Cot Pe

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education Region III


Schools Division of Bulacan
District of Calumpit South
LONGOS ELEMENTARY SCHOOL
Longos, Calumpit, Bulacan

S.Y. 2019 - 2020

BANGHAY ARALIN SA MAPEH 3


(Physical Education)
I . Layunin
a. Nailalarawan ang mga kakayahang ginagamit sa larong tumbang preso
b. Nagagawang lumakad, tumakbo at umiwas ng mabagal, katamtaman at mabilis na kilos sa paglipat ng
iba’t ibang direksyon
c. Nakapaglalaro ng tumbang preso ng may kaliksihan, galing at bilis
d. Natutukoy ang mga pagpapahalagang dapat tandaan sa paglalaro ng tumbang preso

II. Paksang - Aralin

A. Aralin 8: Katutubong Laro: Tumbang Preso


B. Kasanayan: Motor Skills: paglakad, pagtakbo, pag – iwas
C. Pgpapahalaga: Disiplina sa sarili at katapatan
D. Saggunian: MAPEH 3 Kagamitang Mag-aaral : pp 372 – 375
Gabay Guro: pp. 173 – 176
E. Kagamitang Panturo : Audio –visual , laptop , pisara , lata, pito at video clips

III . Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Panalangin ( Magdadasal ang mga mag-aaral )

2. Pagbanggit ng mga lumiban sa klase

3. Warm- Up Activities
Gawin ang sumusunod na ehersisyo:

8 counts ……16
Jog in place

Shoulder Rotation

Arm Circling

Hip Bending (alternately left and right)

Knee Rotation (Gagawin ng mga mag – aaral ang sumusunod na


ehersisyo)
Ankle Rotation

Breathing (inhale, exhale)

4. Pagganyak
Narito ang larawan ng isang laro na tinatawag na
crazy can. .
Ano ang inyong nakikita sa larawan? Mga bata pong naglalaro at silapo ay nakahilera.
May hawak pong tsinelas at may mga lata.

Sa inyong palagay, ano ang gagawin ng mga bata sa Dapat po nilang patumbahin ang lata.
lata?

Tama! Gusto nyo bang maglaro ng crazy can? Opo!

Crazy Can
Panuto:
1. Bumuo ng dalawang kupunan ng may
parehong bilang
2. Ang dalawang kupunan at nakatayo sa
panimulang guhit.
3. Ihilera ang 10 lata na limang pulgada ang layo
sa bawat kupunan.
4. Kapag nagsimula na ang tugtog, ang unang
miyembro ng kupunan ay papatumbahin lahat
ng lata gamit ang tsinelas.
5. Ang ikalawang miyembro naman ang
siyang magtatayo lahat ng lata upang ibalik ito
sedating posisyon.
6. Ang ikatlong miyembro naman ng kupunan
ang siya ulit magpapatumba sa lata. Ito ay
gagawin ng paulit – ulit lang hanggang
matapos lahat ng miyembro ng kupunan.
7. Ang unang kupunan na matapos ang siyang
panalo.

Dapat tandaan:
1. Disiplina sa pakikipaglaro
2. Katapatan
3. Pagiging patas sa paglalaro
(Isasagawa ng mga mag-aaral ang larong crazy can)

B.Pagtalakay
Sa paglalaro ng larong crazy can, ano – anong mga
galawang ipinakita nyo kanina?
Ipinakitang galaw po ang paglakad, pagkatakbo,
Masaya bang maglaro ng crazy can? pagpapatumba po sa lata.
Opo!
Ngayon, ay tatalakayin na natin ang isa sa mga
katutubong laro dito sa Pilipinas.
Anong katutubong laro ang nakikita ninyo sa larawan?
Iyan po ay tumbang preso.

Tama. Ang nasa larawan ay ang larong tumbang


preso.
(Maaaring oo at hindi ang sagot ng mga mag-aaral)
Nakapaglaro ka na ba ng tumbang preso?
Kasanayan po sa paglakad, pagtakbo, pag-iktad ng
Anong kasanayan ang iyong ginagamit sa paglalaro mabagal papabilis.
ng tumbang preso?

Ano ang mga importanteng bagay na dapat tandaan


sa paglalaro ng tumbang preso upang maging maayos Dapat pong tandaan ang disiplina sa sarili at
ang paglalaro? pagiging tapat.

Mahusay! Bago natin simulant ang paglalaro ng


tumbang preso, narito muna ang mahahalagang
impormasyon na dapat ninyong malaman.

Katutubong Laro: Tumbang Preso

Ang tumbang preso ay isang laro na sumusukat sa


iyong kaliksihan, galing at bilis. Upang magawa ito
kailangan mong lumakad, tumakbo at umiwas sa
mabagal, katamtaman, at mabilis na kilos sa iba’t
ibang direksyon upang makaiwas sa pagtaga ng taya.
Ang katapatan, pagiging patas sa paglalaro at
disiplina sa sarili ay sinusubok dito.

Panoorin ang isang video clip upang mas


maunawaan ang larong tumbang preso. (Papanoorin ang video bilang paghahanda sa
larong tumbang preso)

C.Pagpapahalaga
Ano ang mga importanteng bagay na dapat tandaan
sa paglalaro ng tumbang preso upang maging maayos
ang paglalaro?

Magaling mga bata!

Ang katapatan, pagiging patas sa paglalaro at


disiplina sa sarili ay dapat tandaan upang maging
maayos ang paglalaro.
D. Paglalahat

Ano ang tumbang preso?


Ang tumbang preso ay isa sa mga katutubong laro
na sumusukat sa kaliksihan, galling at bilis ng
manlalaro.
Anong kasanayan ang iyong gagamitin sa paglalaro
ng tumbang preso?
Kasanayang lumakad, tumakbo at umiwas sa
mabagal, katamtaman at mabilis na kilos sa iba’t
E.Paglalapat ibang direksyon upang di mataga ng taya.

(Pagsasagawa ng larong tumbang preso)

IV. Pagtataya sa Sarili


Tayahin ang iyong ginawa sa pamamagitan ng
paglalagay ng tsek (/) sa kahon na naayon sa iyong
ginawa.

(Ibbigay ng guro ang mamarkahan)

OO HINDI
1 Naisasagawa ko ng wasto
ang kasanayan sa
paglalaro ng tumbang
preso sa:
1.1 paglakad
1.2 pagtakbo
1.3 paggalaw sa mabagal
at mabilis na kilos sa
iba’t ibang direksyon
1.4 paghagis ng tsinelas
1.5 pag-ilag sa taya
2 Ginamit ko ang wastong
pagpapahalaga sa laro.

V. Takdang Aralin

Magtanong sa mga taong mas nakatatanda ng


ibang pang katutubong laro at isulat sa kuwaderno ng
P.E. ang panuto sa paglalaro nito.

Inihanda ni:

BERNADETTE R. LOPEZ
TEACHER I

You might also like