Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

COURSE MODULE Don Carlos Polytechnic College

MODULE WEEK NO.7-8

Purok 2, Poblacion Norte, Don Carlos, Bukidnon


Telephone Number: 088-226-2651

College of Education/Teacher Education Department


FIL 3 (BEED): Introduksyon sa Pamamahayag
Semester of A.Y. 2020-2021

Introduksiyon
Ang pahinang pampalakasan ay isa sa mga pinakabasahing bahagi ng pahayagan dahil sa mga
akdang punong-puno ng aksyon at emosyon ng mga manlalarong karaniwang hinahangaan at iniidolo ng
Rationale
mahiligan sa isports.

Sa modyul na ito tatalakayin ang pagsulat ng mga akdang pampalakasan, at pagwawasto ng


kopya at pag-uulo ng balita.

Intended Learning Outcomes

A. Nalalaman ang kahalagahan ng pagsulat ng akdang pampalakasan at pagwawasto ng


kopya at pag-uulo ng balita
B. Nakasusulat ng ulo ng balita mula sa ibibigay na mga pamatnubay
C. Nakagagawa ng sanaysay

Activity
Gawain: Gumawa ng sanaysay patungkol sa pagsulat ng mga akdang pampalakasan.
Diskusyon

MODYUL SA FILIPINO
FIL. 3 INTRODUKSYON SA PAMAMAHAYAG

Pagsulat ng mga akdang Pampalakasan

Mga Saklaw ng Akdang Pampalakasan


Ang pahinang pampalakasan ay hindi lamang sumasaklaw sa mga balitang pang-isports,
kundi naglalaman din ito ng mga akdang lathalain, panitikan, editoryal, kolum at kartung editoryal
na pang-isports.

Mga Katangian ng Balitang Pampalakasan


1. Karaniwang sumasagot sa mga tanong na Ano, Sino, Saan, Kailan, Bakit at Paano.
2. Naglalarawan ng kapana-panabik at maaksyong pangyayari sa loob ng palaruan kung ang
sinusulat ay laro-sa-larong balita.
3. Ginagamitan ng makukulay ng mga salita, pang-uri, tayutay, katutubong kulay at
1
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8
mahahabang pangungusap na hindi ginagamit sa pagsulat ng tuwirang balita.
4. Ginagamitan ng tanging talasalitaan o sports lingo

Mga Uri ng Balitang Pampalakasan


1. Paunang balita. Ito ay nagbabalita ng napipintong laro o labanan.
Karniwang itinatampok dito ang mga sumusunod:
a. Kahalagahan ng laro – eksibisyon, eliminasyon, kampeonato at ang nakalaang premyo
b. Kasaysayan ng paglalaro o labanan
c. Mga manlalaro at mga tagaturo
d. Kalagayang pisikal at mental ng mga manlalaro
e. Kalakasan at kahinaan ng bawat manlalaro o koponan batay sa mga nakaraang laro
f. Pook na pagdadarausan ng laro
g. Katangi-tanging pangyayari na maaaring ilakip sa balita
h. Panahon at kung paano ito maaaring makaapkto sa laro
i. Mga inaasahang manonood
j. Mga pananalita ng tagaturo at mga manlalaro

2. Laro-sa-larong balita. Inilalahad dito ang mga kaganapan sa aktwal na laro o labanan.
Itinatmpok nito ang mahahalagang bahagi ng laro tulad ng mga sumusunod:

a. Kinalabasan ng laro – nnalo, iskor ng bawat koponan, patas, pagkahinto bunga ng kaguluhan
at iba pa
b. Kahalagahan ng kinalabasan – nakalaang gantimpala o kampeonatong laro
c. Natatanging bahagi ng laro – dahilan ng pagkapanalo ng isang koponan, see-sawing na iskor
at ang huling garambolahan
d. Paghahambing ng kalakasan at kahinaan ng mga manlalaro sa bawat koponan
e. Mga namumukod tanging manlalaro o manlalarong nagpakita ng katangi-tanging kakayahan
at kung paano niya naipanalo ang labanan
f. Kalagayan ng panahon – mainit o maalinsangan, umuulan, maputik, mahangin, maalikabok
at iba pa
g. Mga manonood – dami, kilos nila kasali na rito ang mga kilalang tao na nanood din sa laro

