Herrero (2015)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAMAGAT: Influence of Selected Factors on CPA Licensure Examination Results

Sa ginawang pagaaral ni Herrero (2015), tinukoy niya kung paano naka-iimpluwensya


ang mga piling salik sa resulta ng CPA Licensure Examination, ng mga mag-aaral na kumuha
nito mula sa Rizal Technological University. Kaugnay nito, layon rin ng pagaaral na malaman
ang nga nararapat pang linangin sa review programs ng unibersidad. Ang lumabas na resulta ay
ang mga sumusunod: ang interes sa akawnting program, oras na nilalaan sa pag-aaral, pagpunta
sa sild-aklatan, suporta at motibasyon ng pamilya ay na may mataas impluwensya sa
performance ng mga kukuha ng CPA Licensure Examination; ang kasapatan ng mga libro at
materyales, kasapatan ng teknolohiya, at maayos na akawnting program naman ay may sapat na
impluwensya sa performance ng mga kukuha ng pagsusulit; at ang scholarship, GWA, at ang
pagpunta sa mga review schools ay natuklasang may positibong epekto sa pagpasa sa nasabing
pagsusulit. Dahil dito, nirekomenda ng pag aaral na dapat magkaroon ng regular na pagsusuri sa
performance ng mga kukuha ng pagsusulit sa pamamagitan ng pagpapigting ng mga qualifying
exam at pre-board exam sa mga rebyu classes. Mahalagang malaman ang mga impormasyon sa
pag aaral na ito sapagkat matutukoy ng mga mananaliksik kung nakaaapekto rin ba ang mga
nasabing salik sa pagpasa ng mga magiging respondents sa gagawing pagaaral. Bukod pa rito,
mag kakaroon ng gabay ang mga kukuha ng pagsusulit sa hinanarap, kung ano ba ang mga bagay
na dapat nilang pagtuunan ng pansin upang sa ganyon ay makapasa sila sa CPA Licensure
Examination.

You might also like