Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Message of the Hon. Congw. Henedina R.

Abad on the
occasion of the “Garlic Marketing- Send off program” for the garlic
producers in Region 2.

The Hon. Governor, Ruth Padilla, the Hon. Mayor, Lucita Tan, the
Hon. Brgy. Captain, Leonardo Marcelo, Director Lucrecio Alviar Jr.,
Director Leandro Gazmin, Director Jennifer Remoquillo, Mr. Carlito
Floresca, Chairman of the Aritao Farmers Marketing Cooperative, Mr.
Arnold De Sagon, Coordinator of the Itbayat Garlic Producers and
Multipurpose Cooperative, at sa lahat po ng ating mga panauhin...Isang
masigla at mapagpalayang umaga po sa inyong lahat.

Unang- una po, ako’y nagpapasalamat sa inyong paanyaya para


dumalo sa “Paghahatid Kalakal na Bawang” o kung tawagin ay
Ceremonial Send-off program, para maihatid at maipamudmod sa ibat-
ibang dako at pamilihan sa ating kapuluan.

Bilang isang kabilang na lalawigan sa Region 2, ang Batanes ay


nakikiisa sa inyo, para muling buhayin, patatagin, at mas palaguin ang
industriya ng bawang, hindi lamang sa Nueva Vizcaya at Batanes kundi
sa ibat-ibang dako ng ating kapuluan. At sa ating pagnanais na
mapalago ang industriya ng bawang sa ating bansa, ating hikayatin ang
sambayanan mamimili na tangkilikin at bilhin ang sariling atin, sapagkat
ang lokal na bawang ay may kakaibang samyo at lasa na namumukod
tangi...wika nga, ang ating bawang ay kakaiba at may dating, saan man
lupalop ng mundo makararating.

Itong mga nakaraang mga araw at buwan, napansin po natin sa


ating mga pamilihang bayan sa buong bansa na may ibang uri ng
bawang na ibinebenta, na kung tawagin ay Taiwan na bawang. Ito po ay
insulto sa ating mga magsasaka at dagdag pasanin ng ating
pamahalaang nasyonal. Sa halip na matulungan nating kumita ang ating
mga magsasaka at mabawasan natin ang gastosing panlabas, ang ating
pamahalaang nasyonal ay umaangkat ng bawang para punuin ang
kakulangan ng ating pambansang pangangailangan.

Ang bansang Pilipinas ay likas na mayaman sa lupaing pang-


agrikultura. Ang kailangan lang natin ay wastong pagpaplano at
pagtuturo ng makabagong teknolohiya sa ating mga magsasaka para
magkaroon tayo ng sapat na supply ng produktong bawang. Sa
pamamagitan ng ating gobyerno nasyonal, at sa tulong ng ating Dept. of
Agriculture, kaakibat ang mga ibat-ibang sangay ng ating lokal na
pamahalaan sa bawat lalawigan ay makamtan natin ang layunin na
magkaroon ng sapat na supply ng bawang para sa ating pambansang
pangangailangan.

At kung maisakatuparan nating maabot ang sobra-sobrang supply


ng bawang na hihigit pa sa ating pambansang pangangailangan,
maibebenta pa natin ang sobra sa pamilihang pandaigdig. Ito po ang
mithiin ng ating kasalukuyang gobyerno.... ang magtanim at aani ng
sobra para maibenta sa ibayong dagat at makadagdag sa kita ng ating
kabang bayan. Kayo na po ang magpasya. Ang tunay na bayani ay ang
ating mga magsasaka. Sila po ay kabilang sa bumubuhay ng ating
ekonomiyang lokal. Sila rin po ang sumasagisag ng ating ugnayang
kalakalang panlabas.

Sa puntong ito, tulungan natin ang ating mga magsasaka na


kumita at mabuhay ng marangal. Tulungan natin ang ating bansa na
makaahon sa gastosing panlabas. Tulungan nating buhayin, patatagin
at palaguin ang industriya ng bawang dito sa ating bansa, lalo na ang
bawang na tubo ng Nueva Vizcaya at Batanes.
Mabuhay ang lalawigan ng Nueva Vizcaya! Mabuhay ang
lalawigan ng Batanes! Mabuhay ang ating mga magsasaka! Maraming
salamat po.

You might also like