El Fili Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 19

“EL FILIBUSTERISMO”

WHOLE BOOK SCRIPT

Kevin Rogem C. Baladad

IV- Isaac Newton

Mimaropa Regional Science High School


UNANG TAGPO

Tagpuan: Sa isang bapor na nagngangalang Tabo. Kakikitaan ang bapor ng iba’t ibang
uri ng tao. May mayayaman, mahihirap, kawani ng pamahalaan at iba pa. Ang bapor ay
patungong Laguna mula Maynila. Ilan sa mga lulan ng bapor ay anng mga
prayle/reverendos, si Isagani, ang mamamahayag na si Ben Zayb, si Donya Victorina,
isang mag-aalahas na nagngangalang Simoun, at si Basilio. Sa ilalim ng kubyerta ng
bapor makikitang naguusap si Isagani, Basilio at Kapitan Basilio.

Kapt. Basilio: Kamusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Tulad ng dati, ayaw paring magpagamot ni Kapitan Tiago.

Kapt. Basilio: (pailing na sumagot) Noong mga bata pa kami nila Kapitan Tiago, wala
pa ang droga na iyan. Hindi ko rin lubos maisip kung saan ba nagmula ng masamang
gamut na iyan.

Isagani: Mawalang galang na po, ngunit ang opyo ay isang uri po ng halaman. Ito ay
hindi isang gamot na katutuklas pa lamang, at hindi rin isang halamang katutubo pa
lang sa ganitong kapanahunan, hindi ba, Basilio?

Basilio: Sang-ayon ako sa sinabi mo kaibigan. (palihim na napangiti sa sinabi ng


kasama)

Kapt. Basilio: Sa pagkakatanda ko, mayroon ngang opyo noon. Tama meron nga!
Ngunit ito’y hindi gaanong napapansin dahil abala nag marami sa pag-aaral. Maiba
ako, kamusta na nga pala ang itinatatag ninyong Akademya ng Wikang Kastila?

Basilio: Handa na po ang lahat. May mga guro na po at handa na ring pumasok ang
mga mag-aaral.

Kapt. Basilio: Mabuti kung ganoon. Sana’y magtagumpay kayo sa inyong plano. Paano,
mauna na ako sa inyo. Kailingan ko ng pumunta sa itaas. Maiwan ko na kayo.

(Pag-alis ni Kapitan Basilio ay siya naming pagdatinng ng mag-aalahas na sa Simoun.)

Simoun: Magandang araw sa inyo. Basilio, ikaw ba ay pauwi na at magbabakasyon?

Basilio: Ganoon na nga po G. Simoun.

Simoun: at sino naman ang iyong kasama? Kababayan mo ba siya?

Basilio: Hindi po Ginoo, ngunit magkalapit lamang ang aming bayan. Bakit Ginoo, hindi
pa po ba kayo nakakarating sa bayan nila?
Simoun: Sadyang hindi ako nagtutungo sa mga lalawigan dahil ang mga tao doo’y hindi
naman bumibili ng mga alahas, sa aking palagay ay dahil sa mahihirap ang mga tao
doon.

Isagani: Sadyang hindi lamang kami bumibili nang mga gamit na hindi naman naming
kailangan.

Basilio: Ipagpaumanhin ninyo G. Simoun, kami’y mauuna na sa inyo. Ang tiyo ng aking
kasama ay naghihintay na sa amin doon sa may dakong hulihan.

IKALAWANG TAGPO

Tagpuan: Bisperas ng Pasko ngunit si Basilio ay lulan ng isang kalesa patungo sa


bahay ni Kapitan Tiago sa bayan ng San Diego. Inabutan nila sa daanan ang prusisyon
ng iba’t ibang santo. Si Kapitan Tiago ang tumulong kay Basilio upang makapagaral ng
medisina. Sa tuwing uuwi sa Basilio sa San Diego, lagi niyang binibisita ang libingan
ng kanyang ina. Ngunit isang gabi, isang di inaasahang sikreto anng nalaman ni
Basilio.

