Filipino 9 Q2 Modyul 5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 30

9

Filipino
Kwarter 2 – Modyul 5:
Pagsusuri at Pagbibigay-
kahulugan sa kwento
Filipino – Baitang 9
Kwarter 2 – Modyul 5: Pagsusuri at Pagbibigay-kahulugan sa kwento

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Ronelo Al K. Firmo

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Francel Aira E. Lasquite


Ana Marie L. Zaldivar
Editor: Lovely C. Ariola
Maricris B. Elep
Francel Aira E. Lasquite
Aimee B. Gerona
Tagasuri ng Nilalaman: Elisa E. Rieza

Gumuhit ng Larawan: Shiena J. Barrameda


Nagsaayos ng Pahina: Oliver D. Merciales; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong kinakaharap
sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na ito sa patuloy
na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa pakikipagtulungan ng mga
magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-
pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon
sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel
ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul
na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong sundin
at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa loob nito. Huwag kang
mag-alala, kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang
natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan at
iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka ng sagutang papel o
ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Aralin 1 : Imahe at Simbolo

Panimula
Maligayang araw!
Kilala mo ba ang nasa larawan?
Magaling! Siya si Superman,
kilalang “Superhero” na may taglay
na kakaibang lakas higit sa pangkaraniwang tao.

Noong bata ka pa
pinangarap mo din bang
maging isang Superhero?
Anong kapangyarihan ang
gusto mong taglayin?

Pinagkuhaan:https://www.pngfu
el.com/free-png/oyzcv

Sa mga sumusunod na gawain, bibigyan mo ng


kahulugan ang mga imahe at simbolo sa maikling
MnpAhVWyYsBHfuADroQFjAAeg
kuwentong ating babasahin.
QIBBAB&usg=AOvVaw3cHmE2Ot
7Fu0j1Nhv3lcpI

Halika! simulan na natin.


Pinagkuhaan:https://www.pinteret.ph/
annie99lee/superman-clipart-free/

Layunin:

MnpAhVWyYsBHfuADroQFjAAegQI
Sa aralin na ito, inaasahan na nabibigyang kahulugan mo ang mga imahe at
BBAB&usg=AOvVaw3cHmE2Ot7F
simbolo sa binasang kwento.
u0j1Nhv3lcpI

1
Talasalitaan
1. Naku! pagal na pagal na ang aking katawan. - Pagod

2. Ang mga tagasunod ay mapitagan sa akin. - Magalang

3. Nakahihilakbot ang sikat ng araw. - Nakakatakot

4. Nilukuban niya ang araw. - Tinakpan

5. Nakita niya ang epekto ng kanyang desisyon


sa kanyang pagtunghay sa lupa. - Pagtingin

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Basahin at unawain ang akdang Dalagang Pilipina ni Jose Corazon De Jesus mula
sa, Panitikang Asyano, Modyul ng mag-aaral sa Filipino 9, 117-11, nina Peralta, Romulo N.
et al
PANUTO: Tukuyin at bigyang kahulugan ang mga ginamit na imahe at simbolismo
sa paglalarawan ng isang “Dalagang Pilipina” mula sa tulang binasa. Gawin sa iyong
kuwaderno.

Simbolismo / Imahe Pagpapakahulugan

1.

3.

O, di ba kayang-kaya mong bigyang kahulugan ang mga imahe at simbolo sa


binasang kwento.

Halika, may inihanda pa akong kuwento para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto


Basahin mo ang akdang Hashnu, Ang Manlilikok ng Bato sa Pinagyamang Pluma
9, 221-222 nina Baisa-Julian, Aileen G. et al.

Ang sinisimbolo ng pangunahing


Ano ang sinisimbolo ng
tauhan ay isang manggagawa na
pangunahing tauhan sa nahihirapan sa kaniyang trabaho
simula ng kuwento? at naghahangad nang
kapahingahan.

2
Ang hari na tinutukoy sa akda ay Ano ang ipinahihiwatig na
kapangyarihan, sinusunod at may kahulugan ng salitang hari na
posisyon sa lipunan at tinukoy sa akda?
pinahahalagahan ngunit may mabigat
din na responsibilidad.

Ang araw ay nagsisimbolo ng


Ano ang nais ipahiwatig ng
kapangyarihan at liwanag sa mundo,
simbolong araw sa akda? kayang sakupin ang lahat sa taglay
nitong init ngunit lahat ng sobra ay
nakakasama.

