Ang wika ang pinakamahalagang bahagi ng komunikasyon sapagkat dahil
dito naipamamalas at naipauunawa ang nais ng isip tungo sa pagkatuto at pagsasakilos. Nilalayon ng wika na magkaroon ng pagkakaunawaan ang bawat gumagamit nito at mabigayan ng malinaw na pagpapakahulugan. Ilang Impormasyon sa Kalagayan ng Wikang Pambansa sa Kasalukuyan
1. Ang wikang pambansa ay patuloy na umiiral at pinapahalagahan sa
kasalukuyan; isang patunay dito ay ang pagiging bahagi nito sa kurikulum ng Sangay ng Edukasyon. Ang una hanggang ikatlong baitang ay sinasanay sa wikang pambansa upang magamit sa pagpapaunlad ng sariling kaalaman. Ang Sipnayan o Mathematics, MAPEH, at Science sa baitang isa hanggang tatlo na dati ay nasa wikang ingles ay inilimbag na sa sariling wika. Ang hakbang na ito ng sangay ng edukasyon ay patunay na ang wika ay patuloy na pinapangalagaan. 2. Kasabay ng pag-unlad, may mga modernong kagamitan tulad ng kompyuter at mga sulatin sa social media na nakalimbag sa wikang banyaga; ito ay hindi dahilan na ang Wikang Filipino ay ipinagwawalang bahala bagkus ito ay wikang mas nauunawaan ng buong mundo. Ang pagdaragdag ng wika ayon sa kahalagahan ng gamit nito ay tinatawag na pag-unlad ngunit kung ang isang wika ay binago at ginamit sa walang kabuluhan saka lamang masasabi na ang wika ay ipinagwalang bahala at pinabayaan. 3. Patuloy na ang Wikang Filipino ay pinauunlad at iniingatan, ang pagdiriwang nito tuwing buwan ng Agosto ay patunay na marami pa din mga Pilipino ang nagmamahal at nagbibigay pagpapahalaga sa wikang yumakap sa lahing Pilipino.