Professional Documents
Culture Documents
Melc Dlpfil3-Longos
Melc Dlpfil3-Longos
Unang Markhan
I. Layunin:
Nagagamit sa usapan ang mga salitang pamalit sa ngalan ng tao (ako, ikaw, siya, kami, tayo, kayo at
sila,) F3WG-Ie-h-3 , F3WG-IIg-j-3
II. Paksang Aralin:
Panghalip Panao
Sanggunian: MELC, pahina 151
Gabay Guro, pahina 28- 39
Kagamitan ng Mag-aaral, pahina 17-25
Kagamitan; Powerpoint Presentation, Pictures, Video Lesson
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
Magandang umaga mga bata! Handa na ba kayong matuto ngayong araw? Ako si Gng. Bernadette R. Lopez
ang inyong guro sa Filipino ngayong araw na ito.
Bago natin simulan ang inyong pagkatuto ay ilang paalala muna. Tandaan mga bata, para sa inyong kaligtasan
ugaliing maghugas ng kamay, kumain ng masusustansyang pagkain, magsuot ng face mask bilang proteksyon
laban sa virus at huwag kakalimutan na bawal lumabas ang mga batang katulad nyo at panatilihin ang social
distancing.
4. Pagganyak
Sa pamamagitan ng mga larawan na nasa ibaba ano ang salitang mabubuo mo? Ito ay may kinalaman sa mga
bagay na ipinamimigay ng gobyerno tuwing may bagyo o kalamidad.
R __ __ __ __ F G __ __ D __
B. Pagtalakay
Likas sa mga Pilipino ang pagiging matulungin. Bata, matanda, mahirap man o mayaman, kung oras ng
pangangailangan, lahat ay bukas- palad sa kapuwa. Alamin kung paano nakatulong ang magkakaibigan sa
paghahanda ng relief goods na dadalhin sa mga biktima ng kalamidad.
Pakinggan ang usapan ng magkakaibigan at ni Bb. Luz. Bigyang pansin ang mga salitang may salungguhit.
Nagyayaan ang magkakaibigan na pumunta sa relief center upang tumulong sa pag-aayos ng mga damit at
pagkain na dadalhin sa evacuation center.
Janet: Magandang umaga po. Ako po si Janet at sila po ang aking mga kaibigan. Tutulong po kami sa inyo.
Bb.Luz: Naku, salamat naman. Sige , doon kayo pumunta sa bandang dulo sa kanan ng silid. Paki-ayos ang
mga damit at pagkain doon.
Lea: Jenny, tayo ang maglagay ng tig-dalawang pakete ng noodles sa lahat ng plastic bag.
Rosa: Lino, ikaw naman ang magtimbang ng sampung kilong bigas. Sila Ferdie at Fina naman ang mag-aayos
ng mga damit.
Myrna: Janet, tayo ang magtatali ng mga supot na kanilang gagawin. Si Lina naman ang bahalang
magbilang kung ilang relief goods ang naibalot natin dahil siya ang magaling sa pagbibilang.
Rosa: Bb. Luz, aalis na po kami. Natapos na po naming isupot ang mga damit at pagkain na ibinigay ninyo sa
amin.
Bb. Luz: Maraming salamat sa inyo ha. Maliit man kayo ay malaking tulong naman ang ibinigay ninyo para
mapadali an gaming gawain.
Mga bata napansin nyo ba ang mga salitang may salungguhit sa usapan?
Alam nyo ba ang tawag sa mga salitang ito? Tama! Ang ako, ikaw siya, kami, tayo at sila ay panghalip panao.
Ang panghalip panao ay ay isa sa apat na uri ng panghalip na ipinapalit sa ngalan ng tao.
Ang tayo ay ginagamit na pamalit sa ngalan ng tao na nagsasalita, kanyang kasama at kausap.
Halimbawa: Ako at kayo ay ipinanganak sa Pilipinas. Tayo ay mga Pilipino.
Ang kayo ay ginagamit na pamalit sa ngalan ng dalawang tao o higit pa na kausap ng nagsasalita.
Halimbawa: Ikaw at si Luna ang napiling sumali sa sayaw dahil kayo ay magaling sumayaw.
Ang sila ay ginagamit na pamalit sa ngalan ng dalawang o higit pang tao na pinag-uusapan.
Halimbawa: Sina Richard at Raymond ay magkapatid.Sila ay kambal.
C. Paglalahat
D. Paglalapat
IV. Pagtataya
Sa tulong ng larawan, piliin ang angkop na pamalit sa ngalan ng tao sa bawat pangungusap.
3. “Sige, (ako, siya) na ang bahala sa mga mesa. Sisiguraduhin kong malinis ito.
V. Takda
Sumulat ng usapan tungkol sa pagtulong sa kapuwa. Gamitin ang mga panghalip panao sa pagbuo
ng pangungusap.