Ang Alon NG Kasiyahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Alon Ng Kasiyahan

Panglao Island
Lakbay Sanaysay
Cherry Mae Pamulagan

Ang Bohol ay kilala sa

natatangi nitong

kagandahan. Kilala din

ang Bohol sa pagiging

hitik nito sa mga

magagandang

tanawin. Bukod sa

napaka sikat na

Chocolate Hills sa

Carmen Bohol, isa rin sa mga dinarayo ng mga turista ay ang magagandang beach.

Isa sa higit na dinarayo ay ang Panglao Beach na matatagpuan sa Panglao Bohol .

Ang Panglao ay ang pinakadulong bayan ng Bohol.


Ito ay isa sa

dalawang bayan sa

Panglao Island, ang isa ay

Dauis. Ito ay may

kahalagahan sa

kasaysayan na ito ay ang

lugar kung saan nagpunta

ang mga Kastila

pagkatapos ng hindi

kapani-paniwala na karanasan sa Cebu. Ang Panglao beach ay sikat dahil sa

White sand at sa alon ng tubig na wari ba ay dumuduyan sa mga taong naliligo.

Sa maliit na halaga lamang, maaari ka ng magsaya suot ang iyong damit na panligo

( two-piece, one piece, at iba pa). Maganda itong pasyalan ng pamilya,

magkakaibigan, at pagdausan ng mga reunion at iba pa.

Isang prebeleheyo ang biglaang pag punta namin sa Panglao beach, ito ay lubos

na nagdulot sa akin ng panandaliang saya. Ang ingay na nanggagaling sa hampas

ng alon ng tubig ay

nagpapakalma at

nagpapagaan ng saloobin.

Hindi masama na kahit

paminsan-minsan ay matuto

tayong magpahinga at

pumunta sa mga lugar na

hindi masyadong pamilyar sa atin. Hinding-hindi ko makakalimutan ang bakasyon

na ito dahil nagkaroon kami ng aking pamilya ng oras para sa isa’t isa, maging sa
aking sarili at nagkaroon rin kami ng maraming bagong karanasan sa iba’t ibang

aktibidad na aming dinaluhan o ginawa.

At sa aking paglalakbay, ako ay nakapagbulay-bulay. Namangha ako sa aking

napuntahan sa sobrang ganda ng kalikasan na nilikha ng Panginoon simula sa lupa,

dagat at pati na sa mga hayop. Naisipan ko ang kahalagahan ng mga ito at kung

gaano natin dapat na alagaan ang mga ito upang manatili at aabot pa sa susunod na

henerasyon. Naisipan ko rin na dapat itong panatilihin para na rin sa turismo ng ating

bansa at panatilihin upang mayroong mabalikbalikan.

Ang panglao beach ay isa sa mga pinaka-maganda at pinaka-nakakamangha na

beach na napuntahan ko at sobrang swerte ko dahil kasama ko ang aking pamilya

sa pagpunta rito. At para sa huling parte ng sanaysay na ito nais ko lamang

magpasalamat sa aming guro sa kanyang pagpapahintulot sa amin na ibahagi ang


aming mga karanasan sa mga napuntahan naming lugar na lubos na nagbigay ng

tuwa sa aming mga puso.

You might also like