Basilio: Si G. Simoun! Ngunit anong ginagawa niya dito sa libingan ng aking ina?

(Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina
noon, may labingtatlong taon na ang nakakalipas, isang lalaking nagngangalang
Crisostomo Ibarra ang inabutan niya sa gitna ng gubat. Dito’y pinakiusapan siya nito
na tulungang sunugun ang bangkay ng isang di niya kilalang lalaki.)

Basilio: May maitutulong po ba ako sa inyo, G. Simoun?

(Gulat na liningon ni Simoun ang tinig.)

Simoun: Anong ginagawa mo sa gubat na ito?

Basilio: Kung inyo pong magugunita, sa mismong pook ding ito tayo nagtagpo may
labing tatlong taon na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang
pakikiramay, at kung hindi ako nagkakamali, kayo si Crisostomo Ibarra. Si G. Ibarra,
na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na!

(Kinasa ang rebolber at itinutok kay Basilio.)


Simoun: Isang nakmamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong
ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil ditto ay maaari kang masawi sa aking
kamay?

Basilio: Iba ang pagkakakilala ko sa inyo G. Simoun.

Simoun: Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin.
Ang maaaring pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti!
Sa plano kong matagal ko nang pinaghandaan!

Basilio: G. Simoun! Noo’y hinatulan kayong filibustero at dahil doo’y kayo’y


napakulong, muli ba ninyo itong hahayaang mangyari?

Simoun: Walang ibang nakakaalam nito maliban sa ating dalawa. At kung mawawala ka
sa aking landas ay mananatili itong isang lihim. Madaling palabasin na napatay ka ng
mga tulisan sa loob ng gubat na ito.

Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.

Simoun: Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang
dakilain ang isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga
Pilipino laban sa mga mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagaptuloy ang
kanyang nasimulan. Hindi ko akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa
lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi
pinakikinggan!

Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang
Kastila ay hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod
ng tuluyan sa mga Pilipino.

Simoun: Isang pagkakamali!Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin


natin ang wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wiakng ito ang ating mga
karapatan! Ang ating mga pagkatao!

Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.

Simoun: Sa simula pa lamang, akin nang nasaksihan ang inyong lupon. Ang mga
kabataang naghahangad na itatag ang Akademya. Ilang bese ko na ring tinangkang
lapitan si Macaraig, o si Isagani, upang ihayag sa inyo ang mga pagkakamali ng inyong
binabalak, ngunit alam kong hindi kayo makikinig at inyo lamang iisipin na ako’y
nasisiraan ng bait. Ngunit, narito na sa akin ang pagkakataon. Hahayaan kitang
mabuhay, Basilio. Kahit na alanm kong ang nakataya ditto ay ang katuparan ng aking
mga plano. Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabya nating isakatuparan
ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!

Basilio: Salamat sa pagtitiwala G. Simoun, ngunit ako man ay may mga pangarap din.
Gusto kong makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na duktor.

Simoun: at ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang
masaya ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na
lamang bang hahayaan ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na
tinatapakan ng mga taong siya mismong pumatay sa kanila?

Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kayak o bang silang iapglaban
gayong ako mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay.
Hindi maaaring hukayin ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyanng bangkay at
pagkatapos ay mangbintang nang kung sino-sinong kastila.

Simoun: At kung ibibigay ko sa’yo ang aking tulong?

Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na sinag magagawa.
Hindi na kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid.
Hayaan na natin silang matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking
paghihiganti.

Simoun: Pareho lamang tayo ng karanasan Basilio. Ganyan din ako noon. Ipinagwalang
bahala ko ang lahat. Ngunit, sa pagwawalang bahala na ito, ikaw pa ang masama! Ikaw
pa ang kanilang kamumuhian!

Basilio: Ako pa ang kanilang kamumuhian sa kabila ng mga ginawa nila sa akin?

Simuon: Natural lamang sa tao na magalit sa kanyang nasaktan. Lumalalim na ang


gabi. Bumalik ka na sa inyo. Basilio, hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim,
dahi kahit ihayag mo iti’y tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon nam, kkung
sakaling magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.

