Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Panimula

Si Avram Noam Chomsky ay isang Amerikanong linggwista, pilosopo at social critic.


Kilala siya bilang “Ama ng Modernong Linggwistika.” Nag-aral ito ng lingguwistika, matematika
at pilosopiya sa Unibersidad ng Pennsylvania. Nasa mahigit 700 na mga artikulo at mahigit 100
libro ang naisulat ni Chomsky ngunit mas kilala ang kaniyang Syntactic Structures at Aspects of
the Theory of Syntax na tumatak sa mundo ng linggwistika.

Ang maagang pagsasaliksik ni Chomsky ay nagbunsod ng isang huwarang rebolusyon sa


larangan ng linggwistika. Ang istruktural na linggwistika na nagmula pa noong unang bahagi ng
ika-20 siglo ay nakatuon sa pag-aayos ng mga pangunahing elemento ng mga wika ng tao.
Tinuring ng istruktural na linggwistika ang wika bilang static na sistemang magkakaugnay na
mga yunit gamit ang paraan ng “corpus of utterances” na isang pagtatangka upang masuri ang
mga elemento ng corpus sa iba’t-ibang mga antas ng wika gaya ng ponema, morpema, atbp.
Ayon kay Chomsky, ang pamamaraan na ito ay sapat para sa ponolohiya at mopolohiya ngunit
kulang para sa pagpapaliwanang ng mga sintaksis o pangungusap. Ang kaniyang pagpuna sa
istrukturang linggwistika ay humantong sa kaunlaran ng generative grammar na nagbigay
daan upang mabago ang layunin ng linggwistika at nakasentro na sa paglikha ng isang hanay ng
mga patakaran na maaaring makabuo sa lahat ng mga pangungusap ng isang wika at
maipaliwanag ang ugnayang pangwika sa pagitan ng tunog at kahulugan ng sistema ng isang
wika.

Pabuod na Kasaysayan ng Dalawang Modelo

1. SYNTACTIC STRUCTURES (1957). Nagkaideya si Chomsky habang nag-aaral sa


Harvard University bilang isang Fellow tungkol sa pag-aaral ng sintaks o palaugnay ng wika ay
maaaring isagawa sa autonomous na paraan o hiwalay sa ibang antas ng wika. Nagpalabas si
Chomsky ng isang monograp na may pamagat na Syntactic Structures na nagpayanig sa
pundasyon ng Istrukturalismo sa Amerika. Ito ay naglalarawan sa kaniyang matibay na
paniniwala na ang gramatika ay mapag-aaralan nang hiwalay sa kahulugan.

Para sa modelo na ito, inintindi ni Chomsky ang wika sa paraang matematikal kung saan
ginamit niya ang kaniyang kaalaman sa computer languages, symbolic logic at mga teorya sa
matematika kagaya ng probalistic theory, set theory, finite state theory, concatenation algebra,
graph theory at iba pa.
Aniya, ang modelong syntactic structures ay parang isang automaton na magpapalabas
o generate ng lahat ng maaaring palabasing tamang pangungusap sa isang partikular na wika.
Gayunpaman, ang pagsusuri sa nasabing modelo ay walang direksyon, di-sistematiko at di-
natural na paraan sa paglalarawan ng wika. Pinaniniwalaan ng iba na mas pinahihirapan ni
Chomsky ang pag-aaral sa wika na siyang ginagamit ng tao sa pakikipagtalastasan kaya’t
nagtangka itong bumuo ng isang modelong panggramatika sa antas ng sintaksis – ang “Phrase
Structure” na magpapalabas umano ng mga parirala. Lulan din sa loob ng modelo ni Chomsky
ang paraang ginamit ni Wallace Chafe sa kaniyang modelong “Immediate Constituent” o IC.

Sinubukan niyang ayusin ang kakulangan sa modelo ni Chafe sa pamamagitan ng


paggamit ng transpormasyon. Isang halimbawa ang kernel sentence na pinakasimpleng anyo ng
isang pangungusap at naghahatid lamang ng isang ideya. Ang unang halimbawa na
pangungusap sa ibaba ay nabuo sa pamamagitan ng tinatawag niyang phrase structure rules.
Samantala, ang ikalawang pangungusap naman ay isang transporm ng pangungusap na kernel
na siyang pinaghanguan.

Hal. (1) The man hit the ball.

