Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

KABANATA I

Ang Suliranin at Kaligiran nito

Introduksyon

Ang palikuran ay karaniwan sa lahat ng tao sa mundo sapagkat dito tayo naliligo, nagsisipilyo,

nagbibihis, nag-aayos at iba pa sa silid palikuran, kailangan kumpleto ang mga kasangkapan na

gagamitin. Katulad ng sabon, shampoo, conditioner at iba pang mga gamit. At yun ay kung tayo ay

nasa bahay lamang. Ngunit, kahit tayo ay nasa paaralan, kailangan pa rin kumpleto ang kasangkapan

kagaya ng handwashing soap, toilet paper at higit sa lahat malamig at hindi mainit na tubig. Kadalasan

ng mga tao ay pumupunta sa palikuran bawat oras para makapaginhawa, kailangang obserbahan at

panatilihin ang kalinisan nito upang maiwasan ang pagkakaroon ng komplikasyon sa kalusugan o

infection sa urinary bladder.

Sa pagunawa sa sitwasyong ito ay minsan mainam na maintindihan ang kalinisan sa kahit saan mang

lugar o bagay. Ang kalinisan ng palikuran ay isang napakahalaga sa iyong pasilidad. Ang isang hindi

malinis na silid palikuran ay maaaring humantong sa mga mikrobyo na maaaring makakaapekto sa

mga allergy o bacteria na maaring maging sanhi ng mga sakit at isang dahilan kung bakit kinakailangan

linisin araw-araw ang mga banyo. Ang maayos at malinis na banyo ay maaaring mapigilan ang

parehong mga ito.


KALIGIRANG KASAYSAYAN

Ayon sa mga mananaliksik na sina Leano, Lim, Lumanglas, Malabuyok, at Mancolintas

(Pebrero 2010), sila ay nagsagawa ng pamanahong papel ukol sa silid palikuran. Ayon sa kanila, hindi

nalalayo sa 2.6 na bilyong tao ang naninirahan na walang mga pangunahing pangangailangan,

napupwersang dumumi sa kalsada o di kaya naman ay magbayad upang makagamit ng pampublikong

mga palikuran. (The Truth About Toilets, Manila Bulletin, 2008 ).Ayon naman sa isang manunulat na si

Asha Krishnakumar ”Ang kawalan ng mga banyo ay nagwawasak para sa mga kababaihan. Mahigpit

itong nakakaapekto sa kanilang karangalan, kalusugan, kaligtasan at pakiramdam ng pagkapribado at

di-tuwirang kanilang literacy at produktibo” ( The absence of toilets is devastating for women. It severely

affects their dignity, health, safety and sense of privacy and indirectly their literacy and productivity. )

Ang pagkakaroon ng maganda at malinis na palikuran ay wala ng mas higit pa sa gaan ng loob

at maginhawang paligid. Ang mananaliksik ay nagsiyat patungkol sa kalinisan ng palikuran kung ito ba

ay ikinasaya sa mga mag-aaral na gumagamit at kung ano pang bagay na maaring mapabuti sa silid

palikuran. May isang kasabihan na “Madali daw malaman ang pag-uugali ng isang tao sa kanyang

bahay base sa pagpapahalaga niya sa kanilang banyo o palikuran.”Napakagandang halimbawa ng

kasabihang ito para sa ating lahat na estudyantekung saan, lahat tayo ay itinuturing ang paaralan ay

ating ikalawang tahanan. Ngunit paano kung merong mga bisita ang paaralan katulad ng mga

magulang natin o mga taga ibang school tapos makikigamit sa ating silid palikuran, ano ang maaring

reaksyon nila kung ito ay madumi at nagtataglay ito sa mga ugali ng mga estudyante ng International

Philiippine School in Al-Khobar at baka pagsabihan ito ng mga panget na comments.


Sa kasalukuyang panahon, ang silid-palikuran sa gusaling International Philippine School in Al-

Khobar masasabi kong ito ay maayos pero may mga kasangkupan din ito katulad ng: ito ay minsang

maabutan na hindi malinis, hindi kanais-nais na amoy na kung saan mapapatigil ang isang estudyante

na umihi, walang sabong panghugas ng kamay at walang toilet paper, minsan sira din ang pang flush

ng toilet. Meron din namang tubig palagi pero ito naman ay sobrang mainit dahil sa klima ng bansa.

Ang pamanahong papel na ito ay magbigay pansin at paalala sa mga estudyante ng IPSA.

Kung ano man ang mga bagay na kulang o mga dapat pang paunlarin. Gusto rin naming maitugon ang

kaligtasan ng mga estudyante sa silid-palikuran at ang kanilang privacy narin, kasi minsan may nakikita

kaming mga vandal sa mga pintuan at minsan din may pintuang butas na kung saan pwede itong

masilip ng ibang tao. Lalo na sa kalinisan at satispaksyon ng paligid ay isa sa mga importanteng

layunin ng pamanong papel na ito. Ngayon, nais naming na sana mamulat ang lahat sa tunay na

sitwasyon ng ating banyo sapagkat lahat tayo ay araw-araw na gumagamit nito. Hindi lamang ang mga

Janitor natin ang may karapatang maglinis at higit sa lahat, panatilihing malinis ang ating palikuran.

