Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Impormatibong Abstrak: Karanasan ng Batang Ina

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ag mabigyang linaw at maintindihan ang mga


pagsubok na napag dadaanan ng mga batang ina sa kanilang murang edad sa anim na
aspeto, Ang mga ito ay emosyonal, espiritwal, pinansyal, relasyonal at sosyal. Ang layunin ng
pananaliksi na ito ay malaman o matukoy kung ano-ano ang mga negatibo o positibong
pinagdadaanan ng mga batang ina sa mga nabanggit naspeto Ang sinabing pananaliksik ay
sumailalim sa quantitative method at ginamitan ng non-random convenient sampling.
Natuklasan sa pag-aaral na ang mga dalagang ina na nasa hayskul ay mas malaki ang
posibilidad na huminto sa pag-aaral. Mas marami ri ang bilang ng mga batang ina na ang
edad ay nasa 17-18 kumpara sa mga batang ina na ang edad ay nasa 12-15. Mas marami
angmga batang iba na tumigil sa pag-aaral matapos manganak kaysa sa mga nagpatuloy sa
pag-aaral dahil mas nadadagdagan ang kanilang mga responsibilidad sa buhay. Positibo ang
naging resulta sa aspetong emosyonal sapagkat itinuring itong pagsubok ng mga batang ina
sa kanilang buhay. Ngunit marami din namang naging negatibong resulta patungkol sa
espiritwal, mental,sosyal at pinansyal na aspeto. Nabawasan ang panahon ng mga batang
ina upang makasimba tuwing araw ng lingo at nakakalimutan na din ang pagdarasal sa
Diyos. Nakakukuha man ng tamang oras ng pagtulog ang mga batang ina tuwing gabi, hindi
naman maiiwasang mag-isip ang mga ito ng negatibong isipin tulad ng pagpapalaglag sa mga
bata at paglalayas mula sa pamilya. Bagamat karagdagang responsibilidad ang pagkakaroon
ng bagong miyembro ng pamilya, sa tulong at suporta ng mga kamag-anak ng batang ina ay
natutugunan pa rin ang mga pangangailangan ng bata. Sa kabila ng pagkakaroon ng anak sa
murang edad, mas nangingibabaw pa rin ang mga pagtanggap at pagintindi ng pamilya
tungkol sa sitwasyon ng anak. Sa makatuwid, lima sa anim na aspeto ang nagkaroon ng
positibong resulta at iisa lamang ang lumabas na negatibo.

Ang pag-aaral na ito ay nagbibigay dahilan upang mas lawakan ng mga magulang ang
kanilang pag-unawa at mas magabayan pa ang kanilang mg anak upang maiwasan ang
pagoging isang batang ina. Magbibigay kaalaman din ito sa mga kabataan kung ano-ano ang
maaaring ppagdaanan ng isang batang ina. Magsisilbi din itong paalala sa mga kabataan na
hindi sa lahat ng oras ay nandiyan ang kanilang mga magulang upang gumabay sa kanla
kaya’t dapat na matuto ang mga akabataan sa pag-isipang mabuti at pangatawanan ang
mga desisyon na gagawin nila sa kanilang buhay. Magsisilbi din itong gabay upang mas lalo
pang lumawak ang kaalaman tungkol sa susunod pang mga pananaliksik.

Pamagat ng Pananaliksik: Karanasan Ng Isang Batang Ina: Isang Pananaliksik

Mananalliksik: Gisella A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando BS in Psychology

URL: Lpulaguna.edu.ph

You might also like