Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 184

The Virgin's First Night 4: The 13 Hell Shots

by BonitaBabyy

Sa mundo ng panghuhusga, may tao pa bang magtitiwala sa katulad ni Jackie? Isang


social climber, tirador ng DIRTY OLD MEN at taklesa. Ano nga ba ang dapat niyang
patunayan sa lalaking una pa lang ay hinusgahan na siya?

=================

TVFN 4: The 13 Hell Shots

A/N: RATED SPG po ang THE 13 HELL SHOTS

TEMA- LENGGWAHE - SEXUAL

The Virgin First Night: Book 4

THE 13 HELL SHOTS

Jacques Dimaguiba a.ka. Jackie.

-maganda at sexy

-charismatic

-social climber

-madiskarte sa buhay

-palaban

-taklesa

-balahura at bastos
-Kilala bilang tirador ng DIRTY OLD MEN.

-Isang ahente ng sikat na Real State Company na Crisostomo Corporation.

-Kinamumuhian ng lahat na babaeng katrabaho niya.

Paano nga ba niya didiskartehan ang pag-ibig? O kusa na lamang ba itong darating sa
kanya?

Paano nga ba niya haharapin ang mundo na puno ng panghuhusga? Dadaanin na lang ba
niya sa joke? O ipaglalaban ang dignidad niya?

Paano kung ang lalaking mahal pa niya ang mismong humuhusga sa pagkato niya?

Sa likod ng mga ngiti niya ano nga ba ang pagkataong itinatago ni Jacques
Dimaguiba?

Ano nga ba ang kayang baguhin ng 13 Hell Shots sa buhay niya?

=================

Chapter 1

RATED SPG po ang THE 13 HELL SHOTS

TEMA- LENGGWAHE - SEXUAL

 
*1 year earlier (Kakabalik lang ni Brooke ng makidnap, Hindi pa okay sina Bianca at
Lyndon, Masungit pa si Sheila)

Chapter  1

Naglalakad ako ngayon sa hallway papunta sa annual meeting ng department namin at


titignan ba kung naging mabenta kami ngayong buwan na'to. Siyempre ako na naman
panigurado ang employee of the month dahil sa galing kong magbebenta. Hindi ng
laman ah kundi ng mga bahay at lupa. Hahaha. Pumasok na ko sa loob ng opisina at
naupo na sa pwesto ko.

Inirapan lang ako ng matandang dalaga kong boss. Sus. Palibhasa ang ganda at sexy
ko. Diyosa ko sa kagandahan eh kinulang lang sa datung. Tinaasan ko lang siya ng
kilay at pinalobo yung chewing gum ko at pinaputok ito. Itinaas ko yung mga paa ko
sa lamesa at sumandal sa upuan ko. Ang boring lang ng mga ganitong kaartehan.
Nakakaimbyerna!

"Ms. Dimaguiba bakit hindi ka na naman naka-uniform?!!" angil ni gurang pero hindi
ko lang pinansin.

"I'm talking to you Ms. Dimaguiba!" tinignan ko lang siya na tinatamad. Kaingay
ingay!

"Ma'am ano akala niyo sakin estudyante at dapat mag-uniform? Kainit init kaya! Saka
di nila maappreciate yung sexy body ko pag tinago ko sa balot na balot ninyong
uniform. Make sense Ma'am! Duh!" maarte ko pang iniirap yung mga mata ko sa kanya.
Hahaha. Kapangit niya kasi lalo pag nagagalit akala mo constipated eh.

"Bastos talaga. Simulan na nga ang meeting!" sigaw niya sa lahat at naupo na sa
pwesto niya.
"As you can see mas lalong tumaas ang sales natin ngayong buwan. Thanks to Ms.
Dimaguiba katulad noong isang buwan siya na naman ay may pinakamalaking naipasok na
investment sa kompanya. Let's give her a round of applause." tumayo ako at kumaway
kuway pero puta! Wala man lang pumalakpak?! Peste! Napahiya beauty ko dun ah.

"OMG! Kaya lang naman mataas investments niya kasi pinapatulan niya yung mga
matatandang kliyente. Like Eeew!" sumama yung tingin ko sa mukhang sugpong babae na
kasamahan ko sa trabaho.

"True yan sister! Napaka low breeding talaga. Ginagamit pa yung katawan sa trabaho.
Ano akala niya sa kompanya prostitution?!!" aba mga punyeta ng mga 'to ah.
Nagbulungan pa eh rinig na rinig ko naman ang mga putangina. Ngumiti ako sa kanila
ng nakakaloko at tumayo.

Natahimik yung lahat sa pag-uusap noong tumayo ako sa kinauupuan ko at walang


kibong lumapit sa dalawang sugpong walang galang na pag-usapan ako. Nagtataka sila
ng lumapit ako sa kanila pero ngumiti lang ako at walang kaabog-abog na hinawakan
sila magkabilaang ulo at pinag-untog yung mga ulo nila. Pinagpag ko yung kamay ko
pagkabitaw ko sa kanila.

"OUCHHHHH!! ANG SAKITTT!"

"DAMN YOU JACKIE!!"

"PUTANGINA MO DIN!" sarkastiko kong sabi sa kanya.


"Teka hindi pa kasi ko tapos. Eto yung finale." iniluwa ko yung nginunguya kong
chewing gum at pinakat sa buhok nung isang sugpo. Buti na lang talaga wala ng lasa
yun. Hahahaha!

"EEWWWWW!! KADIRI! LAGOT KA SAKIN JACKIE!" humagalpak lang ako ng tawa at tumalikod
na. Sinipa ko yung silyang nakaharang sa daraanan ko.

"Makaalis na nga. Ang boring ng meeting niyo." iniwan ko silang mga nakamaang ang
bibig habang ako naman ay dire diretso na lang sa paglabas ng kwarto. Napamura na
lang ako ng may maalala ako.

"Hala putangina lagot na naman ako kay Brooke." nasabi ko sa sarili ko.

***

Masama na naman yung tingin sakin ni Brooke habang nandito ako sa opisina niya.
Malamang narinig na niya yung nangyari kanina. Mabait ‘tong si Brooke mahigpit nga
lang sa trabaho.

“Ibaba mo yan. Kape ko yan.” sita sa akin ni Brooke. Ang damot naman parang kape
lang! Sumimangot ako at ibinaba yung kape sa lamesa.

“Eh ang damot mo naman!” nakita ko na lang na napa-iling si Brooke. Ay nako!


Pagagalitan na naman niya ko.
“Napakatigas talaga ng ulo mo Jackie. Gusto mo bang isumbong kita kay She? Gumawa
ka na naman ng gulo sa meeting kanina sabi ng supervisor mo. Sinasabi nila na
porke’t kaibigan kita eh hinahayaan na lang kita.” malungkot na sabi sa akin ni
Brooke.

“Eh kasi naman nakakaasar sila! Ay nako talaga!” humalukipkip ako. Ako na lang lagi
nakikita nung mahadera kong supervisor.

“Umayos ka kasi. Oh ito yung new client natin.” inabot niya sa akin yung new
envelop at tinignan yung profile ng new client namin. Anankng! Gurang na naman
kliyente ko? Aba! Immune na immune na ko sa amoy lupa ah!

“Gurang na naman? Wala bang bagets na madatung diyan?” sabi ko at hinagis sa lamesa
yung envelop.

“Huy wag ka ngang choosy diyan! Mayaman yan! Malaki makukuha mong porsyento if
mabebentahan mo yan. May target siyang lupa sa Puerto Azul at madami pang iba! Oh
diba? Wag mo lang huhuthutan ah! Ikaw ah! Alam ko yang sideline mo!” ngumiti lang
ako ng nakakaloko kay Brooke at inabot muli yung envelop at muling tinignan yung
profile nung gurangers na lalaki. To be fair ang gwapo pa din ni manong! Mukang may
lahing Magellan! Bet ko ‘to! Money.Money.Money! Oh I love money! Hahaha.

“Sander de Vera. Pwede!! Gwapo kahit gurangers na! Baka naman may anak ‘tong gwapo?
Akin na lang.” tumawa lang si Brooke.

“Sabi nila may anak daw yan and kilala bilang napakakuripot. Hindi masyadong nag-
iinvest since hindi naman daw mahilig sa business.” patay malisyang sabi ni Brooke
habang kinakalikot yung camera niya.
“Bebentahan ko nga.” sabi ko at naglabas ng yosi. Kailangan kumita ng malaki para
sa boobs enlargement ni madir.

“Nang alin?!!” nagulat ako ng manlaki yung mga mata ni Brooke. Simula noong
nakidnap ‘tong si Brooke naging green minded na ata at magandang pangitain yun.
Hahaha. Lagi kasi siyang OP sa usapan namin ni Mareng Bianca. Hahaha.

“Gaga! Nang bahay at lupa siyempre alangan namang katawan ko ibenta ko dun? Alam mo
naman ako conservative masyado! Hahaha.” napatigil ako sa pagtawa ng dumating si
Sheila. Naku! Makasibat na siguradong bugbog na naman ang aabutin ko sa babaeng
‘to.

“Hoy Jacques ano na naman pinagsasabi mo diyan ha?!” sigaw sakin ni Sheila. Ang aga
naman mag menopause nito. Agad akong nag peace sign at kumaripas na agad ng takbo
sabay hablot nung envelop sa lamesa ni Brooke.

“Babayu!” sigaw ko pa.

***

Pagpasok ko pa lang sa tinutuluyan kong apartment eh naririnig ko na yung malakas


na atungal ng malandi kong nanay. Iniwan na ata ng jowa niyang British. Di na
nadala sa British yung malantod kong ina, ako na nga best example eh. Iniwan yung
nanay ko pagkabuntis. Tangina lang! Napailing na lang ako at pinuntahan kung saan
nanggagaling yung iyak ni motherhood kaso nanlaki yung mga mata ko sa nakita ko at
napasugod agad kay madir.

“MOTHER!!! WAG YANG T.V HINDI PA BAYAD YAN! UTANG NA LOOB UTANG YAN!” agad kong
pinigilan yung kamay ni mama. Ampota! Utang ko nga lang yung bagong T.V na yun may
balak pang basagin. Ano akala niya mayaman kami?!

“Iniwan na niya ko!! Huhuhu!! Maliit daw boobs ko anak! Sabi mo ipapa-Belo mo ko!
Nasan na?!!” nagkamot ako ng ulo at inayos yung T.V dun sa lalagyanan at hinarap si
mama.

“Eh pag nabentahan ko ‘tong si Mr. De Vera saka yung anak niya. Pag nagawa ko yun
pati puwet mo palalakihan ko din.” eto mahirap pag broken hearted nanay ko eh.
Nababaliw! Saka feelingera! Akala mo mayaman kung makapag basag ng kasangkapan!

“Talaga lang! Iniwan ako ng tarantado anak! Kaya ikaw humanap ka ng mayamang jowa.
Punyeta! Bakit mas malaki boobs mo sakin?!” biglang tumahan si mama at kinapa yung
boobs ko kaya naman napaiwas ako bigla sa kanya, inirapan ko na lang si mama at
pumunta sa ref para kumuha ng dalawang bote ng redhorse.

“Mabuti pa itagay mo na lang yan ma! Masisiraan ako ng ulo sayo!” naupo kami sa
lapag at sinimulan ng tunggain yung bote ng redhorse. Halata bang nanay ko ‘tong
nanay ko? Cool kami eh!

“Hay tanginang buhay!” sigaw ni mama sabay tungga sa redhorse.

“Marami pa namang papabols diyan ma! Buti ka nga boobs hanap sayo ng jowa mo!
Naalala mo ba yung jowa ko nung college? Yung iniyakan ko ng bongga!” tanong ko kay
mama sabay tungga sa alak ko.

“Sino yung Patrick na iniyakan mo?! Yung muntik ka ng tumalon sa Ilog Pasig?”
tumango ako at napaiyak na naman. Ayoko na talagang naaalala yung first heartbreak
ko eh. Putangina lang sa saklap. Hindi ko pa din matanggap yung reason kung bakit
kami nag break eh.
“Kalimutan mo na yun nak! Madami pang gwapo diyang lalaki. Buti nga magkaibigan pa
kayo nun eh.” niyakap ako ni mama at nag-iyakan kaming dalawa.

“Basta magpapalaki ako ng boobs. Huhuhu.” iyak ni mama.

“Basta maghahanap ako ng hot papa na madaming datung.” iyak ko din.

Kailangan ko na magbenta! Ng lupa!

To be continued...

Pasensya na po sa mga salitaan ni Jackie. Hindi siya si Jackie if hindi siya ganyan
ka-straight forward.

Naaliw ba kayo sa kanya? Mas maaaliw pa kayo sa mga kabaliwan niya sa next
chapters.

 Nasa side po si Jacques Dimaguiba ----->


=================

Chapter 2

RATED SPG!

TEMA-LENGGWAHE-SEXUAL

Chapter 2

“OMG ayan na naman siya! I’m outta here!” sabay irap sakin nung mukang hipon. Naupo
na lang ako sa cubicle ko at as usual itinaas ko yung mga paa ko sa desk kahit pa
nakapalda ako. Like hello?! Makikita lang nila pero di naman nila mahahawakan. Yan
motto ko!

“Eto na naman ako maganda pa din. Di katulad nung iba diyan.” patay malisya kong
sabi habang inaayos yung folders sa table ko.  Nakita ko na umismid yung si hipon
pero nginitian ko lang.

“Di katulad ng iba diyan. Maganda naman simula ulo mukhang paa.” dagdag ko pa at
tumayo na upang umalis.

“Hay nakakainis talaga siya!” rinig kong ngitngit na sabi ni hipon. Hahaha.
Ikinembot ko na lang yung pwet ko at lumabas na ng opisina para naman makarami ng
benta. Nang lupa!
Habang naglalakad ako eh nakasalubong ko yung ex ko na si Patrick o mas kilala sa
tawag na Patricia! Oo! Putangina! Bakla ang punyeta! Grabe iyak ko nung sa harapan
ko pa magladlad ang puta! Di ko talaga matanggap na pinagpalit ako tapos dun sa
crush ko pa! Hutana talaga eh! Gustong gusto ko ng magpakamatay nung nalaman ko
yung katotohanan. Kaya pala laging binabati yung pormahan ko nung college kami!
Tapos ngayon magulat gulat na lang ako may boobs na siya! At mas malaki pa sa boobs
ko ah! Naiiyak talaga ko pag naalala ko yung bigo kong pag-ibig.

“San naman ang rampa mo teh?” maarteng tanong sakin ni Patrick este Patricia pala.

“Rarampa. Hahanap ng papa!” sabi ko naman sa pinaarteng tono. Tinignan ko ang


mahaderang bakla at letse! Mas maganda ang outfit sakin. Pati ang nguso namamaga sa
pula ng lipstick. Hindi ko matanggap! Ex-boyfriend ko ‘to! Kaya pala di marunong
humalik si gago.

“Sama naman akez diyan! Bet ko yan!” ang landi!!

“Hoy bakla! Wag mo nga ako inaagawan ng spotlight!” namewang ako sa harap niya
sabay flip ng aking hair.

“Sus! Bitter ka pa din sakin teh? Wit kitang bet no! Gusto ko si papa Lyndon! Yung
hot papabols ni Ma’am Bianca.” aba pinagnasaan pa yung asawa ng kaibigan ko?! Ako
bitter?! OMG! Ang ganda ko lang kaya!

“Nonsense kang kausap! Makapagbenta na nga!”

“Ng?”
“Ng Lupa kasi!” angil ko sa kanya at nag walk out na.

***

Nandito ako ngayon sa isang bar sa gawing Malate. Hindi inuman ang habol ko dito at
hindi para maglandi. Nandito ako kasi nalaman ko na madalas si Mr. De Vera dito.
Yung matanda na yun nagbabar pa? Anakng! May asim pa si tatang! Madilim at maingay
sa loob ng bar pero keri lang ng kaseksihan ko yun. Narinig ko yung mga bastos na
lalaki na pumito ng dumaan ako sa gawi nila. 

“Hi boys!” mapang akit kong tawag sa kanila. Oh langya! Mga nauulol ang itsura.
Kadiri!

“Hi Sexy.” sabi naman nila. Ngumiti lang ako ng mapang-akit.

“Nakikita niyo ‘tong katawan ko? Ang sexy at hot diba?” animo naman sila mga tuta
na tumango at akala mo mga nauulol na aso. Ngumiti lang ako at umismid.

“Pwes maglaway kayo! Kapapanget niyo. Kahit pulubi di papatol sa inyo eh.” inirapan
ko sila at nagdiretso na sa paglalakad.

Absent ata si Mr. De Vera dito sa bar? Baka naman inatake ng rayuma? Hahaha. Anyway
balita ko dito nagtatrabaho yung anak niya, ay yung anak pala niya yung may ari
nitong bar. Sino naman kaya sa mga tao dito yun? Gwapo kaya yun kamuka ni De Vera
Sr.? Habang palinga linga sa paligid ay naupo ako sa may counter at hinahanap sa
kapaligiran yung batang De Vera. Teka? Pano ko nga ba mahahanap yun eh di ko naman
alam ang itsura nun? Tanga ko lang eh. Hinarap ko na lang yung lalaki sa counter
para umorder sayang naman ipinunta ko dito.

Ulalalala! Ulam! Ang gwapo naman ng bartender nila! Shit! Nakakauhaw! Ang gwapo!
Ang tangos ng ilong tapos mukhang may lahing Magellan. Oh so yummy! Kaso bartender
lang. Ano naman ililibre sakin nito? Alak? Ano makukuha ko ditong freebies? Basyo
ng bote ng alak? Tapos ibebenta ko sa bakal bote?

“May I take your drink Ms. Gorgeous.” ayun naman pala! Marunong mambobola itong si
papabol. Kinagat ko yung labi ko at nag lean sa counter.

“Isang martini nga pogi.” sabi ko.

“Okay. Give me a minute.” makalaglag bra! Ay naalala ko wala pala kong bra ngayon
kasi naka-backless ako so makalaglag panty pala. Sure naman ako na may panty ako.
Hahaha.

Pagkatapos nga ng ilang minuto eh naibigay na ni pogi yung martini. Sana siya na
lang pulutan! Hahaha. Ay teka virgin pa pala ko dapat di ako umaarte ng ganito pero
naman nakakaulol!

“Hoy pogi may kilala ka bang Mr. De Vera? Yung may ari nito?” tanong ko kay pogi.
Kumunot yung noo niya pero ngumiti ulit.
“Oo. Siya may ari nito. Bakit ano kailangan mo?” tanong din niya.

“Oh talaga? Ituro mo nga pagmumuka nun. Nasan kaya yung gagong yun?” luminga linga
ako sa paligid ko.

“Sino ka ba? Close ba kayo?” leshe naman! Andami namang tanong nitong si pogi
parang

tinatanong lang naman kung nasan yung amo niya eh. Maloko nga!

“Nabuntis niya ko! Bakit?!” sabi ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya
pero agad itong humagalpak ng tawa. Aba! The nerve!

“Ikaw?! Mabubuntis nun?! Lagi kaya yun nagcocondom! Hahaha! Saka papatulan ka
nun?!” aba! Gago na’to sinusubukan ako! Walang hiya kaya ako as in wala akong hiya.
Tumayo ako at sumigaw na maririnig ng lahat.

“Eh binutas ko kaya yung condom bago kami mag sex! Oh ano? Eh sabi na ngang
nabuntis ako ng may ari nitong bar!!! Nasan na ba kasi yung manager niyo?!!
Panagutan niya ‘tong dinadala ko!!” sigaw ko at nagsitigilan yung mga nagasasayawan
gayon na din yung tugtog. Lahat sila ay nakatingin lang sa akin at lalo na kay
poging bartender.

“Oh? Nabuntis siya ni boss?” narinig kong bulong nung isa.

“Grabe naman!” bulong pa ng iba. Nakita ko na galit na galit yung itsura nung
bartender. Affected much?!
“Oh ano ka ngayon?” ngumiti lang yung lalaki ng sarkastiko at tumitig na naman
sakin na galit na galit. Napaurong naman ako dahil sa nakakatakot niyang aura.

“Ako lang naman si Stanley De Vera.  Ang may ari ng bar na’to. Ang lalaking
sinasabi mong nakabuntis sayo.” nasamid ako bigla sa sinabi niya at nanlaki yung
mga mata ko.

I’M DOOMED!

to be continued...

A/N: Nasa gilid yung picture ni Jacques "Jackie" Dimaguiba. Ang kanyang pamatay na
kagat labi. Next update ko na ipopost picture ni Stanley De Vera. Baka malaglag daw
bra niyo. HAHAHA! Pasensya na talaga sa salitaan. 100 comments po sana para mag-
update na ulit. Masipag na ko gumawa ng back-up chapters eh. Hahaha!

Asahan ko comments/feedbacks niyo. :)

BONITABABYY
=================

Chapter 3

Chapter 3

I'm doomed!

Nakita ko yung mga galit sa mga mata niya, nakita ko yung mga tao sa paligid namin
na pinag-uusapan kaming dalawa. So, sikat nga siya dito kasi hindi lang siya basta
bartender kundi owner pa?!! Anak ng pitumpot't dalawang tupa! Bigla na lang ako
napatawa kahit tensyonado at nag peace sign sa mga tao dito sa bar.

"AY JOKEEEEEEEE!!! Hahaha! Asan ba yung camera?! Nasa Bitoy's Funniest Video kaya
tayo!! Hahahaha!" nawala yung ngiti ko nung nakita ko yung masasamang tingin nung
mga nasa paligid lalo na si Mr. Bartender.

"Putangina naman. Di ata nila alam yun." bulong ko sa sarili ko. Hay! Bakit ba kasi
kung anu-ano na lang lumalabas sa bibig ko eh! Baka maudlot bentahan namin. Pano na
yung boobs ni madir?! Hindi maaari! Bibili siya ng lupa sakin sa ayaw at sa gusto
niya!!

"Sumama ka sakin!" mariing sabi ni bartender na si Mr. Stanley De Vera daw na anak
ni.... malamang ni Mr. De Vera!

Hindi na ko nakapalag at nagpatangay na lang sa kanya kung san man niya ko dadalhin
pero wag naman niya sana ko papatayin agad, rapin niya muna ko syempre para naman
di ako mamatay na virgin. Ay ano ba 'tong mga naiisip ko?!!
Dinala niya ko sa isang madilim na lugar at isinandal sa may pader. Ikinulong niya
ko sa pagitan ng mga kamay niya at galit na galit na tumitig sa akin. Haha!
Tinignan ko lang siya ng mapanloko na agad naman niyang ipinagtaka. Pumito pa ko at
tinignan siya mula ulo hanggang abs niya. Napakagat labi naman daw ako. Yummy!

"Ba't ba ganyan kang makatingin? Naka drugs ka ba o lasing?!" napangiwi ako ng


taasan niya ko ng boses pero agad naman akong nakabawi. Nginitian ko ulit siya ng
matamis at itinaas yung kamay ko sa balikat niya.

"Oo. Lasing na ko sa kagwapuhan mo pogi. Haha. Ikaw naman makadala sa madilim?


Pwede namang sa maliwanag! Haha. Di ko makikita masyado yang hotness body mo!"
natawa ako ng palihim ng manlaki yung mga mata niya at lumayo sa akin bigla.

"Sino ka ba ha? Anong kailangan mo sakin?! Bakit mo pinagkalat na nabuntis kita?!!


Asa ka naman!!" this time ako naman yung nanlaki ang mga mata. Aba! Choosy pa 'tong
lalaki na 'to! Ganda kaya ng lahi ko! Half British - Half Diyosa!

Lakas maka-imbyerna nitong lalaking 'to ah. Napakuha tuloy ako ng di oras ng
sigarilyo sa bag ko at sinindihan ito. Agad kong binuga sa kanya yung kakahitit ko
lang. Napaubo siya saglit at hinarap na naman ako na halatang naiinis na. Tinaasan
ko lang siya ng kilay.

"Sabihin mo na nga kung ano yung gusto mo?! Kababaeng tao naninigarilyo." sabi niya
habang hinahawi yung usok na kanina ko pa sinasadyang ibuga sa kanya. Tinapon ko
yung sigarilyo at tinapakan ito ng killer heels ko at humarap sa kanya.
"Nandito ako para magbigay sayo ng offer tungkol sa Crisostomo Real State." sabi ko
sa kanya pero ampota tatalikuran lang ako?! Agad ko siyang hinabol. Hoy peste! Naka
high heels ako! Kinarir ko pa man din 'to! Buti na lang ay agad ko siyang naharang.

"Pakisabi na lang na hindi talaga ko interasado at kahit na..." tinignan niya ko


mula ulo hanggang paa tapos napadako yung mga mata niya sa ....yumuko ako at...

"kahit na ano...na ano kasi...kahit na bakla pa yung ahente na ipakausap sa akin."


alam kong may pagka slow motion 'tong utak ko pero. BAKLA?! As in Beki?!!!

"Ako b-bakla?!! Eh tarantado ka pala!! Kaya ko nga sinasabing buntis ako kasi may
paglalagyan!!

"Eh bakit kasi ganyan ka magsalita?! Saka totoo ba yan?!" inginuso niya yung alam
niyo na! Aba! Napabuga ako ng hangin at nginitian siya.

"Hawakan mo kaya ng malaman mo?! Nyeta. Babalikan kita kala mo! Bibili ka ng lupa!
Hay! Tanginaaaaaa!!!" ginulo ko yung buhok ko at tinalikuran na siya at napapikit
na lang ako sa inis ng marinig yung paghagalpak niya ng tawa. Malalagot sakin yung
gagong yun sinasabi ko talaga!!

Stanley's POV
Nakabalik na ko sa counter pero natatawa pa din talaga ko pag naiisip ko yung
reaksyon nung babaeng ahente kanina. Hahaha! Nakakatuwa lang kaso hayup magmura.
Malutong! Akala mo hindi babae kung kumilos. Napailing na lang ako habang
nagpapatuloy sa trabaho.

Mga babae talaga ngayon, mga malalandi at walang dignidad. Kababaeng tao eh
nagmumura tapos naninigarilyo pa?!! Tsk. Bihira na lang talaga yung mga babaeng
mahinhin, nirerespeto at minamahal ng totoo. Tulad na lang ng babaeng palapit
ngayon sa akin. Nginitian ko siya. Napakaganda talaga niya, gustong gusto ko yung
kasimplehan niya.

"Hi Stan." ngumiti siya sa akin at naupo sa counter.

"Naligaw ata dito ang isang magandang binibini." kinindatan ko siya at tumawa lang
siya ng mahinhin. Nakakainlove yung kasimplehan niya. Hindi katulad nung babae
kanina nakakainis. Bakit ko nga ba iniisip yun? Nakakasira lang ng mood.

"Gusto lang kitang dalawin dito sa trabaho. Saka magpakitang gilas ka naman sakin
Stan!"

“Sus! Namiss mo lang kagwapuhan ko eh!” tumawa lang siya at tumango.

Ngumiti lang ako at naghanda ng stunt. Matatanggihan ko ba naman ba si Beatrice


Liu. Ang kababata at ideal girl ko. Bata pa lang ako katulad na niya yung
pinangarap ko na mapangasawa. Maganda, mabait, simple, mala-anghel at mahinhin.
Bibihira na lang yung ganung babae kaya dapat hindi na pinapakawalan pa. Plano ko
ng magtapat pero siyempre paghahandaan ko ng mabuti yun.
to be continued....

A/N: Si Jacques naman maganda, mabait, social climber, demonyita at balahura.


HAHAHA!

VOTE.COMMENT.RECOMMED

Picture ni Papa Stanley

Add niyo si Jackie sa FB sinasabi ko sa inyo maloloka kayo! 

http://www.facebook.com/profile.php?id=100003916646512&ref=ts

=================

Chapter 4

TIMELINE: 1 year ago. Hindi pa kakauwi lang ni Brooke galing isla/ Hindi pa okay
sina Bianca at Lyndon/ Masungit pa Sheila.

*1 year ago pa 'to so mahabang flashbacks 'to and story dahil madadaanan natin
lahat ng nangyari sa mga naunang TVFN Books.

Chapter 4
"NAKAKAINIS!!" sigaw ko habang ginugulo-gulo yung buhok ko. Naalala ko na naman
kasi yung hambog na bartender na kliyente ko. Tinignan ko ng masama si Patricia na
kasalukuyang nagpapaganda. Binaling ko din yung mukha ko sa salamin at tinignan ko
siyang muli. Impaktitang bakla na'to! Hamak muka naman siguro akong babae kesa sa
kanya diba?

"Hoy bakla!" tumayo ako at humarap sa kanya kaya naman napatigil siya sa ginagawa
niya.

"Sige tawagin mo pa kong bakla ipapalamon ko sayo 'tong lipstick na ginagamit ko!
Tong babae talaga na'to napaka maldita kung magsalita!" irap sakin nitong si
Patricia. Grabe lang ha?!! Di ko talaga maisip na naging boyfriend ko 'tong
maarteng bakla na'to. Pwe!

“Tignan mo nga ako Pat! Diba mas muka ka namang bakla kaysa sakin?! Hamak ganda ko
naman sayo diba?!” nafufrustrate kong tanong kay Pat habang kinakapa pa yung mukha
ko pati yung boobs ko.

“Nakikita mo ‘tong lipstick na ‘to? Mamaya nakasungalngal na ‘to diyan sa malaki


mong bibig! Kapal naman ng peslak nito! I admit mas maganda ka sakin at hindi ko
matanggap yun!” maarte niya kong inirapan at naglagay na ng blush on sa mukha niya.

“Sure ka talaga teh? Sabagay alam ko naman na yan pero putangina lang nung lalaki
na yun para insultuhin yung pagkababae ko eh!” padabog akong naupo sa upuan ko at
nagsimula na din mag lipstick.

“Gagantihan ko siya! Kailangan makabili siya sa akin ng lupa!” nakakainis talaga!


Sa diyosa kong ito napagkamalan akong bading?! Putangna mo po!
“Grabe ka naman! Kung magsalita ka naman kasi akala mo babaeng sinaniban ng bakla.
At isa pa virgin na virgin yang katawan mo kaso yang mga lumalabas sa bibig mo
akala mo laspag ka na eh. Gora lang sa pag ganti basta ba kikita kang madaming anda
diyan.” pera lang naman talaga ang mahalaga sakin eh. Sa pera at mga kaibigan ko
lang naman ako nabubuhay. Kapag may pera edi masaya. 23 years old na ko pero ganito
pa din buhay ko. Kasalanan ko bang ipanganak akong mahirap at tanging nanay ko lang
bumuhay sakin? Hindi naman ako katulad nina Brooke at Bianca na pinanganak ng
mayaman at hindi din ako katulad ni Sheila na sobrang talino kaya nakaangat agad sa
buhay.

Ito lang ako eh. Simple ang buhay at dinidiskartehan ang buhay.

“Alam mo bakla! Kailangan nating rumesbak! Tara na! Babalikan natin yung lalaking
yun!” tumayo na ko at hinila si Pat na hindi na natapos sa pag make-up.

“Nako baka naman gwapo yan eh mainlove ako.” maarteng sabi ni Pat ngunit hindi ko
na siya pinansin.

 Nakarating na kami dito sa bar pero hindi muna agad kami nagpunta sa counter,
naupo muna kami sa di kalayuan at tinanaw lang si bartender. Langya! Ang gwapo niya
talaga kahit sa malayuan lang. Nakagat ko na naman yung labi ko. Natatakam ako!
Yung mukha niya seryoso pero pag ngumiti grabeee! Makalaglag panty talaga. Ang
tangos tangos ng ilong tapos ang pula pa ng mga labi. Ang galing pa niya maghagis
ekek ng alak. Flair ba tawag dun? Ang hot ng dating! Hindi ko alam na ganito pala
ka-hot ang mga bartender pag pinanood mo sa malayo. Puta!

“Hoy teh! Yan ba yung lalaking sinasabi mo? Putangina naman pala sa kakisigan eh!
Kung totoong babae lang ako nagpabuntis na ko diyan. Kahit patikim lang ng isa
talaga.” eto na naman si Pat naglalandi. Mas malandi pa ata sakin.

“Oo nga eh. Nakakauhaw.” sabi ko sa kanya sabay hagod sa lalamunan ko. Para kaming
timang ni Pat na nakatingin kay Mr. De Vera habang napapakagat labi pa.
“Mainit. Maghubad ka naman please.” napalingon ako sa sinabi ni Pat. Sobra naman
neto! Baka mawala na galit ko pag naghubad pa yan! Yun pa naman mga kahinaan ko eh
yung mga lalaking hubad.

“Teka! Taken na ata Jackie! Sinetch itey na girlalu who make landi to our papa
bartender?!!” binalik ko yung tingin ko kay Stanley at nagulat ako kasi may babaeng
lumapit kay Stanley. Aba! Close sila? May patapik tapik sa braso ganun? Hindi naman
sa nagseselos ako pero tapik pa? Kung ako yun huhubaran ko na agad yung Stanley na
yun! Sobrang hot papa and madami pang datung!

“Tangina bakla! Who’s that!” tapik ko sa braso ni Pat.

“Malay ko ba! Bakla broken hearted na tayo!” atungal ni Pat.

“Bigyan mo nga ako ng gunting Pat! Yung matalim at bagong hasa ah.” sabi ko habang
seryosong nakatingin sa naglalandiang babae at lalaki di kalayuan sa amin.

“Walang gunting dito gaga! Bakit ba?”

“Puputulin ko lang relasyon nila.” ininom ko na yung alak na nasa table namin at
tumayo na.

“Hoy san ka naman pupunta?!” awat sakin ni Pat pero pumiglas lang ako.
“Leave it to me baby!” sabi ko at naglakad na.

“Naku Dimaguiba tara nga dito! Bahala ka diyan! Hahanap ako ng papa ditey!” itinaas
ko lang yung kamay ko at hindi na pinansin pa si Patricia. Nakita kong umalis na
yung babae at lumabas na ng bar kaya naman lumapit na ko sa counter at naupo sa
stool kaharap ni Stanley De Vera.

“Hi Pogi!” mapang-akit kong sabi sakanya.

“Ikaw na naman? Ano ipagkakalat mo na naman na nabuntis kita? Haha. At yung sa


offer mo? Sorry hindi talaga ko interesado.”

“Katawan ko na lang bilin mo.” sabi ko at kinindatan siya.

“H-ha?” natense niyang tanong. Mukang good boy ‘tong lalaking ‘to ah. Tumawa lang
ako ng malakas.

“Joke lang! Alam mo naman ako mahilig sa joke! Hahaha. Hindi naman ako madaling
sumuko eh basta bibili ka ng lupa sa kumpanya namin.” ngumiti lang siya at umiling.

“Sige kung mapipilit mo ko. May gusto ka bang inumin?” tanong niya habang
nagpupunas ng mga shot glass.

“Margarita na lang.” sabi ko. Kailangan ko mag-isip ng paraan kung paano siya
mapapapayag na mag-invest. Dumukwang ako sa kanya at inilapit ang sarili ko. Nakita
ko na napatingin siya sa cleavage ko. Hmm.
Stanley’s POV

Ang ganda ng mood ko. Ginanahan na naman ako mag trabaho dahil kay Beatrice.
Napapadalas na kasi yung pagdalaw niya dito sa bar. Nang makaalis na siya ay
pinagpatuloy ko na yung paghahalo ng mga alak. Gusto ko kasi maging perfect ‘tong
13 Hell Shots game na naisip ko. Gusto ko lalo pang makilala ‘tong bar na ipinundar
ko. Ayoko na talagang humingi ng kahit isang kusing mula kay papa. Gusto kong
patunayan na kaya kong buhayin ang sarili ko sa pagiging barista. Buti pa si mama
sinuportahan ‘tong gusto ko pero siya hindi. Sayang nga lang wala na si mama pero
hindi ako makapaniwala na nilaanan niya ko ng pera para maipatayo lang ‘tong bar
ko.

Kasalukuyan kong ginagawa ang pang limang inumin ng lumapit sa akin yung maganda’t
sexy na ahente ng Real State. Talagang target niya kong mabentahan ng investment
ah? Hindi ako nakatulog ng dahil sa kanya. Tumatak kasi sa isip ko yung berde
niyang mga mata. Napakaganda. Hindi madaling kalimutan oras na tumitig ka dito ng
husto at yung magaganda niyang mga labi na akala mo laging naka-pout. Napaka sexy
ng dating sakin ng mga labi niya. Naiisip ko kung paano ba humalik ang mga labing
yon.

Hindi ako dapat makaramdam ng ganito pero mga mata palang kasi niya ay nagsasabi na
ng S-E-X.

Okay naman pala siyang kausap, masyadong hyper. Medyo turn off lang ako sa
pagsasalita niya halatang magaslaw siya at tulad ng sinabi ko ayoko sa lahat ng mga
babae yung ganoon. Lalo na yung mga palamura. Doon talaga ko sa ideal girl ko. Si
Beatrice.

“Sige na mag-invest ka na kasi! Wala namang mawawala sayo eh. Kayaman-yaman ayaw
mag-invest baka amagin lang yang pera mo.” I love her humor. Napaka natural. Haha.
Bakit hindi ko kaya i-try sa kanya yung 13 Hell Shots game?

Tulad ng sabi niya wala nga naman mawawala.

 to be continued...

Goodluck sa First Day of School college students!

=================

Chapter 5

Chapter 5

Hindi ko lang pinapahalata pero parang may something sa mga ngiti nitong si
Stanley. Mukang may binabalak ata siyang masama?! Hmm. Akala niya siguro mauutakan
niya ko. Aba mas mautak ako! Wala pa ni isang kliyente ang tumatanggi sa offer kong
investments. Malaking porsyento ng pera ang nakataya dito. Bilang ahente basta
makabenta kami ng lupa, bahay, townhouse o condo ay automatic ng may 10% commission
kami.

Naku! Magkano din yun diba? Mahalaga sakin bawat piso kasi naman bihira lang talaga
kami magkapera noon ni motherhood. Kaya lang naman ako nakapag-aral dahil sa
pagiging japayuki ni motherhood. Peste kasi nung tatay ko! Walang b*yag! Bubuntis-
buntisin nanay ko tapos mang-iiwan naman?! Eh tanginang pag-ibig yan oh! Nang-
iiwan?!! Ayoko na nga isipin pa yun nasisira beauty ko! Baka magka-wrinkles lang
ako eh. Wala pa man akong pambayad kay Belo.

Anyway balik sa sitwasyon. Nag-uusap lang kami nitong si Stanley. Hindi ata
nakukuha sa landi 'to.

"Ilang taon ka ng nagtatrabaho sa Real State Jacques?" tanong ni Stanley habang


nagbabalibag ng mga alak. Kagaling namang sasalo nitong lalaki na'to ang lalaki
kasi ng mga kamay.

"Jackie na lang. Mag 4 years na. After graduation sa college doon na agad ako
pumasok. Pero rumaraket pa din ako minsan." kinindatan ko siya at sumimsim sa alak
ko na bahagya ko lang nabawasan. Nagsindi din ako ng sigarilyo at naghitit-buga.
Nakita kong napangiwi siya nung makita niya yung paninigarilyo ko kaya naman agad
kong ibinagsak yung sigarilyo ko sa sahig at tinapakan ito ng killer heels ko. Ang
arte naman! Nagtrabaho pa siya dito ayaw naman pala nakakalanghap ng usok ng
sigarilyo.

"Bakit ka naninigarilyo? Babae ka pa naman." ngumisi siya. Pinapaalala na naman ata


yung time na napagkamalan niya kong bakla. Tangina talaga. Inirapan ko lang siya at
uminom sa alak ko.

"Alam mo pogi. Kahit na ang gwapo mo at idagdag mo pa yang hotness mo?


Nakakaimbyerna ka ding kasama ano? Oh ayan!" inilapag ko yung folder sa counter at
tinignan siya ng masama. Nauubos na talaga pasensya ko sa lalaking 'to. May isa pa
kong kliyente na dapat asikasuhin pero gabi-gabi nagpupunta ko para suyuin 'tong
lalaking 'to para bumili ng lupa sa Puerto Azul pero mukang wala namang interes.
Aksayado sa oras!!

"Pirmahan mo na! Bumili ka na ng lupa! Wala namang mawawala sayo! Maganda doon.
Pwede ka ding magpatayo ng bar doon! Ano ba?!! Wag mo na kong pahirapan please?"
nakakafrustrate na siya ah!
"Gusto mo maglaro?" tanong niya sakin at halatang naghahamon siya. Sus. Sinusubukan
ako nito ah. Pwes makikita niya kamandag ng mga taga Tondo.

"Anong laro naman?" mataray kong tanong. Anong laro ba ang gusto niya?

"The 13 Hell Shots game." anuraw?!! Teka! May nag-eexist bang ganun na laro? Video
games ba yun? Bakit walang ganun sa IPad ni Sheila?!

"Anong laro naman yun?" nagtataka kong tanong. Ngumisi na naman siya at kumuha ng
ilang alak sa counter at nagsimula na namang paghaluin yung iba't-ibang alak.
Naghilera siya ng labintatlong shot glass sa harap ko.

"The 13 Hell Shots game. Labintatlong iba't-ibang uri ng alak. Kailangan pagkatapos
mong inumin yung mga alak na yun ay nakakatayo ka pa din. Pag nalasing ka ibig
sabihin talo ka." sabi niya sa akin.

"Pag ba nanalo ako bibili ka na ng investment sa Real State?" tanong ko sa kanya.


Kung eto lang naman ang paraan edi gagawin ko na. Saka high school pa lang naman
umiinom na ko kaya sanay na yung tiyan ko sa alak. Pero puta! Mas matapang pa kaya
yun sa gin?

"Pano pag natalo ka?" naghahamon na naman niyang tanong sa akin.

"Ano ba gusto mong itaya ko? Wala akong pera tarantado ka!" I said. Nakita kong
napangiwi na naman siya at bumalik muli sa mapanlokong ngiti yung itsura niya.
Puta. Ang hot! Kumagat labi pa?!! Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa at
ngumiti.
"Ikaw." napamaang lang ako sa sinabi niya at nung ma-realize ko yung gusto niya ay
napatakip ako sa dibdib ko. Ako?! Oh my gulay! Alam kong laspag na ko sa isip at sa
salita pero hindi sa gawa!!

"Hoy gago! Ano akala mo sakin cheap na babae?!! Ang kapal lang ng mukha! Alam ko na
sobrang umuusok ako sa sobrang hot pero aba! I'm a virgin pa!" sigaw ko sa kanya.
Tumawa lang siya.

"Hey easy! Makasabi naman ng gago nito." tinignan niya ko na animo hindi naniniwala
sa mga sinasabi ko. Sabagay, mga kaibigan ko nga hindi naniniwala na virgin pa ko
siya pa kaya. Tsk. Mga tao talaga! Pinaniniwalaan kung ano yung mga nakikita at
naririnig. Mga punyeta sila!

"Kung ayaw mo okay lang naman." sabi pa niya at nagtangka na ililigpit na yung shot
glasses pero pinigilan ko yung kamay niya.

"Fine! Gagawin ko na! Itong tandaan mo. Hindi mo ko malalasing sa Fucking 13 Hell
Shots na yan!" binitawan ko ang kamay niya at huminga ng malalim. Nakita ko lang
yung pag ngisi niya at sinimulan ulit ang pagmimix ng mga alak.

Hindi ako papatalo. Itaguyod ang mga Tondo!

Hindi ko isusuko ang Passport to Heaven!


Ang bulaklak.

Ang hiyas.

Ang baul ni Eva.

Ang .......basta!

Virginity in english!

 to be continued...
=================

Chapter 6

Chapter 6

Stanley's POV

Ngumisi na lang ako at sinimulang haluin yung mga inumin. Hitting two birds in one
stone. Una hindi na niya ko kukulitin tungkol sa lupa at pangalawa malalaman ko na
din kung anong meron sa pagkatao niya, nacucurious ako sa kanya eh. Hindi ako
naniniwalang virgin pa siya. Asa namang maniniwala kasi ang mga tao. May condom pa
nga siyang nalalaman eh.

Tinignan ko siya ng mataman sa kanyang mga mata. Napakaganda talaga. Animo


nakakahipnotismo. Mas lalo pang naging berde ang mga mata niya dahil marahil sa
inis na nararamdaman niya ngayon. Ngumiti lang ako at inihilera na sa harap niya
ang 13 Hell Shots. Nakita kong nag smirk lang siya at tumawa.
"Eto na ba yung 13 Hell Shots na sinasabi mo? Eh mukang juice lang 'tong iba ah."
sabi niya at sinuri ng maigi yung mga inumin na nasa harapan niya ngayon.

"Sabi nga nila don't deceive by the looks." sabi ko. Kahit na parang juice lang
yung iba sa mga inumin na'to ay natatago naman ang tapang nito.

"Hindi mo pwedeng husgahan ang isang bagay hangga't hindi mo pa 'to lubos na
nakikilala."

Tama ba yung nakita ko? Bahagyang dinaanan ng lungkot yung mga mata niya? Hindi ako
sigurado dahil bumalik na naman sa masigla ang kulay ng mga mata niya. Ang mga
matang hindi mo maiiwasang tignan. Doon mo kasi nababasa yung nararamdaman niya.
Madalas nakangiti din ang mga mata niya.

Hindi ko na lang pinansin iyon at tinawag na yung mga tao sa paligid para manood sa
laro. Sana bumenta. Siya ang kauna-unahang susubok nitong The 13 Hell Shots kaya
naman kailangan madami ang makapanood.

GAME!

Jackie's POV
"Hindi mo pwedeng husgahan ang isang bagay hangga't hindi mo pa 'to lubos na
nakikilala." nag smirk lang ako sa sinabi niya at bahagyang nakaramdam ng lungkot.
Ewan ko ba kung ano inaarte ko pero naisip ko lang yung mga pesteng tao na nag-
ddown sa akin lalo na yung mga taong inaakusahan akong prostitute dahil madalas
kong kasama ay mga DOM. Diba pwedeng kliyente ko muna sila?! Hindi pa kasi nila ko
kilala. Hindi nila alam kung anong nararamdaman ko. Hindi nila alam kung may
pinagdadaanan din ako. Sa likod ng mga ngiti ko may isang parte din ang umiiyak. Ah
peste!

"Simulan na natin!" sigaw ko at hinawakan ko na yung 1st shot. Napansin ko na


dumami yung mga tao sa paligid at pinapanood ako. Nakahalukipkip lang si Stanley at
nakangisi.

"1st shot. Margarita!" he said. Nagsigawan yung mga tao at napailing na lang ako.
Agad kong inisang lagok yung Margarita. Sus Margarita lang pala. Yakang-yaka!

"2nd shot. Grasshopper." anong inumin naman yun?! Watta name huh?!! Hindi na ko
nagpatumpik-tumpik pa at ininom na iyon. Okay pa naman ako. Hindi pa naman ako
nahihilo. Narinig ko na naman yung hiyawan ng mga tao at yung iba ay nagpupustahan
pa. Sus! Kung alam lang din nila na pustahan din 'to kaya ginagawa ko 'to.

"3rd shot. Black Russian."

"4th shot. Gladiator."

"5th shot. Bloody Mary."

"6th shot. Mojito." putangina! Muka lang palang masasarap 'tong mga 'to pero
pandigmaan pala ang lasa! Okay pa ko kanina pero kung kelan nangangalahati na ko
saka pa ko nakaramdam ng hilo. Grabe! Akala mo nililiyaban yung lalamunan ko sa
init.

"7th shot. Gin and Tonic." hindi na ko umarte pa at muli agad ko na naman ininom
ito. Gumuguhit yung gin sa sikmura ko. Tangina! Wala man lang bang pulutan 'to?!! I
mean kahit 1 minute break man lang?!

