Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

ESP 10

WEEK 4
ACTIVITIES

GAWAIN 1
ISKIT/ DOODLE:

MGA GABAY NA TANONG:


1.
2. Bago ako magsagawa ng kahit na anong kilos, pag-iisipan ko muna kung paano ang magiging
kahihinatnan ng aking mga desisyon at kilos. Sa pamamagitan nito, mapapanagutan ko ang mga naging
resulta nang walang dinadamdam na takot at pagsisisi para sa mga naapektuhan nito.
3. Mailalarawan ko siya bilang isang responsable, mapanagutan, at makataong indibidwal. Ito ay dahil
napapanagutan niya ang kaniyang mga isinagawang kilos at pasya. Siya ang tipo ng tao na hindi natatakot at
nagsisisi sa kahit na anong resulta ng kaniyang mga sariling kilos. Ang ganitong mga katangian ay nararapat
na tularan nating lahat.

GAWAIN 2:
SLOGAN:
 Mabuting pagpapasiya ay ating isakatuparan
Upang ating mapanagutan ang mga pasya nang walang kinatatakutan at pinagsisisihan

MGA GABAY NA TANONG:


1. Dahil ang kapanagutan ang siyang responsibilidad ng isang indibidwal na kapalit sa kaniyang
isinagawang mga kilos. Ang tao ay nararapat na managot dahil ito ang magbibigay-daan patungo sa
kaayusan sa pagitan ng naging biktima ng kaniyang kilos at ang nagsagawa ng kilos.
2. Opo, kaya ko pong maging isang mapanagutang indibidwal. Sa bawat pasiya at kilos na aking gagawin
sa araw-araw, akin pong pag-iisipan nang mabuti ang magiging epekto nito sa mga magiging biktima nang
aking mga kilos at ang ibang magiging kahihinatnan o resulta nito nang sa gayon, hindi ako magsisisi sa
huli kung bakit ko iyon ginawa nang walang pakudangan.

GAWAIN 3:
MGA GABAY NA TANONG:
1. Karamihan sa mga kilos na binanggit ay nangyayari sa araw-araw kong buhay katulad na lamang ng
mga gawaing-bahay na inuutos sa akin ng aking mga magulang, pag-aalaga sa aking nakababatang kapatid,
at iba pa.
2. Ang aking isinagawang kilos at pasiya ay aking pinag-isipang mabuti bago ko isinagawa nang sa gayon
ay aking mapanagutan ang kahit na anong magiging kahihinatnan ng mga ito. Sa pamamagitan rin noon,
hindi rin ako makakasakit ng aking kapwa at maisasagawa ko ang mga nararapat kong gawin sa panahong
iyon.
3. Opo, para po sa akin at katulad ng aking binanggit kanina, maituturing poi tong isang responsibilidad ng
nagsagawa ng kilos. Ang bawat pasiya at kilos niya ay laging may kaakibat na kahihinatnan. Nararapat
siyang managot upang ito ay maisaayos o hindi naman kaya ay maiwasan ang makapanakit ng damdamin ng
tao at ang magsisi sa hinaharap na dulot ng kaniyang sariling kilos.

GAWAIN 4:
1- Ninanais ko na maging “financially stable”, maging accountant at i-treat ang aking pamilya na
makapunta sa ibat-ibang mga bansa sa hinaharap
2- Hindi ko susundan ang aking mga kagustuhan katulad ng mga mamahaling bagay sa murang edad,
gumastos sa mga “random” na mga bagay, mag-procrastinate, at iba pa na mga nakasanayan kong gawin
noong mga nakaraang taon
3- Magsisimula na akong magsagawa ng mga kilos na alam kong mapapanagutan ko ang mga kahihinatnan
at maituturing na pundasyon patungo sa aking mga pinapangarap. Hindi ako gagawa at magpapa-
impluwensiya sa mga taong nakapaligid sa akin na alam kong ikasisira ng aking hinaharap.
4- Nang dahil sa aking mga isinagawa, onti-onti ko nang mararating at mayayakap ang lahat ng aking
pinapangarap na dulot ng aking mabusising pagpapasiya. Nang dahil ditto, mapapanagutan ko ito nang
walang takot na dinadamdam, walang pinagsisisihan, at mananatiling masaya sa lahat ng resulta ng aking
mga kilos.

You might also like