Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

DALUBHASAANG MABINI

Daet, Camarines Norte


Kolehiyo ng Edukasyon

GEC 11

MODYUL 3
Uri ng Panitikan: Mga Akdang Di Tuluyan (Patula)

A. Panimula
Ang modyul na ito ay inihanda para sa mga mag-aaral na may asignaturang GEC 11,
Panitikan ng Pilipinas upang maging gabay sa kanilang pagkatuto. Pokus ng modyul na
ito ang maibahagi sa mga mag-aaral ang uri ng panitikan sa mga akdang di tuluyan o
patula. Magiging tulay ito sa malalim na pang-unawa sa panitikan ng Pilipinas.

B. Layunin
Matapos na mapag-aralan ang modyul na ito ang mga mag-aaral ay matatamo
ang mga sumusunod;

1. Nalalaman ang iba’t ibang uri ng panitikan sa akdang tuluyan at mga halimbawa
nito.
2. Nakasusuri ng mga akdang patula at naiuugnay ito sa mga pangyayari sa buhay.
3. Nakapagbabahagi ng sariling pananaw hinggil sa napag-aralang modyul.

4. Napagtitimbang ang mga kahalagahan ng bawat uri ng panitikan sa akdang


di-tuluyan.
5. Nakalilikha ng sariling tula gamit ang mga pamantayan sa napag-aralang modyul.

C. Nilalaman ng Talakayan

Panuto:
Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod, pag-aralan at makiisa sa mga
online na pagkaklase ng guro kaugnay ng mga nilalaman ng modyl na ito. Pagkatapos
pag-aralan ay may mga inihandang surpresa ang guro sa lalong ikauunlad ng pang-
unawa at dunong ng mga mag-aaral.

Narito ang grapikong representasyon ng akdang di tuluyan unawaing mabuti.

TULANG PASALAYSAY

AKDANG
TULANG DI- TULANG LIRIKO
PANTANGHALAN TULUYAN

TULANG PATNIGAN
Ang Tula
- Ang pagsulat ng tula ay naiiba sa sangay ng panitikan sapagkat ito ay;
 Nangangailangan ng masusing pagpili ng mga salita
 Pagbilang ng mga pantig
 Paghahanap ng magkakatugmang salita upang maipadama sa mga
mambabasa ang damdaming nais iparating ng manunulat sa mga
mambabasa.
- Sa isang tula ay maaaring may tatlong interpretasyon o pakahulugan:
 Sa manunulat
 Sa guro, at
 Sa mag-aaral, bagama’t ang pinakadiwa ay iisa lamang.
- Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan na
natitipon sa isang kaisipan upang maangkin ang karapatang matawag
na tula. (Julian Cruz Balmaceda)
- Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang tonong
kariktang makikita sa silong ng alinmang langit. (Iñigo Ed. Regalado)
- Ang pagtula’y panggagagad at ito’y lubhang kahawig ng sining ng
pagguhit, paglilok, at pagtatanghal. (Fernando Monleon)
- Ang tula ay kamalayang nagpapasigasig (heightened consciousness).
(Alejandro G. Abadilla)

Akdang Di Tuluyan o Patula


- Ito’y mga akdang may sukat at tugma sa bawat taludtod at saknong.
Kung mapapasin ang grapiko sa itaas mayroong apat na halimbawa
ang akdng di tuluyan, ito ay ang tulang pasalaysay, tulang patnigan,
tulang dula at tulang liriko.
 Tulang Pasalaysay
- ito ay mga akdang naglalarawan sa mga mahahalagang tagpo sa
buhay ng mga pangunahing tauhan, tulad ng kabiguan sa pag-ibig,
mga suliranin at pakikidigma at tagumpay ng mga bayani.
 Epiko – ang mga epiko ay nagsasalaysay ng mga kabayanihan ng mga
pangunahing tauhan na halos hindi kapani-paniwala dahil naglalaman ito
ng mga kababalaghan. Ito ay nagbubunyi sa isang alamat o kasaysayan
na naging matagumpay laban sa mga panganib at pakikidigma.
-Basahin ang halimbawa ng isang epiko.
Indarapatra At Sulayman
(Epiko Ng Mga Muslim)
Isinulat Ni Bartolome Del Valle
 Awit at Kurido- ang mga ito’y may mga paksang hango sa pangyayaring
tungkol sa pagkamaginoo at pakikpagsapalaran ng mga pangunahing
tauhan. Karaniwang mga hari at reyna, prinsipe’t prinsesa ang mga
pangunahing tauhan.
 Awit- may sukat na labindalawang(12) pantig sa bawat taludtod at
inaawit sa mabagal na saliw ng gitara o bandurya. Karaniwang
nilalapatan ng tugtuging maikli at nagpapaksa ng pag-ibig,
kabiguan, poot, atbp. Tinatawag ding kundiman
 Kurido-may sukat na walong(8) pantig sa bawat taludtod at
binibigkas sa kumpas ng martsa.
- Isang halimbawa ng Kurido ay ang pinag-aralang Ibong Adarna noong
kayo ay nasa unang taon ng sekondarya at Florante at Laura naman sa
awit na pinag-aaralan sa ikalawang taon ng sekondarya.