"8th shot. Hot Buttered Rum" ah! Putangina bakit ganito lasa nito? Medyo
nagbblurred na yung paningin ko pero kakayanin pa naman. Pang walo pa lang 'to?!

"Kaya pa?" tanong niya.

"Ano akala mo sakin? Kaya pa!" I hissed at nilagok ko na agad yung pang siyam na
shot glass.

"9th shot. That was Screw Gin Fizz " whatever! kung ano man tawag sa alak na'to.

"10th shot. ’57 Chevy" lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. Konti na lang ho!
Parang wala na nga akong panlasa atsaka nahihilo pa lang naman ako. Nakakapag-isip
pa naman ako kahit papano.

"11th shot . Martini" Puta! Konti na lang talaga Jackie. Huminga muna ko ng malalim
bago ininom yung 11th shot. Tama ba ko ng bilang? Sinulyapan ko si Stanley at
nakangiti siya sa akin. Akala ba niya panalo na siya? Psh. Kaya pa kitang landiin.

"12th shot. Strawberry Daiquiri." aba naman! Ininom ko na. Isa lang ho! Tangina
this! Medyo masarap naman yung lasa nitong strawberry chuchu. Medyo nahihilo pa
lang ako eh mag 13th shot na. Bwahahaha! Ako pa hinamon nitong Stanley na 'to eh
kada mapapadaan ako sa kanto namin eh napapatagay ako nung mga lasenggo sa amin.
Hahaha! Bopols ang puta!

"And the last and 13th shot. The Sex on the Beach." ohhh! I love the name!
Magkukunwari nga akong lasing tignan ko lang kung rereypin ako ni gago. Inisang
lagok ko na yung 13th fvkin shot na yun at itinaas yung kamay ko. Medyo nahilo lang
ako pero sinasabi ko talaga hindi na ko uulit! Sinasabi ko lang talaga!

Agad akong nagkunwaring kumapit sa counter at hinawakan yung ulo ko na kunwaring


nahihilo. Agad na lumabas ng counter si Stanley at inalalayan ako sa bewang.
Bahagya akong nakaramdam ng kuryente sa pagkakadikit ng mga balat namin. Inilapit
niya yung bibig niya sa tenga ko at bumulong.

"Mawawala yang kalasingan mo mamaya sa performance ko." buti na lamang at


nakasandal yung mukha ko sa dibdib niya. Tumaas yung balahibo ko sa batok at
tangina bakit na-eexcite ako?! Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Hala?!
Virgin pa ko!! Pero parang gusto ko din. Haler ang hot kaya niya! Titig pa lang
mabubuntis na ko eh.

Bahala na?!

to be continued...

Sa mga nagtatanong if saang chapters makikita si Stanley sa previous books. Eto po:
BOOK 2: Chapter 15

BOOK 3: Chapter 18

Nagbigay na ko ng clue dun eh.

-----> THE 13 HELL SHOTS

 VOTE. COMMENT. RECOMMEND

=================

Chapter 7

RATED SPG

TEMA- SEXUAL - LENGGWAHE

Hayaan niyo sa July magiging legal age na din ako kaya pwede ko i-restrict yung 17
and below. :) Habang 17 pa lang din ako pwede pa. Basta be open minded! Grabe kayo
baka idemanda na ko sa araw ng kaarawan ko.

NABURA KO YUNG ORIGINAL. TANGA KO TALAGA.

Jackie’s POV 

Dinala ako ni Stanley sa isang basement. Ito siguro yung nagsisilbing kwarto niya
or dito na talaga siya sa mismong bar nakatira. Inihiga niya ako sa isang single
bed at pumaibabaw sa akin ngunit nakatukod ang mga braso niya sa kama sa pagitan ng
ulo ko. Ngumisi lamang siya at hinawi yung ilang hibla ng buhok ko sa mukha.
“Alam kong hindi ka lasing Jackie.” I rolled my eyes. Tumawa lamang siya at muli
tinitigan niya ako ng husto sa aking mga mata. Grabe! Napalunok ako dahil sa mga
titig niya. Para bang nagsasabi na halikan ko yung mga labi niya. Ayos na sana eh!
Intimate na sana yung ambiance kaso bigla na lang ako nakaramdam ng di kaaya-ayang
pakiramdam. Pinagpapawisan ako ng malamig.

Napansin ata ni Stan na sumama yung mukha ko kaya naman nagsalubong ang mga kilay
niya. Ba yan! Sabi na talaga pang Gin lang ako eh.

“May problema ba?” hindi ko na kaya! Di ko naman ata matitiis pa ‘to. Hindi na ko
mag-iinarte pa

 “Ahhm san ba yung C.R dito? Najejebs kasi ko eh.” sabay tulak ko sa kanya at
bumaba na sa

kama. Napahiga naman siya doon sa kama na hindi pa ata makapaniwala doon sa mga
sinabi ko.

"Huy asan na ba?! Tangna lalabas na talaga! Humihilab na tiyan ko!" yung totoo nag
aalburoto na tiyan ko! Ito namang lalaki na'to eh napamaang lang or parang naaaliw
pa ata ang itsura. Luminga-linga ako sa paligid at nakita yung isang pinto. Alangan
namang bodega yun diba? Hindi na ko nagpatumpik-tumpik pa at tinakbo na yon habang
sapo yung pwet ko. Magagawa ko eh lalabas na?!! Pagkapasok ko sa pinto sakto banyo
nga!!

Pagka-upo ko sa toilet bowl ay siya namang paghagalpak ng tawa ni Stanley mula sa


labas.

Stanley's POV

SHE'S IMPOSSIBLE! Hahaha. Hahalikan ko na sana siya eh kaso biglang?! WTF?!


Najejebs daw siya?! Hahaha! Naiwan na lang akong mangiyak-ngiyak kakatawa dito sa
kama habang hinihintay siyang lumabas ng banyo. Kakaiba talaga siya sa lahat ng
babae na nakilala ko. Nakakaaliw siya. Tulad ngayon kahit na napaka-unlady ng mga
ginagawa niya ay pinupukaw pa din niya ang pagnanasa ko. Masakit man sa part ko
pero ano magagawa ko kalikasan na pala kaagaw ko kay Jackie. Hahaha.

Matapos ng ilang sandali ay lumabas na si Jackie sa pinto at sumandal sa dingding


na animo may pinagdaanan.

"Success! Nanghina ako dun ah!" sabi pa niya habang hinihimas himas pa ang tiyan
niya. Natawa na naman ako sa kanya kaso naisip ko lang sana sa ibang paraan na lang
siya nanghina. Kinagat pa niya yung labi niya kaya naman nakapagpadagdag lang yun
ng paghihirap ko ngayon. Shit!

"Naghugas ka ba naman ba ng kamay mo?" pabiro kong tanong sa kanya ngunit sinamaan
lang niya ko ng tingin. Hahaha.

"Amuyin mo kaya ng malaman mo? Tse! Uwi na ko. Sumama tiyan ko sa 13 Hell Shots."
kinuha na niya yung bag niya sa tabi ko at nagsimula na ding ayusin ang kanyang
sarili. Tumayo na din ako upang kunin naman ang jacket ko.

"Ihahatid na kita." kahit naman ganyan si Jackie ay babae pa din yan. Bilang isang
tunay na gentleman siyempre ihahatid ko siya.

"Hatid na kita." alok ko sa kanya.

"Talaga?!! Ayos libre na naman pamasahe! Tara na!" iginiya ko na siya palabas ng
bar at dinala sa carpark kung saan nakaparada ang Ducati ko.
"Sigurado kang diyan mo ko pasasakayin? Kita mong naka dress ako eh! Alangan
bumukaka ako diyan?!" sigaw sakin ni Jackie. Napangiwi ako sa pagsigaw niya. Ngayon
lang ako nakakita ng ganitong babae. Ibang klase talaga!

"Oo naman. Edi patagilid ka na lang umupo." sumakay na ko sa motor at sinimulan ng


painitin yung makina. Agad namang sumakay si Jackie at pinaharurot ko na ito. Ang
langya! Nakabukaka ngang naupo! Napailing na lang ako at mas lalo pang binilisan
yung takbo namin tamang tama konti lang yung sasakyan sa daan ngayon dahil madaling
araw na.

"PUTANGINAAAA MOOOO! PAPATAYIN MO BA KO?!!" rinig na rinig ko yung pagmumura ni


Jackie kahit na malakas yung hangin. 

Nang makarating na kami sa Tondo ay ipinahinto sa akin ni Jackie yung motor sa


isang kanto dahil hindi na daw yun makakadaan sa loob ng eskinita nila. Parang
squatter's area itong lugar niya napaka unusual para sa napakaganda't sexy na
katulad niya. Inaya niya kong sumama sa apartment niya pumayag naman ako dahil
madaling araw na at di ako nakakasiguro na magiging safe siya. Kahit naman ganyan
si Jackie at saglit pa lang kaming magkakilala eh babae pa din naman siya. Dapat
pinoprotektahan.

Pumasok kami sa loob ng eskinita. Masikip. Madilim at kahit madaling araw na ay


kalat pa din ang mga tao sa lugar nila. Buti hindi siya nababastos dito? Napadaan
kami doon sa grupo ng mga nag-iinuman at mahahalata mong lasing na ang mga ito.
Tss.

"May customer ka ata Jackie?! Ngayon ka lang mag-uuwi ng lalaki ah. Iba na yan!"
sabi nung isang lalaki kay Jackie.
"Ginawa mo naman akong pokpok Mang Indoy! Hahaha. Kaibigan ko 'to no." hinawakan ni
Jackie yung kamay ko at nakiraan dun sa mga nag-iinuman. Kaibigan niya yung mga
lalaking yun? Hindi pa siya binastos?! Eh kabastos-bastos si jackie tapos ganun?
Astig ah.

"Patagayin mo muna yang kasama mo Jackie! Isang shot lang oh!" tumawa lang si
Jackie at inabot yung baso sa lalaki at nagulat na lamang ako ng inumin niya ito ng
diretso. Woahhhh!

"Astig ka talaga Jackie! Sige na nga alis na ng makarami!" tumawa lang ng tumawa si
jackie at nilagpasan na namin yung mga lalaking 'yon.

"Ang gagago talaga ng mga yon. Wag mo silang pansinin mababait naman mga yun eh.
Yaan mo di ka naman nila gagalawin mamaya pag uuwi ka na." sabi niya at huminto sa
tapat ng isang maliit na apartment.

"Pasok ka. Sorry medyo magulo dito eh." sinindihan niya yug ilaw at tumambad sa
akin ang isang maliit na espasyo. 2-3 katao lang siguro ang maaaring magkasya sa
apartment na ito pero ganun pa man komportable pa din namang tirhan.

"Gusto mo ng kape? Asan kaya yung nanay ko? Mukang nakipag-date na naman!"
napadiretso ako ng upo sa sofa ng mapansin na isa-isang inaalis ni Jackie yung
accessories niya gayundin yung sapatos niya. 

"Pasensya ka na sanay kasi ko na nasa pinto pa lang naghuhubad na ko. Hahaha."


tatalikod na sana siya patungo sa kanyang silid ng hindi ko na naman napigilan yung
kanina ko pang dapat na ginawa. Hinigit ko siya sa braso at inilapit yung likod
niya sa dibdib ko na ikinagulat niya.
Jackie's POV

Magpapalit na sana ko ng damit kasi naman lagkit na lagkit na ko sa suot ko ng


bigla na lamang akong hilahin ni Stanley sa braso at hinigit ako palapit sa kanya.
Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Peste! May sakit ba ko sa puso?!
Napasinghap na lamang ako ng ibinaba niya ang zipper ng dress ko gayun na din ang
strap ng bra ko. Ano bang ginagawa niya?!! Napalunok na lamang ako. 

Napapikit na lamang ako ng mariin ng simulan na niyang dampian ng mumunting halik


ang leeg ko. Nakaramdam ako ng masarap na kilabot sa bawat haplos na kanyang
ginagawa. Iniharap niya ako sa kanya at pinakatitigan ang mga mata ko bago inangkin
ang mga labi ko. Alam ko kung paano ang humalik pero wala akong ideya sa
lovemaking. Oo nanonood ako ng porn pero tangna pag nanoond ng porn ma-aaply ba
agad sa totoong buhay yun?

Kinarga niya ako na parang bata at pumasok sa nakabukas kong silid. Inihiga niya
ako sa kama, hahalikan niya sana ako ng itinulak ko siya ng bahagya. Nakita ko na
naiinis na siya. Malamang! Kanina ko pa kaya siya binibitin? Darang na darang na si
gago eh.

"Bakit na naman? Naiihi ka naman ngayon?" tanong niya na di ko malaman kung naiinis
mo ba o naaaliw sa akin.

"Uhmm di ba masakit yan?" itinuro ko gamit ng nguso ko yung something na nakaumbok


dun sa pantalon niya. Holy Crow! He's fully aroused!

"Don't act as if you're a prude virgin. Naranasan mo na yan kaya alam mo na yan."
sabi niya.  Virgin pa ko tangna! Magsasalita pa sana ko upang ipagtanggol yung
sarili ko ng siliin niya ng halik ang mga labi ko.  Dahil unti-unti na din akong
nilalamon ng sensasyon ay nagpadala na lamang ako sa mga halik niya.

Sa una ay marahas at mapang-akin ang kanyang mga halik hanggang sa naging marahan
na lamang ito at sensual. Nagsimula na din humaplos ang aking mga kamay. Hindi ko
na alam kung paano na nawala ang mga damit namin. He placed himself between my
thighs and gave a one hard stroke. Akala mo may isang matulis na bagay na gumuhit
sa kaibuturan ng pagkatao ko. Halos mapahiyaw ako sa shallow pain na nagdaan. Bigla
na lamang napahinto si Stan sa paggalaw at manghang napatitig sa akin.

"You're a virgin?" he said.

"Tangina sabing oo! Puta ang sakit!" saglit lamang nagulat si Stan and he moved
again inside my core. Slowly but with full force. He thrust deeper and harder.
Napapakalmot na lamang at napapamura ako sa sakit. 

"I'm sorry. I didn't know that you're still a virgin when I entered." putsa
nasasaktan na nga ako nag english pa!

"Wag ka ng dumaldal! Just keep on moving!"

"Ang ingay mo naman pag nakikipag sex!" 

Buong magdamag ata kaming naghihiyawan ni Stan habang gumagawa ng kababalaghan ng


gabing iyon.

to be continued...
COMMENT NA MAHABAAAAA! Uy daan naman kayo sa comment box. Aliw kayo kay Jackie? :)
Sorry po di ko pala maalala yung nagpadedicate. Paki-remind po ako minsan dami ko
din kasi iniisip eh.

----> Anotha cover ng THE 13 HELL SHOTS (13th shot : The Sex on the Beach)

=================

Chapter 8

Chapter 8

Umaga na ng makauwi ang mudrabels ni Jackie. Isa-isa niyang pinulot ang nagkalat na
damit sa kanilang sala. Sigurado siyang naghunos na naman ang anak niya ang
nakapagtataka lang ay may brief siyang napulot. Tekaaaaa! Brief?!! Jacques!!!

***

"AHHHHHHHHHHHHHH!" may nag-aaway na naman ba sa kapitbahay namin? Nakapikit kong


tanong sa sarili ko. Yumakap pa ko kay Stanley dahil inaantok pa ko. Putangna
inumaga na kaya kami! Sakit ng katawan ko lalo na yung gitna. Shit! Di ko alam na
ganun pala kasakit at kasarap ang makipag chuchu! Naalimpungatan naman kami ni Stan
ng maramdaman na may humahampas sa amin ng unan at may nasalo akong damit.

"MUDRABELS?!!!" sigaw ko sabay hatak nung kumot paangat sa dibdib ko ganun din si
Stanley. Patay!

"Ma! Lumabas ka muna mamaya na tayo mag-usap!" sigaw ko habang kinukuha ko yung
damit ko na isinabog niya sa kama ko.
"At sino 'tong lalaking 'to?! Bakit mo isinuko ang Bataan Jackieeeeeee!" kinuha ni
mama yung vase na naka-display sa bed side table ko kaya agad ko siyang inawat. 

"Maaaa! Wag yang vase! Naku po! Remember bigay yan ni Bianca sakin?!" inagaw ko sa
kanya yung vase. Tumalikod si mama para umarte lang kaya naman agad kong sinenyasan
si Stan na magbihis na. Hayaaan na! Nakita na naman niya lahat ng 'to kaya
magkaharap kaming nagbihis. Tinulungan pa nga niya kong isara yung zipper sa likod
ng dress ko.

"Humarap ka na Ma." sabi ko sa kanya. Humarap naman siya na umiiyak. Nagkatinginan


na lang kami ni Stanley. Umiling na lang ako. Nadala lang naman kami ng init ng
katawan kagabi eh! Tangna! Di ko akalain ganun kasarap yun.

"Putangna Jackie! Bakit mo isinuko ang Bataan! At ikaw lalaki! Pananagutan mo ba


'tong anak ko?!! ngayon ko lang ata nakita na ganito kagalit si mudrabels kaya
kahit papano natakot ako. Pano ko kaya sasabihin sa kanya na deal lang ang lahat?
No regrets naman kasi ginusto ko at.... masarap na masakit. Kagabi ko lang
napatunayan talaga na pagkatapos ng hirap ay sarap. Hahahaha!

"Sorry Ma'am pero malinaw samin ng anak niyo na sa casual sex lang 'to. Diba
Jackie?" medyo nasaktan ako dun sa casual sex ah pero aaminin ko parehas naman
kaming nag-enjoy. Kahit masakit sa pride nangyari na eh. Alangan naman pakasalan
ako neto? Kitams na may lovelife yung tao. Katanga ko naman kasi! Iisipin ko na
lang siguro na liberated naman na ang mga tao ngayon. Sina Bianca hindi naman na
ata virgin eh? Ahhh! Hindi ko pala sure.

"ANOOOOO?! HOY LALAKI! MATAPOS MONG TIKMAN ANG MAGANDANG KATAWAN NG ANAK KO BIGLANG
CASUAL SEX LANG?!! EH PUNYETANG MGA KABATAAN NGA NAMAN OO!" inawat ko na si mama
dahil magwawala na siya panigurado! Nakita ko na isinuot na ni Stanley yung jacket
na at mukang aalis na. Mukang sanay sa mga ganitong sitwasyon ang mokong na'to.
Nakakapunyeta man pero alam ko isa ako sa mga babaeng naikama niya at alam kong mas
bababa pa ang tingin sa akin ng mga tao. Langya!
"HOY SAN KA PUPUNTA?! BUMALIK KA DITOOOO! PANAGUTAN MO SI JACKIEEE!" tili ni mama.
Agad ko siyang binitawan.

"Ma ako na lang kakausap sa kanya no?" iniwanan ko na siya at hinabol si Stanley na
naglalakad na sa may eskinita. Buti na lang nahabol ko siya agad.

"Hoy saglit! Hintayin mo ko!" pinigilan ko siya sa braso.

"Nakakainis! Virgin ka pa pala nung nakuha kita! Ito mahirap sa mga virgin eh
makuha lang akala mo pakakasalan na agad. Sorry if i took your virginity pero hindi
kita pakakasalan!" napaurong ako ng sigawan niya ko. Hayup pala 'to! Siya na nga
may atraso siya pa galit. Kung siya lang din naman mapapangasawa ko di bale na
lang! 

"Ano bang pinagsasabi mo? Wag kang mag-alala hindi naman kita hahabulin! Yung
usapan lang natin. Yung sa lupa!" sabi ko sa kanya. Napailing na lang siya.

"Ganyan ka ba talaga Jackie? Balewala lang sayo na nakuha kita at hindi kita
pakakasalan? Ganyan ka kababa? Babae ka Jackie kung hindi ko man alam na virgin ka
pa edi sana iningatan mo ang sarili mo?! Ngayon naguguilty ako!" sigaw ni Stanley
sakin. Agad ko siyang sinampal Puta! Nag-iinit yung mga mata ko. Buong buhay ko
ngayon lang may lalaking nang-insulto sakin. Sanay na ko sa masasakit na
panghuhusga ng mga tao sakin pero yng ganito? Putangna!

"Alam ko naman kasi na hindi mo ko papakasalan kaya bakit pa ko aasa?! Salamat na


lang sa kagabi. Nag-enjoy ako ng sobra. Isipin mo na lang na isa ko sa mga babaeng
naikama mo. Ganun naman talaga yung iniisip mo sakin una pa lang diba?! Ipapadala
ko na lang sayo yung kontrata." tumalikod na ko at pinahid yung ilang patak ng luha
na dumaloy sa mukha ko.
Yun na ata ang pinaka-nakakainsultong bagay na nangyari sa akin. Tumawa na lang ako
at pumasok sa bahay. Nakita ko si mama na handa na sakin ibato yung kalderong hawak
niya pero buti na lang agad akong nakailag. Naupo ako sa sofa kakausapin sana ulit
ako ni mama ng tumunog yung cellphone ko. Si Brooke.

"Hello?" walang gana kong bati sa kanya.

"Himala matamlay ka ata? Kamusta yung deal sa mag-amang De Vera?" tanong niya.

"Okay na yung batang De Vera padalhan mo na lang ng kontrata sa itetext kong lugar
tapos yung tandang De Vera pupuntahan ko pa lang mamaya sa opisina niya. Sige na
girl maliligo na ko." hindi ko na siya hinintay na magasalita at binaba ko na yung
phone.

"Hoy Jackie! Hanapin mo yung lalaking yun! Kinalbit ka lang ata tumihaya ka na!
Mayaman ba yun? Mapapanagutan ka ba nun?!!" sunod-sunod na tanong sakin ni mama
pero hindi ko na lang siya pinansin. Malinaw pa sa tubig ng Ilog Pasig na hindi nga
ako pananagutan. Wala naman sa usapan yun. Ginusto ko.

***

Nandito ako ngayon sa front desk ng De Vera Corporation para kausapin si Mr. Sander
De Vera. Gusto ko ng tapusin yung deal ko sa De Vera. Nakakainis eh. Naalala ko na
naman yung nangyari kaninang umaga. Peste! Ang Virginity ko! Kailan kaya ako
hahanap ng lalaki na hindi ako huhusgahan?! Pare-pareho lang sila! Katulad ng
ginawa ng magaling kong ama sa nanay ko. Tumihaya lang iniwan na.

"Pwede ko ba makausap si Mr. Sander De Vera?" tanong ko dun sa sekretarya niya.


"Sorry Ma'am. Do you have any appointments to Mr. De Vera?" OMG spokening in
dollars ang peg nitong pangit na sekretarya na'to.

"None. But I have to see him. Please?" yun pa lang sinabi ko pero feeling ko dumugo
na agad ilong ko. Nakakaloka naman sa opisina na'to! 

"Just a moment please." sabi sakin nung sekretarya. Tumawag siya sa intercom tapos
puro english yung pag-uusap nila nung kausap niya. Naku po! Kapag english speaking
si Mr. de Vera kahit hindi ko na makuha yung deal na'to mahohospital naman pala ko
dahil sa blood loss. Hahahaha. After a few minutes humarap na sa akin yung
sekretarya at ngumiti.

"Please follow me." tumayo siya dun sa kinauupuan niya at iginiya ako papasok doon
sa loob ng opisina ni Mr. de Vera. Yun naman pala napaka approachable ng peole
here!

"Excuse me." umalis na siya at isinara yung pinto habang ako naman ay lumapit na
dun sa lalaking nakatalikod.

"Hello Sir. I'm Jacques Dimaguiba from Crisostomo Real State Corporation." oh diba?
Napaka professional lang ng dating ko. Humarap sakin si Mr. De Vera at.......

DAMN! HE IS SO HOT!
to be continued...

VOTE. LONG COMMENT.

Every Friday or Saturday na lang ako makakapag-update dahil busy na ko sa school


and duty. Enjoy! Hello Silent Readers paramdam naman kayo. :) Long comments!

BonitaBabyy

=================

Chapter 9

Chapter 9

Napanganga lang ako sa lalaking nasa harap ko. Siya si Sander De Vera?!! I mean
hindi ko akalain na halos carbon copy ni Stanley yung papa niya old version nga
lang. To be fair ang gwapo at hot! Seryoso! Kahit na mukang may edad na bakas pa
din yung matipunong katawan nito halatang alaga pa din niya yung kalusugan niya.
Ito yung hanap ko ah?! Matandang mayamang gwapo at nakakabuntis pa?!! Leche! Kaya
ako nasasabihang mahilig sa DOM kakaisip ko ng ganito.

Ngumiti lang ako sa kanya ng matamis gayon din siya. Lumapit siya sa akin at
hinalikan yung kamay ko. Ang sweet naman at gentleman! Carbon copy nga siguro siya
ni Stan pero I think malaki pagkakaiba nila sa ugali. Mukang palikero din 'tong si
Mr. Sander.
"What can I do for you beautiful young lady?" lalong lumawak yung ngiti ko ng
kindatan niya ko. Nakakatuwa naman 'tong matandang 'to. Hihi. Aha! Ang landi ng
tawa ko parang kanina lang umiiyak ako.

"I'm Jacques Dimaguiba from Crisostomo Real State Corporation Sir. You can call me
Jackie for short." sabi ko at ngumiti sa kanya. Iginiya niya ko paupo sa swivel
chair at siya naman ay naupo sa isa pang swivel chair kaharap ko.

"Hindi ko akalain na magaganda pala ang mga ahente ng Crisostomo Real State."
tumawa lang ako sa pambobola niya.

"Sus! Ang bolero niyo naman Sir! Di naman masyado! Katunayan ako lang yung
magandang empleyado ng Real State. Nakakahiya nga eh. Hahaha!" agad kong naitikom
yung bibig ko ng mapansin ko na para na naman akong armalite kung dumaldal pero
nagulat lang ako ng humalakhak siya. Grabedads! Ang bagets niya!

"Hahaha! Nakakaaliw ka naman! May naaalala ako sayo. Sa tingin ko nga ay ikaw lang
ang maganda sa kompanya ninyo." muli ay kinindatan niya ko. Natutuwa ako sa
lalaking 'to.

"Bolero niyo naman Sir! Pero seryoso totoo yang sinasabi niyo! Hahahaha!" ayan
bumangka na naman ako sa mga nagiging kliyente ko kasi naman nakakatuwa makipag-
usap sa mga taong interesado talaga sayo hindi katulad ni Stan. Hmp.

"Wag mo na kong tawaging Sir pakiramdam ko tuloy ang tanda ko na. Nasa mid 50's pa
lang naman ako at tingin mo ba ganun na edad ko?" mabilis akong umiling. Katunayan
mukang napakabata pa nito sa itsura na'to kung hindi nga lang sa mga puti nitong
buhok. Hot talaga siya! Katulad ni Stan matangos din ang ilong nito at may Spanish
features. I never thought na magiging interesado ako ng ganito sa isang lalaking
halos ama ko na.
"Sige. Ano naman kaya ang itatawag ko sayo?" hamon ko sa kanya.

"Darling? Honey? They call me Sander but you can call me tonight." natawa na naman
ako sa kapilyuhan niya. Hindi ako makapaniwala na ito talaga ang tatay ni Stanley!!

"I'll call you tonight pero tungkol sa deal. Sander?" I said at ako naman ang
kumindat sa kanya.

"No! Kung gusto mo pag-usapan natin yan habang naglalunch? What do you think?"
tanong nito at dumukwang sa table na ikinagulat ko pero ngumiti lang ulit ako ng
matamis.

"Hmmm? Baka magalit ang asawa mo at ang anak mo?" pilya kong tanong sa kanya.

"May anak ako pero walang asawa. Gusto mo maging asawa ko?" muli ay humagalpak ako
ng tawa siya rin ay nakisabay sa pagtawa ko.

"I like your attitude Jackie." tumayo na siya at inalok sa akin ang kanyang braso.

"Shall we go young lady?" tumango lang ako at kumapit sa kanyang braso at iginiya
na niya ko palabas ng kanyang opisina. Sa paglalakad sa pasilyo ay napansin kong
nakatingin sa amin ang lahat ng empleyado. Iisipin na naman ng mga 'to na isa kong
malanding prosti na nanglalandi ng matanda. Putang mga isip yan!
Tinapik lang ni Sander yung kamay ko at ngumiti sa akin na para bang sinasabi na
huwag ko na lang pansinin yung mga mapanghusgang tao na lagi na lang may nasasabi
sa akin. Bahala nga sila sa gusto nilang isipin ang mahalaga wala akong ginagawang
mali. Tama!

Nakarating na kami ni Sander sa isang restaurant at umorder na din. Siya na ang


umorder nung sa akin lalo pa't hindi naman ako sanay sa mga ganitong sosyalan!
Sinalinan ako ng red wine ni Sander pero umiling ako.

"Hindi ka umiinom ng wine?" tanong nito na namamangha.

"Nah! Pakipuno naman. Hahaha!" natawa lang siya at pinuno yung wine hanggang sa rim
ng kopita, agad ko naman yung tinungga at pagkatapos pinahid ko yung labi ko na
natapunan ng wine.

"You're such an amazing lady." kitang kita ko sa mga mata niya na naaaliw siya sa
akin. Ganun din naman ako eh. Ngayon pa lang kami nagkakilala pero ang gaan na agad
ng loob ko sa kanya. Kung hindi lang siguro nahahati yung utak ko kay Stanley
malamang naisip ko ng gusto ko na 'tong ama niya. Mas gusto ko ata 'tong si Sander
kaysa sa anak niya pero si Stanley naman ang naka-angkin sa akin.

Physically attracted nga lang siguro ako kay Stanley. Pwede ko bang sabihin na
gusto ko siya? Posible nga bang mainlove ang isang taong naka-angkin sayo sa loob
lamang ng isang magdamag?

Stanley's POV
"Tanghaling tapat ata umiinom ka?" tanong sa akin ni Beatrice. Naalala ko nga
palang nandito siya. Kanina pa kasi malalim ang iniisip ko dahil kay Jackie. Napaka
ungentleman ba na pagkatapos ko siyang angkinin ay iiwan ko na lang siya ng ganun?
Pero hindi pa din! Ginagawa ko naman talaga kahit kanino yun pero ang pagkakaiba
lang ay virgin pa siya nung nakuha ko!

Alam ko yung tama pero paano naman yung plano ko para sa amin ni Bea? Kung may
babaeng gugustuhin ko mang pakasalan ay si Bea yun. Naguguilty lang siguro ako lalo
na sa mga nasabi ko kanina. Naiinis lang kasi ako sa kanya. Parang wala lang sa
kanya na nakuha yung pinaka importanteng bagay para sa isang babae. Ayoko mang
isipin pero lalong bumaba yung tingin ko sa kanya. Oo mabait siya at talagang
magugustuhan mo talaga pero yung pananalita at pagkilos niya? Hindi ko matanggap
eh.

May lalaki bang seseryosohin siya kung ganon siya?

"Huy Stan! Ang lalim naman ng iniisip mo.  May problema ba?" tanong sa akin ni
Beatrice na mukang kanina pa ako kinakausap.

"Pasensya ka na ah may iniisip lang ako. Ano nga ulit yung sinasabi mo?" masuyo
kong tanong sa kanya.

"Sabi ko imbes na mag-inom ka diyan samahan mo na lang akong mag-lunch. Tara?"


malambing na sabi ni Beatrice at ikinawit ang kamay nito sa braso ko.

"Makakatanggi ba ko sayo?" hinalikan ko siya sa noo at iginiya na siya papunta sa


car park.
***

Nagpunta kami ni Beatrice sa isang restaurant upang mag lunch. Parehas na steak ang
inorder namin at nagsimula ng kumain. Hindi pa din mawala sa isip ko si Jackie lalo
na yung gabing pinagsaluhan namin. Iba siya sa lahat ng babaeng nakasama ko sa
magdamag. Hindi ko mapigilan mangiti mag-isa kapag naaalala ko yun. Siya lang ang
babaeng minumura ang partner habang nakikipag-sex. Kung hindi lang ako darang na
darang sa kanya malamang iniwan ko na yun. Nakakahiya kasi baka naririnig na nung
mga kapitbahay. Hahaha.

"Stan?" nagitla na naman ako ng tawagin ako ni Beatrice nginitian ko na lang siya
at hinalikan ang kamay niya.

Nabaling yung paningin ko sa likuran niya dahil sa isang malakas na halakhakan mula
sa kabilang table. Nakatalikod yung babae na naka-backless. Maganda ang hubog ng
katawan ng babae. What a sexy back! Naalala  ko yung katawan ni Jackie. Wala akong
pinalampas sa mala-Diyosang katawang iyon.

"Diba si Uncle Sander yon?" turo ni Beatrice sa table na tinitignan ko. Sinilip ko
ng maigi yung kaharap nung babaeng nakatalikod mula sa amin. Si Papa nga?!! Aba't
sino naman 'tong kasama niyang kumakain?! Hindi ko makita yung mukha nung babae.
Masayang masaya pa ang matanda! Halatang aliw na aliw siya dun sa kausap niya dahil
kanina pa siya tawa ng tawa. Hindi na nahiya sa mga kumakain din dito.

"Sandali pupuntahan ko lang siya." sabi ko kay Beatrice at tumayo na ko upang


lapitan si Papa.
Nakikipag date na naman sa mga gold digger!

to be continued...

Just got home from Baguio City! Omeged! Dami ko pang gagawin. :/ Anyway VOTE AND
COMMENT po. Ang konti nung comments. Wala pa tayo sa 1/4 ng story anebenemen.
Hahaha!

Nasa side picture po si Sander de Vera. Bahala kayo! Basta para sakin ang gwapo ni
Fernando Zobel de Ayala! :DD

=================

Chapter 10

DEDICATED 'TO SA FRIENDS KO DITO SA WATTPAD. :) Kinikilig ako sainyo. Buti na lang
andyan kayo kaya di ko maiwan Wattpad pa din readers ko. Hi @Girlinlove
@modernongmariaclara @aishiteruhachi at sa iba pang WP Beauties. :)

Chapter 10

"Natural ba yang kulay ng mga mata mo?" pagkatitig pa ni Sander sa mga ko. Kanina
pa kami nagkekwentuhan at nagtatawanan sa mga wala namang kwentang bagay. Di ako
makapaniwala na yung isang katulad niyang business tycoon ay bagets pang kumilos at
manalita. Unbelievable! Daig pa siya nung anak niyang si Stanley.
"Oo naman! May lahi kasi kong foreigner. Hahaha! Eh ikaw natural din yung sayo?"
ako na ang walang galang. Kasi naman parang kasing edad ko lang kumilos 'tong si
Mr. Sander at nagkakasundo naman talaga kami. Mapapadali trabaho ko dito hindi
katulad ng sa anak niya na madami pang kondisyon. Tsk. Hindi ko tuloy alam kung
nalugi ba ko o hindi kasi naman ibinigay ko sa kanya yung sarili ko. Sobrang cheap
ko naman kung dahil sa deal kaya ko yun ginawa diba? Ano nga bang tawag dun? Lust?

"Oo naman. Nakakaaliw ka alam mo ba yon? Itatakwil na siguro ko ng tuluyan ng anak


ko kung magiging madrasta ka man niya. Hahaha." agad kong naibuga yung iniinom kong
wine hindi ko kasi inasahan yung sinabi niya. Grabe naman 'to! Kung itatakwil siya
ni Stan malamang ako naman mapatay nun. Napaka judgemental pa namang tao nun.

"Teka lang." agad naman siyang dumukwang sa akin at inilapat sa gilid ng labi ko
yung table napkin at pinahid yung natapong wine.

"Dad?!!" nanlaki yung mga mata ko nung marinig ko yung pamilyar na boses na iyon.
Nanigas ako sa pagkaka-upo kasi yung kaninang lalaking iniiyakan ko nasa gilid ko
at nakaharap sa taong kausap ko. Napikit ko na lang ng mariin yung mga mata ko.
Agad na nginitian ni Sander yung anak niya ako naman napatungo na lang kasi hindi
ko alam yung gagawin ko. Sana lamunin na ng mga Engkatada sa lupa ang beauty ko!
Now na!

"What are you doing here Son?!" magiliw na tanong ni Sander kay Stanley. Nakita
kong tumingin sa gawi ko si Stan kaya naman sa kabilang direksyon ako tumingin.
Gulay! Paquiao!

"Malamang kumakain ako. Sino kasama mo?" mukang galit yung tono ni Stan. Over
protective naman neto sa tatay niya! Matanda naman na at saka pwede pang lumablayp.
Ay teka nga?! Bakit ko pa pinoproblema yun?! Hinawakan na ko sa balikat ni Sander
at itinayo. No choice! Hinawi ko yung hair ko at ngumiti kay Stanley. Alam ko
mukang natatae lang yung itsura ko.
"H-hi." mahina kong bati sa kanya. Halatang nagulat siya sa pagkakakita sa akin
pero hindi ko maintidihan ng makita yung galit sa mga mata niya at ikinuyom niya
ang kamao niya. Hinawakan ako ni Sander sa baywang at ipinakilala kay Stanley na
anak nito.

"Jackie siya nga pala si Stanley ang anak ko, Stan si---" hindi pa man natatapos ni
Sander yung sasabihin niya ay agad na kong hianwakan ni Stanley sa wrist at
PUTANGNAAAAA. Kinaladkad niya ko palabas nung restaurat! Halos mapasubsob na ata
ako dahil sa lakas niya kung makahila sakin. Marahas niya kong binitawan buti na
lang nakuha ko yung balanse ko.

Punyeta naman kung makabalibag eh! Agad kong hinawakan yung namumula ko ng pulso.
Bwisit! Sadista siya masyado ah! Kalahating araw pa lang pero nasaktan na niya ko
physically and emotionally! Galit akong humarap sa kanya pero galit din siya sa
akin. Nakakuyom pa din yung kamao niya.

"Ano bang problema mo ha?!!" galit kong tanong sa kanya. Wala akong pakealam kung
may makakita man o makarinig saming dalawa. Naiinis na ko eh!

"At anong ginagawa mo kasama ng papa?!!" ano bang pinuputok ng butsi ng gagong
lalaking 'to. Siya na nga nagsabi na casula sex lang ang sa amin tapos.....teka
parang alam ko na kung bakit siya nagagalit.

"Pagkatapos sakin yung tatay ko naman?! Galing mo din no? Ano gagawin mo pag di
pumayag si papa? Ibibigay mo din ba sari----" hindi ko na siya pinatapos at
sinampal ko siya ng malakas na napabaling ang mukha niya sa lakas ng impact.
TARANTADO eh! Napatahimik naman siya sa ginawa ko. Sinampal ko siya ng isa pang
beses.

"Ano akala mo sakin pokpok?! Katulad ka din nila!" tumawa lang ako ng pagak sabay
punas sa umaagos na luha sa mga mata ko. Pesteng luha!
"Pare-preahas kayo! Palibhasa mayaman ka kasi kaya kung makahusga ka! Para sabihin
ko sayo kusang loob kong binigay ang sarili ko sayo at hindi dahil sa deal. Nanalo
ako sa 13 Hell Shots pero binigay ko pa din yung sarili ko sayo. Isa kang GAGO!"
binangga ko muna siya bago tuluyang umalis. Pinahid ko din yung mga luha ko.

Papara na sana ko ng taxi ng biglang may pumigil sa braso ko. Shit! Icocomfort ba
niya ko. Hinarap niya ko sa kanya at pinahid yung mga luha ko. Niyakap niya ko.
Isinandal ko na lang yung ulo ko sa dibdib niya at umiyak pang lalo. Tinapik lamang
niya ko sa balikat. Naiinis ako. Tama ba yun? Hinuhusgahan nila ko sa kung ano yung
nakikita nila sakin? Ang masakit pa dun ay pagsalitaan ka ng kung anu-ano! Buti nga
inunahan ko na siya ng sampal bago pa dumami yung mga paratang niya sakin. Shit!
Shit!

"Ang sama niya sakin eh. Bakit ganun siya?! Kahit i-trato naman sana niya kong
babae diba?!"

"Hush sweetheart." hindi naman na ko umasang si Stanley yung hahabol sakin para
mag-sorry. Buti pa 'tong tatay niya eh kanina ko lang nakilala pero may malasakit.
Hindi ako hinuhusgahan. Si Stanley?! Nung nakaraang linggo ko lang din naman
nakilala pero sobra eh! Nakakainsulto na ng pagkatao!

"Pagkatapos niyang makuha yung Bataan! Putanginang mga lalaki! Parang tatay ko
lang! Hindi na ko natutuo sa nanay ko." iyak ko pa sa kanya kahit na nababasa na
yung suit niya.

Stanley' POV

Hindi ako nakagalaw nung sinampal niya ko. Kitang kita ko yung pagkamuhi sakin ni
Jackie. Hindi naman ako ganito ka-harsh sa ibang babae pero may isang bagay kasing
pinupukaw sa akin si jackie na hindi ko naman mapangalanan. Naiinis ako sa sarili
ko. Ang balak ko pa naman ay mag-sorry kung magkikita man kaming muli bakit kasi
ganun yung nadatnan kong sitwasyon kanina?! For Pete’s sake! Kagabi ako yung kasama
tapos ngayon yung tatay ko naman?! Ito namang si papa halos anak na niya si Jackie
nilalandi pa.

Nakakainis lang! Bumalik na ko sa restaurant wala na sila papa at Jackie sa table


nila. Inaya ko ng umalis si Beatrice kahit na hindi pa kami kumakain. Nawalan ako
ng gana eh. Mag-sosorry kaya ako kay Jackie?! Naiinis ako sa sarili ko sabi ko pa
naman sa sarili ko na kahit ganun yung kilos at pananalita ni Jackie ay
rerespetuhin ko pa din siya, kasalanan ko din naman kung bakit may nangyari saming
dalawa kagabi.

Ang sama ko talaga! Pasakay na sana kami ni Beatrice sa kotse ko ng mahagip ng


paninigin ko si papa at Jackie na magkayakap, umiiyak si Jackie sa bisig ni papa.
Puta! Agad na nagngitngit yung puso ko. Ayoko ng isipin kung ano yung tawag sa
nararamdaman ko!

Agad akong lumapit sa kanila at hinila sa braso si Jackie para malayo siya sa papa.

“Pwede ba papa?! Layuan niyo na kami ng FIANCEE ko!” maski ako ay nagulat sa nasabi
ko gayundin sina Jackie at papa. Magsasalita pa sana siya pero agad kong siniil ng
halik ang kanyang mga labi. Sa una ay marahas bilang parusa sa lahat ng ginawa niya
pero sa huli nadala na naman ako sa matatamis niyang mga labi. I kissed her
passionately.

Ilang minuto din ata ang tinagal ng halik na iyon. Wala kaming pakialam sa mga
taong nanonood. Naghiwalay na kami at nagkatitigan sa mga mata hanggang sabay
kaming napalingon sa side namin.

Si Beatrice. Umiiyak.
A/N: Sobrang depressed ako ngayon. Suko na ko sa mga nagpaplagiarize ng stories ko.
May namimigay pa daw ng soft copies. Nakakahiya naman sakin. Salamat po sa mag
nagrereport sakin if nakikita nila sa ibang site yung stories ko. Ayoko ng lumaban.
Konsensya naman ninyo. atleast yung story galing sa utak ko hindi sa copy paste. :*

Tinamad ako magsulat. Seryoso. Nakakawalang gana yung nagpapakahirap ka tapos ganun
pa. Wala na nga po kaming sweldo. Libre na nga eh. Naiintindihan niyo ko diba?
Writers din kayo.

Sorry sa pagrant.

VOTE at COMMENT naman po.

BonitaBabyy

=================

Chapter 11

Chapter 11

Napatulala lang ako sa mga nangyari. Ikaw ba naman fiancee mo daw si Stanley  at
tapos nilaplap pa niya yung labi ko na akala mo walang bukas?! Naloka talaga ko dun
ng bonggang bongga! Hindi kineri ng powers ko yun! Akala ko nga uubusin na niya
lahat ng oxygen sa katawan ko eh. Hahabulin ko sana si Bea kasi alam ko na may
something chuchu sila ni Stan pero sabay pa kong pinigilan nung mag-ama at iniharap
sa kanila. Anobey?! 

Yayakapin na sana ko ni Sander kaso bigla ba namang pumagitna samin si Stanley?


Siya tuloy yung nayakap nung tatay niya tapos ako naman nawala na sa moment.

"Nako! Kaya naman pala magaan loob ko sayo kasi ramdam ko na ikaw ang future
daughter-in-law ko. Hahaha." sabay kindat sakin ni Sander. Hala! Kanina lang
binobola bola ako nito ah?
"Sabi ng fiancee ko siya eh!" hinila ako ni Stan palayo kay Sander. Ano bang
inaarte nitong Stanley na'to. Hindi pa ko makarecover sa ginawa niya eh!

"Napaka seloso naman nitong anak ko! Teka? Kailan nga pala ang kasal? Bakit ngayon
mo lang ipinakilala si Jackie? Pano kayo nagkakilala?" woah! Andaming tanong?! Pano
ko naman kaya iimbentuhan lahat ng sagot lahat ng tanong niya? Kailan kami
ikakasal? Aba'y ngayon ko nga lang nalaman na ikakasal na pala ko eh! Bakit ngayon
lang ako pinakilala? Wala na nga siyang balak na makita ako ipakilala pa kaya. Tss.
Pano kami nagkakilala? Eh simple lang one night nagpunta ko sa bar niya at inalok
siya ng lupa. Isasagot ko na sana yung mga nasa isip ko ng takpan bigla ni Stanley
yung bibig ko.

"Malapit na. Pupunta nga dapat kami sa kanila ngayon eh saka ipapakilala ko siya
dapat pag kasal na kami." sus. Kahusay gagawa ng kwento! Mukang bumenta naman kay
padir kaya tumango lang at ngumiti sa amin.

"Kahit ngayon ko lang nakilala 'tong si Jackie eh boto ako. Mahusay kang pipili
anak! Osige sabihin mo lang kung kailan mamanhikan ah?" anuraw?!! Sasabat sana ko
kaso biglang umepal si Stan. Seryoso? Kasalan talaga? Yung totoo?!!

"Osige." matipid na sagot ni Stanley. Yun na yun? Ikakasal na ko agad agad? Wala
man lang yung mga ekek na napapanood ko sa t.v?! Ano 'to PBB Teens?!!

"Ikaw Jackie tawagin mo na kong papa ah? Wag ng honey, darling or sweetie. Hahaha."
tumawa lang ako at tumango ito namang si Stan hindi na naman maipinta yung mukha
gusto ko na ngang maniwala na nagseselos siya eh. Nag wave na si Sander este papa
samin at umalis na. Hay. Ang gaan talaga ng loob ko sa matandang yun. Sana siya na
lang tatay ko edi sana masaya! Naiwan na kami ni Stanley na nakatayo doon.
Magsasalita na sana ko kaso bigla na naman siyang umepal. Pwede ba patapusin niya
muna ko?!!

"Oo. Pakakasalan na kita! Nakokonsensiya ko at saka baka mamaya ipa-salvage pa ko


ng nanay mo!" defensive niyang sabi sa akin. Eh wala naman akong sinasabi ah?
Anyway, siya mapapangasawa ko?! Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Gwapo,
Macho, Bagets, Mayaman at Hot?!! Jackpot baby! Itong ito na yun! Pano kaya kung si
Sander naman tapos si Mama?! Para na kaming nanalo ni motherhood nun sa Super duper
mega ultra rampage lotto!

"Tara na sa inyo!" hindi pa man ako nakaka-oo hinila na niya ko sa braso. Kahilig
lang maghahatak nito. Nakakasakit na puta! Sumakay kami sa kotse niya. Teka? Himala
naman at hindi kami sa motor nakasakay?! May mamahalin na ngang motor mamahalin pa
yung kotse. Madatung nga itey! Tiba-tiba naman ho ako dito!