3. Balitang batay sa tala. Ito ay balitang nakalap mula sa talaan ng mga kinauukulan tungkol
sa palaro. Maaaring ito ay kabuuang balita mula sa iba’t ibang laro na ginanap o labanan na
maaaring may karugtong pa sa hinaharap.
4. Balitang panubaybay. Ito ay pag-aanalisa ng katatapos na laro tulad ng mga manlalarong
nasaktan at mga aspetong sikilohiko ng laro, mga kaguluhan sa teknikalidad ng laro,
estadistika at kahalagahan ng mga ito.

kaayusan ng Laro-sa-larong Balitang Pampalakasan

A. Pamatnubay. Karaniwang nagbibigay ng buod sa laro at sumasgot sa tanong na Ano, Sino,


Saan, Kailan, Bakit at Paano. Maaari ring gamitan ng makabagong pamatnubay, ngunit dapat
pa ring taglayin nito ang pinakatampok na bahagi ng laro, iskor o kinalabasan, pook na
pinagdausan at petsa ng paglalaro.

Tatlong pamamaraan sa Panimula ng Laro-sa-larong Balitang Pampalakasan


1. Namumukod-tanging laro. Ang panimulang ito ay ginagamit kung ang pagkapanalo ng
2
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8
koponan ay bunga ng sama-samang pag-aambag ng lahat ng manlalaro at walang isa man sa
kanila ang nagdodomina na namumukod-tangi para maipanalo ang laro.
2. Namumukod-tanging manlalaro. Ginagamit ang panimulang ito kung mamy isang
manlalarong nakagawa ng katangi-tanging ambag na ikinapanalo ng koponan.
3. Paanalisang Panimula. Ginagamit ito kung ang pinakamabisang anggulo ng paglalarawan
ng laro ay sa pamamagitan ng namumukod-tanging pamamaraan na ginamit ng koponan o
manlalaro upang maipanalo ang laban.

B. Katwan ng Balita. Nagtatampok ng mga detalye ng laro na iniayos ayon sa kahalagahan ng


mga ito tulad ng mga sumusunod:
1. Kapana-panabik na bahagi ng laro na siyang dahilan ng pagkapanalo o pagkatalo ng isang
koponan
2. Kahalagahan ng laro tulagd ng pagiging daan nito para sa kampeonatong laro at pagkakamit
ng gantimpalang nakataya
3. Sariling tala ng manunulat ukol sa manlalaro at tagaturo
4. Obserbasyon ng manunulat ukol sa dami at reaksyon ng mga manlalaro at kalagayan ng
panahon
5. Tuwirang sabi ng mga manlalaro, tagaturo at mga manonood
6. Estadistika at katayuan ng koponan

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Balitang Pampalakasan

1. Alamin ang mga tuntunin ng laro


2. Alamin ang kakayahan ng bawat manlalaro batay sa kanilang nakaraang laro
3. Dumalo sa kanilang mga pagsasanay
4. Alamin ang kakayahan ng mga tagaturo at mga manlalaro
5. Pagmasdang mabuti ang laro
6. Maging tumpak sa pag-oobserba
7. Suportahan ng opinyon ang mga datos
8. Maging timbang at walang bayas
9. Maging orihinal
10. Gumamit ng mga sports lingo
11. Sa laro-sa-larong balitang pampalakasan, gawin ang sumusunod;
a. Maging maaga sa pagpunta sa palaruan
b. Kunin ang wasto at kompletong pangalan ng bawat kalahok
c. Umupo sa bahaging nakikitang mabuti ang kaganapan
d. Tantiyahin kung gaano karami ang nanonood at ang mga prominenteng taong naroroon
e. Ilarawan ang panahon na maaring makaapekto sa laro
f. Kapanayamin ang tagaturo o mga manlalaro ng nanalo o natalong koponan
g. Tiyakin ang kawastuhan ng sariling talang iskor mula sa opisyal na tala

