Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

St.

Ferdinand College
Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela
Tel./FAX. No. (078) 636-3221

Filipino 11
Ikalawang Markahan

Pangalan:_______________________________________ Petsa:____________
Taon at Seksiyon:__________________________________

LC1: Mga Sitwasyong Pangwika Sa Pilipinas

Mga Layunin sa Pag-aaral:


Natutukoy ang iba’t ibang register at barayti ng wika na ginagamit sa iba’t ibang sitwasyon
(Halimbawa: Medisina, Abogasya, Media, Social Media, Inhenyeriya, Negosyo, at iba pa)
sa pamamagitan ng mga terminong ginamit sa mga larangang ito
(F11WG-IIc-87)
Nasusuri at naisasaalang-alang ang mga lingguwistiko at kultural na pagkakaiba-iba sa
lipunang Pilipino sa mga pelikula at dulang napanood
(F11PD-IIb-88)

Gawain 1: Panimula at Pagganyak


Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng paggamit mo ng wika.
1. Kailan ka huling nagpadala ng text message o SMS?
Maaari mo bang isulat sa linya ang huling mensaheng ipinadala mo?
_________________________________________________________________________
Ang SMS ba ay nakasulat sa Filipino, Ingles o Taglish? ____________________________
2. Kailang ka huling nag-post ng status sa Facebook o Instagram? ____________________
Naaalala mo ba kung ano ang nilalaman ng huling post mo? Maaari mo ba itong isulat sa
linya? ____________________________________________________________________
Ang post mo ba ay nakasulat sa Filipino, Ingles,o Taglish? _________________________
3. Ano ang pinakahuling palabas pantelebisyong pinanood mo?
_________________________________________________________________________
Anong wika ang ginamit sa palabas na ito? ______________________________________
Mas madalas ka bang manood ng palabas pantelebisyong nasa wikang Filipino o nasa
wikang Ingles? ___________________________________________________________
4. Ano ang pinakahuling pelikulang pinanood mo? _______________________________
Anong wika ang ginamit sa pelikulang ito? _____________________________________
Mas madalas ka bang manood ng pelikulang nasa wikang Filipino o nasa wikang Ingles?
________________________________________________________________________
5. Ano ang pinakahuling video sa Youtube na pinanood mo?
_________________________________________________________________________
Ang video ba ay nasa wikang Filipino, Ingles o Taglish? ___________________________

Gawain 1: Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang “Mga Sitwasyong Pangwika” via Zoom. Pagkatapos ay
ipapanood ang maikling video para sa karagdagang kaalaman tungkol sa paksa.
https://www.youtube.com/watch?v=D14N2q-BtgY&t=60s

Formative Assessment 1
Panuto: Tukuyin kung sa anong propesyon, gawain o larang nabibilang ang mga nakatalang
termino o jargon sa bawat bilang.
_______________1. lesson plan, test paper, essay
_______________2. check-up, ward, x-ray, diagnosis, prognosis
_______________3. account, balance, debit, credit, cash flow
_______________4. post, Facebook, Instagram, comment like, share
_______________5. food, beverage, server, menu, shelf life
_______________6. ring, coach, ball, backcourt, offensive foul, three pointer
_______________7. objection, sustained, overruled, prima facie, habeas corpus
_______________8. runway, photog, fashion, casting agency
_______________9. blueprint, design, scale, construction
_______________10. dough, oven, grease, knead, rolling pin

PERFORMANCE TASK
Panoorin ang tatlong maikling-maikling pelikulang nakalahad sa ibaba. Punan ang mga
kahon ng iyong pagsusuri pagkatapos.
Wag Kang Titingin ni Pam Miras sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=8k-xtKH1Ptg
Ruweda (Wheel) ni Hannah Espia sa link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=yzPXzRZ_tCY
Ang Kapatid Ko’ng Nagpupumilit Makita Si Ricky Davao ni Lee Briones Meily sa
link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=nCl0uPeXQbU

Wag Kang Ruwelda Ang Kapatid


Titingin (Wheel) Ko’ng
ni Pam Miras ni Hannah Espia Nagpupumilit
Makita Si Ricky
Davao
ni Lee Briones
Meily
Paksa

