Pagpapahalaga at Pagmamahal NG Pamilya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagpapahalaga at Pagmamahal ng Pamilya

Isinilang ako sa isang nayon na payak ang uri ng pamumuhay. Ang aming
pamilya ay tahimik, nagtutulungan, at nagmamahalan. Nagbubukang-
liwayway pa lamang ay gumigising na ang aking ama. Inihahanda na nito
ang kagamitan sa pagtatrabaho. Si Inay naman ay walang sawang
nagsisinop ng tahanan at pumapatnubay sa amin.
Sa isang simpleng pamilya ko natutuhan na kailangan ang pagmamahalan at
pagtutulungan ng bawat isa. Sa gayon ay lumaki kaming may pagkalinga sa
kapuwa.
Sa aking mga magulang ay Nakita at nadama ko ang pagpapahalaga at
pagmamalasakit ng magulang sa pamilya. Ginagawa nila ang tungkulin ng
isang tunay na haligi at ilaw ng tahanan. Nagsusumikap sila upang
makapag-aral kaming lahat sa gitna ng aming kahirapan sapagkat mahalaga
sa kanila ang aming magandang kinabukasan na makakamit lamang sa
pamamagitan ng edukasyon.
Bilang mga anak, tinitiyak naming na hindi sila bigyan ng sama ng loob.
Tumutulong at gumagawa kami ng gawaing- bahay upang makagaan sa
Gawain ni Nanay. Sa aking karanasan sa aming pamilya, masasabi kong
masuwerte ako sa pagkakaroon ng magulang na tulad nila.
Naniniwala akong walang magulang na magnanais na mapasama ang anak,
bagkus ay hangad pa nga nil ana maipagkaloob ang lahat na makabubuti sa
pamilya. Walang hinihintay na kabayaran ang magulang sa pagganap nila
ng kanilang mga tungkulin. Alam ko na sapat na sa kanila ang makatapos
kami ng pag-aaral, maging matapat, masunurin, mapagmahal sa kapuwa,
matulungin, at higit sa lahat may takot sa Diyos at may matibay na
pananampalataya sa kaniya.
Sagutin ang sumusunod na tanong

1. Bakit ipinagmamalaki ng mag-aaral ang kaniyang pamilya?


2. Paano inilarawan sa kuwento ang pagkakaisa sa kaniyang pamilya?
3. Paano niya ipinakita at ng kaniyang mga kapatid ang pagmamahal sa magulang?

Paghinuha
A. Balikan ang maliit na pangkat sa siyasatin. Magbahaginan ukol sa
mahahalagang salik na makatutulong sa paghubog ng pagkatao ng
anak. Magbahaginan din ng sariling karanasan.
B. Alin sa sumusunod na konsepto na tinalakay sa aralin ang nananatili
sa iyong kaisipan? Lagyan ng tsek

___1. Ang pamilya ang humuhubog sa ating pagkatao.


___2. Malaki ang impluwensiya ng pamilya sa mga kilos at gawa ng
kabataan.
___3. Sa pamilya natututuhan ang tamang asal.
___4. Sa pamamagitan ng pamilya, nagkakaroon tayo ng
pagpapahalaga sa sarili.
___5. Sa pamilya natututuhan ang tunay na kahulugan ng pag-ibig at
pagtutulungan.
___6. Ang pagbuo ng mapayapa at masayang pamilya ang
pangunahing tungkulin hindi lamang ng mga magulang kung hindi ng
mga anak din.
___7. Ang pamilyang nagmamahalan at may takot sa Diyos ay may
pagkakaisa at kapayapaan.

C. Mula sa konseptong nananatili sa isipan, pumili ng isa at ipaliwanag


ang dahilan ng pag-kakapili.

Konsepto:

Paliwanag:

You might also like