Panukala Sa Pagpapagawa NG Breakwater para Sa Barangay NG Bacao

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA

BARANGAY NG BACAO

Mula kay Leah Grace L. Delgado


324 Purok 10, Tiburcio Luna Avenue
Barangay Bacao
General Trias, Cavite
Ika-11 ng Disyembre, 2015
Haba ng Panahong Gugugulin: 3 buwan at kalahati

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Barangay Bacao sa mabilis na umuunlad na barangay ng bayan ng
General Trias sa Cavite. Ito ay nanatiling pamayanang agrikultural bagama’t unti-
unti na ring nagsusulputan ang mga pabrika sa lugar nito.
Isa sa mga suliraning nararanasan ng Barangay Bacao sa kasalukuyan ay ang
malaking pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking
problema sa mga mamamayan tulad ng pagkasira ng kanilang mga bahay,
kagamitan, at maging ng mga pananim. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang
pag-apaw ng tubig sa ilog na nanggagaling sa bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang barangay ng isang breakwater o pader na
pipigil sa mabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog. Kung ito ay maipapatayo
tiyak na di na kakailanganin pang ilikas ang mga mamamayan sa ligtas na lugar.
Higit sa lahat, maiiwasan din ang patuloy na pagguho ng mga lupa sa tubig ng ilog.
Kailangang maisagawa na ang proyektong ito sa madaling panahon para sa
kapakanan at kaligtasan ng mga mamamayan.

II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makakatulong upang mapigilan ang
pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan at
maging ang kanilang mga ari-arian at hanapbuhay sa susunod na buwan.
III. Plano na Dapat Gawin
1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (7 araw)
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng breakwater o pader (2 linggo)
 Ang mga contractor ay inaasahang magsusumite ng kani-kanilang
tawad para sa pagpapatayo ng breakwater kasama ang gagamiting
plano para rito.
3. Pagpupulong ng konseho ng barangay para sa pagpili ng contractor na
gagawa ng breakwater (1 araw)
 Gagawin din sa araw na ito ang opisyal na pagpapahayag ng napiling
contractor para sa kabatiran ng nakararami.
4. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng konseho ng
Barangay Bacao (3 na buwan)
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga


I. Halaga ng pagpapagawa ng Php 3,
breakwater batay sa isinumite ng napiling 200,000.00
contractor (kasama na rito ang lahat ng
materyales at suweldo ng mga trabahador)

II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20, 000.00


pagbabasbas nito

Kabuoang Halaga Php 3,


220,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging
kapakipakinabang sa lahat ng mamamayan ng Barangay Bacao. Ang panganib sa
pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan.
Di na makakaranas ang mga mamamayan ng pagkasira ng kanilang tahanan
at mga kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking apekto sa kanilang
pamumuhay. Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang mga puso ng
bawat isa tuwing sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang hindi agad aapaw ang tubig
sa ilog sa tulong ng ipapatayong mga pader.
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng barangay
sa paglilikas ng mga pamilyang higit na apektado ng pagbaha sa tuwing lumalaki
ang tubig sa ilog. Gayundin, maiiwasan ang pagkasira ng pananim ng mga
magsasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito,
Tiyaking ligtas ang buhay ng mga mamamayan ng Barangay Bacao.
Ipagawa ang breakwater o pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon
ng tag-ulan.

You might also like