Pagdating namin sa bahay eh kumatok ako ng tatlong beses sa pinto. Hindi naman kami
nag-uusap kanina sa sasakyan basta ayun nga daw pakakasalan niya ko. Naisip ko lang
ah? Bakit siya nagagalit na kasama ko yung papa niya? Diba sabi niya pagkatapos
niya yung papa niya agad kasama ko. Eh bakit siya?!! Parang magkasama lang kami
kagabi tapos mag ka-date na ngayon?!! Aba! Nautakan ako ng lalaking 'to ah! Di ko
talaga naisip agad yun ah?! Masyado ata akong di makaget over sa happenings!

 Nakakatatlong katok na ko ng pinto pero wala pa ding nagbubukas, siguro nakipag


date na naman si mama! Binuksan ko na lang yung pinto. Papasok na sana kami ng....

"STANLEEEYYYYY!" agad kong nilapitan si Stan. Sapo niya yung noo niya at pagkakita
ko nagdudugo ito. Ikaw kaya batuhin ng remote ng t.v tapos sapul pa sa noo? Matuwa
ka kaya? Naku si mama talaga!!

"Sige maupo ka muna. Kukuha lang ako ng yelo ah." dali dali akong nagpunta sa
kusina habang si Stan naman pinaupo ko muna sa sofa habang binubungangaan ni mama.
Buti na lang talaga hindi na masyadong nagdudugo yung noo niya kung hindi baka
magbayad pa ko ng hospital bills ng hindi oras. Jusko po! 13 pa lang ngayon! Hindi
pa ko sumusweldo at isa lang ibig sabihin nun.. Wala pa kong datung!

"Hoy ikaw! Buti naman at pakakasalan mo na 'tong anak ko! Pagkatapos mong kuhanin
ang hiyas niya iiwan mo na lang siya ng ganun?!! Yun na nga lang ang puhunan niya
para makaros sa kahirapan eh! Kundi ka ba namang gago! Di lang yan aabutin mo pag
nagkataon!" inawat ko si mama at tumabi kay Stanley para ilapat yung cold compress
sa noo niya. Inirapan ko nga si mama.

"Wag ho kayong mag-alala pakakasalan ko anak niyo. Alam ko po responsibilidad ko."


mahinahon na sabi ni Stan habang napapadaing pa din sa natamong sugat sa noo nito.

"Naku mama buti kamo at hindi 'to na-comatose edi lalo akong di pinakasalan nito.
Ikaw talaga eh!" sabi ko naman.

"Oo nga no? Pero kahit na! Buti hindi pa kita naipapa-blotter! Basta ayusin niyo na
yang kasal niyo!" ayun naman oh! Kagaling mamikot ni mama!

"Ako pong bahala. Alam ko po may responsibilidad ako sa anak ninyo." konti na lang
talaga maniniwala na kong seryoso 'tong si Stanley sakin pero siyempre hindi ako
aasa no.

After mag-usap ni mama at Stan ay nagpaalam na din naman si Stan kasi magbubukas pa
daw siya ng kanyang bar. Kawawa naman yung gwapong mukha ng future husband ko
nasugatan pa yun nga puhunan nun eh. Tsk. Nakakainis talaga si mama! Hayaan na
magandang lahi pa din naman eh. Hahahaha!
***

Nandito ako ngayon sa opisina para magpasa ng annual report kay Brooke. Nagkadugo-
dugo ilong ko kakaenglish sa pesteng report na'to ha?! Pagpasok ko sa opisina ni
Brooke naabutan ko siyang nagdadabog. Ano naman kayang problema ng babaeng 'to at
nagdadabog? Naupo na lang ako sa upuan at inilapag yung folder sa table niya.

"Bakit ba ganyan yung mukha mo? Para kang natatae." tanong ko sa kanya pero
tinignan lang niya ko ng masama.

"Wala. Naiinis lang ako dun sa new secretary ni Steven!" padabog na naupo si Brooke
sa chair niya. Akala mo talaga bata. Tsk.

"Sino yung Priscilla?" bored kong tanong sa kanya.

"OO! Sinasagot ba naman ako! Tapos ang bastos makipag-usap sakin!"

"Insecure lang sa beauty mo yun teh!"

"Kahit na! Hay, paglabas mo nga pakibigay 'tong mga papeles sa secretary ko tapos
ipabigay kay Priscilla." Hmmm. May naisip ako! Ayoko talaga na may nadedehado sa
mga kaibigan ko eh! Tumayo na ko at kinuha yung mga papeles.

"Ako ng bahala dito dear. Ciao!" at kumendeng kendeng na ko palabas ng opisina ni


Brooke.

Pagdating ko sa opisina ni Steven nakita ko agad si Priscilla na nagsasara ng


butones ng blouse niya habang ngumunguya ng bubble gum. Mukang kakaraos lang nito
ah? Kanino naman kaya? Dun sa guard sa elevator?! Nilapitan ko na siya at ibinagsak
sa table niya yung mga papeles kaya naman kumalat ito. Napatayo siya at tinignan
ako ng masama. Tinaasan ko lang siya ng kilay at namewang sa harap niya.

"Ano bang problema mo ha?!!" tanong niya sakin na halatang galit na galit.

"Ikaw! Bakit mo ginaganun boss ko? Wala kang galang ah!" pawalaan ba ng breeding
labanan? Pwes, laban ako diyan! 

"Siya? Bakit niya ginaganun ang boss ko?" anuraw? Ginaganun?


"Wag niya kamo lalandiin si Yvo para walang problema!" si Yvo?! Yung bodyguard ni
Brooke?! Eh sira ulo naman pala 'tong babaeng 'to eh!

"Alam mo insecure ka lang kay Brooke eh! Bakit maganda ka ba?" tanong ko sa kanya
sabay tingin sa kanya mula ulo hanggang paa.

"Sexy ako kaya maganda ako!" proud pa niyang sabi. Nag smirk lang ako at umiling.

"Porke't sexy maganda na agad? Kailan pa naging mukha ang katawan?" tinalikuran ko
na siya at kumendeng na pabalik sa cubicle ko. Narinig ko ang pagsigaw niya sa
inis. Hahaha. Buti nga! Barado eh! Huminto ako at humarap sa kanya.

"Alam mo kung totoo lang yung mga zombie baka ikaw lang ang matira? Kasi wala ka
namang utak. Bye!" malambing kong sabi sa kanya sabay irap. Nagdiretso na ko ng
lakad.

Naupo na agad ako sa cubicle ko at nag FB lang sa desktop ko. Wala naman kasing
magawa sayang naman pamasahe ko kung uuwi na agad ako diba? Atleast dito sa opisina
malamig. Hahaha. Napansin ko na mga nakatingin sakin yung mga kasama ko sa trabaho?
Ano na naman kaya latest chismis sakin ngayong araw na'to? Tss. Hindi ko na lang
sila pinansin at nag FB na lang. Buti na lang lumapit si Patricia sakin.

"Oy bakla! Anyare bakit mga nakatingin sakin mga yan?!" pinagtuturo ko yung mga
kasama ko kaya naman mga umiwas ng tingin sakin. Nakakaasar eh.

"Ang ganda mo daw kasi teh! Hihihi." kalandi ng tawa?

"Thanks. Sana ikaw din." pambabara ko sa kanya.

"Ang sama mo talaga! Sana sinabi mo na lang 'Thanks. Parang ikaw." inirapan ko lang
siya.

"Bakit nga kasi bakla?!!" tanong ko sa kanya.

"Eh kasi ho baklang Jackie nasa lounge yung fiancee mo! Kaya naman pala naghahanap
ng gunting nung isang gabi eh. Hindi mo naman agad sinabi na papabols mo yung si
Mr. Bartender! Tiba-tiba ka dun girl! Yuminess!" anlandi?! Teka! Andito si
Stanley?!!
"Magpapa-transplant na talaga ko ng ovaries at uterus at papabuntis ako diya sa
future josawa mo! Kakalurkey bakla!" hindi ko na siya pinansin at tumayo na ko sa
cubicle ko para puntahan si Stan sa lounge. Bakit naman kaya?!!

Aatras na kaya siya sa kasal?!!

Hindi maaari!

to be continued...

Wag po malilito sa timeline ah. :) Parang mas nauna yung lovelife ni Jackie pero
mas una lang naikwento yung story ng mga kaibigan niya. Summary kasi yung sa kanya.
:)) Madadaanan lahat ng nangyari sa previous books. Pansin niyo walang epilogue
yung previous books? Sa kanya kasi yung epilogue since siya yung last book. :)

Pabasa pala ng Once Upon A Bride : Special Chapter leave kayo ng feedback ha pati
dito?

bonita_babyy@yahoo.com

add niyo si Jackie: jaquesdimaguiba@yahoo.com.ph

=================

Chapter 12

Chapter 12
Napatayo naman ako ng hindi sinasadya sa sinabi nitong si Patricia. Haler? Anong
eksena naman 'tong ginagawa ni Stanley? Umaarteng feeling fiancee talaga?! Ako
naman 'tong feel na feel at nag flip pa ng hair sa mga kasamahan ko sa trabaho.
Mamatay sila sa inggit! Hot papa kaya fiancee ko! Hahaha.

"Excuse me lang ha. Yung FIANCEE ko nasa lounge kanina pa ata ako hinihintay."
maarte kong sabi at natuwa ako ng umirap yung mga inggitera kong mga kasama. Si
Patricia naman ganun din kaya inismiran ko na lang. Agad akong kumaripas ng takbo
papunta dun sa lounge. Seryoso?! Andito si Stanley? But why?! Agad kong nakita si
Stan na nakaupo dun sa couch. Shit! Kahit halatang bored na bored siya ang gwapo pa
din talaga niya. Wala bang side na pangit ang lalaking 'to?! Lumapit ako sa kanya
at tumikhim para maramdaman naman niya yung presence ng beauty ko.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. Hindi ko pinahalatang excited ako na


makita siya nakakahiya eh kaya medyo pinormalan ko yung boses ko kahit na hindi
naman bagay sakin. Inabot niya sakin yung isang envelope kaya naman binuksan ko ito
napaangat naman agad yung mukha ko sa kanya.

"Marriage Contract?!! Agad? Agad?" tanong ko sa kanya. Eh nakakaloka naman oh!

"Si Papa ang atat 'no. Andyan na din yung kontrata dun sa deal natin pati yung sa
kanya. Ganyan talaga si Papa mabilis mag desisyon. Ewan ko nga ba dun hindi ka pa
naman masyadong kilala pero gustong gusto ka na." ano na naman ba gusto nitong
palabasin? Na oportunista ako? Gold digger? Ano ang ibig sabihin niya sa hindi pa
niya ko kilala? Nakakainis! Bakit ba napaka judgmental ng taong 'to?! Nakakasakit
na ah! Huminga na lang ako ng malalim at ngumiti kahit na naluluha na naman ako.
Peste!

"Bakit naman? Ganyan talaga mabilis silang mabighani sa charm ko." kinindatan ko
lang siya.

"Yun oh! Madami na naman akong datung nito! Thank you ha! Isang gabi lang madami na
kong pera plus nasiyahan pa ko." mabilis na dumaan sa mga mata niya ang galit at
hinaklit ako sa braso.

"Sa oras na maikasal tayo Jackie ayokong ayoko na may kliyente kang lalaki at
papayag sa mga gusto nila para makabenta ka lang ng lupa ah?!" umismid lang ako at
tinignan ko siya ng masama.

"At bakit naman?! Ikakasal lang tayo pero hindi naman natin gusto ang isa't-isa.
Concern ka?!" I hissed.

"OO! Ayoko sa lahat yung mababastos ka naiintindihan mo?!" napanganga na lang ako
sa sinabi ni Stanley at iniwan niya kong nganga. Mabilis ko naman siyang hinabol at
pinigil sa braso. Naramdaman ko yung pagrelax niya at huminga siya ng malalim.

"Ayusin na natin ang kasal. Okay na yung marriage contract. Gawin na lang nating
simple. Nakausap ko na yung mayor mag set na lang tayo ng date." seryoso nitong
sabi.

"Napipilitan ka lang diba na pakasalan ako dahil kay mama? Si Beatrice naman talaga
diba?" alam ko namang torture lang 'tong ginagawa ko eh! Bakit pa kasi ako
nagtatanong? Pakakasalan na nga ako! 

"Dahil may isang salita ako Jackie." tumingin siya sa relos niya at tinignan ako.

"Kumain ka na ba?" umiling lang ako. Nawalan ata ako ng energy eh. Hanggang ngayon
iniisip ko pa din kung bakit nga ba namin kailangan magpakasal. Wala naman siguro
kaming mabubuo diba? Imposible. Isang gabi lang yun eh. Tumango na lang ako ng
ayain niya kong kumain ng lunch at para mapag-usapan na din namin yung kasal.

Kumain lang kami sa isang simpleng restaurant hindi naman kasi ako sanay sa mga
sosyalang kainan. Kahit nga diyan lang sa turo-turo pwede na ko eh! Dahil nga
madatung 'tong jowawa ko ay solve solve ang tsibugan! Ahahaha. Nagtext si mama at
pinapaunta niya ko sa lola ko na si Lola Loleng. Actually lola ni mama yun eh.
Isasama ko na lang 'tong si Stanley para naman makilala din niya. Wag naman niya
sanang haharassin at mahilig pa naman yun! After namin kumain ni Stanley ay inaya
ko lang siya kay Lola Loleng. Nagtaka nga siya kasi nakalabas na kami ng SLEX at
lahat lahat pero di pa din kami nakakarating sa pupuntahan namin. Si Lola Loleng
kasi may sa mangkukulam yun eh.

Napag-usapan nga pala namin na NEXT WEEK na ang kasal. Eh bakit pa namin
papatagalin diba? Kasal lang naman. Sus! Titira na ata ako sa kanila eh? Makakasama
namin sa bahay yung papa niya. Haler! Alangan dun niya ko sa club patirahin no?
Ganda ko lang! Naiisip ko na! Kabilis talaga ng utak ko. Hahaha. Magtatabi kaya
kami sa kama?! May magaganap kayang milagro? Ahhhhh! Bakit ba ang polluted ng utak
ko?!

"Huy nasan na ba tayo?" nawala tuloy ako sa pag-iimagine ko ng biglang magsalita si


Stan kaya naman napatuwid ako ng upo. Sakto naman na nasa tapat na kami nung kubo
ni Lola Loleng kaya pinahinto ko na siya at tumapat sa kubo. Nag aalangan pa nga
siyang bumaba kasi totoo namang ang weird talaga dito. Hahaha. Pagkapasok namin
sumalubong agad samin yung mga binebentang agimat/langis chuchu ni Lola tapos ayun
nagdadasal ata siya. Hahaha. Kunwari pang aakbay sakin si Stan eh alam ko namang
natatakot siya.

"AHHHHH UHMMMMM... AHHHHH UHMMMM! BOOM!" halos mapalundag kami ng humarap samin si
Lola Loleng. Kaloka talaga ng matandang 'to eh! Hahaha! Si Lola Loleng may takip
yung kaliwang mata niya. Muntikan na daw siya ma-rape nung araw eh. Echusera!

"Anong masamang hangin at nadaan ka dito Jackie Pukengkeng?" nanlaki yung mga mata
ko ng tawagin niya ko sa nakakapunyeta kong nickname! Oo! Jackie Pukengkeng
nickname ko! Napansin ko na nagpipigil ng tawa si Stanley kaya agad kong tinakpan
ng kamay ko yung bibig ni Lola. Kainis talaga! Ang ganda naman ng pagbati niya
sakin!

"Lola naman bakit sa harap pa ng mapapangasawa ko?" bulong ko kay Lola at inalis na
yung kamay ko sa kanya.

"Aba! Akalain mong may nagkamali sayo?! Gwapo 'tong mapapangasawa mo ah. May abs ba
naman yan ha?" I rolled my eyes! Sabi na mahilig 'tong matandang 'to eh. 

"Meron yan siyempre! Kaloka naman nito! Ay La, si Stanley nga pala. Stanley si Lola
Loleng pala lola ko." magmamano sana si Stan kaso itong si Lola na manyak ang gusto
pa beso-beso. Hustong pagka beso ni Stan ay inilayo ko na siya kay Lola kasi
mahilig sa mababangong lalaki yun. Kainis!

"Napaka selosa naman nitong apo kong si Jackie Puk---" hindi ko na siya pinatapos
at tinakpan ulit yung bibig ko itong si Stanley naman humagalpak lang ng tawa.
Arghhh! Alam ko na talaga kung kanino ako nagmana!

After makipag chikahan ng konti dito kay Lola Loleng nagpaalam na din kami.
Pinabaunan pa ko nung mahiwagang langis niya ah! Nakakaloka! Effective at subok na
daw talaga niya! Para daw gumanda pagsasama naming dalawa ni Stan. Grabe lang
talaga! Hahahaha. Pero gagamitin ko sayang naman. Mga hapon na din kami nakabalik
ng Manila at dumiretso kami sa isang boutique para bumili ng isusuot namin sa
wedding. Okay lang talaga na hindi CHURCH WEDDING ang kasal ko. Hay. Sa aming tatlo
nina Biancx at Sheila wala man lang ata naikasal sa simbahan. Nakakalungkot naman
talaga. Si Brooke pa lang ata makakaranas pag natuloy na yung naudlot nilang kasal
ni Steven.

Pagkatapos  nun nag dinner naman kami kasama yung papa niya na walang ginawa kundi
kulitin ako kaya itong si Stanley laging sinusumpong. Matutuwa akong isipin kung
nagseselos nga talaga siya.

"Excited na ko sa kasal niyo. Itong si Stanley gusto pa kasing sikreto yung kasal
niyo. Tsk. Dapat sa katulad mo Jackie ay yung pinagmamalaki sa mga tao." sabay
kindat pa sakin nitong si Papa. Nawindang naman daw ako! Yung biyenan mong hilaw
panay pa-cute sayo. Hahaha! 

"May sakit ka ba sa mata ha? Bakit ka ba kanina pa kindat ng kindat kay Jackie?
Tss. Tusukin ko yang mata mo eh." siniko ko si Stan kasi naman kung makapagsalita
sa Papa niya akala mo kaedad lang.

"Eh bakit ba? Gandang ganda ko kay Jackie. Kung di mo lang talaga nasabi na fiancee
mo siya edi sana madrasta mo na siya ngayon. Hahaha. Ano Jackie?" nasamid naman daw
ako sa mga pinagsasabi ni Papa. Nakakaaliw talaga siya. Kung siya lang din naman
magiging biyenan ko wala akong reklamo. Hahaha. Malas lang ni Sheila dati sobrang
epal nung ex-biyenan. Buti na lang talaga hiwalay na sila nung asawa niya. Kaaga
kasi bumigay eh, dinaig pa ko?! Di nga ako makapaniwala nung sinabi niya na
ikakasal na siya 5 years ago. To think na 18 pa lang kami nun?!! Tapos itong si
Bianca kinasal sa asawa ng kapatid niya. Ba naman!

"Oo na!" naiinis na sagot ni Stanley.

"Oh kailan na ba ang kasal? Pwede bang ngayon na? Gusto niyo tawagan ko na yung
mayor?" natawa lang ako kasi halata yung excitement sa itsura ni Papa. Bagets
talaga!

Tahimik lang si Stanley sa buong dinner kami lang ni Papa ata yung di na naubusan
ng pag-uusapan at hindi ko mapigilan ang tumawa ng tumawa kasi nakakaaliw talaga
siya. Kung hindi lang din ako naging fiancee ni Stan baka nga madrasta na niya ako
ngayon. Hahaha! Kahit sino mapapamahal kay Sander. Muy simpatiko eka nga. Nagsimula
ng sumayaw yung mga tao sa kabilang table hinintay kong ayain akong sumayaw ni Stan
pero wala ata sa mood. Hays. Buti na lang gentleman si Sander at inaya akong
sumayaw.

Bigla na lang nag change yung kanta sa masaya at maharot na sayaw kaya wala kaming
nagawa kundi sumayaw sa maharot na tugtugin na iyon. 

"Magaling ka pala sasayaw Jacques." nginitian ko lang si Sander at piangpatuloy


yung pagsayaw. Natutuwa ako sa kanya. Kaya niya kong sakyan kahit may edad na.
Hahaha. Naging slow yung tugtog at magsasayaw na sana kami ng biglang sumulpot sa
harap ko si Stanley at hinawakan ako sa baywang upang isayaw. Nakita ko na lang na
nag thumbs up si Sander at bumalik na sa table namin. 

Isinandal ko na lang yung mukha ko sa dibdib ni Stanley at niramdam yung moment na


'to. Kahit ganito lang maramdaman ko naman sana na mahal niya ko kahit kunwari lang
diba? Naramdaman ko na humigpit yung yakap niya sa akin.

"Overprotective ba ako kung babawalan kitang lumapit kay Papa? Wag mo ng tanungin
kung bakit. Hindi ko din masasagot." humarap siya sa akin na seryosong seryoso.
Napatulala na lang ako kasi ano ba!! Nalilito na ko! Hinalikan niya ko. Passionate.

Guess what kung kailan ang kasal?!!

Sa July 27, 2012!

to be continued...

Kailangan ko ata dalasan update ko kasi naman baka abutin 'to ng next year kung
ganito. Hahaha! Joke! Ayun ang haba pa ata? siguro bibilis na after wedding. 

Jackley moments or Jander moments?

VOTE COMMENT AND RECOMMEND

Tatry ko mag-update ng madalas. Try po ah.

=================

Chapter 13

STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG ANG KAILANGAN.


Chapter 13

"Ayan ang ganda mo na Jackie!" kakatapos lang akong ayusan ni Patricia. Napailing
na lang ako at ngumiti ng mapakla. Akala mo naman napaka espesyal ng araw na'to.
Isang ordinaryong araw lang naman ito. Ang kasal ko. Walang bisita kahit na mga
magulang namin. Si Patricia hindi rin kasama mamaya. Sabi na nga ba ikinahihiya
talaga ako ni Stanley. Iniisip ko nga kung tama pa bang ituloy 'to. Unang-una ano
ang dahilan niya para pakasalan ako? Pwede naman niya kong iwan katulad ng mga
ginawa niya sa mga babae niya.

I don't get it! Natakot talaga siya sa pananakot ni mama? Ayaw niya na
magkamabutihan kami ng ama niya dahil ang akala niya isa akong gold digger at
oportunista?! Haha! Gusto kong tumawa ng sarkastiko. Kung yun lang din naman ang
dahilan niya pwes gusto kong matawa. Nag buntong hininga na lang ako at tinignan
ang sarili ko sa salamin. Ngayon ko lang ulit nakita yung sarili ko na ganito.
Malungkot.

Bakit nga ba ko nalulungkot? Ni sa hinagap ay hindi ko naman pinangarap na


magpakasal sa taong mahal ko. Isa lang naman ang gusto ko ang makaahon sa hirap at
hindi na ulit danasin ang naranasan ko noong bata pa ako. Hinawakan ko yung mukha
ko. Kahit na mahirap lang kami inaalagaan ni mama ang mukha ko ito lang daw yung
tanging paraan kung paano kami makakaahon sa hirap. Ayoko ng maranasan ang
magtrabaho sa club bilang waitress at mabastos! Ayoko ng makisabay sa mga kaibigan
ko papasok at pauwi sa school dahil lang wala akong pamasahe at hindi kuripot!
Ayoko ng mag boyfriend dahil sa mga binibigay nilang freebies para may makain!
Somehow naiinis ako sa sarili ko. Kasalanan ko din naman kung bakit ganito na lang
ang tingin ng mga tao sa akin. Isang gold digger, social climber at oportunista.

Sila kaya ang lumagay sa katayuan ko? Ano bang kaya mong gawin para lang matupad
ang mga pangarap mo at hindi kayo magutom ng nanay mo?! Kasalanan 'to ng tatay ko!
Kasalanan niya!

Hindi ko na namalayan na pinupunasan na pala ni Patricia ng tissue ang mukha ko.


Umiiyak na pala ako. Sa likod ng mga ngiti ko ang babaeng puno ng insecurities sa
katawan. Inagaw ko yung tissue kay Patricia at suminga ng malakas baka kasi mamaya
ngongo na ako.

"Ano yan teh tears of joy?! Sayang make-up mo Revlon pa naman ginamit ko." tinignan
ko lang ng masama si Pat ngunit tumawa din.

"Palibhasa kasi hindi beautician ang kailangan mo kundi magician. Hahaha!" nag walk
out na lang si Patricia sa pang-aalaska ko. Tumingin ulit ako sa salamin at inayos
yung make-up ko.

"Ikakasal ka lang naman Jackie. Ano naman kung hindi ka niya mahal? Ang mahalaga
marami siyang pera at kaya niyang ibigay lahat sayo at sa mama mo." pilit kong
pinapakalma ang sarili ko. Tama. I-brainwash na lang ang sarili. Huminga ulit ako
ng malalim at ngumiti na abot tenga. Ang ngiting matagal ko ng ginagamit sa harap
ng maraming tao. Hindi ako si Jackie kung umiiyak ako.
“Pera pera lang yan.” pampalubag loob kong sabi sa sarili ko.

***

Bandang alas-seis ng gabi ng sunduin ako ni Stanley at nagpunta na sa mayor's


office para matapos na ang kasal namin. Walang emosyon lang yung pagbibitaw namin
ng mga salita sa harap ng mayor animo labag pa sa kalooban namin ang pagpapakasal
na ito. At noong matapos na ang kasal at sinabing ganap na kaming mag-asawa ay
dinampian lamang ako ng halik ni Stanley sa labi at kinamayan na ang mayor. Ngumiti
na lang ako sa mayor at kinamayan ito. Nag kunwari akong masaya kahit nasasaktan
ako! Yung mga kilos ni Stan noong mga nakaaraw araw ay nagdala sakin ng kalituhan
ngunit ngayon sigurado na ko na pinoprotektahan lang niya ang kanyang ama sa isang
katulad ko.

Pilit kong pinipigilan ang mga luha ko na nagbabadyang umalpas sa mga mata ko.
Ikinawit ko lang ang kamay ko sa braso ni Stanley at lumabas na ng mayor's office.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Mag dinner tayo tapos mag bar tayo. Gusto mo?" tumango na lang ako at tumingin sa
labas ng bintana. Hanggang makarating kami sa isang mamahaling restaurant ay wala
pa din ang nagsasalita sa amin. Umorder na lang kami ng isang steak at isang bote
ng red wine. Tahimik ko lang sinimsim ang lasa ng wine.

"Sa mansion nga pala tayo tutuloy. Ayokong sa bar ka tumuloy bukod sa maliit lang
iyon ay magulo pa." buti naman akala ko doon ako titira. Sa wakas mararanasan ko na
din ang tumuloy sa ganoong karangyang bahay hindi katulad noon na kapag nakiki
sleep over lang ako kena Brooke at Bianca.

"Ganoon ba? Sige." ayokong ipahalata yung excitement ko sa kanya. Haha. Iniangat
niya yung wine niya at itinaas kaya ginaya ko naman.

"Para sa pagsasama natin Mrs. Jacques de Vera." hindi ko alam kung sarkastiko ba
yung pagkakasabi ni Stanley o hindi pero hindi ko na lang pinansin ito. Wala akong
ganang makipagtalo pa sa kanya.

Tinapos na lamang namin ang pagkain namin at pagkatapos ay tumuloy na sa bar niya
para uminom ng kaunti at magsayaw. Hindi naman na siya cold noong nasa bar na kami.
Pinatitikim niya sa akin yung mga bagong gawa niyang alak. Nagpakitang gilas din
siya sa akin sa pag flair. Natuwa naman ako ng ipakilala niya ko sa mga tauhan niya
bilang kanyang asawa. Atleast pinakilala ako diba? Hindi niya ako gaanong
ikinahihiya.

Nag-inuman lang kami at nagkwentuhan sa mga buhay namin. Nagtatawanan lang kami
noon ng may lumapit sa amin na dalawang babae. Tinignan nila ako simula ulo
hanggang paa kaya naman napataas lang yung kilay ko. Ano naman kaya problema ng
dalawang maarte na’to? Tss. Halata namang nilalandi ang ASAWA ko. Hello! Nasa
harapan niyo lang naman yung asawa. Kainis! 

“Hi Stan baby!” maarte pa ‘tong sumimsim sa alak nito. Sungalngal ko kaya sa kanya
yung baso? Amp.

“Who’s with you?” at tinignan din ako simula ulo hanggang paa. Sobra naman
makatingin ‘to. 

“Another bed companion?” tanong nung isa. Napa-smirk lang ako sa tanong niya.

“Ahm Casey, Janine I want you to meet my wife Jacques.” ngumiti lang ako ng mapang-
asar. Makikipag beso sana ako kaso ipinahiya ako ng mga puta. Aba! Iniinis ata ako
eh.

“WIFE?!! Since when?” hysterical na tanong nung Casey.

“Kanina lang. Dalawang oras na ang nakakaraan.” sagot ko at sumimsim muli sa alak
ko. Umismid lang yung si Casey at ngumiti sa akin ng matamis. Plastic!

"Oh! Congratulations! I thought that you're a whore. My bad!" naningkit yung mga
mata ko pero I composed myself. At humagalpak ng tawa.

"Oh no! Thank you and I fine thank you! Hahaha! You're an englisher pala! I'm so
sorry I'm not a good englisher! I'm so very exciting to be a friend of you!" nakita
ko na pinipigilan nila ang pagtawa tapos si Stanley napapakamot na lang sa batok
niya dahil sa pagkapahiya sa akin.

"San mo naman napulot 'tong asawa mo Stanley? Sa squatter's area?! Ganyan na pala
taste mo. Hahaha." naningkit pa lalo yung mga mata ko ng pagtawanan nila ko harap-
harapan. Sila ang mga walang breeding! Ngumiti lang ako at tinapunan sila ng alak
sa mukha. 

"Well damn I'm so fucking sorry. Actually I can speak in English but my language is
Bullshit! Excuse the shit out of me." at tinalikuran ko na sila. 

Magaling naman akong mag english inasar ko lang sila. Mga matapobre! Nag c.r lang
ako para maghugas ng kamay dahil medyo natalamsikan din ako nung alak. Pagkalabas
ko ng c.r nakita ko si Stanley na nakasandal sa dingding at ngumiti sa akin. Halos
mahigit ko yung hininga ko sa kagwapuhan niya. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok
ng puso ko. Putsa! Ano 'to?! Hindi pa ko naiinlove. Kahit madami akong naging
boyfriend hindi ako sigurado kung minahal ko ba sila. Kung oo? Dahil lang siguro sa
mga bagay na kaya nilang ibigay sa akin.
Si Stanley? Nasa kanya na ang lahat pwera nga lang sa isang bagay. Masyado siyang
mapanghusga. Hindi ako perpekto at alam ko yun ang hinahanap niya sa akin. Lumapit
siya sa akin at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha.

"You are so mean young lady." ngumiti siya sa akin na animo aliw na aliw.
Pinagmasdan ko lang ang mga mata niya na nanunuot sa pagkatao ko.

"Huwag mo kong tignan ng ganyan. Natutunaw ako. Napakaganda talaga ng mga berde
mong mata." masuyo niyang hinaplos ang pisngi ko. Akala ko ay hahalikan niya ako
ngunit pinanabik lang niya ako.

"Tara na't umuwi." tumalikod na siya at marahil ay nauna na sa car park. Ayoko sa
lahat yung nabibitin! Arghhh! Sumunod na lang ako sa kanya at sumakay na sa kotse.

***

Tahimik lang kami sa loob ng kotse hanggang sa pumasok kami sa isang pribadong
village. Bongga naman dito sa village nila halatang puro mayayaman ang mga
nakatira. Nagtataka lang ako kung bakit nagtatiyaga si Stan dun sa maliit na kwarto
sa bar niya. Mas lalo pang nanlaki yung mga mata ko ng huminto kami sa harap ng
isang malaking mansion. Hindi ko inasahan na ganitong karangyang buhay ang bubungad
sa akin. Pinigilan ko lang ang mapasinghap lalo na ng pagbuksan na kami ng gate
nung guard. Kaloka itey! Hindi inexpect ng beauty ko!

Pagkababa namin ng kotse ay agad akong iginiya ni Stan sa loob ng mansion habang
bitbit ang mga bagahe ko. Halos tumulo na ata laway ko sa mga gamit sa loob ng
bahay naghuhumiyaw na "Hoy mahal ko!" o kaya "Imported ako!". Pinakilala ako ni
Stanley sa mga katulong niya at halatang gulat na gulat sila kasi biglang may
instant asawa ang amo nila. Wala daw si papa sa mansion kasi may business chorva
daw. Sayang naman! Pero ayos na yun para naman walang istorbo masyado samin ni
Stan. Wahahaha! Haler pinaghandaan ko kaya 'to! Ibinili ako ni Patricia ng pulang
negligee. Hahaha!

Pagkakita ko pa lang sa silid namin nalula na ko. Parang mas malaki pa dun
apartment namin sa Tondo yung kwarto tapos yung bathroom jusmiyo! Pwede ko ng
kwarto sa silid! Sa sobrang excitement nagtatalon ako dun sa isang king sized bed!
Sana pwede kung isama si mama dito. Aliw na aliw lang si Stanley habang pinapanood
akong nagtatalon dun sa kama. Ang lambot kasi! Yung kama ko kasi sasakit pa likod
mo pagkagising.

"Parang kang baliw diyan. Haha. Mag shower ka na. May pinapatapos na trabaho sakin
si papa sa library eh. Sige." dinampian lang niya ko ng halik sa labi at umalis na
din. Ano?! Mas uunahin pa niya yung pesteng pinapagawa ni papa? Kainis! Wrong
timing naman si papa! Tumayo na ko at hinanap yung pula kong negligee.

"Wag kang mag-alala magagamit kita. By hook or by crook." ako na yung parang baliw
na kinakausap yung negligee. Sayang naman kung hindi magagamit diba? Hahaha. 

Pumasok na ko sa bathroom para mag mag shower pero dahil minsan lang naman ako
makaranas ng marangyang paliligo itatry ko ang bathtub! Kaso ang putangina hindi ko
alam kung pano gamitin! Ang dami namang dapat pihitin. Saka infairness ginto ata
lahat?!

"Ginto kaya talaga 'to?" tanong ko sa sarili ko at kinagat yung gripo. Matigas
naman baka ginto nga. Hahaha. After ilang years na pag-aaral dun sa pesteng bathtub
natutunan ko namang gamitin. Pinaglaruan ko lang yung mga bubbles na parang bata.
Jackpot talaga! Kung nag-asawa na lang kasi si mama ng mayaman edi sana matagal na
kong ganito. Ito na ata ang destiny ko. It's now my time to shine! Hahaha. Natawa
ako ng malakas sa mga kabaliwang naiisip ko. 

Pagkatapos ng ilang oras na pagbabad sa bathtub ay nag shower na ko. Sinuot ko na


din yung negligee ko at pumose sa harap ng salamin. Hahaha. Sexy ko lang langya!
Maglaway ka ngayon Stanley. Chos! Nahiga na ko sa kama at pumose ng sexy. Gano
naman kaya katagal si Stanley dun sa library? Inuna muna yung trabaho kaysa sa init
ng dugo?! Bwisit! Pag ako hindi nakapag timpi ako na pupunta sa kanya pero wag muna
ngayon. Baka sabihin niya aggressive ako masyado. Hahaha. Which is trulaloooo!

Mga isang oras na ata ang nakakalipas pero wala pa din si Stanley. Aba naman! Baka
mamaya wala na siyang powers sakin? Tumayo na ko at lumabas ng kwarto. Hindi na ko
nag-abala pang mag bathrobe. San naman kaya sa mga punyetang silid ko makikita yun?
Alangan namang isa-isahin ko pa?! Bumaba na ko ng hagdan at ayun nakita ko yung
isang katulong na nagsara na ata ng pintuan at matutulog na din.

"Hi. San yung library dito?" tanong ko dun sa katulong.

"Dun lang po sa gawi dun Ma'am." magalang naman na sabi nung katulong. Sarap naman
sa feeling tawaging Ma'am. Tinanguan ko na lang siya at dahan-dahan na nagpunta sa
library. 

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at pumasok. Bakas sa mukha ni Stanley ang
pagka-gulat ngunit agad din siyang napangiti ng makita niya ako at agad niyang
pinasadaan ng tingin ang suot ko. Kinagat ko lang ang ibabang labi ko para maglandi
este mang-seduce. Hahaha. Ni-locked ko yung pinto at dahan-dahan lumapit sa kanya.
Sumandal lang siya sa swivel chair na animo hinihintay ako.

"Hindi ko akalain na mainipin ka pala my wife." nakikipag tagisan din ng pang-aakit


si Stanley pero hindi ngayon. Laro ko 'to. Ngumiti lang ako ng mapang-akit. Hindi
na ko nagsalita pa at agad na inalis yung mga papeles sa lamesa at sumampa roon
hanggang sa makarating ako sa kandungan ni Stanley. Agad niya kong hinalikan ng
marahas. Halos kagatin niya ang mga labi ko ngunit gumanti ako ng halik. Unti-unti
ay naging marahan na lamang ito hanggang sa bumaba ang kanyang mga halik sa leeg
ko. Hinubad niya mula sa ulunan ko ang negligee ko habang ako naman ay binubuksan
ang zipper ng kanyang pantalon. 

At nagsalo kami sa gabing iyon sa library. Sa swivel chair.

to be continued...

Kalurks naman kung idedetalye ko pa ang mga kaganapan. Hahaha!

Ayan! Long comments please? Namimiss ko na yung mahahaba niyong comments. :(

Asahan ko yan!

BonitaBabyy

=================

Chapter 14

Ang chapter na ito ay Rated : SPG


Tema-Sekswal-Lenggwahe

Chapter 14

"Kaliwa mo pa. Itaas mo pa ng konti. Hindi yan puta!" sigaw ko kay Stan habang
napapakapit ako sa buhok niya.

"Ang ingay mo naman! Kadilim hindi ko makita!"

"Ano ba yan! Gawin daw bang ice cream? OWWWWWW!" sigaw ko.

"Masarap eh bakit ba? Wag ka ngang malikot! Wag mong ipitin ulo ko!"

"AHHHH! OHHHHH! Yan nga! Shet!" napapasabunot na lang ako kay Stan. Ano pa nga ba
gumagawa kami ng milagro. Aussie kiss pota! Medyo nahiya pa ko kanina eh pero
masarap pala. Hahaha! Kadami lang alam ni Stan pagdating sa ganito. Perfect lover!
I moaned at napapakagat labi na lang ako. Hindi ko makita si Stan kasi nasa ilalim
siya ng kumot tapos ako lying pretty lang dito habang sarap na sarap sa ginagawa
niya. As usual napamura at napahiyaw na lang ako when I reached my unlimited
climax. Nahiga siya sa tabi ko na pawis na pawis.

"Ang init sa loob ah? Bakit kasi may kumot pa dapat?" leeg ko naman ngayon yung
sinasalakay niya habang kung saan saan nakarating yung kamay.

"OHHHHHHHH!" he inserted his two fingers inside my vagina. Magrereklamo sana ko


kaso nasarapan na naman ako. Napapa-ungol na lang ako. Nakakaloka na! 3 days na ata
kaming kasal at hindi na ko napahinga. Kung exercise lang ang sex lalo akong
sesexy. Hindi ko siya tinatawag na love making dahil unang una hindi pa naman kami
nagsesex with feelings. Diba yun yung love making? Sex with feelings? Hahaha.

Pagkatapos na naman niya kong paligayahin este yung climax ko ayun naupo na ko at
umabot ng isang yosi at sinindihan ito. Ganito kami madalas. Hindi kami nagsesex na
literal pang gabi namin yun pag ganitong daytime finger, aussie or blowjob lang
talaga ginagawa namin pero pag inatake na talaga kami ng pangangailangan wala ng
sabi sabi. Naikot na nga namin lahat ng silid dito kung saan na lang talaga abutan.
Hahaha!

Gustong gusto ko talaga ng thrill. Hahaha! Ayoko sa kama. Napaka common na at para
lang sa mga mag-asawang nagmamahalan yun. Pwede naman kaming magtagal ni Stan diba?
Sex at pera lang magkakasundo na kami hindi na kailangan ng 'LOVE' na yan at kung
sakaling mainlove man ako kay Stan ako lang din ang kawawa.

Nag hitit-buga lang ako ng yosi at nagulat na lang ako ng agawin sakin yon ni Stan
at nilagay sa ashtray. Ano 'to? Don't tell me gusto pa niya ng Round 4?! Aba! Hindi
pa ba siya lupaypay? Nakakarami na siya ah!

"Ano Roud 4 pa?" tanong ko sa kanya pero yung totoo kahit pagod na ko parang gusto
ko pa din.

"Baliw! Tigilan mo na nga pagyoyosi. Kababaeng tao eh." tumayo na siya at wala man
lang pakialam kung maglakad siyang walang damit.

"Pupunta na muna ko sa opisina may inaasikaso kasi ako tapos didiretso na kong bar.
Dalaw ka na lang dun pag sinipag ka." tumango lang ako at humilata na sa kama
masyado kasi akong napagod. Hahaha. Naitukod ko yung siko ko sa kama at iniangat ng
kaunti ang sarili ko ng may inabot sa aking balck card at dalawang susi si Stan.

"Aanhin ko naman 'to?"

"Credit card yung isa diyan. Unlimited yan kaya kahit gano maubos mo ikaw ng bahala
tapos nag deposit na din ako sa account mo kung kakailanganin mo ng cash. Yung isa
sa condominium yan sa Taft. Wag kang mag-alala sa kompanya niyo ako bumili. Diyan
mo na patirahin si mama. Yung isang susi punta ka na lang sa garahe." nanlaki yung
mga mata ko sa mga pinagsasabi ni Stan. Seryoso?!! Bigla na lamang niya akong
dinampian ng halik sa labi at dumiretso na ng banyo.

Hindi ata ako makapaniwala?!! Unlimited Credit Card?! Condo at kotse?!! Limpak
limpak na cash sa bangko?!! Kaloka! Mabilis akong nagbihis kahit nananakit ang
katawan ko. Tinakbo ko na yung garahe at halos mapatili ako ng may isang mamahaling
Innova sa may garahe! Shet! Pumasok ako sa loob at dinama ito. Seryoso?! Akin
talaga 'to? Hahaha. Nakita ko yung isang papel sa dashboard at binasa ito.

Welcome to the family Jacques. :)  -Papa

So galing pala kay papa ang kotse na 'to?!! Welcoming gift pa lang yung lagay na
'to! Shitbrix! Jackpot talaga! Hahaha! Lumabas na agad ako ng kotse at tumakbo na
ng silid namin ni Stanley. Sobrang saya ko lang! Ka-level ko na mga kaibigan ko!
Kaloka! Pagdating ko sa silid sakto namang paglabas ni Stanley at agad ko siyang
tinalon buti na lang nasalo niya ako. Hahaha. Naka-ikot lang yung mga binti ko sa
baywang niya habang salo niya ang lahat ng bigat ko. Para akong bata na nakakapit
sa kanya. Hahaha.

Natawa lang siya sa akin dahil halata naman siguro kung gaano ako kasaya. Ngayon
lang kasi ako nakahawak ng ganitong mga kachorvahan. Agad ko siyang siniil ng halik
sa mga labi. Basa ang katawan niya pero wala na kong pakialam. Mas lalo pa yung
nagdadala ng init sa muli na namang nag-iinit kong katawan.

"Hindi ka naman masaya niyan ano?" hindi ko na siya sinagot dahil busy ako sa
paghalik sa leeg niya.

"Uh-huh." I heard him chuckle pero hindi ko na lang pinansin hanggang isang ring
ang nagpahiwalay sa amin. Inihiga niya ako sa kama at hinanap ang cellphone niya sa
pantalon niya sa sahig. Peste! Round 4 na sana eh. Kainis. Kinuha ko na lang yung
tuwalya na nakatapis sa kanya at wala akong pakialam kung naka boxers lang siya.
Sinenyasan ko na lang si Stan na maliligo na ko at tinanguan lang namana ko. Sus.
Lagot ka sakin mamaya.

Hindi ko na masyadong narinig kung sino man yung kausap ni Stanley pumasok na ko ng
bathroom para maligo. Hinalikan ko muna yung precious credit card ko bago ako
magtampisaw sa bathtub at maglaro na naman ng bubbles. Pagkalabas ko ng silid ay
wala na si Stanley. Ang bilis naman nun?! 

Tinawagan ko na lang si mama para mag shopping. Magugulat siya sa dami ng pera ko!
Maglulustay kami ng walang mulat nito. Hahaha. Excited na din akong puntahan yung
condominium namin! Nagsuot lang ako ng haltered blouse, white skinny jeans and red
stilettos. Hindi ko maisip kung ano yung mga bibilhin ko. Kung alam ko lang na
yayaman ako ng ganito edi sana naglista na ko ng mga gusto kong bilhin. Hahaha.
Anyway nagpaalam lang ako sa mga katulong 'namin' at dumiretso na ng garahe. Halos
halikan ko na nga yung kotse sa sobrang kinis at kintab eh baka nga magasgas pa
kakahimas ko. Sumakay na ko at sinimulan ng rumampa. Pinaandar ko din yung stereo
ng malakas at nag shades habang sumasabay pa sa kanta.

"THIS IS LIFEEEEEE!" sigaw ko pa habang masayang nagmamaneho. Gano ko ba katagal


pinangarap ang buhay na'to? Hindi katulad ng mga kaibigan ko na pagkapanganak pa
lang nasa kanila na ang lahat samantalang ako kailangan ko munang paghirapan at
malipasan ng gutom makuha ko lang. Umiling na lang ako at nag focus sa pagmamaneho.
Matagal kong hinintay 'to. Pera lang makakapagpasaya sakin at SEX.
***

"Ayan sige pa ang sarap. Ahhh! Ahhhh!" grabe si motherhood kung magpa-masahe akala
mo inaano lang. Hahaha. Humahalinghing pa! Ngayon lang namin naranasan 'tong
bonggang bonggang pampering na itey! Kumbaga sa sex may round 2 pa kami ng
shopping. Masyadong napagod ang beauty namin.

"Huy mother! Manahimik ka nga diyan! Hahaha." seryoso ngayon lang ako nagka-time ng
ganito sa sarili ko lalo na sa mama ko. Madalas kasi inuman lang bonding namin
since yun lang yung kasya sa  budget. Haha. Ngayon shopping to the max ang drama
namin ni mother! Inggitin ko si Patricia. Ipalamon ko sa kanya yung Revlon niyang
make-up.

"Ninamnam ko lang naman! Kalurks anak! Iniisip ko pano kaya natin uubusin yang pera
mo. Hahaha." sabi sakin ni mama ngumiti lang ako. Pareho lang kami ng kasiyahan
nito eh. Pera, sex at hindi kami nag-iiwanan.

"Kailangan mong makilala yung super duper hot kong biyenan. Try mong jowain!
Hahaha."

"Oo nga no! Ang talino talaga ng paborito kong anak." inirapan ko na lang siya at
tumawa. Paborito pa daw eh ako lang naman kaisa-isa niyang anak. Hahaha.

Naglakad lakad na lang kami ni mama sa mall at halos lahat ata ng napasukan naming
store ay binilan namin. Hahaha. Gasgas na nga ata yung credit card baka pag nakita
ni papa or ni Stan yung bill ko magulat na lang. Sana magtagal pa kami nitong
precious credit card ko! Sa susunod ililibre ko naman sina Brooke. Sa wakas!

