Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Phil-IRI Pangkatang Pagtatasa sa Pagbasa

Panuto: Basahin nang tahimik ang bawat kuwento. Pagkatapos, basahin ang mga tanong at isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.

A. Karapatang Sibil
Kinikilala ng bayan ang mga karapatang sibil ng mga mamamayan. Ito ay sumasakop sa kalayaan nating
makamit ang kaginhawaan at makipag-ugnayan sa isa’t isa. Kabilang sa karapatang sibil ay karapatan sa pananalita at
pamamahayag, kalayaan sa relihiyon, paninirahan at paglalakbay, magkaroon ng ari-arian, maiwasan ang pagka-alipin, at
iba pa.
May karapatan ang bawat isa, maging anuman ang katayuan nito sa lipunan, laban sa di-makatuwirang pagdakip
at lihim na pagpapabilanggo. Ang writ of habeas corpus ang kautusang mula sa hukuman na nagsisiguro sa karapatang
ito. Dagdag pa rito ang kautusang Miranda (Miranda Rule) na buod ng mga karapatan ng nasasakdal. Itinadhana ang
mga ito at ipinagtibay. Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang mananatiling inosente
hanggang hindi napapatunayang nagkasala (innocent until proven guilty) at nang walang pasubali (beyond reasonable
doubt). Maipatutupad ito kung isasailalim sa isang mablis, hayagan, at patas na paglilitis. Ang pagdadaos ng mabilis na
paglilitis at pagkakaloob ng hustisya ay ayon na rin sa kasabihang “justice delayed is justice denied.”
Bilang ng mga Salita: 166
(Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6, Inocencio, et. Al (2006). Wizard Publishing Haws, Inc., Tarlac, Tarlac.)

Mga Tanong:

1. Alin sa sumusunod ang HINDI saklaw ng karapatang sibil? (Literal) HINDI saklaw ng karapatang sibil ang karapatan ___________ .
A. na maipahayag ang saloobin B. na makapagbiyahe saan man nais
C. na magpatayo ng titirhan saan man D. sa malayang pagsamba at pananalig
2. Alin sa sumusunod ang sinasabi sa seleksyon? (Literal)
A. Ang karapatan ay ayon sa katayuan natin sa lipunan. B. Kilala ang ating bayan sa pagpaptupad ng Miranda Rule.
C. Maraming mga karapatang sibil na kinikilala ang ating bayan. D. Mahusay na naipatutupad ang karapatang sibil sa ating bayan.

3. Paano kaya ipinapakita ng ating bayan ang pagkilala sa karapatang sibil? (Inferential)
A. Hindi ito nilalabag sa ating bansa. B. Pinag-aaralan ang mga ito ng lahat ng mamamayan.
C. Inililimbag at ipinapaabot sa lahat ang tungkol dito. D. May mga kautusang nagsisiguro sa pagkilala nito.
4. Ano ang panlaban natin sa di-makatuwirang pagdakip at lihim na pagpapabilanggo? (Literal)
A. Ito ay napapaloob sa Miranda Rule. B. Lilitisin at ikukulong ang nagkasala.
C. Makatarungan na paglilitis ang kasunod nito. D. Tamang panangga rito ang writ of habeas corpus.
5. Ano ang nasasaad sa writ of habeaus corpus? (Literal)
A. Laban ito para hindi masampahan ng kaso. B. Ito ay panangga sa di-makatwirang pagkadakip.
C. Nakalahad dito ang karapatan laban sa paglilitis. D. Ipinapahayag nito ang karapatan na madama ang kaginhawahaan.

6. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)


Kabalikat ng karapatang ito ay ang prinsipyo ng isang nakasuhang
mananatiling inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.
A. Tunay na inosente ang nasasakdal na may prinsipyo. B. Kabalikat ng taong nakasuhan ang kanyang prinsipyo.
C. May kabalikat ang taong nakasuhan lalo kung inosente. D. May proteksyon ang nasasakdal hangga't hindi nasisiguro ang sala.
7. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)
A. Hatid nito ang isang balita. B. Gusto nitong magbigay ng aral.
C. Nais nitong magbigay ng kaalaman. D. Hangad nitong magbigay ng pananaw.
8. Ano ang ginamit ng sumulat ng seleksyon upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
A. Binanggit ang pinagmulan ng paksa. B. Nakasaad ang mga suliranin ng paksa.
C. Tinalakay ang sanhi at mga bunga ng paksa. D. Nagbigay ng mga halimbawa tungkol sa paksa.
9. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical) Ito ay makikita sa __________________ ng seleksyon.
A. gitna B. simula C. katapusan D. simula at katapusan
10. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon?(Critical)
A. Pagkilala sa Ating Karapatan B. Mga Halimbawa ng Karapatan
C. Mga Dulot ng Sibil na Karapatan D. Sibil na Karapatan sa Malayang Bansa
B. Ang Hukbong Paggawa ng Pilipinas

