Grade 5 Q2 AP LAS

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 92

5

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan

LEARNING ACTIVITY SHEETS


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheets for Araling Panlipunan
Grade 5

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

“No copy of this material shall subsist in any work of the Government of the Philippines.
However, prior approval of the government agency or office wherein the work is created
shall be necessary for exploitation of such work for profit.”

This material has been developed for the implementation of K to 12 Curriculum through
the Curriculum and Learning Management Division (CLMD). It can be reproduced for
educational purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work
including creating an edited version, an enhancement of supplementary work are
permitted provided all original works are acknowledged and the copyright is attributed.
No work may be derived from this material for commercial purposes and profit.
Consultants:
Regional Director : ESTELA L. CARIÑO, EdD., CESO IV, DepEd R02
Assistant Regional Director : RHODA T. RAZON, EdD, CESO V, DepEd R02
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
OIC- Schools Division Superintendent : EDUARDO C. ESCORPISO JR, EdD, CESO VI
OIC- Assistant Schools Division Superintendent : GEORGANN G. CARIASO, CESE
OIC- Chief Education Supervisor : MARCIAL Y. NOGUERA

Development Team
Writers: MACARIO REYNALDO G. CASTILLO, MT-II (BNSHS); CHRISTOPHER E.
CASTILLEJOS, T-III (MNHS); EVARISTO C. COME, T-III (MES); JAY V. GONZALES,
MT-II (BNSHS); ARNULFO ANSELM C. HORTIZ, MT-II (BNSHS); LORNA B. IBARDO,
T-III, (BCS)
Content &
Language Editor: FELIX Y. ADAMI, EPS-Araling Panlipunan; CARMEN C. NOGUERA, SP-I (INHS);
ZALDY C. ADRI, SP-I (IES), ADOR R. BALLADA , HT I (TBS)
Illustrator: ROLLY-ROBERT N. COBICO, T-III (IIS)
Layout Artist: JOHANNES ROEL C. YBAY, MT-II (IIS)
Focal Person: FELIX Y. ADAMI, EPS - Araling Panlipunan
EVANGELINE D. CASTILLO, EPS
MIRAFLOR D. MARIANO, PhD – Regional EPS
RIZALINO G. CARONAN, EPS-LRMS

Printed by: Curriculum and Learning Management Division


DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City
Talaan ng Nilalaman
Kasanayang Pampagkatuto at Koda Pahina
Naipapaliwanag ang mga dahilan ng ------------------------ 1
Kolonyalismong Espanyol.
Naipapaliwanag ang mga dahilan ng ............................
kolonyalismong Espanyol. (AP5PKE-IIa-2)

Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng


katutubong populasyon sa kapangyarihan ng
Espanya

Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng .......................... 11


katutubong populasyon sa kapangyariahan ng
Espanya.(AP5PKEIIc-d)

Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng .......................... 20


katutubong populasyon sa kapangyarihan ng
Espanya.

Natatalakay ang mga paraan ng pagsasailalim .......................... 28


ng katutubong populasyon sa kapangyharihan
ng Espanya: proseso ng Kristiyanisasyon,
Reduccion, Tributo, Encomienda at Sapilitang
Paggawa (AP5PKEIIc-d)
Nasusuri ang iba’t ibang perspektibo ukol sa .............................. 36
pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas.
(AP5PKE-IIb-4)
Nasusuri ang epekto ng patakarang kolonyal na ------------------------ 43
ipatupad ng Espanya sa bansa
Bagong Lakbay ng Lahing Filipino
(AP5PKE-IIe-f-6)
(A5EL-Ia)
Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal ------------------------ 51
na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
A. Patakarang pang-ekonomiya (Halimbawa:
Pagbubuwis, Sistemang Bandala, Kalakalang
Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company,
Sapilitang Paggawa at iba pa)

Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal ------------------------ 72


na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
B. Patakarang pampolitika (Pamahalaang
kolonyal)
Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal ------------------------ 97
na ipinatupad ng Espanya sa bansa. (A5EL-Ia)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times ii


ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Konsepto ng Kolonyalismo

Panimula (Susing Konsepto)

Ang kolonyalismo ay isang kilusang pampulitika na tumutukoy sa pagsakop ng isang


makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa upang ang huli ay maging isang kolonya.
Sa isang kolonya, inilipat ng mga mananakop ang mga institusyong galing sa sariling
bansa. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito, hinuhubog ang isipan, damdamin at gawi ng mga
nasasakop upang makatugon sa pangangailangan ng mga mananakop.
Nagtataglay ang anumang uri ng kolonyalismo ng dalawang katangian. Ito ay may
layunin o motibo at iba’t-ibang pamamaraan ang ginagamit upang makamit ang layunin ng
pananakop.
Namumukod sa mga motibo ng pananakop ang layuning pang-ekonomiya. Masasalamin
ito sa dalawang bagay:
1. Paggamit sa kolonya bilang pinanggagalingan ng hilaw na produkto; at
2. Bilang pamilihan ng mga produkto ng bansang mananakop.

Maaari rin namang maging pulitikal o panlipunan ang motibo. Subalit kung susuriin,
nababatay pa rin ang mga ito sa mga kadahilanang pang-ekonomiya.
Iba-iba rin ang mga pamamaraang ginagamit sa pagkamit ng layunin ng pananakop.
Ilan lamang sa mga kabilang na instrumento ng pananakop ang mga institusyong panlipunan
tulad ng sistema ng edukasyon, simbahan, pamahalaan at iba pa. Sa pamamagitan ng mga ito,
napagsasamasama ng mga mananakop ang mga katutubo sa ilalim ng kanilang kapangyarihan.

Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol


Nang pinasinayaan ang Maynila bilang isang lungsod, itinatag dito ang sentro ng
kapangyarihang Espanyol sa Pilipinas. Mula sa Maynila, ang kapangyarihan ng pamahalaan ay
umabot mula sa hilaga hanggang sa timog ng Luzon upang ang mga teritoryong hindi pa
napasasailalim sa kapangyarihang Espanyol ay masakop.
Nang masakop na ng mga Espanyol ang malaking bahagi ng Pilipinas, itinatag nito ang
isang pamahalaang sentral na mamamahala sa buong kapuluan. Isinunod ng Espanya ang
pamamahala sa bagong kolonya sa naging karanasan nito sa pamamahala sa Mexico at sa mga
kolonya sa gitna at timog Amerika. Ipinatupad sa Pilipinas ang ilan sa mga batas na sinusunod
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 1
sa Espanya tulad ng Leyes de indies at Sietes Partidas, na mga kalipunan ng mga batas na
ipinatupad sa Espanya; Leyes de Toro, mga batas tungkol sa pagmamana; La Novisima
Recopilacion, kalipunan ng batas na nauukol sa iba’t-ibang sangay ng batas; at mga batas na
sumasakop sa pagpaparusa, karapatang sibil, komersyo, pagmimina at pag-aari ng mga akda.
Ang pinakamataas na opisyal ay ang gobernador-heneral. Siya ang kinatawan ng hari
ng Espanya at pinagkalooban ng malawak na kapangyarihan. Naging patakaran ng Espanya na
pag-isahin ang Estado at Simbahan. Ang kapangyarihan ng Estado at ang kapangyarihan ng
Simbahan ay magkasama. Dahil dito, katungkulan ng bawat isa na tumulong sa ikabubuti ng
pamamahala ng kolonya.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Naipapaliwanag ang mga dahilan ng Kolonyalismong Espanyol (AP5PKE-IIa-2)
Gawain 1
Panuto: Ibigay ang mga katangian ng kolonyalismo sa pamamangitan ng pagbuo ng
concept map.

KOLONYALISMO

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)


1 Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas
2 Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas
3 Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas
4 Nakapagtala ng apat na gawain sa bawat antas
5 Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 2


Gawain 2
Panuto: Isulat ang letrang T kung tama at M kung mali ang mga pahayag tungkol sa
Kolonyalismo. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang kolonyalismo ay isang kilusang pampulitika na tumutukoy sa pagsakop


ng isang makapangyarihang bansa sa isang mahinang bansa upang maging
kolonya nito.

2. Ang hari ng Espanya ang tuwirang namumuno sa mga kolonya nito.

3. Pagpapalaganap ng relihiyon ang pangunahin at tanging layunin ng


kolonyalismo.

4. Kabilang sa instrumento ng pananakop ng mga espanyol ang institusyong


panlipunan tulad ng sistema ng edukasyon, simbahan, pamahalaan at
ekonomiya.

5. Nang masakop ang pilipinas nagtatag ito ng isang pamahalaang sentral na


namamahala sa buong kapuluan.

6. Sa panahon ng mga espanyol, magkahiwalay ang estado at simbahan at may


kanya-kanyang tungkulin na ginagampanan.

7. Ang pinakamataas na opisyal na siyang kinatawan ng hari sa pilipinas ay ang


gobernador-heneral.

8. Ang batas at dekrito ma ipinapatupad sa pilipinas ay ginawa sa sangay


lehislatura sa bansa.

9. Layunin ng kolonyalismo ang mapakinabang ang mga likas- yaman ng mga


kolonya nito.

10. Ang Leyes de Indies at Sietes Partidas ay mga kalipunan ng batas na


ipinatutupad sa Espanya ay ipinatupad din sa Pilipinas.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 3


Gawain 3
Panuto: Sumulat ng sanaysay: “ANG EPEKTO NG KOLONYALISMO SA
KAMALAYANG FILIPINO” sa sagutang papel.

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)


15 10 5
PAGKAKABUO Angkop at wasto ang May iilang salitang Walang kaugnayan at
mga salitang ginamit ginamit na hindi hindi wasto ang mga
sa pagbubuo. angkop at wasto salitang ginamit.

NILALAMAN Mabisang naipahayag Hindi gaanong Hindi naipahayag


ang mensahe ng naipahayag ng nang mabisa ang
paksa mabisa ang mensahe nilalaman ng paksa
ng paksa

Mga Sanggunian
Teofista L. Vivar, Ed.D et.al Pilipinas: Kasaysayan at Pamahalaan, SD Publication

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1

KOLONYALISMO

Paggamit sa
Pagsakop ng Pagtatatag mga kolonya
Paggamit sa ng
isang bilang
kolonya pamahalaan
makapangyari pamilihan ng
bilang g sentral at
h ang bansa mga
pinanggagali iba pang
sa isang produkto ng
ng an ng institusyong
mahinang bansa ng
hilaw na panlipunan
bansa. mananakop
produkto.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 4


Gawain 2

1. T 6. M
2. M 7. T
3. M 8. M
4. T 9. T
5. T 10. T

Gawain 3
Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng puntos

Inihanda ni:

Macario Reynaldo G. Castillo


Manunulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 5


ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Baitang:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Dahilan Ng Kolonyalismong Espanyol

Panimula (Susing Konsepto)

Ang salitang Kolonyalismo ay tumutukoy sa isang patakaran ng tuwirang pagkontrol


ng malakas na bansa sa isang mahinang bansa. Tinatawag na kolonya ang lugar o bansang
tuwirang kinontrol at sinakop nito. Ang imperyalismo naman ay tumutukoy sa pakikialam o
tuwirang pananakop ng isang makapangyarihang bansa sa ibang lupain upang isulong ang mga
pansariling interes nito. Ang kolonyalismo ang unang yugto ng imperyalimso ng mga
Kanluranin. Merkantilismo ang tawag sa isang sistemang pangkabuhayan na lumaganap sa
Europe noong ika-16 hanggang ika-18 siglo kung saan ang batayan sistemang pangkabuhayan
ng kaunlaran at kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak na pag-
aari nito.

Naging aktibo ang Europeo sa pagtuklas ng mga bagong lupain. Napadali at napabilis
ang paghahanap gamit ang mga kagamitang: a. Caravel isang barkong higit na mabilis ay may
kakayahang makapaglayag sa kabila ng malalakas na alon ng dagat. b. Compass isang uri ng
kagamitang tumutukoy sa direksyon ng isang lugar.

Dahil nanguna ang Portugal at Espanya sa pagtuklas ng mga bagong lupain, naging
matindi ang kompetisyon at mahigpit ang tunggalian ng dalawang bansa. Hinati ni Pope
Alexander VI ang daigdig para sa mga lugar na tutuklasin dahil sa matinding kompetisyon ng
dalawang bansa. Mayo 4, 1493, inilabas niya ang Inter Caetera (Kasulatan ng Papa) na
naghahati sa daigdig sa dalawang bahagi. Hindi sumang-ayon ang Portugal sa nilalaman ng
Inter Caetera kung kaya’t pinalitan ito ng Treaty of Tordesillas ng sumunod na taon. Ang
kasunduang Tordesillas ay paghahati ng daigdig sa Portugal at Espanya. Ang silangan ay para
sa Portugal at ang Kanluran ay para sa Espanya.

Buo ang pasiya ng Espanya na mamuhunan sa mga manlalayag na Espanyol upang


magsagawa ng mga ekspedisyon at tumuklas ng mga bagong lupain. May tatlong pangunahing
dahilan ng pagsusumikap ng Espanya na makatuklas ng mga lupain. 1. Ninais ng mga
Espanyol na makuha ang mga kayamanang taglay ng mga masasakop na lupain. 2. Layon ng
mga Espanyol na maipalaganap ang relihiyong Kristiyasnismo. 3. Hinangad ng mga Espanyol
na makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang nangungunang bansa sa paggalugad ng
mga bagong lupain.

Kasanayan Pampagkatuto at Koda

Naipapaliwanag ang mga dahilan ng kolonyalismong Espanyol. (AP5PKE-IIa-2)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 6


Gawain 1.
Panuto: Basahin mabuti ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Glory kung ito ay
Pampulitikang Hangarin, God kung ito ay Pagpapalaganap ng Kristiyanismo at Gold kung
ito naman ay Pangkabuhayang Layunin.

1. Ang paghahangad ng Espanya na maging tanyag at makapangyarihan sa


buong mundo.
2. Ang hangaring ipalaganap ang Kristiyanismo sa Pilipinas.
3. Ang paglikom ng kayaman ng mga Espanyol.
4. Ang pakikipagkasundo ng Espanyol sa Simbahang Katoliko na
ipalaganap, panatilihin at ipagtanggol ang relihiyong Romano Katoliko
sa lahat ng kolonya ng Espanya.
5. Ang pagpalaganap ng patakarang kapitalismo sa anyong merkantilismo
sa pagpapaunlad ng kabuhayan.

Gawain 2
Panuto: Piliin ang tamang layunin sa pagsakop sa ating bansa. Bilugan ang titik ng napiling
sanaysay.

A. Sinakop tayo dahil naghahanap sila ng lupang masasakop at mapagkukunan ng hilaw


na materyales.
B. Nasakop tayo dahil sa paghahanap ni Ferdinand Magellan ng ibang ruta o daan
papunta sa Moluccas para maghanap ng “spice island”
C. Sinakop tayo dahil sa paghahanap ng bagong territory.
D. Sinakop tayo dahil sa maraming magagandang babae sa ating bansa.
E. Naging layunin ng bansang Europa na palaganapin ang kanilang paniniwalang
Kristiyanismo.
F. Ang magkaroon ng kontrol sa mga likas na yaman na mapapakinabangan ng kani-
kanilang bansa kaya tayo sinakop.

Gawain 3
Panuto: Isulat sa patlang ang konseptong tinutukoy sa bawat Text Twist. Isulat ang sagot sa
patlang na nasa unahan ng bawat bilang.

1. Ang pangalawang kasunduang naghahati sa Portugal


at Espanya. (YTREAT FO OTRDELLSSIAS)
2. Ang paraan ng pamamahala ng isang
makapangyarihang bansa upang palawakin ang
kanyang mga kolonya. (OMSILAYREPMI)
3. Batayan ng kanilang kayamanan at karangyaan.
(INGTO)
4. Nais nilang ipalaganap ito sa bansang kanilang
natutuklasan. (MOSINAYITSIRK)
5. Ito ang nais nilang makamit upang kilalaning malakas
at matatag at pinakamakapangyarihang bansa.
(NGALANARAK)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 7


Gawain 4: Halina’t Tuklasin
Panuto: Tuklasin natin ang mga dahilan ng kolonisasyon ng Espanya gamit ang mga larawan
sa ibaba. Lagyan ng Check (✓) ang larawan na naging dahilan ng kolonyalisasyon ng Espanyol
at ekis (x) kung hindi.

1. 4.

2. 5.

3.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 8


Gawain 5
Panuto: Hanapin ang kahulugan ng aytem sa hanay A mula sa mga pagpipilian sa hanay B na
nasa kanan. Ilagay sa patlang ang titik ng tamang sagot.

HANAY A HANAY B

1. Pagsakop ng mga lugar A. Merkantilismo


upang makakuha ng likas na
yaman.
2. Lugar o bansang tuwirang B. Kolonyalismo
kinontrol at sinakop.
3. Sistemang pangkabuhayan C. Kolonya
na nakabatay sa dami ng
ginto at pilak.
4. Barkong higit na mabilis ay D. Espanya at Portugal
may kakayahang
makapaglayag sa kabila ng
malalakas na alon ng dagat
5. Mga bansang nanguna sa E. Caravel
patuklas ng bagong lupain.
F. Compass

Repleksiyon

Ang aking natutunan sa araling ito ay

Ang gusto ko pang matutunan ay

Mga Sanggunian
Aklat

Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado Michael M., Jose Mary Dorothy dL, Araling Panlipunan
5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, Batayang Aklat, Ikalimang Baitang.

Website
https://www.slideshare.net Marie Jaja Tan Roa Kolonyalism, Dahilan at Layunin ng
Pananakop ng mga Espanyol
https://www.slideshare.net Celeen del Rosario, AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng
pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
https://www.google.com.ph, SlideShare K to 12 Grade

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 9


Susi sa Pagwawasto

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4 Gawain 5


1. Glory A 1.Treaty of Tordesillas 1. ✓ 1. C
2. God B 2. Imperyalismo 2. ✓ 2. A
3. Gold C 3. Ginto 3. ✓ 3. B
4. God D 4. Kristiyanismo 4. x 4. E
5. Gold F 5. Karangalan 5. ✓ 5. D

Inihanda ni:

CHRISTOPHER E. CASTILLEJOS
EVARISTO C. COME
Mga Manunulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 10


ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Kristiyanisasyon

Panimula (Susing Konsepto)

Ang naging kasangkapan ng Espanya sa pananakop sa Pilipinas ay ang “espada at


krus.” Sumasagisag sa lakas ng mga sundalongEspanyol ang espada at ang krus naman ay
sumasagisag sa hangaring mapalaganap ang Katolisismo. Dahil dito, hindi katakatakang
makita ang mga pari sa bawat ekspedisyon ng mga Espanyol tulad ng mga ekspedisyon nina
Miguel Lopez de Legazpi at Padre Andres de Urdaneta.

Ang Patronato Real de las Indias ay


isang kasunduan na gumagabay sa maselang
relasyon ng Simbahang Katoliko at Espanya
noon sa usaping kolonyal. Ayon sa kasunduan,
ibinibigay ng Simbahang Katoliko sa Hari ng
Espanya ang tungkulin ng pagpapalaganap,
pagpapanatili, at pagtatanggol sa relihiyong
Romano Katoliko sa lahat ng mga kolonya ng
Espanya. Kapalit nito ay ang malayang
pamamalakad ng Espanya sa kolonyang
http://publictrending.blogspot.com/
Simbahan na malaya sa pakikialam ng Vatican.

Ang gobernador heneral ay may kapangyarihang magtalaga ng pari sa mga Parokya ay


pinagtitibay rin niya ang pagtatatag ng mga Parokya. May natatanggap na sahod mula sa
pamahalaan ang mga padre-kura. Ngunit may mga pagkakataon din na ang obispo o arsobispo
ay maaaring gumanap bilang gobernador heneral. Ito ang dahilan kung bakit maroon
kapangyarihan ang pamahalaan sa Simbahan at gayundin ang Simbahan sa pamahalaan.
Mahihinuha rin na ang pagdating ng mga prayle sa Pilipinas ay upang gawing Kristiyano ang
mga Filipino. Tinanggap naman agad ng mga katutubo ang bagong relihiyon lalo nnang ang
mga Espanyol sa panahon ni Legazpi ay nagpakita ng tapat na pakikipahkaibigan sa kanila. Sa
katunayan, killa sa pagiging natatanging Katolikong bansa ang Pilipinas sa buong Asya
hanggang sa kasalukuyan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng


Espanya.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 11


Gawain 1: Photo-Essay
Panuto: Gamit ang inyong mga laptop o Smartphone, magsaliksik ng mga larawan na
nagpapakita ng mga paniniwala at doktrinang Kristiyano at ipaliwanag ang mga
kahulugan ng mga simbolong ito sa pamamagitan ng photo-essay.

