Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Eleazar G.

Anaya January 20, 2021

BS Psychology 2E Ms. Karla Bajada

Totoong- totoo. ‘Yan lang ang masasabi ko sa lahat ng mga akdang naisulat ni Rolando
Tolentino. Tila ba’y binabasa ni Rolando ang aking isipan. Parang ako yung ginawa n’yang
basehan habang sinusulat n’ya ang kanyang mga akda partikular ang “Ang Mundo Ayon sa
Instant Noodles” at “Major Major.” Madaling naipabatid ng awtor ang kanyang nais sabihin.
Mabuti na lang din at sa madaling paraan ng pagsusulat n’ya ginawa ang mga akda kundi
mahihirapan akong kunin ang gist ng bawat artikulo. Maliban sa paraan ng pagsulat ni Rolando
na talaga namang saludo ako ay gumamit rin s’ya ng mga napapanahong kaganapan noon. Para
kasi sa akin, mas nagiging epektibo ang akda kapag base ito sa mga napapanahong isyu sa
lipunan o di kaya nama’y sa eksperyensiya. Naniniwala ako na nagkaroon ng kaunting
pagbabago sa aking sarili matapos kong basahin ang unang babasahin na pinamagatang “Ang
Mundo Ayon sa Instant Noodles” Sobrang totoo naman kasi talaga na mas pipiliin na ngayon ng
mga kabataan ang mas mabilis, instant kumbaga. Kung ikukumpara sa matagal at mahabang
proseso ay mas nakakabighani pa rin ang mabilis na paraan. Maging sa aspeto ng pag-aaral ay
applicable ito. Sa totoo lang, hindi na ako ganoon kainteresado sa pag-aaral dahil hindi naman
kasi ako tulad ng ibang estudyante na natututo na sa pamamagitan lamang ng self-review. Mas
pipiliin ko pa din ang pumasok sa paaralan at makinig sa mga lecture ng aking guro o propesor
dahil mas naniniwala akong may mas marami silang alam. Mas natututo rin kasi ako kung
naipapaliwanag sa akin sa wikang Filipino ang mga binabasa ko. May mga aralin kasi na purong
Ingles ang pagkakalathala at karamihan dito ay sa malalim na translasyon nakasulat. Alam ko na
kinakailangan kong mag-exert man lang ng effort dahil ako ang estudyante at hindi sa lahat ng
panahon ay ibibigay sa amin ang lahat ng nais namin, kung kaya’t napaka-totoo sa akin ng
artikulong “Ang Mundo Ayon sa Instant Noodles” dahil ito ang eksakto kong nararamdaman sa
kasalukuyan. Dahil sa ito na rin ang kadalasang ginagawa ng iba (conformity) pinili ko na ding
gawin. Alam kong mali, pero ito ang mas madali. Konektado rin ang akdang ito sa kulturang
popular. Isa sa nakilala sa kulturang popular ay ang pag-usbong ng pinadaling proseso ng
komunikasyon.

Kung noon ay radyo, dyaryo, telebisyon at magasin lang ang ating media para malaman
kung anong uso, anong sikat at ano ang popular, sa panahon ngayon, napakamoderno na ng
teknolohiya at napakadali na para sa mga tao na makiuso at magpauso sa pamamagitan ng lahat
ng uri ng media --lahat ng nabanggit kanina at idinagdag pa ang internet. Bakit ba
napakaimportante sa mga tao makasabay sa uso? Ano nga ba talaga ang kulturang popular?
Ating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng uso o mas pormal na kilala bilang kulturang
popular. Ang kulturang popular ay masasabi nating isang paraan ng mga tao para maramdaman
ang pagtanggap sakanila ng nakararami. Ang pag-ayon sa kulturang popular, ang nagpapadama
sa mga tao na tanggap sila sa modernismo dahil ang kulturang popular ay kadalasang
nagmumula sa mga modernong produkto ng mga kumpanya at modernong mga bansa. Ang
kulturang popular ang kadalasang nagbibigay ng depinisyon kung ano ang maganda at kung ano
ang katanggap-tanggap. Ang kulturang popular ay maaaring teknolohiya, pagkain, kasuotan,
musika at iba pa. Ito ay ang mga pinagsasama-samang kultura na itinatakda ng
makakapangyarihang tao, kumpanya at bansa. Ginagamit ito ng mga ordinaryong tao para
maipahayag ang kanilang pagsang-ayon sa isang kultura, pati na rin maipakilala ang kanilang
sarili. 

Konektado, totoo at hindi maitatanggi na kinakailangang baguhin ang ganitong


kaugalian.

You might also like