Ninais niyang maging ulap upang


maibsan ang init ng araw, ito ay Bakit ninais naman ni Hashnu
sumisimbolo ng kapahingahan. na maging isang ulap? Ano ba
ito para sa kanya?

Ipagpatuloy mo ang pagbasa at pagsagot sa mga tanong.

Para sa kaniya, ang mga ito ay


Para kay Hashnu, ano ang nagpapahiwatig ng katatagan sa
sinisimbolo ng mga bato? anumang unos o pagsubok man na
dumating.

Ang manlililok ay sumisimbolo sa ating Ano ang sinisimbolo ng


mga tao na may kakayahan na baguhin
ang hugis o pagandahin ang ating manlililok batay sa akda? Bakit
buhay. Ito ang ninais ni Hashnu dahil ito ang huling ninais ni Hashnu?
napagtanto niya ang kaniyang taglay na
kagalingan at kakayahan.

3
Anong imahe ang Isang taong hindi alam na siya ay may
taglay na kakayahan at hindi marunong
masasalamin sa pag-uugali ni
makuntento sa buhay.
Hashnu?

Pahalagahan ang taglay na


kakayahan o talento na ibinigay sa Batay sa akda, anong
atin at mahalin ang ating trabaho napagtanto ni Hahnu sa mga
upang makamit ang tunay na bagay na kanyang naranasan?
kasiyahan.

Ipagpatuloy mo.

Nabibigyang kahulugan ang mga


Paano mabibigyan kahulugan imahe at simbolismo sa akda sa
ang mga imahe at simbolismo sa pamamagitan ng pagkakagamit nito
binasang akda? at sa paglalahad ng mga katangian
ng bawat imahe o simbolismo.

Ito ang mas lalong nagpapaganda sa Sa paanong paraan


daloy ng kwento, nagbibigay ng nakatutulong ang mga imahe at
pagkakataon sa mambabasa upang simbolismo sa pagpapadaloy ng
mag-isip at malinang ang kanilang kuwento?
imahinasyon.

Mahalaga ang imahe at simbolismo sa


Bakit mahalaga ang imahe at isang akda upang mas mapalutang
simbolismo sa isang akda? ang kagandahan ng akda at ang
mensahe nito.

Yehey! Nabibigyang kahulugan mo na ang mga imahe at simbolo sa binasang kwento.

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Pagsasanay 1

PANUTO: Mula sa iyong binasang kuwento, ano ang ibig sabihin ng mga simbolo at
imaheng ito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

4
Imahe/ Simbolismo Pagpapakahulugan

Hari
Araw
Ulap
Bato
Hashnu (tao)

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito ang


ikalawang pagsasanay na magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Basahin at unawain ang parabulang Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng


Ubasan mula sa Mateo 20:1-16 sa Bagong Tipan (Peralta, Romulo N. et al, Panitikang Ayano Modyul
ng mag-aaral sa Filipino 9, 193-194.)

PANUTO: Tukuyin at bigyang-kahulugan ang mga imahe o simbolismo na nakita o


nailarawan sa binasang akda. Sagutan ang graphic organizer na nasa ibaba sa iyong
kuwaderno.

Imahe/Simbolismo:
Imahe/Simbolismo: ______________
______________ Pagpapakahulugan:
Pagpapakahulugan:
________________
________________
________________
________________

ANG TALINGHAGA
TUNGKOL SA MAY-ARI
NG UBUSAN

Imahe/Simbolismo: Imahe/Simbolismo:
______________ ______________
Pagpapakahulugan: Pagpapakahulugan:
________________ ________________
________________ ________________

5
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3
Basahin at unawain ang maikling kuwentong “Anim na Sabado ng Beyblade” ni
Ferdinand Jarinni. (Peralta, Romulo N. et al, Panitikang Ayano Modyul ng mag-aaral sa Filipino 9, 22-23)

PANUTO: Tukuyin ang imahe/simbolismo sa bawat bahagi sa kuwentong binasa.


Sagutan ang talahanayan na nasa ibaba. Gawin sa iyong kwaderno.

Imahe/Simbolismo Bahagi ng Kwento Pagpapakahulugan


Unang Sabado
Ikalawang Sabado
Ikatlong Sabado
Ikaapat na Sabado
Ikalimang Sabado
Ikaanim na Sabado

Upang masukat ang iyong pagkatuto sa buong aralin, narito ang pinakahuling
pagsubok na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Basahin at unawain ang akdang Ang Ningning at ang Liwanag ni Emilio Jacinto.
(Baisa Ailene G. et. al, Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan Ikatlong Taon, 11-12)

PANUTO: Ano ang sinisimbolo ng ningning at liwanag batay sa akdang binasa?