Rubrics
12 8 4
Nilalaman Ang impormasyon May ilang Marami sa mga
at mga larawan na impormasyon at impormasyong
ipinakita ay tama. larawan na hindi ibinigay ay hindi
angkop o wasto angkop o wasto
Analisis Ang mga paliwanag Ang iba sa mga Ang mga paliwanag
ay batay sa paliwanag ay batay ay hindi batay sa
pananaliksik at sa pananaliksik. Ang pananaliksik.
hindi sa sariling mga piniling mga Karamihan sa mga
opinyon ng mga imahe ay malinaw at imahe ay hindi
mag-aaral. Ang kumakatawan sa malinaw at hindi
pagpili ng mga Kristiyanong kumakatawan sa
imahe ay malinaw doktrina. Kristiyanong
na kumakatawan sa doktrina.
Kristiyanong
doktrina.
Presentasyon Ang mga Ang iba sa mga Ang mga doktrinang
doktrinang doktrinang Kristiyano ay hindi
Kristiyano ay Kristiyano ay hindi naaangkop. Hindi
naaangkop na naaangkop na malinaw ang
ipinaliwanag sa ipinaliwanag sa pagpapaliwanag sa
pamamagitan ng pamamagitan ng mga napiling
pagpili ng mga pagpili ng mga larawan.
larawan. larawan.
Kabuuang Puntos

Gawain 2
Panuto: Basahin ang teksto at unawain ng mabuti ang mga katanungan at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan.

Mga Misyonerong Dumating sa Bansa


Ang orden ni San Agustin o Agustino (Agustinians) na kasabay ng pagdating ng
ekspedisyon ni Legazpi ay kauna-unahang
mga misyonero na dumating sa bansa.
Sumunod ay ang mga orden ng Pransiskano
(Franciscans), Dominikano (Dominicans), at
ng Heswita (Jesuits). Ang Rekoletos
(Recollects) at Benediktos (Benedictines) ang
huling dumating noong ika-19 na siglo. Ang
mga kabilang sa orden ay tinawag na paring
regular. Nagkanya-kanyang misyon ang mga
prayle. Nagtungo sa Visayas, Pangasinan, at
http://panahonngmgaespanyol.blogspot.com/ Pampanga ang mga Agustino; samantalang
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 12
ang mga Dominikano naman ay sa Cagayan Valley at Pangasinan; ang mga Pransiskano ay sa
Camarines at pook sa Laguna de Bay; ang mga karatig-pook ng Maynila, and Cebu, Leyte,
Samar, Bohol, at iba pang pulo sa Visayas ay narrating naman ng Heswita. Ang mga Rekoletos
ay nagtungo sa Mindanao at sa mga pook na di-kalayuan sa Maynila. Dahil dito, masasabi na
ang malaking bahagi ng kapuluan ay halos narrating ng mga misyonero.

Ibigay ang mga lugar na naging misyon ng mga Misyonerong dumating sa Bansa.

Agustino Pransiskano Dominikano Heswita Rekoletos

• • • • •
• • • • •
• •


Gawain 3
Panuto: Basahin ang teksto at unawain ng mabuti ang mga katanungan at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan.

Sentralisadong Pamamahala ng Simbahan

Malaki ang bahaging ginampanan ng mga misyonero sa bansa. Nagpatayo sila ng mga
paaralan, mga ospital, at mga institusyong pangkawanggawa. Ngunit sa dakong huli, naging
mapagmalabis at mapagsamantala ang mga prayle sa kapangyarihan na naging dahilan ng
pagkagalit ng mga Filipino.

Naging sentralisado ang pamunuan sa


simbahan sa bansa. Ang pinakamataas na pinuno ng
simbahan ay ang arsobispo ng Maynila. Dahil sa
hinirang siya ng Papa ayon s autos ng hari, may
kapangyarihan rin siya sa politika, relihiyon, at
hukuman. Tungkulin niyang pamahalaan at
pangasiwaan ang pagpapalaganap at pagpapatupad https://4.bp.blogspot.com/
ng mga kautusan ng simbahan. Siya ang humihirang
sa mga padre-kura na mamamahala sa mga Parokya, ayon sa utos ng gobernador-heneral.

May mga diyosesis sa bansa. Sa katunayan, itinatag sa bansa ang apat na diyosesis at
bawat isa ay may obispong namuno. May mga diyosesis na matatagpuan sa Cebu, Bicol,
Cagayan, at Iloilo. Dahil ang Maynila ang sentro ng pamahalaan ay mayroon itong arsobispo.

Hanggang sa kasalukuyan ay umiiral parin ang ganitong patakaran ng Simbahan sa


bansa bagama’t may mangilan-ngilang pagbabago bunga na rin ng paglipas ng panahon.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 13


Ano-ano ang mga
ginampanan ng
mga misyonero sa
bansa?
Sino ang
pinakamataas na
pinuno ng simbahan
sa bansa?
Ano-ano ang
tungkulin ng
Arsobispo ng
Maynila?

Ano-ano ang
kapangyarihan
ng Arsobispo
ng Maynila?

Ano-ano ang
mga Diyosesis
na itinatag sa
bansa?

Gawain 4
Panuto: Basahin ang teksto at unawain ng mabuti ang mga katanungan at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan.

Pagpasok ng Iba’t ibang Orden

Pinangunahan ng mga prayleng Agustino ang pagpapalaganap ng bagong paraan ng


pagsamba ng mga Filipino. Sila ay dumating sa bansa noong 1565. Sumunod noong 1577 ang
Pransiskano at ang Heswita noong 1581. Noong 1587 ay nagtayo rin ng kanilang sariling
misyon ang Dominikano at Rekoletos noong 1606.

Sa pagpapalaganap ng kanilang relihiyon, pinag-aralan ng mga misyonero ang


katutubong salita. Sila ay naglimbag ng mga aklat-dasalan at mga babasahin tungkol sa
katekismo. Lalong naging mas malaki ang papel na ginampanan ng mga prayle nang makuha
na nila ang paniniwala ng mga tao. Maraming kautusan ng simbahan ang itinuro sa mga
sinaunang Filipino katulad ng pagbibinyag, kumpisal, kasal, orasyon, at pagrorosaryo.

Gayunman, pinanatili ng mga prayle ang ilang gawaing pagano at inihalo sa mga
gawaing Katoliko upang hikayatin ang iba pang Filipino na maging Katoliko. Ilan sa mga
gawaing ito ay ang mga pamahiin, paniniwala sa milagro o himala, at pagsamba sa mga rebulto
at iba pa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 14


Gumawa ng timeline kung kailan pumasok sa bansa ang iba’t ibang Orden. Gawin ito
sa sagutang papel.

156 157 158 158 160


5 7 1 7 6

Gawain 5
Panuto: Basahin ang teksto at unawain nang mabuti ang mga katanungan at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan.

Isang “Katutubong Katolisismo”

Maituturing na “Katutubong Katolisismo” ang Katolisismong itinuro sa mga


sinaunang Filipino. Ang paniniwala at pananampalataya ng mga sinaunang Filipino ay
masasabing kahawig rin ng Katolisismo ng mga Espanyol sapagkat magkatulad sila sa
maraming bagay tulad ng mga sumusunod:

1. Nagdaraos ng seremonya ang mga sinaunang relihiyon at misa naman sa Katolisismo


2. Kapwa sila sumasamba sa mga rebulto
3. Sa kweba nagsasagawa ng seremonya ang mga sinaunang relihiyon, samantalang sa
mga simbahan naman isinasagawa ang misa ng mga Katoliko

Ang mga pamahiin ng mga sinaunang Filipino na nauukol sa relihiyon ay pinanatili na


rin ng mga misyonero.

Base sa nabasang talata, ibigay ang mga kaugaliang Katoliko na itinuro ng mga Espanyol sa
mga Filipino at mga matatandang paniniwala na pinapanatili ng mga prayle. Isang puntos
bawat tamang sagot.

Kaugaliang Katoliko Matatandang Paniniwala


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 15


Gawain 6
Panuto: Basahin ang teksto at unawain nang mabuti ang mga katanungan at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan. Dalawang puntos sa bawat tamang sagot.

Mga Epekto ng Ebanghelisasyon

Sa loob lamang ng maikling panahon, ang malaking bahagi ng Pilipinas ay lubusang


nasakop ng mga Espanyol sa tulong ng “krus” na kumakatawan sa Diyos at “espada” na
kumakatawan naman sa kapangyarihan.

Nang lumaon ay tinanggap na ng mga sinaunang Filipino ang pananampalatayang


Katoliko. Malaki ang naging epekto ng kolonisasyon at ebanghelisasyon sa iba’t ibang aspeto
ng buhay ng mga Filipino.

Pagkatao. Dahil sa Kristiyanismo ay nagbago ang buhay ng mga Filipino. Natigil ang
awayan sa maraming lugar. Ipinagbawal ang mga sumusunod:

1. Pagpatay sa mga bata


2. Paghahandog ng mga tao sa mga sinasambang anit, at
3. Pakikiapid at pagsasama nang hindi pa kasal.

Sining at Kultura. Ang ginawa ng mga sinaunang misyonero ay hindi lamang sa


pagtuturo ng ebanghelyo. Sila rin ang nagdala sa bansa ng sining ng mga Europeo kasama ang
edukasyon, panitikan, at musika. Nagpatayo rin sila ng mga bahay-ampunan, ospital, aklatan,
palimbagan, paaralan, kolehiyo, at unibersidad. Ang iba’t ibang uri ng halaman at hayop sa
Mexico at Europe ay dinala rin nila sa bansa. Maraming kaalaman ang itinuro nila sa mga
Filipino tulad ng paggawa ng mga bahay na yari sa tisa at bato, paggamit ng pintura, muwebles,
piano, mga karwahe, tren, at barko. Natuto ang mga tao ng paghaharana, paghahanda, at
pandarayuhan sa mga dambana (shrine) tulad ng nasa antipolo. Nagsimula rin ang pagdiriwang
ng makukulay na pista ng bayan at pagdiriwang para sa mga santo at santa, sa Papa, sa mga
gobernadora, at hari ng Espanya,

Libangan at Propesyon. Nagkaroon ng mga teatro, karera ng kabayo, sabong, at iba


pa bilang libangan. Sapagkat nagsimula nang mabuo ang pangkat ng mga “maykaya,” naging
mapalad ang ilang Filipino na maging eskultor, abogado, manggagamot, maestro, at empleyado
sa pamahalaan. Natuto silang magbasa ng pahayagan at nakapagpaaral rin sila ng kanilang mga
anak.

Panitikan. Ninais din ng mga misyinero na matutuhan ng mga tao ang relihiyon at
panitikang nauukol sa pananampalatayang Kristiyano. Nahalinhan ng mga bagong aklat ang
dating panitikang katutubo.

Ang Doctrina Christiana na nalimbag sa wiakng Espanyol at Tagalog na akda nina


Padre Domingo de Nieva, OP. at Padre Juan de Placencia ay isa sa dalawang unang aklat na
nilimbag sa Pilipinas.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 16


Ibigay ang mga Epekto ng Ebanghelisasyon ng mga Misyonera sa mga Filipino. Ito ay
ang mga ipinagbawal, ginawa, at kontribusyon sa paglilinang sa mga Filipino.

Sining at Libangan at
Pagkatao Kultura Propesyon Panitikan

• • • •
• • • •
• • • •

Repleksiyon

Ano ang mga natutunan ko?

Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sanggunian

Rama, M. D., Rama, J. G., Domingo, F. C., & Cruz, J. A. (2010). Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap.
Makaty City: EdCrish International, Inc.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1- Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng puntos


Photo-Essay.

Gawain 2
Ibigay ang mga lugar na naging misyon ng mga Misyonerong dumating sa Bansa.

Agustino Pransiskano Dominikano Heswita Rekoletos

• Visayas • Camarines • Cagayan • Maynila • Mindanao


• Pangasinan • Laguna de Valley • Cebu • Maynila
• Pampanga Bay • Pangasinan • Leyte
• Samar
• Bohol
• Visayas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 17


Gawain 3
Ano-ano ang mga
ginampanan ng Nagpatayo ng mga paaralan, ospital, at mga
mga misyonero sa institusyong pankawanggawa.
bansa?
Sino ang
pinakamataas na
Arsobispo ng Maynila
pinuno ng simbahan
sa bansa?
Ano-ano ang Tungkulin niyang pamahalaan at pangasiwaan ang
tungkulin ng pagpapalaganap at pagpapatupad ng mga kautusan ng
Arsobispo ng
Simbahan.
Maynila?
Ano-ano ang
kapangyarihan May kapangyarihan siya sa politika, relihiyon at
ng Arsobispo hukuman.
ng Maynila?
Ano-ano ang
mga Diyosesis
Cebu, Bohol, Cagayan at Iloilo
na itinatag sa
bansa?

Gawain 4
Gumawa ng timeline kung kailan pumasok sa bansa ang iba’t ibang Orden.

1565 1577 1581 1587 Dominikano 1606


Agustin Pransiskan Heswit Rekoleto
o o a s

Gawain 5
Ibigay ang pagkakapareho ng Katolisismo at ng Katutubong Pananampalataya. Ito ay ang
mga ipinagbawal, ginawa, at kontribusyon sa paglilinang sa mga Filipino.

Katolisismo Katutubong Pananampalataya


Nagdaraos ng misa Nagdaraos ng seremonya ang mga
sinaunang relihiyon
Sumasamba sa rebulto Sumasamba sa rebulto
Sa simbahan isinasagawa ang misa ng mga Sa kuweba nagsasagawa ng seremonya ang
Katoliko mga sinaunang relihiyon

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 18


Gawain 6
Panuto: Ibigay ang mga Epekto ng Ebanghelisasyon ng mga Misyonera sa mga Filipino. Ito
ay ang mga ipinagbawal, ginawa, at kontribusyon sa paglilinang sa mga Filipino.

Libangan at
Pagkatao Sining at Kultura Panitikan
Propesyon
• Pagpatay • Edukasyon • eskultor • Doctrina
sa • panitikan • abogado Christiana
mga • musika • manggagamot
bata • ampunan • maestro
• pagahahand • ospital • empleyado
og ng tao sa • aklatan
mga anito • palimbagan
• pakikiapaid • paaralan
at
pagsasama • kolehiyo
ng hindi • unibersidad
kasal • at iba pa.

Inihanda ni:

ARNULFO ANSELM C. HORTIZ


Manunulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 19


ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Puwersang Militar

Panimula (Susing Konsepto)


Sa ilalim ng pamamahala ni Haring Charles V o Carlos V (1500-1558), nagsimula ang
pananakop ng Espanya sa Pilipinas. Isinagawa ni Ferdinand Magellan ang unang ekspedisyon.
Bagama’t hindi nagtagal si Magellan sa Pilipinas dahil tinalo ito ng pangkat ni Lapu-Lapu,
hindi ito naging dahilan upang hindi ituloy ng Espanya ang pagnanasang sakupin ang bansa.
Ang anak ni Haring Charles V na si Haring Philip II (1527-1598) ang nagpatuloy at nagpadala
ng mga ekspedisyon sa bansa. Nagtagumpay ang ekspedisyon sa bansa. Nagtagumpay ang
ekspedisyon ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 at ganap na nasakop ng Espanya ang
Pilipinas.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda

Nasusuri ang mga paraan nang pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan


ng Espanya.
Gawain 1
Panuto: Basahin, suriin at unawain ang teksto na naglalahad ng Pananakop sa Cebu. Ibigay
ang hinihingi sa bawat gawain.

Pananakop sa Cebu

Hindi naging maganda ang pagtanggap ng mga katutubo sa pangkat ni Legazpi sa Cebu.
Nagtuloy sila sa Samar, Leyte at iba pang mga pulo. Nang marating niya ang Limasawa ay
sinalubong siya ng pinuno ng pulo na si Bankaw. Napadako rin siya sa Bohol. Siya ay
nakipagkasundo at nakipagsanduguan sa
dalawang pinuno ng Bohol na sina Sikatuna
at Sigala.

Bumalik si Legazpi sa Cebu noong


Ika-27 ng Abril, 1565 at nakipaglaban kay
Raha Tupas, ang pinuno ng Cebu.
Nagtagumpay ang mga Espanyol sa Cebu at
https://scontent.fmnl4-6.fna.fbcdn.net/
pinangalanan nila itong Villa San Miguel na
sa kalaunan ay tinawag na Ciudad del
Santisimo Nomber de Jesus nang matuklasan ang imahen ng Santo Niño. Ipinalagay na iyon
din ang ibinigay na imahen ni Magellan kay Juana, ang reyna ng Cebu at asawa ni Raha
Humabon. Ang Cebu ang itinuturing na pinakamatandang lungsod sa bansa at ang unang
lungsod na itinatag ng mga Espanyol noon 1565.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 20


Ang pagpapalaganap ng Katolisismo ng mga misyonerong Agustino ay kasabay ng
pagtatatag ng mga unang pamayanang Espanyol. Si Humabon ang unang Cebuanong naging
Katoliko. Bininyagan si Raha Tupas sa pangalang Philip, at ang kanyang anak ay bininyagan
rin at pinangalanang Carlos. Naging Katoliko ang karamihan sa mga Cebuano matapos
mabinyagan ang mga pinuno.

1-A
Ibigay ang mga lugar na pinuntahan ni Sino-sino ang mga pangunahing
Legazpi noong sakupin niya ang Cebu. tauhan sa pagsakop sa Cebu?
Magbigay ng lima (5). Magbigay ng lima (5).
• •
• •
• •
• •
• •

1-B

Ano-ano ang
ipinangalan sa
Cebu nang
magtagumpay
ang mga
Espanyol sa
Pagsakop dito?

Gawain 2
Panuto: Basahin ang teksto at unawain ng mabuti ang mga katanungan at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan.

Pagsakop sa Panay at Iba Pang Isla

Itinatag ni Legazpi noong 1569 ang pangalawang bayan sa Pilipinas sa baybayin ng


Ilog Panay. Mula sa Cebu ay lumipat siya sa Panay dahil sa kakulangan ng pagkain. Ang
pangalan ng bayang ito ay nagmula sa salitang Espanyol na “pan-ay”, na ang kahulugan ay
“may pagkain.” Naging kaibigan si Legazpi ng mga katutubo dahil sa tulong ni Padre Juan de
Alba at iba pang mga misyonerong Agustino.

Sa iba pang pulo ng bansa, pinalawak ng mga mananakop at misyonero ang


kapangyarihang Espanyol at ang Katolisismo. Noong 1569 narating ni Luis Enriquez de
Guzman at Padre Alfonso Jimenez ang Masbate at Albay. Samantala, noong 1570 ay ipinadala
sa Mindanao si Juan de Salcedo upang palayasin ang mga Muslim sa Ilin at Lubang. Nabihag
niya ang isang bayan ng mga Muslim sa Mindoro, ang Mamburao. Ang mga pulo sa Bisayas
ay matagumpay ring nasakop ng mga Espanyol.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 21


Saan hango ang pangalang
"Panay"? •
Sino-sino ang mga Paring •
naging instrumento sa
pagsakop sa Panay? •
Sino ang itinalaga upang
palayasin ang mga Muslim? •

Gawain 3
Panuto: Basahin ang teksto at ibigay ang mga pangyayari sa mga sumusunod na taon sa
pagsakop sa Maynila. Dalawang puntos sa bawat tamang sagot.

