Ang Mga Tula at Makata NG Panahon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Politeknikong Paaralang Pambayan ng Lungsod Cotabato

KOLEHIYO NG PAGTUTURO
Kahabaan ng Sinsuat, Lungsod ng Cotabato
______________________________________________________________________________
Pangalan ng mga Tagapag-ulat: Lady Mae B. Samal
Shaira Mie Besas
Guro: Instr. Nida S. Toñacao
Taunang Pampaaralan: 2019-2020
Asignatura: LIT 411- Panulaan
Taon at Kurso: 4-Batsilyer ng Pagtuturo ng Sekudarya-Medyor
ng Filipino

ANG MGA TULA AT MAKATA NG PANAHON


Nang magtamo tayo ng pansamantalang kalayaan pagkatapos ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig nadama ng mga makata na maihayag nila ang kanilang mga damdamin sa
pamamagitan ng kanilang mga Tula. Naging paksa ng mga tulang kanilang sinulat ang pag-ibig
sa bayan at pagpupuri sa baying tinubuan, kalayaan at mga bayani ng lahi.
Ang isa sa mga makatang nakilala sa panahong ito ay si Jose Villa Panganiban. Ang
kanyang tulang “Ang Bayang Ko’y Ito” ay binigkas niya sa radyo nang ipagdiwang ang unang
taon n gating pagsasarili. Kasunod ng pangyayaring iyon, ang mga makatang nakilala bago pa
magkadigma ay muling nagbalik sa pagsusulat ng mga tula na may ibat-ibang uri ng
pangkalikasan, at mga tulang pandulaan.
Sa panahong ito at nagkaroon ng dalawang pangkat ng mga makata: Ang makatang
makaluma o konserbatibo at pangkat ng mga makabagong makata o mga kabataang makata.
Mga Makalumang Makata
Ang makalumang makata ay pinangungunahan nina Lope K. Santos, Ildefonso Santos,
Rufino Alejandro, Teodoro Gener, Iñigo ed Regalado, Pedro Gatmaitan, Jose Villa
Panaganiban at iba pa.
Mga Makabago o Kabataang Makata
Sa pangkat naman ng makabagong o kabataang makata ay napabilang sina Jose Corazon
De Jesus, Cirio H. Panganiban, Florentino Collantes, Emilio Mar Antonio, Fernando
Monleon, Aniceto Silvestre, Amado V. Hernandez, Alejandro Abadilla, Clodualdo Del
Mundo at iba pa.
Mga Kinilalang Makata ng Panahon
Aniceto F. Silvestre
Kinilalang pambansang makata nang maipanalo nita ang dalawang tula na “Akoy
Lahing Kayumanggi” at “Mutya ng Silangan” sa ginawang patimpalak ng Surian ng
Wikang Pambansa na idinaos noong taong 1946.
Alejandro Abadilla
Kinilala bilang isa sa mga makata ng makaabagong panahon. Tinalikuran daw ni
Abadilla ang sukat at tugma ng matandang panulaan at pinalaganap ang malayang taludturan at
diwang mapanghimagsik ng kanyang tula. Pinakamagandang tula niya ang “Ako Ang Daigdig”
na naging dahilan upang tanghalin siyang pangunahing makata ng taong 1957.
Ang kalipunan ng mga tula ni Abadilla ay tinawag din niyang “Ako ang Daigdig”.
Nagsulat din sya ng Tanaga, isang uri ng katutubong maikling tula n gating mga ninuno sa
umiral noong panahong bago pa dumating sa kapuluan ang mga kastila.
Amado V. Hernandez
“Ka Amado” kung siya ay tawagin. Binigyan sya ng taguring “Makata ng mga
Manggagawa” dahil sa kanyang mga panulat ay nagbigay pansin sa kalagatan ng mga maliliit
na manggagawa. Ang kanyang puso at damdamin ay tunay na nasa mga anak pawis. Ang unang
kalipunan ng kanyang tula ay nalimbag at lumabas noong taong 1940 – ang “Kayumanggi” na
nagkamit ng gantimpala mula sa pamahalaang Komonwelt. Ang mga tulang sinulat nya sa loob
ng bilangguan nang siya ay mabilanggo dahil sa bintang na siya ay kabilang sa Politburo ay
tinipon niya sa isang aklat na pinamagatang “Isang Dipang Langit” na kung saan ay kasama rin
ang kanyang tulang may ganito rin ang pamagat. Hindi lamang isang makata si Ka Amado, Isa
rin siyang nobelista. Ang mga piling akda niya ay tinipon at pinagsama-sama ni Andres
Cristobal Cruz sa isang aklat na binigyan ng pamagat na “Panata sa Kalayaan ni Ka
Amado”. Ito ay nalimbag at lumabas noong taong 1970.
“Ang Panday” ay isa sa mga tulang sinulat ni Ka Amado na nagpapakita ng kahalagahan
ng isng manggagawa.
Teodoro Gener
Bilang isang makata ang mga nakilalang tula ni Teodoro Gener ay “Ang Guro”, ang
“Masamang Damo”, “Ang Buhay” at “Pag-ibig” Nagtamo siya ng sampung gantimpala sa
pagsusulat ng mga tula.
Mula sa panulat ni Teodoro Gener ang aklat na ginamit sa pag-aaral ng panulaang
Tagalog noong taong 1958, “Ang Sining Ng Tula”.
Fernando Monleon
Si Fernando Monleon ay isa sa mga itinuturing na makabagong makata. Noong
magkaroon ng Timpalak Palanca noong 1958, ang kanyang tulang “Alamat ng Pasig” ang
unang nagkamit ng gantimpala.
Cirio H. Panganiban
Kasama siya nina Teodoro Gener, Deogracias Rosario, Jose Corazon De Jesus sa
samahang “Ilaw at Panitik”. “Ang Salimisim” ay kalipunan ng mga tula ni Cirio H.
Panganiban na ipinalathala ni Teodoro Gener. Tradisyunal na manunulat daw ng tula si
Panganiban sapagkat tagasunod siya ni Balagtas sa pagtula subalit sa pagbabago ng panahon ay
nagbago rin ang anyo ng kanyang mga tula. Sinubok din niya ang malayang taludturan. Nakita
ito sa kanyang mga tulang “Three O’Clock In The Morning” at sa tulang “Habang Buhay”.
Ildefonso Santos
Itinuturing na isa siya sa mga makatang nagbigay pansin sa kalikasan sa kanyang mga
tula. Simple ang kanyang istilo sa pagsulat ng tula subalit puno ng diwa at damdamin ang
kanyang mga tula.
Ang kanyang mga tulang nakilala at naging popular ay “Sa Tabing Dagat”, “Gabi”,
“Tatlong Inakay”, “Ulap” at “Ang Guryon”. Nakapagsulat din siya ng mga Tanaga.

You might also like