Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL

Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija


4

MODYUL
SA
FILIPINO 8

UNANG MARKAHAN
NOBYEMBRE 04-06, 2020

I. PAMAGAT

Yunit 1: Mga Akdang Pampanitikan sa Panahon ng mga Katutubo,


Espanyol, at Hapon
Aralin 5: Panitikan: Tulalang
Epiko ng mga Manobo
Wika: Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

II. LAYUNIN

a.) Nailalahad ang mga pangyayari sa simula, gitna, at wakas ng


napakinggang epiko
b.) Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa paksa
c.) Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pang-
yayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa)

III. PAGTALAKAY

Tulalang

Epiko ng Manobo ng isang tribung mahirap si Tulalang. Habang


siya'y nasa gubat at nangunguha ng ubod ng ratan na kanilang kakainin ay
nakita siya ng matanda at ito'y naawa sa kanya. Sinabi ng matanda na
huwag silang mag-alala sa kanilang kakainin dahil simula sa araw na iyon
ay hindi na sila gugutumin at anumang nanaisin nila ay mapapasakanila.
Totoo ngang nangyari ito dahil ang matanda ay may kapangyarihan.
Simula nga noon ay nagkaroon na ng maraming pagkain ang
magkakapatid.

Nanatili pa rin ang kanilang kasipagan kahit sila'y masagana na sa


buhay. Lalong naging bantog sa buong kapuluan ang pag-unlad ng
kanilang kabuhayan kaya maraming tao na galing sa iba-ibang tribu ang
nagpunta at sumanib sa kanila at sila'y pumayag na mapailalim sa kanilang
kapangyarihan.
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
Nagpasya ang magkakapatid na tumira sa palasyo pagkaraan ng
ilang taon. 4

Isang araw ay hinamon ni Agio, ang mayabang na heneral, si


Tulalang. Nagapi niya ito sa pamamagitan ng kanyang mahiwagang
singsing at balaraw na naging sundalo at marami silang napatay. Sa
ikatlong pagkakataon ay si Tulalang na ang lumaban. Marami siyang
napatay at nang siya'y mapagod, hinalinhan siya sa pakikipaglaban ng
kanyang kapatid na si Mangampitan at pagkatapos ay humalili rin ang
kapatid nilang si Minalisin. Namatay lahat ang mga kalaban bukod kay
Agio. Nalaman nila pagkatapos na si Tulalang at si Agio pala ay
magpinsan.

Isang araw, habang natutulog sa ilalim ng isang puno si Tulalang,


dinumihan siya sa mukha ng isang uwak na nakadapo sa sanga. Sa
ganitong paraan naipagbigay-alam ng uwak ang pagdating ng isang
napakalaking higanteng kumakain ng tao. ltinuro ng uwak kung paano
matatagpuan ang naturang higante.

Pinuntahan ni Tulalang ang tirahan ng higante sa tulong ng


matandang babae upang iligtas ang magandang babaeng bihag nito.
Naglaban ang higante at si Tulalang at natalo ang higante. Nailigtas ni
Tulalang ang dalaga't inilabas siya mula sa pagkakakulong nito sa hawla.
Ang dalaga ay nagngangalang Macaranga. Naakit si Tulalang sa kanyang
kagandanan kaya niyaya itong pakasal.

Umuwi nmuna si Tulalang dahil nabalitaan niyang sinalakay ng


hari ng mga Bagyo ang kanyang kaharian at dahil dito'y nakalimutan niya
ang kanyang pangako kay Macaranga.