(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun a kanyang


kinatatayuan.)

Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! mamatay anng mahihina at matira
nag mga malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay.
Kaunting tiis na lang.
IKATLONG TAGPO

Tagpuan: Sa bahay ni Macaraig nagtipon-tipon ang mga estudyanteng kasama sa


grupo na naghahangad mapatayo ang Akademya ng Wikang Kastila. Ilan sa mga ito ay
si Sandoval, ang estudyanteng mahilig manalumpati, si Isagani, ang makata, si
Pecson, na puro pag-aalinlangan, at si Pelaez,ang anak ng isang Kastilang
mangangalakal. Hinihintay na lamang nila ang pagdating ni Macaraig upang ibalita sa
kanila ang tungkol sa akademya. Nag-uusap ang mga mag-aaral kung sa palagay ba
nila ay papayagan ng mga prayle ang kanilang mga mungkahi. Tanging si Pecson
lamang ang nag-iisip ng negatibo sa grupo. Nasa gitna ng paguusap anng mga mag-
aaral ng dumating si Macaraig dala ang isang magandang balita.

Macaraig: Kaninang umaga ay nakipagkita ako kay Padre Irene, at nabanggit niya sa
akin na sa Los Banos daw pinag-usapan ang lahat. Ang lahat daw ay tutol. Ngunit
hinayaan na nila na ang Kataas-taasang Lupon ng Paaralang Primarya ang mag-
desisyon.

Pecson: Ngunit hindi naman kumikilos ang lupong iyan!

Macaraig: Yan din ang aking sinabi kay Padre Irene. Ang sabi niya’y si Don Custodio,
isang sangguni ngn lupon ang magdedesisyon.

Pecson: Papaano kung laban sa atin ang desisyon?

Macaraig: Sinabi ko ri iyan kay Padre Irene at ang sabi niya sa akin ay ganiti,
“Malaki na ang atin tinamo, nagawa na natin na ang ating kahilingan ay maiumang sa
isang kapasyahan.” Sinabi ni Padre Irene na kung tayo’y makikipagkilala kay Don
Custodio ay magagawa nating hilingin ang kanyang pagsang-ayon.

Sandoval: Sa papaanong paraan naman tayo makikipagkilala sa kanya?

Macaraig: Dalawang paraan ang sinabi sa akin ni Parde Irene.

Pecson: Ang intsik na si Quiroga!

Sandoval: Ang mananayaw na si Pepay!

Isagani: Tignan pa natin ang isang paraan. Maaari naming si G. Pasta an gating
lapitan.

Sandoval: Ang abugadong hinihingian ng payo ni Don Custodio?


Isagani: Oo, siya nga. Isa siyang kamag-aral ng aking amain. Ang problema lang ay
kung papaano natin siya lalapitan upang pakiusapan si Don Custodio na paburan tayo.

Macaraig: hindi ba’t si G. Pasta ay may kalaguyong isang mananahi.

Isagani: Wala na bang ibang paraan bukod sa paghahandog ng kanilang mga


kalaguyo?

Pelaez: Huwag ka na ngang maarte! Isipin mo na lang ang kaginhawaang magagawa


noon. Kilala ko ang babae, si Matea.

Isagani: Hindi naman siguro masama kung atin munang susubukan ang mga paraang
hindi mahalay tignan. Kakausapin ko si G. Pasta. Kung ako’y hindi magtatagumpay,
tsaka natin gawin ang ibang paraan.

Macaraig: Marahil ay tama si Isagani. Kung gayoon, hintayin natin ang resulta ng
pakikipag-usap niya kay G. Pasta.

IKAAPAT NA TAGPO

Tagpuan: Nagpakitang muli si Simoun kay Basilio upang anyayahan itong sumama sa
binabalak nitong paghihimagsik.

Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Mahina nag pulso, walng ganang kumain. Kumalat na ng tuluyan ang lason sa
kanyang katawan.

Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo
binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal a bayan. Sa loob
lanmang ng isang oras, magsismula na ang himagsikan, at bukas ay wala nang mga
unibersidad, wala ng mga mag-aaral at magpapahirap. Naparito ako dahil sa dalawang
bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng umaapi sa iyo o sa
panig ng iyong bayan?

Basilio: Sa panig ng umaapi o sa panig ng inaapi? Hindi ko alam.

Simoun: Magpasya ka! Kailangan mo nag mag-desisyon, dahil ako ang namumuno sa
pagkakagulo. Ipakikiusap ko sayo na samantalahin mo ang pagkakataon. Pamahalaan
mo ang isang hukbo at lubusin ninyo ang Sta. Clara. Kukunin mo ang isang taong
tanging ikaw lamang ang nakakakilala bukod kay Kapitan Tiago, si Maria Clara.

Basilio: Huli na kayo!

Simoun: Anong ibig mong sabihin?

Basilio: Si Maria Clara ay patay na!

Simoun: Patay? Hindi! Papaanong nangyari ito?

Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang
makibalita nang sabihin nila sa akin ang lahat. Pagbalik ko ay isang lliham mula kay
Padre Salvi na ipinaaabot kay Kapitan Tiago ang dala ni Padre Irene. At dahil na rin
sa sulat na ito kung kaya’t nanangis ang Kapitan.

Simoun: Hindi maaari ito! Hindi pa siya patay! Buahy pa si Maria Clara! Ililigtas ko
siya ngayon!

Basilio: G. simoun, huminahon kayo. Wala na tayong magagawa liban sa tanggapin ang
katotohanan.

Simoun: Namatay siya nang hindi man lamang nalalamang ako’y buhay! Namatay siya
nang hindi nalalaman na ako’y nagbalik para sa kanya!

(At si Simoun ay umalis nang parang wala sa kanyang sarili.)

Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis siya ng napakahabang


panahon para sa kanyang iniibig. At eto ang kanyang nakuhang ganti. Sadyang
nakakapanghina nang damdamin.

IKALIMANG TAGPO

Tagpuan: Sa isnag pansiterya na nagngangalang Pansiteria Macanista de Buen


Gusto. Ang mga estudyante ay nagtipon-tipon dahil sa pare-pareho silang masasama
ang loob pagkat sila’y nabigo sa kanilang panukala ukol sa pagtatatag ng Akademya
ng Wikang Kastila.

Lahat ng mga estudyante: Luwalhait kay Don Custodio sa kaitaasan at pansit sa lupa
sa mga binatang may magagandang kalooban!
Estudyante 1: Bakit hindi pinaburan ni Don Custodio ang ating hiling?

Macaraig: Walang nakakaalam niyan.

Estudyante 2: Diba’t marami na siyang tagumpay? Bakit tayo’y hindi man lamang niya
hinayaang magtagumpay? Mabuti naman an gating layunin.

(Nang biglang dumating si Tadeo; si Sandoval ay kumakain.)

Tadeo: Alam niyo na ba? Ang mag-aalahas na si Simoun ay ginulpi ng mga di


nakilalang mga tao. At ayaw daw nitong magsalita! Marahil ay nagbabalak maghiganti.
Sabi ng ilan sa bayan, mga prayle daw ang may kagagawan.

Sandoval: sino ba naman sa atin ang may interes sa nangyari sa mag-aalahas na walng
ibang nais kundi samsamin ang mga salapi ng mga Pilipino. Tena kayo! Ang sarap ng
mga pagkain.

(Hindi pa nagtatagal nang dumating si Isagani)

Macaraig: Mabuti at nakarating ka. Si juanito na lang pala ang wala.

Tadeo: Sana’y si Basilio na lang an gating inanyayahan sa halip na si Juanito.


Mukhang wala itong balak pumunta.

Sandoval: Oo nga naman. Bakit nga ba hindi na lamang si Basilio an gating


inanyayahan?

Tadeo: Isa pa, kapag nalasing natin si Basilio ay maaari pa tayong makakuha nang
ilang detalye tungkol sa isang bata at isang mongha na nawawala.

