Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

PANGALAN: ____________________________________________

Kwarter 3- Modyul 9
(ika-labintatlo at ika-labing apat na
Linggo)
PAMUMUHAY SA
PAMAYANAN

G. ROMNICK
ARALIN M.2PASTORAL
– MGA TAONG TUMUTUGON SA PANGANGAILANGAN NG
Guro sa Araling Panlipunan 2
AKING PAMAYANAN

Sa modyul na ito malalaman ng bawat mag-aaral kung sino ang mga


tumututugon ng ating pangangailangan. Sa pamamagitan nito ginagampanan
nila angknilang responsibilidad upang maibigay ang pangangailangan ng bawat
tao. Nakatutulong ito upang magkaroon sila ng hanapbuhay.

Sa araling ito mapahahalagahan ang mga gawain ng mga tumutugon sa


ating pangangailangan at sila ang kailangan ng ating pamayanan upang patuloy
na mabuhay.

LAYUNIN

1. Naiisa-isa ang mga taong tumutugon sa mga pangangailangan ng


pamayanan;

2. Napaghahambing ang mga tumutulong sa pamayanan bilang nagbibigay


ng produkto at nagbibigay ng paglilingkod;

3. Napahahalagahan ang mga taong tumutugon sa pangangailangan ng


pamayanan sa pamamagitan ng pagsusumikap na makapag-aral nang
mabuti upang makapagbigay ng tulong sa pamayanan sa hinaharap.

PANIMULANG GAWAIN

Alam mo ba na ang pamayanan na maraming naghahanapbuhay ay


nagiging mas maunlad? Isulat ang A kung nagbibigay ng produkto ang tinutukoy
sa bawat bilang at B kung nagbibigay ng paglilingkod.

_____1. Dyanitor ______6. Tindera

_____2. Pulis ______7. Mananahi

_____3. Panadero ______8. Barber

_____4. Drayber ______9. Labandera

_____5. Kusinera ______10. Sapatero

DAPAT UNAWAIN

Kailangan ng mga tao ng mga tutugon sa pangangailangan nila sa


pamayanan. Itinuturing na yamang-tao ng pamayanan ang mga taong
tumutugonsa pangangailangan ng mga mamamayan. Sila ang nagbibigay ng
mga paglilingkod at gumagamit ng talino, sipag, at lakas upang matulungan ang
mga tao sa pamayanan. Sila rin ang gumagawa ng mga produktong kailangan ng
mga mamamayan.

Kilalanin natin sila.

Mga Hanapbuhay na Nagbibigay ng Produkto

 Magsasaka

Ang mga magsasaka ay nagtatanim ng palay, mais, at gulay at iba pang


halamang pagkain. Ang mga ani nila ay binibili natin sa pamilihan. Malimit din
silang nag-aalaga ng mga hayop na pinagkukunan din ng pagkain.

 Mangingisda

Ang mga mangingisda ang nanghuhuli ng mga isda at iba pang pagkaing
dagat tulad ng hipon, alimasag, at posit. Ang mga isda at iba pang pagkaing
dagat ay nabibili natin sa mga pamilihan o palengke.

 Panadero

Ang mga panadero ang gumagawa ng tinapay, biskuwit, at keyk para sa


mga mamamayan. Gumagamit silang harina sa paggawa ng mga pagkaing ito.
 Mananahi

Gumagawa ng damit para sa babae ang modista. Ilan sa kaniyang


tinatahi ay bestida, palda, at blusa. Nananahi rin siya ng kortina, punda ng unan,
sapin sa kama, at pantakip sa mesa.

Ang sastre ay ang mananahi ng mga kasuotang panlalaki tulad ng


pantalon, shorts, polo, at barong tagalog. Nananahi rin siya ng pantalong
pambabae.

 Tindera

Ang mga tindera sa palengke ay ang binibilhan natin ng mga gulay,


prutas, isda, karne, itlog, bigas, at iba pang pangunahing pangangailangan. Sa
pamamagitan nila ay may nabibili ang mga tao sa pamayanan, lalo na ng
pagkain.

Mga Hanapbuhay na Nagbibigay ng Paglilingkod

 Manggagamot o Doktor

Tinitiyak ng doktor na malusog at malakas ang mga ng mamamayan.


Ginagamot tayo ng doktor kapag tayo ay maysakit.

 Nars

Ang nars ay katulong ng doktor sa pag-aalaga sa mga maysakit. Tinitiyak


din niya na malusog at malakas ang mga tao sa pamayanan.