Pagsakop sa Maynila

Mula sa Panay, isang pangkat ng mga Espanyol ang ipinadala sa Maynila noong Ika-8
ng Mayo, 1570. Si Martin de Goiti ang namuno rito at si Juan de Salcedo naman ang
pangalawang pinuno. Ang ekspedisyon ay binuo ng 120 na mga Espanyol at 600 na mga
Bisayang mandirigma.

https://kahimyang.com/resources-5/xcapital-
manila-
sm.jpg.pagespeed.ic.FmKRAHI_8o.webp

Sa ilalim ng paghahari ni Raha Sulayman at ni Lakan Dula, ang hari ng Tondo, ang
Maynila ay isa nang maunlad na pamayanang Muslim bago pa man dumating ang mga
Espanyol. Noong Mayo 24, 1570 nagkaroon ng labanan dahil sa hindi pagsang-ayon ni
Sulayman na mapailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol. Naging matagumpay ang
pangkat ni de Goiti at pagkaraan ay bumalik sa Panay.

Noong 1571, sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi, ay muling nagpadala ng


ekspedisyon ang mga Espanyol sa Maynila. Ang ginawang pananakop sa Maynila ay hindi
naging madugo sapagkat napakiusapan ni Lakan Dula si Sulayman na tanggapin na nag
pamamahala ng mga Espanyol. Noong Ika-19 ng Mayo, 1571 ay nasakop ng mga Espanyol
ang Maynila nang walang labanang naganap.

Ngunit iilan lamang sa mga katutubo ang kusang loob na sumuko sa mga Espanyol.
Nagkaroon ng labanan sa Bangkusay, Tondo noong Ika-3 ng Hunyo, 1571 sa pagitan nina de
Goiti at ni Raha Sulayman, ang pinuno ng pangkat. Naging madugo ang labanan at maraming

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 22


Filipino ang namatay kabilang na si Tarik Sulayman, ang lider ng mga Kapampangang
mandirigma na tumulong kina Lakan Dula sa kanilang pakikipaglaban sa mga Espanyol.

Noong Ika-24 ng Hunyo, 1571, ipinahayag ni Legazpi na ang Maynila na ang bagong
kabisera ng Pilipinas. Insigne y Siempre Leal Ciudad ang ipinangalan dito ni Legazpi at
pinagkalooban ni Haring Philip II ang bagong lungsod ng isang escudo de armas (coat of arms).
Ang Maynila ang pangalawang lungsod na itinatag ng mga Espanyol.

Mula sa salitang “Maynilad” ang pangalang Maynila na ang ibig sabihin ay :lugar na
may nilad.” Ang nilad ay isang uri ng halaman na tumutubo noon sa lugar.

Mayo 8,
1570
Mayo 24,
1570
Mayo 19,
1571
Hunyo 3,
1571
Hunyo
24, 1571

Gawain 4
Panuto: Basahin ang teksto at unawain nang mabuti ang mga katanungan at ibigay ang mga
hinihinging kasagutan. Dalawang puntos sa bawat tamang sagot.

Pagsakop sa Luzon

Sa pamumuno ni Martin de Goiti at sa tulong ni Lakan Dula, nagsimula ang pananakop


sa Gitnang Luzon noong 1571-1572.

Abala naman sa pakikipaglaban sa rehiyon ng Laguna at Katagalugan si Juan de Sal


edo, isang Mehikanong conquistador. Nagtungo siya sa Tayabas hanggang sa Camarines Norte.
Pagkagaling sa Bicol, siya ay tumuloy papuntang Cagayan Valley, Zambales, Pangasinan, at
Ilocos na tinatawag noon na Samtoy. Ang Vigan ang pinakamayamang kaharian sa Ilocos na
nasakop niya at tinawag itong Villa Fernandina bilang parangal kay Prinsipe Fernando, ang
unang anak ni Haring Philip II. Mula sa Ilocos, ginalugad niya ang Hilagang Luzon at
natagpuan ang Ilog Cagayan. Sa pag-ikot niya sa baybayin ng Pacific. Nakarating si Juan de
Salcedo sa Cagayan hanggang Cape Bojeador. Mula sa Cagayan nakarating siya sa silangang
baybayin ng Cainta patungo sa Laguna. Nang mabalitaan niya ang ginto sa Paracale, pumunta
siya sa Camarines, kung saan siya nagkasakit. Nang siya ay gumaling, bumalik siya sa Maynila
nang mabalitaan niyang maysakit ang kanyang lolo na si Miguel Lopez de Legazpi.

Noong 1574-1575 ang kanyang huling pakikipaglaban ay upang mailigtas and Pilipinas
laban sa pananalakay ng isang piratang Tsino, si Limahong.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 23


Sino-sino ang namuno •
sa •
pagsakop sa gitnang
Luzon?

Ano-ano ang mga


nagawa ni •
Juan de Salcedo •
sa pananakop sa
Luzon?


Ano-anong mga lugar •
ang •
nagalugad ni Juan de •
Salcedo? Magbigay ng •
lima (5).

Sa pag-iikot ni Juan
de •
Salcedo sa baybayin ng •
Cagayan. Saang mga •
lugar siya nakarating?
Magbigay ng tatlo (3).

Kanino nagkipaglaban si
Salcedo upang mailigtas •
ang Pilipinas?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 24


Repleksiyon

Ano ang mga natutunan ko?

Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sanggunian
Rama, M. D., Rama, J. G., Domingo, F. C., & Cruz, J. A. (2010). Pilipinas Isang Sulyap at Pagyakap.
Makaty City: EdCrish International, Inc.

Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

Ibigay ang mga lugar na pinuntahan ni Sino-sino an gmga pangunahing tauhan


Legazpi noong sakupin niya niya ang sa pagsakop sa Cebu? Magbigay ng lima
Cebu. (5).

• Samar • Legazpi
• Leyte • Bankaw
• Limasawa • Sikatuna
• Bohol • Sigala
• Raha Tupas

Ano-ano ang
ipinangalan sa Cebu Ciudad del
nang magtagumpay Villa San Miguel Santisimo Nombre de
ang mga Espanyol sa Jesus
Pagsakop dito?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 25


Gawain 2

Saan hango ang pangalang • Nagmula sa salitang Espanyol na ang kahulugan ay


"Panay"? "may pagkain"

Sino-sino ang mga Paring naging • Padre Juan de Alba


instrumento sa pagsakop sa
Panay? • Iba pang mga misyonerong Agustino

Sino ang itinalaga upang


• Juan de Salcedo
palayasin ang mga Muslim?

Gawain 3

Mayo 8,
Mula sa Panay, isang pangkat ng mga Espanyol ang ipinadala sa Maynila
1570
Mayo Nagakaroon ng labanan dahil sa hindi pagsang-ayon ni Sulayman na
24, 1570 mapailalim sila sa kapangyarihan ng mga Espanyol
Mayo
Nasakop ng mga espanyol ang Maynila nang walang labanang naganap
19, 1571
Hunyo Nagkaroon ng labanan sa Bangkusay, Tondo sa pagitan nina de Goiti at
3, 1571 Raha Sulayman.
Hunyo Ipinahayag ni Legazpi na ang Maynila na ang bagong kabisera ng
24, 1571 Pilipinas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 26


Gawain 4

Sino-sino ang namuno sa • Martin de Goiti


pagsakop sa gitnang Luzon? • Lakan Dula

Ano-ano ang mga nagawa ni • Nakipaglaban sa rehiyon ng Laguna at


Juan de Salcedo sa pananakop
Katagalugan
sa Luzon?

• Tayabas
• Camarines
Ano-anong mga lugar ang • Bicol
nagalugad ni Juan de Salcedo? • Cagayan Valley
Magbigay ng lima (5). • Zabales
• Pangasinan
• Ilocos
Sa pag-iikot ni Juan de
Salcedo sa baybayin ng • Cape Bojeador
Cagayan. Saang mga lugar • Cainta
siya nakarating? Magbigay ng • Laguna
tatlo (3).

Kanino nagkipaglaban si
Salcedo upang mailigtas ang • Limahong
Pilipinas?

Inihanda ni:

ARNULFO ANSELM C. HORTIZ


Manunulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 27


ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Baitang:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Mga Paraan ng Pananakop

Panimula (Susing Konsepto)


Tatlo ang estratehiyang ginamit ng mga Espanyol sa pananakop ng ating bansa: ang
paggamit ng dahas o espada, pagpapalaganap ng Kristiyanismo o Kristiyanisasyon, at
paghihigpit sa pamamahala. Sa ganitong pamamaraan nasakop nila ang teritoryo ng ating mga
ninuno. Ang mga lugar na hindi kusang tumanggap sa mga dayuhan ay sapilitang sinakop sa
pamamagitan ng paggamit ng puwersang militar na madalas nauuwi sa karahasan.
Nagpatupad ng iba’t-ibang paraan ang mga Espanyol upang maging matagumpay ang
pananakop gaya ng Kristiyanisasyon, reduccion, tributo, encomienda at sapilitang paggawa.
Malaki ang naging epekto ng mga patakarang ito sa pamumuhay ng mga katutubo. Bagama’t
naging instrumento ito sa pagsakop sa Pilipinas, nagsilbing daan naman ito upang magkaroon
ng kamalayan ang mga katutubo para ipagtanggol ang sarili at pagbubuo ng bayan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Natatalakay ang mga paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa
kapangyharihan ng Espanya: proseso ng Kristiyanisasyon, Reduccion, Tributo, Encomienda at
Sapilitang Paggawa (AP5PKEIIc-d)

Gawain 1
Panuto: May iba’t-ibang pamamaraan ang mga Espanyol upang tuluyang masakop ang
Pilipinas at mapakinabangan ang mga yaman nito tulad ng Kristiyanisasyon,
Reduccion, Tributo, Polo y servicios at Encomienda. Isualat sa patlang ang iyong
nalalaman tungkol sa mga sumusunod na patakaran:

1. Kristiyanisasyon

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 28


2. Reduccion

3. Tributo

4. Polo y servicios

5. Encomienda

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos

5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos Walang Puntos


Mahusay ang Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Walang ideya.
pagkakasagot. konting ideya na ideya subalit Walang sagot
Naibigay ang mga hinahanap ng tanong walang kaugnayan
ideya na hinahanap ng ngunit hindi gaanong sa tanong.
tanong. Nasa tamang maayos ang
ayos ang pangungusap pangungusap.

Gawain 2
Panuto: Suriin at kilalanin ang mga sumusunod na paniniwala. Isulat ang KP kung ito ay
katutubong paniniwala ng mga Filipino. Isulat naman ang PK kung ito ay paniniwalang
Kristiyanismo. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

1. Pagsamba sa kalikasan tulad ng araw, bituin, puno, hayop at iba pa.


2. Pagsamba sa iisang Diyos.
3. Pagdarasal ng Rosaryo at pagdalo sa Misa.
4. Pag-aalay ng alak at pagkain sa mga ispiritu.
5. Pagkakaroon ng anting-anting.
6. Pagkakaroon ng mga piyesta para sa mga Santo na may handaan at sayawan.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 29
May pagkakahawig ba ang mga katutubong paniniwala (KP) sa mga Paniniwalang Kristiyano
(PK)?
Paano kaya nakatulong ito sa mabilis na paglaganap ng Kristiyanismo?

Sagot:

Gawain 3
Panuto: Basahin ang teksto. Punan ang graphic organizer sa ibaba pagkatapos basahin ang
teksto. (Ang bawat tanong ay may katumbas na dalawang puntos)

Ang Sistemang Reduccion


Ang paglaganap ng Kristiyanismo ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaroon ng
malaking pagbabago sa uri ng paninirahan ng mga Filipino sa panahon ng mga Espanyol.
Magkakalayo ang mga tirahan ng Filipino noon. May ilang nakatira sa bukirin, bundok, tabing-
dagat, o sa ibabaw ng puno o loob ng bangka. Naging mahirap para sa mga paring misyonero
na maabot ang lahat ng mga Filipino lalo na’t limitado pa lamang ang kanilang bilang noon.
Naniniwala silang madaling mapalaganap ang Kristiyanismo kung magkakalapit-lapit ng
tirahan ang mga Filipino. Dahil dito, isinagawa ng pamahalaang Espanyol ang sistemang
reduccion o ang sapilitang paglilipat ng mga Filipino mula sa mga malalayong pamayanan
upang pagsamsa-samahin sa mga pueblo. Ang mga pamayanang ito ay tinawag na parokya at
ang pinakasentro ay tinawag na kabisera. Karaniwang ang mga lugar na ito ay nasa kapatagan
malapit sa ilog at dagat. Ang mga lugar na malayo rito ay tinatawag namang visita samantalang
ang mga lugar na mas malayo pa rito ay tinatawag na rancho. Noong una ay binibisita pa ng
mga pari ang mga visita ngunit nang lumaon ay kinapaguran din nila ito kaya’t ang mga tao
mismo ang napilitang lumipat sa mga kabisera at hindi naging mahirap sa mga pari ang
pagpapalaganap ng relihiyon. Ginamit nila ang kampana ng simbahan sa pagtawag sa mga tao.
Sinadya rin nilang ilapit ang palengke, munisipyo, sementeryo, at maging ang mga
paaralan sa simbahan sa kabisera. Sa tuwing magkakaroon ng pagdiriwang o kapistahan sa
bayan ay nakapamamasyal din ang mga tao sa plaza at nanonood ng mga pagtatanghal. Ginawa
itong lahat ng mga pari upang mahikayat na magsimba ang mga Filipino. Hindi na nga naman
nila makakaligtaan ang dumaan sa simbahan dahil halos lahat ng kanilang pupuntahan ay
malapit lamang dito.
Hango sa Bagong Lakbay ng Lahing Filipino, pahina 140-141

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 30


Ano ang kahulugan ng reduccion?

Ano ang layunin ng Espanyol sa pagsasagawa ng reduccion?

Paano nakaapekto ang reduccion sa mga Filipino?

Ano ang naging reaksiyon ng mga Filipino sa reduccion?

Paano naging matagumpay ang Espanya sa pagpapatupad ng


reduccion?

Panuto: Basahin ang teksto sa ibaba pagkatapos ay gawin ang Gawain 4.

Polo y Servicios at Tributo


Isa pang patakarang ipinatupad ng pamahalaang Espanyol ay ang polo y servicios o
sapilitang paggawa. Sakop nito ang lahat ng kalalakihang may edad 16 hanggang 60 na may
kakayahang magtrabho at maglingkod sa mga pagawaan ng pamahalaan Espanyol, gaya ng
pagtatayo ng tulay, simbahan, at paggawa o pagkumpuni ng barkong galyon. Polista ang tawag
sa mga naglilingkod dito. Sila ay nagtatrabaho nang 40 na araw (sa bawat taon) sa pamahalaan
ngunit ibinaba ito sa 15 araw noong 1884. May ilang polistang isinama ng pamahalaang
Espanyol sa pakikipagdigma sa mga Muslim at sa mga ekspedisyon sa ibang lugar.
Makaliligtas lamang sa polo ang isang Filipino kung siya ay may kakayahang
magbayad ng falla o multa bilang kapalit ng kaniyang hindi paglilingkod. Ngunit dahil sa
kahirapan ay iilan lamang ang nakaiiwas dito. Ang mga may katungkulan sa pamahalaan gaya
ng gobernadorcillo, cabeza de barangay, at iba pang miyembro ng principalia ay ligtas din sa
polo.
Samantala, ang pagbubuwis ay ang paglikom ng salaping kakailanganin sa
pagpapatakbo ng pamahalaan. Ginagamit ang buwis sa pagpapanatili ng kaligtasan ng mga
mamamayan ng bansa at sa pagpapatayo ng mga paaralan, ospital, at iba pang impraestruktura
gaya ng tulay at daan. Ang patakarang ito ay hindi na bago sa mga Filipino sapagkat noon pa
man ay ginagawa na nila ito sa mga datu ng barangay. Gayunpaman, ito ay naging sanhi ng
pang-aapi ng mga Espanyol sa mga katutubo.
Alinsunod sa batas na ipinatupad ng mga Espanyol, ang tributo o buwis ng
pagkamamamayan ay may katumbas na walong reales o piso na maaring bayaran ng pera o
produktong gaya ng ginto, tela, bulak, at bigas na may halagang takda sa bawat produkto.
Itinaas pa ito sa halagang 12 reales noong 1851. Nang hindi naging sapat ang tributo upang
maisakatuparan ang mga proyekto ng bansa, pinalitan ito ng sedula personal noong 1884.
Kailangang kumuha at magbayad ng sedula ang may edad na 18 pataas bilang tanda ng

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 31


pagkakakilanlan ng mga Filipino at pagtanggap sa kapangyarihan ng Espanya. Tanging ang
mga kasapi lamang sa principalia at mga katutubong naglilingkod sa pamahalaan at simbahan
ang hindi nagbabayad ng buwis.

Gawain 4
Panuto: Magtala ng apat (4) o higit pang pahayag tungkol sa mga patakaran Polo y servicios
at Tributo

Polo y servicios Tributo


1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

Gawain 5
Panuto: Basahin at unawain ang talata sa ibaba pagtapos ay sagutin ang mga katanungang
kasunod nito.

Isa sa mga paraang ginamit ng mga Espanyol upang madaling masakop ang mga
katutubong Filipino ay sa pamamagitan ng sistemang encomienda. Ang sistemang encomienda
ay ang pagbibigay ng hari ng Espanya ng lupain sa mga tao o institusyon na tapat sa kanya.
Kasamang ibinibigay rito ang mga mamamayang naninirahan sa lupain. Encomiendero ang
tawag sa taong piangkalooban ng encomienda. Tungkulin niyang pangalagaan ang kapakanan
ng mga mamamayan na nasasakupan niya laban sa mga kaaway, panatilihin ang kapayapaan
at kaayusan, at tulungan ang mga misyonero na palaganapin ang Kristiyanismo. Binibigyan
siya ng karapatan na maningil ng buwis sa mga nasasakupan niya.

1. Ano ang sistemang encomienda?

2. Paano nagiging encomiendero ang isang tao?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 32


3. Ano-ano ang mga tungkulin at karapatan ng isang encomiendero?

4. Sa iyong palagay, nakabuti ba ang sistemang encomienda sa mga Filipino? Bakit?

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos


5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos Walang Puntos
Mahusay ang Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Walang ideya.
pagkakasagot. konting ideya na ideya subalit Walang sagot
Naibigay ang mga hinahanap ng tanong walang kaugnayan
ideya na hinahanap ng ngunit hindi gaanong sa tanong.
tanong. Nasa tamang maayos ang
ayos ang pangungusap pangungusap.

Repleksiyon
Ano ang mga natutunan ko?

Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sanggunian

Aklat

Danao, Carolina P., Molave, Aurelia T., Kalinangan 5, Phoenix Publishing House Inc., 927
Quezon Ave., Quezon City: 2017
Julian, Ailene B., Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Filipino, Phoenix Publishing
House Inc., 927 Quezon Ave., Quezon City:2017
Mga Websites

ldrms.deped.gov.ph

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 33


Susi sa Pagwasto

Gawain 1
1. Pagpapalaganap ng relihiyon/paniniwalang Kristiyanismo
2. Sapilitang paglipat ng mga Filipino mula sa mga malalayong pamayanan upang
pagsama-samahin sa isang lugar.
3. Sistema ng buwis na ibinabayad bilang pagkilala sa kapangyarihan ng Espanya.
4. Sapilitang pagtatrabaho ng mga kalalakihang may edad 16-60 sa loob ng 40 araw
sa mga pampublikong Gawain.
5. Pagkakaloob ng hari ng Espanya ng lupain sa isang taong pinagkakatiwalan niya.

Gawain 2
1. KP
2. PK
3. PK
4. KP
5. KP
6. PK

Oo, may pagkakahawig ang mga katutubong paniniwala sa paniniwalang


Kristiyano kaya madali itong tinaggap ng mga katutubo na siya namang nagpadali
para sila ay masakop.

Gawain 3
1. Ang Reduccion ay sapilitang paglipat ng mga Filipino mula sa mga malalayong
pamayanan upang pagsama-samahin sa isang lugar.
2. Ang layunin ng reduccion ay para mapadali at mapabilis ang pagturo ng
Kristiyanismo at mapabuti ang pamamahala.
3. Dahil sa reduccion, napalayo ang mga mga katutubong Filipino sa kanilang mga
sakahan/hanapbuhay.
4. Ang pangunahing naging reaksiyon ng mga katutubong Filipino ay pagtutol.
5. Naging matagumpay ang reduccion dahil ginawa ito ng mapayapa at malawakan.