(Lumipas ang ilang minuto nang kanilang paghihintay kay Juanito ay wala pa ito. Kaya
minabuti na nilang kumain. Habang nagkakainan ay nagkatuwaan ang mga mag-aaral.)

Tadeo: Para kay Don Custodio ang “panukalang sopas”.

Sandoval: Kay Padre Irene naman ang lumpiang shanghai at ang tortang alimango ay
sa mga prayle.

Macaraig: Pansit guisado naman para sa bayan. Dahil katulad nang pansit ng mga
Intsik, tayo ang tumatangkilik pero sila ng nakikinabang. Tulad n gating pamahalaan
ngayon.

Isagani: Hindi! Dapat ialay ang pansit kay Quiroga, isa sa pinaka-makapangyarihang
tao sa Pilinas!
Estudyante1: Dapat ay sa Eminencia Negra, kay Simoun!

(Nagpatuloy ang kasiyahan nila nang biglang)

Tadeo: Tignan ninyo! Hindi ba’t iyon ang paboritong estudyante ng Vice Rector?

Isagani: Masdan ninyo’t sa karwahe ni Simoun ito sumakay!

Macaraig: Ang busabos ng Vice Rector na pinaglilingkurang panginoon ang Heneral!

IKA-ANIM NA TAGPO

Tagpuan: Maagang gumising si Basilio upang dalawin ang mga pasyente niya sa
ospital at upang asikasuhin ang mga papeles na kanyang kakailanagnin sa kanyang
pagtatapos sa Unibersidad. Pinaplano niyang lapitan si Macaraig upang humiram ng
kaunting halaga na kanyang gagamitin sa kanyang pagtatapos. Ang lahat kasi ng
kanyang naipon ay nagugol niya sa pagtubos kay Huli at sa kanilang titirhan ng
kanyang lolo, si Tandang Selo. Naglalakad si Basilio patungong unibersidad.

Basilio: Bakit kaya sarado ang mga paaralan? Ano kaya ang nangyari.

(Nagpatuloy si Basilio sa kanyang paglalakad nang kanyangn makasalubong ang isa sa


kanyang mga propesor.)

Propesor1: Basilio, anong ginagawa mo ditto?

Basilio: Akin po sanang dadalawin ang mga pasyente ko at aasikasuhin ko rin po ang
mga papeles ko para sa aking pagtatapos.

Propesor1: matanong lang kita, kasama ka ba ng mga mag-aaral kagabi sa piging?

Basilio: Hindi po. Ako’y inanyayahan ngunit hindi ako nakapunta dahil po kailangan
kong bantayan si Kapitan Tiago.

Propesor1: Mabuti kung ganoon. Pero, inanyayahan ka kamo? Kasapi ka bas a kanilang
organisasyon?

Basilio: Ako’y nagbayad lamang po ng para sa kasapian.

Propesor1: Ganoon ba? Kung ako sa iyo ay uuwi na lang ako at sunugin o sirain ang
anu mang kasulatan o katibayan na maaaring magdawit sa iyo.
Basilio: Saglit lang po! May kinalaman po ba ang mag-aalahas na si Simoun sa mga
nangyayari?

Propesor1: Ang Eminencia Negra! Wala! Hindi mo ba nabalitaan na si Sinoun ay


nagpapahinga ngayon dahil may mga di kilalang tao ang sumugat sa kanya.

Basilio: May mga sangkot po bang mga tulisan?

Propesor1: Wala. Panay estudyante lamang. Makikita mo sa unibersidad ang mga


paskil na puro paghihimagsik ang laman.

Basilio: Ganoon po ba? Maraming salamat po. Mag-iingat po kayo.

Propesor1: Ikaw din.

(Pinagpatuloy ni Basilio ang kanyang paglalakad ng kanyang makasalubong ang


propesor niya sa Patolohiya.)

Basilio: Magandang umaga po Propesor!