Nawala ang mga ngiti ko sa dalawang bultong nakatayo sa tapat ng store na


kinaroroonan namin ni mama. Masaya sila at nagtatawanan. Sweet at masasabi mong
bagay talaga. Sinubuan pa niya ng ice cream yung babae. Makikita mo kung gaano sila
kasaya.

Napangiti na lang ako ng mapakla at tumalikod kasabay ng paghawak sa puso ko.

"Bullshit!" bulong ko na lang sa sarili ko.


to be continued...

As I promised every Tuesdays and Fridays na UD. Kaya longggg comment naman kayo
diyan. :( Nabalik ko na pala TVFN Book 1. Alam ko namiss niyo si Brooke and Yvo.

Anyway nasa side yung official trailer ng TVFN. Thanks talaga @imnotaperfect kilig
talaga ko ++ nakakatomboy pala si Sheila!

COMMENTS ah. :DD

--BONNY

=================

Chapter 15

Striktong Patnubay at Gabay ng Magulang ang Kailangan.

(T-L-S)

Hindi uso private sakin. Bahala na kayo sa buhay niyo. Be open minded na lang ah?
Yung mga 17 pababa diyan please? :)

Chapter 15

Ibinagsak ko na lang yung mga pinamili kong gamit sa kwarto at naghubad na. Wala
naman akong pakialam kung magpalakad lakad ako ng naka-bra at panty lang dito sa
silid namin ni Stanley. Gabi na pero wala pa din siya. Kailangan ko pa bang
tanungin kung nasaan siya? Kitang kita naman na siguro kanina ng dalawang mata ko.
Putangina! Lokohan 'to? Kaya naman pala nagmamadali kanina kasi may date si gago.

Naupo ako sa kama at kumuha ng sigarilyo sa bedside table buti na lang hindi ko pa
naitatapon. Sinindihan ko iyon at nagsimula ng mag hitit-buga. So ganito pala
concept namin?! Sana sinabi man lang niya ng hindi ako nagmukang tanga. Ang pride
ko pakshet! Ano yun hindi ko solo katawan at kayamanan ng asawa ko?! No way! Hindi
ko mahal si Stanley. Alam ko yon! Pero gusto ko siyang ipagdamot!

Nafufrustrate kong nasabunot ang buhok ko. Naiinis talaga ko. Hindi ako
nakakaramdam dapat ng ganito eh. Duh! Pera lang mahalaga sakin at dapat yun lang
iniisip ko. Kung paano dadami ang pera ko at kung paano mapapanatili sakin yun.
Baka mamaya bigla na lang akong iwan ni Stanley dahil sa Beatrice na yun edi
nagkada leche leche na?! Hindi ko naman ata maaatim na bumalik ulit sa squatter's
area! Oo, muka ng pera kung mukang pera.

Ano naman kung magkasama sila? Edi manlalaki din ako as long as mag-asawa pa din
kami pero putangna nagugulo talaga sistema ko pag naaalala ko yun!

Mabilis kong inilagay sa ashtray yung upos ko ng sigarilyo at nagtungo sa banyo,


agad kong sinindihan yung shower at tumapat dito. Pilit kong pinapakalma yung
sarili ko. May emosyon akong ayokong pangalanan. Hindi maaari. Inalis ko na din ang
natitira ko pang mga saplot at hinayaang maglandas sa katawan ko ang lahat ng
nararamdaman ko ngayon. Selos? Nagseselos nga ba ko?! Puta! Hindi ko alam! Ni hindi
ko nga alam tunay na meaning na pag-ibig yung selos pa kaya?!!

Matapos ng ilang sandaling pagbabad sa shower ay tinuyo ko na ang sarili ko at


nagbihis na ng isang black negligee at silk robe. Alas otso na ng gabi ngunit wala
pa si Stanley. Maaaring nasa bar na siya o kasama niya si Beatrice at masaya silang
kumakain sa isang romantic dinner. How nice! Napatawa na lang ako ng mapakla at
lumabas na ng silid. Tinungo ko yung mini bar ni Stanley na nasa isang silid rin,
nagmasid kung anong alak ang maaari kong inumin. Nasaan kaya ang 13 Hell Shots
dito? Doon nagsimula ang lahat. Kung hindi sa pagpayag ko sa larong iyon hindi ako
mapupunta sa sitwasyon ko. Dapat ba kong magpasalamat?

Nag buntong hininga na lang ako at naghiwa ng lime at nagsalin ng tequila. Inilagay
ko sa palad ko yung kaunting asin at dinilaan yon bago inumin ang alak at kasunod
noon ang pagkagat ko sa lime. Perfect! Nakakailang baso na din ako ng maramdaman ko
yung presence ni Stanley na nakatitig lang sa akin. Kanina pa ata ako pinapanood?

"Ang sarap mo namang uminom ng Tequila." halatang nanunukso siya habang sinasabi
iyon kasabay ang pagpasada ng mga mata niya sa kabuuan ko. Nag smirk lang ako.
Tinitigan ko lang siya hanggang sa makalapit na siya sa akin.

"Patikim nga." hahalikan na sana niya ko ngunit pinigilan ko siya. Ngumiti lang ako
at pinaupo siya sa stool. Sige patitikimin ko siya. Hinding hindi niya
makakalimutan ang lasa ng Tequila.
Nagsalin pa ako ng Tequila sa baso at iniabot sa kanya. Hinawakan ko yung lime at
ngumiti muna ako ng mapanukso habang siya naman ay na-aamaze sa kung ano man ang
gagawin ko. Nilagay ko yung asin sa daliri ko and I allowed him to sucked my
finger. I moaned. Shit! Naramdaman ko yung pag-iinit ko. Inilagay ko yung lemon sa
bibig ko at inisang lagok niya yung alak kasabay ng pagkabig niya sa batok ko upang
sipsipin yung lemon hanggang sa tuluyang nahulog na ito. Hinalikan niya ng mariin
at mapusok ang mga labi ko. Almost licking my lips with his tongue. Animo
nilalasahan ng dila niya ang lasa ng lemon sa mga labi ko kagaya ng tequila na
nalalasahan ko sa kanya.

I moaned at lalo ko pang idinikit ang sarili ko sa kanya until I felt his maleness
on my wet core. Mas lalo tuloy kaming nag-init hanggang sa kumandong na ako sa
kanya. Sinimulan na niyang ibaba hanggang baywang ko ang suot kong negligee. Bumaba
pa ang mga halik niya sa aking leeg. Napapaungol na lang ako napapakapit sa buhok
niya. Dala niya ang buong bigat ko ngunit animo hindi niya iniinda iyon.

He sucked my nipple and caressed the other. Damn him! Bakit ba napapasunod niya ng
ganito ang sarili ko. I started to unbutton his shirt until were both half naked.
He licked my neck habang humahaplos pababa ang kanyang mga kamay. Naramdaman ko ang
kamay niya na pumaloob sa panties until I gave a sweet moan.

Fvck! I'm wet! Nakakahiya. He touched me there. Oh so fvcking good! Hindi ko na


mapigilan ang pagkawala ng malalakas kong ungol. Ahhh! I love it! Napapakagat na
lamang akong mga labi.

"Daliri ko pa lang yan sweetie." and he kissed my lips thoroughly. Fvck! Yun nga eh
daliri pa lang niya abot langit na climax ko pano pa kaya yung totoo. Kay husay ng
kamay mo Stanley. I moaned loudly as he entered his fingers inside my core.
Madness! Napakapit na lang ako sa buhok niya habang patuloy pa din siya sa ginagawa
niya. I lift my body and I started to unzip his jeans. Ibinaba ko din ang briefs
niya and I sat down to his maleness. It was his turn to growled. I straddled at him
while were still kissing.

He thrust harder and deeper. Wala na akong pakialam kung marinig man ng buong
mansion ang mga ungol ko. Mas lalo pa akong nag-iinit lalo na sa ingay na ginagawa
namin. Sumasabay kami sa bawat galaw ng isa kaya. Ito ang gusto ko. Hindi kami nag-
aaway basta may sex. After we both reached our climax isinandal ko ang ulo ko sa
dibdib niya habang kapwa naming hinahabola ang mga hininga namin. Nasa loob ko pa
din siya at ayoko pa namang umalis. Rinig ko ang malakas na tibok ng puso niya.

Hinalikan niya ako sa ulo at hinawi ang ilang butil ng pawis sa noo ko.
"May ticket nga pala na ibinigay si papa. Let's go to Venice for our honeymoon."

VOTE COMMENT AND RECOMMEND

Sino reader dito ng HPW ni modernongmariaclara? May collab nga pala kami. Actually
cameo role for Kathryn Santiago-Montenegro. Kaya wag magugulat if makikita niyo
siya sa story. Hahaha. Mwahhh!

=================

Chapter 16

Nasa gilid pala official theme song ng The 13 Hell Shots.

Tinamaan Ako by Anne Curtis

Chapter 16

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang naglalakad papunta sa opisina ni Brooke. Uy


first time ko mag-aabroad ah?!! Ang galante lang talaga ni Papa eh! Honeymoon?!!
Hindi pa ba honeymoon yung lagay na yun? Eh mas nauna pa nga yung honeymoon kesa sa
kasal eh?!! Hahahaha. Teka?! Baka naman gagawa na ng baby yung ibig sabihin ni
Papa?! OMG! Hindi pa ko handa! Mapapaatras na sana ako kaso nandito na ako sa tapat
ng opisina ni Brooke. Ngumiti na lang ako bago kumatok kahit na medyo nag-aalangan
ako.

"Haler!" bati ko agad kay Brooke at ginantihan naman niya ako ng ngiti.

"Oh? Masaya ka ata ngayon Jackie?" kumindat lang ako at inabot sa kanya yung
envelop. Nagtataka naman niya itong binuksan at binasa.

"Mag take ka ng leave?" ngumiti lang ako at itinaas yung daliri ko para ipakita
yung wedding ring ko. Agad naman siyang napatayo at hinawakan ito.

"OMG! Nagpakasal ka na sa DOM mo?!! Mahiya ka nga parang tatay mo na yun Jackie!"
nag smirk lang ako at marahas na binawi yung kamay ko.

"Wala nga akong DOM! At 27 years old pa lang asawa ko! Baka gusto mong ipakita ko
pa yung marriage certificate namin ha?!! Diyan ka na nga!" tinalikuran ko na siya
at naglakad na palabas ng opisina niya. Narinig kong tinawag niya ang pangalan ko
pero hindi ko na siya nilingon. Nainis kasi ako. Peste! Muka ba kong pokpok para
pumatol sa DOM?!! Kung may isang tao lang akong naisipan ko talagang patulan ay si
Sander. Duh!

Ayoko talagang may nakakasamaan ng loob sa barkada lalo na si Brooke kasi siya yung
pinaka mabait. Yun nga lang masakit din naman na pti kaibigan mo hindi naniniwala
sayo. Si mama at Sander na nga lang ata hindi humuhusga sa akin. Oo, minsan nagkaka
banggaan kaming magkakabarkada pero nawawala din naman agad yun. Normal naman yun
eh at mas madalas pa din kaming magdamayan kasi parang magkakapatid na din kami.
Naka-receive ako ng text kay Brooke saying sorry pero hindi na ko nagreply dahil
kailangan ko na ding i-off ang cellphone ko. Magpapamiss na lang muna ko ng ilang
araw.

Nagpunta na ko sa airport kung saan  naghihintay si Stan. Eh bakit ang hot niya?!!
Naka-shades pa si gago. Ayan pinagtitinginan tuloy siya ng mga malalanding babae sa
paligid. Kainis ah! Imbes na smack lang yung pagbati ko sa kanya ay torrid ang
ginawa ko. Nung humiwalay ako sa kanya nakita ko na umiwas na ng mga tingin yung
mga babae. Ano sila ngayon? Nag smirk lang ako.

"Namiss mo naman agad ako?" nang aasar na tanong ni Stan.

"Ulol!" at naupo na ko. Humagalpak lang ng tawa si Stan at tumabi sa akin. After
ilang minutes ay tinawag na din yung flight namin. Imbes na kabahan napansin ko pa
yung mga stewardess na panay ang pacute dito sa asawa ko. Pasalamat sila at hindi
sila pinapansin ni Stan.

Naglakad na kami ni Stan papuntang Tarmac at umakyat na sa eroplano. Doon ako naupo
sa tabi ng bintana. Hindi naman halatang first timer ako no?! Hahaha. Sa buong
biyahe natulog lang ako sa balikat ni Stan kasi naiinip ako ang nakakaasar lang
laging nag-iistorbo itong malalanding stewardess na panay pagpapa cute kay Stan.
Lahat na lang i-ooffer samin! Maski ketchup ha?!!
"Would you like a cup of coffee?" tanong nitong si stewardess sa amin este kay Stan
lang pala. Umiling lang si Stan at isinandal na yung ulo niya sa ulo ko at ngumiti
habang ako napangisi na lang dun sa babae. Buti nga! Tumayo ako at nagpaalam kay
Stan na mag cr pero ang totoo sinundan ko lang yung stewardess nung nasa tapat na
niya ako ay hinawakan ko siya sa braso.

"Isang pagpapa cute pa sa asawa ko sisiguraduhin kong mawawalan ka ng trabaho.


Tandaan mo yan." I hissed. Hindi ko na siya nilingon pa at dumiretso na sa banyo.
Possessive much?! Hindi ah!

Mga gabi na din nung nag take off yung eroplano namin. Ang bilis naman ata ng
biyahe? Walang traffic?! Hahaha! Bongga lang nung sundo namin. Limousine! Napapa
nganga na lang ako sa ganda ng Venice! Kaso nosebleed ako sa usapan ni manong
driver and Stan. So marunong pala siyang mag italian? Pasta nga lang alam ko dun
eh. Hahaha.

Isa pang bongga 'tong 6 star hotel na tutuluyan namin. OMG! Pagkapasok pa lang dun
sa silid namin ay nagtatalon na ko dun sa malambot na kama habang aliw na aliw lang
sa akin si Stan. Napatigil ako nung mapansin na hinuhubad na niya yung shirt niya
at sinimulang hubarin yung pants niya hanggang sa briefs na lang yung natira.

"Hoy! Wag ngayon! Maawa ka! Tutulugan lang kita!" sigaw ko kay Stan pero tumawa
lang siya at binigyan ako ng mapanuksong tingin kaya naman napahiga ako sa kama at
nagbalot sa kumot.

"Vieni con me la mia signora" anuraw?!! Basta lumapit lang siya sa akin at sumampa
na sa kama. Akala ko hahalikan niya ko pero tumabi lang siya sa akin at isinubsob
ang mukha niya sa leeg ko hanggang mamaya ay naramdaman ko ang banayad niyang
paghinga. Nakatulog na ang gago. Ngumiti na lang ako at hinalikan siya ulo at
pumikit na rin.

***

Bandang alas otso ata nung nagising kami ni Stan. Isang oras din ata kaming
nakatulog? Anyway manonood daw kami ng play kaya wala na kaming time na kumain pa
sa labas so nagpa deliver na lang kami ng food dito sa room namin. Pasta! Hay,
naghihina ako pag di kumakain ng rice. Mabilisan lang kaming nag shower. Oo, sabay
kaming nag shower! Mabilisan nga eh?! Hahaha. Nagsuot lang ako ng red haltered
dress at red stilettos plus red lipstick. Ayoko naman sa pula no? Actually red din
panties ko kung tatanungin at I'm sure pagtatawanan ako ni Stan mamaya pag nag sex
kami este honeymoon.

As usual hunk na naman ang mister ko. Kahit na natikman ko na siya tulo laway pa
din talaga ko. Hahaha. Inakbayan niya ako at sabay ng bumaba sa hotel kung saan
naghihintay ulit yung limousine. Ikaw na talaga Papa ang mayaman! 

Romeo and Juliet daw panonoorin namin?! My gulay! Tinulugan ko lang yun nung
highschool kami plus pinagawa ko lang kay Bianca yung movie review namin dun. Haha.
Hindi ko alam na mahilig sa mga ganitong boring na bagay si Stan! Kakasama siguro
dun sa weird niyang kabit naging weird na din siya. Naalala ko na naman!

Ano nga ba yung kwento nitong putanginang Romeo and Juliet na'to? Eto ba yung
tatanga tangang babae na nakaiwan sa glass shoes niya? Ay si Cinderella nga pala
yun. Hahaha. Naupo na kami ni Stan at medyo madilim at malamig dito sa pwesto
namin. Kakasimula pa lang pero inaantok na ko samantalang itong si Stan naman ay
concentrated na concentrated sa pinapanood. Sinubukan ko namang intindihin yung
story pero wala talaga eh! Akala ko nga may bedscene pero wala pala.

Sakto pa naman 'tong pwesto namin. KKK. Kadilim-diliman, Kasuk-sulukan at Kalamig-


lamigan. Hahaha. Kaso itong si Stan pag hinahalikan ko sa leeg umaayaw naman! Di
daw niya maintindihan yung pinapanood niya at i-save ko na lang daw yun mamayang
gabi. Ay kainis! Sumimangot na lang ako at humalukipkip. Nabobored na talaga ko!
Matagal pa kaya 'to?!

"Excuse me po." itinabi ko naman yung paa ko dun sa nakiraan na lalaki. Wait?! Nag
'po' yung lalaki edi Pilipino yung kasama niya. Hmm. I-chika ko na nga lang. 

"EXCUSE ME MISS, ARE YOU PINOY?" todo effort naman daw yung pag english ko. Mukang
mas matanda lang ako ng ilang taon dito sa babae pero mas muka akong mature dahil
sa make-up ko.

" Yes I am" hala inenglish din ako. Ahuhu. Ngumiti na lang ako at inabot ang kamay
ko sa kanya.

"Hi! I'm Jackie!" tinanggap nama niya yung kamay ko at ngumiti din. Ang friendly ko
talaga.

"I'm Kathryn. You're from here?" tanong niya sa akin.


"No. Waley naman actually first time ko ngang mapunta dito. Wedding gift lang samin
‘to ng father-in-law ko. Ang yaman no? Ang boring dito kung bakit kasi dito ako
dinala ng asawa ko. Haha. Ikaw pala?" grabe ang haba lang ng sagot ko. Hahaha.

"I'm with mu husband. Uhm, honeymoon." medyo nahihiya pa niyang sabi. Napangisi
naman ako.

"Ohhh?! Later na ba ang 'big night' niyo." inemphasixe ko pa talaga at agad siyang
namula.

"Umm, oo eh." sagot naman niya.

"So excited ka na? Are you ready? May isusuot ka na ba?" na-excite naman daw ako
for her.

"Sa totoo lang, kinakabahan ako eh."

"It's perfectly normal. Hmmmm..." napahawak naman ako sa baba ko at nag-isip. I


snapped my fingers to her. Alam ko na!

"Kathryn do you want me to give you some tips?" oh diba? napapa-english ako!

"T-tips?"

"YUP!" excited kong sagot.

"AY ANU-ANO YUN?! hala? na-excite din?

"Kalurks! Siyempre kailangan mo ng sexy negligee. Maganda kung kulay black para
sexy talaga! Mauna ka munang mag shower pag siya naman saka ka pumwesto dun sa
kama. Hahaha. Ayos diba? Kung kinakabahan ka pa din daanin niyo muna sa wine. Alam
mo kasi pag andun kana sa mismong chuchu madadala ka na eh. Lalo na pag magaling
siya. Hahaha." natawa ako nung napahawak siya sa bibig niya.

"Alam mo Kathryn. The secret of the perfect honeymoon with your husband is to just
be yourself. Wag mong i-pressure ang sarili mo. Pero honestly. Masarap siya!
Hahaha. Ay masakit pala sa una. Hahaha!" 

"Thank you so much Jackie for the tips."

"What tips, Kath?" napatayo si Kathryn sa gulat dumating na ata yung asawa niya.
Infairness gwapo ah! 
"A-ah wala! Nanghingi kasi ako ng tips para sa a-ano! Para sa song na kakantahin ng
gondolier later! Diba sabi mo sasakay tayo sa gondola?"anuraw? Anong gondola?!
Hahaha. Humarap sa akin yung asawa niya at ngumiti. Oy ang gwapo nga talaga!

"No problem. Glad to help Kathryn." I mouthed her goodluck. Sakto naman na tapos na
yung play kaya inaya na ko ni Stanley. Nag wave na lang ako sa kanila. Nakaka-
excite naman for them! Hahaha. Makatulong sana ko.

***

"Ang ganda nung play no?" inirapan ko na lang siya. Anong maganda eh wala nga akong
naintindihan sa pinanood namin! Nauna na ko sa limousine. Sumakit ata ulo ko. Haha.

Dumiretso ako sa bathroom para mag tanggal ng make up at mag shower na din.
Pagkalabas ko mabilis na pinatay ni Stan yung cellphone niya. Kinabahan na ko.
Ngumiti lang siya at hinalikan ako sa pisngi.

"Bakit hindi mo ko hinintay? Sabay na sana tayo. Wait for me ah. Mag strecthing ka
na." ngumiti lang ako tumango. Pagpasok niya nawala na din ang mga ngiti sa labi
ko. Lumapit ako sa cellphone niya at tinignan yung call log. Puro pangalan ni
Beatrice. Naglakas loob na kong pumunta sa messages niya at fvck.

"Putangina. Mahal ko na ata." sabi ko na lang sa sarili ko.

to be continued...    

Grabe! Napaka sakit na ng ulo ko. Nilalagnat talaga ko pinilit ko lang mag update
dahil update day. LONGGGG COMMENTS PLEASEEE. Anyway, may cameo role nga pala si
Kathryn Santiago-Montenegro ng His Personal Wife ni modernongmariaclara. Thanks
sissy!   Wag niyo na tanungin yung time travel. Masakit na ulo ko para magbilang ng
timeline. TIME TO REST.      
=================

Chapter 17

Chapter 17

"Jackie tumayo ka dun kukuhanan kita ng picture." aya sakin ni Stanley pero ako
naman sumunod lang pero wala naman akong kagana-ganang ngumiti. Kung lustayin ko na
lang kaya lahat ng kayamanan ng sira-ulong putanginang tarantadong hayup na gago
na'to?!

"May sumpong ka ata? Kagabi ka pa ah?" ibinaba ni Stanley yung camera mula sa mata
niya at lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa leeg at sa noo. Marahas kong tinapik
yung kamay niya at naupo.

"Ayoko nga kasing mag picture. Nagiging pera ba yan ha?!" singhal ko sa kanya.
Narinig kong huminga siya ng malalim at halatang nagpipigil lang ng inis sa akin.

"Memories! Hindi naman sa pera lang umiikot ang mundo. May pera ka nga pero wala ka
namang masasayang memories." naupo siya sa tabi ko at huminga ulit ng malalim.

"Ano bang problema mo ha? Okay naman tayo nung isang araw ah?" tanong niya sa akin.

"Stan. Nagiging okay lang tayo pag nagsesex at pag kakatapos lang mag sex." walang
kabuhay-buhay kong sabi at tumayo na.

"Yun na nga. Bakit ano pa ba pwede nating pagkasunduan? Nagiging way naman natin
yun para makapag-usap. Were good friends right?!" Hay anak ng pitumpu't dalawang
tupa oh! Oo gawain namin yung magkwentuhan habang nagsesex. Kung ano nangyari sa
loob ng isang araw at kung anu-ano pa. Dafuq lang diba?!! Tangina this!

"Good friends?!! For Goddam sake Stanley mag-asawa tayo!!" I said out of
frustration. Ito mahirap saming dalawa eh bago nagpakasal. Hindi muna namin nilinaw
ang lahat. Malay ko ba na iba na pala definition ng pagpapakasal ngayon "FRIENDS"
na pala. Akala ko kasi "LOVE" ayan tuloy putris na puso nainlove naman!

"So?" napatawa na lang ako ng pagak sa pagsabi niya ng so.

"Eh putangina naman pala!" naihilamos ko na lang yung kamay ko sa maganda kong
mukha.

"Kaya pala nakikipag landian ka pa sa iba kasi 'were good friends?' Respeto naman
Stanley! Mag-asawa pa din tayo. So pwede din ako makipag landian sa ibang lalaki?
Ano 'to naggagaguhan tayo?!" pasensya naman hindi ko kayang pigilan 'tong bibig ko.
Pag nasasaktan ako kailangan sabihin ko. Ganito ako ka-straight forward na minsan
kinaiinisan ko din.

"Sino ba?!" magsasalita pa sana siya kaso nanlaki yung mga mata niya. Marahil ay
dahil nahuli niya ako noong isang gabi na nagbabasa sa cellphone niya.

"Oh please?! Ano ba 'to Jackie? Nagpapaka asawa ka? Nagseselos ka ganun?
Magkaibigan lang kami ni Beatrice!" naikuyom ko yung mga kamao dahil sa
pinagsasama-samang galit, sama ng loob at selos. Magkaibigan lang?!! Magkaibigan
lang yung hanggang sa Venice magkatext at magka-usap sa cellphone?!! Anakng!

"Hindi yun ang punto ko! Pano pag may lalaki na pala ko tapos sabihin ko din sayo
na kaibigan ko lang din yun?!! Putangina mo Stan. Wag na tayong maglokohan dito
please. Sabihin mo na lang kung nagkakamabutihan pa din kayo niyang Beatrice na yan
o hindi!" at dahil hindi naman ako manhid na tao ay tumalikod na ko at naglakad
palayo sa kanya. Ayoko naman marinig yung sagot niya at siguradong oo naman ang
isasagot niya.

Napapahawak na lang ako sa puso ko sa pagkirot nito. Naiinis ako. Dapat talaga
nagagalit lang ako dahil natatapakan ang pride ko bilang isang asawa na harapang
ginagago pero dumagdag pa 'tong puso ko na nasasaktan. Peste naman kupido! Naka-
schedule na lahat sa buhay ko nagawa mo pang isingit 'tong pesteng pag-ibig na
'to?!! Matagal ko ng nilimot yung pagmamahal simula nung lumaki ako sa hirap at
nakikitang nasasaktan si mama sa mga nagiging boyfriends niya. Grabe! Bakit ba ko
nagddrama ng ganito?!!

Bukod sa mga ngiti ko hindi ko matanggap ang mga luhang umaagos sa mga mata ko
ngayon. Hindi ako 'to! Hindi ako dapat umiiyak dahil sa mga sinabi lang ni Stanley.
Hindi dapat kaso nga mahal ko ang putanginaaaaaa!

***

"Kamusta naman ang pagrampa sa Venice. Sino ba kasi yang asawa mo? Ipakilala mo
na!" udyok sakin ni Bianca habang tinitignan yung pasalubong ko sa kanya. Ilang
araw na din buhat nung nakauwi kami ni Stanley mula dun sa palpak at walang
kwentang honeymoon na sinasabi niya. Hindi na din kami masyadong nag-uusap pati
sex. Nakakawalang gana eh! Dun siya sa Beatrice na yun! Sobrang epal lang eh. Pa
virgin ang puta!

"Wala! Gagong yun! Sige iwan muna kita kukunin ko kay Brooke yung bagong customer
ko." tumayo na ko at tumango lang kay Bianca.
"Ay teka! Eto pala yung pasalubong ko sa dalawang bata!" nilabas ko yung ilang
chocolates and candies sa paper bag kong dala at inabot sa kanila. Suhol ko dun sa
kambal para hindi na nila ko pinapahirapan pag ako tokang mag bantay sa kanila.
Napaka likot kasi ng mga anak nung kapatid ni Bianca eh.

"Uy salamat! Magugustuhan 'to ng mga anak ko." masayang sabi ni Bianca. Sus.
Makaanak naman.

"Anak MO?" lumungkot namang bigla ang mukha niya. Fine. Hindi na nga ako
magsasalita eh.

Naglakad na ko papunta sa opisina ni Brooke. Oha! Mamatay sana sa inggit yung mga
echuserang umookray lagi sakin dito sa opisina. Ano sila ngayon?! NGANGA! Ahahha.
Pa-Venice Venice na lang ako ngayon. Take note! Hermes pa ang bag ko. Hindi na yung
nabibili sa tiangge ah? Original 'to uy! Kailangan ko na talaga magpasalamat kay
Papa Sander sa aking bonggang bonggang mga luho. Nakakaloka! Nakakawala ng stress
'tong mga abubot ko eh.

"BAKLITAAAAAAAA!" sigaw ko ng makita ko si Patricia.

"BAKLAAAAAAAAA! Balita ko rumampage ang beauty mo sa Venice. Anyareeee? Winnie the


Pooh ka talag sa papabols you! Ikaw na! Gretchen Baretto lang ang peg!" tumango
lang ako at nakipag-appear kay Patricia. Ahaha. Inabot ko na sa kanya yung mga
binilin niyang beauty ek ek na hindi ko na siguro kailangan pa sa mala-Diyosa kong
pes.

"Thank you Ganda!! Knowings mo talaga akechi!" muli pa ay nag appear kami gamit
yung pwet namin at lumakad na ko papunta kay Brooke. Okay naman na kami ni Brooke,
nakalimutan ko na din naman at ganun talaga kami hindi nagtatanim ng sama ng loob.
OA nga ni Brooke umiyak pa akala kasi galit talaga ko. Sus. Di ako marunong nun.
Hahaha.

"Huy Brookeeeee!" bati ko as always kay Brooke. Basta may maingay dito sa opisina
kung hindi si Patricia ay ako na yun. Medyo napaatras ako ng kaunti kasi hindi ko
inasahan na nandito pala sa opisina niya si Sheila. Alam naman na ilag ako sa
amasonang babaeng yun. Ahahaha. Palibhasa bitter dun sa ex niya eh. Andyan naman
kasi si Papa Luigi na sobrang hotness papa din.

"Hay nako Jackie! Ang ingay ingay mo talaga." masungit na naman 'tong si Sheila.
Inirapan ko na lang at naupo sa tapat niya.

"Tse! Di kita bigyan ng pasalubong diyan eh! Uy Brooke oh may dala ko para sayo
saka kay Tito. Ahihi. Yaman ko no?" tumawa lang sina Sheila at Brooke at umiling.
Sanay na sanay na talaga sila sakin. Aba minsan lang 'to no kaya magyayabang talaga
ko. Hahaha.

"Thanks Jackie." ibinalibag ko kay Sheila yung pasalubong niya sabay takbo sa likod
ni Brooke. Hahaha. Alam ko sasamain na naman ako sa kanya eh.

"Baliw ka talaga!" sigaw ni Sheila at nagtawanan kaming tatlo.

"Lagot tayo kay Bianca hindi natin siya sinasama sa bonding. Haha. Jackie ito nga
pala yung new victim este kliyente mo." inabot niya sa akin yung isang envelop at
binuksan ko ito para basahin yung mga detalye.

Hmm. To be fair! Ang gwapo lang nitong new client namin. Shet lang oh! Hotness eh!
Napapito na lang ako bigla dito at natawa naman sina Brooke at Sheila. So the who
itong si Ambrose Tan? Oh diba pangalan pa lang gwapo na?!! May ari din siya ng
isang bar parang si Stanley. Emeged! Uso ba talaga mga gwapong bartender?!!
Papakyawin ko na! Hahaha.

So balak din niya magtayo ng business sa Puerto Azul? Kakalabanin pa ata yung kay
Stanley ah?! Well, wala naman akong paki. Nagtatrabaho lang din naman ako at
nangangailangan ng pera kahit madami na. Keri lang! Bebentahan ko 'to.

"Mukang type mo ah? Hinubaran mo na ata! Ahaha." pang-aasar ni Sheila.

"Hindi ah. May asawa na ko no. Wait! Bebentahan ko 'to! Saglit lang sakin 'to.
Kailangan lang ng charisma ko yan." sabay kindat ko sa kanila.

"Balita ko matinik sa chicks yan at sadyang bolero." patay malisyang sabi ni


Brooke.

"And so? Baka siya mabola ko no. Tignan na lang natin. Sige babayu na dadaan pa ko
sa condo ni motherhood eh."

Sus. Keri lang 'tong Ambrose Tan na'to wala nga lang sanang kahit anong deal
katulad ng ginawa sakin ni Stanley de Vera.
to be continued....

Lame update. =) pero siyempre may laman. Malapit ko na nga kayo paiyakin diba?
Hahaha! Jokeeee. LONG COMMENTS PLEASE?!!  Anyare? 60++ lang lagi. =(

BonitaBabyy

=================

Chapter 18

Chapter 18

Matapos dumaan sa opisina ay naisipan ko muna ang dumaan sa condominiun ni mama.


Kung sinu-sino  siguro inuuwing lalaki ng bruha na yun doon. Dinudungisan niya ang
condo! Hahaha. Anyways, nagpaalam na ko sa mga friendships ko at sumakay na sa
aking kotse papunta sa condo. Aayain ko na lang mag-inuman si mama dun sa bar ni
Ambrose Tan. Hindi naman malalaman ni Stan at wala din namang pake yun. Sige lang
lumandi pa siya wala akong pakialam! Putris!

Pinaharurot ko na ang kotse ko at rumampa na patungo sa condo ni mama. Pagkarating


ko roon ay naabutan ko si mama na busy sa pag tthreadmill ako naman ay naupo na
lang at nagsindi ng sigarilyo.

"Anyare to you junakis kong gandalu?! Nakembot ka ata dito?" alam kong hindi normal
sa isang ina ang ganitong pananalita pero anong magagawa ko, babaeng sinapian ng
kabaklaan ang mudrabels ko. Hahaha.

"Gusto mong mag shopping at bar mamaya?" tanong ko sa kanya at humitit sa sigarilyo
ko.

"San? Dun sa bar ng josawa mo? Oks lang! Libre din yun. Haha. Madami ba dung gwapo
ha anak? Alam mo na mga type ko!" excited na sabi ni mama habang ako naman ay
napairap na lang. Napaka kerengkeng talaga nitong nanay ko. Obvious na ba kung
kanino ko nagmana? Alam ko naman mga type niya. Yung mga bagets na halos kaedad ko
na. Haha. Last time na nagpakilala siya sakin ng boyfriend niya ay isang gym
instructor!

"Hindi tayo dun. May bago akong kliyente kaso sa ibang bar nagttrabaho. Isama natin
si Patrick este Patricia pala para hindi ka mabore habang kausap ko yung kliyente
ko." sabi ko kay mama. Nagtaka naman ako ng nangunot ang noo ni mama at tumigil na
sa ginagawa niya.

"May sakit ka ba anak? Ba't diretso ka atang magsalita? Hahaha." umiling na lang
ako at tumayo para kumuha ng isang lata ng beer. Wala akong sakit no. Ay masakit
puso ko! Tangina lang!

"Seryoso ha? Osige. Wait mo ang beauty ko para makarampa na tayo." kumendeng na si
mama papuntang silid niya at ako naman ay napabuntong hininga na lang.

Bakit nga ba ko malungkot?! Dapat masaya na ko. Haler nakuha ko na lahat ng gusto
ko simula pagkabata. Sobra pa nga! Ano ba 'tong inaarte ko?!! Kakalurkey ah!

***

After akong paghitayin ng pagkatagal-tagal ni mama ay nagpunta na kami sa isang


sosyaling mall. Kaloka! Mas makapal pa lipstick sakin at shet mas maiksi pa yung
mini skirt niya! Pano pag ganito nanay niyo?!! Di kayo mabaliw? Hahaha.

Nung una palakad-lakad lang kami ni mama hanggang sa madami na din kaming napamili.
Naaalala ko noon mag mall lang kami para mag window shopping at uuwing tulo laway
dun sa mga magagandang damit na hindi naman namin afford. Hay. Alam ko talaga kahit
magkayod kabayo ako ay hindi kami yayaman ng bongga kaya yung mga mayayamang lalaki
na lang ang pag-asa ko. Sakto naman nabiktima ko si Stanley. Hahaha.

"HALA! AMPUTANGNA BAKIT NANDITO SIYA?!!" napahinto naman ako sa paglalakad ng


mabunggo ko si mama na humarap na sa akin at nakayuko na animo may pinagtataguan.

"Oh?! Anyare sayo mudra?! May pinagkaka-utangan ka ba na nandito?!! Bayad na lahat


yun ah!" ano bang nangyayari sa nanay ko?!!

"Tumahimik ka nga! Kaloka! Ex jowawa ko anditey!" luminga linga ako sa paligid.


Asan ba?!!
"Asan ba dito?!! Grabe ka naman! Ikaw pinagtataguan ng mga ex mo diba bakit ikaw
ata ngayon ang nagtatago?" tanong ko kay mama na sumiksik na sa likod ko.

"Ang duling mo naman. Basta! Ex jowawa ko pa nung panahon ni Kopong-Kopong. Naku!


Makasibat na muna! Kita na lang tayo sa bar. Text mo sakin lugar ha? Babush na!"
bago pa ko makasagot sa kanya ay nakatakbo na siya kaya naman napakamot na lang ako
sa ulo ko. Nagulat na lang ako ng tumapik sa akin.

"Papa!" nakipag-appear ako kay papa at yumakap.

"Oh nag-iisa ka ata?" nakangiting tanong sakin ni papa.

"Nanay ko eh bigla na lang nawala nakita daw niya ex-boyfriend niya way back
Kopong-Kopong. Hahaha." tumawa lang ng malakas si papa at pinisil ang pisngi ko.

"Namiss kita ah! Kakarating ko lang kanina galing Singapore eh. Tara merienda
tayo?" iniabot sa akin ni papa ang braso niya na tinanggap ko naman. Muka kaming
magjowa na mukang mag-ama. Wala akong paki if ano man isipin ng mga tao. Like duh!

"Aba bongga naman! Kakarating ko lang din galing Venice eh. Hahaha. Uy pasalubong
ko asan?" wala akong galang talaga no? Haha. Masaya talaga ko pag kasama ko si papa
eh. I don't know. Minsan para ko siyang tatay minsan parang barkada at minsan
parang boyfriend kung mag-alala sakin. All around! Ang swerte lang ni Stanley sa
papa niya. Hay.

"Nakakarami ka na ah! Buti na lang mahal kita. Haha. Secret lang natin 'to ah? Mas
mahal kita bilang anak kesa dun sa asawa mo. Masungit yun eh." tumawa lang ako ng
malakas at masaya kaming naglakad.

Pagkatapos naming kumain ni papa ay inihatid niya ako sa bar kung saan ko makikita
ang kliyente ko. Gusto nga niya kong samahan kaso kailangan na daw niyang
magpahinga kasi tinatamaan na siya ng jetlag, sayang ipapakilala ko pa naman si
mama sa kanya.

"Sino ba yung kliyente mo?" tanong sakin ni papa habang nakahinto kami sa parking
lot.

"Si Ambrose Tan. Bakit?" nakita ko na parang nag-alala siya. Weird!


"Dapat sinasamahan ka ng asawa mo eh. Wag ka na magtrabaho magpakasaya ka na lang.
Kayang kaya kang buhayin ni Stan." nangunot ang noo ko ng mabakas ang pag-alala ni
papa at ang biglang pagseseryoso nito.

"Ano ka ba Pa! Trabaho tapos isasama ko pa asawa ko. Don't cha worry! Kering keri
ko 'to." hinalikan ko siya sa pisngi at nag-wink pero hindi pa din nawawala ang
pagka-seryoso niya. Hindi ako sanay. Na-praning lang siguro. Nag wave lang ako sa
kanya at pumasok na sa loob ng bar.

***

Pagpasok ko sa bar ay syempre magulo, maingay at mausok. Agad ko namang nakita sina
mama at Patricia kaya naman lumapit na ko sa kanila. Mga umiinom na sila. Psh.
Hindi man lang ako hinintay. Sabagay, hindi naman ako nandito para magsaya
kailangan ko munang magtrabaho hindi ako pwedeng uminom bago makipag-deal kay
Ambrose Tan. 

Hindi ko na kailangan hanapin pa siya dahil nakuha na niya ang atensyon ko. Hot!
Magaling din siyang mag-flair gaya ni Stanley. Kaloka! Lahat ba ng barista ganito
ka-hot. Nganga lang kaming lahat na nanonood e. Hahaha. Pagkatapos niyang
magpakitang gilas ay ngumiti siya ng makalaglag panty. Anakng! Tilian yung mga
babae pero hindi ako kasama dun. Lumapit na din ako at umupo sa stool at dahil nga
maganda akong tunay ay napansin niya agad ako.

"Hi Miss, what can I do for you?" halatang nanunukso siya. Sus. Hindi niya ko
madadaan sa ganun. Bigla akong nakaramdam ng pagka-ilang ng titigan niya ko simula
ulo hanggang dibdib na animo pinagnanasaan ako. Hindi naman siguro. Muka namang
disente ang lalaking 'to e. Mas muka pang manyak si Stan. Hahaha.

"Bloody Mary na lang." sabi ko at ngumiti din sa kanya. Bakit ba ang seryoso ko
ngayon?!! Wala ko sa mood lumandi o loyal lang ako masyado kay Stan?! Kainis ah.
Makalandi nga.

"Bloody Mary for a Hottie Lady." nag wink siya sa akin at kumagat labi at matipid
lang akong nangiti.

"Ako nga pala si Jacques de Vera. Ikaw pogi?" mapang-akit kong tanong sa kanya.

"de Vera? Nice surname huh? I'm Ambrose Tan. Ang lalaking bibihag sa puso mo"
natawa lang ako sa sinabi niya. Wala na. Nasa ibang tao na puso ko eh. Chos!
"Yun lang eh! Ikaw may ari ng bar na 'to?" siyempre kung magbebenta ko dapat
pasimple muna. Haha.

"Yes. Ngayon lang kita ata nakita dito Ms. Hottie." malandi 'tong lalaki na 'to ah
kanina pa din niya pasimpleng tinitignan cleavage ko. Punyeta!

"Oo. Conservative ako eh. Hahaha. Anyway, mauna na ko ha? May mga kasama ako eh."
conservative my face! Hahaha. Halos wala na ngang matirang tela sa suot ko eh.
Nagulat ako ng pinigilan niya ako sa braso.

"Hey. Here's my number. So call me maybe" nag sign pa siya ng call at kinanta yung
putangnang Call Me Maybe na yun na maya't-maya kong naririnig. Naririndi na ko sa
kantang yun ah! Hahaha.

"Thanks." at mapanukso akong nag flying kiss. Wala eh. Ganito talaga diskarte ko sa
trabaho. Mapang-akit. Inaya ko na sina mama at Patricia na mukang may
pinagnanasaang lalaki. Hahaha.

"Kaloka ka naman sister! Di pa nga nag-iinit sikmura namin ni motherhood mo sa alak


mag-aaya ka na?!! Uy, madami ding gwapo here ah!" malanding sabi ni Patricia.

"Onga naman anak! Atat ah!" napailing na lang ako at ininom yung nasa baso ni
Patricia.

"Sige mauuna na ko sainyo. Haha. Babayu!" I said.

"Nako! Tignan mo yang ugali mo matapos mag-aya mang-iiwan. Sige chumorva ka na


nga!" Hahaha. Leche. Bumeso na lang ako sa dalawang malantod at gumora na.

***

10pm na din pala? Bakit nga ba ko umuwi ng maaga ngayon?! Himala ata? Haha. Wala
lang talaga ko sa mood ngayong araw na'to hindi ko alam kung bakit. Nag drive na ko
pauwi sa mansion. Pagdating ko ay pinagbuksan ako ng pinto nung katulong at nawala
ang mga ngiti ko ng makita ang tatlong bulto sa sala.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Namanhid bigla ang katawan.
"Hija nariyan ka na pala. Hehe." seryosong sabi ni papa na parang nag-aalangan.

"Jackie. Dito na nga pala muna titira si Bea." sabay akbay niya sa umiiyak na
babae. Kumirot ang puso ko. Pakshet! Pigilan mo mga luha mo Jackie. Gusto ko ata
magwala pero ang nagawa ko na lang ay tumango at diretsong naglakad paakyat ng
hagdan saktong nakasalubong ko yung isang katulong.

"Pakihanda nga yung guestroom."

to be continued...

LONG COMMENTS PLEASEEEEEEEEE! =)

BonitaBabyy

=================

Chapter 19

Chapter 19

"Pakihanda nga yung guestroom." sabi ko kay manang.

"Ay nabigyan na po ng silid ni Sir si Ma'am Bea." magalang na sabi ni manang at


sinamaan ko lang ng tingin. Minsan na nga lang ako maging kontrabida napapahiya pa
ko.

"Darating kasi yung bestfriend ko. Leche." at binilisan ko na ang paglalakad ko


papunta sa silid namin ni Stanley. Pagkarating sa silid ay mabilis kong ini-lock
ang pinto at ibinalibag lahat sa kama yung mga pinamili ko kanina sa mall.

"Anak naman ng putsa oh!" huminga ako ng malalim at nahiga sa kama. Ayos lang sa
akin na magkita sila o maglandian basta ba hindi ko nakikita ko pero putangina lang
eh! Bastusan na'to?!! Napabalikwas ako ng upo sa kama at ginulo ang buhok ko.
"Hindi ako papayag! Ako lang ang diyosa ng pamamahay na'to! Ako lang ang dapat na
Mrs. de Vera! Edi mahahati yung yaman na para lang dapat sakin?!! Hindi pwedeeee!"
agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Patricia.

"HOY PATRICK! I NEED YOUR HELP! Punta ka dito sa Mansion ko. Magdala ka ng maraming
damit. Dito ka titira! Babu!" hindi ko na siya hinayaan pang maka-angal at
ibinagsak ko na yung cellphone at dumukot ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan
ito. Mabilis kong hinitit buga ito hanggang sa nasamid ako at mapaubo. Ah peste!
Badtrip.

Hinubad ko na agad ang damit ko at nagpunta na sa banyo para mag-shower at marelax


na din sa init ng tubig na dumadaloy sa katawan ko. Minsan na lang magmamahal ang
pusong tanga hindi ako maaaring biguin ng putangina aba. Pagkatapos maligo ay
nagpalit na ko ng isang black negligee at silk robe. Wala akong pake kung
magpalakad-lakad pa ko dito sa mansion na ganito lang ang suot.

Ilang saglit pa ay kinatok na ako ng katulong para ipaalam na dumating na si


Patricia, tinanguan ko lang yung katulong at sumabay na din sa pagbaba nito sa
hagdan. Nasan naman kaya si Stanley at Bea ng lagay na'to?!! Mga hayup sila. Pag
sila namuro sakin pasensyahan na lang talaga. Pag ako talaga nainis sa kanina
nagigingkontrabida ako.

"Bakla! Anyare?!! OMG. Bongga naman pala life mo here! Bet ko 'to!" maarteng sabi
ni Patricia habang tinitignan ang mga kasangkapan dito sa sala. Kaloka! Siyempre,
nasa giyera ako ngayon kailangan ko ng kakampi na kasing maldita ko.

"Tara nga dito!" hinila ko siya paakyat sa guestroom at itinulak sa kama. Nataranta
naman ang loka at agad na tinakpan ang katawan niya.

"Hoy Jackie! Mahiya ka nga sa boobs ko! Hindi tayo talo! Matagal ko ng kinalimutan
ang masalimuot kong nakaraan. Nandidiri ako pag naaalala kong nagka jowa ako ever
in my lifeeee! Kalurks!" napatakip ako sa tenga ko. Assumerang bading naman.

"Tse! In your face. Mas lalo ako no! Ayoko ng maalala na naging err boyfriend kita
dati! Malandi." sabi ko at tumabi sa kanya sa kama.

"Anetch ba kasing ginagawa ko here ha? Infairness! Bet ko! Dito na lang beauty ko
forevah and evah!" inirapan ko na lang siya ng pumose siya na parang FHM sa
malambot na quuen-sized bed.

"Kasi naman bakla may problema aketch! Meron isang mahaderang epal na babae ang
pasimpleng lumalandi dito sa papabols ko. You know naman da who itech na papa
diba?" maarteng naupo si Patricia at mukang nagalit.
"Sinetch itech na girlalu?!! Yung echuserang girlalu na na-sight natin sa bar
before?!!" tumango lang ako at humalukipkip.