(2) The ball was hit by the man.

Mapapansing ang ikalawang halimbawa ay anyong passive ng anyong active ng kernel


sentence. Ayon kay Chomsky, ang ikalawang halimbawa ay mabubuo sa pamamagitan ng
paggamit ng opsyunal na tuntuning passive transformation.

Ibinigay din niya ang tinatawag na phrase structure rules ng halimbawa sa taas.

(3) (i) Sentence  NP + VP

(ii) NP  T +N

(iii) VP  Verb + NP

(iv) T  the

(v) N  man, ball, etc.

(vi) Verb  Hit, took, etc.

Pagkatapos ipakita niya kung paanong ang pangungusap na The man hit the ball ay
nahango sa pamamagitan ng pagsunod sa mga nabanggit na tuntunin. Ang mga bilang na
arabiko sa gawing kanan ay tumutukoy sa bilang ng tuntunin sa ikatlong halimbawa (3).
(4) NP + VP (i)

T + N + VP (ii)

T + N + Verb + NP (iii)

The + N + Verb + NP (iv)

The + man + Verb + NP (v)

The + man + hit + NP (vi)

The + man + hit + T + N (ii)

The + man + hit + the + N (iv)

The + man + hit + the + ball (v)

Ayon kay Chomsky ay mapadadali at magagawang payak ang paglalarawan sa mga


pangungusap na Ingles kung lilimitahin o magmumula ang paglalarawan sa mga pangungusap
na kernel at mula rito’y bubuo ng iba pang mga pangungusap sa pamamagitan ng paggamit ng
mga transpormasyon.

Ang pangalawang component ng modelo ni Chomsky ay binubuo ng mga tuntuning


transpormasyonal. Ito ang mga sumusunod:

1. permutasyon – pagbabagong ayos ng mga salita sa pangungusap , e.g. ang


pangungusap na tahas (active) ay gagawing balintiyak (passive)
2. pagdaragdag (adjunction) – pagdaragdag ng mga salita sa pangungusap
3. pag-ugnay (conjoing) - pagsasama ng dalawang pangungusap
4. pagbabawas (deletion) – pagkaltas ng mga salita sa pangungusap
5. pagpapalit (substitution) – pagpapalit sa isang salita o parirala ng ibang salita o
parirala.

Pinag-uri-uri ni Chomsky sa dalawa ang lahat ng transpormasyon. Una ay ang singulary


transformation na isa-isang ginagamit ang mga tuntunin upang makabuo ng pangungusap
katumbas ng unsang pangungusap. Kung ang active na pangungusap gaya ng ‘The man hit the
ball.’ ay gagawing passive, magagamit ang opsyunal na tuntuning passive transformation gaya
ng sumusunod:

(5) Structural Analysis: NP1 – Aux – V – NP2

Structural change: X1 – X2 – x3 – X4  X4 – X2 + be-en – X3 – by + X1


Sa pamamagitan ng halimbawa na nasa taas, nalaman natin na kung gagawing passive
ang isang active na pangungusap, kailangan na pagpalitin ang posisyon ng NP 1 at NP2; idagdag
ang wastong anyo ng pandiwang be at ang preposition na by sa pagiran ng V at ng NP1.

Ang ikalawang uri naman ay ang generalized transformation. Ito ay ang pagbuo ng
isang pangungusap na ang isang tuntuning transpormasyonal ay nagagamit sa dalawang phrase
markers. Ani ni Chomsky, ang isang modelong nagbibigay-diin sa balangkas at hindi sa
kahulugan ay makapagbibigay ng maling pangungusap gaya ng ‘Colorless green ideas sleep
furiously.’
Ang panghuling component sa modelong 1957 ni Chomsky ay binubuo ng isang set ng
mga tuntunin morpoponemiko na nagtuturo kung paano bibigkasin ang pangungusap.
Mapapansin mo na mahalaga rito ang pagsusuno-sunod ng mga tuntunin. Tingnan ang mga
halimbawang binigay ni Chomsky:
(6)
(i) walk  /wↄk/
(ii) take + past  /tuk/
(iii) hit + past  /hit/
(iv) /. . .D/ + past  /. . .D/ + / I / ( where D= /t/ or /d/)
(v) /. . .Cunv/ + past /. . .Cunv/ + /t/ (where Cunv is an unvoiced consonant)
(vi) Past  /d/
(vii) Take  / teyk /
Halimbawa, kailangang mauna ang Tuntunin (ii) sa Tuntunin (v) o (vii) upang hindi
lumabas ang anyong / tykt / para sa anyong pangnakaraan ng take. Malalagom ang modelong
Structures gaya ng sumusunod:
(7) Initial element (S)