Tauhan

Tagpuan

Pagkakaiba-iba sa
paggamit ng salita o
aspektong
lingguwistiko

Pagkakaiba-iba sa
uri ng kultura at
lipunang
kinabibilangan
Sanggunian:

https://www.youtube.com/watch?v=D14N2q-BtgY&t=60s
https://www.youtube.com/watch?v=8k-xtKH1Ptg
https://www.youtube.com/watch?v=yzPXzRZ_tCY
https://www.youtube.com/watch?v=nCl0uPeXQbU

Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Mga Awtor: Alma M. Dayag at Mary Grace del Rosario

St. Ferdinand College


Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela
Tel./FAX. No. (078) 636-3221

Filipino 11
Ikalawang Markahan

Pangalan:_______________________________________ Petsa:____________
Taon at Seksiyon:__________________________________

LC2: Kakayahang Pangkomunikatibo Ng Mga Pilipino

Mga Layunin sa Pag-aaral:


Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
(F11PT-IIe-87)
Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto ng paksang nabasa sa
mga balita sa radio at telebisyon
(F11PN-IId-89)

Gawain 1: Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang tungkol sa “Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino”
gamit ang powerpoint presentation (Zoom Class).

Formative Assessment
Panuto: Subukin ang iyong kakayahan. Bigyang-kahulugan ang ilang mahahalagang
salitang naging bahagi ng talakayan gamit ang sarili mong pananalita batay sa iyong
pagkaunawa sa bawat isa.
1. Kakayahang pangkomunikatibo
___________________________________________________________________
2. Kakayahang lingguwistiko
___________________________________________________________________
3. Linguist
___________________________________________________________________
4. Sintaks
___________________________________________________________________
5. Ortograpiya
___________________________________________________________________
6. Gramatika
___________________________________________________________________
7. Ponolohiya
___________________________________________________________________

B. Iugnay ang pangalan at ang kanyang naging kontribusyon sa larang tinalakay.


A
___1. Nagpakilala sa konsepto ng
kakayahang lingguwistiko a. Canale at Swain
___2. Nagpakilala sa terminong b. Noam Chomsky
kakayahang pangkomunikatibo c. Celce-Murcia, et. al.
o communicative competence d. Dell Hymes
___3. Naniniwalang ang paglinang sa e. Dr. Fe Otanes
wika ay nakapokus f. Higgs at Clifford
sa kapakinabangang idudulot
nito sa mag-aaral. Na matutuhan
ang wika upang sila ay makapaghanapbuhay,
makipamuhay sa kanilang kapwa,
at mapahalagahan nang lubusan ang kagandahan
ng buhay na kanilang ginagalawan.
___4. Naniniwalang sa pagtatamo ng
kakayahang pangkomunikatibo
kailangang pantay na isaalang-alang ang pagtalakay
sa mensaheng nakapaloob sa teksto at sa porma
o kayarian (gramatika) ng wikang ginamit sa teksto
___5. Nagpasimula ng framework o modelo kung saan
ginamit ang apat na component ng kakayahang pangkomunikatibo;
ang kakayahang gramatikal, sosyolingguwistiko, estratedyik, at diskorsal
___6. Nagpapalabas ng mungkahing komponent para sa
kakayahang gramatika o lingguwistiko kung saan nakasaad
sa isang talahanayan ang mga paksang tatalakayin sa
nasabing kakayahan buhay na kanilang ginagalawan.

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Mga Awtor: Alma M. Dayag at Mary Grace del Rosario

St. Ferdinand College


Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela
Tel./FAX. No. (078) 636-3221

Filipino 11
Ikalawang Markahan

Pangalan:_______________________________________ Petsa:____________
Taon at Seksiyon:__________________________________

LC3: Kakayahang Pangkomunikatibo Ng Mga Pilipino


(Kakayahang Sosyolingguwistiko)

Mga Layunin sa Pag-aaral:


Napipili ang mga angkop na salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan
batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan
(F11PS-IIe-90)
Nakabubuo ng kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng paggamit ng wika ng iba’t ibang
grupong sosyal at kultural sa Pilipinas
(F11E-IIf-34)