Kalahati ng bilang ng mga mag-aaral ay may sapat nang pag-iisip kung ano ang mga tama at hindi

tamang gawin. At ito ay karapat dapat na maging malinis tayo sa ating palikuran at syempre sa ating

paligid.Lahat tayo ay maaring mag-kusa para mapanatili ang natural na kalinisan ng ating palikuran.

Wala po itong bayad at walang takdang oras kung kailan dapat gawin.
BALANGKAS TEORITIKAL

Nakasaad dito ang mahahalagang teoryang binuo ng iba pang mananaliksik at dalubhasa

hinggil sa paksang may kaugnay sa isinasagawang pag-aaral.

Ayon sa Annemarieke Mooijman (2012), nag-focus din sa WASH sa Paaralan ang pag-unlad

ng mga kasanayan sa buhay at ang pagpapakilos at paglahok ng mga magulang, komunidad,

pamahalaan at mga institusyon upang magtulungan upang mapabuti kalinisan, tubig at kalinisan

kondisyon. The Child Friendly School (CFS) Manual binibigyang diin ang paniwala na maging tunay

ang child-friendly na paaralan ay dapat magkaroon ng access, kasang-ayon sa banyo at hand-washing

pasilidad, pag-access sa maiinom na inuming tubig at pamamahala ng solidong basura nang wasto

mga hangganan. Ang paaralan ay dapat ding magturo mga bata naaangkop na mga gawi sa kalinisan.

Ang bawat paaralan ay dapat magtulungan upang bumuo ng sapat na kaalaman, saloobin at

kasanayan sa kalinisan sa pamamagitan ng mga kasanayan sa buhay batay edukasyon sa kalinisan at

paglahok ng bata. Ang pagpapabuti ng pag-uugali sa kalinisan ay dapat pumunta kasama ang

konstruksiyon ng banyo at ang pagkakaloob ng ligtas na tubig at paghuhugas mga pasilidad sa mga

paaralan.

Ayon sa Pamahalaan ng India at UNICEF (2012), nag-organisa ng isang regional conference

sa WASH sa Mga Paaralan sa South Asia, sa New Delhi. Ang kumperensyang ito ay tumugon sa 4th

South Asia Conference, na ginanap sa Colombo noong Abril 2011, na nakatuon upang maitaguyod

ang profile ng WASH sa mga paaralan na may layunin na tiyakin na ang bawat paaralan ay may

gumagana, mga banyo na hindi delikado at maaring gamitin ng mga bata, hiwalay sa mga batang

babae at lalaki, sa mga pasilidad para sa pamamahala ng pangangalaga ng panregla.


Ang mga pag-aaral na ito ay nagbibigay impormasyon sa paksa ng pamanahong papel na

alamin ang antas kasiyahan ng mga mag-aaral sa paggamit nila ng silid palikuran: tungo sa lalo pang

ikaayos nito. Sa pamamagitan nito’y mababatid ang kontribusyon ng mga ito sa personal na kalinisan

ng mga estudyante ng ika-sampung baitang ng International Philippine School in Al-Khobar (IPSA) sa

kanilang sarili at ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos na kalinisan sa sarili at sa paligid nito.
BALANGKAS KONSEPTUAL

Ang grupo ay magsasagawa ng Ang grupo ay gagawa


Ang grupo ng sarbey
ay magkakaroon ng kasagutan

pagsisiyasat upang malaman ang ukol sapara


kwestyoner pag-aaral ng mga
malaman salik
kung na
sila

mga estudyanteng madalas ba aynakakaapekto


napapanatilisa kanilang
pa rin personal
ang na
kalinisan.Matukoy ang mga pangunahing salik
gumamit o pumunta ng silid kanilang personal na kalinisan sa
na nakakaapekto sa desisyon ng mga
palikuran. katawan o sa sarili. Kabilang dito
respondent.
ang pagtukoy ng kanilang
Mga salik na nakakaapekto sa
Magiging kompleto at tagumpay ang grupo sa
pinakarason kung bakit sila
kanilang personal na kalinisan.
pag-aaral mg datos ukol sa naitalang pag-
gumagamit ng silid palikuran.Dito
aaral.
din ang pagtukoy sa pangunahing

salik na nakakaimpluwensiya sa

kanilang personal na kalinisan sa

katawan o sarili.

