Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Munting Paru-paro

Una sa lahat bago ko basahin ang aking simpleng kwento, nais ko muna kayong batiin ng
magandang hapon. Ako si Aurora-na mahilig sa matatamis at kulay bughaw. Nakatira sa Brgy. ng San
Juan, Allacapan, Cagayan. Labin-anim na taong gulang at nasa ikasampung baiting na sa hayskul.
Kayumanggi at katamtaman lang ang tangkad. Hidi ko masasabing masayahin akong bata pero masaya
ako. Hindi ko masasabing matalino ako pero meron din akong ibubuga. Hindi ko masasabing maganda
ako pero para sa akin walang ginawang pangit ang Diyos.

Lahat tayo ay may sari-saring kwento na nagpapabukod-tangi sa bawat isa sa atin. Noong bata
pa lamang ako ay mahilig na akoong manuod sa T.V. ng iba’t-ibang palabas hanggang ngayon na kahit
wala akong maintindihan sa mga sinasabi nila, nauunawaan ko naman ang kanilang mga kilos. Palagi
akong naiiwan mag-isa sa bahay dahil si papa nasa bukid tapos sina mama at ate nasa paaralan. Imbes
na makipaglaro sa labas ay nagkukulong ako sa loob ng bahay at nanood na cartoon drama at mga
action movies. Kung sa ibang bata ay mga bahay-bahayan at mga Barbie doll ang ginagawa ako naman
ay nakatutok lang sa aming telebisyon-ito na ang bumuo sa aking pagkabata. Hindi ko naranasan na
malaro sa labas at magtuklas ng iba’t-ibang bagay kasama ng aking mga kalaro. Kaya naman hindi ko
masyadong naenjoy ang aking pagkabata na naging epekto ng pagiging hindi mulat at ignorante sa mga
bagay-bagay na nakapaligid sa akin.

Mabilis lumipas ang panahon. Sinong mag-aakala na ang isang batang nakakulong lang sa isang
silid ay nasa harapan niyo ngayon. Ang isang batang mahiyain ay ngayong nagsasalita at linalabanan ang
kaniyang kaba. Ngayong isa na akong ganap na kabataan o teen, nagbabago na ang aking sarili. Mula sa
pananamit, pananalita, pag-aayos at pakikitungo. Kaming tatlong magkakapatid ay puro babae kaya
hindi maiiwasan ang mga BAWAL. Strikto si papa sinabayan pa ni mama, pero para sa akin ay normal
lang na maging istrikto sila kasi mga babae kami. Alam ko ang nais nilang iparating sa mga pangaral na
sinasabi nila-na ang tanging kaligtasan lang naman naming ang kanilang inaasam sa tuwing nagagalit
sina mama at papa.

Pero minsan kapag lahat ay bawal, nakakasakal na. Hindi ka na makahinga. Sinusunod mo
naman lahat nga mg utos nila, kaya lang minsan bilang kabataan gusto din nating magrelax. Yung
mamasyal ka, gagasto(syempre hindi yan maiiwasan), maglaro kasama ang barkada ganun. Kasi parte
yan ng pagiging kabataan. Minsan nga naiinggit ako sa mga kaibigan ko kase yung naiisleep over sila sa
bahay ng isa tas manonood tas may pagkain, iniimagine ko palang parang ang saya na.

Kaya lang dahil strikto sila at medyo exaggerated kung mag-isip dala na rin siguro ng katandaan
at palaging pag-inom ng kape. Yan nga yung palagi kong sinasabi kaya mama, na”Afu manga ta ngamin
kape kay nga kape kitan yu man ta rupa yu ney nakabakbaket langa yun nakamisuut kay pay” tas ngingiti
na siya. Minsan din naman si papa kapag good mood nasasakyan ko trip niya pero kapag galit, hay nako
shut up ka nalang.

Inaami ko na hindi perpekto ang aking pamilya. Minsan dahil sa palagi silang wala sa bahay dahil
nagtratrabaho sila, hindi nila namamalayan na nawawalan na sila ng oras sa amin. Ang pagmamahal pag-
aaruga at atensyon lang naman nila ang tangi naming hiling hindi ang mga material na bagay. Minsan
dahil wala sila, sinasarili ko nalang ang mga problema ko kasi wala akong mapagsabihan, naiiyak nalang
ako kasi hindi ko na alam ang aking gagawin. Pero sa lahat nga pagkukulang nila, mahal na mahal ko pa
rin sila at nagpapasalamat akosa Diyos dahil biniyayaan niya ako ng kompletong pamilya.

Aurora Mae Fabre

You might also like