Maaring magbigay ng halimbawang binanggit sa akda. Sagutan ang kahon sa ibaba
sa inyong kuwaderno.

Ningning Liwanag

Karagdagang Gawain

PANUTO: Maghanap ng awiting may liriko. Tukuyin at bigyang kahulugan ang mga
imahe o simbolismo na inilarawan sa kanta. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Imahe/ Simbolismo Pagpapakahulugan

6
Aralin 2 : Pagbibigay-kahulugan sa mga Salita

Panimula

Madalas ka bang nagtataingang-kawali kapag ikaw ay inuutusan ng iyong


mga magulang? Kapag pinagagalitan naman, ikaw ba ay balat-sibuyas? Naunawaan
mo ba ang kahulugan ng mga ginamit na malalalim na salita sa katanungan sa
itaas? Napakaraming bagay ang hindi natin lubos na nauunawaan lalo na kapag
tayo ay nagbabasa. Aking ikinagagalak na iyong pag-uukulan ng pag-aaral ang
mahihirap na salita na magsisilbing ilaw sa pag-unawa sa mga bagay-bagay na
makatutulong sa pag-unlad ng iyong kaalaman.
Sa gawaing ito, mabibigyang kahulugan ang mahihirap na salita batay sa
konteksto ng pangungusap; ang matatalinghagang pahayag sa parabula; ang mga
salitang may natatagong kahulugan; ang mga salita batay sa kontekstong
pinaggamitan; ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at kasalungat na
kahulugan. Tara, simulan na natin!

Layunin
Sa aralin na ito, inaasahan na nabibigyang kahulugan mo ang mahihirap na
salita batay sa konteksto ng pangungusap; ang matatalinghagang pahayag sa
parabula; ang mga salitang may natatagong kahulugan; ang mga salita batay sa
kontekstong pinaggamitan; ang mahihirap na salita batay sa kasingkahulugan at
kasalungat na kahulugan.

Talasalitaan
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Basahin
natin.
1. Isang matandang lalaki ang lumapit sa isang babaing balo.
2. Ang matandang lalaki ay gusgusin.
3. Katiting na langis ang natira sa lalagyan.
4. Sinimot ng babae ang natitirang pagkain.
5. Naudlot siya sa paglapit sa kaniyang anak.

Salita Kahulugan
1. balo biyuda
2. gusgusin marumi
3. katiting kaunti
4. sinimot inubos
5. naudlot di natuloy

7
Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Panuto: Basahin ang mga talinghagang nasa loob ng kahon at bigyang


pagpapakahulugan ang bawat pahayag batay sa mensahe o
pagpapakahulugang nais ipabatid.

Pahayag 1:

“Ang nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay nahuhuli”

Paliwanag: ____________________________________________________

_______________________________________________________________

Pahayag 2:

“Ang mabuting gawa ay may angking biyaya”

Paliwanag: ____________________________________________________

_______________________________________________________________

Pahayag 3:

“Ang nagmamataas ay ibinababa at ang nagpapakumbaba ay itinataas”


Paliwanag: ____________________________________________________

_______________________________________________________________

Pahayag 4:

“Huwag mong gawin sa kapuwa mo ang ayaw mong gawin sa iyo”


Paliwanag: ____________________________________________________

_______________________________________________________________

Pahayag 5:

“Ang pagtulong ay dapat bukal sa puso, hindi binibilang”


Paliwanag: ____________________________________________________

_______________________________________________________________

8
O, di ba kayang-kayang bigyang pagpapakahulugan ang mga mensahe/pahayag.

Halika, may inihanda pa akong kuwento para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Ang Parabula
Ang parabula ay maikling salaysay na hango sa Bibliya na may hatid na aral
sa mambabasa. Ito ay nasa anyong patula o prosa. Tinatawag din ang parabula
bilang talinghaga, ang mensaheng nais ihatid nito ay hindi lantad o tuwiran.
Karaniwan sa mga talinghaga ay mga kuwento ng Panginoon na nagtuturo sa
katangian ng kaharian ng Diyos. Lumilinang ito sa aspetong espiritwal at moralidad
ng isang tao. Ang parabula ay akdang hinango sa Bibliya na kapupulutan ng aral na
maaaring magsilbing gabay sa marangal na pamumuhay.
(Sevilla, Kristine I. let al, Tuklas Aklat sa Wika at Panitikan 10, 18.)

