Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P.

Rizal (Ang matutunghayan ay

isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala

sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay

na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang

tugon sa paulit- ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad.

Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay.

Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga

kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit

ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid.

Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon.

Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang

malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat

na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y

pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan

sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at

hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang

kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng

kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at

iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa

pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba

napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan. Sinasabing ang mga Europeo ay

nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati

sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang


makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang

isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang

kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan

ng mga Kastila.

Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang

kabuhayan, nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at hinaharap nila

ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang

nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga

pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya

ngayon. Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang

mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga

mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang makapag-

ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang

ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan.

Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa loob ng

bayan at maraming ipinapapatay.

Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos

nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu

palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili. Ang pagsasaka’y napabayaan dahil

pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming

pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng


mga barko, kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat

upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang kabuhayan ng mga tao kaya’t naging

mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang

Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka, pagmamanukan,

ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga

ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang

taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.

Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay

mahikayat na gumawa.

Pinatamlay ng mga Kastila ang pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya,

gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t humina ang pagluluwas ng mga produktong

Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa

kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng karampatang halaga sa

kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga

encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa sarili nilang

kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto

sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa

pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. Alinsunod pa rin kay Rizal, ang

lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa

kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t

sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal. Mga
kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga “kakuwanan” ng

pulitika, mga kinakailangang panunuyo at “pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap

na pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-

sigla sa paggawang kapaki-pakinabang. Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng

mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming

utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng

pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging

palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa

kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa

mabibigat na gawain. At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi

ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.” Ang

sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng katamaran. Ang

Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging

puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos

bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen,

kandila, nobena, at iba pa. Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng

bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka,

kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran. Walang pampasiglang ibinibigay sa

pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi

man lamang siya pinag-ukulan ng pansin.

Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon.

Ganito ang wika ni Rizal:


“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng

mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay

sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba

pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata

ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman

ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at

kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga

pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay

humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon,

ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay

siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.”

Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay

nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng mababang

pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa.

Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila

ng damdamin bilang isang bansa.

Palibhasa’y pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na

magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.

Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi nagkaroon ng

pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng

kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at

sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan. Ang sabi ni Rizal:

“Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan.


Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa,

walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.”

Chapter 1[edit]
Rizal acknowledges the prior work of Gregorio Sancianco and admits that indolence does exist
among the Filipinos, but it cannot be attributed to the troubles and backwardness of the country;
rather it is the effect of the backwardness and troubles experienced by the country. Past writings on
indolence revolve only on either denying or affirming, and never studying its causes in depth. One
must study the causes of indolence, Rizal says, before curing it. He therefore enumerates the
causes of indolence and elaborates on the circumstances that have led to it. The hot climate, he
points out, is a reasonable predisposition for indolence. Filipinos cannot be compared to Europeans,
who live in cold countries and who must exert much more effort at work. An hour's work under the
Philippine sun, he says, is equivalent to a day's work in temperate regions.

Chapter 2[edit]
Rizal says that an illness will worsen if the wrong treatment is given. The same applies to indolence.
People, however, should not lose hope in fighting indolence. Even before the Spaniards arrived,
Rizal argues, the early Filipinos were already carrying out trade within provinces and with other
neighboring countries; they were also engaged in agriculture and mining; some natives even spoke
Spanish. All this disproves the notion that Filipinos are by nature indolent. Rizal ends by asking what
then would have caused Filipinos to forget their past.

Chapter 3[edit]
Rizal enumerates several reasons that may have caused the Filipinos' cultural and economic
decadence. The frequent wars, insurrections, and invasions have brought disorder to the
communities. Chaos has been widespread, and destruction rampant. Many Filipinos have also been
sent abroad to fight wars for Spain or for expeditions. Thus, the population has decreased in
number. Due to forced labor, many men have been sent to shipyards to construct vessels.
Meanwhile, natives who have had enough of abuse have gone to the mountains. As a result, the
farms have been neglected. The so-called indolence of Filipinos definitely has deeply rooted causes.

Chapter 4[edit]
Filipinos, according to Rizal, are not responsible for their misfortunes, as they are not their own
masters. The Spanish government has not encouraged labor and trade, which ceased after the
government treated the country's neighboring trade partners with great suspicion. Trade has
declined, furthermore, because of pirate attacks and the many restrictions imposed by the
government, which gives no aid for crops and farmers. This and the abuse suffered under
encomenderos have caused many to abandon the fields. Businesses are monopolized by many
government officials, red tape and bribery operate on a wide scale, rampant gambling is tolerated by
the government. This situation is compounded by the Church's wrong doctrine which holds that the
rich will not go to heaven, thus engendering a wrong attitude toward work. There has also been
discrimination in education against natives. These are some of the main reasons that Rizal cites as
causing the deterioration of values among the Filipinos.

Chapter 5[edit]
According to Rizal, all the causes of indolence can be reduced to two factors. The first factor is the
limited training and education Filipino natives receive. Segregated from Spaniards, Filipinos do not
receive the same opportunities that are available to the foreigners. They are taught to be inferior.
The second factor is the lack of a national sentiment of unity among them. Because Filipinos think
they are inferior, they submit to the foreign culture and do everything to imitate it. The solution,
according to Rizal, would be education and liberty.

INDOLENCE OF THE FILIPINOS


By Jose Rizal

• Indolence 
o sa Tagalog ang ibig sabihin ay katamaran; walang silbi; ayaw gumawa.
o sa Ingles naman ay dislike of work; laziness, idleness
o or disposition to be idle, the lack of inclination to work.