INPUT PROCESS OUTPUT

Ang balangkas konseptuwal ng pag – aaral na ito ay ginamitan ng Input – Process – Output

Method. Ang una ang Input, dito nakalahad ang mga layunin ng pag-aaral na ito at angkop na

impormasyon sa personal na kalinisan ng mga respondent. At dito ang mga salik na nakakaapekto sa

personal na kalinisan sa katawan. Pangalawa ang Process, dito nakalahad ang mga hakbang at ang

proseso ng pagisisyasat ng mananaliksik sa ika-sampung baitang ng International Philippine School in

Al-Khboar (IPSA). Ang pangatlo ay Output, dito makikita ang kinalabasan o resulta ng pagsisiyasat ukol

sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik. Nandito ang lahat ng resulta ng mga nakalap na datos,

at opinyon ng iilang mag-aaral ng IPSA sa kanilang personal na kalinisan o kung papaano nila

napapanatili ang pagkakaroon ng maayos na personal hygiene.


PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Ang pamanahong papel na ito ay hangad malaman ang antas kasiyahan ng mga mag-aaral sa

ika-sampung baitang ng International Philippine School in Al-Khobar (IPSA) sa pagamit nila ng Silid

Palikuran: tungo sa lalo pang ikaaayos nito.

Nais masagot ang mga espisipikong tanong o layunin ng mga sumusunod:

1.) Ano-ano ang mga socio-economic profile o demographic profile ng mga mag -aaral sa ika -

sampung baitang base sa:

a. Edad b. Kasarian

2.) Ano ang pananaw ng mga mag-aaral sa kalinisan ng mga palikuran?

3.) Anu-ano ang mga kulang na kagamitan o sangkap sa palikuran?

4.) Paano nila magagampanan o maisasakatuparan ang wastong pangangalaga sa kalinisan

ng sarili pagkatapos nilang gumamit ng palikuran?


LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay upang matuklasan ang pananaw ng mga

estudyante o kung nakukuntento ba ang mga estudyante sa kaligtasan at kalinisan at kung paano nila

itinataguyod ang kanilang personal hygiene sa paggamit nila ng mga palikuran sa Interational

Philippine School in Al-Khobar (IPSA)

Ang mga mananaliksik ay naglalayong matugunan ang mga sumusunod:

1. Malaman kung ang mga estudyante ba ay kuntento sa kalinisan ng palikuran.

2. Para malaman kung sila ba ay may problema ukol sa oras ng paglilinis ng mga janitor ng mga

palikuran at kung sila ay may masasabi sa kaligtasan sa loob ng palikuran.

3. Para malaman kung ang mga estudyante ay nakukuntento sa mga kagamitan sa palikuran.

4. Para malaman kung conscious ba ang mga estudyante sa personal hygiene nila.
HAYPOTESIS

Ang mga haypotesis o ang mga pahayag na hindi pinatunayan sa pananaliksik na ito ay ang

mga sumusunod:

 Na ang mga mag-aaral sa ika- sampung baitang ng International Philippine School in Al-

Khobar (IPSA) ay conscious sa kanilanang personal na kalinisan sa katawan o sa sarili.

 Na ang mga mag-aaral sa ika- sampung baitang ng International Philippine School in Al-

Khobar (IPSA) ay hindi conscious sa kanilanang personal na kalinisan sa katawan o sa sarili.


KAHALAGAHAN NG PAG- AARAL

Ang kalinisan ng silid palikuran ay mahalaga sapagkat dito nakikita ang ating kalinisan sa sarili

o sa ating katawan. At mahalaga rin ang pagkakaroon ng kumpletong kasangkapan sa isang silid

palikuran upang maiwasan ang mga mikrobyong maaaring makadulot ng sakit. Pinaniniwalang malaki

ang maitutulog ng pag – aaral nito sa mga sumusunod:

Ang mga Tauhan ng Paaralan ay magkakaroon ng ideya kung ano-ano ang nararapat bang

baguhin o paunlarin pa upang mapaganda ang kalidad ng silid palikuran ng paaralan. At sila rin ay

makakakuha ng impormasyon kung may maaari pa bang idagdag sa mga kasangkapan sa silid

palikuran.

Ang mga Guro ng Paaralan ay mabibigyan ng gabay upang makita ang suliranin na hinaharap

ng mga estudyante ukol sa silid palikuran. ukol sa silid palikuran.

Ang mga Mag-aaral sa Hayskul ay maaalerto sa mga kailangan nilang alagaan ng mabuti at

husto tulad ng personal hygiene. Sila rin ay makakapulot ng masusing impormasyon upang kanilang

malaman ang kalinisan at kahalagahan nito.

Ang mga Magulang ng mga Mag- aaral sa Hayskul ay kanilang malalaman karanasan o

opinyon ng kanilang mga anak sa palikuran sa paaralan nila. At upang mapagsabihan sila ng mga

pangunahing paalala kapag nasa palikuran.

Ang mga Susunod na Mananaliksik ay maaaring magabayan ng kontribusyong ito at

makakaragdag sa mga tulad ng mga pag-aaral na ito. (local o nasyonal).


SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG-AARAL

Sa pananaliksik ng mananaliksik ay minabuting limitahan ang saklaw ng pag-aaral. Bagama’t

nangangahulugan ang limitasyon ng hangganan ng maraming impormasyon na maaaring isama upang

mapayabong nang lubod ang napiling pag-aaralan ay ginawa ito upang maging mas makatotohanan at

mas komprehensibo ang pagtatalakay sa mga paksang may kaugnayan sa pananaliksik. Ang sakop ng

pag-aaral na ito ay nakatuon sa pag- aaral ng antas kasiyahan ng mga estudyante sa kalinisan at

pagkakumpleto ng mga bagay sa loob ng silid palikuran. Saklaw din nito na ipagbigay-alam sa mga

mag-aaral sa hayskul ang sanhi at epekto ng hindi paggamit ng maayos sa silid palikuran at kung ano

ang maidulot ng tamang sanitasyon sa katawan. Ipapaliwanag rin ng mga mananaliksik

Isa sa mga metodolohiyang ginamit sa pananaliksik ay ang pagsasarbey. Ang mga

respondents o respondente ng sarbey ay limitado. Ito ay kinabibilangan lamang ng mga mag-aaral na

nasa baitang ika-10 ng International Philippine School in Al-Khobar. Ang panaliksik na ito ay limitado

sapagkat nakapokus ito sa mga mag-aaral ng baitang ika-10 ng hayskul. Tinitignan lamang ng

pananaliksik na ito ang maaaring magsaad ng kanilang pananaw sa mga palikuran ng International

Philippine School in Al- Khobar at kung maaaring maiunlad pa ito base sa kanilang mga kasagutan ng

mga ika-10 na baitang at hindi isa lahat ng uri ng tao. Napili ng mga mananaliksik na gawing

respondente ang mga estudyante ng baitang ika-10 sapagkat sa kanilang opinyon ay sa lebel na ito

sapat na ang kanilang pananaw sa paligid at seseryosohin nila ang pag-aaral na ito, nakikita ng mga

mananaliksik na mas makakatotohanan ang makukuha nilang datos. Ginawa rin ito ng risertser upang

mapgbigyan ang mga susunod na magtatangkang pag-aaralan ang naturang paksa ng pamanahong

papel. Sapagka’t limitado ang pananaliksik ay sisikapin nitong mailahad at maipaliwanag nang buong

husay ang mga nabanggit na paksang tatalakayin.


KATUTURAN NG MGA SALITANG GAMIT

Ang mga sumusunod na salita ay ang mga termonolohiyang ginamit at makikita sa kabuoang

papel, Upang magkaroon ng madaling pagkaunawa at maging pamilyar ang mga mambabasasa mga

katagang ito, minabuting mga mananaliksik na ibigayang kahulugan ng mga ito ukol sa paraan ng

paggamit sa pamanahong-papel na ito.

Ang Palikuran ay isang kasang kapang pag tutubero at sistemang pagtatapon na ginagamit

para sa pagtapon ngdumi at/ o ihi.

Ang Satispaksyon ay isang hangarin o pangangailangan. Dito nalalaman kung masaya o

kuntento ba ang mga estudyante sa kalinisan ng kanilang silid palikuran.

Ang Urinary Bladder ay isang muscular organ, nakung saan kinokolekta ang ihimulasa mga

bato bago itapon sa pamamagitan ng pag-ihi. Ang mga mikrobyo tulad ng Escherichia coli (E. coli) ay

maaring maging sanhing UTI.

Ang Urinary Tract Infections (UTI) ay isang sakit o karamdaman sa Urinary System. Ang isang

dahilan nito ay ang madumi na mga kagamitan sa silid palikuran.

Ang Sanitary ay isang paraang pang kalinisan upang maiwasan ang pagkontak sa ibang tao at

mahawang kung anumang sakit sa ating kapaligiran upang mapanatiliang malinis na kalusugan. Ang

maaring maging sanhing mga sakit ay bacteria tuladng Escherichia coli at

malingpaggamitngmgakagamitansasilidpalikuran.

Ang Sanitary Ware ay ang mga kagamitan sa loob ng silid palikuran na kung saan dito rin

nanggagaling ang mga mikrobyo na maaaring sanhi ng sakit.


Ang Diarrhea o Pagtatae ay ang madalas na pagdumi o tubig ang dinudumi. Ang mga

mikrobyo na nanggagaling sa ating kapaligiran na maaaring maging dahilan nito.

Ang Cross-Contamination ang proseso kung saan ang bakterya o iba pang mga

mikroorganismo ay hindi sinasadyang inilipat mula sa isang sangkap o bagay sa iba, na may

nakakapinsalang epekto.

Ang Hygiene ay ang kalinisan na ginagawa upang mapanatiling malinis at ligtas ang ating

katawan.

Ang Hand Washing Soap ay isang likido na ginagamit sa mga kamay upang maiwasan ang

pagkakaroon ng bakterya o paghawa ng sakit sa kapwa.

