Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 27

1

Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 2:
Ako at ang Aking Paaralan
Fiipino – Unang Baitang
Self-Learning Module
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Ako at ang Aking Paaralan
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gengelyn D. Ochinang, Lorlie Mee G. Durias, Charlene F. Tangonan;
Janette P. Nobleta
Editor: Joseph L. Tayo, MT-I, Myra P. Ballera, MT-I, Ofelia B. Prado, MT-I,
Ivy P. Lamintao, P-III, Jackie P. Ochinang, HT-II
Tagasuri: Mary Ann C. Umadhay, EPS,
Tagaguhit:
Tagalapat: Ronald A. Pelitro, HT-I
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Miguel P. Fillalan Jr., CESO VI – Schools Division Superintendent
Levi B. Butihen – Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Leonardo Mission – REPS, Subject Area Supervisor
Arlene Rosa G. Arquiza – Chief CID
Ma. Dianne Joy R. dela Fuente, PDO-II – OIC of LRMS
Jesus V. De Gracia Jr., ALS-EPS - Division ADM Coordinator
Mary Ann C. Umadhay, EPS – Subject Area Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
1

Filipino
Ikalawang Markahan-Modyul 2:
Ako at ang Aking Paaralan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino I ng Self-Learning
Module (SLM) para sa araling Magalang na Pananalita!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri
ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon
upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral
sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan
ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo
habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita
ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang
hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang
mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino I ng Self-Learning Module
(SLM) ukol sa Magalang na Pananalita!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

ii
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang


mga dapat mong matutuhan sa
modyul.
Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin
kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo
ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.
Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-
aral upang matulungan kang
maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin
ay ipakikilala sa iyo sa maraming
paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong
iwasto ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan
o pupunan ang patlang ng
pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin
ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong
matasa o masukat ang antas ng
pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang
Pagwawasto sagot sa lahat ng mga gawain sa
modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng
modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan
ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa
mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba
pang gawaing napapaloob sa modyul.

iv
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa
ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba
pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy
kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka
ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na
pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

v
Alamin
Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat para sa iyong
kaisipan o kaalaman. Ito ay tutulong sa iyo na maging
bihasa sa araling itinakda para sa Unang Baitang na may
pamagat na Pagbuo ng ng mga Letra. Ang kabuuan ng
modyul na ito ay nagpapahintulot na gamitin sa iba’t
ibang paraan ng pag-aaral. Ang diyalekto o Mother
Tongue ay kumikilala sa iba’t ibang antas ng bokabularyo
ng isang mag-aaral. Ang mga aralin ay inayos ayon sa
pamantayan ng pagtuturo. Ngunit, ang pamantayan na
iyong binabasa ngayon ay maaaring magbago para
tumugma sa batayang aklat na gagamitin ng
isang mag-aaral.
Ang modyul na ito ay nahati sa dalawang aralin, ito ay
ang sumusunod:
 Aralin 1: Magalang na Pananalita (Pagpapakilala
sa Sarili/Pagpapahayag ng
Sariling Karanasan)
 Aralin 2: Magalang na Pananalita (Pagbati)
Pagkatapos balangkasin ang modyul, inaasahan ang
isang mag-aaral na natutuhan ang araling ito:
1. Nagagamit ang magalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon (Pagpapakilala sa
Sarili/Pagpapahayag ng Sariling Karanasan)
2. Nagagamit ang magalang na pananalita sa
angkop na sitwasyon (Pagbati)

1
Subukin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipapasubok sa
bata kung hanggang saan ang kanyang kaalaman.
Huwag mag-alala kung hindi makuha ng bata ang
tamang sagot dahil ito ay isa lamang pagsubok. Huwag
ibigay ang tamang kasagutan upang tunay na masukat
ang kaniyang angking kaalaman para sa ating aralin.
Ngayong araw, ang iyong tapat na paggabay sa iyong
anak an gaming hinihiling. Maraming Salamat po!

Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung ito ay magalang na


pananalita at kahon ( ) kung hindi.

_______________ 1. Ayoko nga.

_______________ 2. Salamat po.

_______________ 3. Alis ka diyan.

_______________ 4. Ako po si Maria Reyes.

_______________ 5. Paumanhin po.

2
Magalang na Pananalita
Aralin
(Pagpapakilala sa Sarili/
1 Pagpapahayag ng
Sariling Karanasan)
Ngayon ay may panibagong leksyon tayong tatalakayin
sa modyul na ito. Hangad ko na matagumpay mong
matapos ang leksyon at mga gawain.

