Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ARELLANO UNIVERSITY Kalinisan: 2

Jose Abad Santos Campus Kompleto: 3


Basic Education Department – Senior High School Malikhain: 2
3058 Taft Avenue Pasay City Nilalaman: 8
Kabuuan 15

Pangalan: ___Princesss S. Condes_______________________


Antas / Strand / Seksyon: ___12-ABM 1_________________
Petsa: ___Nobyembre 20, 2020______________________________
Guro: G.Teody Macula____________________________

Asignatura: Pagsulat sa Filipino sa Larangan ng Akademik Sanggunian: Pinagyamang Pluma: Fil sa Piling Larangan
Paksa: Pagsulat ng Lakbay Sanaysay / Travel Essay Uri ng Gawain: Concept Notes/Pagsulat ng Travel Essay
Layunin: Gawain Bilang: 10
: Nauunawaan ang katuturan at kahalagahan ng lakbay sanaysay.
: Nababatid at nailalapat ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay.
: Nakasusulat ng isang lakbay sanaysay

Panimula
Ang lakbay sanaysay ay tinatawag ding travel essay o travelogue. Ito ay isang uri ng lathalaing
ang pangunahing layunin ay mailathala ang mga nagging karanasan sa paglalakbay.

Apat na Pangunahing Dahilan sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay


1. Upang maitaguyod ang lugar at kumita.
2. Makalikha ng patnubay sa mga posibleng manlalakbay.
3. Itala ang pansariling kasaysayan sa paglalakbay tulad ng espirituwalidad, pagpapahilom, o
kaya’y pagtuklas sa sarili.
4. Upang maidokumento ang kasaysayan.

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Lakbay Sanaysay


1. Magkaroon ng kaisipang manlakbay sa halip na isang turista.
2. Sumulat ng unang panauhang punto-de-bista.
3. Tukuyin ang pokus ng sulating lakbay sanaysay.
4. Magtala ng mahahalagang detalye at kumuha ng mga larawan para sa dokumentasyon habang
naglalakbay.
5. Ilahad ang realisasyon o mga natutuhan sa paglalakbay.
6. Gamitin ang kasanayan sa pagsulat ng sanaysay.

Gawain Bilang 1

Sumulat ng sariling lakbay sanaysay, ito ay binubuo ng 5 o higit pang larawan na nagsasalaysay ng mga
natatanging karansan sa paglalakbay. Isulat ito sa isang buong papel (Long bond paper).

Pamantayan:
Nasusunod ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng lakbay sanaysay---------8
Gramatika----------------------------------------------------------------------------5
Kalinisan-----------------------------------------------------------------------------2
Kabuuan-----------------------------------------------------------------------------15
Ang Makulay Na lugar Ng Baguio!
Noong Disyembre 14, 2020 ng kami ay pumuntang Baguio. Isa ito sa hindi ko
malilimutang karanasan. Ito ang aking unang karanasan na makapunta at makapag gala ng
malayo sa aming lugar. Ang aming byahe papunta rito ay inabot ng mahigit anim na oras. Kami
ay umalis ng alas-dos ng madaling araw at nakarating kami ng alas-nwebe ng umaga sa bungad ng
baguio. Napakalamig at preskong simoy ng hangin ang bumungad saamin. Para kaming nasa
ibang bansa ng aking mga pinsan. Mga alas dose ng tanghali ng napagpasyahan naming maglibot .
Ang aming unang pinuntahan ay ang Mines View Park , hindi namin masyado nalibot ang Mines
View dahil sa dami ng tao at Mayroong Fieldtrip ng kami ay nagpunta.
Pagkatapos namin sa Mines View Park, kami ay pumunta munang bahay na nirentahan ng aking
tita sa aming pananatili sa baguio. Napagdesiayunan naming magpahinga muna at hapon na ulit
gumala. Hapon na ng kami ay gumayak ulit at pumuntang Burnham Park , gabi na ng kami ay
makarating dito. Isa ito sa mga lugar na sikat sa baguio dahil sa lake view at napakagandang park
na pwede mong pagkuhaan ng litrato. Kami ay sumakay sa Swan sa at umiikot kami sa lake , Isa
sa pinaka memorableng aking naranasan kasama ang aking mga pinsan. Puno ng tawanan at kaba
ang aming naranasan ng kami at nakasakay rito . Sa burnham park ko rin natikman ang Sikat na
Strawberry Taho ng Baguio. Alas-nwebe na ng gabi ng napagdesisyunan naming umalis sa
Burnham Park at Pumuntang Night Market kung saan isa ding puntahan ng mga turista sa gabi.
Habang papunta kami dito ay nadaanan namin ang iba’t ibang makukulay na establishimento ng
Baguio , punong puno ng Christmas Lights at mga parol ang daanan At napakalamig na hangin .
Mahigit alas nwebe na ng kami ay makarating ng night market , napakaraming tao ang bumungad
saamin at napakahaba ng mga stalls ng bilihan ng kung ano anong souvenir na pwede mong ipang-
salubong sa mga kaibigan at pamilya mo. Alas dose ng gabi ng kami at makauwi sa aming
nirentahang bahay sa Baguio. Napakalamig Sa baguio Tuwing gabi tipong hindi ko na
kakailanganing mag aircon at mag electricfan sa lamig. Ultimo ref ay hindi mo magagamit. Ibang
iba ang pamumuhay dito kung ikukumpara sa syudad. Alas nwebe ng umaga ng kami ay maglibot
muli at pumunta kami sa isa sa pinakasikat na katatakutan umano sa Baguio at ito ay ang
Diplomat Hotel. Nakakapanindig balahibo ng kami ay makapasok dito. Isa sa mga di ko
malilimutang karanasan ang makapunta sa lugar na sa larawan ko lamang nakikita noon.
Pagkatapos namin ng diplomat kami ay pumuntang Valley Of Colors Kung saan makikita mo ang
Makukulay na mga bahay sa dulo ng Hanging Bridge kung saan ka dadaan upang makapunta
dito. Nakakatakot ang daanan dito lalo na’t kung ikaw ay may “fear of heights” katulad ko. Gabi
na ng kami ay matapos maglibot , nalibot namin ng hapon ang Strawberry Farm sa La trinidad at
White Mansion. Isang napakagandang karansan ang Inihatid ng Baguio City sa akin. Batid ko na
makapunta ulit dito kung papalarin. Dito na nagtatapos ang aking makulay na kwento tungkol sa
Lugar ng Baguio!.