Ang kasingkahulugan ng gusgusin ay


Ano ang kasingkahulugan at
marumi samantalang ang
kasalungat ng salitang gusgusin
kasalungat naman nito ay malinis.
at taggutom?
Ang kasingkahulugan naman ng
taggutom ay taghirap samantalang
ang kasalungat naman ay sagana.

Mahusay! Ang kasingkahulugan ng


‘hindi nalalamnan’ ay walang laman Ano ang kasingkahulugan at
samantalang ang kasalungat naman kasalungat ng salitang ‘hindi
nito ay puno ng laman. nalalamnan?

Ipagpatuloy mo ang pagbasa upang masagot ang mga katanungan.

Ano ang kasingkahulugan at Ang kasingkahulugan ng ‘sinimot’ ay


kasalungat ng salitang walang tinira samantalang ang
‘sinimot’? kasalungat naman nito ay may natira.

Ano ang kahulugan ng pahayag


Ang kasingkahulugan nito ay
na ‘inihatid niya ng tanaw’?
pinagmamasdan habang umaalis.

Ipagpatuloy mo.

9
Mahalagang mabigyan kahulugan
ang mahihirap na salita upang mas Bakit mahalagang nabibigyan
madaling maunawaan ng mambabasa ng kahulugan ang mga
ang mensahe ng akdang binabasa. mahihirap na salita?

Batay sa konteksto o
Sa paanong paraan maaaring
mabigyan ng pagpapakahulugan pagkakakgamit nito sa
ang isang salita? pangungusap.

Yehey! Nabibigyang kahulugan mo na ang mga matatalinghagang salita.

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap. Ibigay ang kasingkahulugan at
kasalungat ng mga salitang may salungguhit.

Pangungusap Kasingkahulugan Kasalungat


1. Hindi na kakasya ang maliit na
tinapay na iyon.
2. Naudlot siya ng paglapit sa anak.

3. Gusgusin ang isang matandang


lalaki.
4. Sinimot ng babae ang harina sa
lalagyan.
5. Ang matandang pulubi ay humingi
ng pagkain.

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito ang


ikalawang pagsasanay na magpapatibay ng iyong kaalaman.

10
Pagsasanay 2
Panuto: Ipaliwanag ang mensahe sa mga sumusunod na talinghaga.

1. Ang nauuna ay nahuhuli, at ang nahuhuli ay nauuna

Paliwanag:
______________________________________________________________________________

2. Ang kalahating kasinungalingan at kalahating katotohanan ay


buo pa rin na kasalanan.
Paliwanag:
_____________________________________________________________________________

3. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

Paliwanag:
___________________________________________________________________

4.Kung anong bukambibig, siyang laman ng dibdib.

Paliwanag:____________________________________________________________________

5. Kung may itinamin may aanihin.

Paliwanag:

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay 3

Panuto: Basahin ang parabula. Hanapin ang mga matatalinghagang pangungusap


sa (Lukas 14:7-14) at ibigay ang kahulugan ng pahayag. Gamitin ang pormat sa
ibaba. (Sevilla, Kristine I. let al, Tuklas Aklat sa Wika at Panitikan 9, 157.)

Matalinghagang Pahayag sa Akda Kahulugan

11
Upang masukat ang iyong pagkatuto sa buong aralin, narito ang pinakahuling
pagsubok na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok
Panuto: Basahin ang parabulang Alibughang Anak Mula sa Lukas 15: 11-32
Sagutin ang talahanayan sa ibaba.

Salita hango sa akda Kahulugan Kasalungat

Hal. sinuway nilabag sinunod

Karagdagang Gawain

Panuto: Magsaliksik ng isang maikling parabula at sagutin ang pormat sa ibaba.


Matalinghagang pahayag sa akda Kahulugan/Mensahe

Aralin 3 : Pagsusuri ng Maikling Kwento


Panimula

Kumusta kang muli?

Alam kong napapagod ka ng magbasa, kung kaya naman iunat-unat mo


muna ang iyong katawan at igalaw-galaw ang mga kamay upang maipahinga nang

bahagya ang iyong isipan.

Ano ang iyong pinagkakaabalahan? Isa ka rin ba sa mga kabataang


nawiwiling magbasa sa application na Wattpad? Ano ang iyong paboritong kuwento?