Gawain 1: Panimula at Pagganyak


Naranasan mo na bang may kausap kang nainis o nagtampo sa iyo nang halos hindi
mo naman namalayan kung ano ang nasabi mong masama? Wala ka namang intensiyong
makasakit subalit nagdulot na pala ng pagdaramdam o pagtatampo sa kausap mo ang mga
sinabi mo.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________________________
Suriin mo ngayon ang isinulat mong usapan. Sa iyong palagay, alin sa mga sinabi
mo ang hindi nagustuhan ng kausap?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
___________________________________________________
Kung mabibigyan ka ng pagkakataong sabihin uli ito sa kanya, paano mo iaayos ang
pagkakasabi mo upang hindi mo masaktan ang kalooban niya at hindi rin mawala ang
mensaheng nais mong iparating sa kanya?

Gawain 2: Pagpapakilala ng Paksa at ng Pagpapalalim na Gawain

S. P. E. A. K. I. N. G.
-DELL HYMES-

Magiging mabisa lamang ang komunikasyon kung isasaayos, at sa pagsasaayos ng


komunikasyon, may bagay na dapat isaalang-alang.
S—(Setting)--Ang lugar o pook kung saan nag-uusap o nakikipagtalastasan ng mga tao.
Mahalagang salik ang lugar kung saan nag-uusap ang mga tao. Katulad ng pananamit,
ikino-konsidera din natin ang lugar na pinangyarihan ng pakikipagtalastasan upang
maiangkop ang paraan ng pananalita.
Halimbawa, kapag tayo ay nanonood ng isang pormal na palatuntunan, hindi tayo
nakikipag-usap sa iba na parang tayo ay nasa kalsada lamang o nasa isang kasayahan.
P—(Participant)--Ang mga taong nakikipagtalastasan. Isinasa-alang din natin ang
ating kausap upang pumili ng paraan kung paano siya kakausapin. Hindi natin
kinakausap ang ating guro sa paraang ginagamit natin tuwing kausap natin ang ating
mga kaklase o kaibigan. Sinisikap nating magbigay-galang sa ating guro habang sa
ating mga kaklase o kaibigan ay kaswal o kampante ang ating guro.

E—(Ends)-- Mga layunin o pakay ng pakikipagtalastasn. Dapat bigyan ng konsiderasyon


ang pakay o layunin ng pakikipag-usap. Hindi ba’t kung tayo ay hihingi ng pabor ay
gumagamit tayo ng paraan na nagpapakita ng pagkukumbaba? At kung nais din nating
kumbisihin ang kausap ay iba ang ating pamamaraan?
Samakatuwid, nararapat na isaalang-alang ang layunin natin upang maiangkop natin ang
paraan ng ating pakikipagtalastasan.

A—(Act sequence)--Ang takbo ng usapan. Bigyan-pansin din ang takbo ng usapan.


Minsan ay nag-uumpisa tayo sa mainit na usapan at kapag mahusay ang pakikipag-usap ay
madalas ito humahantong sa mapayapang pagtatapos.
Kung minsan naman ay biruan na nagbubunga g pagkapikon at alitan. Ang isang mahusay
na komyunikeytor ay nararapat lamang na maging sensitibo sa takbo ng usapan.

K—(Keys)--Tono ng pakikipag-usap. Katulad ng setting o pook, nararapat ding isaalang-


alang ang sitwasyon ng usapan, kung ito ba ay pormal o di-pormal. Wala sigurong
makakagusto kung mga salitang balbal ang gagamitin natin sa pormal na okasyon
I—(Instrumentalities)--Tsanel o midyum na ginagamit, pasalita o pasulat. Dapat isaisip
ang midyum ng pakikipagtalastasn. Inaangkop natin ang tsanel na gagamitin sa kung ano ba
ang sasabihin natin at kung saan antin ito sasabihin.