"Ay! ehuserang froglet pala ang bruhilda! Santa Santita pala ang peg!"

"Trulalu! Ano ng gagawin ko?!! Ang kayamanan ko! Pano na?!!" tumingin sa akin si
Pat na parang hindi naniniwala sa sinasabi ko.

"Trulalu bang kayamanan lang iniisip? Mukang inlove ka na teh. Aminin mo!" tumango
lang ako at yumuko. Agad naman niya akong hinawakan sa balikat at niyugyog.

"Tanga ka girl! Wag mong hayaan na maagaw ang Papa Stanley mo!" marahas kong inalis
yung kamay niya.

"Oo naman no! Makikita lang nila lupit ng DIMAGUIBA! Leche!"

***

Paggising ko tulog pa si Stanley sa tabi ko kaya naman nag shower na muna ako at
nagbihis. Wala naman akong lakad ngayon at wala ako sa mood na umalis ng bahay.
Mamumwisit na lang ako ngayon. Bwahahaha! Wala akong maisip bahala na. Lumabas na
ko ng silid namin at iniwan si Stanley na nakadapa pa sa kama. Tama yan matulog
siya ng walang sagabal sa kamalditahan ko.

Paglabas ko ng silid ay siya namang paglabas din ni Patricia sa guestroom kaya


naman agad kaming nagbulungan.

"Anetch? Na-sight mo na ang kalaban?" tanong ni Pat sakin.

"Hindi pa nga eh. Eh kung bumaba kaya tayo no?" tumango na lang siya at inaya ako
sa kusina. Sakto! Ayun siya. Umeepal na naman! Atribid 'to ah! Yung usual kong
ginagawa siya ang gumagawa?!! Nakikiagaw ng role ditey?!!

"Good morning." masaya kong bati sa kanya. Sanay din akong makipag-plastikan no.

"Good morning din. Pasensya na pinakealaman ko na yung kusina kasi maaga akong
nagising. Nakakahiya din naman sa inyo." tumawa lang ako pero yung tawang may
something. Hahaha!
"Naku! Wala yun no. Okay lang. Si Pat nga pala bestfriend ko." sabay tapik ko pa sa
balikat niya. Oh diba maka-feeling close lang talaga ko. Nginitian lang niya si Pat
ganun din si Pat sabay irap. Kaloka! Buti na lang hindi na nakita ni Bea yun.

"Ahm. Jackie? San nga pala yung asukal niyo dito? Magtitimpla sana ko ng kape."
nagkatinginan kami ni Pat at sabay pa kaming napangiti.

"Sige ako na lang kukuha bakla! Stay put ka lang diyan. Ahahaha!" ang maldita lang
ng pagkakatawa ni Patricia. Pero alam ko naman na balak niya eh. Hahaha!

Nagising na din si Papa at Sander medyo nagkagulo pa nung sabay silang bebeso sakin
ayaw pumayag ng bawat isa kung sino ang unang hahalik. Parang mga timang lang eh.
Dahil sa atribida si Beatrice ayan napuri siya. It can't be! That should be me!
Chos. Hahaha. Ayan kakain na kami. Excited naman daw ako. Nagkatinginan ulit kami
ni Pat at napangiti. Si Papa at Stanley lang naman ang madalas na magkape so kaming
tatlo nina Patricia ay juice ang iniinom. Hahaha!

"Tito tikman niyo yung kape na tinimpla ko. Sana sakto lang sa gusto niyo." ngumiti
lang si papa at kinindatan ako ng mahuli niya na nakatingin ako sa kanya. Ngumiti
lang ako ng pagkalandi landi pero napasimangot ako ng makitang masama ang tingin
sakin ni Stan. Kainis. Minsan na nga lang kiligin. Buti pa nga sa tatay niya
kinikilig ako eh.

"Sige hija. Salmat. Sana nagpatulong ka kay Jackie. Kagabi kuhang kuha niya yung
gusto kong timpla." sus bolero talaga 'tong father-in-law ko eh! Haha. Muli ay
napangiti niya ko ng di oras.

"Ah ganun po ba? Sige po." andami namang satsat ng mga 'to? Pwede bang inumin na
lang agad nila yung kape?!! Napatuwid ako ng upo ng makitang hinipan na ni papa
yung kape. This is it na! Napangiwi na lang ako ng inumin na ito ni papa at naibuga
yung kape. Napatayo naman ako bigla, actually kasama sa acting ko yun at inabutan
ng table napkin si papa at hinimas ang likod nito matapos masamid ng todo.

"Okay ka lang pa? Anyare ba sayo?" okay lang na kausapin ko ng ganito si Papa.
Hindi ko na kailangan ng 'po' at 'opo' para sa demure effect katulad ng kay Bea.

"Putsa! Ang alat!" nagkatinginan kami ni Pat at pinanlakihan lang niya ko ng mata.

"Hala! Bea! Asin ata yung nakuha mo at hindi asukal! Ayan kasi pakialamera eh."
maarteng sabi ni Pat. Siyempre scripted din na sinaway ko siya.

"P-pero---" naku magsasalita pa eh.


"Hayaan mo na Pat. Okay ka lang pa? Heto ang tubig oh." inabutan ko siya ng tubig
at mabilis naman niya itong ininom.

"Hindi naman sinasadya ni Bea eh. Kain na tayo." sinamaan ko lang ng tingin si Stan
habang hindi siya nakatingin sa akin. Naramdaman ko naman yung pagtapik sa kamay ko
ni papa na parang pinapakalma ako. Pinisil ko lang ang kamay niya at bumalik na sa
upuan ko.

Stanley's POV

Kitang kita ko yun. Yung paghawak ni papa sa kamay ni Jackie at pagpisil pa nito.
Putsa! Nakakainis. Lalo akong naaasar nung nasamid si papa dahil sa timpla ni Bea.
Kung makaasikaso naman si Jackie akala mo siya asawa ni Papa. Hindi ko din naman
nagustuhan yung lasa ng kape ni Bea ah? Nasamid din ako pero mas inuna pa niya si
Papa?!! Tahimik na lang akong kumain. As usual si Jackie at Papa na naman yung nag-
uusap at gumagawa ng topic para may pag-usapan. Minsan nakikisali si Patricia yung
bestfriend ni Jackie pero mas maingay talaga sila ni Papa.

Mamaya ihahanap ko ng apartment si Beatrice. Kinausap kasi ako kagabi ni papa na


hindi maganda kung dito ko siya patitirahin. Ano namang masama? Bestfriend ko naman
siya? Asa naman akong magselos si Jackie eh mukang wala naman siyang pakialam sa
akin. Kagabi umalis ulit ako para dumaan ng bar tapos pag-uwi ko nagalit pa kasi
inistorbo ko daw tulog niya. Anakng! Didistansya na nga lang ako kay Beatrice,
ayoko namang mapasama siya sa mata ng iba at alam ko hindi nga maganda na nagkikita
kami kasi kasal na ko.

Tinutulungan ko lang naman siya sa problema niya. Ipapakasal siya ng mama niya sa
isang lalaki na may masamang record. Kilala ko ang tanong yun. Hindi niya mamahalin
si Beatrice. Magiging miserable lang ang buhay niya roon. Ilang beses ko na nga
bang naka-engkwentro ang hayup yun?!! Poprotektahan ko ang mga babaeng mahalaga sa
buhay ko. Wala naman akong dapat ikabahala kay Jackie eh. Kaya niya ang sarili
niya.

Jackie's POV

Inaya ako ni Patricia na rumampa sa kung saan kasi naman daw ay hindi niya gustong
makasama si Bea sa iisang bahay. Kung sabagay ganun din ako, mamaya din naman ay
aalis sila ni Stanley para maghanap ng apartment na ookupahin nito. Buti naman!
Gagawin kong impyerno pagtira niya dito pag hindi pa siya umalis. Haha. Naglilipat
ako ng gamit sa ibang bag ng makita yung calling card ni Ambrose Tan.
"OO nga pala? Hindi ko na siya naalalang tawagan?" kinuha ko ang phone ko at dinial
yung number niya. Kailangan ko na nga palang asikasuhin yung papeles nito.

"Hello?" shems! Ang gwapo ng boses! I mean ang husky kasi kaya parang ang sexy ng
dating. Boses pa lang makalaglag panty na eh.

"Hi loverboy! It's me Jackie de Vera? Don't tell me nakalimutan mo na ko?"


mapanukso kong tanong sa kanya.

"Of course not! Bakit ko naman makakalimutan ang diyosang katulad mo?" aba naman.
Lumalaban 'tong lalaking 'to sa tuksuan.

"Yun lang eh!" hagikgik ko pa.

"Dadaan ka ba mamaya dito sa bar?" tanong niya.

"Oo naman. Mukang magiging suki ako sa bar mo eh." hahaha! Leche! Ang landi ko
lang!

"Hihintayin kita ah. Ciao." natawa na lang ako ng mag mwahh pa siya sa phone. Shet
lang. Oo! Kinilig ako. Kay Stanley na lang ako hindi kinikilig. Tss.

Oras na para magbenta. Ng lupa!

to be continued...

Nabobored na ba kayo sa story? Malapit na ang twist. =) ihanda ang tissue. Hindi ko
pa alam kung kailan itatiming. Sana mapansin niyo yung clue. Hahaha!

https://twitter.com/BonitaBabyy

=================
Chapter 20

Chapter 20

Kasalukuyan akong naglilipstick ng pumasok ng silid namin si Stanley, halatang


nagtataka siya kung bakit ako nag-aayos ngayong gabi. Actually pupunta ako ngayon
sa bar ni Ambrose. Magpapakasaya lang at magtatrabaho na din at the same time.

"Aalis ka?" nagtataka niyang tanong.

"Yep." sagot ko habang nakatingin sa reflection niya sa salamin. Kinuha ko naman


yung mascara ko dahil parang kulang yung nilagay ko kanina. Haha.

"Gabi na aalis ka pa? At san naman punta mo niyan?" pinasadaan pa niya ng tingin
ang suot kong black haltered dress at red stilettos.

"Rarampage lang ako. Kaya magpakasaya ka na diyan and please wag ka ngang magsalita
diyan na parang nag-aalalang asawa. Like duh!" inirapan ko lang siya at nag-spray
na ng pabango ko.

"Inaalala ka lang ikaw pa galit. Bahala ka nga." wala talagang pakialam sakin. Tss.
Hindi man lang ako pinilit? Punyeta naman sa kamanhidan yan Stanley!! Arghh.
Padabog ko na lang na kinuha yung bag ko at lumabas na ng silid. Ayoko din mag stay
dito sa bahay hangga't hindi pa nakakaalis si Bea. Pwede umalis na siya now na?!
Bakit kailangang bukas pa?!! Hindi tuloy kami makapag-bonding ni papa. Kainis ah!
Siya na nga lang kasundo ko dito sa bahay dagdag mo pa ang biglang entrance ni
Patricia dito. Haha. Speaking of the bakla chumorva siya kanina kasi may date daw
sila ng kanyang papabols. Inggit naman daw ang beauty ko.

Pagkababa ko ng hagdan ay naabutan ko si papa na nakaupo sa sala habang nagkakape.


Ngumiti ako sa kanya at umupo dun sa arm rest ng inuupuan niya. Ang landi lang no?
Hahaha. Humalik ako sa pisngi niya at nagpaalam na aalis papunta dun sa kliyente
ko. Ayun na naman yung reaction niya na hindi ko maipaliwanag.

"Magpahatid ka kaya kay Stan? Asan ba si Stan? Dapat hinahatid ka nun eh!"
iritadong sabi ni papa. Ang weird lang ah! Di ko talaga magets eh.
"Ayun nagtampo ata ang mokong. Ano ka ba naman pa! Kering keri ko sarili ko no."
infairness natatouch naman daw ako sa pag-aalala ni papa. Ano ba yan! Naiinlove ata
ako kay Papa. Huhu. Naguguluhan ako. Bakit ang sweet at caring niya sakin. Ito yung
mga bagay na hinahanap ko kay Stan. Bakit kay Papa ko pa natagpuan? Jackieeee!
Utang na loob hindi ka pwedeng mainlove sa tatay ng asawa mo.

"Gusto mo bang ihatid na kita ha? Wala naman akong masyadong trabaho." hinawakan pa
niya ang kamay ko at pinisil. Kalurks! Bakit ganito tibok ng puso ko Lord?
Nagwawala! Kinikilig ako kay Sander. Hindi ko na kaya 'to eh. Huhuhu. Alam niyo
yung dapat nakakaramdam ako ng pagka-ilang sa ganitong sitwasyon pero bakit
naiinlove ata ako?!! It can't be!! Agad kong binawi ang kamay ko at ngumiti sa
kanya.

"Ang OA mo naman Papa! Kaya ko na nga sarili ko. Safe ako dun. Uwi ako agad don't
cha worry baby! Ciao!" I winked at him at naglakad na palabas ng pinto, isasara ko
na sana ang pinto ng muling tawagin ni papa ang pangalan ko.

"Be safe darling" ngumiti ako ng nag flying kiss siya sa akin.

"I will." at nag wave na lang ako sa kanya bago tuluyang isara ang pinto.

Stanley's POV

 Tinatanong ng maayos tapos sasagutin ka ng pabalang?! Tss. Kakaiba talaga si


Jackie. Humiga na lang ako sa kama namin habang pinapanood siyang mag-ayos ng
sarili niya. Niyakap ko yung unan niya at inamoy amoy ito. Ang bango niya talaga.
Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. Napaka sexy lang ng asawa ko. Napakagat
na lang ako ng labi. Ilang araw a din kaming hindi nagsesex ni Jackie ah?! Lagi na
lang kasi akong tinutulugan. Tss. Nang-aasar ata eh.

Padabog niyang kinuha ang bag niya at inirapan ako. Tignan mo 'to hindi ko naman
siya inaano bigla na lang mang-iirap. Tss. San naman kaya siya pupunta at napaka
sexy pa ng porma niya. Pag siya nabastos eh. Psh. Ilang saglit pa lang siyang
nakakalabas ng silid ay sumunod na din ako. Ihatid ko na nga siya para alam ko
naman kung saan siya pupunta.

Paglabas ko ng silid ay narinig ko na agad ang pagtawa ni Jackie at ni Papa.


Kakaiba talaga closeness nilang dalawa hindi ko maipaliwanag pero parang
nagngingitngit ang puso ko pag nakikitang masaya si Jackie na nakikipagtawanan sa
iba na minsan pa lang ata niyang nagagawa kasama ako. Nagseselos ako? Hindi naman
siguro. Hay ewan! Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Hindi pa din kasi ako kumbinsido. Hindi ko pa lubos na kilala si Jackie. Sa mga
pinapakita niya sa akin? Sa pagiging vocal niya sa akin na pera lang ang habol
niya. Paano naman yun? Paano ko siyang mamahalin na tuluyan kung ganoon siya? Hindi
ko alam kung tama bang maniwala ako na isa nga siyang opurtunista. Target nga ba
niya talaga ako noon pa at inalaan niya ang virginity niya para makuha ako? Ang
gulo!

Halos maikuyom ko ang kamay ko ng makitang hinawakan na naman ni Papa ang kamay ni
Jackie. Hindi ko na kaya. Bumalik na ko sa kwarto at nahiga sa kama. Tumitig ako sa
kisame.

Sino ka ba talaga Jacques?

***

Jackie's POV

 Pagpasok ko sa bar ay agad kong nakita si Ambrose na abala sa pag-fflair ng


inumin. Tahimik na lamang akong napapito. Shems! Ganito ba lahat ng bartender?
Lahat na lang ba ng pupuntahan kong bar ay may ganitong ka-hot, gwapo at nag-
uumapaw ang sex appeal na bartender?!! Lumapit ako sa counter at naupo sa isang
stool sa may tapat niya, agad naman niya akong nginitian at tumigil sa kanyang
ginagawa.

"Magiging suki nga kita." mapanukso niyang tingin sa akin. Kumindat lang ako sa
kanya at pinaglaruan lang ang daliri ko sa counter.

"Sabi ko naman sayo mapapadalas ako dito." maarte kong sabi sa kanya. Kung meron
man akong napansin ay sadyang mga flirt ang mga bartender lalo na sa mga flirt na
customer. Haha. Humingi lang ako sa kanya ng isang glass ng martini na agad naman
niyang ibinigay. Nagtawanan lang kami at nagkwentuhan sa mga walang kwentang bagay.

"Diba De Vera ka? So kaanu-ano mo si Sander de Vera at Stanley de Vera?" bigla


niyang tanong sa akin. Naku. Sasabihin ko bang asawa ko si Stanley? Hindi kaya
masira strategy ko? My goolay!

"Uhmm. Actually a-asawa ko si Stanley. Hehe" napakamot lang ako sa batok ko at


binigyan siya ng matamis na ngiti.

"Oh? Hindi ko alam na kinasal na pala siya. Congratulations then." bakit ganun?
Mapang-akit pa din siya? Don't tell me game pa din siyang makipag landian sakin?
Wow lang ha?!
"Parehas din pala kami ng tipo ni Stan? Akalain mo yun?" medyo nailang ako ng
tignan niya ko. Talaga? Ganito tipo niya? Taklesa? Di naman ata eh. Pinagloloko ata
ako ng Ambrose na'to baka mamaya umasa ako. Hahaha.

"Hindi naman siguro! Hahaha." sabay inom ko sa martini ko.

"Nagtatrabaho ka? Sa yaman ng asawa mo hindi mo na kakailanganin."

"Isa kong Real State agent. Haha. Gusto ko pa din mag-trabaho ayokong umasa kay
Stan." this is it na! Kailangan ko ng mag sales talk ng bongga! Ito na ang right
time. Haha.

"Talaga?! Sakto pala eh. May lupa ba ang kompanya niyo sa Puerto Azul? Balak ko
sanang magtayo ng bar dun. Dahil nagsisimula palang ang resort na yun ay
paniguradong dudumugin yun ng mga turista. Ano sa tingin mo?" halos maging peso
sign na ang mga mata ko! Shit! Coincidence lang kaya 'to? Kaloka!

"Oo naman. Actually sinosold out na namin lahat ng lupa namin dun. Sakin ka na lang
bumili may discount ka dahil gwapo ka. Haha" tumawa lang siya at tumango.

"Hindi yun ganun kadali Jackie. Hindi naman ako ganun kayaman katulad ng asawa mo
na kayang bumili ng kahit ilang lupa anumang oras. Kailangan ko ng magandang deal."
naging seryoso siya at tumitig sa akin. Ano naman kaya ang gusto niyang sabihin?
Ayoko na ng ganitong deal. Napapahamak lang ako eh. Nung una, dahil sa kagustuhan
kong makabenta ay nakipag-deal ako kay Stan sa 13 Hell Shots na naging sanhi para
may mangyari samin at magpakasal kami. Ayoko ata ng isa pa. Bakit ba ganito
napupunta saking mga kliyente? Mga tuso!

"Maganda naman ang offer ko sayo ah? Discounted ka na. Maganda pa yung lupa. Pwede
pa kitang samahan para makita yun kung gusto mo." please naman wag ka ng magpapilit
oh. Ayoko ng malagay sa alanganin dahil sa isang deal na pagsisisihan ko habang
buhay. Oo, nagsisi ako na pumayag ako sa 13 Hell Shots deal. Dahil dun napahamak
ang puso ko.

"Let's have a deal." kinakabahan ako sa tono ng pananalita niya. Ano naman kaya
yun?

"What is it?" wala namang masama kung marinig ko yung proposal niya eh.

"Ibigay mo sa akin ang listahan ng 13 Hell Shots at bibilhin ko lahat ng lupa sa


Puerto Azul." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Alam kong alam mo ang 13 Hell Shots. Yun ang larong ginawa ni Stanley para sa bar
niya. Hindi pa naman opisyal na pinapakilala yun. Deal?" napailing ako. Nanakawin
ko ang 13 Hell Shots? At ano uunahan ni Ambrose si Stan na i-release ang 13 Hell
Shots? Mapapatay ako panigurado ng asawa ko.
"Pag-isipan mong mabuti Jackie. Malaking pera ang naghihintay sa iyo." dumukwang
siya at hinalikan ako sa pinsgi at ngumiti na animo may masamang binabalak.

13 Hell Shots na naman ang involve sa deal na'to?!!

to be continued...

Hindi ko na nasunod yung update ko every Tuesdays and Fridays. =( Anyway ayan na po
ang update sana magustuhan niyo. COMMENTS! Hihi

Uy benta sakin yung loveteam ni Jackie and Pat. Hahaha! #PaJack

Kaloka andaming ka-loveteam ni Jackie ah! #JackLey #JanDer #JackRose #PaJack

BonitaBabyy

=================

Chapter 21

Chapter 21

"May problema ba?" tanong sa akin ni Stan habang sinusuot niya yung pantalon niya.
Wild night kami kagabi eh umuwi kasi akong lasing. Haha. Dahil masakit pa ang ulo
ko ay nakasandal lang ako sa headboard ng kama namin at naninigarilyo.

"Jackie tigilan mo na nga yang paninigarilyo." sabay agaw niya sa sigarilyo ko at


tinapakan ito. Inirapan ko lang siya at humiga wala akong pakialam kung mahantad
man sa kanya ang katawan ko.

"Aalis muna ko ihahatid ko si Beatrice sa apartment niya." hinalikan niya ko sa


labi at sinuot na ang t-shirt niya. Napahinga na lang ako ng malalim at humiga sa
kama.

Kung ibigay ko kaya kay Ambrose ang 13 Hell Shots para naman makaganti ako kay Stan
sa lahat ng sakit na binigay niya sakin?!! Ah hindi! Hindi naman ako ganun kasama
at isa pa si Stan ang nagpakahirap noon at naalala ko na gusto niya ng isang bagay
na babalik-balikan ng kanyang customers. May iba pa naman sigurong paraan diba?
Maaari ko naman sigurong pakiusapan si Ambrose na ibang bagay na lamang ang hingin
niya sa akin. Damn! Hindi naman ako ganito sa mga kliyente ko dati. Bakit simula ng
makilala ko ang mga baristang yun ay nagulo na sistema at stategy ko bilang isang
agent?!!

Kung tutuusin nga ay hindi ko naman kailangan iyon. Ako pa nga ang nilalapitan ng
mga kliyente kung minsan eh! Nakakainis lang! Ano naman kaya pwede kong gawing deal
kay Ambrose? Katawan ko? NO WAY! Ahahaha. Tumayo na ko at nagpunta na din sa banyo
upang maligo pupuntahan ko ulit si Ambrose.

Pagkaligo ko ay nagbihis lang ako ng isang white backless top at skinny jeans isama
pa yung black gladiator shoes ko. Natagpuan ko na lang yung sarili ko na nasa mini
bar ni Stanley. Nag-aalangan pa kong buksan yung drawer sa likod ng counter pero
nanlaki yung mga mata ko ng makita yung isang folder na may nakalagay na 'The 13
Hell Shots' sa harapan nito. Agad akong luminga sa paligid ko at mabilis na inihalo
sa mga folders kong dala. Ano ba 'tong ginagawa mo Jackie?!! Tinatraydor mo ang
asawa mo! Pero naman kasi dahil sa 13 Hell Shots lang na'to ay napaka-laking pera
na ang katumbas?!! My goodness!

Pababa na ko ng hagdan ng mapasigaw ako sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni papa


mula sa likuran ko. Halata bang may ginagawa akong krimen?!! Nakakaloka ah!

"Aalis ka Jackie?" tanong ni papa na nagtataka.

"Oo sana papa. Malapit ko ng makuha yung deal mula kay Ambrose Tan. Ang galing ko
no?" medyo nag-aalangan pa kong ngumiti pero seryoso pa din ang mukha ni papa.

"Makikipag-deal na siya agad? Wala man lang siyang hiningi sayo? Nakakapagtaka
naman ata?" kilala ba ni papa si Ambrose? Pano niyang nalaman na may hinihingi sa
akin si Ambrose?

"W-wala naman. Kilala mo siya pa?" tanong ko sa kanya habang mahigpit na yakap
yakap yung folders ko.
"Hindi naman. Iba kasi siyang makipag-deal. Ihatid na kita gusto mo?" alok sa akin
ni papa. Hindi pwede! Edi nalaman niya na binibigay ko sa iba yung 13 Hell Shots ni
Stan. Alam kong kamumuhian ako ni Stan pero makikipag deal naman ako kaya sasabihin
ko na lang na huwag ipapaalam na ako yung may sala. Hala! Hindi ko na alam! Ang
gusto ko lang naman makaganti dahil sa 13 Hell Shots na yun natuto akong magmahal
at masaktan.

"True? Eh alam mo naman ako charismatic kaya hindi na niya kailangan yun. Sige na
pa alis na ko. Promise pag nakuha ko yung deal na'to ililibre kita ng fishball!"
kuripot eh. Hahaha. Humalik na ko sa pisngi niya.

"Tawagan mo ko kung may problema ah?" nag-aalala niyang tanong. Hinawakan ko lang
siya sa pisngi at ngumiti.

"Wag ka ngang ganyan pa baka mainlove ako sayo." tumawa lang siya at hinalikan ang
kamay ko. Tangina. Ito na naman yung weird na feeling. Tumango lang ako at umalis
na.

***

Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang nagdadrive. Natutuwa ako kay papa. Sana nga
lang ganun din si Stanley sa akin. Asa pa ko. Hay. Tinawagan ko na si Ambrose at
sinabing sa bar na kami magkita. Siguro sarado pa yun at katulad ni Stanley ay may
silid na siya roon. Pagkarating ko ng bar niya ay naabutan ko na hindi pa nakaayos
ito at mga nakataas pa yung mga upuan. Gabi pa nga pala ang bukas nito. Nakita ko
agad si Ambrose at nagulat ako ng halikan niya ako sa pisngi medyo nailang ako
ngunit hindi ko na lang ipinahalata.

"Halika sa loob ng opisina ko dun natin pag-usapan" sabi niya sabay akbay sa
balikat ko. Shit! Bakit ba ko kinakabahan?!! Ngumiti na lang ako sa kanya.

"Napag-isipan mo na ba ang offer ko sayo?" tanong sa akin ni Ambrose pagkapasok


namin sa opisina niya. Naupo ako sa tapat ng swivel chair niya at niyakap ng
mahigpit yung folder.

"Siya nga pala anong gusto mong inumin?" hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng
peligro sa boses ni Ambrose pero hindi ko pa din ipinapahalata na kinakabahan ako.

"Coffee na lang maaga pa para sa alak." sabi ko sa kanya.

"Your wish is my command." hinigpitan ko pa ang hawak ko sa folder na dala ko.


Nagsisisi pa ako na dinala ko 'to. Tumayo siya at pumunta sa likod niya kung saan
may coffee maker. Pinalibot ko lang yung paningin ko sa opisina niya parang kasing
laki din nung kay Stan pero mas maayos 'to. Huminga lang ako ng malalim at ngumiti
ng muling humarap sa akin si Ambrose.

"Siguradong magugustuhan mo 'to." tinanggap ko naman yung inabot niya sa aking kape
at ininom ito. Masarap nga ang pagkakatimpla niya ng kape.

"Napaka swerte naman ni Stanley sayo." bigla na lamang akong nakaramdam ng


panlalabo ng mga mata. Anong nangyayari. Ang mapanuksong mga ngiti lang ni Ambrose
ang nakikita ko at kung paano niya hagurin ng mahalay na tingin ang katawan ko.
Nahihilo ako! Ang walanghiya nilagyan ng pampahilo ang kape ko! Pinilit kong tumayo
hangga't may lakas pa ako ngunit napapaupo ako hanggang sa maramdaman ko ang
paghalik niya sa leeg ko.

Wala na akong lakas pa para itulak siya pero putangina hindi ako makakapayag na ma-
rape na lang ako ng ganito. Hindi maaari! Halos maiyak na ako dahil kung saan saan
na nakakarating ang kamay ni Ambrose at sinimulan na niyang sirain ang damit ko.
Patuloy pa din siya sa paghalik sa leeg ko. Sakto namang nakapa ko ang cellphone ko
sa bulsa ng pantalon ko. Pilit ko siyang ititulak ngunit hindi ko magawa.

"Wag ka ng pumalag pa Jackie. Titikman lang naman kita eh." halos mapaiyak ako.
Lalo na ng hawakan niya ang ibaba ko. Damn you! Pumindot na lang ako sa cellphone
ko kung sino man sa mga nasa speed dials ang matawagan ko.

"Tulong!! Huhu. Ayoko Ambrose! Ano ba!!!" sana may nakasagot. Please!! Help me.
Stanley.

"Stanleyyyyyy!!!" sigaw ko kahit na hilong hilo na ako.

"Hahahaha! Wala ang Stanley mo dito Jackie. Bakit hindi ka na lang magpakasaya?"
pinagsusuntok ko siya sa dibdib sa abot ng makakaya ko ngunit itinaas lang niya sa
ulunan ko ang mga kamay ko habang hinahalikan ako sa leeg pababa sa dibdib. Oh God!
Help me! Stanley!!!

Sander's POV

Hindi ko maiwasang mag-alala sa batang yun. Hindi ko alam kung bakit. Ano 'to
nagbibinata ako? Haha. May pinupukaw siya sa aking damdamin na hindi ko
maipaliwanag. Sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti niya hindi ko na din mapigilan
ang mapangiti. Sa asawa pa talaga ng anak ko?!! Damn it. Alam kong mapapatay ako ni
Stanley kung mababasa man niya ngayon ang nararamdaman ko.
Nagpunta na lang ako sa library at naupo sa swivel chair, sumandal ako sa silya at
huminga ng malalim. Ilang beses ko na bang naisip na kung hindi lang asawa ni Stan
si Jackie ay bubuksan kong muli ang puso ko para magmahal. Naaalala ko yung first
love ko sa tuwing nakikita ko si Jackie pero kahit na ganoon alam kong meron si
Jackie na mamahalin mo talaga. Napailing na lang ako sa isiping iyon. Kahit na
gusto ko siya alam kong hindi maaari. Hindi ko kayang saktan ang kaisa-isa kong
anak. Kung ako na lang sana yung unang nakilala ni Jackie.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtatrabaho ng tumunog ang cellphone ko. Si Jackie? Agad
kong sinagot ito at halos mapatayo ako sa aking mga narinig. Sumisigaw si Jackie at
humihingi ng tulong. Hayup! Ano kayang ginawa sa kanya ng gagong Ambrose na yun?!!
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at tinakbo ko na pababa sa garahe. Habang
nagmamaneho ay dinial ko na ang number ni Stanley.

"Fvck! Son! Pick it up!" I hissed habang nagmamaneho. Wala na akong pakialam kung
magkaroon man ako ng violations basta ang mhalaga mailigtas ko si Jackie.

"Pa?"

"Tangina mo! Pumunta ka sa bar ni Ambrose Tan! Dalian mo!" sigaw ko sa kanya at
ibinalibag ko na ang cellphone. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung mahuhuli
man ako ng dating. Damn! Buti na lang ay hindi traffic papunta sa bar ng
tarantadong Ambrose na yun. Mapapatay ko siya pag may ginawa siya sa pinaka
mahalagang babae sa buhay ko. Tangina lang!

Stanley's POV

Anong nangyayari? At bakit ko naman kailangan puntahan si Ambrose?!! Tangina. Nag-


aayos kami ngayon ng gamit ni Bea sa bago niyang apartment ng bigla na lang tumawag
si papa. Mukang emergency iyon kaya naman agad na akong nagpaalam kay Bea.

"Bea babalik na lang ako mukang kailangan ako ni papa." patakbo akong pumunta sa
kotse ko at inistart ito. Lagot ka sakin papa pag ito hindi emergency.

Buti na lamang at malapit lang ang bar ni Ambrose. Ayokong makita ang gagong yun
tapos papapuntahin pa ko dun ni papa?!! Ano naman kaya ang nangyayari?!! Halos
sabay lang kami ni papa na nakarating sa tapat ng bar ni Ambrose. Kahit na nalilito
ay sumabay na din ako sa pagtakbo ni Papa papasok sa loob ng bar. Halos gibain ni
Papa lahat ng bagay na madadaanan namin. Ano bang nangyayari?! Kinatok ng kinatok
ni Papa ang opisina ni Ambrose. Makakasuhan pa kami nito eh.

"Tangina mo Ambrose buksan mo 'to!! Jackieeee! Jackieeee!" nanlaki ang mga mata ko
ng marinig ko ang pangalan ng asawa ko. Kilala ni Jackie si Ambrose? At bakit
nandito siya ngayon?

"Walangya ka Ambrose! Mapapatay kita!"

Halos nahinto kami sa paghinga ni Papa ng unti-unting bumukas ang pinto at makita
namin si Jackie. Napasuntok na lang ako sa dingding sa nakita ko. Umiiyak siya at
halos sira-sira ang saplot nito at kita na ang panloob niya. Putangina! Kailan pa
niya ko niloloko?!! Nanlaki pa ang mga mata ko ng makita ko ang The 13 Hell Shots
folder sa mga kamay niya. Anong ibig sabihin nito?!! Mas lalo kong naikuyom ang mga
kamao ko.

"I'm so sorry Stan." yun na lamang ang nasabi niya bago tuluyang nawalan ng malay
at saluhin ni papa.

"Jackie! Jackie! Stanley ano ba tulungan mo ko! Stan!" hindi ko na pinakinggan si


papa at tumalikod na ko para lumabas ng bar.

Manloloko ka Jackie.

to be continued...
Updated! Comments po! =)

Follow me on twitter: BonitaBabyy

=================

Chapter 22

Chapter 22

Nagising ako mula sa isang bangungot. Napalikwas ako ng upo ng mapansin na nasa
mansiyon na ako tinignan ko ang sarili ko at nakasuot na ako ng ternong panjamas.
Naramdaman ko yung pag-iinit ng mga mata ko at pagsakit ng mga luha ko. Hinawakan
ko ang suot kong damit at mahigpit iyong hinawakan hanggang sa magbalik lahat ng
ala-ala na animo isang flashback. Napahikbi na lamang ako ng maalala ang pambababoy
sakin ni Ambrose! Walanghiya ka Ambrose! Pinagkatiwalaan pa naman kita. Agad akong
tumayo sa kama at pumunta sa banyo at tumutok sa shower, habang umiiyak ay hinilod
ko ng hinilod yung leeg ko mga braso habang hindi pa rin hinuhubad ang mga saplot
ko.

"Kadiri! Kadiri ka Ambrose!!" patuloy pa din ako sa paghihilod ng katawan ko


hanggang sa magasgasan na ang balat ko. Kung yun lang ang paraan para makalimutan
ko lahat ng ginawa sakin ni Ambrose. Napaupo na lang ako sa sahig dahil
napahagulgol na lamang ako ng husto. Bakit napakahina ko ngayon? Bakit kailangan
kong magkaganito? Idinukmo ko na lamang ang ulo ko sa tuhod ko habang patuloy pa
din ang pag-agos ng mga luha ko.

"Kadiri!! Ang dumi dumi ko!!" sigaw ko pa. Pakiramdam ko ay mawawalan na naman ako
ng malay ngunit narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo at humahangos na yumakap
siya sa akin. Napahagulgol na lamang ako sa balikat niya habang pilit niya kong
pinapakalma.

"Gago siya Papa!! Tinarantado niya ko!! Kadiri!!" sigaw ko pa habang umiiyak pa din
sa balikat niya. Pareho na kaming basa kaya naman kinarga na niya ako at iniupo sa
kama. Patuloy pa din ako sa pag-iyak ng lumapit siya sa akin at ibinalot niya ako
sa kumot.

"Sisiguraduhin ko Jackie na pagbabayaran ni Ambrose Tan ang ginawa niya sa iyo.


Pagbabayaran ng hayup na yun ang pagtatangkang pag-rape sayo!" isinandal ko na
lamang ang ulo ko sa kanyang balikat ng mapansin na naikuyom na niya ang kanyang
mga kamao. Napapikit na lamang ako. Naalala ko na naman yung galit sa mga mata ni
Stanley, kung gaano niya kinamumuhian at pinandidirihan sa isang bagay na hindi ko
naman ginusto. Sa halip na maawa sakin ay tinalikuran niya ko. Tanginang pag-ibig
yan!! Napaiyak na naman akong muli sa isiping iyon.

"Hush darling. Ano ba talagang nangyari noong araw na iyon? Nagpapasalamat pa din
ako na hindi niya naituloy ang balak niya at dumating ako sa tamang oras. Hindi ko
mapapatawad ang sarili ko kung nahuli man ako ng dating Jackie." umiling lang ako
at sumandal ulit sa kanyang balikat. Ang balikat na alam kong poprotekta sa akin.
Sana ikaw na lang siya Stan.

Kahit na masakit ay paulit-ulit pa ring bumabalik sa ala-ala ko kung ano ang


nangyari noong araw na iyon.

"ANO BA AMBROSEEEE!! TULONG!! TULONG!!" sigaw ko habang pilit siyang inilalayo sa


akin. Nagpapasalamat ako na nasa bulsa ko ang cellphone ko bahalana kung kanino sa
speed dial ang matatawagan ko. Halos mapaiyak ako ng husto ng haltakin niya ang
suot kong blouse at halikan ang dibdib ko. Oh no!! Tulungan niyo ko!!

"Wag ka ng mag-inarte pa Jackie! Paliligayahin naman kita!! Ibibigay ko sayo ang


hindi nabibigay ni Stan!!" hayok nitong sabi. Pababa pa ng pababa ang kanyang mga
kamay. Putangina!!! Hindi ko hahayaan na ma-rape ako ng ulol na 'to. Kinagat ko
siya kamay kaya naman napasigaw siya ngunit halos mawalan ako ng malay ng umigkas
ang kamay niya sa pisngi ko.

"Tangina mong babae ka ah!" pinilit kong magising kahit na hilong-hilo na ako. Muli
sana niya akong sasampalin ng kapwa kami nagulat sa pagkalampag sa pintuan agad
kong kinuha ang oportunidad na iyon upang tadyakan siya sa ibaba nito. Nagmamadali
akong tumayo at kinuha ang folder ng 13 Hell Shots.

"Ambrose!! Hayup ka buksan mo 'tong pinto! Jackie! Jackie!" rinig kong sigaw ni
Papa mula sa labas ng pinto. Patakbo na sana akong lalabas ng pinto ng pigilan niya
ang paa ko.

"Ah matatag kang hayup ka ha?!!" pilit kong inabot yung tasa at ipinukpok sa ulo
niya.

"Nalasahan mo nga ako pero hindi mo pa din ako natikman!! Ulol!!" sigaw ko at
tumakbo na palabas ng opisina niya.

Ganoon na lamang ang pagka-gulat ko ng makita ko si Stanley sa likod ng papa na


halata rin ang pagkagulat agad iyong napalitan ng galit. Kitang kita ko sa mga mata
niya ang labis na hinanakit lalo na ng madaanan niya ng tingin ang hawak kong
folder. Napaiyak na lang ako sa sobrang guilt at pagkapahiya.

"I'm so sorry Stan." dahil sa labis na pagod at sari-saring emosyon ay pakiramdam


ko ay nauupos akong kandila at nagdidilim ang aking mga paningin. Ang huli ko na
lamang na naalala ay yung pagtalikod sa akin ni Stan habang galit na galit.

"Papa? Si Stan umuwi na ba?" pinahid ko ang mga luha ko at humarap sa kanya.
Nagbuntong hininga si Papa at umiling.

"Ilang araw ng hindi umuuwi si Stanley, tinanong ko na rin si Bea kung alam niya
kung saan makikita si Stan ngunit ang sabi niya ang huling pagkikita nila ni Stan
ay yung mismong araw na iyon." napabuntong hininga na lang din ako at yumuko.

"Kasalanan ko 'to Pa. Kung hindi ako naging ganid sa pera at nagpadala sa selos ay
hindi mangyayari 'to. Hindi ko na alam ang gagawin ko." napaiyak na lang ako ulit
at yumakap sa kanya.

"Hindi na mahalaga yun Jackie. Ang mahalaga walang nangyari sayo. Okay?" tumango
lang ako pumikit ng halikan niya ako sa noo.

"Pa? Hindi ba nagpupunta si Stan sa bar? Pupuntahan ko siya? Baka sakaling andun
siya!" umiling lamang si papa kaya naman muli lang akong napabuntong hininga.

"Simula noon ay isinara na niya ang bar niya. Hindi ko alam kung saan nagpunta si
Stan. Hintayin na lang natin na lumipas ang galit niya. Babalik din siya.
Magpahinga ka na Jackie." patayo na sana siya ng hawakan ko siya sa kamay.

"Pa! Ipangako mong kahit anong mangyari ay hindi mo ko iiwan. Please? Ikaw na lang
ang taong hindi pa humuhusga sa akin, hindi naman akong masamang babae at lalong
hindi ako maduming babae na iniisip nila!" umiiyak na naman ako habang nagmamakaawa
sa kanya. Lumuhod siya sa harap ko at hinalikan ako sa noo.

"Never Jackie." mataman niya akong tinignan sa mga mata bago yumuko at ngumiti.

"Hindi sayo bagay ang ganito darling. Go get some sleep." tumayo na siya at tuluyan
ng lumabas ng silid ko.

Sander's POV

Napasandal na lang ako sa dingding pagkalabas ko ng silid ni Jackie. Damn!!


Nasasaktan akong makita siya ng ganoon. Napahawak na lamang ako sa noo at natawa sa
sarili ko. Tangina?!! Ang mga matang iyon. Bakit bigla na lang sumagi sa isip ko
ang halikan ang daughter-in-law ko?! Lalong magngingitngit sa galit si Stan pag
nalaman niya na ang kanyang ama ay unti-unting nahuhulog sa kanyang asawa. Fvck!
Bakit sa asawa pa ng anak ko?!!
Naalala ko na naman yung pag-uusap namin ni Stanley bago siya tuluyang umalis ng
mansion at hindi na muling nagpakita.

"Ano ka ba naman Stanley! Huminahon ka nga! Kailangan ka ng asawa mo!!" sigaw ko sa


kanya habang pinipigilan siya sa pag-iimpake niya. Bakit ba ko nagkaroon ng anak na
katulad niya?!! Isang mapanghusga at hindi marunong makinig sa iba.

"Kailangan?!! Hindi ako kailangan ng manlolokong babaeng iyon! Sinabi ko na nga ba


eh! Pera langa ang habol niya sa akin!! Damn! Bakit nga ba pumasok sa utak ko na
baka maaari akong magsimula ng pamilya kasama siya?!! Ang dumi niya!!" hindi ko na
napigilan ang suntukin siya at halos mapasubsob siya sa sahig sa lakas na iyon.

"Kailan pa kita tinuruan na maging bastos sa babae?!!" agad ko siyang kinuwelyuhan


at akmang susuntukin.

"Diring diri ako sa kanya Pa! She's too fucked up!" sabay tulak niya sa akin at
kuhanin ang mga maleta nito at dire-diretso ng umalis ng manyon.

Buti na lamang at wala si Jackie ng mga oras na iyon alam kong masasaktan siya ng
husto.

Please lang Stanley anak bumalik ka na sana. Natatakot akong tuluyan ng mahulog ang
loob ko sa asawa mo.

***

After 2 weeks

"TARANTADO YANG ASAWA MO!!! NI HINDI PA NGA NAKAKAPAG-PAKILALA SAKIN NG PORMAL


IIWAN KA NA?!! ANONG TINGIN NIYA SAYO LOLIPOP?!! NA PAG PINAGSAWAAN EH ITATAPON NA
LANG?!! PUTANGNA NAMAN PALA!!" sigaw ni mama na halos maputol na ata yung litid
niya sa leeg. Nanlaki yung mga mata ko ng kuhanin niya yung plantsa at ambang
ibabato sakin.

"Wag yan ma! Macocomatose ako pag yan!" sabay takbo ko at nagtago sa sofa.
"GINAGALIT AKO NIYANG ASAWA MO AH!! IPAPAKULAM KO SIYA KAY LOLA LOLENG HAYUP SIYA!!
HANAPIN MO YUNG GAGONG YUN!!" sigaw ni mama. Narinig kong nag ring ang cellphone ko
kaya naman agad akong nagtago sa sofa at sinagot ito.

"Haler?" bati ko.

"Oy bakla!! Buhay pa ba you kay motherhood?!!" tanong sa akin ni Pat na halatang
nag-aalala.

"Muntik na kong batuhin ng plantsa sa peslak bakla!! Anyare na ba diyan?" pabulong


kong tanong sa kanya.

"Kailangan ka dito. May meeting! Chumorva ka na diyan ha?"

"Osige! Gora na ko diyan!" dahan dahan akong tumayo ngunit wala na si mama dun sa
harapan. Nag C.R siguro? This is it na! Dali dali na akong lumabas ng condo niya at
tumakbo papunta sa elevator.

Dalawang linggo na din simula noong nangyari ang araw na iyon. Nakulong na si
Ambrose at sinigurado ni papa na hindi na niya ako magugulo pa. Kahit na ilang
linggo na ding hindi nagpapakita at nagpaparamdam si Stanley sa amin ay doon pa rin
ako sa mansiyon nakatira. Sa lahat ng kabutihan ni papa magagawa ko ba siyang iwan?
Paglipas ng mga araw ay lalo kaming naging close minsan nga ay lumalabas pa kaming
dalawa at napagkakamalang magjowa. Wala naman akong pakialam kung ano man ang
isipin sa amin ang mahalaga masaya ako kasama si papa at alam kong protektado ako.

Nag drive na ako papunta sa opisina at napatawa na lamang pag naaalala si mama.
Totoo naman kasi na hindi ko pa napapakilala si Stan ng pormal sa kanya ay
hiniwalayan na ako kaya naman ayaw ding maniwala nina Brooke na may asawa na nga
talaga ako. Haha. Nagagawa ko na ulit ang ngumiti. Hindi naman kasi sa akin bagay
ang ipakitang nasasaktan ako. Ako yung babae na ngingiti lang sa lahat ng problema
at hindi iiyak. Nagsasawa na ako sa drama ng buhay. Ayoko ng dumagdag pa pero
aaminin ko sa kabila ng mga ngiting 'to ay ang Jackie na umiiyak tuwing gabi. Wala
naman akong magagawa eh, ang ngumiti at idaan na lamang sa pagtulog yung sakit na
nararamdaman ko.

Pagkarating ko sa opisina ay agad akong nagtungo sa conference room kung saan


nagsisimula na yung meeting na pinangungunahan nung fiancee ni Brooke na si Steven.
Masama talaga navavibes ko kay Steven eh. Hindi ko talaga siya feel since high
school! Promise!

Napag-usapan lang naman sa meeting na magpapadala ng team sa Puerto Azul kung saan
nagpapatayo ng isang hotel, kailangan din daw ako sa team kasi marami daw
negosyante ngayon ang nagbabakasyon roon at baka may mahanap pa akong bagong
kliyente. Pabor naman sakin yun kasi makakapag bakasyon grande na din ako. Hahaha.
Kasama ko pa si Brooke at Patricia! Ayos 'to!

"Huy bakla! Sabay ako sa kotse mo papuntang Puerto Azul ha?!!" tili ni Pat habang
palabas kami ng conference room.

"Okay lang. Si Brooke kasi kasabay niya yung sekretarya ni Steven alam mo namang
madalas kong makaaway yung malditang Priscilla na yun. Haha."

"Sige! OMG! Madaming hot papa dun! Mag two piece ako!!" humagalpak lang ako ng
tawa.

"Gaga! Ingatan mo lang baka lumabas si junior." sabay turo ko sa junior niya at
tumawa ng tumawa.

