Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

MGA KAUGNAYAN

Katangian ng Isang Lider: MGA KAUGNAYAN

MGA PANGUNAHING KATANUNGAN


1. Bakit naglalaan ng panahon ang mabubuting lider sa pagpapaunlad ng mga kaugnayan?
2. Bakit dapat maglingkod sa iba ang mga may potensiysl na maging lider?
3. Ano ang kinakailangan ng isang lider upang mapalakas at mapalalim ang mga kaugnayan?

PINATATATAG NG MGA LIDER NA NAGLILINGKOD ANG KANILANG


MGA KAUGNAYAN
Mahalaga ang kaugnayan ng mga lider at kanilang mga tagasunod. Upong maunawaan ang mabuting
pamumuno, dapat mong malaman ang kahalagahan ng mga kaugnayan. Ang pinakamalalaking
koligayahan sa buhay ay modalas na ibinabahagi so iba. Ang isa so pinakomalalaking kaligayahan sa buhay
ay ang paglilingkod sa iba. Bilang isang lider, napaglilingkuran mo ang mgo taong sumusunod sa iyo.
Habang namumuhunan ka sa mga kaugnayan mo sa mga miyembro ng iyong koponan, makikita mong
lumalaki ang kanilang tiwala at kumpiyanso sa iyo bilang kanilang lider. Mas magiging kusa ang pagsunod
nila sa iyo kung alam nilang pinahahalagahan at pinagmamalasakiton mo sila. Inaanyayahan mo silang
samahan ka sa paglalakbay upang maglingkod so iba. Hindi mo maaaring asahan na susunod sila sa iyo sa
paglilingkod mo sa iba kung hindi mo muna sila paglilingkuran. Narito ang ilang paraan upang
makapagsimulang maglingkod sa iba ngayon:

Punan ang mga patlang sa pahina 41 ng Gabay ng Mag-aaral.

1. Gawin ang iyong buong makakaya. Kusang-loob na ibigay ang higit sa kinakailangan.
2. Gawin para sa iba ang hindi nila kayang gawin para sa kanilang sarili. Ihandog ang iyong mga
natatanging kakayahan, yaman, at kaugnayan, at maging handa sa pagtulong sa iba.
3. Maging una sa pagtulong. Huwag lamang umupo at maghintay. Kapag may pangangailangan o
pagkakataon, palaging maging una sa pag-alok ng tulong.
4. Bigyang-halaga ang mga tao. Kung hindi mo bibigyang-halaga ang isang tao, kahit kailan ay hindi
niya mararamdaman ang kanyang halaga habang nasa iyong presensya.
5. Magbigay nang walang inaasahang kapalit. Ginagawa mo ang pinakamabuti kapag gumagawa ka
ng mabuti para sa iba.
6. Tulungan ang mga tao na manalo. Huwag ituring ang buhay bilang isang kumpetisyon kung saan
sinisikap mong talunin ang iba upang manalo. Sa halip, hikayatin ang kooperasyon upang ang lahat
ay manalo.

Si Jesus ang pinakamagandang halimbawa ng isang lider na nagpakita ng pag-unawa at paglilingkod sa


iba.
MGA KAUGNAYAN

Pagbubulay-bulay sa Banal na Kasulatan

Basahin ang kuwento ni Jesus at ng kanyang mga disipulo sa pahina 41-42 ng Gabay ng Mag-aaral.
Gawin ang mga sumusunod habang ikaw ay nagbabasa:
 Salungguhitan ang mga sinabi ni Jesus.
 Bilugan ang mga ginawa ni Jesus.
 Kahunan ang pariralang nagpapakita kung ano ang, pagkaunawa ni Pedro sa itinuturo ni Jesus.

Pagpapalalim ng Kaisipan
Iniisip ng maraming tao na ang isang lider ay ang taong pinakamalakas o pinakamakapangyarihan sa silid,
utos nang utos at nagsasabi sa iba kung ano ang dapat gawin. Ngunit kabaligtaran nito ang itinuturo ng
Biblia at ni Jesus na totoo
- ang pinakamahuhusay na lider ay ang unang naglilingkod sa iba. lpinakikita ng paghugas ni Jesus ng mga
paa ng mga alagad ang uri ng pamumunong naglilingkod na inaasahan ni Jesus sa kanyang mga tagasunod.
Sa pamamagitan ng paghugas ng kanilang mga paa, ipinakita ni Jesus ang kanyang ganap na pagmamahal
para sa kanila. lpinahiwatig ng paghugas ni Jesus ng mga paa ng kanyang mga alagad ang paglilinis ng
kanilang mga kasalanan na mangyayari sa pamamagitan ng kanyang
kamatayan. Pagkatapos, ipinaliwanag niya ang aral na ito upang matiyak na naunawaan nila kung ano ang
nais niyang gawin nila — ang magtiwala sa kanya at maglingkod sa iba.

Sagutan ang mga tanong ng pagninilay-nilay sa pahina 42 sa Gabay ng Mag-aaral.

Bakit hindi gusto ni Pedro na hugasan ni Jesus ang kanyang mga paa?
Ano ang nagpabago sa kanyang isip?
Sagot: Ang paghuhugas ng mga paa ay hindi gawain ng isang "hari" - ito ang pinakamababang gawain.
Nagbago ang isip ni Pedro nang maunawaan niya ang aral na sinusubukang ituro ni Jesus sa kanya.

Katulad ni Jesus, kinakailangan mong maglaan ng oras at lakas sa pagbuo ng mga kaugnayan sa iba. Ang
pinakamainam na paraan upang magawa ito ay ang paglilingkod sa kanila. Ito ang pinakamabilis na paraan
upang magkaroon ng empatiya, pag-unawa, at tiwala habang bumubuo ka ng mga kaugnayan sa iba.
Habang naglilingkod ka sa iba at pinalalago mo ang iyong mga kaugnayan sa kanila, lalo silang magiging
tapat at masipag sa pagtulong sa iyo at sa iyong koponan upang makamit ang mga kamangha-manghang
bagay.

"WALANG PAKIALAM ANG MGA TAO SA KUNG GAANO KALAKI ANG NALALAMAN MO,
HANGGANG SA MALAMAN NLA KUNG GAANO KALAKIANG MALASAKIT MO."
-JOHN C. MAXWELL-
MGA KAUGNAYAN

Pagsasabuhay

KAWIKAAN
"Bakal ang nagpapatalim sa kapwa bakal at isip ang nagpapatalas sa kapwa isipan."
—Mga Kawikaan 27:17

PANALANGIN
"Panginoon, salamat po sa lahat ng taong dinala niyo sa aking buhay. Tulungan niyo po akong magsikap
na magkaroon ng mga positibong kaugnayan. Tulungan niyo po akong magsimulang magmalasakit sa iba
nang higit pa sa pagmamalasakit ko sa aking sarili. Nais ko pong maglingkod sa iba tulad ng paglilingkod
na ginawa ni Jesus. Amen."

You might also like