Mabilis niyang pinuntahan ang kuweba ng hari ng mga Bagyo


ngunit ang hangin ay wala na roon. Nakapasok siya sa kaharian sa
pamamagitan ng pagbabalatkayo bilang isang bata at siya nga ay naging
alila sa palasyo. Sa pagkakataong ito'y naitakas niya ang kanyang kapatid
na babae. Naghinala ang hari ng Bagyo na ang batang alila ay si Tulalang
kaya muli nilang nilusob ang Kulaman, ang kaharian ni Tulalang.
Naglaban ang dalawang pangkat subalit napansin ni Tulalang na bawat
mapatay nilang kaaway ay napapalitan ng dalawa, kaya habang marami
silang napapatay, lalong dumarami ang kaaway. Gumawa ng paraan si
Tulalang at siya'y nag-anyong kulasisi at kaagad niyang pinuntahan ang
kaharian ng mga Bagyo. Nakagawa siya ng paraan upang makuha ang
boteng pinag-iwanan ng kaluluwa ng hari at kanyang mga kawal.

Tumayo si Tulalang sa beranda ng palasyo sa harap ng mga


kaaway at sinabi sa hari at mga kawal nito na babasagin niya ang bote
upang mangamatay ang kanilang kaluluwa kung hindi sila susuko.
Sumuko ang hari at mga kawal at sila'y nagpaalipin kay Tulalang.

Pagkatapos nito'y sinabi ni Tulalang sa kanyang mga nasasakupan


na darating ang "sarimbar" na galing sa langit upang kunin silang lahat.
Pinaghandaan nila ito sa pamamagitan ng pananalangin sa loob ng apat na
buwan upang sila ay maging "katolosan" o kaluluwa pagdating sa langit.

Hindi nagtagal ay bumaba na nga ang "sarimbar" na hugis bangka


ngunit yari sa bato at nakasabit sa kadenang ginto. Ang

mga tao'y sumakay dito upang sila'y iakyat sa langit. May isang higanteng
nagtangkang pumutol sa kadena ng "sarimbar" ngunit napatay kaagad siya
ni Tulalang. Ang lahat ng mamamayan, kasama si Tulalang at kanyang
mga kapatid ay nagtamo ng buhay na walang hanggan at naging maligaya
sa kanilang buhay sa kalangitan.
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
4

WORKSHEET #1

IV. PAGTATAYA

Gawain 1
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitang
4
may salungguhit sa pangungusap.

1. Maraming sumanib sa kanila mula sa iba-ibang tribu.


Kasingkahulugan: ______________________________
Kasalungat : ______________________________

2. Nang mapagod si Tulalang, hinalinhan siya sa pakikipaglaban ng kanyang


kapatid.
Kasingkahulugan: ______________________________
Kasalungat : ______________________________

3. Nagapi ni Tulalang sa labanan ang mayabang na heneral.


Kasingkahulugan: ______________________________
Kasalungat : ______________________________

4. Naakit si Tulalang sa kagandahan ng dalaga.


Kasingkahulugan: ______________________________
Kasalungat : ______________________________

5. Nag-anyong kulasisi si Tulalang.


Kasingkahulugan: ______________________________
Kasalungat : ______________________________

Gawain 2

Pumili ng isang pangyayari sa akda na nais mong baguhin. Ipaliwanag


kung bakit.
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
________________________________________________________________________
4
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
________________________________________________________________________
_______
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
4

I. PAMAGAT

Aralin 5: Panitikan: Tulalang


Epiko ng mga Manobo
Wika: Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

II. LAYUNIN

a.) Nailalahad ang mga pangyayari sa simula, gitna, at wakas ng


napakinggang epiko
b.) Nakapagbibigay ng sariling opinyon tungkol sa paksa
c.) Nagagamit ang mga hudyat ng sanhi at bunga ng mga pang-
yayari (dahil,sapagkat,kaya,bunga nito, iba pa)

III. PAGTALAKAY

Banghay - Elemento ng Epiko

Ang epiko ay kuwento ng kabayanihan. Punong-puno ito ng mga kagıla-


gilalas na pangyayari.

Isa sa katangian ng epiko ang pagkakaroon ng kaisahan ng banghay. Ito


ang pinakabalangkas ng mga pangyayari sa epiko. Binubuo ito ng tatlong bahagi:
simula, gitna, at wakas.