Phase structure component

Transformational component

Morphophonemic component

Phonological representation

2. ASPECTS OF THE THEORY OF SYNTAX (1965). Makalipas ang walong taon,


nilathala ni Chomsky ang Aspects of the Theory of Syntax taong 1965 bilang pagkilala sa
kaunlaran ng linggwistika at magsilbing gabay sa mga gagawing pag-aaral sa hinaharap.
Nilathala ito ni Chomsky upang mapunan ang mga kahinaan ng kaniyang naunang
modelo na Structures. Nagpapakita umano ang modelong ito ng relasyon ng tunog at
kahulugan. Ayon sa kaniya, nakatuon ang modelong ito sa konsepto ng “deep structures” na
itinuturing niyang nasa pagitan ng “base component” at ng “semantic component.”

Nagmula sa: Wikipedia

Sa Aspects, nabuod ni Chomsky ang kaniyang iminungkahing istraktura ng balarila.


Aniya, ang isang balarila ay naglalaman ng syntactic component, semantic component at
phonological component. ang syntactic component ay binubuo ng isang batayan o base at ng
transformational component. Ang base naman ay binubuo ng categorial subcomponent at ng
leksikon kung saan ang base ay bumubuo ng deep structures. Kapag ang deep structures naman
ay ipinasok sa semantic component, magkakaroon ito ng semantic interpretation na siyang
naimapa ng transformational rules sa surface structure, pagkatapos ay binigyan ito ng
phonetic interpretation gamit ang mga batayan ng phonological component.

Sa modelong ito, binigyan ang sintaksis (syntax) ng isang prominente at malaganap na


papel samantalang ponolohiya (phonology) at semantika (semantics) ay nakatalaga sa
pangalawa na may papel na nagpapakahulugan. Sa kalaunan, nakilala ang modelo at teoryang
ito ni Chomsky bilang “Standard Theory.”
C. Pagsusuri sa Isang Tagalog na Pangungusap

Susuriin ko ayon sa dalawang bersyon ng modelong transformational-generative


grammar ni Chomsky ang pangungusap na:

(8) Humingi ng tubig si Nena para sa aso.

1. Ayon sa SYNTACTIC STRUCTURES (1957)

Maituturing na kernel ang pangungusap na susuriin dahil sa pariralang pang-ukol na

para sa aso na masasabing isang pagpapalawak o reservational verbal complement.

Mangangailangan tayo ng mga tuntunin sa transpormasyon na gaya ng mga sumusunod:

(9) S  VP + NP1 (PP) NP2  ng + N2

VP  Verb + NP2 NP3  sa + N3

PP  Prep = NP3 Af  -um-

Verb Af + V Verb  hingi

NP1  si N1 N  aso, tubig, Nena

Sa pamamagitan ng mga tuntunin sa itaas, makakabuo tayo ng dayagram:

(10) S

VP NP1 PP

V NP2 T N Prep NP3

Af V T N T N

-um- hingi ng tubig si Nena para sa aso

May ibang paraan pa ng pagsusuri sa pangungusap (8):

(11) Humingi ng tubig si Nena.

(12) Para sa aso ang tubig.


kung saan gagamitan natin ito ng transpormasyong pag-uugnay (conjunction) at pagkakaltas

(deletion):

(13) PS–1: - Humingi ng tubig si Nena. PS-2: Para sa aso ang tubig.

