FIL 2 – Pagtuturo ng Filipino Sa Elementarya – Panitikan sa Pilipinas
Ano ang Panitikan?
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damfamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao at ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula. Ang salitang Panitikan ay nanggaling sa salitang “pang-titik-an” na kung saan ang unlaping “pang” ay ginamit at hulaping “an” at sa salitang “titik” naman ay nangunguhulugang literatura (literarture), na ang literatura ay galling sa Latin na littera na nangangahulugang titik. Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak, at pangamba. (Sanggunian: https://www.slideshare.net/rodebellinawan/ang-panitikan) Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil. (Sanggunian: https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan)
Sa asignaturang Filipino, isa sa mga itinatalakay ay ang tungkol sa panitikan. Kadalasan,
ito ay itinatalakay sa sekondarya at kolehiyo sapagkat medyo komplikado ito at maraming sangay. Ang panitikan ay mga panulat na nagpapahayag ng mga karanasan, damdamin, kaisipan, o kwento ng isang tao. Ito ay maaring batay sa katotohanan o gawa- gawa lamang para sa isang layunin. Taliwas sa piksyon ay ang di-piksyon, ang uri ng panitikan o mga panulat na nagsasaad ng totoong kwento. (Sanggunian: https://philnews.ph/2019/07/15/ano-ang-panitikan-kahulugan-ng-panitikan- mga-halimbawa/) Ibigay ang mga Batayang Kaalaman sa Panunuri ng Panitikan