Ang Hand Sanitizer ay likido na pumapatay ng mikrobyo sa ating mga kamay upang maiwasan

ang pagkakaroon ng sakit.

Ang Disinfectant ay likido na ginagamit sa mga kagamitan sa silid palikuran upang maiwasan

ang pagkakaroon ng mikrobyo at upang maging mas malinis pa ito.


KABANATA II

Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Ang kabanata ng ito ay may kabilang sa iba’t ibang literatura at pag-aaral na nakolekta mula sa

mga iba’t ibang sanggunian tulad ng libro, internet at iba pang makakalapan ng impormasyon. Ang mga

kaugnay na pag-aaral at literatura na ito ay magsisilbing gabay sa pag-aaral ukol sa antas kasiyahan

ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang ng International Philippine School in Al-Khobar (IPSA) sa

pag gamit nila ng silid palikuran: tungo sa lalo pang ikaaayos nito. At ito ay sinuri sa kapwa dayuhang

literatura para malaman at maipakita ang importansya ng pag-aaral na ito tungkol sa kung ano ang

antas kasiyahan ng mga mag-aaral sa ika-sampung baitang ng International Philippine School in Al-

Khobar (IPSA) sa pag gamit nila ng silid palikuran: tungo sa lalo pang ikaaayos nito.

Mga Banyagang Pag-aaral

Ito ay mga thesis at iba pang pag-aaral na nanggaling sa internet at mga kawani sa ibang

bansa para alamin kung may sinusunod bang pamantayan ang antas kasiyahan ng mga estudyante sa

pag gamit nila ng silid palikuran.

Ayon kay Beth W. Orenstein (2009):

Ang mga gawi sa personal nakalinisan tulad ng paghuhugas ng iyong mga kamay at pagsipilyo

at pag-floss ng iyong mga ngipin ay makakatulong na mapanatili ang bakterya, mga virus, at mgasakit.

At may mga kaisipan pati na rin ang pisikal na mga benepisyo. "Ang pagsasagawa ng mahusay na

kalinisan sa katawan ay tumutulong sa iyong pakiramdam na mabuti sa iyong sarili, na mahalaga sa

iyong kalusugan sa pag-iisip," sabi ni Donald Novey, MD, isang integrative medicine doctor na may
Advocate Medical Group sa Park Ridge, Ill. Mga taong may mahinang kalinisan - at damit, amoy ng

katawan, masamang hininga, nawawalang ng ipin, at iba pa - kadalasan ay nakikita bilang masama sa

katawan at maaaring harapin ang diskriminasyon.

Ayon kay Thomas A.Westerkamp (2012):

Ang lahat ng mga surfaces ng banyo – mga sahig, mga pader, mga partisyon, mga counter,

mga fixture - at kahit na ang mga air carry microbes at maaaring maging pinagmumulan ng mga isyu sa

kalinisan kung hindi sila wastong nalinis, pinananatili, at pana-panahong na-upgrade upang isama ang

bagong teknolohiya. Ang kalinisan sa banyo ay nagsasangkot ng parehong nakikita at hindi nakikitang

mga hamon. Ang nakikitang kategorya ay isang kumbinasyon ng basura sa sahig at mga counter;

overflowing waste receptacles; maruming tuwalya sa dispenser; at maruming sahig, pader, partitions,

counter, at fixtures. Ang mga ito ay hindi lamang hindi kasiya-siya at nagdadala ng mga mikrobyo.

Maaari din nilang maiwasan ang mga gumagamit upang maiwasan ang mga gawain para sa wastong

kalinisan, tulad ng mga toilet at urinals na may flushing, gamit ang sabon at tubig, at paggamit ng mga

dispenser dahil sa mga alalahanin sa cross-contamination. Ang regular, madalas na paglilinis ng mga

sangkap na ito ay maaaring lumikha ng maliwanag, sparkling banyona mas malamang na mag-imbita

ng mga gawi sa kalinisan at mahusay na gawaing-bahay mula sa mga gumagamit.

Batay sa dalawang pag aaral, ang ipinapahiwatig nila ay ang pagkakaroon ng

pagkamahinahon sa ating pangunahing personal na kalinisan sapagkat kapag ito ay napapabayaan ay

nagreresulta ito sa pagkakaroon ng sakit o malubhang pakiramdam sa katawan. Nakapokus sila sa

mga pangunahing paalaala bago at pagkatapos gumamit ng silid palikuran sapagkat maraming

kumakalat na mikrobyo o mga mikroorganismo sa mga silid palikuran at ang mga ito ay mabilis kumalat

at dumikit sa balat ng isang tao. Dito naman nangyayari ang cross-contamination sapagkat ito ay

maaring maipasa sa kung sino man ang iyong makahawak kamay, makayakap at iba pa. Kaya dapat
tayong maghugas ng kamay matapos gumamit ng silid palikuran sapagkat ang silid palikuran ay isa sa

pinakamaduming silid.