Gawain Bilang 2
May mga lugar ka na bang napuntahan na noon pa man ay hinangad mo nang marating? Magbigay ng
isang natatanging lugar na iyo nang narating. Ipaliwanag kung ano ang iyong natuklasan sa lugar na ito at
paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

Pangalan ng Lugar: ___Baguio City________________________________________________

Ano-ano ang iyong natuklasan?

Natuklasan ko ang ibat ibang makasaysayang lugar sa Baguio na sa Larawan o internet ko lamang
nakikita noon. Natuklasan ko ang mga lugar na madalas dinadayo ng mga turista sa lugar na ito.
Ang hindi pangkaraniwang klima dito ang siyang naghahatid ng madaming dayuhan upang
bisitahin ang lugar na ito. Natuklasan ko na iba iba anv bawat pamumuhay ng isang tao sa bawat
lugar. Lahat ng lugar ay may kanya kanyang katangiang taglay.

Paano ito nakaapekto sa iyong sarili?

Nakaapekto ito saaking sarili dahil napunan nito ang aking kuryusidad tungkol sa lugar ng
Baguio. Nabigyang kasagutan nito ang lahat ng aking tanong dahil dito nabigyan nito ag aking
sarili na magkaroon ng isang tagumpay saaking buhay ang maranasan ang lugar na aking inasam
na mapuntahan.

Mga Gabay na Tanong:

1.Ano ang pagkakaiba ng manlalakbay sa turista?


Turista ,pumunta lang sa nasabing lugar upang mamasyal, magpicture at maglibot
samantalang ang manlalakbay ay inaalam ang bawat kultura ng isang lugar , malaman ang
pinagmulan ng lugar at naghahanap ng mga datos tungkol sa isang lugar.

2.Ano-ano naman ang katangian ng lakbay-sanaysay na maaaring may pagkakatulad sa replektibong-


sanaysay?
Ang lakbay sanaysay ay may kakayahang dalhin ang tagapagbasa sa mga pangyayari o kanyang
karanasan na maaari ring mangyari sa isang replektibong sanaysay kung saan maaari nitong ipadama
sa tagapagbasa ang kanyang karanasan.

3.Ano ang dapat gawin upang hindi malimutan ang mahahalagang datos sa pagsulat ng lakbay-sanaysay?
Bakit?
Kumuha ng mga litrato upang di mo makalimutan ang mga karanasan mo upang di ka
mahirapan sa pgsulat ng iyong lakbay-sanaysay. Sa pamamagitan ng pagkalap ng mga larawan ay
maaalala mo ang mga pangyayari sa lugar na iyon.

4.Ano ang mga positibong naidudulot ng mga Iakbay-sanaysay para sa manunulat at mambabasa?
Positibong naidudulot nito ay nakakapagbigay saya ito sa manunulat sapagkat sya
nagbabalik tanaw sa kanyang karanasan at sa magbabasa nito sapagkat nagbibigay aliw ito na
nakakapagbigay emosyon mambabasa.

5. Paano makatutulong ang karanasan sa paglalakbay sa ibang tao?


Nakakatulong ito sa paghubog ng sarili ng isang tao at upang mapunan ang mga gustong
mapuntahan nito. Nagbibigay ito ng ligaya para sa mga taong mag isa , at tayo ay natututo batay
sa ating karanasanang naranasan.

You might also like