ang ilarawan.
Tagpuan/Panahon – Binibigyang-pansin sa panunuring pampanitikan ang kasaysayan? kapaligiran at
panahong saklaw ng isang akda bilang mga saksi at sanhi ng kalagayan o katayuan ng indibidwal, ng
kaniyang kaugnayan sa kapwa at sa lipunan.
Balangkas ng mga Pangyayari – Isa bang gasgas na mga pangyayari ang inilahad sa akda? May
kakaiba ba sa nilalamang taglay? Dati o luma na bang mga pangyayaring may bagong bihis, anyo,
anggulo, o pananaw? Paano binuo ang balangkas ng akda? May kaisahan ba ang pagkakapit ng mga
pangyayari mula simula hanggang wakas? Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng kabuuuan ng akda?
May natutuhan ka ba sa nilalaman ng akda?
Kulturang Masasalamin sa akda – May nakikita bang uri ng pamumuhay, paniniwala, kaugalian o
kulturang nangingibabaw sa akda? Nakaimpluwensiya ba ito sa pananaw ng ibang tao o bansa?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
FILIPINO 10

III. Pagsusuring Pangkaisipan

Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda – Ang isang akdang pampanitikan ay nagtataglay at
nagpapaliwanag sa mga kaisipang umiiral, tinatanggap at pinatutunayan ng mga tiyak na sitwasyon o
karanasan. Maaari ding ang mga kaisipang ito ay salungatin, pabulaanan, magbago o palitan. Ito ba ay mga
katotohanang unibersal, likas sa tao at lipunan, mga batas ng kalikasan, sistema ng mga ideya o
paniniwalang kumokontrol sa buhay? Mahalagang masuri sa akda ang mga kaisipang ginamit na batayan sa
paglahad ng mga pangyayari.
Estilo ng Pagkasulat ng Akda – Epektibo ba ang paraan ng paggamit ng mga salita? Angkop ba sa antas
ng pang-unawa ng mga mambabasa ang pagkakabuo ng akda? May bisa kaya ang estilo ng pagkakasulat sa
nilalaman ng akda? Masining ba ang pagkakagawa ng akda? Ito ba’y kahalagahang tutugon sa panlasa ng
mambabasa at sa katangian ng isang mahusay na akda?

IV. Buod - Hindi kailangang ibuod nang mahaba ang istorya ng akda. Ang pagbanggit sa mahahalagang detalye
ang bigyang-tuon.

Natunghayan mo ang mahalagang ambag ng panitikang Mediterannean sa pag-unlad ng sarili nating panitikan at
maging sa buong mundo. Ang kaalamang ito ay higit mo pang mapagyayaman kung magsasagawa ka ng suring-
basa sa alinmang panitikang tuluyan ng napili mong bansa sa Mediterranean. Ang suring-basa ay isang maikling
pagsusuring pampanitikang naglalahad ng sariling kuro-kuro o palagay ng susulat tungkol sa akda. Layunin nito
ang mailahad ang mga kaisipang matatagpuan sa isang akda at ang kahalagahan nito. Ngayong natapos mo na
ang iyong suring-basa,
ILIPAT PARA SA UNANG MARKAHAN
Miyembro ka ng Pintig at Tinig, isang pangkat ng mga manunulat. Upang mapaunlad pa ang inyong kasanayan
sa pagsulat, magsasagawa kayo ng isang simposyum. Hinati kayo sa pangkat upang magsagawa ng suring-basa
sa isang akdang tuluyan. Ang pangkat mo ay naatasang magsagawa ng suring-basa ng isang akdang tuluyan
mula sa isa sa mga bansa sa Mediterranean. Sikaping sundin ang pamantayang ibinigay upang maging
matagumpay ang gagawing pagsusuri.
Pamantayan:
I. Suring-basa (50 puntos)
a. Mabisang Panimula ……………..……..…. 10 puntos
INTERPRETASYON
b. Pagsusuring pangnilalaman ……………… 10 puntos
Napakahusay: 45-50 puntos
c. Pagsusuring Pangkaisipan ………..……… 10 puntos
Mahusay: 35-44 puntos
d. Lalim ng pagsusuri ……………………..….. 10 puntos
Mahusay-husay: 25-34 puntos
e. Buod …………………………………… ….. 10 puntos
Kabuuang puntos …………….….50 puntos Dapat pang paghusayan: 24 puntos-
pababa
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
FILIPINO 10

Pamagat ng Akda
(Suring-Basa)
I. Panimula
Uri ng panitikan –
___________________________________________________________________
Bansang pinagmulan –
______________________________________________________________
Pagkilala sa may-akda –
_____________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
Layunin ng akda –
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
II. Pagsusuring Pangnilalaman -
___________________________________________________________
III. _________________________________________________________________________________
__
Mga Tauhan/Karakter sa akda –
________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__
Tagpuan/Panahon –
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__
Balangkas ng mga Pangyayari –
________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__
Kulturang Masasalamin sa akda –
________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__

III. Pagsusuring Pangkaisipan

Mga Kaisipan/Ideyang Taglay ng akda –
________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
FILIPINO 10
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__
Estilo ng Pagkasulat ng Akda –
________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
_________________________________________________________________________________
__
IV. Buod -
_____________________________________________________________________________