Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

IMPLUWENSIYA

Katangian ng Isang Lider: IMPLUWENSIYA

MGA PANGUNAHING KATANUNGAN


1. Ano ang dapat gawin ng lahat ng tao?
2. Bakit napakaraming masasamang pinuno sa mundo?
3. Kailangan mo ba ng mataas na posisyon upang mamuno?
4. Ano ang tamang modelo ng pamumuno?

ANG LIDER NA NAGLILINGKOD AY MAY IMPLUWENSIYA


Ano ang naiisiþ mo kapag sinabi ang mga salitang 'pagiging lider'? Ang naiisip ng ilan ay ang mga bayaning
sundalo, mga nagwaging tagapagsanay ng mga manlalaro o mga kilalang pulitiko. Para sa kanila, ang
pagiging lider ay tungkol sa karangalan at kapurihan. Ngunit hindi matutumbasan ng lahat ng kasikatan sa
mundo ang pagiging isang mabuting lider. Ang naisip naman ng iba ay ang mga diktador o mga hari. Para
sa kanila, ang pagiging lider ay pagkakaroon ng kapangyarihan o posisyon, ngunit
ang pogkakaroon ng mga ito ay hindi nangangahulugan ng pagging isang mabuting lider. Isang bagay ang
tiyak: may potensyal ang bawat isa na maging lider, para sa mabuti man o para sa masama. Ang mga tao
na namumuno ay madaring makagawa ng mga dakilang bagay. Subalit kung minsan, maaari din silang
makagawa ng mga masasamang mga bagay.

Ang pagiging lider ay pagkakaroon ng impluwensiya. At ang impluwensiya ay ang kakayahang makahikayat
sa mga tao na sama-samang gumawa para sa mas malaking layunin. Ang mas malaking layuning ito ay
maaaring mabuti o masamang bagay.

SINO ANG MAY IMPLUWENSIYA?


Sino para sa iyo ang taong may impluwensiya?
Kung may kakayahan, basahin ang mga kwento tungkol sa mga sumusunod na tao:
 Lebron James
 Adolf Hitler
 Mother Teresa
Sila ba ay may impluwensiya?

Pagbubulay-bulay sa Banal na Kasulatan

Basahin ang kwento sa pahina 3-4 ng Gabay ng Mag-aaral at:


 Salungguhitan ang lahat ng bagay na ipinag-uutos ng Diyos sa mga tao pagkatapos niya silang
likhain.
 Bilugan ang mga salitang may kaugnayan sa pagiging lider.

Sagutan ang tanong 1-4 sa pahina 4.


IMPLUWENSIYA
NiIikha ng Diyos ang mga tao para maging mga lider na gagamit ng kanilang kakayahan upang gawing mas
mainam na lugar ang mundo. Ngunit bakit napakaraming mga lider ang umaabuso sa kanilang
kapangyarihan at nananakit ng ibang tao sa halip na tumulong sa kanila? Ang masamang pamumuno ay
bunga ng kasalanan. Kapag inisip ng mga tao na maaari silang mamuno at gumawa ng kahit anong naisin
nila nang hindi nakikinig sa Diyos o sumusunod sa kanyang mga utos, nagiging makasarili sila at
napapahamak ang iba.

Balikan ang kwento:


 Salungguhitan nang dalawang beses kung paanong tinukso ng ahas si Eba upang kainin ang
prutas
 Guhitan ng kahon ang nangyari kina Adan at Eba pagkatapos nilang kainin ang prutas.

"Ang maunawaang nilikha ng Diyos ang tao at binigyan ito ng layunin ay magbibigay-liwanag sa atin na
ang lahat ng tao ay may potensiyal (o kakayahan) na maging lider:"

Pagpapalalim ng Kaisipan
Sinuway nina Adan at Eba ang Diyos. Dahil dito, pumasok ang kasalanan sa kanilang mga puso, at nasira
nito ang mundo. Mula noon, sinikap ng mga tao na mamuno nang wala ang tulong ng Diyos. Imposible na
maging mahusay na lider kung wala ang tulong ng Diyos. Kung gusto nating maging mga mabubuting lider,
kailangan nating kilalanin na tayo ay makasalanan at kailangan natin ang kapatawaran at biyaya ng Diyos.
Sa sandaling tanggapin natin ang tulong ng Diyos at hangaring malugod Siya sa ating mga buhay,
matututuhan natin ang pagiging lider sa pamamagitan ng paglilingkod sa iba,
paghikayat sa mga tao na magtulungan, at pagpapabuti ng mundo.

Punan ang tsart (Tanong 5) sa pahina 4 ng Gabay ng Mag-aaral.