N—(Norms)--Paksang usapan. Mahalagang alamin kung tungkol saan ang usapan. May
mga sensitibong bagay na kung minsan limitado lamang ang kaalaman.
Sa mga ganitong sitwasyon, surrin muna natin kung ilahad natin ay tama o hindi. O di kaya
minan ay may mga paksang eksklusibo, kagaya ng sinasabi ng nakatatanda, may mha
“usapang pangmatanda”, “usapang pambabae” lamang, at “usapang panlalaki lamang”.
G—(Genre)--Diskursong ginagamit, kung nagsasalaysay, nakikipagtalo, o
nangangatwiran. Dapat iangkop ang uri ng diskursong gagamitin sa pakikipagtalastasn.
Minsan dahil sa miskomunikasyon sa genre ay hindi nagkakaunawaan ang magkausap

PERFORMANCE TASK
Kung hamon sa pambansang pagkakaunawaan ang maramng wika at diyalekto sa
Pilipinas, maaaring idagdag pa rito ang ilang napapanahong isyu tungkol sa wika. Bilang
mamamayang Pilipino, kailangang suriin at harapin natin ang mga isyung ito. Ang
sumusunod ay ilan sa maraming isyung itinuturing na malalaking hamon sa pagtataguyod
ng wikang pambansa. Mababasa ang sagot ng Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa
mga nasabing isyu. Suriin at tuklasin kung paano na nga ba magiging madali sa atin ang
pakikipag-ugnayan kung patuloy na dumarami ang wika at mga barayti nitong ginagamit sa
ating bayan.
1. Ang paglaganap ng paggamit ng Beki Language
Ang sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa paggamit ng beki language:
"Ang paggamit ng mga bagong nabubuong kolokyal na kagaya ng 'beki' ay kasama sa
pagbabago ng mga wika at hindi natin mapipigilan. Kapag ang ganitong salita ay naging
katanggap-tanggap na sa lipunan at ginagamit na ng mayoridad, saka pa lang ito naisasali
sa opisyal na komunikasyon.
2. Ang pagkabihasa ng maraming mag-aaral sa wikang Ingles kaysa wikang Filipino
Ang sagot ni Kalihim Luistro nang tanungin hinggil sa maraming mag-aaral na bihasa sa
paggamit ng wikang Ingles:
"Ang naumpisahan na nating reporma sa bagong K to 12 Curriculum ay nagnanais na
tumugon sa hamon na mahasa ang ating kabataan na gamitin at palawigin ang wikang ating
kinagisnan pati na rin ang ating Pambansang Wika. Kasama rito ang paggamit ng kanilang
unang wika.
3. Ang pagkakaroon ng Mother Tongue-Based Multilingual Education
Ayon kay dating DepEd Secretary Brother Armin Luistro, FSC, "Ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong upang
mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpatibay rin sa kanilang
kamalayang sosyo-kultural."
Batay sa mga nabanggit na isyu, bumuo ng isang kritikal na sanaysay ukol sa paraan ng
paggamit ng wika ng iba't ibang grupong sosyal at kultural sa Pilipinas. Pumili ng isang
grupong sosyal o kultural at doon ituon ang iyong sanaysay.
Ang iyong sanaysay ay hindi bababa sa 300 na salita. Inaasahang maipapasa ito
hanggang Nobyembre 4, 2020.

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Mga Awtor: Alma M. Dayag at Mary Grace del Rosario

St. Ferdinand College


Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela
Tel./FAX. No. (078) 636-3221

Filipino 11
Ikalawang Markahan

Pangalan:_______________________________________ Petsa:____________
Taon at Seksiyon:__________________________________

LC4: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino


(Kakayahang Pragmatik at Istratedyik)

Mga Layunin sa Pag-aaral:


Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
(F11PT-IIe-87)
Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga salita at paraan ng
pagsasalita
(F11WG-IIf-88)
Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan
batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin, at grupong kinabibilangan
(F11PS-IIe-90)

Gawain 1: Panimula at Pagganyak


Manood ng isang news report o isang eksena sa telenobela mula sa Youtube na
puwedeng i-replay. Ilagay sa pinakamahina ang volume o iyong wala na talagang marinig.
Hulaan kung ano ang sinasabi ng artista o reporter.