Gawain 4
Polo y servicios
- Sapilitang paggawa
- Ang mga kasapi ay mga kalalakihang may edad 16-60
- Ang mga gawain ay pampubliko tulad ng daan, tulay, simbahan at iba pa.
- Polista ang tawag sa mga naglilingkod sa polo
- Kailangan maglingkod ng 40 na araw sa loob ng isang taon ang isang
polista
- Maaring magbayad ng falla upang hindi na magtrabaho sa polo.
Tributo
- Sapilitang pagbabayad ng buwis bilang pagkilala sa kapangyarihan ng
Espanya
- Nagbabayad ng tributo ang lahat ng lalaking may edad 19-60
- Maaring bayaran ng salapi (8 reales o piso) o produkto
- Pinalitan ng sedual noong 1851

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 34


Gawain 5
1. Ang pagbibigay ng hari ng Espanya ng lupain sa mga tao o institusyon na tapat sa
kanya
2. Kapag siya ay pinili ng hari dahil sa kanyang tapat na paglilingkod
3. Tungkulin niyang pangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan na
nasasakupan niya laban sa mga kaaway, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan,
at tulungan ang mga misyonero na palaganapin ang Kristiyanismo. Binibigyan
siya ng karapatan na maningil ng buwis sa mga nasasakupan niya.
4. Maaring iba-iba ang sagot ng mga mag-aaral

Inihanda ni:

JAY V. GONZALES
Manunulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 35


ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Mga Perspektibo Ukol sa Pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol sa
Pilipinas
Panimula (Susing Konsepto)
Ang tahimik na pamumuhay ng ating mga ninuno ay ginambala ng pagdating ng mga
mananakop noong panahon ng kolonisasyon. Dumating ang mga Espanyol at sinakop ang
Pilipinas. Bagama’t noong 1521 ay naipagtanggol ni Lapu-lapu ang kanilang karapatang
maging malaya laban sa banta ng pananakop ni Ferdinand Magellan, bumalik ang mga
Espanyol sa pamumuno ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565 at tuluyan nang sinakop ang
bansa.
Itinatag ng mga Espanyol ang pamahalaang kolonyal at isinailalim nila rito ang Luzon
at ang Visayas. Nahirapan ang mga Filipino sa pagsunod sa mga utos ng pamahalaang dayuhan.
Naging instrumento ng Espanya ang kanyang makapangyarihang pamahalaan at ang mga
misyonerong Katoliko sa pagsakop sa mga katutubong Filipino.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang iba’t – ibang perspektibo ukol sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa
Pilipinas. (AP5PKE-IIb-4)

Gawain 1
Panuto: Gamit ang estratehiyang Read and React, suriin ang iba’t ibang perspektibo o
pananaw ng mga kilalang pinuno o mga lugar sa bansa na unang nakaranas ng
pakikitungo o pananakop ng mga dayuhan. Ipahayag ang iyong damdamin o kaisipan
hinggil sa mga ito sa iyong sagutang papel.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 36


Basahin: Narating nina Magellan ang Homonhon noong Ika-17 ng Marso,
1521 ngunit wala silang nadatnan na tao rito. Kinabukasan, ika-18 ng Marso
ay dumating ang siyam na katutubo mula sa isla ng Suluan na nakasakay sa
bangka. Sila ay may mga sakay na pagkain at mga inumin at buong – lugod
nilang ipinagkaloob ang mga ito sa mga dayuhan.

Ano ang iyong reaksiyon?

Basahin: Noong Ika-7 ng Abril, 1521 ay narating nina Magellen ang Cebu.
Mainit na tinanggap ng mga tao rito ang mga Espanyol. Bilang tanda ng
pakikipagkaibigan ay nakipagsanduguan si Raja Humabon kay Magellan.
Makalipas ang isang lingo ay idinaos ang misa kung saan dito rin ay
bininyagan at binigyan ng pangalang Carlos at Juana si Raja Humabon at
ang kanyang asawa.

Ano ang iyong reaksiyon?

Baahin: Sa pulo ng Mactan, sa pamumuno ni Lapu-lapu ay hindi kinilala ang


kapangyarihan ng Espanya. Kaya noong Ika-27 ng Abril, 1521 ay sinalakay
at pinasunog ni Magellan ang mga bahay ng mga katutubo na lalong
nagpagalit sa kanila. Hindi natakot sina Lapu-lapu, sa halip buong tapang
nilang nilabanan ang mga dayuhan hanggang sa matalo nila ang mga ito.
Ano ang iyong reaksiyon?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 37


Basahin: Nagtungo rin ang grupo ni Legaspi sa Maynila na sentro ng
kalakalan sa Luzon. Ito ay kontrolado noon ng mga Muslim sa pamuimuno ni
Raja Lakandula sa Tondo at Raja Soliman sa Maynila. Sa isang labanan,
natalo ng mga Espanyol, sa pamumuno ni Martin de Goiti, si Raja Soliman
na ayaw pasailalim sa kapagngyarihan ng mga ito.

Ano ang iyong reaksiyon?

Rubrik Para sa Gawain 1

5 Lubhang napakahusay ng paglalahad ng damdamin/reaksiyon at ng


pag-uugnay sa sitwasyong binibigyan ng reaksiyon.
4 Mahusay ang paglalahad ng damdamin/reaksiyon at ng pag-uugnay sa
sitwasyong binibigyan ng reaksiyon.
3 Katanggap-tanggap ang paglalahad ng damdamin/reaksiyon at ng pag-
uugnay sa sitwasyong binibigyan ng reaksiyon.
Nangangailangan ng minimal na tulong sa paglalahad ng
2 damdamin/reaksiyon at sa pag-uugnay sa sitwasyong binibigyan ng
reaksiyon.
Nangangailangan ng matinding tulong sa paglalahad ng
1 damdamin/reaksiyon at sa pag-uugnay sa sitwasyong binibigyan ng
reaksiyon.

Gawain 2
Panuto: Mula sa iyong mga sagot/reaksiyon, paano nagkakaiba-iba ang mga pananaw o
perspektibo ng mga katutubong Filipino kaugnay ng pananakop ng mga Espanyol sa
kapuluan ng Pilipinas? Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 38


Rubrik Para sa Gawain 2
5 Natukoy at naipaliwanag ng napakahusay ang dalawang pangunahing
perspektibo/pananaw ng mga katutubong Filipino sa pananakop ng
mga dayuhan.
4 Natukoy at naipaliwanag ng mahusay ang dalawanag pangunahing
perspektibo/pananaw ng mga katutubong Filipino sa pananakop ng
mga dayuhan.
3 Natukoy ang dalawang pangunahing perspektibo/pananaw ngunit
hindi gaano mahusay ang pagpapaliwanag.
2 Natukoy ang dalawang pangunahing perspektibo/pananaw ngunit ang
paliwanag ay hindi tugma.
1 Natukoy ang dalawang pangunahing perspektibo ngunit walang
karagdagang paliwanag.

Gawain 3
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay totoo at MALI
kung hindi totoo. Magsulat din ng maikling paliwanag kung bakit Tama o Mali ang iyong
sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Ang mga Filipino ay natuwa sa pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas.


Sagot:
Paliwanag:

2. Kusang loob na inanyayahan ng mga Filipino ang mga Espanyol para dumayo
Pilipinas.
Sagot:
Paliwanag:

3. Kinilala agad ng mga katutubong Filipino ang kapangyarihan ng mga Espanyol.


Sagot:
Paliwanag:

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 39


4. Nagpamalas ng kagitingan at katapangan ang mga katutubong Filipino sa pagtatanggol
sa bansalaban sa mga mananakop.
Sagot:
Paliwanag:

Gawain 4
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyong sagutang
papel.

1. Sino sa mga nabanggit na pinuno sa Gawain 1 ang lubos na hinahangaan mo? Bakit?

2. Paano nagkakaiba-iba ang perspektibo o pananaw ng mga pinuno ng mga


populasyong katutubo kaugnay ng ginawang pananakop ng mga Espanyol sa
kapuluan ng Pilipinas?

3. Kung ikaw ay isa sa mga taong nabuhay noong mga panahong dumating ang mga
Espanyol sa ating bansa, ano ang magiging reaksiyon mo para sa kanila? Bakit?

4. Kung sasakupin ng Espanya o ng kahit anong bansa ang Pilipinas sa ngayon,


magiging madali pa rin kaya tulad noon sa panahon ng mga Espanyol? Bakit?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 40


Pamantayan ng pagbibigay ng puntos:

5 Lubhang napakahusay ng paliwanag at napakalalim ng pag-unawa sa


konseptong pinagbatayan

4 Mahusay ang paliwanag at malalim ang pag-unawa sa konseptong


pinagbatayan

3 Katanggap-tanggap ang paliwanag at ang pag-unawa sa konseptong


pinagbatayan.

2 Hindi gaanong maliwanag ang paliwanag at mababaw ang pag-uanwa


sa konseptong pinagbatayan
1 Malabo ang paliwanag at walang pinagbatayang konsepto.

Repleksiyon

Ano ang mga natutunan ko?

Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sanggunian

Aklat

Danao, Carolina P., Molave, Aurelia T., Kalinangan 5, Phoenix Publishing House Inc., 927
Quezon Ave., Quezon City: 2017
Julian, Ailene B., Lontoc, Nestor S., Bagong Lakbay ng Lahing Filipino, Phoenix Publishing
House Inc., 927 Quezon Ave., Quezon City:2017
Website

Ldrms.deped.gov.ph
https://www.scribd.com/document/416168491/Day-1-Ibat-ibang-Perspektibo

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 41


Susi sa Pagwawasto

Gawain 1
Magkakaiba ang mga sagot ayon sa pananaw ng mag aaral.

Gawain 2
Iba’t-iba ang naging pananaw ng mga katutubong Filipino sa pananakop ng mga dayuhan.
Ang ibang katutubo ay malugod silang tinanggap. Samantala ang iba ay tumutol at lumaban
upang mapaalis ang mga dayuhan. (Maaring iba ang pagkakasabi/pagkakasulat)

Gawain 3 (Ang paliwanag ay maaring magkakaiba ngunit ang sumusunod ay ang


mahahalagang diwa)

1. MALI, bagamat mayroong mga katutubong malugod na tumanggap sa mga Espanyol,


hindi lahat natuwa sa halip sila ay itinaboy sa pamamgitan ng paglaban sa kanila.
2. MALI, ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas ay resulta ng paghahanap ng
kayamanan, pagpapalaganap ng kapangyarihan at Kristiyanismo.
3. MALI, ang pagkakaroon ng mga katutubo na lumaban sa mga dayuhang Espanyol ay
tanda ng hindi agad-agad pagkilala sa kanilang kapangyarihan.
4. TAMA, sina Lapu-lapu at Raja Sulaiman at Lakandula ay ilan lamang sa mga
magigiting na katutubo na handang ipagtanggol ang kanilang teritoryo.

Gawain 4- Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng puntos


(Magkakaiba ayon sa pananaw ng mag aaral).

Inihanda ni:

JAY V. GONZALES
Manunulat
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 42
ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Baitang:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Mga Epekto ng Patakarang Kolonyal ng mga Espanyol

Panimula (Susing Konsepto)

Ang dalawang unang paraang paggamit ng mga Espanyol upang mapasailalim sa


kapangyarihan ng Espanya ang mga mga Filipino ay ang paglaganap ng relihyong
Kristiyanismo at sistemang reduccion. Ang mga misyoneryong Espanyol at relihyong
Kristiyanismo ay naging pinakamalakas na sandata ng mga Espanyol sa bansa. Ang mga
paaralan, municipyo, simbahan, libingan, at plaza ay magkakasama sa isang lugar na tinatawag
na kabisera upang higit na mapalapit sa simbahan ang mga Filipino.Ang kahalagahan ng mga
sakramento gaya ng ng binyag, kasal, pagdalo sa misa, kumpil, pangungumpisal at
papapabendisyon sa mga maysakit at namatay gayundin ang pagnonobena, pagrorosaryo, at
pagdiriwang ng pista ay naging bahagi na ng buhay ng mga Filipino.

Ang ilan pang paraan o Sistema ng pananakop na ginamit ng mga Espanyol sa Pilipinas
ay ang sistemang encomienda, pagbabayad ng Tibuto, at polo y servicios. Ang pagbubuwis ay
ang paglikom ng salaping kakailanganin sa pagpapatakbo ng pamahalaan. Ginagamit ito sa
pagpapanatili ng kaligtasan ng bansa at pagpapatayo ng paaralan, ospital, at iba pang
impraestruktura gaya ng tulay at daan. Ang tribute o buwis ng pagkamamamayan ay katumbas
ng walong eales o piso na maaring bayaran ng pera o produktong gaya ng ginto, teal, bulak,
bigas na may halagang takda sa bawat produkto. Ang Polo ay ang sapilitang paggawa ng
kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang, na may kakayahang magtrabaho at
maglingkod sa paggawaan ng pamahalaang Espanyol

Malaki ang naging epekto sa buhay ng mga Filipino ng paglagananp ng relihiyong


katolisismo sa bansa, sapililitang pagpapalipat ng tirahan ng mga Filipinong naninirahan sa
malayong lugar patungo sa mga pueblo, pagbabayad ng tributo, enconmienda at sapilitang
paggawa. Gamit ang iba’t ibang gawaing ito, suriin ang mga ito nang pag-isa-isa sa
pamamagitan ng naging epekto nito sa buhay ng ating mga ninuno.

Kasanayang Pagkatuto sa Koda

Nasusuri ang epekto ng patakarang kolonyal na ipatupad ng Espanya sa bansa.


(AP5PKE-IIe-f-6)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 43


Gawain 1-A. Concept Mapping
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mga kaisipang naglalarawan sa mga paraan ng pananakop
ng Espanya sa Pilipinas.

Mga Paraan ng Pananakop ng Espanya sa


Pilipinas

a. b. c. d.

Gawain 1-B
Panuto: Piliin ang letra ng may kaugnayan sa salita sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Kristyanismo
a. Binyag
b. Kasal
c. Polo
2. Paghahati
a. Dayoses
b. Parokya
c. Tribute
3. Reducciones
a. Pagbayad ng buwis
b. Pagbibigay ng serbisyo
c. Pagtipon sa isang lugar
4. Tributo
a. Pagbabayad ng buwis
b. Pagbibigay ng puhunan
c. Pamamahala sa lugar
5. Polo
a. Pagdiriwang
b. Produktong ipinagbibili
c. Walang bayad na paggawa

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 44


Gawain 2: Pag-isipan mo!
Panuto: Isulat ang iyong reaksiyon sa epekto ng mga paraan ng pananakop ng mga Espanyol
sa mga Filipino.

Epekto ng mga Paraan ng Pananakop


Pamamaraan Mabuti Di-mabuti
Kristiyanisasyon
Reduccion
Polo y Serviscio

Gawain 3: Pagpapaliwanag!
Panuto: Basahin at ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat tanong. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1. Nakabuti ba ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga Filipino noon?

2. Nakahadlang ba sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga Filipino ang reduccion sa ilalim


ng kolonyang Espanyol?

3. Sa iyong palagay ano ang naging pinakamatinding epekto ng pagbabayad ng tribute sa


mga Filipino noon?

4. Ano ang kahalagahan ng sapilitang paggawa sa pagkakatatag ng kolonya sa Pilipinas?

5. Ano-ano ang naging reaksiyon ng mga Filipino sa sapilitang paggawa ng mga Espanyol
noon?

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 45


Gawain 4: Pagkilala
Panuto: Kilalanin ang mahahalagang detalyeng may kinalaman sa paksa sa pamamagitan ng
pag-aayos ng mga ginulong titik upang mabuo ang wastong salitang binibigyang-kahulugan sa
loob ng panaklong. Ang unang bilang ay sinagutan na para sa iyo. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

FALLA 1. AFLLA (multang ibinabayad bilang kapalit ng


sapilitang paggawa)

P 2. OOPL (sapilitang paggawa)

P 3. OAIPLST (tawag sa mga taong sapilitang pinaglilingkod


sa pamahalaan)

K 4. AAAKSM (tawag sa mga magsasakang nangungupahan


sa may-ari ng lupa)

B 5. AAANDLB (sapilitang pagbenta ng produkto sa


pamahalaan)

T 6. IOUTBRT (buwis ng pagkamamamayan)

R 7. EARL (iba pang tawag sa pera noon)

E 8. NEIMDAOCNE (lupang ipinagkaloob ng hari ng Espanya


bilang gantimpala sa matapat na tauhang Espanyol)

E 9. OREDNEMOCNE (taong namumuno sa encomienda)

H 10. NEICAHORED (mga Espanyol na may-ari ng lupa sa


sistemang kasama)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 46


Gawain 5: TAMA o MALI
Panuto: Suriin ang kawastuhan ng mga pahayag. Isulat sa sagutang papel ang T kung tama
ang pangungusap at M kung ito ay mali.
1. Tinutulan ng mga katutubo ang paniningil ng buwis ng mga
Espanyol dahil sa malaking halaga nito.

2. Kailangang kumuha ng sedula personal ang mga may edad na 18


pataas bilang tanda ng pagkakakilanlan ng mga Filipino sa panahon
ng mga Espanyol.

3. Nakinabang at umunlad ang pamumuhay ng mga Filipino noong


ipatupad ng mga Espanyol ang sistemang kasama sa bansa.

4. Kusang-loob na ibinigay ng mga Filipino ang kanilang mga lupang


sakahan sa mga Espanyol upang ito ay lubos na mapagyaman.

5. Ang mga pautang ng mga Espanyol sa mga Filipino noon ay


nilagyan ng malaking patubo na naging dahilan ng pagkawala ng
kanilang mga lupain.

6. Ang paglawak ng lupa ng mga Espanyol sa bansa ay nakatulong sa


pamumuhay ng mahihirap na Filipino.

7. Dahil sa kahirapan at kamangmangan ay napilitang tanggapin ng


ilang Filipino ang aping kalagayan nila sa kamay ng mga Espanyol.

8. Bawat lalaki at babae na may edad na 16 hanggang 60 ay inatasan ng


mga Espanyol na gumawa o magtrabaho nang walang bayad.

9. Magaganda ang mga patakarang ipinatupad ng hari ng Espanya para


sa bansa ngunit naging abusado lamang ang mga nagpatupad nito.

10. Ang mababang pagtingin sa gawaing manwal ay bunga ng sapilitang


paggawa.