Pagwawasto ng Kopya at Pag-uulo ng Balita

Ang Pagwawasto ng kopya at pag-uulo ng balita ay gawain ng isang espesyalistang editor


upang lalong mapabuti at mapaganda ang istorya at magiging karapat-dapat na magkaroon ng
espasyo sa pahayagan.

Mga Gawain ng Editor sa Pagwawasto ng Kopya


3
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8
1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo
2. Ang akdang ililimbag ay may wastong gramatika at pagbabaybay ng mga salita
3. Mgawasto ng kamalian ng mga datos batay sa khalagahan nito
4. Tinitiyak nito kung mabisa ang pamatnubay na ginagamit sa akda
5. Pumutol o magkaltas ng di-mahalagang datos
6. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang winawasto ay balita
7. Magpalit ng mga salitang mahirap maunawaan ng karamihang mambabasa
8. Mag-alis ng mga salitang walang kabuluhan tulad ng bangkay na di na humihinga, hawak ng
kamay, pasan sa balikat at iba pa
9. Sinusunod nito ang istilo ng pahayagan
10. Tinitiyak nitong Malaya sa anumang libelong pamamahayag ang akda
11. Tinitingnan nitong ang akda ay may mabisang istilo at ulo
12. Sumusulat ng ulo ng balita at nagpapasya sa tipograpiya.
13. Magbigay ng tagubilin sa tagapaglimbag ukol sa laki at tipong gagamitin, kolum at bilang ng
ems.

Mga Dapat Tandaan sa Paghahanda ng Kopya


1. Makinilyahin ang kopya sa doble at tripleng espasyong 8 ½ at 11 pulgadang papel. Ito ay
upang may masulatan ng mga pagwwasto at pagbabago ng kopya.
2. Sa itaas na kaliwang sulok ng papel, mga isang pulgada mula sa pinakaitaas, isulat ang iyong
pangalan at gabay na slug. Ang slug ay karaniwang isa o dalawang salitang kumakatawan sa
pinakanilalaman ng balita. Halimbawa, balyena para sa balita tungkol sa balyenang
sumadsad sa baybay-dagat at kidnap para sa balitang tungkol sa kidnapping.
3. Simulan ang pagsulat ng istorya mga tatlo hanggang apat na pulgada mula sa pinakaitaas ng
pahina at maglagay ng isang pulgadang palugit sa kaliwa at kanang bahagi ng papel. Ang
malaking palugit sa itaas ay para sa tagubilin para sa typesetter at sa ulo ng balita. Ang isang
pulgadang makinilyadong kolum na laki sa pahayagan.
4. Lagyan ng lima hanggang 10 espasyong palugit sa simula ng bawat talata.
5. Wakasan ang bawat pahina sa talata. Huwag putulin ang talata at ituloy sa kasunod na
pahina. Ang dahilan nito ay maaaring mapunta sa ibang istorya ang karugtong ng talata.
6. Kung ang istorya ay sobra sa isang pahina, sulatan ng “pa” sa ibaba at ituloy ang istorya sa
ikalawang papel. Huwag gamitin ang likuran ng pahina.
7. Sa halip na sulatan ng ikalawang pahina, labelan ito ng “unang dagdag” o “Dagdag isa” at
susundan ng slug. Halimbawa, “Unang dagdag, kidnap.”
8. Lagyan ng markang dobleng krus o sharp (#) o bilang na 30 ang wakas ng istorya bilang
panapos.
9. Matapos makompleto ang istorya, iwastong mabuti sa pamamagitan ng lapis ang mga mali.
Gamitin ang mga pananda sa pagwawasto ng kopya.
10. Kung hindi gaanong mabasa ang kopya dahil sa maraming pananda at dagdag, imakinilyang
muli kung mayroon pang panahon. Ang maruming kopya ay mahirap iwasto, nagpapatagal
sa typesetting at maaaring magbunga ng mga kamalian sa pag-imprenta ng teksto.