I-replay muli ang news report o ang eksena sa telenobela at sagutin ang sumusunod:
1. Tama ba ang iyong isinulat?
2. Kung mali ang iyong isinulat, ano-anong mga bagay ang nakatulong sa iyo upang
maging tama ang iyong hinuha?
3. Sapat bang gumamit ng wika upang maging epektibo ang pakikipagtalastasan?
Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang tungkol sa Kakayahang Pragmatik at Istratedyik via Zoom. Ang
guro ay may inihandang powerpoint presentation para sa pagtatalakay na ito.

FA1
Iugnay ang konseptong natutuhan sa kanilang kahulugan.
1. pag-aaral ng kilos at galaw  a. chronemics
2. pag-aaral sa ekspreson ng mukha b. kinesika
3. pag-aaral sa galaw ng mata bilang gamit sa komunikasyon c. pictics
4. pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo d. haptics
5. pag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng mensahe e. proksemika
6. pag-aaral na tumutukoy kung paanong ang oras ay f. oculesic
nakaaapekto sa komunikasyon

Panuto: Subukin ang iyong kakayahan. Bigyang-kahulugan ang ilang mahahalagang


salitang naging bahagi ng talakayan gamit ang sarili mong pananalita batay sa iyong
pagkaunawa sa bawat isa.
7-8 komunikasyon
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
9-10 verbal na komunikasyon
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
11-12 di verbal na komunikasyon
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
13-14 kakayahang pragmatic
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
15-16 kakayahang istratedyik
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Mga Awtor: Alma M. Dayag at Mary Grace del Rosario

St. Ferdinand College


Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela
Tel./FAX. No. (078) 636-3221

Filipino 11
Ikalawang Markahan

Pangalan:_______________________________________ Petsa:____________
Taon at Seksiyon:__________________________________

LC5: Kakayahang Pangkomunikatibo


(Kakayahang Diskorsal)

Mga Layunin sa Pag-aaral:


Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan
(F11PT-IIe-87)
Nakabubuo ng isang modelo ng isang epektibong komyunikeytor
(PP11FC-2a-5.3)
Nakasusulat ng isang talumpati na
hihikayat na linangin ang kakayahang komunikatibo ng mga Pilipino
(PP11FC-2a-5.5)

Gawain 1: Panimula at Pagganyak


Noong panahong wala pang makabagong teknolohiya, isang mabilisang paraan ng
pagpapahatid ng mensahe sa isang taong nasa malayong lugar ang paggamit ng telegrama.
May kamahalan ang pagpapadala ng telegrama, dahil nakadepende ang bayad nito sa dami
ng titik na isasama, kaya napipilitan ang mga nagpapadala na paikliin ang mensahe. Isang
hamon naman sa tagatanggap ng mensahe ang pag-unawa sa mensaheng nakasaad.

1. May napansin ka bang pagkakahawig nito sa isang popular na paraan ng pakikipag-


ugnayan natin ngayon?
_________________________________________________________________________
2. Kung Oo ang iyong sagot, tukuyin kung anong paraan ito ng pakikipag-ugnayan at
ipaliwanag ang pagkakatulad nito.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
3. Ano sa palagay mo ang mga kabutihang naidulot ng telegrama noong unang panahon?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Ano naman ang mga hindi magandang naidulot nito?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Pagtatalakay
Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino—Kakayahang Diskorsal
Pagtiyak sa Kahulugang Ipinahahayag ng mga Teksto/Sitwasyon Ayon sa Konteksto

Sa mga nakalipas na aralin, nabatid mo ang unang apat na kakayahang


pangkomunikatibong dapat taglayin ng isang mahusay na komyunikeytor. Sinasabing mas
nalilinang at lumalago ang kakayahang pangkomunikatibo kapag ito ay madalas na
ginagamit at nararanasan sa iba’t ibang konteksto.
Bagama't ang kahalagahan ng bawat salik ng kakayahang pangkomunikatibo ay
nakasalalay sa bawat isa, hindi matatawarang ang bawat salik ay mahalaga at nararapat
lamang pag-aralan. Ngayong alam mo na ang iba pang salik ng kakayahang komunikatibo
—ang lingguwistiko, gramatikal, sosyolingguwistiko, pragmatik, at istratedyik,
tatalakayin natin ang isa pang salik, ang kakayahang diskorsal. Saklaw ng diskorsal ang
pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang makabuluhang
teksto. Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakapagbibigay rin ng
wastong interpretasyon ng napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang
makabuo ng isang makabuluhang kahulugan. Masasabi mo bang may kakayahang diskorsal
ang isang taong nagpahayag ng sumusunod?