Gawain 6
Panuto: Natutukoy ang mahahalagang detalye ukol sa paraan ng pananakop o patakarang
isinagawa ng mga Espanyol. Tukuyin ang isinasaad ng mga pahayag. Titik lamang ang isulat
sa sagutang papel.
1. Ang tributo o buwis ng pagkamamamayan ay nagkakahalaga ng .
a. Walong reales o produktong kasinghalaga nito
b. Sampung reales o produktong kasinghalaga nito
c. Labindalawang reales o produktong kasinghalaga nito
d. Labing-apat na reales o produktong kasinghalaga nito

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 47


2. Ang pangunahing naging epekto ng sistemang encomienda sa pamumuhay ng mga
Filipino ay ang .
a. Pagpapatupad ng paniningil ng buwis sa mga mamamayan
b. Pagsapi ng mamamayang Filipino sa samahan ng mga encomendero
c. Pagkakaroon ng malalim na kaalaman at kasanayan sa pagsasaka
d. Pagkakaroon ng trabaho ng maraming Filipino

3. Ang tunay na dahilan ng pagkagalit ng mga Filipino sa paniningil ng buwis ay


.
a. Ang pang-aabuso ng mga nangongolekta nito
b. Bago ang patakarang ito sa pamumuhay ng mga Filipino
c. Hindi magandang layunin sa paniningil nito
d. Mataas na halaga nito

4. Ang pagkuha ng sedula personal ay nagpapatunay ng .


a. Pagiging mayaman ng isang mamamayan
b. Pagkaligtas sa sapilitang paggawa
c. Pagtanggap ng kapangyarihan ng Espanya sa bansa
d. Pagtutol sa mga patakaran ng pamahalaang Espanyol

5. Ang kautusan ng pamahalaang Espanyol sa pagmamay-ari ng lupa ay nagbigay-daan


sa .
a. Pagdami ng buwis na nakolekta ng mga Espanyol
b. Pagiging higit na matatag ng pagmamay-ari ng mga Filipino sa lupa
c. Pagkamkam ng pamahalaang Espanyol sa mga lupang hindi naiparehistro ng
mga Filipino
d. Pagyaman ng mga Filipinong nakapagparehistro ng lupa

6. Ang isang Filipino ay maaaring makaligtas sa sapilitang paggawa kung .


a. Siya ay magbabayad ng multa o falla
b. Siya ay miyembro ng principalia
c. Siya ay pinuno o may kapangyarihan sa pamahalaan
d. Lahat ng nabanggit ay tama

7. Para sa mga polistang Filipino, ang sistemang ito na sapilitang paggawa ay


.
a. Lalong nagpaganda ng kanilang kapaliguran
b. Nagbigay ng pagmamamalaki sa kahusayan nila
c. Nagpaayos ng kanilang pamumuhay
d. Nagpababa sa pagtingin nila sa mga gawaing manwal

8. Ang lahat ay hindi naging mabuting bunga ng polo maliban sa .


a. Pagkakaroon ng malaking kita ng mga polista
b. Pagkakasakit at pagkamatay ng ilang polista
c. Pagkawalay sa pamilya
d. Pagpapabaya a sariling pangkabuhayan

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 48


9. Ang sumusunod ay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol na dapat sundin
ng mga Filipino na nakapaloob sa sistemang bandala maliban sa .
a. Pagtatakda sa bawat lalawigan ng tiyak na dami ng mga produktong ipagbibili
sa pamahalaan
b. Pagbili ng pamahalaan sa mga produkto sa murang halaga
c. Pagbili ng mga produkto sa ibang lugar ng mga mamamayang Filipino upang
mabuo ang kanilang kota kapag nasira ang mga pananim
d. Pagiging ligtas sa bandala kapag nakabayad ng falla

10. Ang sumusunod ay ang mga patakarang ipinatupad ng mga Espanyol na dapat sundin
ng mga Filipino na nakapaloob sa sistemang kasama maliban sa .
a. Pangungupahan ng mga magsasaka sa kanilang lupang sakahan
b. Pagpaparehistro ng mga lupain sa pamahalaan ng lahat ng nagmamay-ari ng
lupa
c. Pagiging haciendero ng mga Filipinong may-ari ng malalaking sakahan
d. Pangungutang nang sapilitan ng puhunan ng mga may-ari ng lupa sa
pamahalaang Espanyol

Repleksiyon
Ano ang mga natutunan ko?

Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sangunian

Bagong Lakbay ng Lahing Filipino


Mga May-akda-Aileen G.Baisa-Julian at Nestor S.Lontoc
Koordineytor-Alma M.Dayag
Kayamanan
Mga May-akda-Eleanor D.Antonio,Emilia L.Banlaygas,Evangeline M.Dallo

Susi ng Pagwawasto

Gawain 1
A. kristiyanisasyon, polo, tributo, reduccion
B. 1. a 2. a 3. c 4. a 5. c

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 49


Gawain 2
Epekto ng mga Paraan ng pananakop
Pamamaraan Mabuti di-mabuti
Kristiyanisasyon Pagkakaroon ng mga Winaksi ang dating
simbahan at pagdaraos ng paniniwala ng mga katutubo
misa sa mga ito
Reducciones Naisaayos ang pamayanan. Napalayo sila sa paligid ng
Pagkakaroon ng sentro o kanilang ikinabubuhay.
kabisera sa lugar
Polo y Servicios Pagkakaroon ng mga Napalayo sila sa kanilang
tulay,kalsada,simbahan,at pamilya.
galleon Hindi sila nabayaran at
nabigyan ng pagkain.
Marami ang namatay sa
gutom at hirap sa trabaho.

Gawain 3 –Maaring iba-iba ang sagot.


1. Oo. Nagkaroon ng mga simbahan at nakapagdaos ng misa rito.
Nagkaroon ng pananampalataya.
2. Oo, dahil nalayo ang mga katutubo sa kanilang ikinabubuhay.
3. Naging malaking pahirap sa mga katutubong Filipino ang pagbabayad ng tribute lalo
na nang maging mapang abuso ang mga mga encomiendero.
4. Nagkaroon ng mga tulay, kalsada ,at galleon.
5. Hindi nagustuhan ng mga katutubo ang sapilitang paggawa.
Gawain 4 Gawain 5 Gawain 6
1. falla 1. T 1. a
2. polo 2. T 2. a
3. polista 3. M 3. a
4. kasama 4. M 4. c
5. bandala 5. T 5. c
6. tributo 6. M 6. b
7. real 7. T 7. d
8. encomienda 8. T 8. c
9. encomiendero 9. T 9. d
10. haciendero 10. T 10. c

Inihanda ni:

LORNA B. IBARDO
Manunulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 50


ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Mga Patakarang Pang-Ekonomiya Sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Pilipinas ay nag-iisang kolonya ng Espanya sa Silangan. Sa pamamagitan ng mga


patakarang pinaiiral ng pamahalaang Espanyol ay matagumpay nitong naipapatupad ang
kanyang mga layunin. Sa panahon ng pananakop, marami ang hindi sumang-ayon sa
pamamahala ng mga Espanyol. Ang Polo y Servicio, Tributo, Bandala, Encomienda,
Kalakalang Galyon, Monopolyo sa Tabako at Royal Company ay ilan lamang sa patakarang
pang-ekonomiya na pinairal ng Espanya.
Polo y Servicio
Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagtatrabaho sa pamahalaan ng mga lalaking Filipino
mula 16 hanggang 60 taong gulang ay kinailangang magtrabaho sa loob ng 40 araw. Napikli
ito ng 15 araw noong 1884. Ang taong nagtatrabaho sa polo ay tinatawag ng polista. Kung
magbabayad siya ng falla o kaukulang halaga upang pahintulutang hindi gumawa, maaaring
hindi siya magtrabaho. Ang mga kasama sa polo ay gumagawa ng tulay, lansangan, at
simbahan, may nagtotroso, namamasukan sa pagawaan ng barko, at naninirahan bilang mga
sundalo laban sa Moro at iba pang mga kaaway ng Espanya.
Ang polo ay may mabuti at may masama ring ibinunga. Ang mabuting naidudulot nito
ay ang sumusunod: (1) maraming tulay at lansangan ang naipagawa, (2) nakapagpatayo rin ng
mga simbahan at gusaling pampubliko. Ang masamang naidulot naman ng polo ay ang: (1)
pagkahiwa-hiwalay ng mga pamilya dahil sa pagpapadala sa mga polista sa malalayong pook,
digmaan, at ekspedisyon ng mga Espanyol; at (2) kahirapan ng maraming Filipino sa dahilang
hindi sapat ang benepisyong natatanggap kapalit ng paglilingkod sa polo, (3) pagtatanggi at di
pagtangkilik sa mga gawaing manwal at itinuturing itong mababang uri ng paggawa ng naging
sanhi ng ilang pag-aalsa sa bansa; at (4) pagsasamantala ng ilang Espanyol sa mga polista na
pinilit nilang magtrabaho sa kanilang pribadong negosyo.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 51
TRIBUTO
Ito ay tumutukoy sa pagbubuwis sa bawat pamilyang Filipino upang makalikom ng
pondo mula sa kolonya at matustusan ang pangangailangan nito na pangunahing patakarang
ipinatupad ng mga Espanyol. Pinagbabayad ng reales o isang piso ang bawat isang nasa tamang
gulang na at kalahating real naman sa walang asawa ngunit nasa wastong gulang na rin.
Naging labindawalang reales ang tributo noong 1851 at 14 reales naman noong 1874. Noong
1885 ang tributo ay pinalitan ng pagbabayad ng sedula bilang pagkilala sa mga mamamayan
ng bansa. Ito ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang katibayan ng
pagbabayad ng buwis. Ang sedula ay kailangan dala ito lagi ng katutubo saan man siya
magpunta. Kung wala siya nito, maaari siyang pagbintangan bilang tulisan. Sinumang mahuli
na walang dalang sedula ay pagmumultahin at kung walang pangmulta ay ikukulong.
Ang paraan ng pangongolekta ng tributo ay hindi naging makatarungan para sa mga
Filipino. Naging daan ito ng katiwalian sa pamahalaan. Maraming uri ng buwis ang siningil sa
tao. Mapang-api ang naging paraan ng pangongolekta ng mga kura paroko at pinunong lokal.
Ang layunin ng pagbubuwis ay maganda sapagkat ang malilikom na salapi ay
ginagamit sa pangangasiwa ng pamahalaan, simbahan, paaralan, kalusugan, at pagpapanatili
ng kaligtasan ng bansa. Ngunit maraming naghirap at nagtanim ng galit sa mga Espanyol dahil
sa mapang-abusong pamamaraan ng pangongolekta ng buwis.
BANDALA
Isa pang uri ng pinagkukuan ng kita ng pamahalaan ay ang bandala. Ang bandala ay
tumutukoy sa sapilitang pagbili ng pamahalaan sa mga produkto ng mga magsasaka. Ang
ipinagbibili ng bawat lalawigan sa pamahalaan ay may takdang dami at uri ng produkto. Sa
sistemang ito, maraming hindi nabayaran ng pamahalaang gayong binili ito sa mababang
halaga. Kung minsan, kailangan pang bumili ng mga magsasaka sa ibang pook kung walang
maibenta at hindi umabot sa kota. Ang patakarang bandala ay nagdulot ng pahirap at pang-aapi
sa mga Filipino at nagpayaman naman ang Espanyol.
ENCOMIENDA
Ang economienda ay teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador. Batay ito sa
kahilingan ni Miguel Lopez de Legaspi na siyang naging kauna-unahang gobernador-heneral
sa Pilipinas. Ang paggawad ng encomienda ay nagsilbing pabuya o gantimpala sa mga
Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng kolonyalismo.
Sa ilalim ng sistemang encomienda, ibinibigay lamang sa taong ginawaran ng
encomienda (na tinawag na encomendero) ang karapatang maningil ng buwis sa mga
mamamayang sakop ng encomienda. Ang tagasingil niya ng buwis ay ang cabeza barangay, na
kadalasan ay dating datu na sa ilalim ng pamamahalang Espanyol ay nagsilbi na lamang
tagakolekta ng buwis. Ang buwis na sinisingil mula sa mga kalalakihang 19 hanggang 60 taong
gulang ay nagkakahalaga ng walong reales sa loob ng isang taon. Maaari rin manang sa anyo
ng ani o sapilitang paggawa ang buwis na kailangang ibigay sa encomendero. Bilang kapalit,
tungkulin ng encomenderong protektahan ang mga sakop ng kaniyang encomienda laban sa
mga nagtatangkang guluhin ang kaayusan nito, suportahan ang pagmimisyon ng mga prayle
sa kaniyang encomienda at masigurong maging Kristiyano ang lahat ng mga tao sa kaniyang
nasasakupan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 52


Nagbigay-daan ang sistemang encomienda sa pagdanas ng pang-aabuso ng mga
katutubo. (1) nakabigat sa kanila ang walong reales na buwis; (2) nakadepende rin sila sa
kagustuhan ng encomendero kung anong anyo ng buwis ang kaniyang hihingihin; (3)
pagkawatak-watak ng mga katutubo sapagkat ang mismong naniningil sa kanila ng buwis ay
kapwa nila katutubo. (4) ang pang-aabusong dinanas ng mga katutubo sa kamay ng
encomendero ay nagbigay-daan sa mga prayle na hilingin ang pagpapatigil ng sistemang ito
sapagkat sila ang naging sumbungan ng mga katutubo.
Noong Ika-17 ng Setyembre, 1721, isang dekreto ang ipinalabas upang buwagin ang
sistemang encomienda dahil nakarating sa hari ang katiwalian ginawa ng nasabing mga
encomendero.
KALAKALANG GALYON O KALAKALANG MAYNILA-ACAPULCO
Ang Pilipinas ay naitakda na makipagkalakalan sa kapwa niyang kolonyang Mexico.
Tinatawag na kalakalang galyon ang kalakalang ng Pilipinas at ng Mexico. Galyon ang tawag
sa uri ng sasakyang pandagat na ginagamit. Ito ay may dalawang galyon o barko, (1) ang
biyaheng Maynila-Acapulco na kumikita ng halagang P250,000 sa bawat biyahe nito, at (2)
ang biyaheng Acapulco – Maynila na nakakahalaga ng P500,000. Ang pangangasiwa sa
kalakalang galyon ay ipinapatupad ng pamahalaan sa pamamagitan ng tiket o boleta na
nagpapahintulot sa kanila na magsakay ng kalakal sa galyon.
Dahil sa kalakalang galyon, masasabing nagkaroon ng magandang bunga tulad ng: (1)
tumaas ang kita ng pamahalaan na nakadagdag sa pananalapi ng bansa; (2) pumasok ang
makabagong kaisipan sa pangangalakal; (3) umunlad ang Maynila; at (4) naging abala ang mga
Espanyol kung kaya’t napangalagaan ang reserbang ginto ng bansa, sapagkat hindi nalinang
ang industriya ng pagmimina. Pinaniniwalaan na maaaring naubos ang reserbang ginto ng
bansa kung nagpatuloy ang pagmimina sa panahon ng mga Espanyol. Subalit, mayroon ding
hindi magandang naidulot ang kalakalang galyon sa bansa. (1) Napabayaan ang pamamahala
sa mga lalawigan at pagpapaunlad ng pagsasaka at ang iba pang industriya. (2.) Napabayaan
ang pagsasaka na naging dahilan ng kakulangan sa suplay ng pagkain. (3) Pagdagsa ng mga
taga-lalawigan sa Maynila na nagpadagdag sa populasyon nito sa pag-aakalang higit na mas
malaki ang kanilang kikitain dahil sa kalakalang galyon. (4) Mayayamang Espanyol lamang at
ilang may pribilehiyo ang nakinabang dito.
Binuwag ng hari ng Espanya ang kalakalang galyon noong Setyembre 25, 1813 dahil
ilan lamang ang yumaman sa kalakalan at lumaganap ang katiwalian at pagmamalabis sa
tungkulin ng mga opisyal.
MONOPOLYO SA TABAKO
Ang monopolyo sa Tabako ay isang programang pang-ekonomiya na pinasinayaan ni
Jose Basco y Vargas noong 1781, labinlimang taon makalipas na ipakilala sa Pilipinas ang
sistemang monopolyo. Ito ay isang sistemang pangkabuhayan kung saan tanging pamahalaan
lamang ang maaaring bumili ng produkto at magtakda ng presyo. Ang programang ito ay
nangangahulugan na ang pagtatanim, pag-aani at pangangalakal ng tabako ay nasa mahigpit na
pangangalaga at kontrol ng pamahalaan – isang pamamaraan upang matiyak at mapanatiling
malaki ang salaping pumapasok sa Espanya. Ang Ilocos at Cagayan ang pinakamalaking
taniman ng tabako sapagkat mayroon itong klima na pinakamainam para sa magandang
paglago ng halaman.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 53
Naging sapilitan ang pagtatanim ng tabako sa Pilipinas kaya marami sa mga halaman
at iba pang pananim ay di na nabigyang-pansin at tuluyan nang nakalimutan. Dahil lahat ng
matataas na uri ng tabako ay nasa kamay na ng mga Espanyol, ang mga magsasaka na
nagnanais na gumamit ng tabako ay kinakailangan pang bumili sa mga pamilihang pagmamay-
ari ng pamahalaan. Sa panahong iyon, ang pag-iimbak ng tabako sa mga kamalig ay isang
paglabag sa batas.
Dahil sa monopolyo, nagkaroon din ito ng mabuting epekto; (1) lumaki ang kita ng
pamahalaan; (2) nakahikayat pa ng mga magsasaka na magtanim; (3) ang Pilipinas ang naging
pangunahing pagawaan ng tabako sa buong daigdig; (4) naging tanyag ang Tabakong Filipino
o Tabakong Maynila. Ang hindi mabuting epekto: (1) Inuna ang pagtatanim ng tabako kaya
nagkaroon ng pagkukulang sa pagkain; (2) inabuso ng mga opisyal ang pagbili ng tabako kaya
nanuhol o ipinuslit ng mga katutubo ang kanilang ani.

ROYAL COMPANY OF THE PHILIPPINES “Real Compania de Filipinas”


Ang Real Compania de Filipinas ay itinatag noong Ika-10 ng Marso, 1785. Ito ay
korporasyon na pinatatakbo ng pamahalaan. Layunin nitong maitaguyod ang kalakalan sa
pagitan ng Espanya at Pilipinas at mapaunlad ang industriya at agrikultura ng bansa.
Binigyan ng 25 taong pribilehiyo ang kompanya sa tuwirang pakikipagkalakalan sa
ibang bansang Asyano tulad ng China at India, pag-aangkat ng mga produktong yari sa
Pilipinas nang walang pataw na buwis, at ipagbili ang mga kasangkapan mula sa arsenal ng
pamahalaan.
Ang kompanya ay nagdulot ng kaunlaran sa kondisyon ng Pilipinas. Ilan sa mga ito ay
ang pagdating ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa, matagumpay na pagbenta ng
produktong indigo, paglago ng industriya, at pagkakaroon ng mga plantasyon ng sili at
cinnamon. Humina ang Real Compania nang buksan ang daungan ng Maynila noong 1789
para sa pandaigdigang kalakalan. Ito ay nalugi dahil sa mahinang pangangasiwa ng mga pinuno
at nabuwag noong Ika-6 ng Setyembre, 1984 na naging daan ng malayang kalakalan.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
B. Patakarang pang-ekonomiya (Halimbawa: Pagbubuwis, Sistemang Bandala,
Kalakalang Galyon, Monopolyo sa Tabako, Royal Company, Sapilitang Paggawa
at iba pa)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 54


Gawain 1
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay may mabuting dulot at ekis (x) kung ito naman ay
may masamang dulot ng Polo y Servicio.

1. Nakapagpatayo ng lansangan.
2. Kahirapan dahil sa hindi sapat ang benepisyong natatanggap.
3. Nakapagpatayo ng simbahan.
4. Nakapagpatayo ng gusaling pampubliko.
5. Nakapagpatayo ng munisipyo.
6. Nawalay sa pamilya dahil dinala sa malayong lugar.
7. Pinilit na magtrabaho sa kanilang pribadong negosyo.
8. Nakapagpatayo ng bahay na bato.
9. Nakapagpatayo ng tulay.
10. Pakikilahok sa digmaan ng Espanyol

Gawain 2: Binagong Tama o Mali


Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang isinasaad sa pangungusap. Kung mali ay
palitan ang salitang may salungguhit upang maitama ang pangungusap.
1. Polista ang tawag sa pagbubuwis sa bawat pamilyang Filipino na
nagpahirap sa mga katutubo.

2. Sedula ang tawag sa ipinalit sa tributo na kung saan ang sinumang mahuli
na walang dala nito at maaaring pagmultahin o ikulong.

3. Ang layunin ng pagbubuwis ay makalikom ng pondo para sa pangangasiwa


ng pamahalaan, paaralan at kaligtasan ng bansa.

4. Nagtanim ng galit sa mga Hapones ang mga Filipino dahil sa mapang-


abusong pamamaraan ng pangongolekta ng buwis.

5. Ang Encomienda at tumutukoy sa sapilitang pagbili ng pamahalaan sa mga


produkto ng magsasaka na labis na nagpahirap sa kanila.

Gawain 3
Panuto: Iguhit ang masayang mukha ☺kung ito ay naglalahad ng mabuting epekto at
malungkot  kung ito ay naglalahad ng masamang epekto ng Kalakalang
Galyon at Monopolyo sa Tabako.
1. Pagkukulang sa pagkain.
2. Lumaki ang kita ng pamahalaan.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 55


3. Pumasok ang bagong kaisipan sa pangangalakal.
4. Naging Tanyag ang tabakong Filipino
5. Ipinuslit ng mga katutubo ang kanilang aning tabako.
6. Nakahikayat ng mga magsasaka na magtanim.
7. Napabayaan ang pamamahala sa lalawigan
8. Inabuso ng mga opisyal ang pagbili ng tabako.
9. Pilipinas ang pangunahing pagawaan ng tabako.
10. Naging dependente sa tabako.

