Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DOKUMENTASYON SA PAGGAWA NG ISANG BAGAY O PRODUKTO

Panimula
Hindi rin maitatanggi ang kagustuhan ng indibidwal sa patuloy na pagkatuto, kung kaya’t lagi
tayong bukas sa pagkakaroon ng mga bagong kaalaman. Mas madaling matutunan ang iba’t ibang bagay
kung may akses sa mga materyales na nagtuturo kung paano ito magagawa. Kalimitang may sinusunod
na proseso o mga hakbang sa paggawa ng isang bagay. Nakalagay rin ang mga espesipikong gamit na
kinakailangan upang mabuo at magawa ang isang bagay bago ang mga hakbang sa paggawa. Maaari ding
maglagay ng mga larawan para sa bawat hakbang upang makita nang mambabasa ang dapat na
kalabasan sa bawat proseso. Marapat lamang na sundin ang mga ito upang hindi magkamali at maging
angkop ang kinalabasan ng isang gawain. Malaking tulong ang dokumentasyon ng mga ito upang higit na
maging madali para sa mga tao ang sumunod sa mga hakbang na nakasaad dito.
Unang Bahagi
Kalimitang naglalaman ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ng mga
proseso kung paano binubuo ang isang bagay. Dahil usapin ito ng proseso, napakahalaga ng kronolohiya
o pagkakasunud-sunod ng bawat hakbang sa paggawa nang sa gayon ay maging maayos at wasto ang
kalalabasan ng produktong gagawin.
Mga kalimitang nilalaman at katangian ng isang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o
produkto.
1. Mga kailanganin sa paggawa ng isang bagay o produkto
2. Mga hakbang sa paggawa ng isang bagay o produkto.
3. Detalyado ang pagkakalahad ng bawat hakbang upang maging malinaw ito sa mga mambabasa.
4. Kalimitang payak at direkta ang pagkakabuo ng mga pangungusap na nagsasaad ng mga hakbang
upang hindi magdulot ng kalituhan sa mga babasa.
5. Maaaring magtaglay ng mga ilustrasyon o larawan ang dokumentasyon na nagdadagdag ng kalinawan
sa ipinapakitang paraan ng paggawa.
Ikalawang Bahagi
Mga punto:
1. Ang dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto ay nagtataglay ng mga kailanganin,
hakbang o proseso ng paggawa ng isang bagay. Isinusulat ito upang maging gabay sa kung paano gagawin
o bubuuin ang isang bagay o produkto.
2. Mahalagang panatilihin ang kronolohiya ng mga hakbang sa paggawa ng isang bagay upang
makapaghatid ng wastong impormasyon sa mga mambabasa.
3. Maaari ding maglakip ng mga larawan upang higit na makita ang biswal na anyo ng produktong
ginagawa.
4. Upang hindi magkamali sa paggawa ng isang bagay, napakahalaga ng pagsunod sa mga hakbang na
nasa dokumentasyon.
5. Pormal ang paggamit ng wika sa pagsusulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto
at inaasahang payak, malinaw, at tiyak ang pagkakasulat ng mga hakbang upang maging madali ang pag-
unawa ng mga mambabasa.
Paglalagom/Pagbubuod:
Dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay o produkto
Sa pagsulat ng dokumentasyon sa paggawa ng isang bagay, mahalaga ang paglalahad ng mga
kailanganin sa paggawa nito, gayundin ng kronolohikal na pagkakaayos ng proseso ng paggawa nito.
Nakatutulong ang mga ito upang maging wasto at angkop ang kalalabasang produkto matapos sundin ang
mga impormasyong nakalahad sa dokumentasyon.

You might also like