"Pumunta ako ng palengke kanina. Maglaro tayo. Makikita mo ang hinahanap mo.
Isasama kita. Marami-rami rin ang kanyang kinain. Napaiyak ako sa palabas sa
telebisyon."

Malinaw ba ang pahayag? Ano ang dapat gawin upang maging makabuluhan ang pahay'ag?
Tandaan, may dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang
kakayahang diskorsal—ang cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay.
Ugaliing gumamit ng mga panandang kohesyong gramatikal at panandang pandiskurso
upang matiyak ang kaisahan at pagkakaugnay-ugnay ng kaisipan. Masasabi nating may
kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at magkakaugnay.
Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng Kakayahang Pangkomunikatibo
Kailan ba sinasabing ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo? Paano
ba natin masusukat ang mga kakayahang ito? Ang totoo niyan, magkakaugnay ang mga
salik ng kakayahang pangkomunikatibo at hindi masusukat kung hiwa-hiwalay. Hindi
maaaring sabihing si Pedro ay may kakayahang pragmatik ngunit walang kakayahang
sosyolingguwistiko, o kaya naman, si Maria ay may kakayahang diskorsal pero walang
kakayahang lingguwistiko. Ang kakayahang pangkomunikatibo ay sinusukat nang sama-
sama at hindi isa-isa. Sinusukat ito sa pamamagitan ng pagtukoy kung naisakatuparan ang
layunin ng pakikipagtalastasan. Dapat tandaang ang isang taong may kakayahan sa wika ay
dapat magtaglay hindi lamang ng kaalaman tungkol dito kundi ng kahusayan, kasanayan, at
galing sa paggamit ng wikang angkop sa mga sitwasyong pangkomunikatibo (Bagari et al.
2007).
Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim na pamantayan sa pagtataya ng
kakayahang pangkomunikatibo. Narito ang anim na pamantayan:

l. Pakikibagay (Adaptability)
Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mabago
ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa sumusunod:
a. pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
b. pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. kakayang magpatawa hahang nakikisalamuha sa iba

2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement)


May kakayahan ang isang taong garnittn ang kaalaman tungkol sa anumang paksa
sa pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng ieang komyuntkeylor ang •umusunod:
a. kakayahang tumugon
b. kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. kakayhang makinigg at magpokus sa kausap

3. Pamamahala sa pag-uusap (Conversational Management)


Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan ang pag-uusap.
Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at
naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathv)
Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang
tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng isang
tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness)
Tumutukoy ito sa isa sa dalawang mahahalagang parnantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo—ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang
taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang
pakikipag-usap ay epektibo at nauunawaan.

6. Kaangkupan (Appropriateness)
Maliban sa bisa, isa pang mahalagang pamantayan upang mataya ang kakayahang
pangkomunikatibo ay ang kaangkupan ng paggamit ng wika. Kung ang isang tao ay may
kakayahang pangkomunikatlbo, naiaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar
na pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.

Written Work
Sa araling ito, nalaman mong hindi kayang tayain ang mga salik ng kakayahang
pangkomunikatibo nang hiwa-hiwalay. Ang mga salik na ito ay magkakaugnay. Natutuhan
mo rin ang anim na pamantayang magagamit sa pagtataya ng kakayahang
pangkomunikatibo. 

A B
1. Ito ang pamantayang tumutukoy sa kakayahan a. Pamamahala sa Pag-uusap
ng isang taong mabago ang pag-uugali at layunin b. Pagkapukaw-damdamin
upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan. c. Paglahok sa Pag-uusap
2. Ang pamantayang ito ang nagpapakita na kung d. Bisa
ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo e. Pakikibagay
naiaaangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa f. Kaangkupan
lugar na pinangyayarihan ng pag-uusap, o sa taong kausap.
3. Ang pamantayang ito ay tumutukoy sa kakayahan ng
isang taong mailagay ang damdamin sa katauhan ng ibang tao.
4. Sinusukat ng pamantayang ito kung may kakayahan
ang isang taong gamitin ang kaalaman tungkol sa anumang
paksa sa pakikisalamuha sa iba.
5. Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang taong pamahalaan Pakikibagay
ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung
paanong ang mga paksa ay nagpapatuloy at naiiba.