Mga Pananda sa Pagbabantas


 Tuldok
 Tutuldok
 Tuldok-kuwit
 Tuldok-padamdam
 Kuwit
4
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8
 Tandang pananong
 Pamukas na panipi
 Kudlit
 Panaklong
 Gitling
 Gatlang

Mga Katangian ng Mabisang Editor sa Pagwawasto ng Kopya


1. Malawak na kaalaman sa wika
2. Mahusay sa gramatika at pagbaybay
3. Malawak ang kaalaman sa talasalitaan
4. Mahilig magbasa
5. Maraming alam sa pangkalahatan at kasalukuyang impomasyon
6. Alam ang batas tungkol sa libelo
7. Kabisado ang mga pananda sa pagwawasto ng sipi
8. Metikuloso

Pag-uulo ng Balita
Ulo ng balita ang tawag sa pamagat ng balita. Ito ay nakalimbag sa mas malalaking tipo
ng titik kaysa sa teksto nito.
Mga Gamit ng Ulo ng Balita
1. Buuin ang balita
2. Tumulong sa pagpapaganda ng pahina
3. Bigyang-diin ang kahalagahan ng balita
4. Tagapag-anunsyo ng nilalaman ng ballita

Mga Uri ng Ulo ng Balita


1. Banner – ulo ng pinakamahalagang balita na may pinakamalaking mga titik at pinakamaitim
na tipo at matatagpuan sa pangmukhang pahina.
2. Streamer – ulo ng balita na tumatawid sa kabuuan ng pangmukhang pahina.
3. Binder – ulo ng balita na tumatawid sa itaas ng panloob na pahina.
4. Payong – isang streamer na matatagpuan sa itaas ng pangalan ng pahayagan.
5. Kubyerta – bahagi ng banner na nagtataglay ng maliit na titik at naiibang tipo kaysa sa
unang ulo.
6. Subhead – isang pantulong na pamagat na ginagamit upang mabigyan ng espayo ang
mahabang istorya.
7. Kicker,tagline o teaser – isang maikling linya na inilagay sa kaliwa o sentrong itaas ng
pinakaulo ng balita, may maliit na tipo at may salungguhit.
8. Hammer – kung ang kicker o tagline ay malaki kaysa sa ulo ng balita.
9. Nakakahong ulo o boxed head – ginagamit upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng
balita o maaari ring gawing panghiwalay sa dalawang magkalinyang ulo ng balita o
tombstone heads.
10. Talong ulo o jump head – ulo ng karugtong na istoryang hindi natapos sa pahinang
kinalimbagan dahil sa kakapusan ng espayo.

Mga Anyo ng Ulo ng Balita


1. Pantay-kaliwa. Ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay
ng mga unang titik sa kaliwa.
5
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8

Halimbawa:
2 sundaling bihag,
pinalaya na ng NPA

2. Pantay-Kanan. Ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay
ng mga hulihang titik sa kanan.

Halimbawa:
edukasyong pang-agham,
isinusulong ng DepEd

3. Dropline. Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang linya na ang mga kasunod na linya ay may
palugit sa bawat linyang sinundan.

Halimbawa:
Timpalak-kagandahan, kalinisan
ng barangay, inilunsad ng LGU

4. Hanging indention. Binubuo ito ng mahigit dalwang linya kung saan ang mga kasunod
sa unang linya ay may pantay na palugit.

Halimbawa:
Taguring terorista
sa CPP-NPA, hadlang
sa Peace talks -Joma

5. Baligtad na piramide. Ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang iniayos na


parang piramide.