(x) S  PP + NP3
(i) S  VP + NP1 + NP2
(xi) PP  Prep + NP4
(ii) VP  Af + V
(xii)NP  T + N
(iii) NP  T + N
(xiii) T  T3 / ___N3
(iv)Af  -um-
T4 / ___N4
(v) V  hingi
(xiv) N  NP3 / ___sa
(vi) T  T1 / ___NP1
NP4 / ___ang
T2 / NP2
(xv) T3  sa; T4  ang
(vii) N  NP1 / T ___Object
(xvi) N3  aso; N4  tubig
NP2 / Actor
(viii) T1  ng; T2  si
(ix) NP1  tubig; NP2  Nena

Pagkatapos ay gagamit tayo ng pangalawang set ng mga tuntuning transpormasyonal:

(14) Tpag-uugnay (Tconjunction)

S.A. of S1 : VP – NP1 – NP2

S2 : PP – NP3

na ang N at NP1 ay identikal na N ng NP2

SC.C: X1 – X2 X3 X4 X5 

X1 X2 X3 X4

Ang tinatawag na tree of derivation ng pangungusap (8) ay maipapakita nang gaya ng

sumusunod:
(15) PS-1:

CS1

VP NP1 NP2

Af V T N T N

-um- hingi ng tubig si Nena

PS-2:

VP NP3

Prep NP4 T N

T N

para sa aso ang tubig

PS-3:

VP NP1 PP

V NP2 T N Prep NP3

Af V T N T N

-um- hingi ng tubig si Nena para sa aso

Ang huling hakbang ay ang paggamit ng tuntuning morpoponemiko kung saan ang
pandiwang ugat na hingi ay malapian upang maging humingi.
2. Ayon sa Aspects of Theory of the Syntax

Kinakailangan muna nating gamiting ang base phrase-structure rule upang masuri
natin ang pangungusap (8).

(16) S  Prep ^ NP

Maaaring muling sulatin ang pangungusap at gawing pariralang panaguri (predicate


phrase) at pariralang pangngalan (noun phrase) gamit ang pormula sa (16). Matuturing na
pariralang panaguri ang humingi ng tubig para sa aso at ang pangngalan ay si Nena.

Ang mga tuntunin na maaaring magpalabas ng pangungusap na ating sinusuri ay gaya


ng mga sumusunod:

(17) (i) S  Pred P ^ NP1

(ii) Pred P  VP ^ (Prep P)

(iii) VP  Verb ^ NP2

(iv) Prep P  prep ^ NP3

(v) Verb  Af ^ VB

(vi) NP  Det ^ N

(vii) Det  Det1/Verb^__N


Det2/Prep^__N
Det3/__N
(viii) VB  CS
(ix) N  CS
(x) [+Det__]  [±Count]
(xi) [+Count]  [+Animate]
(xii) [+Animate]  [±Human]
(xiii) [+Human]  [±Common]
(xiv) [+Common] [±Masculine]
(xv) [+VB]  CS/ –NP]

(hingi, [+V,+__Object + (Prep P) + Actor]


(tubig, [+N, +Det__, +Common, +Count, -Animate])

(Nena, [+N, +Det__, -Common, =Count, +Animate, +Human, +Masculine . . .])

(aso, [+N, +Det__, +Common, +Count, +Animate, +Human, . . .])

(para, [+Prep])

(si [+Det, +__Name]); ng/sa, [+Det, +__N])

D. Paghahambing ng Dalawang Modelo

1. Pangkalahatang Komentaryo. Naging malaki ang ambag ng gramatikang


transpormasyonal ni Chomsky sa larangan ng linggwistika. Gayunpaman, may mga nabanggit
na ng mga nagdaang modelo ng istruktural ang ilan sa mga pahayag na pinaglalaban ni
Chomsky. Sa katunayan, maraming mga punang natanggap si Chomsky sa dalawa niyang
modelong panggramatika. Ayon kina Pullum at Gerald Gazdar, mga linggwista ng Britanya, ang
context-free phrase structure grammar sa Syntactic Structures ay maaaring mathematically
flawed o nakabase sa mga maling obserbasyon at interpretasyon ng data. Sa standard theory ng
Aspects, pinuna nila ang deep structures na bigo itong maglaan ng sapat na impormasyon
upang matukoy kung ano ang mga ugnayan ng saklaw sa isang partikular na pangungusap ng
wika gaya ng Ingles. Dagdag pa ng ibang palaaral, ang deep structures ay nagbibigay ng maling
impormasyon.