PERFORMANCE TASK
Sumulat ng isang talumpating hihikayat na linagin ang kakayahang pangkomunikatibo ng
mga Pilipino. 
Ngayong batid mo na ang lahat ng komponent ng kakayahang pangkomunikatibo ay mas
malilinang mo na ang mga ito upang maging isa kang epektibong komyunikeytor. Dapat
tandaan na upang makamit ang mithiing ito, kailangang gamitin nang wasto ang wikang
Filipino sa iba't ibang konteksto. Ngunit hindi rito nagtatapos ang lahat, bilang isang
Pilipino ay tungkulin mo ring hikayatin ang kapwa mo Pilipino upang lumago sa paggamit
ng wikang Filipino. Ikaw ngayon ay sumulat ng maikling talumpating hihikayat sa iyong
kapwa Pilipino upang linangin ang kanilang kakayahang pangkomunikatibo upang maging
mas epektibong komyunikeytor pasalita man o pasulat. 
Ang talumpati ay maaaring ilimbag sa schoology para sa mas maayos na pagbibigay ng
marka.
Ang nasabing gawain ay inaasahang maipapasa sa Nobyembre 18, 2020.

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Mga Awtor: Alma M. Dayag at Mary Grace del Rosario

St. Ferdinand College


Cabagan Campus
Centro, Cabagan, Isabela
Tel./FAX. No. (078) 636-3221

Filipino 11
Ikalawang Markahan

Pangalan:_______________________________________ Petsa:____________
Taon at Seksiyon:__________________________________

LC6: Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

Mga Layunin sa Pag-aaral:


Natutukoy ang kawastuhan o kamalian ng mga pahayag batay sa binasa
(PP11FC-1b-6.1)
Naiisa-isa ang mga hakbang sa pagbuo ng isang makabuluhang pananaliksik
(F11PU-IIg-88)

Pagtatalakay
Tatalakayin ng guro ang tungkol sa “Introduksiyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino” via Zoom.

Written work
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Kung ito ay tama, piliin ang
salitang TAMA at ang MALI kung hindi wasto ang pahayag.
_________1. Ang pagbuo ng tentatibong balangkas ay makatutulong sa pagbibigay ng
direksiyon sa pagsasaayos ng mga ideya at sa pagsulat.
_________2. Borador ang tawag sa aktuwal na sulating ipapasa na sa guro.
_________3. "Hawig" ang tawag sa pangangalap-tala kung binago lamang ang mga
pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.
_________4. Iisa lang ang estilo ng pagsulat ng bibliyograpiya para sa sulating
pananaliksik.
_________5. Isa sa mahahalagang bagay na dapat i-konsidera sa pagbuo ng sulating
pananaliksik ay ang pagpili ng paksang magiging interesado at kakayanin ng
susulat.
_________6. Kailangang mabigyang credit o pagkilala ang may-ari o manunulat ng mga
ginamit na sanggunian sa pamamagitan ng talababa at bibliyograpiya.
_________7. Kapag gumamit ang manunulat ng "tuwirang sinipi" sa pangangalap ng tala
ay pinaiikli lamang niya ang bersiyon ng isang mas mahabang teksto.
_________8. Kailangang maging malinaw sa susulat ang layunin ng kanyang pagsulat.
_________9. Sa pagsulat ng sulating pananaliksik, mahalaga ang pagkakaroon ng mahusay
na introduksiyon at katawan subalit hindi na mahalaga ang kongklusyon.
_________10. Sa pagsulat ay hindi mahalagang matukoy ang audience o inaasahang
mambabasa ng isusulat.

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Mga Awtor: Alma M. Dayag at Mary Grace del Rosario

You might also like