Halimbawa:
Senator Pimentel, kakalas
na sa posisyon

6. Crossline o barline. Ito ay isang linyang ulo ng balita na maaaring sumakop ng dalawa
o tatlong kolum.

Halimbawa:
Roxas, pinuri ng pamunuan ng industriyang tuna

7. Flushline o full line. Binubuo ito ng dalawa o mahigit pang magkasinghabang linyang
pantay sa kanan o kaliwa.

Halimbawa:
Habambuhay na Kulong,
sa nanghalay na vendor
6
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8

Mga Dapat Tandaan sa Pag-uulo ng Balita


a. Basahin ang istorya upang makuha ang pangkalahatang kaisipan
b. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan sa pag-ulo
c. Ang mga salitang gagamitin sa pag-ulo ay karaniwang nasa pamatnubay
d. Gamitin ang pinakamaikling mga salita sa pag-ulo
e. Gamitin lamang ang tuldok-padamdam kung kinakailangan
f. Isulat ng numero o kaukulang salita nito ayon sa pangangailangan ng espasyo. Gamitin
ang M at B sa milyon at bilyon.
g. Iwasan ang nagbabanggaang ulo o dalawang ulo ng balitang magkalinya at may
magkasinlaking tipo.
h. Huwag maglagay ng tuldok sa katapusan ng ulo ng balita.
i. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita. Simulant ito sa simuno at huwag sa
pandiwa.
j. Huwag gumamit ng mga pantukoy sa panimula.
k. Huwag paghihiwalayin ang mga tambalan o mga salitang magkaugnay.
l. Gamitin ang kuwit (,) bilang pamalit sa at.
m. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng isang panipi lamang. Ngunit kung
ang pingkunan nito ay inbinigay, huwag nang lagyan ng panipi. Lagyan na lamang ng
gatlang ang huling titik ng ulo at ibigay ang apelyido o dinaglat na pangalan ng kilalang
taong nagsabi.
n. Ang unng titik lamang ng ulo at ng mga tanging pangalan ang ilimbag sa malaking titik
o. Gamitin lamang ang mga kilalang daglat tulad ng halimbawa ng RP para sa republika ng
Pilipinas, GMA para sa Gloria Macapagal Arroyo at ibapa.
p. Huwag magtapos sa pang-angkop, pantukoy o pag-ugnay sa dulo ng linya.
q. Huwag bumanggit ng pangalan maliban kung ang tao ay kilala.
r. Iwasan ang opinyon sa ulo ng balita.
s. Iwasan ang masaklaw na pagpapahayag.
t. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.
u. Gumamit ng mabisa at makatawag-pansing pandiwa.
v. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol sa layon nito.

Mga Tuntunin sa Pagpapasya ng Laki ng Ulo ng Balita


Ang laki ng ulo ng balita ay karaniwang nagbibigay ng ideya kung gaano kahalaga ang
isang istorya. Narito ang mga alituntunin sa pagpapasya ng laki ng ulo ng balita:
1. Ang isang maikling apat na pulgadang istorya ay isang kolum lamang. Ang isang kolum na
ulo ng balita ay nangangailangan ng isa o tatlong linya ng mga salita depende sa haba ng
teksto. Subuking gumamit ng dalawang linya, 24 points na tipo ng titik.
2. Ang mga apat hanggang anim na pulgadang istorya ay maaaring ilagay sa isa o dalawng
kolum. Gumamit ng tipong mula 24 hanggang 30 points sa isa o dalawang linyang mga
salita.
3. Ang mga anim hanggang 12 pulgadang lalim na istorya ay maaaring kolum na ulo ng balita
at maaaring gumamit ng 36 points o mahigit pang tipo depende sa lapad ng ulo ng balita.