Ang hukbong paggawa ng ating bansa ay binubuo ng mga taong may edad na 15 taong gulang pataas.
Itinuturing silang may sapat nang lakas, kasanayan, at kakayahan sa paggawa o produksyon. Ngunit hindi lahat ng
saklaw ng edad na 15 taon at pataas ay kasapi ng hukbong paggawa. Kabilang nito ay ang mga kabataang nag-aaral,
mga inang hindi naghahapbuhay, yaong may mga kapansanan, mga matatanda na at hindi na naghahanapbuhay, o ang
mga nagretiro na sa paghahanapbuhay.
Nahahati sa iba’t ibang pangkat ang hukbong paggawa ng Pilipinas. Nariyan ang sector ng agrikultura,
industriya, serbisyo, at propesyonal. Karamihan sa mga kasapi ng hukbong paggawa sa mga sektor na nabanggit ay
gumagamit ng lakas-bisig sa paggawa.
Subalit hindi lamang ito ang gamit sa produskyon. Nakatutulong ding higit ang lakas-isip na nakukuha sa pag-
aaral at pagsasanay. Ang mga nagtatapos sa pag-aaral ng kusa ay maaaring pumasok ng trabaho bilang mga
propesyonal na doctor, guro, inhinyero, abogado, accountant, at iba pa.
Hindi lamang sa loob ng bansa matatagpuan ang mga manggagawang Pilipino. Mula noong taong 1975 ay
mabilis na ang pagtaas ng dami ng mga migranteng Pilipinong naghahanapbuhay sa ibang bansa. Karaniwang trabaho
nila ay bilang nars, caregivers, seaman, domestic helpers, manggagawa sa konstruksyon, at kahit pa bilang mang-aawit
at mananayaw.
Bilang ng mga Salita: 212
(Inocencio, et. Al Pilipinas: Ugat ng Lahing Pilipino 6 (2006). Wizard Publishing Haws, Inc. Tarlac, Tarlac)

11. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa hukbong paggawa? (Literal)


A. mga matatandang nasa opisina B. retiradong patuloy na nagtatrabaho
C. mga mag-aaral na gumagawa ng aralin D. mga inang tumutulong sa paghahanapbuhay
12. Alin sa sumusunod ang sinasabi ng seleksyon tungkol sa hukbong paggawa? (Literal)
Lahat sila ay _______________________________ .
A. walang pagod sa paghahahanapbuhay B. walang tigil ng pagpapalakas at pagsasanay
C. nangangarap maghanapbuhay sa ibang bansa D. may kasanayan at kakayahan na makibahagi sa produksyon

13. Alin sa sumusunod ang HINDI kasama sa lakas-bisig sa paggawa? (Paghinuha)


A. doctor B. hardinero C. karpintero D. mangingisda
14. Ano ang kahulugan ng pangungusap sa loob ng kahon? (Paghinuha)
Nakukuha ang lakas-isip sa pag-aaral at pagsasanay

A. Nasasanay ang nag-aaral na mag-isip. B. Nahahasa ang kaisipan sa pag-aaral.


C. Nararapat na sanayin ang takbo ng pag-iisip. D. Mauunawaan ng nag-iisip ang pinag-aaralan
15. Sino sa sumusunod ang HINDI kasama sa hukbong paggawa? (Paghinuha)
A. isang pari na nagmimisa B. isang dyanitor na may sakit
C. isang pulis na makikita sa lansangan D. isang musmos na nagtitinda ng sampagita sa kalye
16. Saan matatagpuan ang pangunahing ideya ng seleksyon? (Critical) Ito ay makikita sa ____________ ng seleksyon.
A. gitna B. simula C. katapusan D. simula at katapusan
17. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Critical)
A. Hatid nito ang isang balita. B. Gusto nitong magbigay ng aral.
C. Nais nitong magbigay ng kaalaman. D. Hangad nitong magbigay ng ibang pananaw.
18. Ano ang ginamit ng may-akda upang ipaabot ang mensahe nito? (Critical)
A. Binanggit ang pinagmulan ng paksa. B. Nakasaad ang mga solusyon ng paksa.
C. Tinalakay ang sanhi at bunga ng paksa. D. Nagbigay ito ng mga halimbawa sa seleksyon.
19. Alin sa sumusunod ang isa pang magandang pamagat para sa seleksyon? (Pagsusuri)
A. Lakas-Bisig ng ating Bansa B. Mga Manggagawa ng Ating Bayan
C. Mga Suliranin ng mga Manggagawa D. Pinagmulan ng Hukbong Paggawa sa Pilipinas
20. Ano ang pangunaking ideya na tinalakay sa seleksyon? (Paghinuha) Tinalakay sa seleksyon ang ______________.
A. mga problema ng hukbong paggawa B. uri ng pamumuhay ng hukbong paggawa
C. iba’t ibang halimbawa ng hukbong paggawa D. mga pagsasanay at mga paghihirap ng hukbong paggawa

You might also like