"JACKIEEEE!! MALDITA KA FOREVAH!!!" tumawa lang ako ng tumawa at nauna ng maglakad.

 to be continued..

Napasaya niyo ko sa last chapter. :) Dalang dala talaga? Thank you guys! Sana every
chappie ganun. Hihi. 

BonitaBabyy

=================

Chapter 23

Chapter 23

Kasalukuyan kaming nag-didinner ni Sander sa isang mamahaling restaurant habang


nag-kkwento ako kung ano yung nangyari sakin sa loob ng isang araw. Nasanay na ko
na siya lagi ang nakakasama sa bahay at sa paglabas. Wala naman sakin kung napag-
uusapan kami kung minsan ang mahalaga na-eenjoy ko yung company niya. Haha. Ngayon
tawa lang kami ng tawa habang umiinom ng red wine. Kakatapos lang kasi namin ng
main course at hinihintay ang dessert na inorder namin.

"Hahaha! Dating lalaki si Patricia?!! Akala ko babae siya! Sayang type ko pa


naman." humahagalpak na tawa ni Sander habang nagkkwento ako sa past namin ni Pat.
Hahaha. Ikaw ba naman magka jowa na mas babaeng babae pa sayo ngayon di ka nga
maloka.

"Hindi ko nga napansin eh! Kaya pala naiinis pag makapal make up ko! Akala ko naman
ayaw na nababastos ako yun pala inggitera ang bakla!" hindi ko na siya tinatawag na
papa kasi sabi niya Sander na lang daw ulit kasi dun daw talaga siya sanay.

"Partida first boyfriend mo pa si Pat?! Hahahaha!" halos maibuga ko yung iniinom


kong wine dahil sa biglang pagtawa. Naalala ko nung mga panahon na sobrang iniyakan
ko talaga si Pat dahil siya nakipag-break then halos magpakamatay na ko nun nung sa
harap ko pa siya mismo nagladlad. Anakng! Nakaka-bitter pa din kahit matagal na
yun. Hahahaha!

"Ay wag mo na ngang ipaalala! Hahaha!" saway ko sa kanya at ngumiti. Nagulat ako ng
matamis siyang ngumiti at hinawakan ang kamay ko.

"Masaya kong makita kang masaya Jackie. Alam ko totoo yang mga ngiti at tawa mo
ngayon hindi katulad noon." ngumiti lang ako at pinisil ang kamay niya kasabay
niyon ay hinalikan niya ang kamay ko. Ghadd! I hate this feeling! Magkahawak pa din
kami ng kamay habang nagkkwentuhan.

"Nasan nga pala ang Papa mo Jackie?" tanong sakin ni papa na ikinabigla ko naman.
Pero dahil siya si Sander at sobra ang pagtitiwala ang closeness namin kaya
nakakapag-open agad ako. Parang ako na nga yung anak niya eh. Hahaha.

"Buntis pa lang si mama sakin nung naghiwalay sila ng fatherhood ko. British daw
fatherhood ko eh. Haha. Pero wapakels ako sa kanya nabuhay lang ako na kasama ko si
mama at hindi naman siya nagkulang. Haha. Actually nagkulang kami financially pero
naging masaya pa din naman ako. Anebeyen! Ang drama ko na naman! Hindi sakin bagay
ah!" tinapik ko siya habang pinahid yung ilang luha na umalpas sa mga mata ko. 

"Okay lang yan. Ikaw talaga." ngumiti siya sa akin at pinahid ang mga luha ko kaya
naman ngumiti lang ako.

"Uhmm yung mama ni Stan asan?" tanong ko naman sa kanya. Malayo kasi ang loob ni
Stan kay Sander eh.

"Naku. Walong taon pa lang si Stan ng ma-biyudo ako pero ewan ko ba, sakin na siya
nagka-isip pero hindi pa rin naging malapit ang loob niya sa akin." may lungkot na
sabi ni Sander.
"Busy ka naman kasi sa trabaho kaya ganun. Madalas siguro na sa katulong naiiwan si
Stan kaya ganun." sabi ko na lang sa kanya para pampa-lubag loob.

"Siguro nga. Alam ko naman malaki pagkukulang ko sa batang yun." malungkot pa din
na sabi ni Sander. 

"Eh bakit hindi ka nag-asawa ulit?" bigla lang akong na-curious. Haler! Ang gwapo
kaya niya at mas gwapo siguro siya nung kabataan niya no?

"Hindi ko alam. Wala akong matipuhan. Haha. May natipuhan nga ako kaso mas bata
sakin at taken na." ilang saglit kaming nagkatitigan ni Sander bago niya inalis ang
tingin niya sa akin.

"Tara na? Mag-iimpake ka pa hindi ba?" tumango na lang ako at yumuko. AWKWARD!!
Nag-iwan lang siya ng ilang bill sa table at iginiya na ko palabas ng restaurant.
Hindi kami masyadong nag-uusap sa loob ng sasakyan. Assumera ba ko kung iisipin ko
na ako yung tinutukoy niya?!! Nah! Ang incest lang ng dating although hindi ko
naman siya tunay na ama pero ampangit pa din tignan dahil father-in-law ko siya.
Ahhhh! Ang gulo! Parang kanina wala naman akong pake kung date ang tingin ng iba sa
ginagawa namin.

Pagkauwi sa bahay ay bumeso lang siya sa akin at dumiretso na siya sa opisina niya
samantalang ako ay dumiretso na sa silid ko. Nag shower muna ako at nagsimula ng
mag-impake ng mga damit na kakailanganin ko sa Puerto Azul. Maghahanap ako ng
lalaki dun!! Hindi ko alam kung hanggang kailan kami dun kaya nagdala na ko ng
extra clothes. Kalurks!! Magpapa-tan ako ng bonggang bongga dun. Biglang na-excite
ako ng bongga!

***

"Ang sakit na ng puwet ko! Malayo pa ba yang lintek na Puerto Azul na yan ha?!!"
reklamo ni Patricia habang bumibiyahe kami.

"Every 5 minutes tinatanong mo sakin yan pwede manahimik ka na lang? Haha. Kita
mong sinusundan lang natin kotse ni Brooke kasi hindi ko alam kung sang lupalop ng
earth yung Puerto Azul na yun!" tinawagan ko kanina si Brooke na after sunduin si
Priscilla ay convoy kami para naman di maligaw ang beauty namin ni Pat. Haha. 

"Excited na kong magtampisaw sa mga lalaki este sa dagat pala. Hahaha!" napa-iling
na lang ako at binuksan yung stereo sakto naman sa paborito kong kanta kaya naman
napakanta na din ako at si Patricia.
 I made it through the wilderness

Somehow I made it through

Didn't know how lost I was

Until I found you

I was beat incomplete

Id been had, I was sad and blue

But you made me feel

Yeah, you made me feel

Shiny and new

Kanta namin ni Patricia habang tinatap ko yung fingers ko sa manibela. Namiss ko


naman yung ganitong bonding kasama si Patricia at lalong namimiss ko ang barkada.
Aayain ko nga sila minsan. Si Bianca kasi busy dun sa mga anak ng kapatid niya
tapos si Sheila naman nagpapakamatay naman sa trabaho. Anakng!

Like a virgin

Touched for the very first time

Like a virgin

When your heart beats

Next to mine
Nagkantahan lang kami ni Patricia hanggang sa hindi na namin namalayan na nasa
Puerto Azul na kami! Sa wakas! Halos talunin na namin ni Pat ang pinto para makita
na agad yung resort. Paradise!! Parang Boracay ng Luzon! Benta lang kasi ako ng
benta ng lupa hindi ko alam na ganito pala kaganda yung lugar. Na-eexcite talaga
ko! Kung ganito lang lagi ang trabaho edi hindi ako magsasawa! Sabog camera ko nito
kaka-picture! Minsan nga isama ko si mudra dito. Haha. Magsasawa kami sa hot papa
dito.

Nag check-in na kami sa hotel. Babatiin ko sana si Brooke kaso mukang may sumpong e
kaya mamaya na lang siguro. Magkasama kami sa kwarto ni Patricia, halos batukan ko
nga nung sabihin niyang wag ko siyang gagapangin. Hahaha! Babaeng babae man ang
figure at pes niya pero may patotoy pa din siya! Ahahaha!! Nakakaloka! Umakyat na
kami sa rooms namin at nahiga ako sa kama samantalang si Pat naman ay nagkakalkal
na ng swimsuit sa bag niya.

"Oy bruha una na ko sa shower ha? Nilibag ata ako sa dami ng alikabok kanina sa
daan. Haha" tumango lang ako kaya naman pumasok na siya sa shower room. Nakakatamad
naman kung hihiga lang ako dito. Ang fresh ng hangin sa labas at I'm sure madaming
papabols. Magsasawa ako! Hahaha. Tumayo na ako at lumabas ng silid mamaya na lang
siguro ako mag-shower. Haha.

Habang rumarampa ang beauty ko sa veranda ay natanaw ko si Brooke na akala mo may


hinahanap. Nagiging weird 'tong babaeng 'to. Pansin ko lang. Haha. Nabaliw ata
after makidnap. Haha. Jokeee! Nilapitan ko na lang siya at kinalabit pero ang bruha
tinapik lang ang kamay ko.

"Oy Brooke! Ba't ba nanghahaba leeg mo dyan ha." tanong ko sa kanya.

"Yung bodyguard ko nawawala eh." sagot naman niya na hindi pa rin ako hinaharap.
Grabe! Amo na naghahanap sa bodyguard niya ngayon?! To be fair ang hot naman talaga
ni Yvo no!

"Sus pabayaan mo na yang bodyguard mo no'. Ito naman oh akala mo mawawala yun,
dapat nga ikaw binabantayan nun eh." sabi ko na lang sa kanya. Kakaloka e!

"Jackie, may dala ka bang binocular?" nanlaki naman yung mga mata ko sa tanong ni
Brooke. Anuraw?! Binocular?!! Nabaliw na ata kaibigan ko. huhu. Na-trauma siguro.
"Napaka-OA mo ah! Aanhin ko naman ang binocular. Magtigil ka nga dyan nagmumuka
kang stalker worst paranoid wife na kinakaliwa ng asawa." agad na tumingin sakin si
Brooke at sinamaan ako ng tingin kaya naman ngumiti na lang ako. Mas malala pa ata
'to kay Priscilla na sira ulo eh.

"Bakit ba kasi nagkakaganyan ka ha? Kung makahanap ka naman dyan kay Yvo eh akala
mo lover mo." oops! Did I hit a nerve? Naningkit kasi yung mga mata niya eh. OMG!
Don't tell me?!! Ahahaha! Hindi na ulit ako kumibo at naglakad lakad na lang.
Nakakarelax dito. 

Nakakasawa din yung buhay sa Maynila puro trabaho at pera lang inaatupag ko
nakalimutan ko na kung paano mag-relax. Maaga akong nagsimulang magtrabaho. High
school pa lang ata ako rumaraket na ko para may pambaon sa school kasi sweldo pa
lang ni mama hindi na sapat sa bahay sa pag-aaral ko pa kaya? Minsan nga nagseselos
ako kay Sheila, ulila siya pero wala siyang problema sa pag-aaral at kung ano
kakainin niya pero ako may nanay nga pero nagugutom pa din. Naiinis talaga ko pag
naaalala ko yung mga paghihirap ko dati! Kung gaano ko tinitiis yung gutom pag
lunch time! Kung gaano kahaba ang nilalakad ko pauwi! Kung gaano kakapal ang mukha
ko na magpalibre! 

Naiinis akong lumaki akong mahirap! Hindi ko talaga masisi ang sarili ko kung bakit
naging gahaman ako sa pera. Buong buhay ko hindi ako nakahawak ng ganoong kalaking
salapi. Hay.

Stanley's POV

"Oy Stan buhay na buhay ang gabi ah. Simula ng dumating ka dito hindi na naubusan
ng customer dito sa bar." sabi sakin ni Matt yung manager nitong bar. 2 weeks na
din akong nagtatrabaho sa kanya bilang barista. Yung nabili ko kasing lupa dito
napag-isipan kong patayuan na lang ng rest house imbes na bar. Kaklase ko si Matt
sa America ayoko namang kalabanin siya dito.

Dalawang linggo na din ang nakakaraan ng umalis ako ng mansion. Nagsasaya sigurio
ngayon ang magaling kong asawa. Tsk. Napapasuntok na lang ako sa pader pag naaalala
ko yung araw na yon. Nakakagago eh! Bakit na sa kanya ang 13 Hell Shots?!! Ibibigay
niya sa kabit niya?!! Bakit naisip ko pa na magsimula kasama siya? Kung kailan
handa ko na siyang mahalin talaga?!!

Minsan na nga lang magmahal nagago pa ng putangina! 

Ano na kaya ang nangyayari kay Jackie? Ah peste! Bakit ko nga ba iniisip ang
babaeng yun!
Nagitla lang ako sa isipin na iyon ng may umupong magandang babae sa stool at
mukang badtrip na badtrip. Maganda siya at mukang mahinhin parang si Bea lang.
Naligaw ata dito? Haha.

"Can I have your drink?" tanong ko sa kanya. Lumabas ako ng counter at umupo sa
tabi niya.

"First time mong iinom?" tanong ko pa sa kanya. Nagulat na lang ako ng agawin niya
sakin yung shot glass ko at ininom yung alak ko. Napatawa na lang ako. Nakakaaliw
'tong babaeng 'to ah.

"That was a wow." komento ko pa.

"Bigyan mo ko kung anumang bullshit yung na sakanya." humarap siya dun sa bartender
kaya tinanguan ko na lang yung kasama ko sa trabaho.

"Alam mo ba yung 13 Hell Shots game?" tanong ko sa kanya. Si Jackie pa lang nakaka-
try nun kaya bakit hindi sa iba? Mukang malaking problema ng babaeng 'to

"What's that?" kunot noo niyang tanong.

"13 Hell Shots. Ibibigay sayo ng bartender ang top 13 na pinaka matapang na shots.
Pag nainom mo lahat yun at hindi ka man lang natumba panalo ka." pagpapaliwanag ko
sa mechanics.

"Ano naman ang prize?" ngumiti lang ako ng tipid. Mukang interesado siya ah.

"Libre na lahat ng nainom mo at maiinom mo pa." I gave her a loopsided smile.

"Call?" hamon ko pa sa kanya.

"Call." determinado niyang sabi.

Tumayo na ko at pumasok muli sa counter para ihilera sa kanya yung 13 Hell Shots.
Madaming tao ang pumaligid sa amin. Mukang first time iinom nito ah. Haha.
Sa buong laro medyo halatang hilo na siya pero kinakaya pa din niya. Nakakaaliw
talaga. Haha. Naaalala ko sa kanya si Beatrice.

"And for the last hell shot. The Sex on the Beach" sabi ko. Agad niya yong inisang
lagok at itinaas ang kamay niya.

"Woahhhhhhh! I made it! Damn it! Hahaha." natawa na lang ako at lumabas ulit ng
counter para alalayan siya.

"Congratulations."

"Thanks! Oh I'm Brooke nga pala." medyo bangag na ata siya. Haha. Nakipag shake
hands ako sa kanya.

"Stanley." agad ko siyang hinila palapit sa kanya at isinayaw siya. Haha. Hanggang
naging maharot ang kanta kaya naman iginiya ko siya sa gitna ng dance floor at
nagsimulang sumayaw. Haha. Natutuwa lang ako sa kanya. Parang bata kung malasing
eh.

Nagulat na lang ako ng may humila sa akin at sinuntok ako sa mukha?!! Damn!! Halos
mapasubsob ako sa sahig ah! Tumayo ako at aamba sana ng suntok sa gagong lalaking
sumuntok sakin pero agad na pumagitna si Brooke sa amin.

"What's the meaning of this Brooke?" galit na galit na tanong nung lalaki.

"I'm sorry Stanley. I have to go." she said in a low voice.

"Dude. She's drunk." sabi ko sa kanya at ipina-alalay ko sa kanya si Brooke.

"Peace out pre. Hands off ako sa girlfriend mo." pinagpag ko yung damit ko at
bumalik na sa counter.

Natahimik na lang ako sa nangyari kanina. Narealize ko kung gaano ka-protective


yung lalaki kanina kay Brooke. Bakit hindi ko nagawa yun kay Jackie? Bakit iniwan
ko na lang siya ng ganun sa kamay ni Ambrose?!! Damn! Nagitla akong may isang kamay
na nag-abot sa akin ng yelo at mas lalo akong nagulat ng makita ko si Jackie. May
lungkot sa mga mata niya.

"Para sa pasa mo."

to be continued...

COMMENTS PLEASE. SORRY SA LATE UPDATE. BUSY SA ACADS AND DUTY.

BONITABABYY

=================

Chapter 24

Chapter 24

"Saan kaya pupunta si Brooke?" tanong ko sa sarili ko habang sinusundan ng tanaw si


Brooke habang naglalakad ito. Inabot na ako ng gabi sa kakalakad dito sa baybayin
at pakikipag-laro ng volleyball sa foreigners. Haha. Taray!

Dahil alam kong lumalandi si Patricia ngayon ay napag desisyunan ko na pumunta na


lang sa isang bar para uminom at magpalipas ng oras. Nagpunta lang ako sa iang bar
kung saan kakaunti lang ang mga tao. Mausok at maingay sa loob ng bar halos magulat
ako ng makita ko si Brooke na nakaupo sa isang stool at uminnom. Totoo?!! Ngunit
mas ikinagulat ko ang makita si Stanley de Vera sa lugar na ito. Kung may isang tao
man na kahuli-hulian na maaari kong makatagpo sa lugar na ito iyon ay ang aking
asawa.

Napaupo ako sa isang table habang pinagmamasdan silang masayang nag-uusap. Bakit ba
lagi mo na lang akong sinasaktan Stan?!! Putangina naman eh!! Napainom na lang ako
dun sa alak nung isang foriegner. 
Shems!! NO Jackie?!! Hindi ka magseselos kay Brooke!! Argh. Naiinis lang ako dahil
alam kong yung tipo ni Brooke ang type ni Stan. Mabait, mahinhin at babaeng babae
unlike me na kabaligataran ng lahat.

Napatayo na lang din ako kagaya ng ibang customers ng mapansin na nagsimulang mag-
ingay sa counter.

"The 13 Hell Shots." bulong ko sa sarili ko. Gusto ko na sanang pigilan si Brooke
kasi naman halatang hindi na niya kaya. Ghad! Hindi naman siya umiinom eh! Gusto ko
na siyang lapitan kaso si Stanley andoon. Hindi ko alam kung paano siya haharapin.
Galit siya sakin. Tatalikod na sana ko para umalis na lang ng makarinig ako ng mga
hiyaw at nagulat na lang ako ng makita ko si Yvo na sinuntok si Stanley. Tatakbuhin
ko na sana siya ngunit ayokong makisama sa eksena. What to do?!! At gagong Yvo
na'to para suntukin ang asawa ko! Kami kaya magsuntukan!

Natahimik lang yung crowd ng makaalis na sina Yvo. Kaloka! Over protective na
bodyguard! Napa-kagat na lang ako sa labi ko. Pupuntahan ko kaya si Stan?! Bumalik
na siya sa loob ng counter habang sapo ang pisngi nito at pinapahid ang dugo sa
pumutok nitong labi. Hala! Sayang naman kissable lips niya. Argh! Yun pa talaga
naisip ko?!! Kinuha ko dun sa waiter yung pile ng yelo at kinuha yung panyo para
ilagay yung yelo. Bahala! Concern citizen lang ho! Lumapit ako sa tapat niya at
inabot yung panyo ko.

"Yelo para sa pasa mo." halatang nagulat siya pagkakita sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito?" hindi ako nagsalita bagkus pumasok ako sa loob ng
counter at hinawakan yung mukha niya para ilapat yung cold compress sa mukha niya.
Halos mapangiwi siya dahil sa sakit.

"May business trip ek ek kami dito. Ikaw?" sabi ko habang patuloy pa din yung
paglapat ko ng yelo sa pingi niya.

"Nagpapalamig lang." he said in a cold voice. Hindi ko makita sa mga mata niya kung
nagagalit ba siya o ano.

"Mabuti naman at okay ka. Nag-aalala kami sayo ni San--Papa." sabi ko sa kanya. Ang
totoo gusto ko siyang yakapin ngayon mag-sorry at the same time sigawan siya at
bugbugin para lang sabihin na hindi ko siya pinagtaksilan. Alam kong ganito akong
tao pero sanay din akong magmahal at masaktan. Gusto kong ipagsigawan sa kanya na
mahal na mahal ko na siya! Na sa lahat ng mamahalin pa ay yung lalaking kasing
abnormal niya at judgmental. Na naiinis ako sa kanya na bakit siya pa yung minahal
ko?!!
"Sorry. May gusto lang kasi akong pag-isipan." hindi ko talaga malaman kung kalmado
ba siya makipag-usap o cold?

"Pwede ba tayong mag-usap?" tanong ko sa kanya at tumango lamang siya.

***

Alicia's POV

"ILABAS NIYO SAKIN YANG HAYUP NA STANLEY DE VERA NA YAN!! TARANTADONG YON!" sigaw
ko dun sa bartender sa bar ni Stanley.

"Tita ano ba kayo! Nakakahiya oh. Pinagtitinginan na tayo eh." awat sa akin ni
Sheila.

"HINDI!! AYOKONG GINAGANYAN YANG KAIBIGAN MO SHE!" sigaw ko kay Sheila. Naiinis ako
eh! Alam kong ganun yung batang yun pero kilala ko si Jackie. Nasasaktan na siya
pero tinatago lang niya dahil isa siyang masayin at matapang na babae. Kahit na
lagi kong binabato yun ng kung anu-ano at marami kaming kabaliwang mag-ina ay mahal
ko yun.

"Anong kaguluhan 'to?" napahinto ako sa pagsisigaw at pagwawala pagkarinig sa


pamilyar na boses na iyon. Oem!! My ex boyfriend!! Ilang dekada o taon na ba nung
huli kaming nagkita. 20 or 25 years ago?!! Nakakaloka. Napaharap ako dun sa
lalaking nasa likod namin. Siya nga!! Halatang nagulat din siya pagkakita sa akin.
Abe naman! Pagkatapos kong mag flylalu sa United Kingdom ay hindi ko na siya muling
nakita pa.

"A-Alicia?!!"

"S-Sander?!!" sabay pa naming sabi. Alam ko ang lantod ko ngayon kung sasabihin
kong AWKWARD!! Haler! Ex ko yan e! First love ko yan! Nakakaloka. Ang tanda ko na
parang umarteng bitter. Oh goodness! Ang gwapo pa din niya!!

"Long time no see ah." sabi niya at ngumiti. Tangnang killer smile na yan! Diyana
ko nainlove ng bongga 25 years ago!!

"Hinahanap ko kasi si Stanley de Vera. Yung magaling na asawa ng anak ko." sabi ko
sa kanya. Ayos 'tong pormahan ni Sander ha? Marami na atang datung! Sayang naman.
Huhu. Nauwi pa ko sa tanso. Tsk. Dun pa ko sa walanghiyang ama ni Jackie napunta.
Amp.

"Anak? Anak mo si Jackie?!!" gulat niyang tanong sa akin.

"Oh?!! Pano mo nakilala yung anak ko?!! Kasing ganda ko no? Like mother like
daughter e." sabi ko na lang sa kanya. Haha.

"Papa ako ni Stanley. Hehe." natatawa niyang sabi. Nanlaki naman yung mga mata ko.
ANO?!! YUNG MGA ANAK NAMIN NAGKAPANGASAWAHAN?!! Agad ko siyang hinawakan sa kwelyo.

"ANO?!! ANAK MO YUNG GAGONG STANLEY NA YON?!! OO NGA NO!! DE VERA?!! BAKIT HINDI KO
NAISIP YUN!! PUTANGINA AH." natatawa niyang hinawakan yung kamay ko.

"Hindi ka pa din talaga nagbabago Alicia. Alam ko na kung kanino nagmana si Jackie.
Hahaha." natatawa pa din niyang sabi. Nakakaloka talaga!! Kaya pala kasing gwapo ni
Stan si Sander. Ay buhay!! Pero di nga sila ni Jackie?!! Faints!!

"Gusto mong mag coffee?" ngumiti lang ako ng kumindat si Sander. Hindi pa din
talaga nagbabago.

"Sure. Sheila mauna ka na ha? Gogorabels lang kami ng balae ko."

"Tita?" iniwan ko na lang nganga dun si Sheila at sumama na kay Sander.

Mission: MULING IBALIK ANG TAMIS NG PAG-IBIG. BWAHAHAHA!

***

Nakaupo lang kami dito sa buhangin habang pinagmamasdan yung alon ng dagat. Wala
naman ng masyadong tao dito sa baybayin dahil palalim na din ang gabi. Pumikit na
lang ako at ninamnam yung sariwang hangin. Hay. Ang sarap sa pakiramdam. Matagal ko
ng pinangarap yung ganito.

"Hay grabe. Ang sarap ng hangin. 24 years akong walang pahinga sa kahirapan ng
buhay. Ngayon lang talaga ko nakapag pahinga ng ganito." humiga ako sa buhangin at
tinignan yung mga stars.
"Hmm. Kaya nararapat lang sayo yung bakasyon na'to." tumango langa ko. 

"Stan. Hindi ako yung babaeng iniisip mo. I'm so sorry. Ahmm. I hate to say this
pero nagselos lang ako." argh!! Ang hirap namang umamin!! Nakita kong napalingon
siya sa akin at ngumiti.

"Oh anong nginingiti ngiti mo diyan?!! Lumubay ka nga!" shems! Nagbablush ata ako!
Buti na lang medyo madilim dito sa gawi namin.

"Sorry din sa mga nasabi ko. And naiinis din akong sabihin 'to. Nagselos din ako."
nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya. Totoo?!! Weh? Hindi nga kasi?!! It means?
Nagulat na langa ko ng pumatong siya sa akin at hinawi yung ilang hibla ng buhok sa
mukha ko.

"SO?!!" hindi naman halatang excited ako no?!! Hahaha.

"SO? I LOVE YOU." nganga ako.

"WEH?!! DI NGA KASI?!! STANLEY NAMAN EH!!" binatukan niya ko kaya naman
napasimangot na lang ako.

"OO nga kasi! Ang kulit naman e. Hahaha. Narealize ko lang nung umalis ako. Kulang
yung araw ko pag hindi mo ko minumura. Parang hindi ko kayang mabuhay ng wala ka at
hindi nagmumura. Hay." binatukan ko naman siya this time.

"Jackie naalala mo yung last shot sa 13 Hell Shots?" he grinned.

"Sex on the beach?" sagot ko naman sa kanya. Natawa ko ng binigyan niya ko ng


makahulughang tingin.

"Namiss kita. Haha. Little cussing machine." then we kissed passionately and you
know na. Ahihihi.

to be continued..

Late Update. Night Shift duty ko ngayon sa hospital. If may libreng oras tinutulog
ko na lang. Thanks. 6 chaps to go. Ano ang twist?
=================

Chapter 25

Chapter 25

Nagising ako sa mga halik ni Stanley sa aking balikat. Napa-ungol na lang ako at
tumalikod sa kanya. Nakakainis naman 'tong lalaking 'to walang kapaguran e. Haha.
Kaninang madaling araw lang niya ko pinatulog tapos nanggigising na naman siya.
Anakng! Hahaha. Itinaas ko pa yung kumot ko hanggang balikat at niyakap yung isang
unan. Ang sarap matulog dito sa cottage niya eh. Walang aircon at bukas lang yung
malalaking bintana, ang presko lang nung hangin na pumapasok sa buong cottage.

"Kain na tayo ng breakfast kasi." paglalambing pa ni Stanley habang hinahalikan


naman yung batok ko. Ilang araw na din kami dito ni Stan ni hindi na nga ako
nakapag-trabaho. Haha. Honeymoon na nga ata 'tong ginagawa namin eh. Haha. Medyo
nakapag-usap na din naman kami ng maayos at seryoso. Napag-usapan na din namin yung
feelings namin sa isa't-isa. Tae. Hindi nga bagay samin yung sweetness namin. Ang
corny! Haha.

"Hoy Stanley." tawag ko sa kanya at naupo sa kama siya naman ay yumakap sa bewang
ko at humiga sa lap ko.

"Maka-hoy naman sakin 'to akala mo hindi ako asawa. Halikan kita diyan ng malubay
ka eh. Hahaha." pinitik ko lang siya sa noo.

"Gago. Hahaha." tawa ko pa.

"Gago naman 'to ng gago. Bakit gago ba ko? Di naman kita ginagago ah. Hahaha. Wag
na tayo kasi magmurahan. Magmahalan na lang tayo." kumindat pa siya sa akin at
hinalikan ako ng mabilis sa labi.

"Ulol. Hahaha. Nagmamahalan naman tayo ah. Bakit ba? Gusto kitang tawaging Gago,
Tarantado, Ulol at Hayup. Sweet diba? Hahaha." natahimik na lang ako ng hilahin
niya ko sa batok at halikan ng mariin.

"Gusto ko Honey, Sweetie, Love and Baby. Ayos ba?" pinisil ko na lang siya sa
ilong. Ang kulit lang talaga oo?!!
***

Ngayon na kami babalik ng Manila ni Stanley para ayusin yung kasal namin. Yes!
Kasal nga! Haha. Pero bago muna yun kailangan muna naming ayusin yung kahayupan ni
Ambrose. Kailangan masiguro namin na hindi na makakawala yung hayup na yun! Haha.
Parang hindi ao nagtrabaho dito sa Puerto Azul e. Nagbakasyon! Haha. Napag-usapan
namin ni Stan na uuwi muna ko kay motherhood then siya naman sa bar para asikasuhin
yung pagbubukas ulit nito.

"Sige kita na lang later sa bahay ah." hinalikan ko siya sa lips at bumaba na ng
kotse niya para pumasok sa condo building ni mama. Ano kaya ginagawa ni mama? Wag
na sana niya kong batuhin at nahanap ko na yung asawa ko. Haha.

"Bye baby." nag dirty finger na lang ako sa kanya. Haha. Kung sa ibang couple
flying kiss yung samin dirty finger naman. Hahaha. Ayos diba?

Naglakad na ko papasok ng condominium at pumasok na sa elevator. Madami akong


pasalubong kay mama. Haha. Manunuhol ako baka mamaya hindi ko na maiwasan yung
plantsa at tamaan pa ang maganda kong face. Haha. Pagpasok ko sa unit ni mama ay
naabutan ko siyang nagluluto. Agad akong ngumiti sa kanya at aktong yayakapin siya
ng bigla niyang hinawakan yung kaldero. Oh no! Napaatras naman ako. Kakaloka! Nako
naibaba ko yung mga pasalubong. Ang bigat pa naman nung vase kong dala na uwi ko pa
from resort.

"Hoy ma! Wag na yang kaldero pleaseeeee!" at tumakbo ako sa sala at nanlaki yung
mga mata ko ng hinawakan naman niya yung T.V.

"Ma! Wag nyo ihahagis yang T.V di pa tapos hulugan yan! Nako wag yang vase uwi ko
yan galing Puerto Azul!" sigaw ko pa. Mahal yun putangina!

"At nasan na yang magaling mong asawa ha?!! Nakita mo na ba yung gunggong na yun?!!
Puputulan ko talaga yun pag nakita ko! Babaugin ko!!" hala. Nakakatakot talaga
'tong si mama. Amazona! Magsasalita pa sana ko ng..

"Wait! Natatae ko! Ceasefire muna." napahinga na lang ako ng maluwag ng tumakbo na
siya papuntang banyo. Hay imbyerna naman oh. After few minutes lumabas na si mama
at naupo sa tabi ko. Hawak niya yung cellphone niya at mukang may katext.

"Anlandi lang ah. Sino ba yang katext mo?" tanong ko pa kay mama.
"Yung ex boyfriend ko. Hihi. Mukang magkakabalikan kami. Grabe!! First love ko yun
anak. Secret muna kung sino. Surprise ko sayo kung sino." napataas naman yung kilay
ko. Ngayon ko lang nakita na ganito kasaya si mama. Sino naman kaya yun? First love
pa?!! Binigay ko na lang yung pasalubong ko at umalis na baka kasi mamaya maalala
na naman niya si Stan. Aba hindi ko ipapakita sa kanya asawa ko. Babaugin daw?!!
Hahaha.

Naglakad na ko pababa ng condominium at ginamit yung kotse an regalo ko kay mama.


Excited na kong makita si Sander este si Papa pala. I'm sure magiging masaya siya
para sa akin.

***

Pagka-uwi ko sa bahay ay agad kong nakita si Sander este papa kaya naman napayakap
ako sa kanya. Ang saya ko kasi eh! Hahaha. Shet! Bakit ba naisip kong nagkakagusto
ako kay Sander na ang totoo ay mahal na mahal ko naman si Stanley?!! Haha. Ano ba
yan! Nalilito yung feelings ko before kasi naman hindi ko alam kung ano yung pwesto
ko kay Stanley pero ngayon alam ko na si Stan lang ang mahal ko.

"Madami akong kwento sayo! Alam mo ba nagkaaminan na kami ni Stan! Nakakatuwa no?
Hindi na ko malulungkot at iiyak pa! Yieee. Masaya ka ba para sakin Papa?" niyakap
ko ulit siya at niyakap din naman niya ko.

"I'm happy for you Jacques. Papa? Diba Sander ang tawag mo sakin?" napahiwalay ako
sa yakap niya dahil mukang matamlay yung boses niya.

"May sakit ka ba? Siyempre naman no! Father-in-law kita! Haha. Ano ba dapat?!
Ansaya ko talaga! Thank you sayo ng sobra." niyakap ko ulit siya at hinalikan siya
sa pisngi. Nawala yung mga ngiti ko ng matipid lang siyang ngumiti. May sakit ba
siya?

"Huy may sakit ka ba ha? Iniinom mo ba yung vitamins mo nung wala ako?" yeah. Ako
kasi nag-aasikaso sa kanya lalo na nung kaming dalawa lang yung nasa mansion.

"Uhmm masama lang pakiramdam ko. Sige papasok na ko." hinalikan niya ako sa noo at
umakyat na siya sa hagdan habang ako naman ay naiwan lang na nagtataka. Weird?
Sander's POV

"Pa!" nagulat ako ng makita ko si Stanley na masayang masayang yumakap sa akin.

"A-anak?!! Umuwi ka na sa wakas." yumakap din ako sa kanya at agad na humiwalay.


Hinihintay ko si Jackie ngayon sa harap ng gate dahil ang sabi niya ay ngayon ang
balik niya galing Puerto Azul. Namimiss ko na ang kaingayan ng babaeng yun. Hindi
ko maiwasang mapangiting mag-isa pag naiisip ko siya. Hindi ko akalain na anak pa
pala siya ni Alicia. Mayroon siya na kakaiba sa ina niya. Nakikita ko silang dalawa
sa magkaibang pagkatao. Si Alicia? Nakakaaliw pa din siya tulad noon. At si Jackie?
Mahal ko hindi lang bilang anak kundi pagmamahal ng isang lalaki sa babae. Alam
kong mali pero noong umalis siya doon ko narealize. God. What I have done?

"Masaya ka ata?" tanong ko sa kanya. Son, patawarin mo ko kung minahal ko ang asawa
mo. Kung pinahalagahan mo sana siya hindi ako mahuhulog ng ganito.

"Nagkita kami ni Jackie sa Puerto Azul. Dad! I love her! Bakit ngayon ko lang na-
realize?!! Shet! Ngayon ko lang nalaman na mahal na mahal ko pala siya!
Magpapakasal kami ulit" nabigla ako sa sinabi niya. Ano raw? Magpapakasal ulit sila
at mahal niya si Jackie?!! Damn!

"Sige punta muna ko ng bar ah? Thanks Pa!" tinapik niya ko sa balikat at tumakbo na
palabas. Damn it! Napaupo na lang ako sa sofa at napahilamos sa mukha ko.

Sa lahat ng babaeng mamahalin ko bakit si Jackie pa? Bakit sa asawa ng sarili kong
anak? Bakit sa anak pa ng babaeng minahal ko noon?

to be continued...

 The 13 Hells Shots : EXTENDED due to public demands.

Paano kung sarili mong ama ang kaagaw mo sa isang babae? At paano kung sarili mong
anak ang gusto ng lalaking minahal mo noon?
=================

Chapter 26

STRIKTONG PATNUBAY AT GABAY NG MAGULANG ANG KAILANGAN.

Tema-Sekwal-Lenggwahe

Chapter 26

"TONG ITS!!" sigaw ko sabay lapag ko ng mga baraha ko sa kama habang si Stanley
naman ay napasapo na lang sa kanyang noo. Hahahaha. Kinuha ko yung beer sa bed side
table at uminom.

"Ang hina mo naman!! Hahaha. Akala ko ba babawi ka?" pang-aasar ko pa sa kanya.

"Hindi naman kasi ako sanay sa Tong Its na yan e. Pwede ba poker na lang?" tanong
sakin ni Stanley. Hahaha. Ayun naman ang hindi ko alam kasi laro ng mga mayayaman
yun.

"Wala! Hindi pwede yun! Hahaha. Oh ano? Talo ka. Alam na." pumalakpak pa ko kaya
naman masama ang loob niya na humiga sa kama. Tumayo ako at kumindat sa kanya.

"Wait ka lang diyan ah! Ako master ngayon. Hahaha." tumawa na lang din siya kaya
naman mabilis akong pumunta sa bathroom at kinuha yung red lipstick ko at naglagay
sa lips ko. Nag flying kiss pa ko sa reflection ko bago lumabas ng bathroom.

Mapanukso akong ngumiti kay Stanley habang nakasandal sa hamba ng pintuan. Haha.
Ginantihan niya lang ako ng mapanuksong ngiti at inihiga sa mga braso niya ang
kanyang ulo. Damn! He's so fvking hot! Napakagat tuloy ako sa labi ko. Haha. Unti-
unti akong lumapit sa kama at hinubad yung black high heels ko. Yung laro kasi
namin kanina ay kung sino yung mananalo siya yung mag uundress. Hahaha. Sumampa na
ko sa kama then I seated on his lap.
"I'm the boss" I said seductively habang binubuksan isa-isa yung butones ng polo
niya.

"Don't worry hindi po ako papalag. Hahaha." napatawa naman ako habang binubuksan
yung butones. Hahaha. Everynight kasi iba-iba ng theme yung foreplay namin. Alam na
nagiging creative lang kami ng asawa ko. Hahaha.

"Dapat lang kasi parurusahan kita sige." unti-unti ko ng inilapit ang mukha ko sa
kanya at tinukso siya. Haha. Pag hahalikan niya ko inilalayo ko yung ulo ko.
Hahaha. I kissed him passionately. His kissed was gentled and sincered. Inihaplos
ko ang daliri ko sa dibdib niya pababa at pababa ng pababa. Haha. He growled when I
touched his manhood. Patuloy pa din ako sa paghalik sa kanya then I stood up to
remove all my clothes. Then napakagat naman ako sa labi ko habang binubuksan pababa
yung zipper ng pantalon niya.

"Nakaka-LSS talaga ang sound ng zipper." mapanukso kong sabi sa kanya at pumaibabaw
ulit sa kanya upang halikan siya.

"God! Hirap na hirap na ko Jackie. Please do it now!" napatawa lang ako. Mahirap
naman talaga sa lalaki na ako yung gumagawa ng lahat tapos ang bagal bagal ko pa.
Hahaha.

"Atat lang? Hahaha." then I started to straddle at him. He growled and I moaned
with full of pleasure. I straddle slowly.

"Make it faster please? Pinapahiya mo ko ng husto." I chuckled then umalis ako sa


kanya at humiga siya na yung pumaibabaw.

"Ikaw na nga. Hahaha." I growled when he entered. Wala man lang pasabi. Ghad.

"Ikaw dapat ang pinaparusahan, pinapahirapan mo ang mister mo. Haha." napakapit ako
sa balikat niya when he thrust deeper and harder.

After we both reached our zenith ay humiga siya sa tabi ko at ako naman ay sumandal
sa dibdib niya. Kinintalan niya ko ng halik sa noo.

"I love you so much Jackie. Hindi ko hahayaan na magkahiwalay pa tayo. I'm so sorry
for judging you. Nalilito lang talaga ko that time. Kahit ilang beses pa kong mag
sorry gagawin ko basta mapatunayan ko lang sayo na mahal talaga kita." hinalikan
niya ko sa noo habang ako naman ay pumikit na may mga ngiti sa labi ko.
Thank you Stanley. Dahil sa iyo natutunan kong masaktan at magmahal ng totoo. Hindi
na lang sarili at pera ang iniintindi at minamahal ko ngayon. Nang dahil kay
Stanley nalaman ko na hindi lang pala sa pera umiikot ang mundo, na kailangan ko
din pala ng lalaking magpoprotekta sa akin at mamahalin ako ng husto.

***

Nandito ako ngayon sa condominium habang si mama naman ay kilig na kilig pa din na
hindi ko malaman. Nakakaloka naman 'tong matanda na'to dinaig pa ko sa pagka-
inlove. Hahaha. Masaya talaga ko na makitang ganito si mama, kung sino man yung
first love niya ay nagpapasalamat ako dahil pinapasaya niya ng husto ang mama ko.
Sana lang natagpuan na niya yung lalaking magmamahal sa kanya ng husto. Ewan ko ba
dito kay mama buong buhay niya hinanap niya yung totoong lalaki na magmamahal sa
kanya ng totoo pero lagi naman siyang nabibigo, hindi nagsasawang masaktan. Kaya
naman natuto akong paglaruan ng pag-ibig dahil ayokong matulad sa kanya. Miserable.
Sana this time maging masaya na talaga siya. Paslang sakin hahadlang sa pag-iibigan
nila nung guy. Haha.

"Nak, ang pakipot nitong first love ko. Ang cold makisama. Sa tingin mo
magkakabalikan pa kami? Malaki galit siguro nito sakin. Magpapakasal na sana kami
kaso chumorva ko sa United Kingdom e. Mas pinili ko pera kesa sa kanya." malungkot
na sabi ni mama habang naghihintay ng tawag mula dun sa first love niya.

"Ano ka ba naman ma, first love never dies nga diba? Saka ang tatanda niyo na para
mag-inarte diba?" sabi ko kay mama habang naglalagay ng nail polish sa kuko ko.

"Kahit na anak eh. Mayaman yun at talagang gwapo at matipuno pa din hanggang
ngayon. Baka gusto niya yung mga bagets diba? Hay. Secret ko muna kung sino yun.
Pag kami na talagang masusurprise ka kung sino. Ahihihi." inirapan ko na lang si
mama at nagpatuloy sa ginagawa ko.

"Anong gagawin mo pag may gusto siyang iba?" tanong ko naman kay mama. Ewan ko ba
bigla na lang akong naging curious sa lovelife ni mama.

"Hindi ko alam eh. Second chance na'to sayang naman. Hay." aw. Bakit kasi ang
pakipot pa nung guy. Magsasalita pa sana ako ng nag ring ang cellphone ko. Si
Sheila? Sinagot ko na yung phone habang hinihipan yung kuko ko.

"Mars! Napatawag ka?" bati ko kay She.


"Jackie! Si Brooke nawawala! Nakidnap na naman ata?!!" napatayo ako dun sa sinabi
ni She. Ano?!! Aba kakakidnap lang sa kanya few months ago ah?!!

"Hala? Tumawag na daw yung kidnappers?" nag-aalala kong tanong.

"Si Yvo yung kumidnap. Kasama ko si Priscilla. Yung gagong Steven na yun muntik na
pa lang pagsamantalahan si Brooke. Babayagan ko yun hayup siya~!" ohhh. Nakakatakot
talaga si She. Manhater kasi. Hahaha.

"Naguluhan naman daw ako dun teh? Asan ba kayo? Gorabels na ko diyan ha? Babyeee!"

Kaloka naman si Sheila pati ako nahahawa sa pagkataranta niya eh. Agad ko ng kinuha
yung shoulder bag ko at kumaripas na ng takbo papunta sa car park. Pinaharurot ko
iyon hanggang sa makapunta ako sa opisina ni Sheila, naabutan ko na tumatawa sina
Bianca at Sheila. Anakng! Nababaliw na ata 'tong dalawa?!!

"Kalurks ha?!! Akala ko ba nakidnap si Brooke e bakit ganyan kayo makatawa?!!


Wagas!!" nalilito kong tanong sa kanila.

"Ha? Baliw! Nag-aalala kaya kami! Umuwi ka na nga. Babalitaan ka na lang namin.
Babye!" ang weird! Ako nga mukang natataeng ewan na dahil nag-aalala ako kay
Brooke. Ang hilig niya sa kidnap thingey. Sabagay mayaman naman kasi siya eh ako
baka ma-rape. Goddess eh. Hahaha. Sinimangutan ko na lang sila at umalis na ng
opisina. Walang kwenta kausap eh. Hahaha.

***

Pagka-uwi ko sa bahay ay naabutan ko si papa na nagkakape sa may komedor kaya naman


tumabi ako sa kanya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Araw-araw ata na
hindi kami mapaghiwalay ni Stanley kaya naman hindi ko na madalas maka-kwentuhan si
Papa kaya naisipan ko na makipag bonding ulit sa kanya. These past few days
nahahalata ko na parang may problema siya. May sakit kaya si Papa? Medyo maputla
kasi siya eh.

"Good Evening sa gwapo kong father-in-law" hinalikan ko siya sa pisngi at nakihigop


sa kape niya. Oh diba wala akong galang. Hahaha.
"Masaya ka ata Jackie?" matamlay niyang tanong sa akin. Bumuntong hininga lang ako.

"Eh masaya siyempre kasi okay na kami ng asawa ko pero at the same time hindi
ganoon kasaya kasi nawawala yung kaibigan kong si Brooke tapos mukang may sakit ka
pa." ngumiti lang siya ng matipid at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha ko.

"Masaya ako dahil sinasabi mo na Jackie kapag nalulungkot ka o hindi. Mahirap


kasing hulaan kung ano yung totoo mong nararamdaman, lagi kang nakangiti at masaya
hindi ko na tuloy alam kung kailan ka nasasaktan at kung kailan ka masaya."
hinalikan niya ko sa noo at lalo pang inilapit sa kanya upang makasandal ako sa
balikat niya.

"Sayo ko nga lang nasasabi eh." bulong ko sa kanya habang nakapikit ang mga mata
ko. Napaka komportable talaga sa mga balikat niya. Naramdaman ko yung paghaplos
niya sa pisngi ko ngunit hindi ko na iyon pinansin pa.

"Basta maging masaya ka lang darling. My little sweet Jacques." then he kissed my
forehead at napangiti naman ako. Ghad. Kakaiba talaga yung pakiramdam pag kasama
siya. He's my protector.

"Pa?"

to be continued...

 INCEST or PEDOPHILE? ;) 

COMMENTS

=================

Chapter 27
Chapter 27

Stanley's POV

Malawak ang mga ngiti ko habang tinatahak yung patio papasok ng aming mansion,
bumili kasi ako ng isang bouquet ng red reoses para kay Jackie. Haha. Natatawa nga
ako habang bumibili nito kasi naiisip ko na yung sasabihin ni Jackie. Alam ko naman
na ayaw niya ng sweet stuff, cool kasi yung babae na yun eh. Kaya nga mahal ko.
Pucha! Oo mahal ko yung palamura, balahura at astig na babaeng yun. Balak ko sana
siyang ayain mag-dinner ngayon kaya naman hindi na ko pumasok sa club. Tangna!
Normal ba yung kinikilig ang lalaki?! Hindi naman siguro kabaklaan ang kiligin
diba? Umiibig lang ho.