Ang wattpad ay isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang


tinatangkilik ng maraming kabataan ngayon. Mula sa pangalan nito, wattpad, ito ay
literal na “PAD” o sulatan. Ito ay isang uri ng social networking site at isa ring online

12
community na kung saan ay maaaring makapagbasa ng mga likhang kuwento na
mala-nobela na likha rin ng mga kabataan.

- Defverlorbelle, “Mga Bagay Tungkol sa Wattpad”

Bago pa man nauso ang Wattpad may mga akda na rin tayo na nakapokus sa
banghay ng kuwento. Ito ay isinulat ng mga kilalang manunulat na tiyak na iyong
kagigiliwan at kapupulutan ng aral.

Sa bago nating aralin ay makasusuri tayo ng maikling kwento batay sa estilo


ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas.

Handa ka na bang matuto?

Halika! umpisahan na natin.

Layunin

Sa aralin na ito, inaasahan na nasusuri mo ang maikling kuwento batay sa


estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay.

Talasalitaan
Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito. Basahin
natin.
1. Huwaran- magandang halimbawa

2. Kalupi- pitaka o wallet sa Ingles.

3. Hinablot – biglang inagaw

4. Patibong- bitag

Ano ba ang alam mo na sa ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

PAALALA: Maaaring pakinggan ang mga akda sa internet na Sino ang Bayaning
Pilipino? Ni Manilyn M. Lalunio. Kung wala namang internet ay maaari itong ipabasa
sa magulang o mga kasama sa bahay.

Panuto: Suriin ang napakinggan o binasang akda batay sa estilo ng pagsisimula,


pagpapadaloy at pagwawakas. Isulat sa kahon ang iyong kasagutan. Gawin ito sa
kuwaderno osagutang papel.

13
(Pamagat)

Paano sinimulan ang talata? _____________________________________


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Anong estilo ang ginamit sa pagpapadaloy ng talata? _______________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Paano winakasan ang talata? ______________________________________


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

O, di ba kayang-kaya mong suriin ang estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at


pagwawakas ng nabasang salaysay.

Halika, may inihanda pa akong kuwento para sa iyo.

Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin mo ang akdang Ang kalupi ni Benjamin Pascual. (: Libosada, Teofanio G. Jr.,
“Suring Basa ng Maikling Kwento “Ang Kalupi” ni Benjamin Pascual”)

Paano sinimulan ng may- Sa simula ng kuwento ay inilarawan ang


akda ang paglalahad ng tagpuan at ang pangunahing tauhan
kuwento?

Ang may-akda ay gumamit ng mga


Anong estilo ang ginamit ng diyalogo sa paglalahad ng kuwento. Ito
may-akda sa pagpapatuloy ng ay nakatulong upang madaling
kuwento? Nakatulong ba ito sa matukoy ang kakaharaping suliranin ng
paglalahad ng suliraning mga tauhan sa kuwento.
kakaharapin ng tauhan?

14
Ang tunggaliang ginamit sa akda ay tao Anong tunggalian ang
laban sa tao. Dahil sa pinagbintangan ni ginamit sa akda?
Aling Marta ang bata na ito raw ang
nagnakaw ng kaniyang kalupi.

Ipagpatuloy mo ang pagbasa at sagutin ang mga tanong.

Winakasan ang kuwento sa


Paano winakasan ng may- pamamagitan ng pagkakaroon ng
akda ang kuwento? kalinawan na totoo ang sinasabi ng bata
at nagkamali lamang si Aling Marta sa
kaniyang bintang.

Ipagpatuloy mo.
Sinuri ko ang ang maikling kwento
Paano mo sinuri ang maikling batay sa estilo ng pagsisimula,
kuwento batay sa estilo ng pagpapadaloy at pagwawakas sa
pagsisimula, pagpapadaloy at pamamagitan ng pagtukoy sa paraan
pagwawakas? na ginamit ng may-akda sa
paglalahad ng kaisipan sa bawat
bahagi ng kuwento.

Mahalagang masuri ang maikling Bakit mahalaga ang pagsusuri


kuwento batay sa estilo ng ng maikling kuwento batay sa
pagsisimula, pagpapadaloy at estilo ng pagsisimula,
pagwawakas sapagkat sa tulong nito pagpapadaloy at pagwawakas?
ay mas lalo pa nating nauunawaan ang
ugnayan ng mga pangyayari at ang kabuoan ng mensahe ng akdang binasa.

