Komunikasyon Learning Kit WEEK 1-2

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

1.

Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba

pa) sa pag -unawa sa mga konseptong pangwika
Cagayan Valley Road, Barangay Makapilapil, San Ildefonso, Bulacan.

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at

Kulturang Pilipino
Topic: Konseptong Pangwika, Gamit ng Wika Week
Teacher: Sarah S. Paralejas
Date: September 1-11, 2020 1-2

Pangalan: ____________________________Baitang: _____Pangkat: __________

TARGET GUIDE

1. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa mga napanood na sitwasyong

pang komunikasyon sa telebisyon (Halimbawa: Tonight with Arnold Clavio, State
of the Nation, Mareng Winnie,Word of the Lourd
(http://lourddeveyra.blogspot.com)
2. Naiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman, pananaw, at
mga karanasan
3. Nagagamit ang kaalaman sa modernong teknolohiya (facebook, google, at iba
pa) sa pag -unawa sa mga konseptong pangwika,
4. Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan (Ayon
kay M. A. K. Halliday)
THINGS TO LEARN

Matapos ang aralin, inaasahang misagawa ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:
1. Natutukoy ang kahulugan ng wika
2. Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan at kabuluhan ng wika;

THINK ABOUT IT

Sa loob ng isa hanggang dalawang pangungusap sagutin ang tanong na, Ano para sa
iyo ang wika?

______________________________________________________________________

TEACHING POINTS
TEACHING POINTS

KONSEPTO NG WIKA

Patuloy ang pagtuklas at pagaaral ang isinasagawa ng mga dalubwika sa konseptong

pangwika. Ikaw, nasubukan mo na bang tanungin ang iyong sarili tunhkol sa kung “ano
ang wika?”. Kung gayon, basahin ang maikling pagtalakay patungkol sa wika nang
madagdagan pa ang iyong kaalaman tungkol sa usaping ito.

Ang wika ay nagmula sa wikang Malay at ang salitang linggwahe naman ay sa latin
nagmula na isinalin sa Ingles bilang language. Sa katunayan, nabubuo ang wika sa
pamamagitan ng pagsambit ng mga magkakasamang salitag nililikha ng dila, sapagkat
nagagamit ito sa paglikha ng maraming kombinasyon ng tunog. Ang dila rin ang
representasyon ng pagbigkas ng isang tao ng makabuluhang salita upang magamit sa
pakikipagtalastasan.

Ayon naman sa ilang pag-aaral, ang wika ay masistemang balangkas na

sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraaang arbitraryo (Henry
Gleason sa aklat ni Austero, et al., 1999). Nabibigkas ang kahulugan ng wika bilang
proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng mga
tanda na maaaring maganap sa paraang berbal o di-berbal (Bernales, et al., 2002).
Nabanggit din na may mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa
pakikipagtalastasan, sapagkat ito ang nagsisilbing midyum na nagagamit sa
paghahatid at pagtanggap ng mensahe (Mangahis, et al., 2005).

Sa kabuuan,masasabing ang wika ay sagisag ng mga tunog na binabalangkas o

sinasalita at ng mga simbolong isinusulat. Sa pamamagitan nito, nagkakaunawaan,
nagkakaugnayan, at nagkakaisa ang mga tao.

Batay sa naging kahulugan ng wika, masasabing higit ang halaga nitopara sa pang-
araw-araw na buhay ng mga tao. Ang mga sumusunod ay ang kahalagahan ng wika:
1. Ang wika ay instrument ng komunikasyon;
2. Ang wika ay nakapagpapanatili, nakapagpapayabong at nakakapagpalaganap
ng kamulatan at pagkakakilanlan ng mga tao at kultura ng bawat grupo ng tao;
3. Ang wika ay nakapagbibigkis ng mga mamamayan ng isang bansang Malaya at
may soberanya;
4. Ang wika ay nagsisilbing tagapag-ingat at tagapagpalaganap ng mga
karunungan at kaalaman; at
5. Ang wika bilang lingua franca o bilang tulay para magkausap at magkaunawaan
ang iba’t ibang grupo ng taog may kani-kaniyang wikang ginagamit.