2. Pagkakaiba ng Dalawang Modelo. Malalagom ang mga pagkakaiba ng dalawang


modelo ni Chomsky – Syntactic Structures (1957) at Aspects of the Theory of Syntax – gaya ng
mga sumusunod:

a. Sa modelong 1965, ang base component at binubuo ng categorical subcomponent


at leksikon. Makikita rin ang mga set ng mga tuntunin sa modelong 1957 na
tinawag na phrase-structure rules ngunit binansagang categorial subcomponent
sa modelong 1965. Ang categorial rules ng dalawang modelo ay may pagkakaiba.
Sa modelong 1965, hindi naglalagay ng mga salita sa tinatawag na underlying
phrase marker na taliwas sa makikita sa modelong 1957.
b. Sa modelong 1965, hindi lalabas ang mga maling pangungusap dahil sa
subcategorization at restriction rules na idinagdag taliwas sa modelong 1957 na
may posibilidad na magpalabas ng mga maling pangungusap.
c. Ayon sa mga semantisista, hindi na kailangan ang deep structures na iprinisenta
ni Chomsky at sinabing pabigat lang ito sa modelong 1965. Mas maraming
natanggap na puna ang modelong 1965 kaysa sa modelong 1957.
d. Sa pagsusuri sa modelong 1957 ay hindi sistematiko habang sa modelong 1965
naman ay mas sistematiko. Gayunpaman, inaasahan ng mga tagapuna na
maaaring una pang lilipas ang modelong 1965 kaysa sa modelong 1957.

Implikasyon sa Pagtuturo

Bilang isang mag-aaral na hindi lubhang maalam sa matematika, mahirap para sa akin
na intindihin ang modelong gawa ni Chomsky. Komplikado man ito para sa mga mag-aaral
ngunit dapat nating ipalagay na habang ginagawa ni Chomsky ang kaniyang mga modelo, hindi
niya naisip na ang mga ito ay magagamit sa paaralan. Sa katunayan, maaaring magamit bilang
hamon sa katalinuhan ng mag-aaral lalo na ‘yung mga sawa na sa paggamit ng modelong
istruktural, pwede rin na ito’y gamitin sa matataas na antas ng pag-aaral. Ngunit ‘di
maipagkakaila na ang mga modelong gawa ni Chomsky ay nagbigay ng malaking kontribusyon
sa larangan ng linggwistika. Ang kontribusyon ng transformational generative grammar ay
magtakda ng nauugnay na impormasyon o data na maging basehan ng manunulat ng libro o
textbooks upang mas maging sapat ang deskripsyon ng kanilang mga gawa. Ayon kay Thomas
(1976), mas mabuting ituro muna ang mga pangungusap na kernel (simple, declarative, active
with no complex verb or noun phrase) sa mga mag-aaral at kalaunan ay tuturuan kung paano
magsagawa ng passive at negative na mga pangungusap.

Sa kalagitnaan ng aking pagsusuri, natuklasan ko na wala pala tayong modelong


panggramatika na maayos na magagamit sa ating pagtuturo ng wika. Dahil diyan, kailangan
natin ng isang modelong pampagtuturo na angkop sa kakayahan ng ating sariling wika.
Samakatuwid, kung ikaw ay isang guro, mas mabuting ituro mo ang mga modelong matematikal
ni Chomsky na mas simple upang mas madaling maunawaan ng mga mag-aaral.
MGA SANGGUNIAN

Almodiente, E. (2018). Structures 1957. Scribd.


https://www.scribd.com/presentation/389400914/Structures-1957-pptx

Caday, P. (n.d.). Avram Noam Chomsky. Academia.


https://www.academia.edu/36891578/NOAM_Chomsky

Kamensali, A. (2019). Structures 1957 Linggwistika. Scribd.


https://www.scribd.com/document/402784460/structures-1957-linggwistika-docx

Notario, J. (n.d.). Pagsusuri sa Dalawang Modelong Panggramatika ni Chomsky. CourseHero.


https://www.coursehero.com/file/40938457/Pagsusuri-sa-Dalawang-Modelong-
Panggramatika-ni-Chomskydocx/

Sta. Maria, E. (2018). Syntax 1957 at Aspects 1965 ni Chomsky. Scribd.


https://www.scribd.com/presentation/386009596/Syntax-1957-at-Aspects-1965-ni-
Chomsky

Watt, W. (1970). College Composition and Communication, 21(1), 75-81. doi:10.2307/354598

Wikipedia. (n.d.). Aspects of the Theory of Syntax.


https://en.wikipedia.org/wiki/Aspects_of_the_Theory_of_Syntax#Comparison_with_t
he_Syntactic_Structures_model

You might also like