Panuntunan sa Acronym
Ang acronym ay salitang binuo mula sa mga unang titik o pantig ng ibang salita. Narito
ang mga dapat tandaan sa acronym.
1. Kapag ang acronym ay binubuo lamang ng dalawa o hanggang apat na titik, lahat ay isusulat
7
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8
sa malaking titik tulad ng WHO para sa World Health Organization at MILF para sa Moro
Islamic Liberation Front.
2. Sa acronym na mahigit sa apat na titik, unang titik lamangnito ang isusulat sa malaking titik
tulad ng Asean para sa Association of Southeast Asian Nations at Unicef para sa United
Nations International Children’s Emergency Fund.
3. Kung pantigan ang ginawang pagbubuo ng acronym. Uanang titik lamang ng pantig ang nasa
malaking titik tulad ng DepEd para sa Department of Education, GenSan para sa General
Santos at SoCCSKSarGen para sa South Cotabato-Cotabato-Sultan Kudarat-Sarangani-
General Santos.
Pamamaraan sa Pagsulat ng Ulo ng Balita

Pagkatapos makabuo ng ideya para sa ulo ng balita, ang kasunod na hakbang na gawain ng
editor ng kopya ay kung paano ito pagkasyahin sa nakalaang espasyo sa pahina.

Halimbawan ng tagubilin: 3 – 18 TNRB

Ang unang bialang na 3 ay para sa ulo ng balita na pagkakasyahin sa tatlong kolum sa pahina. Ang
bilang na 18 ay para sa laki ng tipo na gagamitin. Ang TNR naman ay para sa tipong Times New
Roman at ang B ay nangangahulugang bold o maitim o maitim na tipo ng titik. Ang dalawang linya
ng ulo ng balita. Ganito ang magiging halimbawang ulo ng balita nito:

Eksport ng langis ng niyog


Isusulong ng BIMP-EAGA

Kung lalagyan ng kiker o panimulang ulo ng balita, lalagyan lamang ng guhit-pahilis pagkatapos ng
B at isulat ang salitang kiker tulad ng nasa ibaba:

Halimbawa ng tagubilin na may kiker: 3 – 20 TNRB/Kiker

Narito ang maaaring halimbawang ulo ng balita kung susundinang tagubilin sa itaas;

BIMP-EAGA
Eksport ng langis ng niyog, isusulong

Exercise

Gawain: Sumulat ng ulo ng balita mula sa sumusunod na mga pamatnubay ayon sa hinihinging uri
at bilang ng dek at kolum.

1. Limang katao ang iniulat na nasawi habang 30 pasahero ang nasugatan matapos bumaligtad
at nagpagulong –gulong ang sinakyang dyip kahapon ng umaga sa Dumarao, Capiz.
(dalawang dek, dalawang kolum at pantay-kaliwa)

2. Dahil sa pagsabog ng makina ng MV Butuan Bay kamakailan ay nag-isyu ng Cease and


Desist Order (CDO) ang pamunuan ng Maritime Industry Authority (MarinA) para sa
pansamantalang “itali” ang dalawa pang pampasaherong barko na pag-aari ng Gothong
Lines. (isang dek na may kiker, dalawang kolum at crossline)

8
Crafted by Mariel Bandada
COURSE MODULE MODULE WEEK NO.7-8

3. Isang pulis na miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency(PDEA) ang umano’y


nagpakamatay matapos na makita itong wala nang buhay sa rooftop ng nasabing tanggapan
at may tama ng bala sa sentido kahapon ng madaling araw sa Lunsod ng Quezon. (isang dek
tatlong kolum at crossline)

Assessment
Gawain: Gumawa ng sanaysay patungkol sa pagwawasto ng kopya at pag-uulo ng balita.

Reflection

Kung walang pagwawasto ng kopya at pag-uulo ng balita, ano ang magiging apekto nito sa mga
mambabasa?

Resources and Additional Resources

 Gelly E. Alkuino (Pampaaralang Pamahayagan sa Nagong Henerasyon) 2008

9
Crafted by Mariel Bandada

You might also like