Yehey! Nasusuri mo na ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,


pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay. Maaari mo nang gawin
ang sumusunod na mga pagsasanay. ☺

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

15
Basahing mabuti ang akdang Nagkamali ng Utos. (Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang
Asyano 9.108-109)

Pagsasanay 1

Panuto: Buuin ang dayagram sa ibaba upang masuri ang binasang akda batay sa
estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas. Gawin ito sa kwaderno.

WAKAS
KAKALASAN
KASUKDULAN
TUNGGALIAN
SIMULA

Dahil madali mo lang nasagutan ang unang pagsasanay, narito ang


ikalawang pagsasanay na magpapatibay ng iyong kaalaman.

Pagsasanay 2

Basahin mo ang akdang Nagkaroon ng Anak sina Wigan at Bugan. (Muling


isinalaysay sa Ingles ni: Maria Luisa B. Aguilar-Cariño. Isinalin ni: Vilma C. Amba)
(Ambat, Vilma C. et al., Panitikang Pandaigdig Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral. 23-24)

Panuto: Suriin ang binasang akda batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at


pagwawakas. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa kwaderno.

Kasukdulan

Kakalasan
Tunggalian
Simula Wakas

Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

16
Pagsasanay 3

Basahin mo ang epiko ng Hindu (India) na Rama at Sita. Isinalin sa Filipino


ni Rene O. Villanueva). (- Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9. 182-183)

Panuto: Suriin ang binasang akda batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at


pagwawakas. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa kwaderno.

Kasuk-
dulan
Tungga- Kakala-
lian san
Simula Wakas

Upang masukat ang iyong pagkatuto sa buong aralin, narito ang pinakahuling
pagsubok na kailangan mong sagutin.

Panapos na Pagsubok

Basahin mo ang akdang Rihawani. (Ambat, Vilma C. et al., Panitikang Pandaigdig Filipino 10
Modyul para sa Mag-aaral.179-180.)

Panuto: Suriin ang binasang akda batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at


pagwawakas. Sundin ang pormat sa ibaba. Gawin ito sa kwaderno.
Bahagi Mga Pangyayari

Simula

Tunggalian

Kasukdulan

Kakalasan

Wakas

17
Karagdagang Gawain
Panuto: Maghanap sa internet o aklat ng isang maikling kwento. Suriin ito batay sa
estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas. Sundin ang pormat sa ibaba.
Gawin ito sa kwaderno.