Ayon sa Department of Health ng gobyerno ng Australya (November 2010), ang katawan ng

tao ay maaaring magbigay ng mga lugar para sa mga mikrobyo at parasito na nagiging sanhi ng sakit

upang lumago at dumami. Ang mga lugar na ito ay kinabibilangan ng balat at sa at sa paligid ng

openings sa katawan. Ito ay mas malamang na ang mga mikrobyo at mga parasito ay makakapasok sa

loob ng katawan kung ang mga tao ay may mahusay na personal na gawi sa kalinisan. At ang mga

simpleng bagay na maaaring gawin upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo ay ang pagligo

araw-araw, ang paglilinis ng mga ngipin o pagsisipilyo, paghuhugas ng kamay matapos gamitin ang

silid palikuran, ang paghuhugas ng kamay bago maghanda ng pagkain at bago kumain at iba pa. Ang

ipinapahiwatig nito ay kailangan sundin ang mga pangunahing paalaala sa atin upang mapigilan ang

pagkalat ng mga mikrobyo.

Mga Lokal na Pag-aaral

Ito ay mga thesis at iba pang pag-aaral na nanggaling sa internet para alamin kung may

sinusunod bang pamantayan ang antas kasiyahan ng mga mag-aaral sa pag gamit nila ng silid

palikuran.

Ayon kay Anne A. Jambora (2014):

Para sa isang lahi na mapag-aroga sa kanyang sarili sa pagiging malinis, na may karamihan sa

mga Pilipino na kumukuha ng shower ng hindi bababa sa dalawang beses sa isang araw, marami din

tila bayaan ang banyo. Ayon sa isang pag-aaral na isinagawa ng Unilever Philippines, 90 porsyento ng

mga kabahayan ang hindi gumagawa ng wastong kalinisan sa toilet hygiene at sanitasyon. Kapag ito
ay pinailawan ng itim nailaw, ang mga palikuran ng banyo ay nagpapakita na ang milyun-milyong

mikroorganismo-bakterya, mikrobyo, mga amag at iba pang mga contaminant-lumaki sa kapaligiran na

ito. Ang posisyong ito ay mas mataas na panganib para sapag tatae, ang ika-apat na nangungunang

sanhi ng kamatayan sa mundo sa mga batang wala pang 5 taong gulang, at mga worm, pneumonia at

iba pang mga sakit na dala ng tubig. Kaya nga ang paglilinis nang wasto sa mga banyo ay mahalaga

kaysa sa anumang bagay pati na rin sa pagsasagawa ng personal nakalinisan bago at pagkatapos

gamitin ang banyo ay kinakailangan upang ito ay maagapan.

Ayon DepEd (2015):

Kakulangan ng access sasapat na supply ng tubig at kakulangan ng toilet at tamang mga

pasilidad sa paghuhugas ng kamay ay mananatiling bilang mga pangunahing tagapag-ambag sa mga

hamon sa hygiene at sanitasyon. Ang sitwasyon ay pinagsasama ng iba pang mgakadahilanan,

kabilang ang kakulangan ng pagpopondo para sapag-install ng mga toilet at handwashing facility,

pagbibigay ng sapat na supply ng tubig, hindi sapat na mga item sa kalinisan na ginawang magagamit

sa mga paaralan, pagpapatupad ng solidong pamamahala ng basura na batay sa paaralan, at

kakulangan ng mga operasyon at pagpapanatili ng mga mekanismo sa seguridad at pag-iingat ng ari-

arian ng paaralan. Ito ay lalo na kagyat sa mga pinaka-masikip na paaralan sa bansa. Ang sitwasyon

ay nagdudulot ng malaking pinsala sa mga batang babae dahil mas malaki ang pangangailangan para

sa privacy, seguridad, at pagkakaroon ng mga pasilidad sa banyo na may sapat na tubig lalo na para

sa pamamahala ng regla. Ang mga lalaki ay mas mahusay na bukas na patlang kung saan sa kanila sa

kasamaang-palad ay lumago paniniwala na maging isang katanggap-tanggap na kasanayan. Ang mga

pinakamahuhusay na gawi sa buong mundo ay nagpakita na ang pagpapahusay ng pag-access sa at

paggamit ng mga pasilidad ng tubig at kalinisan sa loob ng mga paaralan at pagpapahusay ng mga

gawi sa kalinisan at sanitasyon ay maaaring epektibong ihinto ang mga sakit na may kaugnayan sa

tubig at sanitasyon. Ito rin ay makakatulong sa pagdadala ng bansa na mas malapit upang matamo
ang 2015 MDG na layunin nito sa pagbawas ng mga nakakahawang sakit at pagpapabuti ng sanitary

coverage. Samakatuwid, ang kahalagahan ng paggawa ng isang komprehensibong hanay ng mga

guide lines para sa pagpapatupad ng mga programa sa tubig, kalinisan at kalinisan sa mga

pampublikong paaralang elementarya at sekondarya

Batay sa dalawang pag- aaral, ang ipinapahiwatig nila ay ang mga maaaring mangyaring

