Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa FILIPINO III

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng limampung minutong talakayan, ang mga mag aaral na may hindi
bababang pitimpu’t-limang porsyentong bahagdan ng kasanayan ay inaasahang:
A. nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan;
B. napapahalagahan ang talentong binigay ng diyos ;n at
C. nagagamit nang wasto ang kanilang kakayahan
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Pag-unawa sa Binasa
B. Mga Sanggunian:

Batang Pinoy Ako- Ikatlong Baitang. Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino. Unang Edisyon
2014. Ikalawang Limbag-2016. Ikatlong Limbag 2017. Pahina 131.

C. Mga Kagamitan: Mga Larawan para sa pagganyak at

Telebisyon para sa kwentong “Si Thea” .

D. Mga Kasanayang Lilinangin: Pakikinig nang mabuti saisang usapan

Pagbasa nang wasto at ,

Pagtukoy sa kanilang talento.

E. Pagpapahalaga: Paggamit nang wasto sa kani-kanilang talento/kakayahan.


III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

A. Pagganyak
Klas, meron akong inihandang mga larawan
at ang gagawin ninyo lamang ay tumayo sa
tapat ng paskil na “Kaya Ko” at kung hindi
naman ay sa tapat ng “Hindi Ko Kaya”.
( Ang mga mag aaral ay sasagot.)

B. Paglalahad
Ano ang tawag natin sa mga bagay na
kaya nating gawin?

Ito ay talento.

Tatawag ako ng ilang bata upang


magpakita ng kanilang talento.
(Ang mga mag-aaral ay magpapakita ng
kanilang talento sa harap.)

Ano nga ba talaga ang ibig sabihin ng


salitang TALENTO?

Ang TALENTO ay isang katangiang


taglay ng isang tao na maaring
pambihirang makikita sa iba.

C. Pagtatalakay
1. Paghawan ng Balakid
Palatuntunan- programa
Naiinip- nababagot
Bulwagan- gusaling pagtatanghalan
2. Pagbasa sa kwentong
pinamagatang “Si Thea”
Basahin natin nang sabay-sabay ang
kentong “Si Thea” na nakalagay sa Tv
screen.

Si Thea
Tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa
bahay-ampunan. Dumating na ang mga mag-
aaral sa kalapit na paaralan upang magkaroon
ng isang maikling palatuntunan.

Ilang minuto na lang ay magsisimula na ang


palabas,pero hindi pa rin dumarating si Nerry.
Siya pa naman ang unang kakanta bilang
pambukas ng palatuntunan.

Bb. Hilario: Naku, nasaan na kaya si Nerry?


Magsisimula na tayo. Naiinip na nag mga
bata.

Bunny: Opo nga , e. Andito na ang lahat ng


magsisiganap , ata ang lahat ay handa na. Si
Nerry na lang talaga ang kulang.

Bb. Hilario: Ano nga ba ang maganda nating


gawin?

Trining: Alam ko na po. Baka puwedeng si


Thea na ang gumanap ng parte ni Nerry . Pag-
eensayo kasi tayo lagi ko siyang nakikitang
nakikisabay kay Nerry sa pag-awit.

Malugod na tinanggap ni Thea ang alok ng


kaniyang guro at mga kaibigan. Buong husay
siyang umawit sa harap ng mga bata. Lalo
siyang ginanahan nang Makita niya na t
uwang tuwa ang lahat ng mga bata sa loob ng
bulwagan.

3. Pagsagot sa mga tanong


hango sa kwento.

Sinu-sino ang nag-uusap?


Sina Bb. Hilario, Bunny at Trining.

Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat?

Ang maikling palatuntunan.

Ano ang naging problema nila?

Ang naging problema nila ay hindi pagdating


ni Nerry.

Ano sa palagay ninyo ang nangyari kay Nerry?

(Ang mga sagot ng mga mag-aaral ay


maaaring magkakaiba.)

Paano nabigyan ng solusyon ang kanilang


problema?

Si Thea na ang gaganap sa parte ni Nerry.

Paano mo ilalarawan si Thea?

(Ang mga sagot ng mga mag-aaral ay


maaaring magkakaiba.)

Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Thea?


Ipaliwanag ang sagot.

Opo .
(Ang mga sagot ng mga mag-aaral ay
maaaring magkakaiba.)
Paano mo ibabahagi sa iba ang inyong
talento?

(Ang mga mag-aaral ay sasagot.)

D. Paglalapat
Papangkatin ko kayo sa limang grupo at pag-
usapan kung anong talento ang iprepresenta
ninyo sa harap ng klase. Maari kayong
sumayaw, kumanta, gumuhit at kung ano
pang ibang talento ang meron kayo at kaya
ninyong gawin. Gagawin niyo lamang ito sa
loob ng labinlimang minuto.

(Ang mga mag-aaral ay pupunta sa kani-


kanilang grupo at gagawin ang aktibidad.)

E. Pagpapahalaga

Ano ang natutunan mo sa aralin?

Natutunan ko sa araling ito ay ang pagsagot


nang mabuti sa mga tanong tungkol sa
napakinggang usapan at paggamit nang
wasto ang aking talento o kakayahan.
IV. Pagtataya
Panuto: lagyan ng asteris (*) kung ito ay talento at ⃝ naman kung hindi.

1. pagsayaw
2. pakikipag usap
3. pagguhit
4. pag-awit
5. paggawa ngn kanta

V. Takdang Aralin
Panuto: Sumulat ng limang talento o kakayahan na iyong taglay. Ilagay ito sa isang malinis
na papel.

You might also like