Pamagat

Bahagi Mga Pangyayari


Simula
Tunggalian
Kasukdulan
Kakalasan
Wakas

18
19
Panimulang Pagsubok
Simbolismo / Imahe Pagpapakahulugan
1. Tala Sumisimbolo ng liwanag at
nagniningning na nagdadala ng
kaligayahan ang taglay na
kagandahan
2. Bulaklak Ang dalagang Pilipina ay may
kaakit-akit na kagandahan na
nakabibighani.
3. .Batis ng ligaya Sumisimbola na ang dalagang
Pilipina ay likas na masayahin at
karapat dapat sa isang tunay na
pagsinta.
Pagsasanay 1
Imahe/ Simbolismo Pagpapakahulugan
Hari Sumisimbolo sa kapangyarihan
dahil sa kapangyarihang
mapasunod ang mga
nasasakupan.
Araw Sumisibolo sa labis na
kapangyarihan at lahat ng labis
ay nakakasama.
Ulap Ito ay sumimbolo ng
kapahingahan.
Bato Sumisimbolo sa katatagan.
Hashnu (tao) Sumimbolo sa taong di
marunonng makuntento ngunit
sa huli ay natutunan na bigyan
halaga ang kanyang taglay na
kakayahan.
Susi sa Pagwawasto (Aralin 1)
20
Pagsasanay 2
Mga maaring kasagutan
Simbolismo / Imahe Pagpapakahulugan
1. Ubasa Sumisimbolo sa ating mundong
ginagalawan.
2. Manggawa Ang mga taong may ibat ibang
papel na ginagampanan at
paniniwala.
3. Pilak Sumisimbola sa gantimpala o
resulta ng ating pagtyatyaga
4. Oras Ito ang panahon at pagkakataon
na ibinigay sa atin.
5. May-ari ng Ubasan Sumisimbolo sa ating panginoon
na nagpapakita ng pantay na
pagtingin sa lahat.
Pagsasanay 3
Imahe/Simbolismo Bahagi ng Kwento Pagpapakahulugan
Mga laruan Unang Sabado Ipinakita rito ang
kasiyahan at
magkakaroon ng iang
pagdiriwang.
Beyblade Ikalawang Sabado Sumisimbolo ng
kasiyahan
Paghihirap Ikatlong Sabado Ipinakita rito kung
paanong paghihirap ang
dinaranas ng bata.
Panghihina Ikaapat na Sabado Ipinakita kung paano
unti-unti nang nawawalan
lakas ang bata.
Katapuan/ Ikalimang Sabado Sumimbilo ng pagtatapos
Kamatayan ng paghihirap.
Pagtanggap Ikaanim na Sabado Nagpapakita na patuloy
na paglaban at tanggapin
ang mga nagyari.
21
Pangwakas na Pagsubok
Ningning Liwanag
Ang ningning ay nakakasilaw at Ang liwanag ay kinakailangan ng
nakasiira ng paningin. mata.
Ang ningning ay madaya, Sumisimbolo sa tamang
halimbawa ay ang bubog na na pamamaraan.
nakasusugat. Pag-ibig at dalisay
Mapagkunwari.
Karagdagang Gawain
Imahe/ Simbolismo Pagpapakahulugan
Upuan Sumisimbolo sa pwesto o
katungkulan.
Mataas na Pader May katungkulan at protektado.
Plato’t Kutsara na di kilala ang Sumisimbolo ng karangyaan.
tutong
Sumisimbolo ng karangyaan a
Hamon buhay na di pangkaraniwan.
Panawagan Ito ang Imaheng mabubuo sa liriko
ng kanta na nananawagan sa may
katungkulan.
22
Panimulang Pagsubok
1. Maghintay sa tamang pagkakataon at panahon na ipinagkaloob sa atin.
2. Ang lahat ng kabutihang ginawa ay mag kapalit na pagpapala.
3. Ang may mabuting kalooban ay may natatamong biyaya at ang
nagmamalaki/nagmamayabang ay walang pagpapala.
4. Kung ano ang masama sa atin, huwag natin itong gawin sa kapwa natin.
5. Ang pagtulong ay nararapat na bukal sa ating kalooban at walang hinihintay
na kapalit.
Pagsasanay 1
Kasingkahulugan Kasalungat
1. Hindi sasapat labis/sobra
2. Natigilan natuloy
3. Marumi malinis
4. Sinaid maraming tira
5. Mahirap mayaman
Pagsasanay 2
1. Sasapat – sosobra
2. Di-natuloy – natuloy
3. Madumi – malinis
4. Inubos – nagtira
5. Mahirap – mayaman
Pagsasanay 3
1. Maghintay sa tamang oras at pagkakataon na ipinagkaloob sa atin.
2. Ang isang maliit na pagkakamali/kasalanan ay mananatili pa ring
pagkakamali/kasalanan.
3. Gumawa at magtrabaho ang isang tao at samahan ito ng panalangin upang
magkaroon ng biyaya.
4. Ang laging sinasabi ang tunay na nilalaman ng puso at isipan.
5. Kapag mayroon tayong pinaghirapan may kapalit itong tagumpay.
Pangwakas na Pagsubok
1. Ang tao ang nagtatakda ng kanyang kaligayahan
2. Kapag ating pinaghirapan, mas pinahahalagahan ito hanggang sa kaliit-
liitang bagay
3. Mga sandaling dama ang sobrang sakit at tanging pagluha at mpit ng hikbi
ang namutawi
Susi sa Pagwawasto (Aralin 2)
23
Panapos na Pagsubok
Salita kahulugan kasalungat
Kapiling kasama malayo
Pinaglingkuran pinagsilbihan pinabayaan
Magkatuwaan magkasiyahan kalungkutan
Lumustay nag-ubos nagtira
Magalak matuwa malungkot
Nasumpungan natagpuan nawala
24
Panimulang Pagsubok
Pamagat: Sino ang Bayaning Pilipino?
Paano sinimulan ang talata? Gumamit ang may akda ng pagbibigay ng mga
kilalang tao bilang halimbawa ng mga bayani. Gumamit din sya ng mga tanong.
Anong estilo ang ginamit sa pagpapadaloy ng talata? Nagbigay ng mga
halimbawang itwayon upang mas maibigay ng malinaw ang layunin ng
salaysay.
Paano winakasan ang talata? Winakasan ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng
hamon sa kabataan na gawin ang kanilang responsibilidad bilang kabataan at
tingnan ang sarili bilang isang bayani.
Pagsasanay 1
Simula: Ipinakilala ang mga tauhan.
Tunggalian: Ang naging tunggalian ay ang labanan sa pagitan ng mga tutubi
at mga unggoy.
Kasukdulan: Ang labanan sa pagitan ng mga tutubi at mga unggoy.
Kakalasan: Nakita ng pinuno ng mga matsing ang pangyayari. Napagtanto
niya na siya ay nagkamali siya ng utos.
Wakas: Natapos ang labanan ay nakabulagtang lahat ang mga matsing.
Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at lumipad na
mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong
kahariang Matutubina. Naging maganda ang wakas ng kwento.
Pagsasanay 2
Simula: Nagsimula ang akda sa pamamagitan ng pagpapakilala sa mga
tauhan sa pamamagitan ng dayalogo.
Tunggalian: Ang naging tunggalian ay tao laban sa sarili.
Kasukdulan: Ang pagbabalak ni Bugan na mamatay na lamang dahil sa hindi
pagkakaroon ng anak.
Kakalasan: Inihatid ng mga diyos si Bugan kay Wigan. Tinuruan nila ang
mag-asawa ng panalanging dapat nilang sambitin sa pagsasagawa ng ritwal
na Bu-ad.
Wakas: Ang pagkakaroon na ng anak ni Wigan at Bugan.
Susi sa Pagwawasto (Aralin 3)
25
Pagsasanay 3
Simula: Ipinakilala ang mga tauhan at ang tagpuan sa kwento.
Tunggalian: Ang naging tunggalian ay tao laban sa tao. Dahil ito ay mayroong
labanan sa magkabilang panig.
Kasukdulan: Ang pagdukot kay Sita ang pakikipaglaban nila kay Ravana.
Kakalasan: Matagal na naglaban sina Rama at Ravana hanggang sa mapatay ni
Rama ang hari ng mga higante.
Wakas: Natapos ang labanan nagtagumpay si Rama laban kay Ravana at
nagkasama na silang muli ni Sita.
Paanapos na Pagsubok
Simula: Ipinakilala ang tauhan.
Tunggalian: Ang naging tunggalian ay tao laban sa tao
Kasukdulan: Nabaril si Rihawani na nag=anyong Usa
Kakalasan: Isinumpa ni Rihawani ang lalaki
Wakas: Hindi na natagpuan ang lalaki ng kanyang mga kasama
Panapos na Pagsubok
Nakadepende ang sagot sa mag-aaral.
Sanggunian