Gawain 4: IPORMA MO! JUMBLED LETTERS


Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin ang kasagutan sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga pinaghalong titik.
1. Ito ay tumutukoy sa pagbubuwis sa bawat pamilyang Filipino upang
makalikom ng pondo mula sa kolonya. UTORIBT
2. Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagtatrabaho sa pamahalaan ng mga lalaking
Filipino mula 16 hanggang 60 taong gulang sa loob ng isang linggo ng
bawat taon. OPOL Y ERSCIOIV
3. Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagbili ng pamahalaan sa mga produkto ng
mga magsasaka. ALDANAB
4. Ito ang tawag sa kalakalan ng Pilipinas at ng Mexico. NGAKALKALA
YONGAL
5. Ito ay teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador. DANIEMOCNE

Gawain 5: Epekto ng Programang Pang-Ekonomiko


Panuto: Tukuying ang mga sumusunod na pahayag kung ito ay epekto ng A. Polo y Servicio,
B. Tributo, C. Bandala, D. Encomienda, E. Kalakalang Galyon, F. Monopolyo sa Tabako
at G. Royal Company. Isulat ang letra sa sagutang papel.

1. Pagkawatak-watak ng mga katutubo sapagkat ang mismong naniningil sa


kanila ng buwis ay kapuwa nila katutubo.
2. Maraming tulay at lansangan ang naipagawa.
3. Pagkahiwa-hiwalay ng mga pamilya dahil sa pagpapadala sa mga polista sa
malalayong pook.
4. Nakalikom ng pondo para sa pangangasiwa ng kalusugan at pagpapanatili
ng kaligtasan ng bansa.
5. Maraming hindi nabayaran ng pamahalaan sa sistemang ito.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 56


6. Pagbabayad ng 8 reales na buwis.
7. Pagkakaroon ng plantasyon ng sili.
8. Pilipinas ang naging pangunahing pagawaan ng tabako.
9. Makabagong kaisipan sa pangangalakal.
10. Pagdagsa ng mga taga-lalawigan sa Maynila.

Gawain 6: SANHI AT BUNGA


Panuto: Piliin ang bunga sa Hanay B na naging sanhi ng ipinapahiwatig sa Hanay A. Isulat
ang titik ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B
1. Nagkaroon ng makabagong a. Polo y Servicio o Sapilitang
kaisipan sa pangangalakal. Pagtatrabaho

2. Nagkaroon ng proteksyon laban sa b. Tributo o Pagbubuwis


mga nagtatangkang guluhin ang
kaayusan sa encomienda.

3. Nakapagtayo ng gusaling c. Encomienda


pampubliko.

4. Naging pangunahing pagawaan ng d. Kalakalang Galyon


tabako ang Pilipinas.

5. Nakalikom ng salapi para sa e. Monopolyo sa Tabako


pangangasiwa ng pamahalaan at
paaralan.

Gawain 7: Sulat-Sanaysay
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na tatalakay sa epekto ng patakarang pang-ekonomiya na
ipinatupad ng Espanya sa bansa. Gawin ito sa sagutang papel.
Gawing gabay ang sumusunod na rubrik sa pagsasagawa ng gawain.
Rubrik para sa Sanaysay
Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos
Wasto at makabuluhan ang nilalaman. 6
Sapat ang mga naibigay na detalye. 9
Maayos ang daloy , organisasyon at wasto 3
ang gramatika at mga bantas.
Kabuuang Puntos 15

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 57


Gawain 8: Data Retrieval Chart
Panuto: Sa ikalawang hanay, ito ay mabuting naidulot ng sistemang pang-ekonomiko ng
Espanyol at sa ikaapat na hanay ay ang hindi-mabuting naidulot. Punan ang unang patlang at
ikatlong patlang kung anong sistemang pang-ekonomiko ang tinutukoy.

Patakarang Mabuting Naidulot Patakarang Hindi-mabuting


Pang-ekonomiya Pang-ekonomiya Naidulot
1. Nakapagtayo ng 9. Nagkaroon ng
gusaling pagkukulang sa
pampubliko. pagkain.
2. Makalikom ng 10. Pagdagsa ng mga
pondo ng taga-lalawigan sa
pamahalaan Maynila
ginagamit sa
pagpapanatili ng
kapayapaan ng
bansa.
3. Isa pang uri na 11. Napabayaan ang
pinagkukunan ng pamamahala sa
pondo ng mga lalawigan.
pamahalaan.
4. Naging Kristiyano 12. Naging
ang lahat ng dependente kaya
nasasakupan nakaroon ng
pagkukulang sa
pagkain.
5. Maraming produkto 13. Nakabigat ang
ang dumagsa sa walong reales na
bansa. buwis.
6. Naging pangunahing 14. Hindi sapat ang
pagawaaan ng benipisyong
tabako sa buong natanggap kapalit
daigdig. ng paglilingkod.
7. Pag-aangkat ng mga 15. Nawalay sa
produktong yari sa pamilya.
Pilipinas nang
walang pataw ng
buwis.

8. Maraming tulay at
lansangan ang
naipagawa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 58


Gawain 9: ISIP, HAMUNIN!
Panuto: Pagtukoy sa konsepto. Piliin ang salitang binibigyang-kahulugan sa sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang (bandala/encomienda) ay ang sistema kung saan binibigyang-karapatan ang
mananakop na pamahalaan na pamahalaan ang isang teritoryo at mga mamamayan
nito.
2. Ang (tributo/polo) ang patakaran sa sapilitang paggawa.
3. Ang (boleta/Obras Pisa) ay ang tiket na nagbigay-karapatan sa mga mangangalakal na
makilahok sa kalakalang galyon.
4. Ang (bandala/boleta) ay ang patakaran ng sapilitang pagbili ng pamahalaan ang ani ng
mga magsasaka sa mababang halaga.
5. Ang (Gobernadorcillo/Encomendero) ang tawag sa mga pinunong Espanyol na
nabigyan ng karapatang sakupin at pamunuan ang isang teritoryo at mga
mamamayan nito.
6. Ang (tributo/falla) ay ang buwis na binabayaran ng kalalakihan upang maligtas sila
mula sa sapilitang paggawa.
7. Ang (falla/tributo) ay ang sistema ng pagbubuwis ng salapi o katumbas na halaga
nito sa ani.
8. (Boleta/Polista) ang tawag sa mga manggawa sa sapilitang paggawa.
9. Ang (sedula/bandala) ay kapirasong papel na tinatanggap mula sa pamahalaan bilang
katibayan ng pagbabayad ng buwis.
10. Ang (Royal Company / Coca-cola Company) ay may layunin na maitaguyod ang
kalakalan sa pagitan ng Espanya at Pilipinas at mapaunlad ang industriya at
agrikultura ng bansa.

Gawain 10
Panuto: Kung ikaw ay isang katutubong Filipinong nabuhay sa panahon ng pamamahala ng
mga Espanyol sa Pilipinas. Ipinatawag ka ng kinatawan ng mga punong Espanyol at binigyan
ka ng listahan ng mga patakararng ekonomiko na dapat mong isagawa. Isulat ang letrang M
kung ito ay makakabuti at letrang HM kung ito ay hindi makabubuti sa ating pamahalaan.
1. Magbabayad ka ng buwis upang gamitin sa pagpapagawa ng mga kalsada at gusaling
pampamahalaan.
2. Kinakailangang ipagbili ang iyong naaning palay sa pamahalaan sa mas mababang
presyo.
3. Maglingkod ka sa pamahalaan sa pamamagitan ng paggawa ng tulay at kalsada nang
walang bayad.
4. Tuturuan ka ng makabagong paraan ng pagsasaka, pangingisda, pagmimina at mga
gawaing metal.
5. Mapipilitan kang palitan ang pagtatanim mo ng palay dahil nais ng pamahalaan na
tabako ang iyong itatanim.
6. Dagdagan ang buwis na iyong babayaran upang may magamit ang pamahalaan na
pambili nang gagamiting pandigma.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 59


7. Kinakailangang ipagbili ang naaning tobako sa pamahalaan sa mas mataas na
presyo.

8. Malingkod ka sa pamahalaan na ang sweldo ay naaayon sa bigat ng trabaho.


9. Magbabayad ka ng malaking buwis upang madagdagan ang pondo ng Espanya.
10. Hindi ka papayagan na mag-alaga ng hayop tulad ng baka at kalabaw.

Gawain 11: Mga Terminong Dapat Tandaan


Panuto: Hanapin ang tinutukoy ng talata sa loob ng Kahon. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa sagutang papel.

A. Tributo F. Royal Company of the Philippines


B. Polo y Servicio G. Sedula
C. Encomienda H. Polista
D. Kalakalang Galyon I. Falla
E. Monopolyo sa Tabako J. Reales

1. Yunit ng pananalapi na ginagamit ng Espanya


2. Katumbas ng halaga ng sapilitang paggawa.
3. Tuwirang pakikipagkalakalan sa Espanya, China at India.
4. Isang kapirasong papel na katumbas ng pagkakakilanlan bilang mamamayan ng isang
lalawigan.
5. Tawag sa manggagawa sa polo.
6. Sistema ng pagbubuwis.
7. Patakaran ng sapilitang paggawa.
8. Ang pagtatanim ng tabako na tuwirang pinangasiwaan ng pamahalaan.
9. Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco.
10. Nasilbing pabuya sa mga Espanyol na nakatulong sa pagpapalaganap ng
kolonyalismo.

Gawain 12
Panuto: Basahin mabuti ang tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang sistemang ng pagbubuwis noong panahon ng mga Espanyol ay tinatawag na:
a. tributo
b. polo
c. kalakalang galyon
d. monopoly ng trabaho

2. Ang polo o sapilitang pagtatrabaho ay ginanap sa lahat ng mga sumusunod maliban sa


.
a. pagpuputol ng kahoy o pagtrotroso
b. pagtatrabaho sa opisina o pamahalaan
c. pagpapatayo ng simbahan
d. paggawa at pagkukumpuni ng mga daan
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 60
3. Ito ay tumutukoy sa sapilitang pagtatrabaho ng mga lalaking Filipino para sa
pamahalaan sa loob ng isang linggo ng bawat taon.
a. polo
b. tributo
c. bandala
d. encomienda

4. Ang pagbabayad ng buwis ng mga Filipino sa mga Espanyol ay nangangahulang ng:


a. pagkamatapat
b. pagtulong sa kanila
c. pagiging masunurin
d. pagpapasailalim sa kanilang kapangyarihan

5. Ang mga sumusunod ay mabuting epekto ng kalakalang galyon maliban sa isa:


a. tumaas ang kita ng pamahalaan
b. umunlad ang Maynila
c. pumasok ang makabagong kaisipan sa pangangalakal
d. nakaranas ang tao ng kakulangan sa pagkain

6. Itinatag ni Gobernador Heneral Jose Basco ang monopoly ng tabako noong 1782.
Nasa kamay na pamahalaan ang patakaran sa pagtatanim ng tabako. Ano ang naging
reaksiyon ng mga Filipino tungkol dito?
a. Naging masigla ang mga Filipino sa pagtatanim ng tabako sapagkat mas
mabilis na mabili ang kanilang mga produkto.
b. Nagalit ang mga Filipino sapagkat nakadarama sila ng hirap at pang-
aabuso dahil sa sobrang baba ng presyo ng tabako na itinakda ng
pamahalaan.
c. Nagsawalang-kibo ang mga Filipino ng itatag ang Monopolyo ng tabako
hanggang sa ipatupad ito sa buong bansa.
d. Nalungkot ang mga Filipino sa pagkakatatag ng Monopolyo ng tabako
sapagkat dahil dito sila’y magiging mga alipin ng mga Espanyol.

7. Ano ang naging epekto sa pagpapairal sa sistemang encomienda sa mga Filipino?


a. Lumaki ang kita ng pamahalaan.
b. Nakatulong ito upang maging maunlad ang mga Filipino.
c. Naging masipag ang mga Filipino sa tulong ng mga opisyal ng Espanyol.
d. Lalong nagpahirap ito sa mga Filipino.

8. Sila ang uri ng mga Filipino na ipinadadala sa malalayong at naging malayo sila sa
kanilang pamilya?
a. Tributo
b. Polista
c. Bandala
d. Kasambahay

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 61


9. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga pagbabagong pang-ekonomiya na
nagawa sa kolonyang Espanyol. Alin sa mga ito ang hindi naisagawa ng mga Filipino
sa kanilang bagong pamayanan.
a. pagtitinda
b. pangangalakal
c. pagtatanim
d. pangagaso sa kabundukan

10. Saan bansa nagmula ang kalakalang galyon patungo sa Pilipinas?


a. Mula Mexico patungong Brunei
b. Mula Indonesia patungong Pilipinas
c. Mula Mexico patungong kanlurang asya
d. Mula Mexico patungong Pilipinas

Gawain 13: Positibo o Negatibo


Panuto: Punan ang tsart ng positibo at negatibong epekto ng kalakalan sa bansa.
Epekto ng Kalakalan sa Bansa
Positibong Epekto Negatibong Epekto

Gawain 14: Masama o Mabuting Epekto


Panuto: Suriin ang mga sumusunod kung ito ay mabuting epekto o masamang epekto dulot ng
patakarang pang-ekonomiya sa ilalim ng kolonyang Espanya. Lagyan ng tsek (✓) ang espasyo
kung may mabuting epekto (ME), at masamang epekto (MAE) ang naidudulot ng bawat
bilang.

Epekto ng sistemang pangkabuhayan sa kolonyang ME MAE


Espanyol
1. Maraming uri ng buwis ang sinisingil sa tao.
2. Makalikom ng salapi na gagamitin ng pamahalaan sa
pangangasiwa ng paaralan at simbahan.
3. Hindi sapat ang benipisyong natatanggap kapalit ng
paglilingkod.
4. Pagsasamanta ng ilang Espanyol sa mga polista.
5. Pagkakahiwalay sa pamilya.
6. Maraming lansangan ang naipagawa.
7. Nakapagtayo ng simbahan.
8. Pagkawatak-watak ng katutubo.
9. May takdang dami at uri ng produkto ang ipinagbibili sa
pamahalaan.
10. Napaunlad ang industriya at agrikultura.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 62
Gawain 15: Kaalaman Ng Tiyak Na Bagay
Panuto: Punan ang patlang ng mga nawawalang titik upang mabuo ang kasagutan.
1. R O
Tumutukoy sa sistema ng pagbubuwis sa bawat pamilyang Filipino upang
makalikom ng pondo.

2. L E
Yunit ng pananalapi na ginamit ng Espanya mula ika-14 na siglo hanggang sa
mapalitan ito ng escudo

3. B D
Sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka.
4. N G G__ N
Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco.

5. M A T K
Pinangasiwaan ng pamahalaan ang pagtatanim ng tabako.

6. O Y S V O
Sapilitang pagtatrabaho ng kalalakihang may 16 hanggang 60 taong gulang.

7. L C NI D _ F P S
Pagpapalakas ng kalakalang panlabas ng Pilipinas at Espanya.

8. CO A
Teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador.

9. ST
Tawag sa taong nagtatrabaho sa polo.

10. A A
Katumbas na halaga ng sapilitang paggawa.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 63


Gawain 16: Palaisipan
Panuto: Sagutan ang mga sumusunod.

2 5
4

Pahalang Pababa
1. Sistema ng pagbubuwis 2. Programang pangkabuhayan ni Jose
Basco Y Vargas
3. Tiket sa pagsakay ng 4. Ginagamit na sasakyang pandagat
kalakal
5. Sapilitang Paggawa

Gawain 17: Muling Pag-isipan At Gawin


Panuto: Unawain ang talahanayan tungkol sa pagbabagong pang-ekonomiya sa
kolonyalismong Espanyol. Sagutin ang mga nakalaang tanong.
Patakarang Ekonomiko Impormasyon
Tributo Sistema ng pagbubuwis; pagbabayad sa pamahalaan ng
kaukulang salapi o produkto; naging pondo sa paggawa ng
mga imprastruktura
Bandala Sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga
magsasaka; may takdang dami ng produkto and dapat
ipagbili sa pamahalaan; hindi nabayaran ang mga
magsasaka.
Polo y Servicio Sapilitang pagtatrabaho ng kalalakihang may 16 hanggang
60 taong gulang
Encomienda Teritoryong ipinagkatiwala sa mga conquistador; may
karapatang maningil ng buwis ang encomendero sa sakop
na encomienda
Kalakalang Galyon Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco; maraming
produkto ang dumagsa sa Pilipinas; karaniwang mga
Espanyol ang nakinabang sa kalakalan
Monopolyo sa Tabako Programa ni Jose Basco; pinangasiwaan ng pamahalaan
ang pagtatanim ng tabako; sapilitang pinagtanim ang mga
Filipino; kumita nang malaki ang pamahalaan ngunit
naghirap ang mga magsasaka.
Real Comapania de Filipinas Tuwirang pakikipagkalakalan sa Espanya, China at India

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 64


Mga Tanong
1. Ano-ano ang patakarang ekonomikong ipinatupad ng mga Espanyol sa Pilipinas.

2. Ano ang pangkakaiba ng tributo at bandala?

3. Tungkol saan ang polo y servicio? Kalakalang galyon?

4. Ano ang programang isinagawa ni Gobernador-Heneral Basco?

5. Umunlad ba ang kalagayan ng mga Filipino sa mga ipinatupad na patakarang


ekonomiko ng mga Espanyol? Patunayan (Gamitin ang Rubriks na batayan nang
iyon pagsagot.)

Rubriks para sa bilang 5.


Dimensyon 5 4 3 2 1
Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang Mali at kulang
Pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ang isaayos nang
pagpapaliwanag (katamtamang pagpapaliwanag (malaki nag pagpapaliwanag
(buo, pagpapaliwanag) (may kaunting kakulangan,
maliwanag) kamalian ang nagpapakita
pagpapaliwanag) ng kaunting
kaalalman)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 65


Repleksiyon
1. Ano ang aking natutunan?

2. Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sanggunian
Aklat
Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado Michael M., Jose Mary Dorothy dL, Araling Panlipunan
5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, Batayang Aklat, Ikalimang Baitang.
Rama, Michael DC., Domingo Florencia C., Rama Jennifer G., Cruz, Jayson A., Pilipinas,
Isang sulyap at pagyakap, Araling Panlipunan, Batayang Aklat
Website
https://www.slideshare.net Marie Jaja Tan Roa Kolonyalism, Dahilan at Layunin ng
Pananakop ng mga Espanyol
https://www.slideshare.net Celeen del Rosario, AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng
pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
https://www.google.com.ph, SlideShare K to 12 Grade
https://www.scribd.com.monopolyo sa tabako

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. ✓ 2. x 3. ✓ 4. ✓ 5. ✓
6. x 7. x 8. ✓ 9. ✓ 10. x
Gawain 2
1. MALI / Tributo
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI / Espanyol
5. MALI / Bandala

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 66


Gawain 4 Gawain 5
1. TRIBUTO 1. Encomienda
2. POLO Y 2. Polo y Servicio
SERVICIO 3. Polo y Servicio
3. BANDALA 4. Tributo
4. KALAKALAN 5. Bandala
G GALYON 6. Tributo
5. ENCOMIENDA 7. Royal Company
8. Monopolyo sa Tabako
9. Kalakalang Galyon
10. Kalakalang Galyon
Gawain 3


1.

☺_2.

3.


4.
Gawain 6
 1. c
5. 2. e
3. b
☺ 4. a
6. 5. d


7.


8.


9.