Propesor2: Magandang umaga din. Ay! Kay sama ng mga paskil sa loob! Iyo na bang
nakita?

Basilio: Hindi pa po.

Propesor2: Siya nga pala, si Kapitan Tiago ay matanda na. nariyan na at nilalapitan na
siya ng uwak at buwitre. Iyo siyang bantayan ng mabuti.

Basilio: Makaka-asa po kayo.

(Ipinagpatuloy niya nag paglalakad. Naisip niya bigla ang sinabi ni Simoun sa kanya
nang huli silang magkita.)

Basilio: Natitiyak ko! Winika niyang kapag kami’y tumiwlag ay hindi kami
makakatapos! Marahil ay may kinalaman siya dito!

(Habang patuloy na naglalakad ay kanyang nakita si Sandoval.)

Basilio: Teka! Si Sandoval iyon. Sandoval! Sandoval! Dito! Sandoval!

(Ngunit hindi siya pinapansin ni Sandoval at tila bingi ito. Nakasalubong naman niya
si Tadeo.)

Tadeo: Basilio! Nabalitaan mo na ba?


Basilio: Ang alin? Ang tungkol bas a mga paskil?

Tadeo: Hindi! Matagal daw mawawalan ng pasok! Akalain mo iyon! Sige ha, mauna na
ako sa iyo.

Basilio: Akala ko naman kung bakit siya masaya. Juanito! Mabuti at nakita kita. May
itatanong lang sana ako sayo tungkol sa mga paskil na sinasabi nila.

Juanito: Wala! Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon!

Basilio: Teka, huminahon ka. Namumutla ka na o.

Juanito: Wala akong kinalaman Basilio! Alam mo iyon! Wala akong kinalaman! Isang
sibil! Paalam Basilio, may kailangan pa akong puntahan.

Basilio: Ano ba ang nangyayari? Wala naman akong mapagtanungan. Isagani! Mabuti
naman at nakita kita. Maaari mo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari?

Isagani: Bakit ganoon? Dahil lang sa isang maliit na pangyayari ay masisira ang
samahan nating lahat? Ganoon ba kababaw ang lahat ng atin pinagsamahan? Ngayon
lang ba may makukulong nang dahil sa kanyang pagtatanggol sa kalayaan?

Basilio: Sino ba anng may kagagawan ng mga paskil? Bakit ganoon kasasama ang
nakalagay?

Isagani: Hayaan nating sila na ang umalam. Kung nasaan ang panganib, doon tayo!
Naroon ang karangalan ng isang Pilipino. Kung ang sinasabi ng mga paskil ay tungkol
sa karangalan, hayaan natin ito at pasalamatan.

(Iniwan ni Basilio si Isagani. Alam niyang mali ang sinasabi nang kanyang
kaibigan.patuloy siyang pumunta sa bahy ni Macaraig. Sa labas pa lamang ay hinarang
na siya ng dalawang tanod.)

Basilio: Naparito po ako upang makipagkita sa aking kaibigan na Macaraig.

(Ilang sandal ay lumabas si Macaraig kasama ng kabo.)

Macaraig: Marangal na pagkatao! Sa oras nang kaginhawaan ay wala ka ngunit


ngayong kayo’y kailangan naming ay naririto kayo at handing sumuporta.

Kabo: Ano ang pangalan mo binata?

Basilio: Basilio po.

Guardia Civil: Narito ang kanyang pangalan sa listahan.


Kabo: Dakpin rin siya at isama sa himpilan.

Basilio: Saglit lang, bakit pati ako?

Macaraig: Huwag kang mag-alala. Ibabalita ko na lang sayo ang nangyari sa hapunan
kagabi habang nasa sasakyan tayo.

Basilio: Ako’y napadaan lang dahil ako sana ay mannghihiram nang kaunting halaga
sayo.

Macaraig: Huwag akng mag-alala. Kapag atyo’y nanumpa, aanyayahan natin ang
kabong ito.

