Report 8 Tulang Filipino

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

MASINING NA PAGSUSURI NG MGA PILING TULA SA FILIPINO

Ang pag-aaral na pinamagatang “Masining na Pagsusuri ng mga Piling Tula saFilipino” ay isinagawa
upang ipakilala at ipakita sa mga mambabasa na ang Panitikang Filipino ay maaaring maging tanglaw sa
pagsusuri at pagpapahalaga at pagpapahalagang mga tula.Hinanap sa pamamagitan ng masusing
pagsusuri o ng tiyak na kasagutan sa mgasumusunod na tanong:

1. Anu-ano ang uri ng tula ayon sa kaanyuan at layunin?

2. Ano ang magagandang kaisipan na nahahayag at nailalarawan sa bawat tula?

3. Anong mga katangian na nahayag ng bawat makatang pinag-aralan?

4. Anong implikasyon sa buhay ng mga mag-aaral at mambabasa ang mganatuklasan sa pag-aaral ng


mga tula?Dahil sa ang suliranin ng pag-aaral ay tumalakay sa mga katangian na nakapaloobsa tula, ay
gumamit ang mananaliksik ng pagsusuring pampanitikan at paraangpaglalarawan (descriptive
method).Lagom sa Paraan ng Pag-aaralNilikom ng mananaliksik ang lahat na kailangang materyal sa pag-
aaral. Ito aynagmula sa ibat - ibang aklat na ginagamit na sangguniang pampaaralan. Binasangmabuti
ang bawat tula, pinag-aralan at sinuri ang mga uri ayon sa kaanyuan at salig salayunin at hinanap din ang
mga katangian ng makatang sina Amado V. Hernandez atTeo S. Baylen sa pagkatha ng kanilang mga
panulat. Ang mga natuklasan sa pag-aaralay may implikasyon sa buhay ng mga mambabasa at mag-
aaral.Gumamit sa kanyang pag-aaral at pagsusuri ang mananaliksik ng pagsusuringpampanitikan at
palarawang pagsusuri.Sinuring mabuti ang mahahalagang bahagi ng tula upang makuha ang
sadyangpinag-uukulan ng mga halaga nito.

LAGOM SA NATUKLASAN URI NG TULA AYON SA KAANYUAN

Isang Dipang Langit

– Ito ay pandamdamin, sumusunod sa marangal na batas ng buhay,matapat at realistiko, sa buhay ni


Hernandez ay totoong nangyari.

Ang Panday

–Ito ay pandamdamin sapagkat may kaugnayan sa tunay na buhay ng tao,ang gawain ng panday

.Ang Buhay

–Ito ay pandamdamin. May damdaming nagpapataas sa kalagayan ng tao,makatotohanan. Hindi lahat


ng ibig ay makakamtan

.Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan

–Pandamdamin, nauugnay sa buhaykaranasan ng tao.

Ang Tao

–Tulang pandamdamin, may kaugnayan sa tototong buhay, nagsasaad ngdamdaming pansarili.

Laboratoryo at Dambana
- Tulang pandamdamin, mayaman sa paglalarawan, payak atmaiksi, ang pagkakaroon ng bukas na isipan
sa pagbabago at kababaan ngloob

Takip Silim at Lumang Lambat

–Tulang pasalaysay, naghahayag ng mga pangyayari sabuhay ng tao. Ang pag-aalala sa nakalipas ay
magpapahalaga sa buhay ng tao.

Ang Tuod na Tulay

–Tulang pandamdamin, naghahayag ng katotohanan sa buhay.Pakikibaka sa buhay na nangangailangan


ng pagtitiis, pagtitiyaga at kung minsankawalan ng pag-asa.

URI NG TULA AYON SA LAYUNIN

Isang Dipang Langit

– naglalarawan ng tunay na nangyayari sa buhay ng sumulat.Naglalahad ng aral.

Ang Panday

– mapaglarawan ng buhay, mapagpanuto, nagbibigay ng patnubay sabuhay.

Ang Buhay

– nagtuturo ng aral. Nagbubukas ng isipan na ang buhay ay may ibat-ibangkahulugan.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan

–naglalarawan ng kalikasan ng tao, ng paligidnito, ang paghihirap ng bayan, ng sambayanang Pilipino sa


kamay ng mga Kastila.

Laboratoryo at Dambana

–nagbibigay kabatiran sa wastong paggamit ng modernongteknolohiya at maging bukas ang isipan sa


anumang pagbabago.

Takip Silim at Lumang Lambat

– naglalarawan, mapagpanuto at gumagabay kung paanogamitin ang buhay na makabuluhan upang sa


panahon ng katandaan ay hindimakaramdam ng panghihinayang.Ang Tuod na Tulay

– nagbibigay ito ng aral at mga kabatiran sa buhay kung paanomamuhay ang tao sa mundo. Gumagabay
sa mambabasa ng mga dapat ikilos ogawin upang maging matatag ang sarili.

MAGAGANDANG KAISIPAN NA NAIHAHAYAG AT NAILALARAWAN SA BAWAT TULA

Isang Dipang Langit

–magtiis, magtiyaga, huwag lang palipin ang diwa at panitik.

Ang Panday

–sa kabila ng maruming kaanyuan ng panday, siya ay dakila sa bayan.


Ang Buhay

-hindi lahat ng naisin ng tao ay makakamtan, may ligaya at lungkot.

Kung Tuyo na ang Luha Ko, Aking Bayan

- nagtitiis hanggang makakaya, kung dumatingna ang sukdulan, ay gumaganting parang bulkang
sumasabog.

Laboratoryo at Dambana

–ang imbensyon ng tao kung hindi wasto ang paggamit aymagdudulot ng masaklap na kapahamakan.
Kababaang loob na tanggapin angpagbabago.

Ang Takip Silim at Lumang Lambat

–ang buhay ay parang pagmamalakaya, samut-saring karanasan ang mahihila sa dagat ng buhay na
lalong nagpapatingkad ngkulay sa tunay na kahulugan ng buhay.

Ang Tuod na Tulay

– huwag mawalan ng pag-asa, pagkat nasa huli ang pakinabang atmaging huwaran sa katatagan upang
maging inspirasyon ng mga taong nawawalanng pag-asa

You might also like