Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV- A CALABARZON
Division of Batangas
Lumbangan National High School
Nasugbu East District
Nasugbu

Banghay Aralin sa Filipino 8

I. Mga Kompetensi:

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa Panahon ng
Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o kalikasan

LAYUNIN

A. F8PU-IIa-b-24
Nakakasulat ng dalawa o higit pang saknong ng tula na may kaugnay sa paksang tinalakay

1. Nailalahad ang mga mahahalagang diwa na nakapaloob sa tula bilang isang uri ng panitikan
2. Naibibigay ang kahulugan ng mga malalalim na salita mula sa tula at nagagamit ito sa
pangungusap
3. Naipahahayag ang kahalagahan ng totoo at tapat na pag-ibig sa tao, sa bayan o sa kalikasan

II. Paksa:
Paksa: Pag-ibig
Jose Corazon de Jesus
Tula
Pahina: 82 – 83
Sanggunian: Panitikang Pilipino 8
Mga Kagamitan: Aklat sa Filipino 8, Laptop, Tarpapel, Video, Projector

III. Pamamaraan:
A. PANIMULA
Pang-araw-araw na Gawain
a. Pagbati
b. Pagdarasal
c. Pagtatala ng Liban
d. Pampasiglang Gawin
e. Balik-aral
Ano ang kahulugan ng tula at ang mga elemento nito?
B. Pagganyak
 Pagpapakita ng larawan ng mga puso na naglalaman ng iba’t-ibang simbolo at iba’t-ibang uri
ng pagmamahal.

Pagmamahal sa Panginoon Pagmamahal sa Bayan

Pagmamahal sa Kalikasan Pagmamahal sa Pamilya

Gabay na Tanong:

1. Ano-anong uri ng pag-ibig ang nakita o nabatid mo sa bawat larawan?


2. Ano-anong mga damdamin na isinasaad sa bawat larawan?
3. Sa iyong palagay, sa paanong paraan mo maipahahayag ang iyong pag-big sa Diyos,
Pamilya, Kalikasan at Bansa?
4. Ano-ano ang mga bagay na dapat mong isaalang-alang upang maipadama mo ang iyong
tapat na pag-ibig sa Diyos, sa Bayan, sa Kalikasan at sa Pamilya?

C. Talasalitaan – Pagbibigay Kahulugan

Tukuyin ang mga magkakasing-kahulugan na salita at gamitin ito sa isang makabuluhang


pangungusap.
Mga salita:

Nagkauban ------------------ Nagkaroon ng puting buhok

Makuro --------------------- Maunawaaan

Nananaghoy --------------------- Nagdadalamhati

Payapa -------------------- Tahimik

Umuurong --------------------- Umaatras

D. Presentasyon
Pagbasa sa isang tula na pinamagatang “Pag-ibig” ni Jose Corazon de Jesus

Gabay na Tanong:

1. Ano ang pamagat ng tula ? Sino ang may akda nito?


2. Sa tulang ito ni Jose Corazon de Jesus, anong uri ng pag-ibig ang inyong nabatid?
3. Sa paanong paraan naipadama ng may akda ang kanyang pag-ibig?
4. Sa inyong palagay tunay bang mahalaga ang pag-ibig sa bawat isa? Ipaliwanag.

E. Abstraksyon
1. Para sa inyo, ano ang tunay at totoong pag-ibig?
2. Anong mahalagang diwa ang nakapaloob sa tula ang inyong nabatid?
3. Ayon sa akda ng tula, paano ninyo masasabi na tunay at wagas ang isang pag-ibig?
4. Tulad ng may akda sa tula, sa paanong paraan ninyo maipahahayag ang iyong tunay at
tapat na pag-ibig?
F. Aplikasyon
PANGKATANG GAWAIN:
Unang Pangkat: Lumikha ng isang maikling harana.

Ikalawang Pangkat: Makabagong paraan ng panliligaw (texting)

Ikatlong Pangkat: Paglikha at pagbigkas ng “Hugot Lines” tungkol sa kasiyahan at kabiguan sa Pag-
ibig

Ikaapat na Pangkat: Pagbibigay mensahe sa awit na “Titibo-Tibo” ni Moira Dela Torre

RUBRIKS
(Pamantayan sa Pagganap at Paglikha)

Kaangkupan sa Paksa 5 puntos

Kaayusan ng Presentasyon 5 puntos

Pakikiisa ng buong pangkat at


5 puntos
nakaaaliw sa mga Manonood

Kabuuan 15 puntos

*Kung ikaw ay magmamahal, paano mo maipapakita sa iyong iniibig na tunay at wagas ang iyong
pag-ibig?

G. Pagtataya
Panuto: Bilugan at tukuyin ang tamang sagot.
1. Ano ang pamagat ng tulang tinalakay?
a.Pagkakaibigan b. Pag-ibig c. Pamilya
2. Sino ang sumulat ng tula?
a.Jose Corazon de Jesus b. Jose Delas Alas c. Jose De Villa
3. Ano ang pag-ibig?
a. Kaligayahan b. Pang-iiwan c. Pagmamahal
4. Ano ang kahulugan ng salitang “katoto”?
a. Asawa b. Kaibigan c. Kapatid
5. “Ang Pag-ibig ay may mata, ang pag-ibig ay di _____”
a. Bulag b. Bingi c. Pilay

IV. Takdang – Aralin

Gawain: Lumikha ng isang tula na nagpapahayag ng pag-ibig sa iyong magulang gamit ang iba’t-
ibang elemento na nakasulat sa ibaba:

a. May sukat at tugma


b. May matalinhagang salita
c. Dalawa o higit pang saknong
d. May malayang Taludturan

Inihanda ni:

KRISTINE ELOISE T. JOSE


Student Teacher

Iwinasto ni:

JOSEFINA D. DE LA CUESTA
Cooperating Teacher

Binigyang – pansin:

ZANY R. GARGULLO
Principal II

You might also like