Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ULAT UKOL SA PAGKAUNAWA SA NAKATALAGANG BABASAHIN Iskor:

Pangalan: Villaplaza, Mark P. Kurso/Taon/Pangkat: BSME – 1C Petsa: 04/16/2020

Paksa 2: Mga Kontrobesiya at Magkakatunggaling Pananaw sa Kasaysayan ng Pilipinas

(One Past BUT Many Histories)

Unang Pangulo: Aguinaldo vs. Bonifacio

May-akda:

Ang pelikulang ito ay hinango sa akda ni Heneral Emilio Aguinaldo na "Mga Gunita ng
Himagsikan". Hindi lihim sa lahat na si Heneral Emilio Aguinaldo, ang unang presidente ng Republika ng
Pilipinas at isa sa mga namuno at nanguna sa himagsikan laban sa mga espanyol at mga amerikano na
sumakop at umalipin sa bansang Pilipinas.

Paunang kaalaman ukol sa paksa:

Ang paksang ito ay tungkol sa buhay ni Heneral Emilio Aguinaldo at ang mga paghihirap na kaniyang
dinanas upang maipanalo ang digmaan laban sa Espanya na kasalukuyang nananakop sa Pilipinas noong
mga panahong iyon. Siya ay sumali at naging miyembro ng Katipunan at nagkaroon ng ngalan na
Magdalo.

Mga Mahahalagang Konsepto o teoryang Lumutang sa Babasahin:

Sa panunuod din ng pelikulang ito makikita na talagang ang mga Pilipino ay nahaluan ng mga ugaling
hindi likas sa pagiging isang Pilipino. Pagtataksil, paghahangad ng mas mataas, at pang-hahamak sa iba
ay tila ngayo'y naging isang pamana na sa salin-lahi at sa mga susunod pang henerasyon. Ang maganda
lamang, ang mga Pilipino ay nagkakaisa parin sa kalayaang nais.

Sumunod ay ang madaling paglinlang ng mga Amerikano sa mga bansang Pilipinas at ang hindi pagiging
maagap at handa ng mga Pilipino.

Sintesis ng Binasang Akda:

Ang pelikula ay patungkol sa naging buhay ng unang pangulo ng bansang Pilipinas. Heneral Emilio
Aguinaldo ang kanyang ngalan. Ito ay ginampanan ni Jeorge "E.R." Estregan. Ipinakita sa pelikulang ito
ang naging karanasan ni Emilio Aguinaldo kung gaano kahirap at kalupit ang kanyang naging buhay dahil
sa pagiging malupit na pamumuno ng mga Kastila at Amerikano.

Ipinakita rin ang pagbabaliktanaw sa kabataan ni Emilio Aguinaldo na siya'y naging kolektor ng buwis
kasama ng kanyang kaibigan at ginabayan o binalaan sila ng isang manghuhula sa kanilang magiging
buhay sa susunod na mga panahon. Ayon sa matandang manghuhula, si Emilio Aguinaldo "Miong", ang
kanyang buhay ay tatagal at magiging hari o pinuno. Ngunit madaming magtatangka na agawin ang
kanyang pamumuno. Sa kanyang kaibigan, ayon sa matandang manghuhula ay isang bala lang ang
tatapos sa kanyang buhay.
Ang pakikipaglaban ni Emilio Aguinaldo sa mga kastila ay isang madugong laban. Ito ay upang
ipagtanggol ang kanyang mga kasamahan at kanyang mga nasasakupan na kasama niya sa
pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan ng Pilipinas laban sa malupit na kastila na sumakop sa
bansa. Pinaghandaan nila Emilio Aguinaldo ang pagmamartsa papuntang Sultran. At ang naging halalan
kung sino ang mamumuno sa Pamahalaang Himagsikan.

Si Emilio Aguinaldo ang inihalal na Presidente sa Pamahalaan ng Himagsikan. Ito ay pinaka-nakikita sa


pagsasalarawan ng desisyon na patayin ni Bonifacio bilang isang desisyon na ipinilit kay Aguinaldo. Ito ay
isinagawa para sa kapakanan ng rebolusyon.

Sa kanyang dedikasyon sa unang Republika sa gitna ng paksyonalismo na laganap sa mga heneral at


kabinete, ipinapakita nito, na sa halip na isang maniniil na inagaw lang ang pamumuno ng rebolusyon,
siya rin ay naging biktima ng sunod-sunod na pagtataksil, mula sa mga Amerikanong nangakong
tutulungan siya sa pagkalaya ng Pilipinas mula sa kanyang sariling mga tao na ginamit ang kanyang
pangalan para makahiganti sa kanilang mga personal na away. Hindi ito nakakagulat dahil ang El
Presidente ay pinukaw sa memoirs ni Aguinaldo mismo.

Mga bagay na nangangailangan ng Paglilinaw:

Una, kung ipinawalang bisa ni Bonifacio ng mga panahong iyon ang halalan ay bakit naging opisyal pa rin
ang pagiging pangulo ni Aguinaldo?

Ikalawa, ayon sa ibang historian ay bolo ang ginamit upang patayin si Bonifacio ngunit sa pelikula ay baril
ang ginamit sa pagpatay dito.

At ikatlo, ang ipinakitang pagpatay kay Heneral Antonio Luna.

Mga Bagong Bagay na Natutuhan sa Bababasahin:

Nang matapos kong mapanood ang pelikulang El president, aking napagtanto na napakaraming
pagsubok ang kanilang pinagdaanan. Marami ang nagsakripisyo at nagbuwis ng buhay para sa
pakikipaglaban laban sa mga traydor o di mapagkakatiwalaang mga tao sa mga pangyayari noong mga
panahon na iyon. Bago natin nakamit ang Kalayaan, sobra-sobrang paghihirap ang kanilang naranasan;
maraming dumanak ang dugo at namatay. Sa huli, ang pelikulang ito ay magandang hakbang para sa
sining ng Pilipino: sa kabila ng masasabing pangit na paggawa sa pelikulang ito, masasabing nakakalikha
ito ng matinding diskusyon tungkol sa kasaysayan natin; masasabing makakalikha ito ng panibagong
interes sa kasaysayan ng ating bansa.

You might also like