• Ito ay isang sanaysay na sinulat ni Rizal bilang depensa para sa mga Indio na kung saan tinawag na
tamad ang mga Pilipino ng mga kolonyal na Espanyol.
• Ipinakita dito ni Rizal ang madaming katwiran at halimbawa upang ihayag ang sinasabing indolence ay
isang epekto lamang ng dehumanizing conditions na kung saan ang mga Indio ay sapilitang mabuhay.
• Dinagdagan ni Rizal ang kahulugan ng indolence. Ito ay “the inclination to live off the labor of others”.
• Inamin ni Rizal na tamad ang mga Pilipino. Pero ito ay dahil sa init ng klima sa ating bansa.
• Lubhang nakapagpapapawis at nakapanghihina ang init at madalas silang “sumilong sa lilim”.
• Ang init ay nakapagpapalusog sa lupa, kaya ang mga pananim ay hindi kailangang lagging alagaan. 
• Sinabi ni Rizal na hindi mana o likas ang katamaran sa mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Ang totoo,
bago dumating ang mga Kastila, ang mga Pilipino ay may masiglang pakikipagkalakalan sa mga Instik,
Hapon, Arabe at Malay.
• Naging laganap lamang ang katamaran ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila. 
• Dahil sa masasamang palakad ng pamahalaan, tiwaling pagtuturo ng relihiyon at dahil sa ugali na rin ng
mga Kastila. 
• Bago pa man dumating sa Pilipinas ang mga Kastila ay nakikipagkalakalan na tayo sa ibang bansang
Asyano at Gitnang Silangan. Ngunit ito ay naputol ng monopolya ng Galleon Trade. Sa Espanya lamang via
Mehiko maaaring makipagkalakalan ang mga Pilipino. Dahil dito ay natigil ang mga mumunting industriya at
mga gawaing kamay. Kaya sinira ng mga Kastila ang kasipagan at pagkukusa ng mga Pilipino. 
• Kinitil din ng mga Kastila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa paggawa dahil sa tinatawag na “forced
labor”. Dahil sa pakikidigma ng Espanya laban sa ibang bansang Europeo at sa mga Muslim sa Mindanao,
ang mga Pilipino ay pilit na pinagawa sa paggawa ng barko, pagpuputol ng mga kahoy at paggawa ng mga
kuta. Sinabi nga ni Morga na nalimutan ng mga Pilipino ang kaalaman sa pagsasaka, pagmamanukan at
paghahayupan at pagtatanim at pag-aalaga ng bulak, gayon din ang paghabi ng damit pagkaraan ng 320
taon.
• Kung meron mang edukasyon ay tiwali ang sistema nito. Ang itinuturo noon ay puros dasal at ibang
karunungang hindi magagamit ng nagsisipag-aral. Walang kursong pang-agrikultura, pang-industriya at iba
pa, na lalong kailangan noon ng Pilipinas.
• Hindi tama ang ipinakikita ng mga namumunong Kastila. Tanghali na kung pumasok sa opisina at maaga
kung umalis, gayong wala namang nagagawa kundi magbasa ng dyaryo at pumirma ang mga opisyal. Ang
mga babae ay sinusundan ng mga alila at pati ang pagbibihis at pagpaypay ay ang mga ito pa ang
gumagawa. 
• Hinayaang lumaganap ang sugal. Halos araw-araw ay may sabong at kung pista, ang mga pinunong-
bayan at mga prayle ang nagpapasimuno ng kung anu-anong sugal.
• Mali ang pagtuturo ng relihiyon. Itinuro ng mga prayle sa mga mangmang na Pilipino na “ang mga dukha
ay makararating sa langit” at ang mga mayayaman ay matutungo sa impiyerno. 
• Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga Pilipino. Sa pamahalaan o sa mga prayle napupunta ang kalakhan
ng bahagi ng kanilang inaani.
• Ayon kay Rizal, ang kawalan ng diwa ng pagkakaisa ay sanhi ng katamaran ng mga Pilipino. Dahil kung
walang pagkakaisa ang mga mamamayan, wala silang lakas na hadlangan ang mapaminsalang hakbang ng
pamahalaan at iba pang puwersa ng lipunan. Wala ring pagsusumigasig upang maisagawa ang mga bagay
na makapagpapaunlad sa nakararami. Ang lahat kung gayon ay hindi kikilos, parang isang baying patay.
Kaya sa konklusyon ay sinabi ni Rizal, “ang tao sa Pilipinas ay isang indibidwal; hindi siya mamamayan ng
isang bansa.”
• Kung titingnan ay ang mga Kastila ang may sala sa pagiging tamad ng mga Pilipino. 
• Kung tutuusin ay gustong mag-aral ng mga Pilipino subalit walang paaralan o kung mayroon man ay
kulang sa gamit at tamang salalayan ng karunungan. Gusto ding magnegosyo ngunit walang perang
pangpuhunan at kawalan ng proteksiyon mula sa pamahalaan. Gusto ding magbungkal ng lupa at magtayo
ng industriya subalit mataas naman ang buwis at nagsasamantala pa ang mga namumuno.
• Maaaring magkaisa ang mga Pilipino subalit pinagkaisa na ito ng mga Kastila bilang isang kolonya at
bilang isang komunidad na Kristiyano. 
• Ganoon din malamang ay hahadlangan ng mga Kastila ang iba pang uri ng pagkakaisa, para sa ikakaayos
ng mamamayan. 
• Sinabi ni Rizal na ang indolent o ang tamad ay ang mga Kastila hindi ang mga Indio dahil ang Peninsulares
ay ninais ang magandang buhay ng walang paghihirap o pagtratrabaho. 

You might also like