 Balad-ito ay may himig na awit dahilang ito’y inaawit habang may


nagsasayaw. Ito ay nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay
napapasama na ito sa tulang kasaysayan na may anim haggang walong
pantig.
 Tula ng Damdamin o Tulang Liriko
- Ang uring ito’y nagpapahayag ng damdaming maaaring sarili ng
sumulat o ng ibang tao, o kaya ay likha ng maharaya o mapangaraping
guni-guni ng makata na batay sa isang karanasan.
- Karaniwang maikli, likas at madaling maunawaan ang mga ito.
 Awiting Bayan- ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang
pag-asa o pamimighati, pangamba, kaligahayan, pag-asa at
kalungkutan.
“Chit Chirit Chit”

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Santo Niño sa Pandacan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

Mama, mama, namamangka


Pasakayin yaring bata.
Pagdating sa Maynila
Ipagpalit ng manika.

Ale, ale, namamayong


Pasukubin yaring sanggol.
Pagdating sa Malabon
Ipagpalit ng bagoong.

Sitsiritsit, alibangbang
Salaginto at salagubang
Ang babae sa lansangan
Kung gumiri'y parang tandang

Santo Niño sa Pandacan


Putoseko sa tindahan
Kung ayaw mong magpautang
Uubusin ka ng langgam

 Soneto-ito’y tulang may labing apat(14) na taludtod hinggil sa damdamin


at kaisipa, may malinaw na batiran ng likas na pagkata at sa kabuuan,
ito’y maghahatid ng aral sa mga mambabasa

“Soneto ng Buhay”
(Fernando B. Monleon)
 Elihiya-nagpapahayag ng damdamin o guni-gunit tungkol sa kamatayan o
kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.

“Awit sa Isang Bangkay”


(Bienvenido A. Ramos)
 Dalit- awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na BIrhen at nagtataglay ng
kaunting Pilosopiya ng Buhay.

Birheng Maria

O Mariang sakdal dilag


Dalagang lubhang mapalad
Tanging pinili sa lahat
Ng Diyos Haring Mataas

Itong bulaklak na alay


Ng aming pagsintang tunay
Palitan mo birheng Mahal
Ng tuwa sa kalangitan

(Koro)

Halina’t tayo’y mag-alay


Ng bulaklak kay Maria
Halina’t magsilapit
Dine sa Birheng Marikit
Ng isang kaibig-ibig
Dakilang Reyna sa langit
Ng ampuni’t saklolohan
Tayong mga anak niya
 Pastoral-ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

“Bayani ng Bukid”
(Al Perez)
 Oda- nagpapahayagng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang
damdamin;walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod
sa isang saknong.

“Tumangis si Raquel”

Tumangis si Raquel
Wala na ang lusog ng hinubdang dibdib
Wala na ang bango ng labing nilanta.
Ang mga buwitre’y nagpipiging
Sa katawang tinubos
Ng tatlumpung putol na pilak

 Tulang Dula o Pantanghalan


- Ang tulang dula o tulang pantanghalan o dulang pantanghalan ay kahit
anumang drama na sinulat bilang isang berso para wikain. At ang dula
ay isinasagawa sa tanghalan kaya ito ay tinawag na dulang
pantanghalan.
- Ang uring ito ng tula ay hindi lamang sumsaklaw sa moro-moro o
komedya, tibag, panuluyan, sarsuwela, senakulo, kundi gayon din sa
mag-isangsalaysay (monologo), lirikong dula, tulang dulang
katatawanan, tulang dulang kalunos-lunos, melodramang dula, at dulang
parsa.

 Melodrama- Ang uring ito ng tula ay hindi lamang sumsaklaw sa moro-


moro o komedya, tibag, panuluyan, sarsuwela, senakulo, kundi gayon din
sa mag-isangsalaysay (monologo), lirikong dula, tulang dulang
katatawanan, tulang dulang kalunos-lunos, melodramang dula, at dulang
parsa.

Panuorin ang halimbawa ng pagtatanghal sa youtube iclick lamang ang na


makikita sa ibaba.
https://www.youtube.com/watch?v=jeKoCeDIt84

 Komedya - Ang Komedya ay isang dulang patanghal (karaniwang


binubuo ng oktosilabiko o dodekasilabikong quatrain), na gumagamit ng
nakaugaliang marcha para sa pagpasok at pag-alis sa entablado, batalla
o labanan na may koreograpiya, at magia o mga mahihiwagang epekto
sa palabas. Ito ay kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang tatlong
araw upang ipagdiwang ang pyesta ng patron.
 Trahedya- angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas
sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
 Parsa- isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng
mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa
 Saynete – ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-
uugali ng tao o pook.
 Tulang Patnigan- karaniwan ng nangangatwiran, nanghihikayat at nagbibigay-
linaw tungkol sa isang paksa.
- Sa Ilokano ang tawag sa ganitong uri ng tula ay Bukanegan, nagmula
ang katawagang ito sa pangalang Pedro Bukaneg na siyang ama ng
Panitikang Ilokano.
- Kahalintulad naman ito ng Crisotan ng Kapampangan na sinunod naman
sa pangalang Jose Crisostomo Soto na siyang kinikilalang ama ng
panitikang Kapampangan.
 Karagatan- ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na
naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa ang
kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa
kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakukuha’y pakakasalan
niya. Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng
laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabo na may tandang
puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang
tatanungin ng dalaga ng mga talinhaga.
 Duplo – ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa
pagbigkas at pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa mga sawikain, at
mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
 Balagtasan – ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng
Siesne ng Panginay na si Francisco Baltazar. Ito’y tagisan ng talino sa
pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan.

You might also like