Pagpasok ko naririnig ko na yung boses nina papa at Jackie na nag-uusap mula sa


komedor kaya naman dumiretso na ako dun kaso napahinto ako ng makita yung ayos
nila. Si Jackie nakahilig sa balikat ni papa habang nakapikit hanggang sa hindi na
ito nagsasalita. Nakaramdam ako ng bahagyang kirot sa puso ko pero isinantabi ko
yun, nangako akong hindi na muling mag-iisip ng iba pa kay Jackie. May tiwala ako
sa kanya lalo na kay Papa. Wala namang masama kung maging close sila diba? Dapat
nga matuwa pa ako sa closeness nila e. Bihira lang yun.

Ah pucha! Bakit ba napaka uneasy nitong pakiramdam ko?!! Imposible naman 'tong
naiisip ko. Ang sama sama talaga nitong isip ko. Pati ba naman sina Papa at Jackie
pag-iisipan ko?! Psh. Ayoko ng masaktan pa si Jackie. Huminga na lang ako ng
malalim at nagsalita na.

"Pa?" lumapit ako kay papa at nginitian naman niya ako habang sapo ang ulo ni
Jackie.

"Ang aga mo ata? Itong si Jackie nakatulog na kanina lang eh kakwentuhan ko. Ihatid
mo na siya sa silid ninyo."  ibinaba ko yung hawak kong mga bulaklak at kinarga si
Jackie. Mukang napagod ngayong araw na'to ang asawa ko ha. Tinanguan ko na lang si
Papa at naglakad na papunta sa hagdan ng muli siyang magsalita.

"Stan?" hindi lumilingon si Papa sa akin ngunit patuloy pa din siya sa pagsasalita.

"Ingatan at mahalin mo ng husto si Jackie. She's beautiful and lovable, hindi


malayong maraming mahulog sa kanya. Alam kong mahal na mahal ka niya so please
huwag mo siyang sasaktan." seryoso niyang sabi na kung bibigyan ko ng kahulugan ay
binabalaan niya ako. Determinado naman akong sumagot.

"Hinding hindi ko na sasaktan pa ang babaeng pinakamamahal ko. Kung naging gago man
ako noon pwes hindi na ngayon." seryoso ko ding sagot sa kanya at tumalikod na. 
Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis. Ang tingin ko kay papa ng oras na iyon
ay isang kakompetensiya. Hindi ko lang siguro maiwasang mainis, dahil saksi ako
kung gaano niya pahalagahan at protektahan si Jackie noong isa pa akong malaking
tanga at gago. Ngayon ko lang siguro natanggap sa sarili ko na nakakaselos pala
yung closeness nila noon at mapa-hanggang ngayon. Maling mali eh! Maling mali na
magselos ako sa sarili kong ama!!

Nang makarating na ako sa loob ng silid ay inihiga ko na si Jackie sa kama, umupo


ako sa tabi niya at pinagmasdan ang maganda niyang mukha. Bahagya akong napangiti
sa naisip ko. Akala mo siya napaka inosenteng babae kapag natutulog pero
kabaligtaran niyon ang isang maingay at masayahing Jackie. Hinaplos ko yung mukha
niya at napabuntong hininga ako.

"Bakit ba ganito ang nararamdaman ko darling? Hindi ako dapat nag-iisip ng ganito.
Ayoko na ulit magpadala sa selos." hindi ko alam kung bakit kinakausap ko si Jackie
kahit alam ko namang hindi niya ko naririnig. Bahagyang gumalaw si Jackie.

"Stanley." napangiti na lang ako. Hanggang sa panaginip kasama niya ako, mahal nga
talaga ako ng babaeng 'to. Dinampian ko ng isang mabilis na halik ang kanyang mga
labi at pinatay na yung lampshade.

"Dream of me darling."

***

Jackie's POV

Nagising ako mula sa ring ng cellphone ko. Ano ba yan ang aga-aga eh! Naramdaman ko
na medyo naalimpungatan si Stanley dahil umungol siya at mas lalong humigpit yung
pagkakayap niya sa akin mula sa likuran ko. We're on a spoon position. Inabot ko
yung cellphone ko sa bedside table at hindi na nag-abala pang tignan yung nasa
caller's ID.

"Hello? The who ba itong istorbo?" masungit kong tanong.


"Gaga! It's me Sheila Estevan!" hindi ata natutulog 'tong babae na'to palibhasa
walang lovelife eh. Tangina nang-iistorbo pa tuloy.

"Oh ano?" inalis ko yung pagkakayap ni Stanley sa baywang ko, tumayo ako sa kama at
hinakbangan siya upang makababa ng kama at makalabas sa silid.

"Kasi! Nakabalik na si Brookeeee! Haha. Ayusin natin kasal niya." nanlaki naman
yung mga mata ko at nagising ng bonggang bongga ang diwa ko.

"ANO?!!! Nung isang araw lang nakidnap tapos biglang magpapakasal?!! Ako lang ba
talaga laging late sa balita?! Sino daw pakakasalan?!! Si Steven?!!" alam niyo yung
nagwawala. Ako yun! Hahaha. What's happening on Mother Erath?!!

"Wag ka ngang O.A! Kung makapagsalita ka naman diyan akala mo namang kilala na
namin yang Imaginary Husband mo no." mataray na sabi ni Sheila. Aba!

"FYI hindi siya imaginary husband no! Ikaw nga diyan nalaman na lang namin nasa
Americana at nagpakasal ka kay King at the age of 18. Hahaha." ayan! Ginantihan ko
lang. Ayaw na ayaw niyang naririnig name ng ex-husband niya eh ayaw naman i-kwento
kung ano yung nangyari at naghiwalay sila. Haha. 

"Past is past!!" sigaw niya at ibinaba na yung tawag. Sabi na eh bitter talaga.
Hahaha. Napatawa na lang ako at pumasok na sa loob ng silid namin. Hinalikan ko sa
pisngi si Stanley.

"Darling, aalis ako ah. Kasal ng bestfriend ko eh. Sasama ka?" tanong ko sa kanya
habang pinaglalaruan ko yung pisngi niya agad naman niya iyong hinuli at hinalikan.

"Sino si Patricia? Bakla yun ah?!!" natawa naman ako kasi halatang gulat na gulat
siya.

"Baliw. Basta si Brooke. Hindi ko pa kasi napapakilala sayo yung mga kaibigan ko
eh. Ano sasama ka?" tanong ko ulit sa kanya.

"Eh? Tinatamad akong bumangon darling eh. Sorry." tumango na lang ako at hinalikan
siya sa pisngi.

"Okie dokie! Tulog ka na lang ulit." tumayo na ako at nagtungo sa banyo upang
maligo. Naisip ko lang ah. Kanino nga ba ikakasal si Brooke?!!

Pagkaligo ko ay nagbihis lang ako ng isang simpleng white dress at black sandals.
Oh diba? Virgin na virgin lang ang peg. Hahaha. Si Stanley naman ayun balik sa
pagtulog. Napaka antukin naman ngayon ng lalaking yun. Haha. Kagabi ako yung antok
na antok tapos ngayon siya naman. Hinalikan ko na lang ulit siya sa pinsgi at
lumabas na ng silid. Pagbaba ko sa komedor ay nandoon na si papa at nagbabasa ng
dyaryo.

"Oh Jackie? San ka pupunta?" tanong sa akin ni Papa na mukang masigla na ngayon
yung boses. Ngumiti lang ako at bumeso sa kanya.

"Kasal kasi ng kaibigan ko e. Babayu." kumaway lang ako sa kanya at kumuha ng


tinapay sa plato niya.

"Tinanghali kayo ng gising ng asawa mo ah." sabi pa niya.

"Natutulog pa nga si Stan e. Haha. Sige babye na." sabi ko at tumakbo na ko sa


garage.

***

"NAKAKALOKAAAAAA! SI YVO YUNG HOT BODYGUARD?!!" oo nagwawala ako ngayon dito sa


simbahan kasi naman. Haler! Hindi ko alam na may nangyayaring chorvahan sa kanila
ni Brooke. Malanding Brooke yun ah. Eto pa kinawindang ng hormones ko. Si Priscilla
na maldita na lagi kong nakakaaway sa opisina ay jontis! At si Steven pa ang ama.
Oh diba? Ganun ba ko ka-busy sa lovelife ko?!!

"OO nga! Kami man nagulat eh!" sabi naman ni Bianca.

"Hay. Nakakalokang buhay!!" sabi ko na lang sa sarili ko.

Naging okay naman yung kasal kahit na ngayon lang pala nalaman ni Brooke na
ikakasal na siya as in NOW NA. Hahaha. Kaloka yun ah! Diretso na sila ni Yvo sa
honeymoon nila sa Puerto Azul. Naiinggit naman daw kami nina Bianca. Hindi pa kasi
kami nakakapag church wedding e.

"Una na ko. Hinihintay na ko ng mga bata." sabi ni Bianca.

"Ako man may kliyente pa ko." sabi naman ni Sheila. Ano pa nga bang magagawa ko
kundi ang sumibat na diba? Kainis! Hahaha. Dumiretso uwi na din ako ng mansion baka
sakaling maabutan ko pa si Stanley. 

Pagka-uwi ko ay umakyat na ko ng hagdan upang dumiretso na sana sa silid namin ni


Stanley ng madaanan ko yung silid ni Papa, bahagyang nakabukas ang pinto niya kaya
naman nakita ko siya at napangiti na lang. Hirap na hirap kasi siya sa pagkakabit
nung necktie niya. Hindi ko naman natiis kaya pumasok na ko sa loob ng silid niya,
nagulat na lang siya ng bigla kong hawakan yung necktie niya at iayos iyon. Ngumiti
lang ako sa kanya habang siya naman ay mataman na nakatitig sa akin. Napatingala na
lang ako ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.

I WAS SO SHOCKED WHEN HE KISSED ME ON MY LIPS.

Then..... Isang malakas na kalabog ang narinig ko.

to be continued...

Ang konti ng comments sa last chapter. :'( bawi kayo ah. Next week na ulit update.
Busy na ulit e. Uy support niyo pala new story ko. Hihi. Clinche lang siya. Teen
Fiction ang peg. :DD Ipopost ko na lang. Muaaaa.

BonitaBabyy

=================

Chapter 28

Chapter 28
Jackie's POV

Nanlaki ang mga mata ko ng inilayo na ni Sander yung mukha niya sa akin, light lang
yung halik na yun but for Pete's Sake hinalikan ako ng father-in-law ko!! Ilang
saglit akong naging tuod at hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong reaction
ngunit bumalik ulit ako sa realidad ng makarinig ako ng malakas na kalabog.

Napahawak na lamang ako sa bibig ko at napapasigaw ng halos mapahiga na si papa sa


sahig habang patuloy pa din si Stanley sa pagsuntok sa kanyang ama, hindi man lang
lumalaban si papa. Ghad!! Hindi pa din ako makaalis sa kinatatayuan ko, gusto ko
silang pigilan ngunit ayaw makisama ng mga paa ko.

"How can you do this to me huh?! Sarili mong anak tinatarantado mo?!!! Bakit ha?!!
Bakit?!!" nag-ngangalaiting tanong ni Stanley sa ama niya ngunit hindi man lang
sumagot si papa kaya naman sinuntok niya ulit ito nanaging sanhi upang pumutok ang
labi ni papa. Dapat pinipigilan ko sila eh.

"Oh God." yun na lamang yung lumabas sa bibig ko kasabay niyon ang tuloy tuloy na
pag agos ng mga luha sa mga mata ko. Hawak-hawak ni Stanley sa kuwelyo ang kanyang
ama.

"Napaka sama mong ama!! Kakantiin mo pa yung asawa ko?!! Kailan mo pa siya
ginaganyan ha?!! Balak mo ba siyang pag samantalahan ha?!! Ang sama mo!" hinawakan
ko sa balikat si Stanley.

"Stanley, tama na please." pagkasabi ko noon ay bahagyang kumalma si Stanley at


marahas na binitawan si Papa. Inakbayan ako ni Stanley at ako ay napaiyak na ng
husto. Hindi kasi ko makapaniwala, yung taong pinagkatiwalaan at itinuring kong ama
ay mangangahas na gawin iyon sa akin. Ghad! To think na asawa ko pa ang anak niya.
He's a selfish man. Napakapit ako ng mahigpit kay Stan, baka kung ano na naman ang
isipin niya sa akin. Hindi ko na kakayanin pag may masasakit na naman siyang sinabi
tungkol sa akin.

"Simula sa araw na'to kalilimutan ko ng mag-ama tayo. Sa lahat ng babae, bakit si


Jackie pa? Alam mo kung gaano ko siya kamahal. Ikaw pa nga ang nagsabi na
protektahan ko siya at mahalin di ba? Bakit hindi ka magsalita diyan ha?!! Ano?!"
napaiyak na lang ako. Nang dahil sakin nagkakagulo ang mag-ama. Pero bakit mo
ginawa yun Papa?

Tumayo si Papa at pinahid ang dugo sa kanyang mga labi. Malungkot na malungkot ang
kanyang mga mata, hindi niya ako matignan ng diretso. Sinubukan niyang lumapit
ngunit niyakap akong mabuti ni Stanley at dumistansya pa ng ilang metro. Hindi ko
na kaya 'tong nangyayari. Nahihilo ako. Pilit ko pa din nilalabanan yung sari-
saring emosyon. Gusto kong malaman yung dahilan ni Papa. Naka-drugs ba siya o ano.
Hay. Hindi ko kasi akalain na gagawin ni Papa yun. Never kong naisip yun.

"I'm so sorry son. Hindi ko naman akalain na mahuhulog ako ng ganito kay Jackie. I
told you she's too lovable and hard to resist." nanlaki yung mga mata ko sa mga
narinig ko. Napasinghap na lang ako. Hindi ko inaasahan yun mula kay Papa, ibig
sabihin iba ang tingin niya sa akin?!! Oh God!

"GAGOKA!!!TANGINAMOOOO!" gigil na gigil na sabi ni Stanley, susugurin niya sana


ulit si Papa pero niyakap ko lang siya ng mahigpit.

"Nung mga panahon na iniwan mo siya. Ako lagi yung kasama niya. Ako yung nakakita
kung gaano siya nasasaktan. Hindi ko naman sinasadya anak. Hindi ko sinasadyang
mag-iba yung tingin ko kay Jackie." napailing na lang ako.

"I trust you Pa. Tinuring kitang ama." nasabi ko na lang.

"Wag mo akong tatawaging anak. Jackie, let's go." hinila ako ni Stanley sa braso at
dinala sa kwarto namin. Agad niya akong binitawan at napatili na lamang ako ng
suntukin niya yung pader. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin at mas ikinagulat
ko yung pag-shake ng balikat niya. Umiiyak si Stanley. Tinapik ko na lamang siya sa
balikat at niyakap ng mahigpit.

"Akala ko okay na eh. Bullshit! Akin ka lang Jackie. Akin ka lang ha?"

"Yes darling." isinandal niya ako sa pader at tinignan ng mabuti sa mga mata.

"Bakit si Papa pa?" yumuko siya nag buntong hininga. Hinawakan ko lang siya sa
pisngi at hinalikan siya sa noo.

"Wait." nagpunta siya sa banyo at nagbukas ng gripo then paglabas niya may dala
siyang towel napangiti lang ako ng pinunasan niya yung mga labi ko.

"Akin lang yan eh." ngumiti din siya pero hindi abot tenga kaya alam kong malungkot
pa din siya.

"Sa condo ka muna umuwi ah?" tumango lang ako. Naghiwalay na kami at nagsimulang
ayusin yung mga gamit namin.

"P-pano ka?" tanong ko sa kanya. Iisa lang kasi yung kwarto ng condo, para lang
talaga kasi kay mama yun eh.
"Sa bar muna ko tutuloy. Hindi ka naman pwede dun madaming mga bastos dun at saka
alam mo namang maliit lang kwarto ko dun. Hmm? Hahanap ako ng unit natin."
hinalikan niya ko sa noo at muling inayos yung mga gamit namin.

"Stan?" tawag ko sa kanya habang busy siyang nag-iimpake ng mga damit namin.

"Hmm?" walang lingon na tanong niya sa akin.

"I love you so much. Maniwala ka ikaw lang talaga." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya
sa akin at hinalikan ako sa mga labi. Ilang minuto din yung halik na yun at ramdam
ko na hindi siya nagagalit sa akin. Natatakot lang kasi ako na iwan niya ulit.

"I love you too. So much." 

***

"Hoy Jackie! Hindi ko ata nakikita asawa mo dito ha? Madalang ata dumalaw. Aba baka
nambabae na yan! Bakit kasi umalis alis pa kayo sa mansio?" sermon ni mama habang
ako naman nagmmake-up sa harap ng salamin. Umiling na lang ako.

"Ma! Basta mahabang kwento." sabi ko na lang at nagpatuloy ako sa ginagawa ko.

"Eh bakit nga kasi? May nangyari ba? I mean anyare dun sa papabols ni Stan?"
napabuntong hininga na lang ako at humarap sa kanya.

"Yun na nga. May conflict kami ng tatay ni Stan." malungkot kong sabi at yumuko na
lang ako.

"B-bakit?" tanong ni mama.

"He loves me." mahina kong sagot at nagulat na lamang ako mabitawan ni mama yung
hawak niyang baso at mabasag iyon. Sabay kaming yumuko at pinulot yung basag na
baso.

"Nakakagulat madir no? Nakakaloka. Hay. Nakakabaliw dun sa mansion kaya dito muna
ko pansamantagal." sabi ko kay mama pero siya tahimik lang.

"M-mahal ka niya? Inamin niya s-sayo?" mahinang sabi ni mama.

"Hay nako ma! Bakit ba ganyan peslak mo! Okay lang ako no. Hindi naman niya ko
ginalaw whatsoever. Yun nga ang nakakaloka kamo mudra! Umamin siya sa harap namin
ni Stan. Hay. Kaya ayan magkagalit silang mag-ama ng dahil sakin." tumayo na ako at
dinala sa basurahan yung mga basag na baso. Nung bumalik ako sa sala andoon pa din
si mama na napatulala na.

"O.A naman ng reaction mo. Haha. Ano ka ba! Alis na ko motherhood ha? Magkikita
kami nina Bianca, ngayon kasi yung uwi nina Brooke and Yvo from honeymoon malay mo
may pasalubong. Babush." bumeso na ko at lumabas na ng unit namin. Grabe naman
maka-react yung si mother. Amp.

Bumaba na ko sa car park at nagmaneho na papunta sa bahay nina Brooke. Minsan na


lang kami magkita-kita kaya sulitin na. Haha. Ewan ko ba kung bakit ako na lang
lagi yung nala-late sa balita saming magkakaibigan, ako naman sana yung pinaka
chikadora. Ganoon na ba ko ka-busy talaga? Haha. Anyway hindi naman kalayuan yung
bahay nina Brooke kaya agad din naman akong nakapunta.

Pagdating ko nakaupo na sa sofa si Sheila, bongga talaga ng babaeng 'to! Laging on


time! Haha. Halos magkasunod lang kaming dumating ni Bianca pero nauna lang ako ng
kaunti. Naupo muna kaming tatlo dun sa sofa, si Bianca nakapalumbaba lang tapos si
Sheila naman ayun poise na poise pa din ang pagkaka-upo. Haha. Ako naman hindi
mapakali, ganoon ako eh hindi ako napipirmi sa iisang lugar.

"Ang tagal namang bumaba ni Brooke." inip na sabi ni Bianca.

"I told you guys dapat hindi na tayo nagpunta. Kagagaling sa honeymoon nung dalawa,
baka alam niyo na." natawa na lang kami ni Bianca ng pandilatan kaming dalawa ni
Sheila.

"You mean may continuation pa dito sa bahay?" patay malisya kong tanong. Pwede
naman diba?

"Gosh Jackie hindi ko na nga sinabi eh!" padabog na sabi ni Sheila.

Nag-kwentuhan lang kaming tatlo, minsan binabara ko si Bianca pero as usual


pinagtatanggol siya ni Sheila. Haha. Dapat talaga naging abogado na lang 'tong si
Sheila eh. Infairness may future siya! Hahaha. Natahimik lang kami ng bumaba na si
Brooke ng hagdan. Mukang masayang masaya naman siya kaso panira ng moment si Sheila
eh, sinalubong ba naman ng trabaho si Brooke pero nagulat talaga ko ng ibalita ni
Brooke na jontis daw siya. Kakaloka diba!! Kakakasal lang last week tapos 2 weeks
pregnant na?!! May milagro talagang naganap eh! Kainis bakit hindi ko nalaman agad.
Amp.
Anyway, nagkwentuhan lang naman kami ng mga kabaliwan sa buhay pero siyempre hindi
ko kwinento yung akin, si Bianca pa nga lang madrama na idadagdag ko pa kaya yung
akin? Like duh!

After ng kwentuhan ay nagyaya ng umuwi si Bianca kasi daw susunduin pa daw niya
yung mga 'anak' daw niya na anak naman talaga nung namatay niyang kapatid. Martyr
din yung hayup na yun eh. Hahaha. Maka-hayup lang ako sa kaibigan. Nag drive na ko
pabalik ng condo unit, dadaan sana ko ng bar para ayain mag dinner si Stan kaso
nakaramdam ako ng antok kaya I decided na umuwi na lang muna at umidlip tutal hapon
pa lang naman. Pag-uwi ko ng bahay ay wala si mama roon kaya naisip ko na dumiretso
na lang sa silid niya at matulog.

***

Nagising ako mula sa ingay sa labas, pag tingin ko sa bed side table ay WTF!! Alas
dose na ng hating gabi?! Ganun ako katagal nakatulog?!! Ang bongga naman! Tumayo at
sinindihan yung ilaw para lumabas ng kwarto at laking gulat ko lang ng makita ko si
mama na nagbabasag ng mga gamit.

Ah puta! Heto na naman siya!!

to be continued...

Ito pinaka mahabang TVFN. Haha. Patapos na din siya pero hindi ko masabi if ilang
chaps na lang. Abangan na lang ang salitang ENDING. :) Enjoy reading!! VOTE COMMENT
and RECOMMEND. Hihi. Uy yung Glass Shoes wag kalimutan suportahan. :) Sa Thursday
naman update nun. Mua.

BonitaBabyy

=================

Chapter 29
Chapter 29

Jackie's POV

"Ma! Wag yang vase galing pang Puerto Azul yan!" heto na naman po kami ng magaling
kong ina, akala na naman niya mayaman kaming dalawa kaya ganun na lang mambasag ng
gamit. Grabe! Ang mahal kaya ng bayad ko sa vase na yun!

Inaawat ko si mama sa pagwawala niya kasi naman baka mamaya wala ng matira sa mga
gamit namin no. Aba pangalawang beses na yata ako muntikan tamaan ng kaldero!
Kakaloka lang! Lasing na naman ang bruha. Ang sama talaga ng tama ng alak sa kanya
e. Bayolente! Hinila ko siya paupo dun sa sofa kahit na medyo nagpupumiglas pa
siya. Anak ng! Broken hearted na naman 'to! Ang lakas naman ata ng tama niya dun sa
ex-boyfriend niya way back kopong kopong days.

Pano kaya kung magkahiwalay din kami ni Stanley? I mean magkahiwalay ng 10-20 years
at magkaroon kami ng kanya kanyang pamilya then bigla na lang kaming magkasalubong,
ganoon pa din kaya yung nararamdaman ko sa kanya? Babalik kaya yung lahat? Tinanong
ko si Sheila about dun kasi ganun nararanasan niya ngayon. Ang sabi niya mahirap.
Nakakalito. Arghh! Bakit ko nga ba pinoproblema yun?

Hindi naman kami magkakahiwalay ni Stanley diba? Okay na kami. At wala ng problema.

"Mudrabels naman! Umayos ka nga! Ang tanda mo na para magka-ganyan!" sigaw ko sa


kanya at napaupo na lang sa tabi niya. Nakakapanghina 'tong si mudra. Dinaig ko pa
siya! Wala siyang kadala-dala eh. Ilang beses na ba siyang niloko? Hindi ko na
mabilang! Ewan ko ba sa kanya kung bakit hindi napapagod yung puso niya na magmahal
at masaktan. Ito yung pinaka-ayaw ko kay mama eh. Mahina siya pagdating sa pag-
ibig. Madaling bumigay.

"Dapat ko na lang sigurong tanggapin na hindi talaga kami nakalaan sa isa't-isa.


Hay" napa-ilag ako ng akala ko pupukpukin niya ko ng remote control. Naalala ko
nagdugo ni Stan nung tamaan siya ng remote ni mama. Amp.

"Hay. Akala ko pa naman matatahimik ka na sa lovelife mo. Anyare?" tanong ko kay


mama. Biglang lumungkot yung mukha niya at humarap sa akin.

"Hmm. Naisip ko lang anak, kung saan ka masaya doon ako." she smiled. Ang weird ha!
Eew naman! Hindi samin bagay ni mudra yung ganitong ka-cheesyhan eh. Kaderder lang!
Mas gusto ko pa yung nagbabangayan kami or nagkkwentuhan ng kabalahuraan. Hahaha.
Akala ko naman magiging okay na 'tong si mudra, aba nagwala na naman! Ano ba yan!
Wag na talagang lalasingin 'tong nanay ko! Maghihirap kami pati ang hirap kaya
magligpit ng mga basag na kasangkapan! Napatayo na lang ako ng hawakan na naman
niya yung vase. Kalokaaaaa!! Naalala niya kasi na hindi dumalaw dito si Stanley
baka daw nambabae na yun at iniwan na naman ako. Hahaha. Kung baliw man ang nanay
ko pero mapagmahal at protective na nanay yan.

Pinagtatanggol ako niyan sa school noong elementary kada may mambubully sakin na
bastarda or whatsoever na wala naman akong pakialam. Haha. Proud talaga ko dito kay
mudrabels kahit puro kabaklaan ang alam. Cheesy!! 

"Hoy ma! Wag na yang kaldero pleaseeeee!" at tumakbo ako sa sala at nanlaki yung
mga mata ko ng hinawakan naman niya yung T.V.

"Ma! Wag nyo ihahagis yang T.V di pa tapos hulugan yan! Nako wag yang vase uwi ko
yan galing Puerto Azul!" sigaw ko pa. Mahal yun putangina!

"At nasan na yang magaling mong asawa ha?!! Aba'y hindi ka na binalikan dito?!!
Puputulan ko talaga yun pag nakita ko! Babaugin ko!!" hala. Nakakatakot talaga
'tong si mama. Amazona! Magsasalita pa sana ko ng..

"Wait! Natatae ko! Ceasefire muna." napatigil kaming dalawa ni mama sa riot ng mag
ring yung cellphone ko pati najejebs daw siya. Si Bianca! Lagi na lang talaga akong
nililigtas ni Biancx. Teka? Madaling araw na ah? Bakit kaya gising pa siya?

"Oy Biancx napatawag ka?" tanong ko sa kanya na hinihingal pa dahil dun sa riot
namin ni mama.

(Okay ka lang? Riot na naman kayo ng nanay mo?) tanong niya sa akin.

"Okay naman. Muntikan lang ako tamaan nung kaldero. Hahaha. Pano pinapahunting yung
asawa ko. Malay ko ba kung asang lupalop yung gagong yun!" pero ang totoo nasa bar
lang naman. Sorry darling at tinawag na naman kitang gago. Hahaha.

"Bakit ka napatawag? Haha. Dali nag c.r si Mudra ceasefire muna daw kami." aba
anong oras na oh? Haha.

Nagulantang ako ng bonggang bongga dun sa kwento ni Bianca at sa gusto niyang


mangyari. Hindi na makatiis at siya na lang ang gagawa ng paraan?!! Agad naman na
tumunog yung bombilya sa utak ko. Haha. Basta talaga kalokohan ang bilis ko mag-
isip. Oplan Lyndon-Bianca pala ah. May Plan A-Z ako sa kanya. Teka ilan nga ba
alphabets? Hindi ba masyadong marami yun? Haha. Napatawa na lang ako sa mga
binabalak ko.

"Don't worry Biancx. Yelo lang ang malamig." sabi ko kay Bianca then I hunged up.
Naupo ako sa sofa kasi parang nakaramdam ako ng pagsakit ng tiyan ko. Hindi pa nga
pala ko kumakain. Hmm. Busy kaya si Stanley ngayon? Parang gusto ko siyang makita
ngayon eh. Hay. Parang naglalaway ako kay Stanley. Amp. Ano ba 'tong naiisip ko. I
mean nag-ccrave ako kay Stan. AHHHHH!! Tangina! Ang pangit pa din pakinggan eh.
Haha. Kakain na nga lang ako.

Hindi ko na lang ginambala si Stanley kasi naman alam kong dinadayo ng customers
yung 13 Hell Shots sa bar and wala ako sa mood na pumunta sa madaming tao ngayon.
Nagpunta na lang ako sa kitchen pero nung nakita ko yung food nawalan ako ng gana.
Mabuti pa matutulog na lang ako since maaga pa kaming magkikita ni Bianca mamayang
umaga. Doon na lang siguro ako babawi ng kain. Magpapalibre ako!!

***

Ang hirap bumangon! Tamad na tamad ako ngayon. Ano ba naman yan! Inabot ko yung
cellphone ko and may 5 missed calls ako mula kay Stanley. Tulog mantika ko naman
hindi ko narinig yung tawag niya. Miss ko pa naman siya. Huhu. Kailangan talaga
makapag-date na kami. Dadaanan ko talaga mamaya after namin magkita ni Bianca.
Ibibigay ko lang 'tong CD na matagal ng tambay dito sa condo. Kay mama talaga 'to
eh. Hehe. Binasa ko muna yung text ni Stan. Hutangna! Ang sweet talaga ng darling
ko eh. PBB Teens ang peg! Haha.

Pinilit ko ng bumangon at maligo baka sakaling sipagin ako. Haha. After kong maligo
ay nagbihis lang ako ng white fitted shirt and skinny jeans. Imbes na high heels
nag sandals lang ako. Virgin nga kasi ang peg ko ngayon. Hahaha. Medyo sinipag
naman ako nung nakaligo ako kaso nga lang tinatamad akong kumain. May gusto akong
kainin hindi ko lang alam. Si Stanley?! Hahaha. Leche!!

Nag-drive ako dun sa restaurant na pagkikitaan namin ni Bianca. Pagkarating ko


nandoon na si Bianca. Agad akong humigop sa kape niya at isinubo yung pancake na
nasa lamesa kaso muntikan ko ng mai-duwal yung pancake. Pucha! Bakit ba ganito lasa
nito?!! Kadiri puta!! Nilulon ko na lang at uminon ng tubig. Yuck!! Ayoko talaga ng
pancakes!! Paborito 'to ni Brooke eh.
Ayun nag-usap lang kami ni Bianca about dun sa plan, sana naman mag work. Haha.
Binigay ko na sa kanya yung CD, nung una nalito pa siya pero inexplain ko naman sa
kanya yung gagawin niya. Haha. Nag chikahan na lang kami then napagdesisyunan namin
na mag shopping na lang mall. Buti na lang wala siyang kotse edi nahirapan pa
kaming dalawa pag nagkataon. Haha. Nagpunta kami sa pinaka malapit na mall, halos
puro sa kambal yung mga pinamimili niya. Grabe. Mahal na mahal talaga niya yung
kambal kahit hindi naman niya tunay na mga anak yun. Tsk. Kung ako siguro yun,
hindi ko matatanggap!

Mamaltratuhin ko sila! Ahaha. Pero joke lang.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng mag ring yung cellphone ko. Medyo nagtaka ko dun sa
number pero sinagot ko pa din.

"Hello?"

Nanlaki na lang yung mga mata ko sa narinig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Napatulala na lang ako hanggang sa may mag pop sa utak ko.

to be continued...

Late update. COMMENT po. :) ramdam ko malapit na talaga matapos. Konti na lang.
Hihi. Konting twist pa. Muaaa.

BonitaBabyy

=================
Chapter 30

Chapter 30

Jackie's POV

Nagmamadali akong nagpaalam kay Bianca at sumakay na sa kotse ko. Pinaharurot ko


yung kotse ko papunta dun sa hospital na sinabi sa akin nung katiwala sa mansion.
Goodness!! Sana naman okay lang si Papa. Nagulat na lamang ako kanina nung tumawag
yung katulong sakin at sinabing sinugod daw sa hospital si Papa. Tinawagan na kaya
niya si Stanley? Alam kong may maling ginawa si Papa pero sana naman huwag niyang
tiisin yung sarili niyang ama.

Agad akong nagtungo dun sa room ni Papa at sinalubong ako nung katulong. Bongga
nung hospital room ni Papa. Presidential Suite! Haha. Hindi 'to yung panahon para
kwentahin ko pa yung gagastusin dito. Napabuntong hininga ako ng makita ko siyang
nakahiga sa hospital bed at may nakalagay na oxygen sa ilong niya. May mga monitor
at kung anu-ano pa ang nakakabit sa katawan niya. Halos mapaiyak ako ng lapitan ko
siya at hawakan yung kamay niya. Napatayo ako ng dumating yung doctor kaya naman
pinahid ko agad ang mga luha ko.

"Ikaw ba ang anak ni Mr. De Vera?" tanong sa akin ng doctor. Agad akong umiling.

"Manugang niya po ako. Ano po bang nangyari sa kanya?" tanong ko sa doctor habang
hindi pa din binibitawan ang kamay ni Papa.

"Nagkaroon siya ng chest pain dahil sa kanyang Coronary Heart Disease at hanggang
ngayon under observation pa siya. Buti na lamang at naisugod agad siya sa
hospital." nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi ng doctor.

"Huwag na lang muna siyang ma-eexpose sa kahit anong strenous activities and yung
diet and lifestyle niya dapat ma-monitor. Bawal sa kanya ang masyadong ma-stress."
tumango lang ako sa doctor at nagpasalamat. Naupo ako dun sa silya na katabi nung
hinihigan ni Papa at pinisil yung kamay niya.

Alam ko naman na may pagkakamali si Papa lalo na dun sa nararamdaman niya sa akin
pero bago ang lahat father-in-law ko siya at tinuturing ko siyang isang mabuting
kaibigan na laging nariyan para pasayahin ako sa tuwing nalulungkot ako. Alam kong
kailangan niya ako ngayon. Sana maging okay na siya, wala pa namang nag-aalaga sa
kanya ngayon. Ang sama ko para iwan siya.
"Ma'am uuwi na po muna ko para kumuha ng damit ni Sir." paalam sa akin ng katulong
namin.

"Teka Manang, natawagan niyo na po ba si Stanley?" tanong ko kay Manang na


napatingin naman sa kamay ko na nakahawak pa din sa kamay ni Papa. Agad ko namang
inalis yung kamay ko at tuluyan na siyang hinarap.

"Ahmm. Opo kaso nagalit lang po sakin eh. Wala daw po siyang pakialam." nakayukong
sabi ni Manang. Nanlaki naman yung mga mata ko sa sinabi niya. Totoo bang sinabi ni
Stanley yun?!! Ganoon siya kagalit sa ama niya?!! Goodness! Pero ama niya pa din si
Sander! Tumango na lang ako kay Manang at pinauwi na siya ng mansion. Ako na lang
muna siguro yung mag-aasikaso kay Papa.

***

Stanley's POV

Psh. Ano naman kung ma-hospital siya? Umaarte lang yun panigurado para puntahan
siya ni Jackie! Tss. Akala naman niya maloloko niya ko. Nasan kaya si Jackie
ngayon? Ano ba namang buhay 'to. Mag-asawa nga kami magka-iba naman kami ng bahay!
Makabili nga ng condo sa kompanya na pinapasukan ni Jackie para naman may matirhan
na kami. Miss na miss ko na yung mga kabaliwan, kaingayan at kakulitan ng darling
ko eh.

Tatawagan ko na sana siya para ayain na mag-date then sakto naman na siya yung
tumatawag. Sabi na nga ba namiss din ako nito eh.

"Hello darling!" masigla kong bati sa kanya.

"Bakit hindi mo man lang dinalaw yung papa mo? Alam mo bang muntik na siyang
mamatay?!!" peste! galit na bungad ni Jackie. Ang sweet lang eh. Tatay ko agad. Sa
pinagseselosan ko pa.

"Mahaba pa buhay niyan. Masamang damo yan eh." eh bakit ba nagseselos pa din ako
lalo na pag naiisip ko yung nakakagagong paghalik niya sa asawa ko! Yung kampante
kang wala ka ng kaagaw sa asawa mo kasi nagmamahalan kayo tapos yung taong bantay
salakay at kaagaw ko kasama ko lang pala sa iisang bahay?!! Tatay ko pa!! Putangina
lang!
"Tarantado ka ba?! Pumunta ka sa hospital at dalawin mo siya. Kung hindi mo gagawin
ako ang mag-aalaga sa kanya!" dahil dun pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa
ulo dahil sa inis.

"Subukan mo lang Jackie mag-aaway tayo!" at binaba ko na yung cellphone.


Nakakainis. Alam naman niyang pinagseselosan ko yun eh. Subukan lang niya talaga!!

"Oh? Badtrip ka ata ngayon loverboy?" untag sa akin ni Beatrice.

"Ha? Wala 'to may pinagtalunan lang kami ni Misis." ngumiti ako sa kanya huminga ng
malalim. Nakakainis talaga.

"Normal lang yan. Haha. Mabuti nga at okay na kayo eh." sabi sa akin ni Bea at
ngumiti.

"Oo, at hindi ko talaga mapapatawad yung taong sisira ng maganda na naming


relasyon."

Naupo na lang ako sa stool at nagsalin ng brandy sa baso at inisang lagok ito. Ang
sama na talaga ng tama ko kay Jackie, hindi naman ako naging possesive ng ganito
kahit kanino. Kahit kay Beatrice. Napakamot na lang ako sa ulo ko at nagsalin muli
ng alak. Sa lahat naman kasi ng magkakagusto kay Jackie bakit tatay ko pa?!! Puta
naman talaga oh! Tataluhin pa talaga niya ako?!! Ano ba talaga gusto niyang
patunayan?!! Kahit anong intindi ang gawin ko hindi ko pa din maintindihan eh!

Nawala ako sa pag-iisip na iyon ng bigla na lamang agawin ni Bea yung alak sa kamay
ko.

"Tigilan mo na nga yan. Tanghaling tapat eh." awat sa akin ni Bea at ngumiti.

Jackie's POV
Nakakainis!! Siya na nga lang inaalala eh! Anong klase yang tao?!! Dahil lang sa
selos titiisin niya ng ganun si Sander?!! May tiwala naman siyang hindi ko siya
ipagpapalit pero ganun pa din siya umasta. Bwisit lang! Hindi ko naman siya pwedeng
suwayin kasi ayoko namang mag-away kami. Thankful nga ako na hindi naging masyadong
issue sa kanya yung ginawa sakin ni Sander pero maaatim ko bang pabayaan si Sander?

Si Sander? Mabait siya sa akin. Malambing. Nakikinig sa lahat ng problema ko laging


nariyan para damayan ako. Ang lalaking kahit kailan hindi ako hinusgahan sa kung
sino at ano ako. Tinanggap niya lahat ng flaws ko and somehow natutuwa ako dun.
Ghad!! Nalilito na ko. Mahal ko si Stanley alam ko yun pero ano ba 'tong
ikinalilito ko?!!

Nilingon ko si Sander na natutulog pa din, hinawakan ko yung kamay niya at pinisil


ito.

"Maging okay ka please?" mahina kong usal sa kanya. Hinalikan ko siya sa noo at
ngumiti.

Paano ko nga ba hahatiin yung katawan ko? Kailangan ako ni Sander ngayon pero ayoko
namang mag-away kami ni Stanley? Naiiyak na ko. Dumukmo ako sa kama ni Sander at
nagsimula ng umiyak maya-maya naramdaman ko na may kamay na humahaplos sa buhok ko
kaya naman napaangat agad yung ulo ko. 

Si Sander gising na!! Binigyan niya lamang ako ng weak smile at kahit alam kong
naghihina pa siya ay pinahid pa din niya yung mga luha ko na patuloy pa din ang pag
agos. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil ito. Isa pa 'to sa mga gestures ni
Sander, hindi ka niya paiiyakin kasi siya pa yung magpupunas ng mga luha mo.

Masokista ba ko? Kasi mas pinili ko yung anak niya? Yung lalaking nanghusga at
nagpaiyak sa akin? Hay. Ayokong malito. Siguro itinuturing ko lang na mabuting
kaibigan si Sander at marami akong utang na loob sa kanya. Mabait at disente siyang
tao, hindi mahirap mahalin. Sa sitwasyon nga lang ngayon mahal na mahal ko ang anak
niya.

"Don't cry." he mouthed. Halos walang boses ang lumalabas sa bibig niya marahil na
rin sa panghihina.

"Tatawagin ko lang yung doctor mo hmm?" masuyo kong sabi sa kanya pero hnigpitan
lang niya yung hawak sa kamay ko. Ngumiti na lang ako.
"Ang tigas ng ulo mo para kang bata." naupo na lang ulit ako at hinarap siya.
Halatang nahihirapan siya. Hay. Kung may magagawa lang ako.

"Please....stay with...me" mahina at pautal utal niyang sabi at hinigpitan pa din


ang paghawak sa kamay ko. Napabuntong hininga na lang ako.

What to do?!! Tama bang mag stay ako? Hindi ko ata kayang isugal ang maganda na
naming relasyon ni Stanley pero hindi ko din ata kayang iwan ng ganito si Sander.

to be continued...

Ang daming nagpapa-dedic :/ di ko maalala yung iba minsan. Pasensya na po ah? :'(

BANAS! Ang sabaw ng update ko! Amp. Babawi talaga ko next update at climax na e.

BONITABABYY.

=================

Chapter 31

Chapter 31

Alicia's POV

Isa talaga akong sawi sa pag-ibig! Hay buhay! Bakit ganun hindi ko pa ata
nakikilala yung meant to be ko. Sobrang late naman na ata Lord! Akala ko naman may
second chance na kami ni Sander yun pala sa sarili ko pa siyang anak magkaka-gusto.
Nakakalokang life! Forever alone na lang ata ang peg ko. Pahingi namang lovelife!!

Rumarampa rampa lang ako dito sa mall kasi naman 'tong si Jackie naging busy nitong
mga nakaraan hindi ko naman alam kung saan busy atsaka lumipat na sila ni Stanley
sa sarli nilang unit. Ang swerte lang din ng anak ko kasi nakapag-asawa siya ng
mayaman. Pinalaki ko siyang ganun eh. Pinalaki ko siya na pera at yung kakainin
muna naming mag-ina yung iisipin bago yung ibang bagay kaya masaya ako na kuntento
na siya sa buhay niya ngayon at nakukuha na niya yung mga bagay na dati hanggang
pangarap lang namin. Masaya din ako na naabot niya lahat ng pangarap niya na hindi
kami gumagawa ng masama. Anak ng! Ano ba 'tong dinadrama ko. Hindi sakin bagay!

At dahil nga pasarap buhay na lang ako, isinama ko si Patricia na magliwaliw dito
sa mall. Echuserang bakla na'to! Dinaig pa boobs ko! Puta! So siyempre nagmamaganda
lang kami dito sa mall at hanap ng mga gwapo. Shet! Ang babagets naman nung iba
tapos yung iba kay Patricia nagpapa-cute. Aba! Malapit ng samain sakin 'tong
baklang ex ni Jackie ah. Sinasapawan beauty ko!!

"Nakakamiss naman si Jackie sa mga ganito. Kalurks! Bakit nagkalat gwapo at


foreigners here mudrabels?!!" binatukan ko lang si Pat.

"Maka-mudra ka naman. Naiisip ko tuloy ikaw son-in-law ko. Yuck! Ahaha." biro ko
kay Pat na inirapan lang ako.

"Eschusera lang ha? Wititit! Tumataba ata si Jacques jontis ba mudra?" biglang
tanong sa akin ni Pat. Jontis nga ba? Wala naman akong napapansin bukod sa pagiging
matakaw at antukin niya.

"Wit akez knowings eh." sagot ko na lang sa tanong ni Pat. Oo nga no? Hindi ko ata
natatanong?! Kaloka!!

Magsasalita pa sana ako ng bigla akong mapahinto. Trulalu ba itech?!! I mean yung
lalaking nasa harapan ko ngayon?!! Pucha!! Kinusot ko pa yung mga mata ko para
makasiguro. At bakit napunta ang hinayupak na lalaking 'to dito sa teritoryo ko?!!
After 24 fvcking years?!!

"Adrien  Moreau!!"
Jackie's POV

"San ka na naman pupunta? Linggong linggo ah." tanong sa akin ni Stanley habang
nagbabasa siya ng diyaryo at umiinom ng kape. Ngumiti lang ako sa kanya.

"Nag-aaya kasi sina Bianca, dumating kasi galing America si Luigi yung kaibigan
namin nung college." oy half truth naman yung sinabi ko na dumating yung ex ni
Bianca na si Luigi pero hindi naman totoo yung makikipagkita ako. Hay. Ilang linggo
na din akong nagsisinungaling kay Stan. Ayoko man pero alam kong mag-aaway lang
kami. 3 weeks na akong naka-leave sa trabaho pero ang alam niya pumapasok pa din
ako sa opisina. I'm so sorry darling.

"Gagabihin ka ulit?" asawang asawa dating ni Stanley ngayon ah. Amp. Lalo tuloy
akong nakokonsensya. Bakit siya ganito? Sanay na sanay naman akong magsinungaling
pero bakit pagdating sa kanya nahihirapan ako.

"A-ahmm..Depende siguro if nagkatuwaan sa kwentuhan. Hehe." Kaloka! Humalik na ako


sa pisngi niya bago pa siya magtanong or awatin ako.

Good thing hindi pa nakikilala ni Stan yung mga kaibigan ko so ibig sabihin wala
siyang contact sa mga yun. Ayos na din pala yun. Tinext ko na lang si Pat na if
hahanapin man ako ni Stan sabihin niya na kasama ko sina Biancx. Nagsisinungaling
ako sa asawa ko. Huhu. Anyway, kailangan kong dumaan sa grocery store para mamili
nung mga kailangan sa bahay then sa pharmacy. Ang dami pang kulang eh. Hay.

Siya nga pala successful yung plan namin ni Bianca! Akala ko aabutin pa kami ng
Plan Z eh. Haha. Nabwisit na ko kaya ako na mismo yung gumawa ng paraan para sa
kanila, aba may sarili din akong lovelife no! Naisingit ko pa talaga yung mga
kalokohan ko sa gitna ng problema. Super woman talaga ko eh! Hahaha.

Nag drive lang ako sa pinaka malapit na PureGold at nag grocery then nagpunta na
ako sa Pharmacy para bilhin yung mga paubos ng gamot. Ano kayang masarap na iluto?
Inaral ko pa talaga yun eh. Haha. Nang makatapos mamili ay dumiretso na ako sa
village agad naman akong pinapasok nung guard. Pagkababa ko ng sasakyan ay agad
akong dumiretso sa kusina para i-ayos yung mga pinamili ko and hinanda ko na din
yung ingredients ng mga lulutuin ko.

"Sana magustuhan niya 'to" sabi ko sa sarili ko habang nagsimula ng magluto at


ihanda yung salad. Hinanap ko pa talaga sa internet 'to. Sabagay kahit ano namang
iluto kinakain niya eh. Haha. Nang makatapos iluto yung pasta ay itinabi ko na muna
yun at inalis yung apron.

Naglakad ako papunta sa second floor at marahang kumatok sa pintuan. Agad akong
ngumiti sa kanya at tumabi sa kanya habang siya naman ay nagbabasa ng diyaryo.

"Hay nako, diba ang sabi ng doctor bawal sayo ang kape? Ang kulit mo talaga eh."
inagaw ko sa kanya yung kape kaya naman tumawa lang siya at umiling.