ANG LIMANG ANTAS NG PAGIGING LIDER


Madalas nating tinitingnan ang mga lider bilang mga taong may matataas na posisyon o may mga titulo.
Dahil dito, iniisip ng ilan na hindi sila maaaring maging pinuno maliban na lang kung sila'y may posisyon,
ngunit hindi iyon totoo,
Maaari kang maging lider mula sa kahit anong posisyon dahil ang pamumuno ay pag-impluwensiya. Kahit
sino ka man, maaari kang maka-impluwensya sa iba at lumago sa iyong kasanayan sa pamumuno. Maaari
mong pamunuan ang mga taong mas mababa sa'yo, kapantay mo at kahit nakatataas sa'yo, Ito ay
tinatawag na pagiging 360-degree na lider.

Kung ang pagkakaroon ng posisyon ay hindi kaagad magbibigay ng kakayahang maging lider, paano mo
maiimpluwensiyahan tungo sa mabuti ang ibang tao? Itinuturo ni John Maxwell na may limang antas ng
pamumuno. Ang mga mabubuting pinuno ay laging nagsisikap na umangat sa mga antas na ito kasama
ang mga taong kanilang iniimpluwensiyahan. Ang modelong ito ng pamumuno ay ginagamit sa pagsasanay
ng mga lider sa ilan sa pinakamalalaking kumpanya sa buong mundo.
IMPLUWENSIYA
Ang iyong pamumuno o impluwensiya sa bawat tao sa iyong buhay ay nasa magkakaibang antas. Layunin
mong pataasin ang mga antas na ito upang higit mong mapaglingkuran at mapahalagahan ang mga tao,
Habang ikaw ay natututo at
nagsasanay ng mga bagong katangian ng pamumuno, magsisimula kang umakyat sa mga antas na ito
kasama ang iba, at makagagawa ka ng mas maraming mabubuting bagay para sa iyong pamilya, paaralan,
kompanya, at komunidad.

Ang panimulang antas ng pamumuno ay Posisyon. Karamihan sa mga tao ay nagsisimula sa antas na ito
kasama ang iba. Ang tunay na paglago sa pamumuno ay nagsisimula sa Ikalawang antas kung saan
nakukuha mo ang kakayahang maka-impluwensiya
sa iba sa pamamagitan ng pagkakaroon ng kaugnayan sa kanila. Kapag nakuha mo ang kanilang tiwala sa
pagdaan ng panahon, maaari mo na silang tulungang maging matagumpay at Produktibong bahagi ng
grupo. Ang magawa ito ay isang mataas na
antas ng tagumpay bilang isang lider tulad ng pag-akyat sa Ikatlong Antas. Ngunit ang mahuhusay na
pinuno ay nagsisikap na makaakyat sa Ikaapat na Antas kung saan tumutulong sila sa iba na maging mas
mahuhusay na mga pinuno. Tanging ang pinakamagagaling na pinuno lamang ang nakararating sa
Ikalimang Antas. Nagagawa nila ito sa pamamagitan ng habambuhay na paglilingkod, pamumuno, at
paglalaan ng oras at lakas sa iba.

"ANG SINUMANG NAG-IISIP NA SIYA AY NAMUMUNO,


NGUNIT WALANG MGA TAGASUNOD, AY NAGLALAKAD LAMANG.
- KASABIHAN TUNGKOL SA PAMUMUNO -

Pagsasabuhay

Ang karunungan ay napakahalaga sa pagiging isang mabuting lider. Sa bawat yunit ng programang ito,
matututo tayo ng isang kawikaan. Ang aklat ng Mga Kawikaan ay naglalaman ng dakilang karunungan
para sa mga pinuno.
Sinasabi sa Biblia, "Ngunit kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at
siya'y bibigyan'
—Santiago 1:5a

KAWIKAAN
"Ang gumagawa ng masama ay mapapahamak, ngunit ang nag-iisip ng mabuti'y pagkakatiwalaan at
igagalang
—Mga Kawikaan 14:22

PANALANGIN
Panginoon, nilikha n'yo po kaming mga tao Para mamuno, ngunit hindi kami nakapamumuno nang
maayos, Patawarin n'yo po kami sa aming mga kasalanan at pagkakamali at tulungan n'yo kaming maging
mahuhusay na lider. Tulungan n'yo rin po kami na sumunod sa inyo at maglingkod sa iba, upang
makatulong kami na gawing mas maganda ang mundo mas katulad ng pagkakalikha n'yo rito sa simula
kaysa sa kung papaano ito ngayon dahil sa kasalanan. Amen."

You might also like