Kaakibat nito ang mga katangian ng wika:

1. Tunog ang batayang sangkap ng wika. Ang anumang tunog na may

kahulugan ay maituturing na wika.
2. Ang wika ay arbitraryo. Ang salitang arbitraryo ay ang pagbuo ng mga simbulo
at tunog na kumakatawan sa kahulugan ng bagay, ideya, at kaisiopan buhat sa
mga taong may sosyal na relasyon, ugnayan o interaksyon sa isa’t isa.
3. Ang wika ay masistema. Sa pagsasama-sama ng mga tunog sa isang tiyak na
ayos ay lalo nagiging makahulugan sapagkat nabubuo ang mga pangungusap.
4. Ang wika ay komuniksyon. (ginagamit)
5. Ang wika ay nakabatay sa kultura. Ang wika ay kabuhol ng kultura kung kaya
ito ay nakalaan lamang sa isang tiyak na lipunan at sa mga taong gumagamit
nito.
6. Ang wika ay nagbabago (daynamiko)
7. Ang wika at kaisipan ay hindi napaghihiwalay. Ang wika ay sentro ng
karanasan ng isang tao. Ang lahat ng konseptong tinataglay ng tao

TASK TO DO

Sa bahaging ito masusubukan ang iyong natutuhan sa buong aralin. Sa pamamagitan

ng mga Gawain at pagtataya, maipapamalas ang talas ng isipan at kakayahang
makaunawa at makapagpaliwanag ng mga konseptong umiiral batay sa iyong
natutuhan.

“Humanda! Simulan! Sagutan!”

SAPOT-KAISIPAN
Punan ang grapikong representasyong nakikita sa ibaba batay sa kung ano ang wika
para sa iyo. Tingnan ang halimbawa

WIKA

Mga tanong:
1. Paano mo maiuugnay ang mga salita/pariralang iyong isinulat hinggil sa salitang wika?
_________________________________________________________________________

____________________________________

2. Bilang gumagamit ng wika, nababatid mo ba ang bisa nito sa pang araw-araw?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

THINGS TO PONDER

SIPAT-SALITA
Hanapin ang mga salitang may kaugnayan sa katangian ng wika. Matapos mahanap, gamitin
ang mga ito sa isang talatang makapagpapaliwanag tungkol sa wika.

Iyong sagot:
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________

TEST YOURSELF

I. Magbigay ng mga sitwasyon sa totoong buhay na mababakas ang katangian ng wika. Isulat
ang iyong sagot sa bawat patlang.

Ang wika ay tunog

____________________________________________________________________________
Ang wika ay masistemang balangkas.
____________________________________________________________________________
Ang wika ay arbitraryo.
____________________________________________________________________________
Ang wika ay ginagamit
____________________________________________________________________________
Ang wika ay batay sa kultura
____________________________________________________________________________
Ang wika ay nagbabago.
____________________________________________________________________________
Ang wika ay pantao.
____________________________________________________________________________

II. Sa hindi lalampas sa sampung pangungusap, ipaliwanag ang mga nakatalang katangian ng
wika. Patibayin ang paliwanag sa pamamagitan ng pagbibigay ng halimbawa gamit ang mga
sitwasyong pangkomunikasyon sa mga napapanood na programa sa telebisyon. Maaring pumili
ng programa mula sa mga nakatala sa loob ng panaklong.

*Maaari kang manood at makinig sa www.youtube.com . Hanapin mo lamang ang nais mong
mapanood.

1. Makapangyarihan ang wika. (TV Patrol, 24 Oras, Imbestogador, Bawal ang Pasaway
kay Mareng Winnie)
2. Malikhain and Wika (Wagas, Maalaala Mo Kaya, Magpakailanman, Pepito Manaloto)

_______________________________________________________

TRUSTED REFERENCES
Taylan, D. Petras, J., & Geronimo , J. (2016). Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino, REX Bookstore

Cantillo, M. L., Gime, A., & Gonzales , A. (2016) . SIKHAY: Akla sa Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino para sa ika-11 Baitang. St. Bernadette
Publishing House Corporation

Department of Education (2020) Most Essential Learning Competencies Senior High

School - Core Subject (Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino)

You might also like