Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa loob ng mahigit apatnapung taong pananakop ng mga Amerikano sa bansa, mararamdaman ang epekto

nito sa sistema ng pampublikong edukasyon na itinayo nila sa bansa. Ito ang nagpabago sa pamumuhay
ng mga Pilipino.

Sino sino kaya ang mga nagsilbing guro noong panahon ng mga amerikano?

Ang mga sundalong amerikano ang naging guro ng mga pilipino

Sila ang mga Thomasites ang mga gurong galing sa America

Ang pinakamalaking pangkat ng mga guro ay dumating sa Pilipinas noong 1901 lulan ng barkong
USS Thomas. Sila ang pumalit sa mga sundalong amerikano na nagturo sa mga Pilipino. Itinalaga sila sa
Maynila at mga lalawigan.

Ano-ano ang mga epekto ng sistema ng edukasyong ipinatutupad ng mga Amerikano?

Hindi lamang sistema ng edukasyon sa ating bansa ang binago ng mga Amerikano kundi pati ang
sistema ng kalusugan noon na ayon sa kanilang obserbasyon ay hindi nabigyang pansin ng mga Kastila.
Nahirapan din ang mga Amerikano sa pagtuturo ng kalinisan sa mga Pilipino dahil sa iba’t-ibang uri ng
kanilang pamumuhay.

Inilagay sa mga Quarantine Facility ang mga taong may nakakahawang sakit upang hindi na makahawa at
para lubusang mapaunlad ang kalagayang-pangkalusugan ng mga Pilipino. Ipinag utos na panatilihing
malinis ang katawan. Umiikot ang mga pangkat ng Board of Health sa mga lalawigan upang bakunahan
ang mga mamamayan. Itinatag din ng mga Amerikano ang Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila
at ang Culeon Leper Colony (CLC) noong 1905 sa isla ng Palawan na siyang pagamutan ng mga may
ketong

Noong maagaw na ng mga Amerikano ang ating bansa mula sa pamamahala ng mga Kastila,
mabilis nilang pinaunlad ang sistema ng transportasyon at komunikasyon. Inayos nila ang mga kalsada,
nagpatayo ng mga pantalan at paliparan saka ipinakilala nila sa mga Pilipino ang mga makabago at
modernong uri ng sasakyang pangkalsada, panghimpapawid, at pandagat. Sila rin ang nagdala ng
telepono rito sa ating bansa.

Sa pagdating ng mga Amerikano, maraming mga daan at tulay ang nilikha upang mapag-
ugnay ang mga bayan, lalawigan at pulo ng bansa. Binago at ginawang mabilis ng mga Amerikano ang
paraan ng paglalakbay ng mga Pilipino kumpara sa panahon ng mga Espanyol. Pinalaganap ang paggamit
ng mga tren, tranvia, kotse at bus.

You might also like