Matatagpuan sa simulang bahagi ang tauhang kumakatawan sa kabuuan


ng salaysay, ang tagpuan na pangyayarihan ng insidente, at ang suliraning
lulutasin ng pangunahing tauhan.

Sa gitnang bahagi naman matatagpuan ang saglit na kasiglahan na


nagpapakita sa pagtatagpo ng mga tauhang sangkot sa suliranin. Gayundin ang
tunggalian ng mga tauhan. Makikita rin ang kasukdulan na iniikutan ng
kahihinatnan ng tauhan.

Malalaman sa wakas na bahagi kung paano nalutas ng pangunahing


tauhan ang suliranin. Karaniwang masaya at nagtatapos sa pagdiriwang ang
epiko.

Mga Hudyat ng Sanhi at Bunga ng mga Pangyayari

Sa komunikasyon, malaking tulong ang kaalaman sa mga pang-ugnay na


nagsasabi ng sanhi at bunga ng mga pangyayari.
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
Ang sanhi ay tumutukoy sa dahilan ng isang pangyayari. Inihuhudyat ito
ng mga salita o pariralang tulad ng dahil sa, kasi, dahil, sanhi ng, at iba pa. 4

Halimbawa:

1. Malaki na ang ipinagbago ng ating panahon sanhi ng pagkasira ng mga


kabundukan.
2. Nagdiwang ang mag-anak dahil sa karangalang natamo ng anak.

Ang bunga ay humahantong sa epekto o bunga ng mga pangyayari


na hinuhudyat naman ng mga salita o pariralang kaya, kaya naman, dahil dito, at
bunga nito.

Halimbawa:

1. Palibhasa'y mapagmahal sa magulang kaya nagtamo siya ng


magandang buhay
2. Marami ang napipinsala bunga ng pagbabago ng panahon.

May pagkakataon naman na ang sanhi at bunga ay inilalahad sa


magkabukod na pangungusap.

Halimbawa:

1. Galit na galit ang mga magulang. Nalaman nilang bumagsak sa


klase ang anak.

2. Ang mag-aaral ay nagpamalas ng pambihirang katangian sa larangan ng


bigkasan. Siya'y tinawag na kampeon.
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
4

WORKSHEET # 2
VI. PAGTATAYA

Gawain 1

Punan ng angkop na pang-ugnay na naghuhudyat ng sanhi at bunga ang


patlang ng bawat pangungusap.

1. Nakamit niya ang tagumpay ____________________ pagsisikap.

2. Mababait ang mga magulang ____________________ mababait din


ang kanilang mga anak.

3. Laganap sa bansa ang makabagong teknolohiya


____________________ makabago na rin ang mga Pilipino.

4. Unti-unti na nating nararamdaman ang pagbabago


____________________ mahusay na pamamahala ng bagong admnistrasyon.

5. Hindi siya nakakuha ng pagsusulit ____________________ matinding


trapik sa daan.

Gawain 2

llahad kung sanhi o bunga ang bahaging may salungguhit sa bawat


pangungusap at isulat sa patlang ang sagot.

____________________1. Gawa ng droga marami ang nawawala sa


sarili.
____________________ 2. Dahil sa alak at sigarilyo, marami ang
nagkakasakit sa baga.
____________________ 3. Dapat pairalin ang mabuting pag-uugali
sapagkat ito ang sukatan ng ating pagkatao.
____________________ 4. Pairalin ang mabubuting gawi, bunga nito
mapangingibabaw sa sarili ang kabutihan.
____________________ 5. Dapat iwasan ang masasamang bisyo kaya
patuloy na pairalin ang disiplinang pansarili.
CHARLES ANGEL MONTESSORI SCHOOL
Brgy. Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija
4

INIHANDA NI:

Bb. Jelina DC. Geronimo


GURO

You might also like