"Opo Nurse!" inirapan ko na lang siya at natawa na din.

"Hay nako Sander de Vera alagaan mo nga yang katawan mo." inagaw ko na din sa kanya
yung diyaryo. Haha. Nakakadagdag stress lang yun eh.

"Lahat na lang bawal. Eh bagot na bagot na ko dito sa mansion. Ipasyal mo naman ako
minsan Jackie." panlalambing pa sa akin ni Sander. Haha.

"Hmm. Next time na lang, bawal akong gabihin ngayon eh. Nakakahalata na si
Stanley." grabe lang 'tong usapan namin ni Sander akala mo may secret affair lang
kami. Haha. Inaalagaan ko kasi siya. Alam na kailangan niya ng tanong mag-aalaga sa
kanya. Kainis nga si Stan kahit isang dalaw hindi man lang ginawa. Nyeta. Joke.
Hahaha.

"Hay. Baka mamaya mahuli ka pa ng asawa mo mag-away pa kayo, sabi ko naman kasi
okay lang ako." malungkot na sabi ni Sander. Itinaas ko yung mukha niya at iniharap
sa akin.

"Tumigil ka nga! Ayan ka na naman eh. Haha." tumawa na lang ako.

Napatigil kami sa pagkkwentuhan ni Sander ng marinig ko yung doorbell. Sunud-sunod


yung pagpindot sa doorbell. Nasan kaya yung mga katulong? Hindi man lang pagbuksan
ng pinto yung tao sa labas nakakainis lang tuloy yung kakulitan.

"Baka yan na yung pinadeliver kong pizza. Hehe. Katagal mo eh." sinamaan ko na lang
ng tingin si Sander. Kain ng kain ng bawal sa kanya eh. Tumayo na ko at lumabas ng
silid. Ako na lang yung magbubukas ng pinto para ako na lang din yung uubos ng
pizza. Bwahahaha!!
Pagbaba ko ay agad kong binuksan yung pinto at napatigil na lamang ako sa
pagsasalita dahil sa taong tumambad sa akin.

"Manon----S-STAN?!!" singhap ko.

"Jackie ayan na ba yung p--a-anak?" hindi ko namalayan na sumunod sa akin pababa ng


hagdan si Sander kaya naman pareho kaming nagulat ng makita ang galit na galit na
si Stanley.

"MAGSAMA KAYO!! MGA PUTANGINA NIYO!!"

to be continued...

Ang konti ng comments sa last update. :( Bawi kayo guys. 

=================

Chapter 32

Chapter 32

Stanley's POV
Nagiging weird na si Jackie nitong mga huling araw, kung kailan naman magkasama na
kami ulit sa bahay saka siya naging busy sa trabaho parang hindi naman niya ko
namiss. Amp. Madalas ko nga siyang nilalambing pag-uwi pero nagrereklamo naman siya
na inaantok daw siya. Nakakainis lang din kung minsan pero siyempre ayoko naman na
mag-away kami ngayon.

Tulad ngayon Linggong linggo aalis para makipagkita sa mga kaibigan niya?! Hindi
naman sa nagrereklamo ako pero ngayon na nga lang siya may vacant na oras tapos
hindi pa niya sa akin ilalaan. Nakakainis na talaga! Siyempre dahil siya ang boss
ako heto maiiwan lang sa condo namin. Ano namang gagawin ko dito?! Matutulog na
naman mag-hapon? Kahapon nga buong araw lang ata akong tulog, ewan ko ba nagiging
antukin ako sanay naman sana ko sa puyatan. Bakit ganun?

Pagka-alis ni Jackie tumayo na din ako sa kama para maligo. Sana naman agahan niya
yung uwi ngayon. Tss. Siguro pupunta na lang ako ng grocery store, ipagluto ko kaya
siya ng dinner? Hindi naman siguro kabadingan yun? Haha. Tama! Ipagluluto ko na
lang siya nung pamatay kong Italian cuisine baka lalong ma-inlove sakin yun.
Hahaha. Hindi naman ako basta bastang bartender lang siyempre nag-aral ako ng
Culinary Arts at HRM sa ibang bansa, plano ko din kasi magkaroon ng sariling hotel.

Nag drive na ko sa pinaka malapit na PureGold at namili ng ingredients. Mahilig


kaya siya dito? Hindi naman mapili sa pagkain si Jackie kaya magugustuhan niya 'to.
Haha. Pumipito pa ko habang naglalakad tulak yung push cart ng mapahinto ako. Si
Jackie? Anong ginagawa niya dito? Balak din ba niya akong ipagluto? Nagtago ako dun
sa isang stand at pinanood lang siya habang busy siya sa pamimili. Iniwan ko na
yung dala kong push cart at sinundan na lamang siya.

Hindi naman sa wala akong tiwala kay Jackie pero gusto ko lang siyang sundan.
Nakakatuwa naman. Ito ba yung way niya para makabawi? Baka naman alibi lang niya
yung magkikita sila ng mga kaibigan niya?! Naks! Nakakakilig naman pota! Oo tangina
kinikilig ako! Nagtago lang ako hanggang sa makabayad siya sa cashier. Mabilis
siyang naglakad papunta sa car park at nagmaneho na. Hindi ko alam pero gusto ko
lang siyang sundan.

Nagtaka ako nung sa isang drug store siya huminto? May sakit ba siya? Wala naman
siguro diba? Saglit lamang siya dun at sumakay na ulit sa kotse. Ano kaya yung
binili niya doon? Bumaba ako ng kotse at nagpunta sa drug store.

"Ano pong bibilhin niyo Sir?" tanong nung babae na halatang nagpapa-cute sakin.
Tss. Loyal 'to no!
"Yung kaninang babae dito? Yung maganda? Yung green eyes? Yung sexy ahm yung
mukhang foreigner?" ganyan ko i-describe asawa ko. Haha.

"Ah? Yung kakabili lang po? Ano pong meron?" nagtatakang tanong nung babae.

"Ano yung binili niyang gamot? Ganun din ata yung gamot na kailangan ko eh."
tumango lang yung babae.

"Nasaan po yung prescription niyo?" tanong sakin nung babae.

"Ha?" bakit kailangan pa ng prescription? Hindi ba gamot sa sakit ng ulo lang yun?

"Wala eh." sagot ko naman.

"Ay hindi po kayo makakabili nun hangga't walang reseta kasi gamot sa sakit sa puso
yun eh. Bakit may sakit din kayo sa puso? Kabata niyo naman." hindi na ko nakinig
pa sa mga sinasabi nung babae, naikuyom ko na lang yung mga kamao ko.

"Mga kaibigan pala ah. Alam ko na ngayon kung saan ka pupuntahan Jacques de Vera."
tinitimpi ko lang yung galit ko pero punyeta kahit anong oras pwede akong sumabog
sa galit at selos na nararamdaman ko!! Wala sana akong masamang masabi. Nakaka-
putangina lang talaga!!!

Agad kong pinaharurot yung sasakyan ko patungo sa lalaking yun. Hindi ba niya ko
talaga pagbibigyan?!! Anak niya ko pero ginaganito niya ko?!! Anakng!! Hindi ko
talaga siya mapapatawad?!! At si Jackie?!! Hindi ko 'to mapapalampas!! Magagawa
niyang magsinungaling sa sarili niyang asawa para alagaan yung hayup na yun?!!
Hindi ako makapaniwala! Parangs sasabog yung ulo sa kakaisip na ilang linggo silang
magkasama lagi. Agad kong pinindot ng mariin yung busina, kahit sa paraan man lang
na yun eh mabawasan yung galit ko.

Pagkarating ko sa mansion ay gigil na gigil kong pinindot yung doorbell wala akong
pakialam kung mabingin man sila sa loob ang mahalaga yung nararamdaman kong galit
at selos ngayon. Pagbukas pa lang ng pinto nakita ko na si Jackie. Tangina!
Halatang gulat na gulat siya. Tinignan ko siya simula ulo hanggang paa. Naka-apron
pa siya, lalo akong nagalit ng makita si Papa na pababa ng hagdan. Aba! Tangina nga
talaga!

"MAGSAMA KAYO MGA PUTANGINA NIYO!" yun na lang ang sinabi ko at tumalikod na. Agad
kong sinuntok yung manibela at pinaharurot iyon. Pinagkatiwalaan pa naman kita
Jackie. Sa sobrang pag-iingat ko na huwag kang masaktan muli hindi ko naisip na
maaari mo akong saktan ng ganito. Gumaganti ka ba? Pero bakit si Papa? Hindi mo ba
alam kung gaano kasakit?!! Ang ipagpalit ka sa sarili mo pang ama?!! ARGHHHH!!

***

Nagpunta ako sa bar para mag-inom. Tangina! Ito ang mahirap sakin eh, hindi ako
nalalasing kahit anong inumin ko! Lagi ko tuloy naaalala yung nangyari kanina!
Nakakainis. Gusto kong manuntok! Pinalipas ko na lang yung oras ko sa bar hanggang
sa nagbukas na. Ayoko ng isipin kung ano man yung ginagawa ngayon ng ama ko at ng
magaling kong asawa. Just great! Bullshit!

Habang nasa counter may dalawang sexy na babae ang naupo sa stool at nagtatalo ata
hindi ko alam kung ano at hindi ko naman ugali ang makinig sa usapan ng iba. Tss.
Tinanong ko yung order nila tapos nagtalo pa sila. Ewan ko sa kanila. Bukod kay
Brooke wala pa nga pala kong nabibiktima sa 13 Hell Shots. Tama, para magkakulay
naman ang gabi ko. Peste kasi!

"Baka gusto nyong i-try ang 13 Hell Shots." tanong ko sa dalawang babae kaya
napatigil sila sa pag-uusap.

"No thanks." agad na pagtanggi na Sheila ata yung pangalan ayon sa pagkakarinig ko.

"13 Hell Shots? What's that?" ayun! Mukang interesado yung isa!

"Huy Biancx gusto mo bang gerahin ako ng asawa mo ha? Nako kuya next time na lang
namin itatry baka matulad pa sakin 'tong kasama ko maging SMP pa." natawa na lang
ako dun sa pagtanggi nung isa.

"Sige. Dahil din naman sa 13 Hell Shots na'to kaya naghiwalay kami ng asawa ko."
bigla ko kasing naalala nung una kaming nagkahiwalay dahil sa 13 Hell Shots yun.
Inatake ako ng selos.

"Wag na pala kuya. Di mo naman sinabi agad kung maka-offer ka naman." sabi pa nung
Sheila.

"Solve na pala ko sa Margarita ko. K.Thanks." tsk. Sayang naman. Bianca? Parang
pamilyar sakin yung pangalan na yun ah? Sa susunod yung Sheila naman bibiktimahin
ko. Tinanggihan ba naman. Basta!
***

After 6 months

Jackie's POV

"Grabe!! Anyare sayo? Hindi pa nga kami naniniwalang may asawa ka na tapos buntis
ka na?!!" gulat na gulat na tanong ni Sheila sa akin noong dumalaw ako sa kanya.

"Eh bakit ba? Sabi ng may asawa ako eh." kahit na 6 months na kaming hiwalay. Hay.
Pagka-uwi ko sa condo para mag-explain wala na siya doon. Alam ko kasalanan ko na
nagsinungaling ako at pinagsisisihan ko ng husto yun. Gusto ko lang nama makatulong
eh. Bwisit na hormones yan! Ang bilis kong maiyak pero siyempre pinigilan ko yung
sarili ko dahil kaharap ko si Sheila.

"Kailan mo naman ipapakilala samin yung ama niyan? Nako! Madaya ka talaga!" sabi ni
Sheila na busy pa din dun sa ginagawa niya.

"Kamusta naman kayo ni King?" tanong ko sa kanya.

"Hay. Pwede ba?" natigil kami sa pag-uusap ni Sheila noong dumating si Brooke.
Tumayo na ko at bumeso sa kanya.

"Iwan ko muna kayo. Mukang trabaho na naman yang pag-uusapan niyo." sabi ko sa
kanilang dalawa. Si Sheila pa eh laging nagpapakamatay sa trabaho yan.

"Ay gusto mong mag bar mamaya Jackie?" tanong sa akin ni Brooke. Nyah. Bitter ako.

"Uhmm may gagawin pa ko eh. Kayo na lang. Babush!" hay. Kailangan kong magkayod
kabayo para sa anak ko. Ayoko naman tumanggap sa kahit anong tulong ni Sander.
Nasan ka na ba Stanley? Hindi mo na ba ako mahal? Kailangan mong malaman na
magkaka-anak na tayo. Kailangan kong i-explain ang lahat lahat. Kailangan mong
malaman na hindi kita niloko. Paglabas ko ng pinto dun lang ako umiyak.
Grabe 'tong pagbubuntis ko puro iyak na lang ginawa ko tuwing gabi, buti na lang
nariyan yung pamilya ko. Hay. Nagpapasalamat ako na buo ang pamilya. Kung may
maganda mang nangyari ay yun yung nakilala ko yung totoo kong ama. Sosyalen lang!
Nagkabalikan sila ni motherhood. Akalain mo yun?!! Nung umalis daw si mama ay hindi
niya alam na buntis ito and if nalaman daw niya hindi niya hahayaan na umuwi ng
Pilipinas si mama. Hindi siya nag-asawa kasi si mama lang daw yung mahal niya.
Taray! Ang haba ng hair ng mudra ko! Haha. Tapos ito pa yung nakakaloka sa lahat!
Ex ni mama si Sander!! Anakng!

Okay naman kami ni Sander, hindi na niya pinilit yung sarili niya sa akin. Ako pa
din yung nag-aalaga sa kanya. Hay. Lalong humihina yung katawan niya habang
tumatagal minsan si mama yung nagbabantay sa kanya. Hindi naman nagseselos si dad.
Kaloka lang! Kinakabog nila lovelife ko if magkaroon pa sila ng love triangle nina
Sander. Hahaha.

Nakasalubong ko si Bianca na tulad ko ay buntis din at walang asawa. Haha. Oh diba?


Ayos!! Joke. Basta ang alam ko kailangan daw ng time and spce ni Lyndon. Siya pa
talaga may kailangan nun?!! Sabagay nakakaloka naman talaga na yung namatay ni
kapatid ni Bianca eh nabuhay at namatay ulit. Ang gulo lang talaga!

"Uwi na ko buntis." paalam ko kay Bianca.

"Bye. Ingat buntis." bago naming tawagan since magkamuka kaming buntis. Si Sheila
pa lang ata di nabubuntis. Haha. Magulo din lovelife nun eh. Bitter kasi sa ex-
husband niya.

Uuwi muna ko ng bahay bago dalawin si Sander. Ipagluluto ko siya. Last month lang
na-stroke siya kaya paralized na yung half ng katawan niya. Walang mag-aalaga kundi
ako o kaya si mama. Si Patricia kasi ayun nagpunta ng America! Magpapa-retoke na
naman. Namimiss ko na yung bakla na yun. Pag-uwi nun mas babae pa siguro sakin.
Hahaha.

Dumaan muna ko sa grocery at doon ko nakasalubong si Beatrice. Shet! Wala naman ng


issue sa amin, pupunta na siya ng America para mag-aral. Nako baka magkita sila dun
ni Pat awayin pa siya. Haha.

"Sige ingat ka Bea."

"Sandali Jackie. Alam na ba ni Stan about diyan sa baby niyo?" tanong sa akin ni
Bea agad naman akong umiling. Nalungkot na naman ako. Kung sana nandito si Stanley.
"Dapat malaman niya. Mahal ka niya Jackie. Sobra. Wag niyong sayangin yung
pagmamahal na yun dahil lang sa hindi niyo pagkakaintindihan." sincere na payo ni
Bea. Tama nga si Stan, mabuting kaibigan si Bea.

"Saka wag mong isipin yung mga taong humuhusga sayo lalo na kung hindi totoo. Gusto
nga yung ugali mo eh. Kahit na maging bitch yung tingin sayo ng mga tao okay lang
sayo basta nagpapakatotoo ka lang samantalanga ko sweet nga tignan pero peke naman.
Hindi ko maipakita yung totoong ako. Bilib ako sayo." sabi pa niya. Ahh! Buntis
ako! Bakit siya nagsasalita ng ganyan? Napapaiyak tuloy ako.

"Ayos lang na makilala akong bilang isang bitch atleast totoo ako kesa dun sa sweet
at mabait nga pero fake naman." niyakap ko siya at bumeso sa kanya.

"Goodluck sa career mo." paalam ko sa kanya.

"Sana magkabalikan na kayo ni Stan. Ninang ako ha?" sabi din niya bago kami
naghiwalay ng landas.

***

Pagka-uwi ko naabutan kong naglalambingan yung parents ko. Argh! Nang-inggit pa


sila!

"Où avez-vous été ma belle fille?" anuraw?!! Dapat na ata ako matutong mag french
ng hindi ako ma-OP sa dalawag 'to. Hahaha. Tinignan ko naman si mama para sa
translation.

"San ka daw galing anak?"

"AHHH!! From work." kaloka! Nauubusan ako ng dugo kaka-english ha! Anyway nagpaalam
na ko sa kanila para kumain. Yung baby ko kasi gutumin eh. Hay. Excited na ko
makita yung baby ko. Yieeee. Habang kumakain ay bigla akong kinabahan kaya natabig
ko yung baso at nabasag iyon.

May masama kayang nangyari?!! Napalingon na lamang ako ng mag-ring yung phone ko.
to be continued...

Last chapter na po yung susunod dito then Epilogue ng whole series form Book 1-4.
Yieee. Alam ko ginulat ko kayo pero sabi ko naman hintayin niyo na lang yung THE
END. Tiwala lang. :* Salamat talaga sa sumubaybay nito. Huhu.

If mapapansin niyo kasabay nung lovelife ni Bianca yung kay Jackie.

#13HSTheLastShot

=================

Chapter 33 - The Last Shot

Paunawa: Basahin mabuti. Damdamin ang moment.

Chapter 33 - The Last Shot

Jackie's POV

Limang minuto na din ata akong nakatitig sa cellphone ko pero hanggang ngayon hindi
ko pa din alam kung tatawagan ko ba siya o hindi. Alam  ko namang malaki ang galit
niya sa akin dahil nagsinungaling ako sa kanya pero sapat na ba yun para hindi siya
magpakita sa akin ng anim na buwan?!! Fvcking six months!! Pinagbubuntis ko pa
naman ang anak namin. Sana man lang kausapin niya ko diba?! Kahit address man lang
niya!
Hiwalayan na ba talaga ang peg?! Hay. Kaya niya akong tiisin ng ganun? Ang hirap sa
kanya pag galit siya bigla bigla na lang nawawala! Naiinis na ko. Porke't alam
niyang mahal na mahal ko siya akala niya hindi ko na magagawang mainis sa kanya.
Amp. Nakaka-stress, baka lumaking pangit anak namin at wag naman sana.

Hindi dapat muna yun ang iniintindi ko. Dapat ang iniintindi ko si Sander.
Nagkasunud-sunod na yung complications niya kaya naman sinugod ulit siya dito sa
hospital. Kami ni mama yung nagbabantay sa kanya since yung kaisa-isa niyang anak
at asawa ko ay naglaho na naman. Kawawa naman si Sander, wala na siyang kamag-anak
bukod kay Stanley. Lately laging hinahanap ni Sander yung anak niya wala naman
akong magawa kundi umiyak na lang.

Kailangan kong gumawa ng paraan para magka-usap sila. Ang sabi ng doctor anytime
pwede ng kuhanin si Sander, hindi na kakayanin ng katawan niya ang isa pang heart
attack. Halos isang linggo na siya dito sa hospital dahil for monitoring siya.
Napaka bait sakin ni Sander, tinuring ko siyang isang mabuting kaibigan at ama.
Sana naman humaba pa yung buhay niya, kahit alagaan ko pa siya habambuhay gagawin
ko.Si Sander lang yung taong kailanman hindi hinusgahan kung sino at ano ako. Siya
yung taong hindi inisip na may masama akong intensyon sa kayamanan niya.

Naiiyak na lang ako pag naaalala ko lahat ng kabutihan niya. Please, Lord habaan
niyo pa yung buhay niya. Mahal ko siya. Mahal ko siya bilang anak at mabuting
kaibigan. Taeng hormones na'to! Umiiyak na naman ako. Sa tuwing iiyak ako sa tabi
niya ngumingiti lang siya ng matamlay at papahirin yung mga luha ko kahit hirap
siyang kumilos. Kahit na nahihirapan siya hindi pa rin niya ako hinahayaan na
malungkot, nariyan pa rin siya para pahirin yung mga luha ko. Sana matauhan na si
Stanley, kahit para lang sa ama niya bumalik siya. Tatanggapin ko yun.

Nagbuntong hininga ako at ibinalik na yung mask sa bibig ko at pumasok na sa loob


ng ICU. Masakit makita na yung dating masiglang si Sander nakagupo na lamang ngayon
sa kama. Sinusubukan pa din niyang magpatawa kahit hirap siyang magsalita at
madalas nakadepende na lang siya sa oxygen tank. Nakita ko na may pinirmahan siyang
mga papeles at umalis na din yung lalaking naka gown at mask din. Naupo ako sa
stool at hinalikan siya sa noo.

"Ano ba yan opisina pa din? Okay bang pakiramdam mo?" tanong ko sa kanya habang
hinihimas yung buhok niya.

"S-salamat" ngumiti siya ng matamlay.

"San naman? Ako nga ang dapat na magpasalamat sayo eh. Lagi kang nasa tabi ko, kaya
ngayon hindi kita iiwan kasi alam kong kailangan mo ko. Anobe! Ang drama! Haha.
"Si S-Stan?" paiyak na naman ako. Tatawagan ko na talaga si Stan. Ibababa ko na
yung pride ko!

"Uhmm tatawagan ko mamaya. Wag kang mag-alala okay? Magpalakas ka please? Ilang
months na lang magiging lolo ka na oh? Haha. Ano ba gusto mong itawag sayo ng apo
mo? I'm sure ayaw mong magpatawag lolo. Haha." garalgal na ang boses ko hanggang sa
mapaiyak na ako. Katulad ng ginagawa niya noon pinunasan niya yung mga luha ko.

"Don't cry. I'm sorry d-darling. Alam kong nasasaktan ka n-ngayon. I'm s-sorry."

"Shhh. Wala kang kasalanan okay? Kasalanan ko kasi nagsinungaling ako kay Stan pero
hindi ako nagsisisi. Kailangan mo ko eh." ngumiti ako sa kanya pero umiiyak pa din
ako. Parang baliw lang eh.

"Naalala mo ba nung una tayong magkita noon? Hindi ko pa alam na ikaw pala father-
in-law ko. Sobrang saya ko kasi ikaw yung tatay ng asawa ko. Hindi ako mahihirapan
makisama kasi alam kong hindi ka matapobre, pag nag-aaway kaming mag-asawa imbes na
si Stan yung kampihan mo ako yung kinakampihan mo kasi alam mong ako yung tama."
ngumiti lang siya at tumango. Hinawakan niya yung tiyan ko.

"Sana sayo magmana yung apo ko. S-sayang nga lang hindi ko na s-siya makikita."
nagbuntong hininga ako at nag sniff.

"Gago ka Sander ah! Wag ka ngang magsalita ng ganyan! Magpahinga ka na. May
aasikasuhin lang ako. Okay?" hinalikan ko siya sa noo at lumabas na ng ICU.
Pagkalabas ko nakita ko si mama na malungkot din, niyakap ko siya at umiyak.

"Tawagan mo na siya anak. Sobrang kitid ng utak niya kung titiiisin niya ang tatay
niya pati na din yang dinadala mo." tumango lang ako at ngumiti sa kanya.

"Hay. Nakakalokang life. Keriboomboom mo yan okay? Alagaan mo din yang sarili mo at
yang dinadala mo. Haha. Baka pumanget apo ko. Omegad! Ngayon pa nga lang ako
nagkaka-lovelife tapos magkaka-apo na ko?! Kalurkey!" tumawa lang ako at niyakap
ulit si mudra. Parehas kaming ayaw ng madramang moment pero di namin talaga
maiwasan eh.

"Bago manganak sumama ka samin ng daddy mo sa France. Mayaman na talaga tayo!!


Hindi mo na kailangan umasa diyan sa asawa mo! Gagong yun!" tumawa lang ako at
pinahid yung mga luha ko.

"Puntahan mo na nga lang si Sander sa loob. Haha. Watta small world talaga
mudrabels, ex jowawa mo pa siya. Hahaha."

"Psh. Wag ka ngang tawa ng tawa mamaya mapaanak ka ng dis oras diyan eh. Sige na
babush." ngumiti lang ako at naglakad palabas ng hospital. Inilabas ko yung
cellphone ko at nag-dial.
Please, sagutin mo.

***

Stanley's POV

"Busy pa din diyan sa new cocktail mo? Haha." bungad ni Bea pagpasok niya ng bar
ko, napatigil naman ako sa pag flair at ngumiti sa kanya.

"Oo eh." matipid kong sagot sa kanya habang siya naman ay naupo sa stool.

"Sya nga pala ninang ako sa binyag ng anak mo ah." nagulat ako sa sinabi niya kaya
naman muling napabalik yung tingin ko sa kanya, magsasalita pa sana ako ng bigla na
lamang mag ring yung cellphone ko kaya naman sinagot ko na ito at hindi na nag-
abala pang tignan sa caller's I.D kung sino yung tumatawag.

"Hello?" sagot ko.

"S-Stanley?" nabigla ako doon sa babaeng sumagot. Hindi ako pwedeng magkamali,
boses yun ni Jackie.

"A-anong kailangan mo?" hindi ko alam kung paano sisimulan yung conversation namin.
Pagkatapos ng araw na iyon ay hindi na ko nagpakita pa sa kanya. Hindi ko alam kung
bakit kahit na kating kati na kong makita siya. 

Heto na naman ako at nagpadalos dalos, hinusgahan at inisipan na naman siya ng


masama. Hindi ako nagpapakita dahil nahihiya ako sa lahat ng actions ko. Nasaktan
ko na naman siya. Napaiyak ko na naman yung babaeng nagbibigay ng ngiti sa akin.
Yung babaeng laging nakangiti sa mga taong nasa paligid niya ay pinapaiyak ko
naman. Hay. Kainis na bibig 'to eh kung anu-ano lumalabas sa bibig ko. Narinig ko
na nag sniff siya kaya naman nawala ako sa pag-iisip kong iyon.
"Please, bumalik ka na. I'm begging you." umiiyak siya. Lagi ko na lang siyang
nasasaktan. Shit!

"Si Papa, he's dying! Kailangan ka niya!" frustrated na niyang sabi pero ako hindi
pa din makapagsalita. Nalilito kasi ako.

"STANLEY ANO BA?!! Ano bang kinakagalit mo?!! Ang bobo mo! Alam mo namang mahal na
mahal kita tapos iisipin mo na may gusto ko yung tatay mo?!! Tarantado ka ba!!"
halos mabingi ako ng sinigawan niya ako kaya naman napalayo yung tenga ko dun sa
cellphone.

"Wag ka ngang sumigaw at magmura. Naririnig yan ng baby natin." napansin ko na


napangiti si Bea at tumango kaya napangiti din ako.

"H-ha?" hindi ko na siya sinagot at ibinaba na yung cellphone ko. Agad kong kinuha
yung jacket at helmet ko pero napatigil ako sa pagmamadali ng makaharap ko ulit si
Beatrice.

"Pano mong nalaman na buntis ang asawa ko?" ngumiti lang siya.

"Nakasalubong ko siya last week and nagkakwentuhan kami ng kaunti. Tsk. Tsk.
Stanley kung talagang mahal mo si Jackie dapat may tiwala ka sa kanya. Alam ko
ganoon talaga ang ugali ni Jackie, ikaw ang dapat na mas nakakakilala sa kanya kasi
asawa mo siya. Hindi mo ba ramdam kung gano ka niya kamahal ha? Wag kasi puro pride
ang pairalin mo." ngumiti ako at tumango. Alam ko, at buong buhay akong magsisisi
pag hindi pa kami nagka-ayos. God! 6 fvcking months without her is a pure hell!!
Pano ko natiis yun?!! Puchaa!!

"Isa pa, kung ako man si Jackie gagawin ko din yung ginawa niya. Hindi mo ba
nakikita? Mabait si Jackie, inalagaan niya ang Papa mo kahit na hindi naman niya
ito kamag-anak kasi ang alam niya mahalaga sayo ang Papa mo kaya dapat din niyang
pahalagahan ito. Make sense!" napa-kamot na lang ako sa ulo ko ng batukan niya ako
at tumawa.

""Puntahan mo na siya lalo na ang papa mo bago pa mahuli ang lahat." tinapik lang
niya ako sa balikat at tumango. Humalik lang ako sa pisngi niya at nagmadaling
tunguhin yung motor ko. Kailangan kong magmadali bago pa mawala ang lahat sa akin. 

Mahal ko si Jackie and I have forever to prove it to her.

***
After 30 minutes nakarating na din ako sa hospital kung saan naka-confine si Papa.
Lord, hindi pa naman huli ang lahat diba? Malaki ang kasalanan ko pero sana naman
bigyan pa ko ng isang chance. Kinain ako ng pagseselos ko, yung dalawang taong
mahalaga sakin nasaktan ko ng husto. Hindi pa naman huli para bumawi diba? Agad
akong nagtungo sa nurse station para itanong kung saan room si Papa at nagulat na
lang ako ng sabihin sa ICU ito naka-confine.

Medyo malakas pa si Papa nung huling kita ko sa kanya pero tangina 6 months ago pa
yun eh! Napapasabunot na lang ako sa buhok ko sa sobrang pagsisisi. No, not now.
Babawi pa ko kay Papa. Kailangan niya ko. Kailangan ako ni Jackie at ng anak namin.
Pucha! Ano ba 'tong nangyayari?!! Hindi ko mapapatawad sarili ko pag may nangyari
sa kanila.

Tumakbo ako patungo sa Intensive Care Unit kung saan naka-confine si Papa at
naabutan ko dun si Jackie, nakaupo sa silya at hinihimas yung tiyan niya. Napahinto
ako at pinagmasdan lang siya. Napakaganda ni Jackie magbuntis, napangiti ako ng
mapansin na naka-maternity dress siya. Ibig sabihin nung umalis ako may 3 weeks na
siyang buntis?! Kung nalaman ko lang sana agad hinding hindi ko siya iiwan. Sobrang
sama siguro ng loob niya sa akin, dapat naroon ako sa tabi niya nung naglilihi siya
kahit mahirapan pa kong hanapin yung pagkain na pinaglilihian niya hinding hindi
ako magrereklamo.

Naging makitid kasi ako. Putangina ko eh! Ngayon siya pa yung tumawag para
pabalikin ako imbes na ako dapat yung lumapit kasi ako yung may atraso. Tanginang
luha! Hindi naman siguro kabaklaan ang umiyak diba?! Hindi naman ako bato at manhid
para hindi masaktan eh. Kailangan din naming umiyak na mga lalaki. Kailangan din
naming i-comfort. Hindi ko na namalayan na unti-unti ko na palang inihahakbang yung
mga paa ko palapit sa kanya hanggang sa nakatayo na ako sa tapat niya.

Iniangat niya yung ulo at napaluha, yayakapin ko na sana siya ng bigla siyang
tumayo at paghahampasin ako sa dibdib. Iyak siya ng iyak habang ako naman hindi
lumalaban.

"GAGO KA!! BAKIT NGAYON KA LANG NAGPAKITA?!! TANGINA NAMAN STANLEY EH!! BAKIT
GAWAIN MO MAWALA NA LANG AT HINDI MAGPARAMDAM. HUHUHU. BAKIT?!!" niyakap ko na
lamang siya ng mahigpit at iniupo siyang muli dun sa silya dahil baka makasama yun
sa anak namin. Lumuhod ako at hinalikan ko yung kamay niya at yung tiyan niya.

"Nakakasama ka ng loob alam mo ba yun?!! Sa tingin mo ba magagawa ko yun?!! Ang


bobo mo! BOBO!" sinimulan na naman niya akong hampasin pero this time pinigilan ko
na siya at dinala ko sa bibig ko yung kamay niya para halikan.

"Kahit ano pang tawagin mo sakin tatanggapin ko. Oo tarantado, gago, puta at bobo
ako pero mahal kasi kita eh. Sorry kung ganito ako magmahal, nakakasakit pero mahal
talaga kita."
"Sabi mo hindi ka na magseselos. Bakit kailangan mong mawala kung kailan kailangan
ka namin? Huhu. Ang hirap Stan. Ang hirap!" umiyak na naman siya ng umiyak. Shit!
Ang sakit lang makita na nasasaktan yung taong pinakamamahal mo at ikaw pa mismo
ang dahilan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kailangan ko bang mag tumbling para
mapatawad niya. Sabihin niya lang gagawin ko naman eh.

"Darling, puntahan mo si Papa. Please? Kailangan ka niya ngayon." tumango ako at


hinalikan ko siya sa ulo. Pinagdikit ko yung noo namin at hinawakan ko yung pisngi
niya.

"Mag-uusap tayo mamaya ah?" tanong ko sa kanya tumango lang siya at umiyak na
naman.

"I love you so much darling. I love you. I really do." hinalikan ko siya sa labi at
tumayo na. Napahinto ako ng hawakan niya ko sa kamay.

"Hindi mo na kailangan mag-sorry sakin Stan. Hindi ka pa man nagsosorry napatawad


na kita. Ganon kita kamahal." ngumiti siya sa akin at pinahid ang kanyang mga luha.

"Sige na puntahan mo na siya or else hindi ko ilalabas 'to sige ka." ngumiti ako at
hinalikan siyang muli sa labi at pumasok na sa ICU. Binigyan ako nung nurse ng gown
and mask para mapasok then hinanap ko na si papa

***

Si Papa nakaratay na lang sa hospital bed at naka oxygen na lamang. Ang sakit
makita yung magulang mo na ganito. Ang sakit sakit. Tumabi ako sa hospital bed niya
at hinawakan yung kamay ko. Ngumiti ako ng dumilat siya, ganoon din siya ngunit
matamlay lang yung ngiti niya na halatang nahihirapan. Hinigpitan ko yung hawak sa
kamay niya. Damn! Nasaan na yung papa ko na masiyahin, babaero at masigla? Ibalik
niyo siya please? Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Isinubsob ko yung ulo ko sa
kama niya at umiyak ng umiyak, naramdaman ko yung pagtapik niya sa likod.

"S-Son. B-bumalik k-ka. B-bakit ka u-umiiyak? B-bakla ka b-ba?" natawa lang ako sa
tanong niya. Kahit nahihirapan na nagagawa pa din niyang magbiro. Iniagat ko yung
ulo ko at pinunasan yung mga luha kong ayaw ng magpaawat.

"Patawarin mo ko Papa. Naging masama akong anak. Patawad." humagulgol na ko at


niyakap siya. 
Napakasama kong anak. Laging nariyan si Papa sa tabi ko simula nung namatay si
mama, hindi niya pinaramdam na kulang yung pamilya ko. Ibinigay niya lahat ng gusto
ko lalo na yung hiling ko na huwag na siyang mag-asawa ulit kahit alam kong may
nagustuhan siyang babae noon. Naging mabuti at mapagbigay siyang ama samantalang
isa akong masama at madamot na anak. Bakit ganito? Kung kailan nagsisisi na ako
saka naman huli na ang lahat. Kahit kaunting panahon lang, hayaan naman sana akong
makabawi kay Papa.

"K-kahit a-ano pang n-nasabi m-mo ayos l-lang. A-anak k-kita eh. A-alam kong huli
na ang lahat p-pero sana kay Jackie at sa a-apo ko na lang ikaw bumawi. M-mahal na
mahal ka niya anak." tumango lang ako at hinigpitan yung pagkakahawak sa kamay
niya.

"G-gusto kong matulog. Pagod na k-ko eh." tumango ako at inayos yung kumot ko.

"Sige, matulog ka lang. Hindi kita iiwan." hinalikan ko sa noo si Papa at umiyak na
naman. Totoo nga yung kasabihan na yung anak matitiis yung sarili niyang mga
magulang ngunit hindi ang mga ito na hindi kayang tiisin ang kanilang anak.

Nasa ganoon akong pag-iisip ng bigla na lamang mag-ingay yung katabing monitor ni
papa kaya naman napatayo ako at agad na tinawag yung doctor. Pumasok din si Jackie
at yung mama niya. Niyakap ako ni Jackie ng mahigpit habang ako naman ay isinubson
ko lang yung mukha ko sa balikat niya habang umiiyak.

"He's gone. Alam ko masaya siyang nawala." she said.

***

Jackie's POV

Inilagay ko yung white flowers sa tapat ng puntod ni Sander at pagkatapos noon ay


yumakap kay Stan na umiiyak din. Sander, kung nasan ka man sana wala ka ng
iniindang karamdaman. Alam kong masaya ka na diyan kasama ni mother-in-law. Hay.
Masaya ako at nakilala kita, itinuring kitang ama at bestfriend. Mamimiss ko
pagiging cool dad mo. I love you. Masakit man na iwan mo kami ng anak at apo mo ay
tatanggapin namin kasi alam namin na diyan hindi ka na mahihirapan. Pinahid ko yung
mga luha ko at tumingala kay Stan, ngumiti ako sa kanya at niyakap ko siya ng
mahigpit.

"Masaya ako kasi napatawad niya ko darling pero nagsisisi pa din ako dahil hindi ko
sa kanya naparamdam yung pagmamahal ng isang anak." malungkot na sabi ni Stan.
Hinawakan ko yung kamay niya at inilagay sa tummy ko.

"Kaya nga ibinigay si Baby Jannie diba? Siya yung second chance mo." hinalikan niya
ako sa labi at tumalikod na kami upang maglakad pabalik sa kotse.

Magsisimula kami ng panibago. Kasama ang anak namin.

***

"Uy! Kabuwanan mo na kung anu-ano pang trip pa nalalaman mo? Akala ko ba napatawad
mo na ko eh bakit pinapahirapan mo pa ko?" reklamo ni  Stan habang inihahanda yung
13 Hell Shots.

"Diba nga nag-propose ka sakin last night?" mapanukso kong tanong sa kanya agad
naman siyang sumimangot ng maalala yun.

"OO! Tinaggihan mo ko!" nakasimangot niyang sagot.

"Hahaha. Hindi kita tinanggihan no." inilabas ko yung singsing at inilagay sa last
shot.

"Heto ang rules. Kailangan maubos mo yang 13 Hell Shots na mas pinatapang. Hahaha.
Pag naubos mo yan at hindi ka pa natutumba kuhanin mo yung singsing then isuo mo sa
darili ko. Then pumapayag na kong magpakasal tayo sa simbahan! Ano game ka?"
ngumiti lang siya ng nakakainis.

"CALL!!"

1st shot. Margarita


2nd shot. Grasshopper

3rd shot. Black Russian

4th shot. Gladiator

5th shot. Bloody Mary

6th shot. Mojito

7th shot. Gin and Tonic

8th shot. Hot Buttered Rum

9th shot. Screw Gin Fizz

10th shot. '57 Chevy

11th shot. Martini

12th shot. Strawberry Daiquiri

THE LAST SHOT. The Sex on the Beach.

Agad niyang kinuha yung singsing sa loob nung martini glass at ininom yung laman
nun. Langya! Hindi man lang ata nahilo lalaking 'to eh. Hahaha. Agad siyang lumuhod
sa harapan ko.

"Jacques de Vera, will you marry me? Again?" ngumiti ako.

"Tangina! OO naman! Now na ba?!" agad siyang tumayo at isinuot yung singsing sa
daliri ko.

"Tanginang yan. Sasagutin na nga lang ako mumurahin pa ko. Hahaha. I love you." he
said. Niyakap ko din siya.

"I love you too Stanley de Vera."

THE END.

Wala sanang gagamit ng 13 Hell Shots sa story nila. Thanks. :) Sana nagustuhan niyo
ending ng LAST BOOK. Yieee. Tapos na TVFN Series na pinaghirapan ko ng 1 year and 3
months. 

Abangan niyo yung EPILOGUE ng buong series.

Mahabang comment po sana. :) Lumabas na lahat ng silent readers diyan kahit ngayong
last book lang oh? ;)

I LOVE YOU GUYS! </3

#13HSTheLastShot

https://twitter.com/BonitaBabyy
=================

Epilogue

Epilogue

"Tangina!! Ang sakit!!" sigaw ni Jackie habang nag-llabor at nakakapit sa braso ni


Stanley na halos magdugo na dahil sa kuko nito.

"Wag ka ngang maingay!" bulong sa kanya ni Stanley.

"Bakit nung sa sarap magkasama tayo pero bakit nung hirap ako na lang?!!" sigaw ni
Jackie at lalong hinigpitan nito ang pagkapit sa balikat ni Stan ng sumunod na
contraction.

"ANG SAKIT!!" pinahid niya ang pawis ng asawa na kanina pa hirap sa pag-llabor.

"HINDING HINDI NA KO BABALIK DITO?! LAST NA'TO!!" sigaw pa ni Jackie.

"Sus. Last year sinabi mo din yan." biglang singit ni Sheila. Full Force ang
magkakaibigan at sinamahan pa si Jackie hanggang labor room samantalang ang mga
asawa nito naman ay naghihintay lamang sa lounge.

"Wag ka ngang ewan!" irap ni Jackie sa kaibigan.

***

Noong kasal nina Jackie at Stanley isang taon na ang nakakaraan ay nakilala na nito
ang mga kaibigan ng asawa na sina Brooke, Bianca at Sheila kasama ang mga asawa at
anak nito. Ganoon na lamang ang kanilang pagkagulat ng makilala si Stanley, ang
bartender na nag-alok sa kanila ng 13 Hell Shots noong mga panahong problemado
sila. Dahil doon naniwala na sila na may asawa na nga si Jackie.

Naging malapit na magkakaibigan ang apat na pares lalo pa't matagal na pa lang
kilala ni Brooke si Stanley na naging kaibigan niya noon sa Puerto Azul. Si Jackie
na nga lamang ata ang huli sa balita at dahil na rin hindi magtagpo ang kani-
kanilang mga landas.
Sino nga ba ang mag-aakala na ang apat na magagandang babae na may iba't-ibang
personalidad ay magiging matalik na magkakaibigan. Iba't-iba man ang perception
nila sa isa't-isa, madalas mang magkabangaan ay nariyan pa din sila upang
magdamayan. Sa kabila ng mga pagsubok na dumaan sa bawat isa ay hindi nawala ang
mga kaibigan na laging nariyan.

Si Brooke Crisostomo. Isang photographer at anak ng may ari ng Crisostomo Real


State Corpotion ay kilala bilang isang mahinhin at hindi makabasag pinggan. Ngunit
ng makilala niya si Yvo Villena ay unti-unti niyang nailabas ang ugaling hindi niya
alam na tataglayin niya. Isang matapang at bold na dalaga. 

How ironic, sa kanilang magkakaibigan ay ni sa hinagap ay di mo iisipin na ibibigay


niya ang kanyang sarili sa isang estranghero gayong ganoon na lamang ang
pagpapahalaga niya sa kanyang sarili, samantalang ang kanyang mga kabigan na kilala
sa pagiging bold at liberated ay nagpakasal muna bago ibigay ang sarili sa mga
kabiyak nito.

Si Bianca Alvarez. Isang Interior Designer. Sa kabila ng pagiging wild and party
girl nito ay ang isang babaeng lihim na nagmamahal sa kanyang bayaw. Isinakripisyo
niya ang kanyang malayang pamumuhay upang matali sa isang kasal at tumayong ina sa
kanyang mga pamangkin na nangangailangan ng isang ina. Matiyaga siyang maghintay
hanggang sa ibigin na siya ng kanyang asawa na si Lyndon Ronquillo? Sino nga ba ang
hindi hahanga sa sakripisyo niya bilang kapatid, asawa at ina?

Si Sheila Estevan. Isang Architect. Pinilit niyang lumayo sa pag-ibig ngunit ito na
mismo ang lumapit sa kanya hanggang sa mahulog ang loob niya kay King Romualde.
Dahil dala ng kabataan at kapusukan ay maagang nagpakasal ang dalawa ngunit dahil
sa sunud-sunod na pagsubok na dumating sa kanilang mag-asawa ay pinili ni King ang
iwan na lamang siya habang siya naman ay naiwang miserable dahil minahal niya ng
lubos ang lalaki na naging dahilan upang isakripisyo niya ang kanyang mga pangarap.

Muli siyang bumangon at tinupad ang mga pangarap niya. Muli ay naging mailap siya
sa mga lalaki, pilit isinubsob sa trabaho ang lahat ng kanyang kalungkutan ngunit
bumalik si King upang hilumin ang puso niyang ito mismo ang sumira. Ngunit paano
kung huli na ang lahat? Nagawa na niyang hilumin ang puso niyang mag-isa at hindi
na kailangan ito. Masakit man sa kanya ay kailangan na niya itong iwan at magsimula
ng bagong buhay. Buhay na hindi na kasama ito, hanggang sa matagpuan na niya ang
tunay na pag-ibig kapiling si Engr. Luigi Cueva. Nakakatuwa nga lang na sa hinahaba
haba ng prusisyon kay Luigi lang pala siya matutuloy na naging ex boyfriend ng
kanyang kaibigan na si Bianca.
At huli si Jacques Dimaguiba. Isang Real State Agent. Ang taklesa, palengkera
ngunit maabilidad. Sa likod ng kanyang mga ngiti at tawa ay isang babaeng puno ng
insekyuridad dahil sa kanilang magkakaibigan ay siya lamang ang naiiba. Ang kanyang
mga kaibigan ay kilala bilang edukada at disente, sa kabila noon ay naging totoo pa
din siya sa kanyang sarili, ipinapakita niya at sinasabi kung ano nga ba ang
kanyang nararamdaman na nagiging sanhi upang husgahan siya ng mga taong hindi naman
siya lubos na kilala.

Hanggang sa makilala niya si Stanley de Vera. Ang lalaking minahal niya na kahit sa
una pa lamang ay hinusgahan na ang kanyang pagktao. Hindi siya nagbago para lang
mapa-ibig ito kundi minahal siya nito kung sino at ano pa man siya. She's too
charming in her own way kahit na balahura pa siyang magsalita.

Sa ngayon ay may dalawang anak na si Brooke at Yvo, si Yvo na ang namamahala ng


Real State Corporation na ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang father-in-law.Si
Bianca naman masaya na sa pamilya niya, itinuring niyang parang sariling mga anak
sina Elaine at Ivan na anak ni Lyndon sa kanyang kapatid. Mayroon na din silang
isang anak. Si Sheila and Luigi naman ay mag-mmigrate na sa Canada next year
pagkatapos manganak ni Sheila sa kanilang panganay. At si Jackie naman ay buhay
reyna dahil si Stanley na ang namamahala sa kompanyang iniwan ng ama nito, mayroon
na silang dalawang anak na isang taon lamang ang pagitan.

Kung minsan, kahit gaano pa kayo katagal na magkaibigan ay hindi niyo pa rin
masasabing lubos  niyo nang kilala ang isa't-isa. Katulad nina Brooke, Bianca,
Sheila at Jackie. Dahil sa mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay ay mas
nakilala nila ang isa't-isa, nawala ang kanya-kanyang isipin tulad na lamang ng
"Hindi na virgin si ganyan kasi ganito...". Mali! Minsan kung ano yung nakikita mo
sa isang tao ay siyang ang kabaligtaran ng ugali nito. 

Dahil walang makakaalam kung kailan mangyayari ang THE VIRGIN'S FIRST NIGHT.

END of The Virgin's First Night Series


Thank you sa lahat ng suporta sa The Virgin's First Night Series. :) Loveyouuuu
guys!

You might also like