Aralin 1
Aklat
➢ Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine Interlinks
Publishing House, Inc., 2014.
➢ Baisa-Julian, Aileen G. et al, Pinagyamang Pluma 9. Quezon City: Phoenix
Publishing House Inc., 2014.
➢ Baisa Ailene G. et. al, Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan
Ikatlong Taon, Quezon City: Phoenix Publishing House., 2004.

Internet
➢ https://www.pngfuel.com/free-png/oyzcv
➢ https://www.pinteret.ph/annie99lee/superman-clipart-free/
➢ https://www.azlyrics.com/lyrics/gloc9/upuan.html

Aralin 2
Aklat

Sevilla, Kristine I. let al, Tuklas Aklat sa Wika at Panitikan 9. Sampaloc, Manila:
Magallanes Publishing House 2015

Sevilla, Kristine I. let al, Tuklas Aklat sa Wika at Panitikan 10, Manila: Magallanes
Publishing House 2015

Aralin 3

Aklat

Baisa, Ailene G. et al., Pluma Wika at Panitikan sa Mataas na Paaralan II. Quezon
City: Phoenix Publihing House, Inc. 2004.

Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine Interlinks


Publishing House, Inc., 2014.

Ambat, Vilma C. et al., Panitikang Pandaigdig Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral.


Vibal Group Inc., 2015

Internet
Defverlorbelle, “Mga Bagay Tungkol sa Wattpad,” February 05, 2018 at
Wordpress.com. https://belle01222001.wordpress.com/2018/02/05/mga-bagay-
tungkol-sa-wattpad/amp/.

Libosada, Teofanio G. Jr., “Suring Basa ng Maikling Kwento “Ang Kalupi” ni


Benjamin Pacual” March 28, 2017 at Blogspot.com.
http://libosada11.blogspot.com/?m=1

26
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like