Balikan
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, babalikan ng bata
kung ano ang natutunan sa nakaraang leksyon.
Panuto: Hanapin at bilugan ang salitang ginagamit sa
pagbuo ng tanong.
Ano Siya Saan
Ilan Sino Paano

Tuklasin

Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pag-


awit/pagbasa ng kantang Po at Opo.
“Po at Opo.”
youtube.com/watch?v=hNtWrMqzkEo

Ang mga mabubuting bata


Gumagalang sa nakakatanda
Sumasagot ng po at opo
Nagpapaliwanag ng may po at opo
Mano po! Salamat po!

3
Sorry po! Thank you po!
Ang mga mabubuting bata
Gumagalang sa nakakatanda
Sumasagot nang po at opo
Nagpapaliwanag ng may po at opo
ng may po at opo
ng may po at opo.
Itanong sa bata: Ano ang pamagat ng awitin?
Anong magagalang na pananalita ang
nabanggit?

Suriin

Panuto sa Magulang: Tulungan ang bata sa pagbabasa


ng talata tungkol sa pagpapakilala sa sarili.
Ako po si Maria Reyes.
Ako po ay anim na taong gulang.
Ipinanganak po ako noong ika-3 ng Agosto, 2014.
Ako po ay nakatira sa E.J.C. Montilla, lungsod ng
Tacurong.
Nag-aaral po ako sa Mababang Paaralan ng Maria
A. Montilla.
Ang mga magagalang na pananalita ay ginagamit sa
iba’t ibang sitwasyon tulad ng pagpapakilala ng sarili at
pagpapahayag ng sariling karanasan. Ito ay
ginagamitan ng mga salitang po at opo.
Mga halimbawa ng magagalang na pananalita:
1. Salamat po.
2. Ako po si Andy Santos.
3. Ipinanganak po ako noong ika-29 ng Hunyo.
4. Kumusta po?
5. Paumanhin po.
6. Opo.
4
Pagyamanin

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, hahayaan na ang


bata na sumagot sa mga gawain. Gabayan na lamang
ang bata sa pagsagot ng mga gawain sa pamamagitan
ng panutong ibinigay.
Gawain 1
Panuto: Iguhit sa patlang ang masayang mukha
kung ang pangungusap ay nagpapakita ng magalang
na pananalita at malungkot na mukha kung hindi.
_______________ 1. Alis ka nga diyan.
_______________ 2. Makikiraan po.
_______________ 3. Ako po si Maria Santos.
_______________ 4. Salamat po.
_______________ 5. Ano po ang kailangan ninyo?
Gawain 2
Panuto: Bilugan ang bilang ng mga magalang
na pananalita.
1. Paumanhin po.
2. Mano po.
3. Hindi ko alam.
4. Mabuti po.
5. Kumusta po?

Isaisip
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, itanong ang mga
sumusunod sa bata upang malaman mo kung hanggang
saan ang kaniyang natutunan.
5
Panuto: Iguhit ang tatsulok ___ kung tama ang sinasabi sa
pangungusap at kahon ___ naman kung hindi.

_____1. Ang magalang na pananalita ay ginagamitan ng


salitang po at opo.
_____2. Sumasagot ka nang pasigaw sa nanay mo.
_____3. Nakikinig ka sa usapan ng matatanda.
_____4. Mahalaga ang pagiging magalang sa kapwa.
_____5. Gamitin ang magalang na pananalita araw-
araw.

Isagawa
Panuto sa Magulang: Gabayan ang bata sa malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang kaniyang pag-
unawa sa mga kasanayan.
Tanong: Ano ang tamang sagot sa mga sumusunod na
sitwasyon o karanasan mo?
Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot sa bawat
pangungusap.
1. Binigyan ka ng iyong ninang ng regalo.
a. Salamat po.
b. Paalam po.
c. Magandang umaga po.
d. Mano po.
2. “Kumain ka na ba?” tanong ng iyong nanay.
a. Paalam po.
b. Pakiabot po.
c. Opo, Nanay.
d. Makikiraan po.

6
3. Umalis ka ng bahay, ano ang dapat mong
sabihin?
a. Magandang umaga po.
b. Paalam po.
c. Paumanhin po.
d. Kamusta po?
4. Saan ka nakatira?
a. Makikiraan po.
b. Pakiabot po.
c. Mano po.
d. Ako po ay nakatira sa lungsod ng Tacurong.
5. Ano ang pangalan mo?
a. Ako po ay anim na taong gulang.
b. Nakatira po ako sa lungsod ng Tacurong.
c. Ako po ay si Angelo T. Santos.
d. Mabuti po naman.

Tayahin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, susukatin na kung
naintindihan ng bata ang aralin tungkol sa paggamit ng
magalang na pananalita tungkol sa pagpapakilala sa
sarili at pagpapahayag ng sariling karanasan.
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong gamit
ang mga magagalang na pananalita. Piliin ang sagot sa
loob ng kahon. Isulat ang letra sa guhit bago ang
numero.
a. Mabuti po
b. Paumanhin po.
c. Salamat po.
d. Ako po ay anim na taong gulang.
e. Makikiraan po.