 Guro

Ang guro ang nagtuturo sa mga mag-aaral na bumasa, sumulat, at


bumilang. Siya rin ay nagtuturo ng kagandahang-asal sa mga mag-aaral.
 Tubero

Ang tubero ay kailangan natin sa pagkakaroon at pagpapanatil ng tubig sa


ating bahay, mga gusali, at iba pang establisimyento. Siya rin ay nag-aayos ng
mga sirang tubo ng tubig.

Kailangan nating tawagin agad ang tubero kung may sira o tagas sa tubo
upang maiwasan ang pagkaaksaya ng tubig.

 Kaminero at Basurero

Kailangan natin ang kaminero at ang basurero sa pagpapanatili ng malinis


at maayos na pamayanan. Magkatulong sila upang laging maayos at maganda
ang ating paligid.

Tinitiyak ng basurero na naitatapon sa tamang tapunan at nakokolekta sa


tamang oras ang mga basura. Sa tulong ng kaminero at basurero, naiiwasan ang
mga sakit na dulot ng maruming kapaligiran.

 Bombero

Ang mga bombero ang pumapatay ng apoy kapag may bahay o gusaling
nasusunog. Inililigtas nila ang buhay at ari-arian ng mga tao sa pamayanan.

 Drayber

Ang mga drayber ay nagmamaneho ng traysikel, dyip, taksi, at bus. Sila


ang naghahatid sa mga tao sa kani-kanilang pupuntahang lugar.

Mahalaga ang mga tulong at paglilingkod ng mga taong tumutugon sa


mga pangangailangan natin. Sila ang mga taong naghahanapbuhay upang
kumita ng pera na pantustos sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya sa
araw-araw. Ang taong may hanapbuhay ay maganda ang epekto sa pamilya at
sa kaniyang pamayanan. Magiging maunlad ang pamayanang marami ang
nagtatrabaho. Pahalagahan natin sila at ang kanilang paglilingkod.

GAWAIN SA PAGKATUTO
PAGSASANAY 1

Anong larawan ng hanapbuhay ang ipinakikita ng larawan sa bawat


bilang? Isulat ang titik ng uri ng hanapbuhay na tinutukoy sa bawat larawan.

_____1. A. doctor

_____2. B. guro

_____3. C. magsasaka

_____4. D. mangingisda

_____5. E. modista

PAGSASANAY 2

Ano ang kaugnay ng sumusunod na hanapbuhay? Piliin ang sagot mula sa


kahon at isulat sa patlang.

bahay bangus bestida keyk gamut koryente

mais polo sapatos telebisyon tubig


1. elektrisyan ___________________

2. karpintero ___________________

3. magsasaka ___________________

4. mangingisda ___________________

5. modista ___________________

6. panadero ___________________

7. sapatero ___________________

8. sastre ___________________

9. teknisyan ___________________

10. tubero ___________________

PAGSASANAY 3

Pangkatin sa talahanayan ang mga taong nagbibigay ng produkto at ang


mga taong nagbibigay ng paglilingkod.

magsasaka mangingisda doktor pari

negosyante bangkero panadero tindera

plantsadora kartero

Mga Taong Nagbibigay ng Mga Taong Nagbibigay ng


Produkto Paglilingkod

PANGWAKAS NA GAWAIN

A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.


1. Sila ang nagtatanim ng mga gulay na ating kinakain.

a. basurero b. minero c. magsasaka

2. Sila ang tumutulong sa atin upang magkaroon ng dagdag na kaalaman.

a. doctor b. imbentor c. guro

3. Sila ang kasama ng mga doctor upang gamutin tayo.

a. mananahi b. nars c. panadero

4. Sila ang nagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran.

a. basurero b. bumbero c. tubero

5. Tawag sa mga mananahi ng mga kasuotang panlalaki tulad ng pantalon, polo,


at iba pa.

a. modista b. sastre c. barista

B. Magbigay ng mga produktong ibinibigay ng bawat hanapbuhay.

Uri ng Hanapbuhay Produktong Ibinibigay


Magsasaka
Mangingisda
Panadero
Tindero/Tindera
Sastre/Mananahi

C. Isipin mong nakatapos ka na ng pag-aaral at iguhit ito sa espasyong


nakalaan. Kumpletuhin ang talata sa ibaba.
Ako ay si _____________________________________. Ako ay magiging

_____________________ balang-araw. Sa ngayon, mag-aaral akong

_____________________ upang maabot ang aking pangarap sa buhay at upang

makatulong sa bansa.

You might also like