IKA-PITONG TAGPO

Tagpuan: Tuluyang nakulong ang mga estudyante na kasapi sa grupong naghahangad


na matatag ang Akademya ng Wikang Kastila, ngunit nakalaya din dahil sa nalakad
ang mga kaukulang papel maliban kay Basilio, dahil walang maglalakad ng kanyang
papel dahil si Kapitan Tiago ay namayapa na. karamihan sa mga estudyante ay hindi
pumasa sa eng serbisyo sibil. Si tadeo naman ay tuwang-tuwa dahil sinunog ang lahat
nang mga aklat at sila ay pinauwi para sa isang mahabang bakasyon. Si Juanito naman
ay tinuruan na lamang ng kanyang ama kung paano mangalakal. Si Macaraig naman ay
nagtungo ng Europa. Si Isagani ay nakapasa sa asignaturang pangmadlang
pagpapahayag ngunit bagsak sa iba. Dinaan namn ni Sandoval sa pagtatalumpati kung
kaya siya ay nakapasa. Sinubukan ni Huli, ang kasintahan ni Basilio na pakiusapan si
Padre Camorra na palayain ang kanyang kasintahan ngunit ito pa ang nagging dahilan
ng kanyang kamatayan. Hindi rin nagtagal ay pinasya ni Paulita, ang maganda at
mayamang kasintahan ni Isagani, na magpakasal. Ngunit hindi sa binata kundi kay
Juanito Pelaez. Buwna na ng Abril at laganap na ang balitang kasalan. Si Simoun
naman ay nais nagdaos ng isang piging dahil siya ay lilipad na pabalik ng Espanya.

Ben Zayb: Natitiyak kong isang magarbong handa ang iyong ihahandog G. Simoun.

Simoun: Iyon nga sana ang aking balak ngunit wala naman akong malaking lugar upang
pagdausan ng isang malaking piging.

Ben Zayb: Sayang naman pala. Di sana’y kayo na lang ang nakabili ng bahay ni Kapitan
tiago at hindi sana napunta kay Don Timoteo Pelaez ng libre. At ngayon! Ikakasal ang
kanyang anak sa mayamang si Paulita Gomez!
Simoun: Ganoon talaga, may mga tao talagang swerte.

Ben Zayb: Kung sa bagay. Mabuti na ri at si Juanito ang kanyang pakakasalan kaysa
naman sa isang hamak na makatang si Isagani! Marunong din mag-isip ang babae.
Alam niyang hindi niya kaya ang buhay mahirap.

(Mabilis na lumipas ang oras. Araw na ng kasal ni Paulita kay Juanito. Nakalaya na rin
si Basilio. Agad na tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun.)

Basilio: Isa akong masamang anak at kapati G. Simoun. Nakalimutan kong piñata ang
aking kapatid at pinhirapan ang aking ina. Ngayo’y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala
na akong nararamdaman kundi galit ant paghihiganti.

(Hindi kimubo si Simoun.)

Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y
nakulang kahit wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas
nang dahil sa inyo. Ngayon, handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.

Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga
desisyon, dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahlia
para umatras. Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y magtatagumpay.
Magsasabog ako ng kamatayan sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama’y gigising sa
mga kabataan sa gitna ng dugo.

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang
kanyang mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratory ay makikita
ang isang lampara na may kakaibang hugis.)

Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?

Simoun: Hintayin mo.

(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat


nanitrogliserina, isang pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Basilio: Dinamita!

Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak,
mga kagagawang walang katwiran at mapang-api. Nagyong gabi, makakarinig ng
pagsabog ang Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang
parusahan!
(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna
ng handaan. Napkaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang.
pagkaraan ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang
mitsa, sasabog ang bomba!

Basilio: Kung gayoo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at
iba pang kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang
Tales sa Sta. Mesa. Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga
mamamayan ay nanaisin na ring lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila
sa bahy ni Quiroga dahil doon nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni
Kabesang Tales ay susubukang agawin ang tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina!
Ang lahat ng hindi handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang
magsimula muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang
bagong lipunan na kahit kalian ay hindi na magpapa-api!