7
_____ 1. Naapakan mo ang paa ng iyong kaklase. Ano
ang sasabihin mo?
_____ 2. Tinanong ka ng iyong guro kung ilang taon ka na.
_____ 3. May kausap si Nanay mo, gusto mong dumaan
sa gitna nilang dalawa. Ano ang sasabihin mo?
_____ 4. Binigyan ka ng pasalubong ng iyong tatay.
_____ 5. Kinamusta ka ng tiyahin mo, ano ang dapat
mong sabihin?

Karagdagang Gawain

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, may ibibigay sa


iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang angkop na sabihin sa
mga sumusunod na larawan. Isulat sa loob ng ulap ang
tamang sagot. Sori, hindi ko po sinasadya.
Magandang umaga po.
Kumusta ka?
Mano po lola.
Puwede bang tulungan kita?

1.

2.

8
3.

4.

5.

9
10
Isagawa Pagyamanin
1. a Gawain 2 Pagyamanin
2. c 1.
3. b 2. Gawain I
4. d 3.
5. c 4.
1.
5.
Isaisip 2.
Tayahin 1. 3.
1. b 2.
4.
2. d 3.
3. e 4. 5.
4. c 5.
5. a
Tuklasin Balikan Subukin
Ano
1.
Ilan
2.
Sino
Saan 3.
Paano
4.
5.
Susi sa Pagwawasto
Subukin

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, ipapasubok sa


bata kung hanggang saan ang kanyang kaalaman.
Huwag mag-alala kung hindi makuha ng bata ang
tamang sagot dahil ito ay isa lamang pagsubok. Huwag
ibigay ang tamang kasagutan upang tunay na masukat
ang kaniyang angking kaalaman para sa ating aralin.
Ngayong araw, ang iyong tapat na paggabay sa iyong
anak an gaming hinihiling. Maraming Salamat po!

Alin sa sumusunod ang magalang na pagbati. Lagyan ng


MG ang patlang kung ito ay nagpapakita ng magalang
na pagbati at HMG naman kung hindi.

________1. Umalis ka diyan!

________2. Magandang umaga po.

________3. Magandang araw po.

________4. Hoy! Magandang gabi.

________5. Magandang hapon po.

11
Aralin
Magalang na Pananalita
2 (Pagbati)
Ngayon ay may panibagong leksyon tayong tatalakayin
sa modyul na ito. Hangad ko na matagumpay mong
matapos ang leksyon at mga gawain.

Balikan

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, babalikan ng bata


kung ano ang natutunan sa nakaraang leksiyon.
Tanong: Paano mo ipinakilala ang iyong sarili sa
magalang na pananalita?
Panuto: Magbigay ng magalang na pananalita na pinag-
aralan mo kahapon.
1.__________________________________________________
2.__________________________________________________
3.__________________________________________________
4.__________________________________________________
5.__________________________________________________

Tuklasin

Panuto sa Magulang: Ipakita sa bata ang larawan


sa ibaba.

12
Itanong sa bata:
Sino kaya ang nasa larawan?
Ano kaya ang sinasabi ng bata sa kanyang guro?

Suriin
Panuto sa Magulang: Ipaawit ang awit ng pagbati sa
tono ng “Paruparong Bukid” gamit ang istratehiyang
pagmomodelo. (Awitin muna ni nanay bago ang bata.)
Magandang umaga po
Mahal naming guro
Kami’y bumabati
Magandang umaga po
Kami ay nakahandang
Magbasa’t magsulat
Buong pusong bumabati
Magandang umaga po
Itanong sa bata:
Anong pagbati ang sinabi sa awitin?
Magalang ba ang pagbati na ginawa sa inawit mo?
Iba’t-ibang magalang na pagbati:
1. Magandang umaga po.
2. Magandang tanghali po.
3. Magandang hapon po.
4. Magandang gabi po.
5. Magandang araw po.
Gumagamit tayo ng magalang na pagbati sa angkop
na panahon.
Sa umaga: Magandang umaga po.
Sa tanghali: Magandang tanghali po.

13
Sa hapon: Magandang hapon po.
Sa gabi: Magandang gabi po.
Ginagamit ang magalang na pagbati na “Magandang
araw po” bilang pangkalahatan.
Tandaan na gumamit ng “po” at “opo” sa pakikipag-
usap sa mga nakakatanda bilang paggalang.

