Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus Kalinisan: 2


Kompleto: 3
Basic Education Department – Senior High School
Malikhain: 2
3058 Taft Avenue Pasay City Nilalaman: 8
Kabuuan 15
Pangalan: __Princess S. Condes__________________________
Antas / Strand / Seksyon: _12-ABM 1__________________________
Petsa: ___Nobyembre 18, 2020_______________________________
Guro: ___G. Teody Macula___________________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa Piling Larangan
Paksa: Pagsulat ng Larawang Sanaysay / Pictorial Essay Uri ng Gawain: Concept Notes/Pagsulat ng Pictorial Essay
Layunin: Gawain Bilang: 9
: Nauunawaan ang katuturan at kahalagahan ng larawang sanaysay.
:Naisa-isa ang mga dapat tandaan sa Pagsulat ng larawang Sanaysay
: Nakasusulat ng isang larawang sanaysay.

Panimula
Ang larawang sanaysay o pictorial essay ay isang sulatin kung saan higit na nakararami ang
larawan kaysa sa salita o panulat. May mga pagkakataong naiuugnay ito sa isang lakbay-sanaysay lalo
na’t karamihan ng lakbay sanaysay ay binubuo ng larawan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Larawang Sanaysay


1. Ang paglalagay ng larawan ay dapat isinaaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang
magpapakita ng kabuuan ng kaisipang nais ipahayag.
2. Ang mga nakatalang sulat sa bawat larawan ay suporta lamang kaya’t hindi ito kinakailangang
napakahaba o napakaikli.
2. May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaring maglagay ng mga
larawang may ibang kaisipan.
4. Isipin o isaalang-alang ang mga titingin o babasa ng iyong larawang sanaysay.

Gawain Bilang 1

Ikaw ay isang photo at travel journalist sa isang kompanyang gumagawa ng iba’t ibang uri ng magasin.
Nahingan kang gumawa at sumulat ng pictorial essay o larawang sanaysay tungkol sa isang maganda at
makasaysayang lugar na napuntahan mo sa Pilipinas na itatampok bilang pangunahing artikulo para sa
isang isyu ng travel magasin ninyo. Ito’y isang malaking break para sa iyo. Gawin ang makakaya upang
mabuo ito nang maganda at kahika-hikayat.

Pamantayan:
Nasusunod ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng larawang sanaysay---------8
Gramatika-------------------------------------------------------------------------------5
Kalinisan--------------------------------------------------------------------------------2
Kabuuan--------------------------------------------------------------------------------15

Gabay na Tanong

1.Bakit mahalagang sangkap ang mga larawan sa paggawa ng pictorial essay?


Mahalaga ito sapagkat ito ang nagsisilbing batayan ng isang pictorial essay. Ito ay hindi
matatawag na pictorial essay kung walang larawan.

2.Ano-ano ang layunin ng pictorial essay?


Ang layunin ng pictorial essay ay magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng
salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon at malinang ang pagiging malikhain

3.Paano makatutulong ang pictorial essay na malinang ang pagiging malikhain ng mag-aaral na tulad
mo?
Sa katulad kong mag-aaral, nakatutulong ang pictorial essay upang malinang ang pagiging
malikhain ko. Nalilinang ang aking kakayahan sa pamamagitan kung paano ko pag uugnay-
ugnayin ang mga larawan ayon sa aking mga kaisipan o ideya, nalilinang dito kung ano ang nais
kong iparating

4.Bakit mahalagang ang paksa ng iyong pictorial essay ay nakabatay sa iyong interes?
Upang mas mapadali at malinaw kong maipahayag ang kung ano mang nais kong iparating
o ilahad.
5. Bakit kinakailangan dapat isa alang alang ang mambabasa sa gagawin mong larawang sanaysay?

Kailangang isaalang alang mo ang iyong mambabasa sapagkat sila ang magbibigay ng feedback
sa iyong ginawang larawang sanaysay.

You might also like