Basilio: At anon a lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?

Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!

Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin
nila ito o hindi? Bakit ko kailangang linagpin ang mundong kalian man ay hindi
lumingap sa akin!

Simoun: Tama ka!

(Inabot ni Simoun ang isanng rebolber kay Basilio.)

Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi.
Lumayo kayo sa Daangn Analoague sa alas-nuwebe.

Basilio: Kung gayyo’y magkita na lamang tayo mamaya.

(At tuluyan nanng umallis si Basilio.)


IKA-WALONG TAGPO

Tagpuan: Alas-siyete na ng gabi. Nagsimula nang dagsain ng mga panauhin ang bahay
ni Kapitan Tiago, na pagdadausan ng kasal nila Paulita at Juanito. Ang pagdating ng
Kapitan Heneral na lamang ang hinihintay upang magsimula ang pista. Sa harap ng
bahay ay naroon si Basilio at nagmamasid.

Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman


sila. Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.

(Papalapit na siya sa bahay.)

Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kng mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain
ang pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa looba ng
pumatay! Sinubukan kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may
hangganan din!

(Nakita niya nag pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral
ay isa si Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran
ng mga taong mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)

Basilio: Hindi sila dapat madamay!

(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)

Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!

Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyang suot mo!

Basilio: Papasukin ninyo ako!

(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)

Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!

(At tuluyan nangn umalis si Simoun)

Basilio: Ililigtas na niya ng kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.

(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan,


patungo sa pista.)

Isagani: Anong ginagawa mo dito?

Basilio: Isagani! Tara na! umalis na tayo dito!


Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang
makita.

Basilio: Gusto mo na bang mamatay?

Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano
mang oras ngayon! Tara na!

Isagani: Bukas ay iba na siya….

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.

(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay
nagkakainan na ang mga bisita nang may nakita silang papel.

Bisita1: Nakasulat dito, “Mane thecel, pares” – Crisostomo Ibarra.

Bisita2: Isang biro lang iyan!

Bisita3: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang
namayapa!

(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!

Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walng kwenta ang
ganyang biro.

Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?

(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)

Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.

Padre Irene: Isang saglit lamang.

(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa
lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!

(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang


lampara. Ilang saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)
IKA-SIYAM NA TAGPO

Tagpuan: Napagalaman ng lahat na si Simoun ang may kagagawan ng lahat.


Hinalughog ang kanyang bahay at nakita dito ang ilang armas at bulbura.
Pinaghahanap na siya ng mga sibil. Ayaw niyang magpahuli ng buhay kaya uminom siya
ng lason at nagtungo kay Padre Florentino upang mangumpisal.

Padre Florentino: Masama ban g inyong pakiramdam?

Simoun: Wala ito Padre, mawawala din ang lahat pagkaraan ng ilang sandal. Anumang
oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan.

Padre Florentino: Diyos ko!

Simoun: Huwag kayong matakot. Lumalalim na ang gabi. Nais kong ilahad sa inyo ang
aking lihim. Maaari mo bang sabihin sa akin kung totoong may Diyos?

Padre Florentino: Kahit saan tayo nagtungo nariyan ang Diyos.

Simoun: Padre, ayokong mamatay ng may dalang kasamaan!

(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling siya ng
Europa hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)

Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Alam niyang hindi mo ginsto ang
lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti. Kagustuhan Niyang lahat
anng nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya. Sapagkat
alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kalian man ay


hindi Siya naghangad ng masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang
nakakagawa ng dakila.

Simoun: Bakit ako ang pinarurusahan at hndi ang mga masasamang namamahala na
walang dulot kundi kasamaan?

Padre Florentino: kailangang alugin ang lalagyan para humalimuyak ang bango.
(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni
Simoun ang kamay ng pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florntino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa
talampas. Inihagis ni padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.

Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit kung


kakailanganin ka ng tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na
matuklasan ka sa sinapupunan ng alon. Pansamantala, diyan ka muna, hindi
makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng kasakiman.

***WAKAS***

You might also like