_10.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 67


Gawain 8

Patakarang Pang- Mabuting Patakarang Pang- Hindi-


ekonomiya Naidulot ekonomiya mabuting
Naidulot
1. Polo y Servicio 9. Monopolyo sa
Tabako
2. Tributo 10. Kalakalang
Galyon
3. Bandala 11. Kalakalang
Galyon
4. Encomienda 12. Monopolyo sa
Tabako
5. Kalakalang 13. Encomienda
Galyon
6. Monopolyo sa 14. Polo y Servicio
Tabako
7. Royal Company 15. Polo y Servicio
8. Polo y Servicio

Gawain 9 Gawain 10 Gawain 11


1. encomienda 1. M 1. Reales
2. polo 2. HM 2. Falla
3. boleta 3. HM 3. Royal Company of the Philippines
4. bandala 4. M 4. Sedula
5. Encomendero 5. HM 5. Polista
6. Falla 6. HM 6. Tributo
7. Tributo 7. M 7. Polo y Servicio
8. Polista 8. M 8. Monopolyo sa Tabako
9. Sedula 9. HM 9. Kalakalang Galyon
10. Royal Company 10. HM 10. Encomienda

Gawain 12 Gawain 13
Epekto ng Kalakalan sa Bansa
1. A Positibong Epekto Negatibong Epekto
2. B Nadagdagan ang kita ng Napabayaan ang pamamahala sa
3. A pamahalaan lalawigan
4. D Pumasok ang Napabayaan ang pagsasaka na naging
5. D makabagong kaisipan sa dahilan ng kakulangan sa suplay ng
6. B pangangalakal pagkain.
7. D Umunlad ang Maynila Pagdagsa ng mga taga-lalawigan sa
8. B Maynila na nagpadagdag sa populasyon
9. D nito.
10. D Napangalagaan ang Mayamang Espanyol lamang at ilang
reserbang ginto ng bansa may pribilehiyo ang nakinabang dito.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 68
Gawain 14
Gawain 15 Gawain 16

ME MAE 1. TRIBUTO 1. Tributo


1. ✓ 2. REALES 2. Tabako
2. ✓ 3. BANDALA 3. Boleta
3. ✓ 4. KALAKALANG 4. Galyon
4. ✓ GALYON 5. Polo
5. ✓ 5. MONOPOLYO SA
6. ✓ TABAKO
7. ✓ 6. POLO Y SERVICIO
8. ✓ 7. REAL COMPANIA DE
9. ✓ FILIPINAS
10. ✓ 8. ENCOMIENDA
9. POLISTA
10. FALLA

Gawain 17
1. Tributo, Bandala, Polo y Servicio, Kalakalang Galyon, Monopolyo sa Tabako, at Real
Compania de Filipinas

2. Ang tributo ay sistema ng pagbubuwis o pagbabayad sa pamahalaan ng kaukulang


salapi o produkto samantala ang bandala ay sapilitang pagbili ng pamahalaan ng ani
ng mga magsasaka na may takdang dami ng produkto.

3. Ang polo y servicio ay ang sapilitang pagtatrabaho ng kalalakihang may 16 hanggang


60 taong gulang.
Ang kalakalang galyon ay kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco Mexico.

4. Royal Campania de Filipinas

5. Gamitin ang Rubriks na batayan nang kanyang puntos.

Inihanda nina:

CHRISTOPHER E. CASTILLEJOS
EVARISTO C. COME
Mga Manunulat

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 69


ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Mga Patakarang Pampolitika Sa Ilalim ng Kolonyalismong Espanyol

Panimula (Susing Konsepto)

Ang Pilipinas ay naging kolonya ng Espanya sa loob ng 333 taon (1565-1898). Ngunit
hanggang 1821, ang bansa ay pinamuunuan ng hari ng Espanya sa pamamagitan ng viceroy o
kahalili ng hari ng Mexico na kolonya rin ng Espanya noon. Nang lumaya ang Mexico, naging
tuwiran ang pamamahala ng hari ng Espanya sa Pilipinas. Ang itinatag ng Espanya sa Pilipinas
ay isang kolonyal at sentralisadong pamahalaan. Ito ay binubuo ng pambansang pamahalaan
lokal na may sangay na panlalawigan, panglungsod, pambayan at pambarangay.
Pinamumunuan nito ang katarungan, kapayapaan, kaayusan, at mga gawaing pangkabuhayan.

Ang Pamahalaang Sentral


Bilang kabisera ng Pilipinas noong panahon ng mga Espanyol, matatagpuan sa Maynila
ang pamahalaang sentral ng bansa sa pangunguna ng isang gobernador-heneral. Mayroon
lamang dalawang sangay ng pamahalaan ang Pilipinas noong panahong ito: ang ehekutibo at
hudisyal. Ang gobernador-heneral ang may hawak ng ekekutibo sapagkat siya ang
nagpapatupad ng mga batas mula sa Espanya. Ang Royal Audiencia naman ang may
kapangyarihang hudisyal bilang pinakamataas na hukuman sa kolonya.
Ang gobernador-general ang kinatawan ng Hari ng Espanya at pinakamataas na pinuno
ng pamahalaang sentral na nakatalaga sa Pilipinas. Karaniwang opisyal ng isang military ang
itinatalaga sa posisyong ito. Ang unang goberndaor heneral na nanungkulan mula 1565
hanggang 1572 ay si Miguel Lopez de Legazpi. Ang huling gobernador heneral naman na
Espanyol ay si Heneral Diego de los Rios na nangasiwa sa banasa mula 1898 hanggang 1899.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 70


Tinaguriang Royal Patron ang hari ng Espanya at dahil ang gobernador heneral ang
sugo ng hari sa Pilipinas, nagsilbi siyang Vice-Royal Patron. Siya ay may kapangyarihang: (1)
magrekomenda ng mga arsobispo at mga pari sa iba’t ibang parokya, (2) magpatibay sa itinatag
na mga parokya at diyosesis, at (3) mamagitan sa pag-aaway ng mga pari o iba pang opisyal
ng Simbahan.
Bilang tagapangulo ng Royal Audiencia o Audiencia, ang pinakamataas na hukuman
sa bansa, ang gobernador heneral ay may kapangyarihan mamuno sa mga paglilitis, maggawad
ng kapatawaran, at bigyan ng amnestiya ang mga nagkasala.
Ang Espanya ay nagpadala ng mga kinatawan na susubaybay sa gobernador heneral
tulad ng sumusunod:
Royal Audiencia
Ang Royal Audiencia ang katas-taasang hukuman sa Pilipinas noong panahong
kolonyal. Layon ng hukumang ito na saklolohan ang gobernador-heneral sa pamamahala at
pangalagaan ang mga mamamayan mula sa mga mapang-abusong pinunong Espanyol.
Maaring gampanan ng Royal Audiencia ang kapangyarihang ehekutibo sa sandalling
mabakante ang posisyon ng gobernador-heneral.
Noong panahon ng mga Espanyol, ang Royal Audiencia ang Kataas-taasang Hukuman
(Supreme Court). Bilang katas-taasang hukuman, nililitis nito ang lahat ng mga kasong
criminal at sibil na inapila ng mababang hukuman. May kapangyarihan rin ito bilang
tagapagpaganap at tagapagpatupad.
Ang Pamahalaang Lokal
Ang pamahalaang lokal ng Pilipinas ay binubuo ng tatlong antas sa ilalim ng
kapangyarihan ng Espanya. Ito ay ang pamahalaang panlalawigan, ang pamahalaang
pambayan, at pang pamahalaang panglungsod.
1. Pamahalaang Panlalawigan
Tinatawag na alcaldia noong panahon ng Espanyol ang mga lalawigan na
pinamumunuan ng alcalde-mayor. Ito ay mga pook na mapayapa. Corregimiento naman ang
tawag sa mga pook na di pa ganap na nasasakop at pinamumunuan ng isang Corregidor na
kadalasa’y isang opisyal ng hukbo. Mga tungkulin at kapangyarihan ng alcalde-mayor ang
sumusunod: (a) tagapagpaganap sa lalawigan at tagapamahala ng mga gawain ng pamahalaan;
(b) tagasubaybay sa pangongolekta ng buwis; (c) may kapangyarihang panghukuman; at (d)
may pribilehiyo o karapatang makilahok sa kalakalang galyon na tinatawag na indulto de
comercio. Subalit ang pribilehiyong ito ay inalis noong 1884 dahil sa pag-abuso at
pagpapayaman ng alacalde-mayor.

2. Pamahalaang Panglungsod
May mga itinatag ding lungsod o ciudad ang mga Espanyol sa Pilipinas. Ito ay mga
pueblo na binubuo ng malaking populasyon kung kaya’t higit na naging makapangyarihan.
Tinatawag na ayuntamiento ang pamahalaang panglungsod. Ang konsehong panglungsod
naman ay tinaguriang cabildo. Ito ay binubuo ng alcalde regidore (konsehal), alguacil de
mayor ( chief peace officer), at escribano ( chief clerk). Ito ay may sariling tsarter na nagtatakda
ng mga patakaran at pamamaraan ng pamamahala.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 71


3. Pamahalaang Pambayan o Munisipal
Ang mga lalawigan ay nahati sa mas maliit nay unit political na tinatawag ng pueblo o
bayan. Pinamumunuan ito ng gobernadorcillo. Hindi limitado sa mga Espanyol ang posisyong
ito. Sa katunayan, ito ang pinakamataas na posisyon sa pamahalaan na maaaring hawakan ng
isang Filipino, maging ng mestizong Tsino.
Ang sumusunod ay mga katangian dapat taglayin ng ihahalal na gobernadorcillo: (a)
dapat na isang Filipino; (b) nasa 25 taong gulang o pataas; (c) naging tenyente mayor o cabeza
de barangay; (d) marunong bumasa at sumulat; at walang kasong criminal o sibil.
4. Pamahalaang Pambarangay
Pinanatili ng mga Espanyol ang mga barangay bilang pinakamaliit nay unit ng
pamahalaang lokal. Pinamumunuan ito ng cabeza de barangay. Karaniwang sa mga itinalagang
cabeza ay ang mga katutubong datu o kamag-anak nito na naaabutan ng mga Espanyol na
namamahala sa sinaunang barangay. Tulad ng gobernadorcillo, ang cabeza ay may
pangunahing tungkulin na lumikom ng tributo o buwis.
Mga Epekto na pagbabagong Politikal sa Pilipinas.
Nagdulot ng malaking pagbabago sa larangan ng politika ang pagiging kolonya ng
Pilipinas sa Espanya. Sa pagkatatag ng pamahalaang sentral, napasailalim ang malaking bahagi
ng kapuluan sa pamumuno ng mga Espanyol. Dahit dito, tuluyang napag-isa ang dating watak-
watak na pamahalaan ng mga datu sa kani-kanilang barangay.
Nakaapekto rin ang pagbabago ng kalagayang political ng bansa sa mga Filipino sa
panahong kolonyal. Naging mahirap ang pagsunod sa batas at mga patakarang ipinatutupad ng
mga dayuhan. Naging mapang-abuso ang mga opisyal na Espanyol at hindi naging pantay ang
pagtrato sa mga katutubo. Hindi rin pinagkatiwalaan ang mga Filipino sa matataas nga
posisyon sa pamahalaan sa takot na magdulot lamang ito ng problema sa pamahalaang
Espanyol. Sa huli, ang mga Filipino ang naging mga tagasunod lamang sa sariling lupain na
pinamumunuan ng mga banyaga.

Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
B. Patakarang pampolitika (Pamahalaang kolonyal)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 72


Gawain 1 : ISIP, HAMUNIN
Panuto: Pagtambalin. Piliin sa Kolum B ang tamang katawagan na binibigyang-kahulugan sa
bawat pangungusap sa Kolum A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

Kolum A Kolum B
1. Uri ng pamahalaang itinatag ng Espanya sa a. Barangay
Pilipinas
2. Kapangyarihan ng gobernador-heneral na b. Cumplase
tutulan ang pagpapatupad ng batas ng hari.
3. Pamahalaang lokal para sa lalawigang hindi c. Indulto de comercio
pa napayapa.
4. Lisensiyang pribilehiyo ng alcalde mayor d. Corregimiento
na makalahok sa komersiyo at kalakalan.
5. Pinakamaliit nay unit political ng kolonya. e. Pamahalaang Sentral
6. Titulo ng gobernador-heneral bilang f. Pueblo
opisyal ng kataasang hukuman.
7. Pinuno ng alcaldia g. Hari ng Espanya
8. Pinuno ng pueblo h. Gobernador-heneral
9. Pinakamataas na pinuno ng kolonya i. Pangulo ng Audiencia
10 Pinakamataas na pinuno ng pamahalaang j. Gobernadorcillo
sentral
k. Alacalde Mayor

Gawain 2
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Alin ang dahilan kung bakit itinatag ng Espanya ang pamahalaang sentral?
a. Maraming Espanyol ang magkakaroon ng trabaho.
b. Madali ang pamamahala sa buong bansa.
c. Ayaw manungkulan ang mga Espanyol sa Pilipinas.
d. Kulang ang perang pambayad ng sweldo.

2. Alin sa sumusunod ang Hindi tungkulin ng Gobernador heneral?


a. Magpatupad ng batas at kautusan.
b. Mamuno sa sandatahang lakas.
c. Mamuno sa mga halalan sa lalawigan.
d. Magrekomenda ng mga pari na mamumuno sa mga parokya.

3. Ano ang naging epekto ng kolonyalismo sa larangan ng politika ng mga Filipino?


a. Higit na naapektuhan ang mga Espanyol dahil sa pagtutol ng mga
Filipinong mamahala sila.
b. Ang goberndor-heneral ay pinakamakapangyarihang pinuno nasa kolonya.
c. Hindi gaanong naapektuhan ng kolonyalismo ang mga Filipino sa panahon
ng pananakop.
d. Nawalan ng kapangyarihang mamahala ang mga katutubong Filipino at
napasailalim sa mga Espanyol.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 73


4. Bakit itinatag ng hari ng Espanya ang residencia?
a. masiyasat nang hayag ang mga opisyal
b. masiyasat nang palihim ang mga opisyal
c. maparusahan ang tiwaling opisyal
d. makakuha ng pera

5. Bakit naghirang ang hari ng Espanya ng isang Vistador-heneral?


a. Mangolekta ng buwis.
b. Maglapat ng parusa sa maysalang opisyal.
c. Gumawa ng lihim na pagsisiyasat tungkol sa mga gawain at gawi ng mga
nanunungkulan.
d. Palitan ang batas na hindi sinasang-ayunan ng Gobernador-heneral.

6. Kung alkalde ang tawag sa pinuno ng bayan sa kasalukuyan, ano naman ang
tawag sa pinuno ng pueblo noong panahon ng Espanyol?
a. gobernadorcillo
b. cabeza de barangay
c. alcalde mayor
d. Corregidor

7. Anong pamahalaan ang ipinalit ng mga Espanyol sa dating pamahalaang barangay


ng ating pinuno?
a. Komonwelt
b. Demokratiko
c. Sentralisado
d. Parlamentaryo

8. Ano ang naging mabuting epekto ang pagbabagong politikal ng panahon ng


Espanya?
a. nagkaroon ng iisang wika ang mga Pilino.
b. napag-isa ang dating watak-watak na pamahalaan ng mga datu.
c. naging matulungin ang mga Filipino sa mga dayuhang mananakop.
d. pinamahalaan ng mga Filipino ang matataas na posisyon sa pamahalaan.

9. Saang sangay ng Pamahalaan natin ngayon maihalintulad ang Pamahalaang


Sentral noon?
a. lehistatibo
b. ehekutibo
c. hudikatura
d. hukuman

10. Saang sangay naman ng Pamahalaan natin ngayon maihalintulad ang Royal
Audiencia?
a. lehislatibo
b. ehekutibo
c. hudikatura
d. hukuman

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 74


Gawain 3
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) kung ito ay mabuting epekto ng pagbabagong politikal sa
Pilipinas at ekis (x) kung ito naman ay hindi mabuting epekto.
1. Mapang-abuso ang mga opisyal na Espanyol.
2. Hindi naging pantay ang pagtrato sa mga katutubo.
3. Napag-isa and dating watak-watak na pamahalaan ng mga datu.
4. Naglaho ang pamamahala ng mga datu.
5. Hindi pinagkatiwalaan ang mga Filipino sa mataas nga posisyon ng pamahalaan.
Gawain 4: Ang Aking Hatol
Panuto: Lagyan ng tsek (✓) ang kolumn na MASAYA kung ito ay katanggap-tanggap sa
iyong saloobin ang inilalarawan ng pahayag at ekis (x) sa MALUNGKOT naman kung
hindi.
Kondisyon ng Pamamahala sa Pilipinas MASAYA MALUNGKOT
1. Dapat na mamahala sa bansa ay isang magaling na
dayuhan.
2. Dapat na taglay ng mga opisyal ng pamahalaan ang
lahat ng kapangyarihan upang madaling
maisakatuparan ito.
3. Dapat na may limitasyon ang taon ng
panunungkulan ng mga opisyal ng pamahalaan.
4. Dapat ang mga mayayaman lang ay may karapatan
na mamuno sa ating bansa.
5. Dapat ang namamahala sa bansa ay hindi
nangungurakot at nakatapos ng pag-aaral sa
kolehiyo.

GAWAIN 5: Pampolitika o Pang-ekonomiya


Panuto: Isulat ang P kung ang ipinapahayag ay isang paglalarawan ng naganap na
pagbabagong pampolitika at PE kung ito naman ang pangekonomiya.
1. Ang gobernador-heneral ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang sentral na
nakatalaga sa Pilipinas.
2. May dalawang sangay ng pamahalaan ang Pilipinas sa panahon ng Espanyol: ang
ehekutibo at hudisyal.
3. Hindi pinagkatiwalaan ang mga Filipino sa mataas na posisyon nang pamahalaang
Espanyol.
4. Sapilitin pagbili ng pamahalaan ng ani ng mga magsasaka.
5. Pinagasiwaan ng pamahalaan ang pagtatanim ng tobako.
6. Kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco.

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 75


7. Ang pamahalaang lokal ay nahahati sa panlalawigan, panlungsod, pambayan at
pambarangay.
8. Corregidor ay mga opisyal ng military na tumutugis sa mga taong hindi sang-ayon
sa pamamahala ng mga Espanyol.
9. Ang ciudad ay binubuo ng malalaking populasyon.
10. Reales ay ang yunit ng pananalapi ng ginagamit ng Espanya.

Gawain 6
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod. Gamiting gabay ang rubrik sa pagpapaliwanag.
1. Ipaliwanag ang kalagayang ng mga Filipino sa ilalim ng pamahalaang Kastila.

2. Bakit inihahambing nating ang gobernador-heneral sa isang diktador?

3. Ano ang katangian ng isang sentralisadong uri ng pamahalaan?

Dimensyon 5 4 3 2 1
Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailanga Mali at
Pagpapaliwa ng pagpapaliwan ang ng kulang nang
nag pagpapaliwa ag pagpapaliwan isaayos pagpapaliwa
nag (buo, (katamtamang ag (may (malaki nag
maliwanag) pagpapaliwan kaunting nag
ag) kamalian ang kakulang
pagpapaliwan an,
ag) nagpapak
ita ng
kaunting
kaalalma
n)

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 76


Gawain 7
Panuto: Tukuyin kung kaninong kapangyarihan ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra sa sagutang papel.

A. Goberndor Heneral B. Royal Audiencia C. Alcalde Mayor

1. Tagasuspinde ng pagpapatupad ng mga batas o kautusan ng hari kung kailangan.


2. Punong komandante ng hukbong sandatahan.
3. Gumagawa ng taunang ulat na ipinapadala sa hari.
4. Nililitis ang lahat ng mga kasong criminal at sibil na inapila sa hukuman.
5. Nagsisilbing tagapayo ng Gobernador Heneral.
6. Tagasubaybay sa pangongolekta ng buwis.
7. Tagapagpaganap sa mga lalawigan.
8. Tagapagpatupad ng mga dekreto at batas ng hari mula sa Espanya
9. Tagapagdeklara ng pakikidigma o pakikipagkasundo sa iba pang bansa sa Silangan.
10. Nagsisilbi rin itong tagasuring panlahat.