masama kapag hindi sinusunod o wala sa ayos ang personal na kalinisan ng isang tao. Sapagkat,

halos 90% ng mga tao sa mundo ay maayos ang kanilang personal na kalinisan. Importante ito dahil

kapag ito ay wala sa ayos o napapabayaan, maaaring magdulot ito ng mga sanhi tulad ng uod, okaya

pneumonia o diarrhea at marami pang iba. At pinaka-importante ito sa mga babae sa mundo sapagkat

ang mga babae ay nireregla at kapag nireregla dapat maingat sa personal na kalinisan sapagkat kung

hindi o kung napapabayaan maaari ito magdulot ng mga infections o sakit. Dapat hindi napapabayaan

ang personal na kalinisan sapagkat dito rin nakasalalay ang ating kalusugan maliban sa pag-exercise

at pagkain ng mga masusustansyang pagkain.

Ayon kay Jo Johnson (October 2017), Ang mga bata ay dapat na turuan ang kahalagahan ng

kalinisan nang maaga hangga't maaari, sa Oral Care, paghuhugas, kalinisan sa silid palikuran, at

pangangalaga sa buhok na tinuturuan bilang bahagi ng araw-araw na gawain. Ang pag-awit o pag-play

ng mga laro mula sa mga aktibidad ay tutulong upang matiyak na nasiyahan sila sa pagtingin sa

kanilang sarili. Ang oras ng Bath ay maaaring magbigay ng isang perpektong pagkakataon para sa

paggastos ng oras ng kalidad nang sama-sama, at para sa pagtuturo tungkol sa kahalagahan ng

kalinisan. Ang mga laruan tulad ng mga manika ay maaaring gamitin upang turuan ang mga bata sa

tamang mga diskarte sa paglalaba.


Mga Banyagang Literatura

Ito ay mga sanaysay, galing salibro, news at iba pang literatura na nanggaling sa internet at sa

mga kawani ng ibang bansa para alamin kung may sinusunod bang pamantayan ang antas kasiyahan

ng mga mag-aaral sa paggamit nila ng silid palikuran.

Ayon kina Rajiv Ranjan Karn, Buna Bhandari, at Nilambar Jha (2012):

Ang hindi sapat na sanitasyon ay may direktang epekto sa kalusugan ng indibidwal, pamilya,

mga komunidad at bansa sa kabuuan. Lamang, pagkakaroon ng mga pasilidad sa kalinisan pinatataas

ang health well-being and economic productivity. Kalinisan kasama ang paggamit ng latrine, personal

hygiene, malinis na nakapalibot, tamang pagtatapon ng solid at wastong pag-wasto at kalinisan pag-

uugali. Ang toilet ay kinuha bilang isang mahalaga at pangunahing tagapagpahiwatig ng kalusugan at

kalinisan sa buong mundo. Wastong sanitasyon ay isang kinakailangang paunang kinakailangan

pagpapabuti sa pangkalahatang kalusugan pamantayan, produktibo ng lakas pag gawa at magandang

kalidad ng buhay.

Ayon kay L.M. Reeves (2012):

Ang mga pasilidad na pang kaligtasan ng toilet at handwashing para sa mga bata ay mahalaga

upang mabawasan ang saklaw ng mga nakakahawang sakit sa parehong pag-unlad at pagbuo ng

bansa; halimbawa, ang pagsulong ng mabuting kalinisan sa kamay ay isang mahalagang bahagi ng

tugon sa pampublikong kalusugan sa pandemic ng 2009 sa maraming bansa. Sa mga bansa na binuo,

halos lahat ng mga bata ay gumugugol ng isang mahalagang bahagi ng kanilang oras sa paaralan,

kung saan ang pagkakaloob ng mga toilet at mga pasilidad sa paghuhugas ng kamay ay ang

pamantayan. Gayunpaman, ang paraan kung saan ginagamit ng mga bata ang mga pasilidad, at sa

ilang mga kaso kung ginagamit nila ang mga ito sa lahat, maaaring depende sa kanilang pisikal na
kalidad; halimbawa, kung sila ay ganap na umandar at nag-iimbita. Sa New Zealand, inilalarawan ng

Ministry of Education Code of Practice ang mga kinakailangan para sa mga toilet at handwashing

facility para sa mga mag-aaral sa paaralan.

Batay sa dalawang literautura na ito, mahalagang matuto ang mga taong mapanatiling malinis

ang silid palikuran at mapanatiling sundin ang mga pangunahing paalaala bago at pagkatapos gumamit

ng silid palikuran upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo bakterya at upang maiwasan ang

pagpapasa pasa ng mga sakit o malubhang karamdaman.