Pagyamanin

Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, hahayaan na ang


bata na sumagot sa mga gawain. Gabayan na lamang
ang bata sa pagsagot ng mga gawain sa pamamagitan
ng panutong ibinigay.
Gawain 1
Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ito ay
nagpapakita ng magalang na pagbati at malungkot na
mukha kung hindi.
_______1. Magandang hapon po Inay.
_______2. Halika ka dito!
_______3. Magandang umaga po Sir Jonald.
_______4. Magandang araw po sa inyong lahat.
_______5. Magandang gabi po lola.
Gawain 2
Panuto: Pagtambalin ang mga magalang na pagbati sa
angkop na panahon.
1. tanghali a. Magandang umaga po.
2. umaga b. Magandang hapon po.
3. gabi c. Magandang tanghali po.
4. hapon d. Magandang gabi po.
5. pangkalahatan e. Magandang araw po.

14
Isaisip
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, itanong ang mga
sumusunod sa bata upang malaman mo kung hanggang
saan ang kaniyang natutunan.

Itanong sa bata: Anong mga magalang na pagbati ang


ating ginagamit? Maaari mo bang isulat ang mga ito?

Magandang ______________, ________________,


_________________, _____________, at _______________.

Isagawa

Panuto sa Magulang: Gabayan ang bata sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang kaniyang pag-
unawa sa mga kasanayan.
Panuto: Bilugan ang titik ng magalang na pananalita na
ginagamit sa pang-araw-araw at kahunan ang hindi.
a. Magandang umaga po.
b. Magandang hapon po.
c. Umalis ka diyan!
d. Magandang gabi po.
e. Magandang tanghali po.

Tayahin
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, susukatin na kung
naintindihan ng bata ang paggamit ng magalang na
pananalita sa pagbati.
15
Panuto: Ano ang sasabihin mo sa mga sumusunod na
sitwasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Isang umaga nasalubong mo ang iyong guro sa
pagpasok mo sa paaralan.
a. Magandang hapon po.
b. Magandang umaga po.
c. Magandang gabi po.
d. Magandang tanghali po
2. Gabi na nang dumating ka sa bahay at nadatnan mo
sa sala na nanonood ng TV ang iyong tatay.
a. Magandang hapon po.
b. Magandang umaga po.
c. Magandang gabi po.
d. Magandang tanghali po.
3. Isang hapon nang pauwi ka galing sa paaralan,
nasalubong mo ang iyong tiyahin.
a. Magandang hapon po.
b. Magandang umaga po.
c. Magandang gabi po.
d. Magandang tanghali po
4. Nakasabay mo sa kantina ang iyong bagong guro sa
pagkain ng pananghalian.
a. Magandang hapon po.
b. Magandang umaga po.
c. Magandang tanghali po.
d. Magandang gabi po.
5. Umuwi ka sa bahay ng hapon pagkatapos mo
maglaro at nadatnan mo na may bisita ang iyong
nanay.
a. Magandang hapon po.
b. Magandang umaga po.
c. Magandang gabi po.
d. Magandang tanghali po.

16
Karagdagang Gawain
Panuto sa Magulang: Sa bahaging ito, may ibibigay sa
iyong panibagong Gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.

Panuto: Gamitin ang mga magalang na pananalita


bilang pagbati sa iyong:

1. nanay (umaga)______________________________________.
2. tatay (hapon) ______________________________________.
3. Lolo (gabi) ______________________________________.
4. guro (tanghali) ______________________________________.
5. tiya (araw) ______________________________________.

17
18
Tayahin Isaisip Isagawa
1. b umaga a.
2. c tanghali b.
3. a hapon c.
4. c gabi d.
5. a araw e.
Pagyamanin Balikan Subukin
Gawain 1 Salamat po. 1. HMG
1.
2. Kamusta po? 2. MG
3. Opo. 3. MG
4.
5. Paumanhin po. 4. HMG
Gawain 2
1. c Mano po. 5. MG
2. a
3. d
4. b
5. e
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
 Bumasa at Sumulat Filipino Patnubay ng Guro
Mga Bumuo ng Gabay sa Pagtuturo
Nancy Clark-Chiarelli, EdD
Cecilia Luz Ochoa
Jovilyn Balacdao
Maria Baetriz Davalos
Angelika Jabines
Paolo Ven Paculan
Jomar Empaynado
Princess Orveen Calderon
Harry James Creo
Vanessa Pamittan
Paulo Padre
 Gabay sa Kurikulum
 youtube.com/watch?v =hNtWrMqzkEo
 https://www.tagaloglang.com/ang-batang-magalang-tula
 uniorblendies.weebly.com
 https://depedsilaycity.weebly.com/uploads/9/2/3/3/92338776/filipino_
2.pdf
 https://docs.google.com/viewer?url=http://www.depedbataan.com/r
esources/21/gr._2_mother_tongue_based_-_teaching_guide_.pdf
 gr._2_mother_tongue_based_-_learning_module_pdf. Access June 15,
2020
https://images.app.goo.gl/TFJVfYVdib6cezP4A

19
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

20

You might also like