Report Ni

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Panitikan sa Panahong kasalukuyan

Sa pag pasok ng bagong lipunan iilang buwan pa lamang ay may mababakas nang pagbabago sa
ating panitikan kadalasan ay mapapansin ito sa paksa. Marahil isang bagay na pinaka umapekto dito ay
ang pamumuhay natin sa panahon ni Marcos at siguro ay dahil narin sa mga teknolohiyang ating
ginagamit sa panahong iyon kung kaya’t ang mga pagbabagong ito ay mapapansin o mababakas sa mga
piling TULA, AWITING PILIPINO, sa mga PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa
mga PROGRAMA SA TELEBISYON.

NOBELA

Kung paksa ang pag uusapan karamihan sa nobela ay bumalik sa romantisismo. dahil na nga sa
teknolohiya at gaya ng sinabi ko ay mababakas ang pagbabago maging sa programa sa telebisyon at
maari ding sa sinehan itanghal pero ang punto dito ay mas tatangkilikin ng tao ang may nakikita at
naririnig kaysa puro basa lang at sa pamamaraan ding iyon ay naipapahayag nila ang kanilang saloobin o
nakukwento ng may akda ang tunay na nangyayari sa atin o sa ating bansa. Ilan sa mga nobela ay isinulat
sa pananaw ng pag sasa pelikula at hindi lamang isang babasahin. Isang halimbawa dito ay ang sikat ng
pelikulang maalala mo kaya at kanto girl ng sampaguita pictures, isama mo na rin ang pelikulang roberta

MAIKLING KWENTO

Naging paksain dito ang mga tauhang nasasakal sa magugol at mausok na lungsod, mga
naghihirap dahil sa madaming anak, mgang araw araw na pangyayarin kapupulutan ng araw. Halimbawa
naman dito ay ang “Sa bagong paraiso” ni efren abueg

DULA-DULAAN

Dahil sa masugid na interes at pagtataguyod ay pinasigla ng unang ginang Imelda Marcos ang
dulaan noong panahon ng bagong lipunan. Pangunahing bagay na nakatulong dito ay ang pagpapaayos
ng lumang tanghalan na Metropolitan theatre. Dito naitanghal ang “Halik sa kampilan” ni Leonardo
Ilagan, “Usa sa kasalan” ni Orlando Nadres at “Tales of the Manuvu” ni Buendvenido Lumbera.
Karamihan sa mga dula ay mga isinalin na lamang sa Pilipino. Nagkaroon din ng mga pinagsanib na dula,
awit at sayaw na nagtatampok ng mga katutubong atin.

TULA
Katulad ng iba pang naunang panitikan, ang tula ay kinakailangan ding makisunod sa uri ng
panahon. Kung kaya’t ang ilang makata ay bumalik sa mga paksang ligtas talakayin, gaya ng pag-ibig,
buhay at kalikasan. Ang iba naman ay nagpatuloy sa mga higit na malalim na kaisipan ngunit maingat na
ikinubli sa mga simbolismo at iba pang pamamaraan ang mga tunay na saloobin. Dito papasok ang
“Piniling mga Tula ni AGA, Tanagabadilla, Ako ang Daigdig at Iba Pang Tula” ni Alejandro G. Abadilla.

Panahon ng ika-apat na Republika

Panulaan

kaugnay sa seryoso ng panitikan itinatag noong Agosto 1973 ang Galian sa Arte at Tula (GAT) tulang
nasulat noong panahon ng batas militar. Ang mga tulang isinagawa noon ay ang “Pilipino: Isang
Depinisyon” ni Pociano B. Pineda “kagila-gilalas na pakikipagsapalaran” ni Juan dela Cruz “Doktrinang
Anak Pawis” ni Virgilio Almario”Litanya kay Sta. Clara” ni Teo Antonio Galian sa arte at tula.

Maikling Kwento

Sumigla ang pagsulat ng mga manunulat ng mga paksang hitik sa mga pangyayaring nagaganap sa
lipunan ngunit walang nalathalang ma kuwentong tumutuligsa sa Batas Militar at ang epekto nito sa
karapatang pantao at kalayaan ng mga mamamayan Gawad Palanca. Bukod sa Gawad Palanca, isa pa sa
nakatulong upang mapasigla ang pagsulat ng maikling kuwento sa panahon ng bagong lipunan ang
“sagisag”. Nagkaloob din ito ng Gawad Sagisag.

Dula-dulaan

sa kanyang masugid na interes at pagtataguyod ay pinasigla ng Unang Ginang Imelda Marcos


ang dulaan noong panahon ng Bagong Lipunan. Pangunahing nakatulong sa pagpapasigla ng anyong ito
ng panitikan ang pagpapaayos ng lumang tanghalan gaya ng Metropolitan Theare. Nagpatuloy rin ang
Palanca sa paggawad ng parangal sa mga dulang may iisahing yugto, isang bagay na nakadaragdag sa
pagsigla ng dula sa panahong ito. Isa sa mga natampok na dulang pinagkalooban ng gantimpala ng
Palanca noong 1974 ang dulang “sidewalk vendor” ni Reul Molina Aguila na naglalarawan ng buhay ng
mga kabataang lalaking sidewalk vendor.

Sanaysay

sa larangan ng pagsulat ng sanaysay ay namuno ang samahang Panitikan. Ito ang nagkaloob ng
Gatimpala Bognot. Nanguna sa pagkamit ng nabanggit na gantimpala sa pagsulat ng sanaysay sina
Buenaventura S. Medina, Arsenio Manuel at Florencia Garcia. Taong 1950 nang lumabas ang katipunan
ng mga naisulat na sanaysay tulad ng “Mga Piling Sanaysay” pinamatnugutan ni Alejandro Abadilla.
Kasalukuyang Panitikan

sa kasalukuyan ay umuunti na ang bilang ng mga panitikang Pilipino na tumatatak sa mga utak ng mga
Pilipino, lalo na sa ating kabataan. Madalas pa nga ay galing na sa Amerika o iba pang bansa ang mga
panitikan mas tinatangkilik ng mga Pilipino at ito pa nga ang kanilang mas nagagamit ngayon, kaya din ay
bumababa ang tingin ng mga tao sa mga likhain ng mga dating kamay ng bansang ito at tuluyan nading
nakakalimutan ang kanilang mga halaga, pati narin sa mga galing ng ating mga manunulat, direktor, at
artisang nagbibigay karangalan

You might also like