Gawain 8: IPORMA MO! JUMBLED LETTERS


Panuto: Suriin ang sumusunod na pahayag at tukuyin ang kasagutan sa pamamagitan ng
pagsasaayos ng mga pinaghalong titik.
1. Pinakamataas ng pinuno ng pamahalaang sentral na nakatalaga sa
Pilipinas. BERDORNAGO LARENEG
2. Kataas-taasang hukuman sa Pilipinas noong panahong kolonyal.
LROYA DIECIANUA
3. Lalawigan na pinamumunuan ng alcalde mayor. CALIADAL
4. Tawag sa konsehong panglungsod. BILCADO
5. Pinakamaliit ng yunit ng pamahalaang lokal. GAYBARAN

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 77


Gawain 9: Ating Alamin.
Panuto: Isulat ang salitang PANG-EKONOMIYA kung ang pahayag ay tumutukoy sa
patakarang pang-ekonomiya at PAMPOLITIKA kung ito naman ay tumutukoy sa patakarang
pampolitika sa panahon ng kolonyang Espanya.
1. Royal Company of the Philippines
2. Tributo
3. Polo y Servicio
4. Bandala
5. Royal Audiencia
6. Pamahalaang Panglungsod
7. Pamahalaang Pambarangay
8. Kalakalang Galyon
9. Pamahalaang Panglungsod

10. Monopolyo sa Tabako


Repleksiyon
1. Ano ang aking natutunan?

2. Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sanggunian
Aklat
Gabuat, Maria Annalyn P., Mercado Michael M., Jose Mary Dorothy dL, Araling Panlipunan
5, Pilipinas Bilang Isang Bansa, Batayang Aklat, Ikalimang Baitang.
Rama, Michael DC., Domingo Florencia C., Rama Jennifer G., Cruz, Jayson A., Pilipinas,
Isang sulyap at pagyakap, Araling Panlipunan, Batayang Aklat
Website
https://www.slideshare.net Marie Jaja Tan Roa Kolonyalism, Dahilan at Layunin ng
Pananakop ng mga Espanyol
https://www.slideshare.net Celeen del Rosario, AP 5: Aralin 6 kolonisasyon at dahilan ng
pananakop ng Espanya sa Pilipinas.
https://www.google.com.ph, SlideShare K to 12 Grade
https://www.scribd.com.monopolyo sa tabako
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 78
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3

1. e 1. b 1. X
2. b 2. c 2. X
3. d 3. c 3. ✓
4. c. 4. c 4. X
5. a 5. c 5. X
6. i 6. a
7. k 7. c
8. j 8. b
9. g 9. b
10. h 10. a

Gawain 4 Gawain 5 Gawain 7


Masaya Malungkot 1. P 1. A
1. x 2. P 2. A
2. x 3. P 3. B
3. ✓ 4. PE 4. B
4. x 5. PE 5. B
5. x
6. PE 6. C
7. PE 7. C
Gawain 8 8. P 8. A
9. P 9. A
1. GOBERNADOR HENERAL 10. PE 10. B
2. ROYAL AUDIENCIA
3. ALCALDIA
4. CABILDO
5. BARANGAY
Gawain 9 - Pang-ekonomiya o Pampolitika
1. Pang-ekonomiya
2. Pang-ekonomiya
3. Pang-ekonomiya
4. Pang-ekonomiya
5. Pang-ekonomiya
6. Pampolitika
7. Pampolitika
8. Pang-ekonomiya
9. Pampolitika
10. Pang-ekonomiya
Inihanda nina:

CHRISTOPHER E. CASTILLEJOS
EVARISTO C. COME
Manunulat
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 79
ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Patakarang Pampolitiko (Pamahalaang Kolonyal)

Panimula (Susing Konsepto)


Bago dumating ang mg espanyol sa pilipinas, ang mga pulo ay nahahati sa maraming
kaharian na malaya sa isat- isa. Ang organisasyong pulitikal na ito ay nabago sa pagdating ng
mga espanyol. Ang mga pulo ay naging isang yunit pangheograpikal at tinawag na “ Las Islas
Filipina”. Itinatag ang isang pamahalaang kolonyal sa maynila at ito ang pumalit sa mga
barangay. Naging kolonya ang pilipinas ng espanya mula 1565 hanggang 1898. Mula 1565
hanggang 1821, pinamahalaan ng espanyol ang pilipinas sa pamamagitan ng Mexico, nang
maging isang malayang bansa ang Mexico noong 1821, tuwirang pinamahalaan ng Espanya
ang Pilipinas.
Ang sentral o pambansang pamahalaan ay lubhang makapangyarihan na walang
anumang magagawa nang hindi ipinaalam o hinihingi pahintulot ng pambansang pamahalaan.
Dalawa lamang ang sangay ng pamahalaan- ang ehekutibo at hudisyal. Walang sangay na
panlehislatibo dahil ang mga batas na pinagtitibay sa espanya sampu ng mga dekrito ng hari ay
ipinatutupad sa pilipinas.
Residencia
Isang lupong tagasiyasat sa mga nagawa ng papaalis na gobernador- heneral ang
residencia. Pinangangasiwaan ito ng kahaliling gobernador- heneral at tumatagal ng anim na
buwan, may tuwirang pananagutan sa residencia ang gobernadaor- heneral, mga kagawad ng
royal audiencia at mga alcalde- mayor.
Visita
Nagpapadala sa pilipinas ang konseho ng indies ng isang opisyal mula sa Espanya- ang
visitador- heneral. Lihim niyang sinisiyasat ang mga gawain ng mga mataas na pinuno sa
kolonya, kapag napatunayan niyang nagkasala ang mga ito, maaaring niyang itong alisin,
suspindihin o pagmultahin.
Mga Pangunahing Katangian ng Pamahalaang Kolonyal
Pinamamahalaan ng gobyernong sentral o pambansa ang buong kapuluan, liban sa
malalayang pangkat- etniko sentro ng pamahalaan ang Maynila at pinuno ng pamahalaan ang
gobernador- heneral.
Ipinatutupad ng pamahalaang sentral ang lahat ng batas at patakaran kasama rin dito
ang mga plano’t programa ng pamahalaang lokal.
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 80
Magkaisa ang estado at simbahan, bagamat ang pamamahala ng bansa ay nasa kamay
ng makapangyarihang sibilyan, may mahalagang papel na ginagampanan ang simbahang
katoliko. Maraming mga gawaing pampamahalaan ang ipinagkatiwala sa mga kura paroko
tulad ng pangungulekta ng buwis, pangangasiwa sa halalang lokal at pamamahala sa mga
paaralang primarya.
May pagkakataon na ang arsobispo ng Maynila ang tumatayong gobernador-heneral.
Noong 1719 hinirang si arsobispo Francisco dela Cuesta na gobernador-heneral sa pagkamatay
ni gobernador-heneral Bustillo Bustamante.
Ang pamahalaang kolonyal ay nakikilahok naman sa mga gawaing ng simbahan.
Binabayaran nito ang mga sahod ng mga opisyal ng simbahan at mga misyonero. Nagbibigay
ito ng donasyon para sa mga gawaing pangrelihiyon, may karapatan ang goberyador- heneral
na di sumang- ayon sa pamamahala ng simbahan katoliko sa mga kolonya, may karapatan din
siyang humirang ng mga opisyal ng simbahan at magtatag at magbuwag ng mga parokya.
Ang pagsasama ng simbahan at estado ay karaniwang nagiging sanhi ng di-
pagkakaunawaan sa pagitan ng mga opisyal ng pamahalaan at simbahan. Ang alitan ay
nagmumula sa paggamit ng kapangyarihan, karapatan at mga pribilehiyo sa mga gawaing sibil
at panrelihiyon.
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nasusuri ang epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinatupad ng Espanya sa bansa.
(A5EL-Ia)

Gawain 1- A
Panuto: Punan ang tsart kung ano ang tungkulin o kapangyarihan gampanin ng mga
sumusunod na katauhan:
Mga Opisyal Tungkulin/ Kapangyarihan

A. Hari ng Espanya

B. Gobernador-Heneral

C. Residencia

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 81


D. Visitador-Heneral

Gawain 1- B
Panuto: Ibigay ang mahalagang ginagampanan ng pamahalaan at ng simbahan
sa ating lipunan sa panahon ng Kolonyalismo sa pamamangitan ng talahanayan.
PAMAHALAAN SIMBAHAN

Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric) para sa Gawain I-A at I-B

1 Nakapagtala ng isang gawain sa bawat antas


2 Nakapagtala ng dalawang gawain sa bawat antas
3 Nakapagtala ng tatlong gawain sa bawat antas
4 Nakapagtala ng apat na gawain sa bawat antas
5 Nakapagtala ng limang gawain sa bawat antas

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 82


Gawain 2: Mangatwiran tayo
Panuto: Ibigay niyo ang inyong katwiransa isyu na ito: Pabor ka ba sa pag-iisa ng simbahan
at ng estado? OO o HINDI?
Pamantayan sa Pagbibigay ng Puntos (Rubric)
15 10 5
PAGKAKABUO Angkop at wasto ang May iilang salitang Walang kaugnayan
mga salitang ginamit ginamit na hindi at hindi wasto ang
sa pagbubuo. angkop at wasto mga salitang
ginamit.
NILALAMAN Mabisang Hindi gaanong Hindi naipahayag
naipahayag ang naipahayag ng nang mabisa ang
mensahe ng paksa mabisa ang mensahe nilalaman ng paksa
ng paksa

Repleksiyon
Ano ang mga natutunan ko?

.
Ano pa ang mga gusto ko pang matutunan?

Mga Sanggunian
Teofista L. Vivar, Ed.D et.al Pilipinas: Kasaysayan at Pamahalaan, SD Publication

Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 83


Susi sa Pagwawasto
Gawain 1-A

Mga Opisyal Ng Tungkulin/ Kapangyarihan


Pamahalaan
- Naghihirang ng gobernador-heneral at iba pang
opisyal sa mga kolonya
Hari Ng Espanya
- Nagbababa ng mga batas,dekrito at iba pang
kautusan mula espanya patungong sa mga kolonya.
- Namamahala sa gobyernong sentral sa buong
kapuluan.
- Nagpapatupad ng mga batas,dekrito at iba pang
Gobernador- Heneral
kautusan mula sa hari ng espanya.
Lupong tagasiyasat sa mga nagawa ng papaalis na
gobernador-heneral at iba pang opisyal ng
Residencia
pamahalaan.
Visitador- Heneral Lihim niyang sinisiyasat ang mga gawain ng mga
matataas na pinuno sa kolonya.

Gawain 1

Bahaging ginagampanan ng Bahaging ginagampanan ng


Pamahalaan Simbahan
1. Ipinatutupad ng pamahalaang sentral 1. Pangungulekta ng buwis
ang lahat ng batas at patakaran.
Kasama dito ang mga plano’t
programa ng pamahalaang lokal.
2. Binabayaran ang mga sahod ng mga 2. Pangangasiwa sa halalang lokal
opisyal ng simbahan at misyonero.
3. Nagbibigay ng donasyon sa mga 3. Pamamahala sa mga paaralang
gawaing panrelihiyon. primarya.
4. Karapatan ng gobernador-heneral na 4. Paganap sa mga gawaing
humirang ng mga opisyal ng panrelihiyon.
simbahan at magtatag at magbuwag
ng mga parokya.

Gawain 2- Gamitin ang rubric sa pagbibigay ng puntos

Inihanda ni:

Macario Reynaldo G. Castillo


Manunulat
Note: Practice Personal Hygiene protocols at all times 84
ARALING PANLIPUNAN 5
Pangalan: Lebel:
Seksyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
Patakarang Pampolitika (Pamahalaang Kolonyal)

Panimula (Susing Konsepto)

Ang itinatag ng Espanya sa Pilipinas ay isang kolonyal at sentralisadong pamahalaan.


Ito ay binubuo ng pambanasang pamahalaan at mga pamahalaang local na may sangay na
panlalawigan, panglungsod, pambayan, o pangmunicipal. Ang mga sumasakop sa buong
kapuluan ay ang pambansang pamahalaan at nasa ilalim nito ang mga pinuno ng mga
lalawigan, lungsod o bayan, at barangay o baryo. Pinamumunuan nito ang katarungan,
kapayapaan, at kaayusan ng bansa, at mga gawaing pangkabuhayan.

Direktang pinamumunuan ng Espanya


ang Pilipinas sa pamamagitan ng Consejo de
Indios (Council of the Indies). Tinataglay ng
makapangyarihang konsehong ito ang lahat ng
kapangyarihan ng gobyerno – lehislatura,
ehekutibo at hukuman. Nagpapadala ang
konseho ng mga dikreto ng hari na gagabay sa
pamamahala ng gobernador-heneral sa kolonya.

https://carpetapedagogica.com/img/articulos/consejo-de-indias.jpg

Viceroy ng Mexico. Ito ang taga-usig na ipinadala ng hari sa


Pilipinas. Ang kaniyang tungkulin ay magmasid sa kalagayan ng bansa.
Ito rin ang gumagawa ng ulat na ihaharap sa hari pagbalik sa Espanya. Ang
mga gobernadora heneral at matataas na opisyal ng pamahalaan na
napatunayang nagkasala ay kanya ring pinarurusahan.

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/2/2c/Coat_of_Arms_of
_Philip_II_of_Espanya_%281558-1580%29.svg/800px-
Coat_of_Arms_of_Philip_II_of_Espanya_%281558-
1580%29.svg.png

Gobernador-Heneral. Ang gobernador heneral ang


pinakamataas na pinuno ng pamahalaang Espanyol. Gobernador/
Capitan Heneral ang opisyal na tawag ditto. Ang unang gobernadora
heneral na nanungkulan mula 1565 hanggang 1572 ay si Miguel Lopez
de Legazpi. Ang huling gobernador heneral naman na Espanyol ay si
Heneral Diego delos Rios.
https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/c/cc/Miguel_L%C3%B3pez_d
e
_Legazpi%2C_en_La_Hormiga_de_Oro.jpg

95
Royal Audiencia. Ang pangunahing trabaho nito ay ang mag payo sa gobernador-
heneral at tagamasid. Siya ay gumagawa rin ng
taunang ulat na ipinapadala sa hari. Nagsisilbi
rin itong tagasuring panlahat (auditor general)
ng ginagastusan ng pamahalaan taong-taon.

https://www.batangashistory.date/2018/03/ribera.html

Alcalde Ayuntamiento. Tinatawag na ayuntamiento ang pamahalaang panlungsod.


Ang konsehong panlungsod naman ay tinaguriang cabildo. Ito ay binubuo ng alcalde regidores
(konsehal), alguacil de mayor (chief peace officer), at escribano (chief clerk). Ito ay may
sariling tsarter na nagtatakda ng mga patakaran at pamamaraan ng pamamahala.

Alcalde Mayor. Ang alcalde mayor ay kinatawan ng gobernador at punong ehekutibo


sa kanyang probinsiya. Nakakonsentra sa kanyang pusisyon ang mga kapangyarihang
pampulitika, pampiyansa, panghustisya at pangmilitar.

Gobernadorcillo. Ang gobenadorcillo ang tagapangalaga ng bilangguan ng municipio.


Siya rin ang responsible sa maayos na takbo ng mga pampublikong gawain at tagapamahala ng
hustisya sa bayan. Tinitiyak niyang ang casa tribunal ay may sapat na kagamitan at tauhan.
Siya rin ang nangangalaga sa mga opisyal na panauhin at manlalakbay ng bayan.

Cabeza de Barangay. Nahahati sa mga baryo o barangay ang mga pueblo o bayan.
Ang tawag sa pinuno ay cabeza de barangay. Katulad ng gobernadorcillo, ang cabeza de
barangay ay naglilingkod ng walang sweldo at pangkarangalan lamang ang katungkulan,
subalit may pribelehiyo na mapabilang sa pangkat ng principalia ang kanyang pamilya. Ang
gawain niya bukod sa pangongolekta ng buwis ay naaayon lamang sa kung ano ang ipagawa
ng mataas na pinuno.

Hari ng
Espanya
Consejo de
Indios
Viceroy ng
Mexico
Arsobisp Gobernador Royal
o Heneral Audiencia
Alcalde
Ayuntamiento
Obisp Alcalde
o Mayor
Kura Gobernadorcill
Paroko o
Cabeza de
Barangay
Figure I Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Pilipinas

96
Kasanayang Pampagkatuto at Koda
Nasusuri and epekto ng mga patakarang kolonyal na ipinapatupad ng Espanya sa bansa.

Gawain 1
Panuto: Hanapin at bilugan ang sumusunod na salitang tatalakayin sa araling ito. Maaaring
nakaayos ito ng diagonal, pababa, pabaligtad o pahalang.

R O Y A L A U D I E N C I A Q W P
G E S C R I B A N O E R T Y U I U
P O A L C A L D E M A Y O R A S E
D F B G H J K L Z X C V B N M Z B
C A B E Z A D E B A R A N G A Y L
V I C E R O Y N G M E X I C O A O
Q W E R T N Y U I O P A S D F H G
A Y U N T A M I E N T O H J A K
G O B E R N A D O R C I L L O R L
E S C R I B A N O Z X C V B N I M
Z X C V B H E N E R A L N M H J K
C O N S E J O D E I N D I O S Y U

Royal Audiencia Viceroy ng Mexico


Cabeza de Barangay Heneral
Gobernadorcillo Ayuntamiento
Alcalde Mayor Pueblo
Gobernador Escribano
Consejo de Indios Hari

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang nilalaman ng balangkas ng pamahalaang kolonyal ng Espanya.

Hari ng
Espanya

97
Gawain 3
Panuto: Sabihin kung kaninong katungkulan at responsibilidad ang mga sumusunod. Pumili
sa loob ng kahon.

Hari ng Espanya Arsobispo Gobernador Heneral Royal Audiencia


Consejo de Indios Alcalde Ayuntamiento Obispo
Alcalde Mayor Viceroy ng Mexico Kura Paroko Gobernadorcillo
Cabeza de Barangay

1. Tagapayo at tagamasid sa Gobernador-Heneral


2. Tagapaningil ng buwis sa mga municipyo o bayang nasasakupan
3. Gumagawa ng ulat tungkol sa mga ginagawa ng Gobernador-Heneral
4. Ito ang taga-usig na ipinadala ng hari sa Pilipinas
5. Ang pinakamataas na pinuno ng pamahalaang Espanyol
6. Ang kinatawan ng gobernador at punong ehekutibo sa kanyang
probinsiya
7. Ang responsable sa maayos na takbo ng mga pampublikong gawain
at tagapamahala ng hustisya sa bayan

Repleksiyon

Ano ang mga natutunan ko?

Ano pa ang mga gusto kong matutunan?

Mga Sanggunian

Oliveros, R., Galvez, M. M., Estrella, Y. R., & Andaquing, J. (2007). Ang Kasaysayan at
Pamahalaan ng Pilipinas. Queson City: Ibon Books.
Rama, M. D., Rama, J. G., Domingo, F. C., & Cruz, J. A. (2010). Pilipinas Isang Sulyap at
Pagyakap. Makaty City: EdCrish International, Inc.

Susi sa Pagwawasto

98
Gawain 1
Panuto: Hanapin at bilugan ang sumusunod na salitang tatalakayin sa araling ito. Maaaring
nakaayos ito ng diagonal, pababa, pabaligtad o pahalang.

R O Y A L A U D I E N C I A Q W P
G E S C R I B A N O E R T Y U I U
P O A L C A L D E M A Y O R A S E
D F B G H J K L Z X C V B N M Z B
C A B E Z A D E B A R A N G A Y L
V I C E R O Y N G M E X I C O A O
Q W E R T N Y U I O P A S D F H G
S A Y U N T A M I E N T O H J A K
G O B E R N A D O R C I L L O R L
E S C R I B A N O Z X C V B N I M
Z X C V B H E N E R A L N M H J K
C O N S E J O D E I N D I O S Y U

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang nilalaman ng balangkas ng pamahalaang kolonyal ng Spain.

Hari ng Espanya

Consejo de Indios

Viceroy ng Mexico

Arsobispo Gobernador Heneral Royal Audiencia

Alcalde Ayuntamiento

Obispo Alcalde Mayor

Kura Paroko Gobernadorcillo

Cabeza de Barangay

Gawain 3

1. Royal Audiencia
2. Cabeza de Barangay
3. Royal Audiencia
4. Viceroy ng Mexico
5. Gobernador-Heneral
6. Alcalde Mayor
7. Gobernadorcillo

Inihanda ni:

ARNULFO ANSELM C. HORTIZ


Manunulat

99

You might also like