Ayon sa gobyerno ng South Australya, ang mga nagmamay-ari ng mga partikular na uri ng

mga lugar ay kinakailangan upang magbigay ng sapat at angkop na sanitary fixtures tulad ng mga

banyo, basahan ng kamay, paliguan o shower, mga pasilidad sa paglalaba, mga lababo sa kusina o iba

pang mga probisyon na kinakailangan upang mapanatili ang kalinisan at personal na kalinisan. Ang

Code of Practice para sa Pagkakaloob ng mga Pasilidad para sa Kalinisan at Personal na Kalinisan, ay

binuo upang tulungan ang mga may-katuturang mga awtoridad na sisingilin sa pamamahala ng South

Australian Public Health Act 2011, upang matiyak ang sapat na mga pasilidad ay magagamit para sa

pagpapanatili ng sapat na mga pamantayan ng kalinisan at personal na kalinisan sa loob ng kanilang

lugar.

Mga Lokal na Literatura

Ito ay mga sanaysay, galing salibro, news at iba pang literatura na nanggalingsa internet para

alamin kung may sinusunod bang pamantayan ang antas kasiyahan ng mga mag-aaral sa paggamit

nila ng silid palikuran.


Ayon kay Lotta Sylwander, UNICEF Representative in the Philippines (2016)

“We have enough evidence on direct negative impact of poor sanitation on children’s health,

education and huge economic burden this causes on the society. Investing in proper family toilets

equals to investing in children’s and community’s safety and wellbeing,”

Katulad na lamang ng nabanggit, ang kakulangan ng kalinisan sa palikuran ay maaring maging

dahilan ng negatibong epekto nito sa sanitasyon sa kalusugan ng mga estudyante,sa edukasyon at

malaking pasanin sa ekonomiya. Ang pamumuhunan sa tamang mga palikuran ng pamilya ay

katumbas ng pamumuhunan sa kaligtasan at kabutihan ng mga bata at komunidad. Ang kakulangan ng

mga banyo sa bahay at sa mga paaralan ay nakakaapekto rin sa kakayahan ng mga bata na matuto sa

kanilang buong potensyal dahil sa mahinang kalusugan, pagliban at pagbawas ng konsentrasyon.

Pamumuhunan sa mga malinis na banyo sa mga paaralan upang ang mga batang babae ay may

malinis, hiwalay na mga pasilidad upang mapanatili ang kanilang dignidad, at upang pamahalaan ang

regla ay partikular na mahalaga. Ang bagong Water, Sanitation and Hygiene (WASH) sa patakaran ng

Paaralan (Department Order No. 10, s. 2016) na ipinakilala ng Kagawaran ng Edukasyon nang mas

maaga sa taong ito ay naglalayong tiyakin ang pagsulong ng tamang sanitasyon at kalinisan sa mga

bata sa paaralan at malinis kapaligiran sa loob at paligid ng mga paaralan upang mapanatiling ligtas at

malusog ang mga mag-aaral.

Ayon kay Rolando I. Santiago of the National Center for Disease Prevention and Control (2008)

“There is lack of awareness of and appreciation for sanitation and hygiene resulting in the lack

of demand for sanitation services and facilities, The low level of community participation in the decision-

making processes, which often exclude the marginal and vulnerable sectors, such as indigenous

peoples, makes for a total oblivious and unconcerned attitude of the community.”
May kakulangan ng kaalaman at pagpapahalaga sa kalinisan, kalinisan na nagreresulta sa

kakulangan ng pangangailangan para sa mga serbisyo at pasilidad sa kalinisan, Ang mababang antas

ng pakikilahok ng komunidad sa mga proseso ng paggawa ng desisyon, na kadalasang nagbubukod sa

marginal at mahihina na sektor, tulad ng mga katutubong mamamayan, ay gumagawa para sa isang

lubos na nakakalilimot at walang palagay na saloobin ng komunidad.

Batay sa dalawang literatura na ito, mahalagang mapanatiling malinis ang mga silid palikuran

upang maiwasan ang pagkalat ng mga mikrobyo rito at upang makaiwas sa mga malulubhang sakit

okaya malulubhang karamdaman.

Ayon sa Better Health (2017), karamihan sa mga impeksyon, lalo na ang mga sipon at

gastroenteritis, ay nahuli kapag inilagay natin ang ating mga kamay na hindi naglinis, na may mikrobyo

sa kanila, sa ating bibig. Ang ilang mga impeksiyon ay nahuli kapag ang maruming mga kamay ng

ibang tao ay humahawak sa pagkain na kinakain natin. Ang mga kamay at pulso ay dapat hugasan ng

malinis na sabon at tubig, gamit ang isang brush kung ang iyong mga kuko ay marumi. Patuyuin ang

iyong mga kamay ng malinis na bagay, tulad ng mga tuwalya sa papel o mga hot dryer. Dapat mong

palaging hugasan ang iyong mga kamay:

 Pagkatapos gamitin ang toilet

 Bago gumawa o kumain ng pagkain

 Pagkatapos ng paghawak ng mga aso o iba pang mga hayop

 Kung ikaw ay nasa paligid ng isang tao na umuubo o may sipon

You might also like