Professional Documents
Culture Documents
P1W1
P1W1
Pangalan:
Taon, Kurso at Pangkat:
Numero ng Telepono:
Pangalan sa Facebbok:
PANITIKAN
Anekdota
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap
sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay.
Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.
Halimbawa:
* Para sa mga hindi nakakaalam, ang Hebreo ang wika na ginagamit sa Israel.
Isang ahenteng Ruso (KGB agent) ang nakakita sa isang matandang nagbabasa ng balarilang Hebreo sa parke
ng Moscow. Itinanong ng ahente kung ano ang kanyang binabasa, at isinagot ng matanda na ito ay aklat ukol
sa wika ng Israel.
Sinabi ng ahente na sa gulang ng matanda ay hindi na ito makararating pa sa Israel kaya walang silbi ang
kanyang pag-aaral ng Hebreo. Sagot ng matanda na tama ang ahente — siya’y matanda at malamang ay hindi
na makabibiyahe pa sa Israel — ngunit sa paraiso ang wika ay Hebreo.
Tinudyo ng ahente ang matanda na baka hindi paraiso ang kanyang kahihinatnan, kundi impiyerno. Sumagot
ang matanda na hindi iyon magiging problema dahil marunong na siya ng wikang Ruso.
Gawain 1:
Panuto: Gumawa ng isang Anekdota tungkol sa isang tanyag na tao mula sa inyong lugar.
Pamantayan:
Nilalaman ---------------- 40% --------
Kaugnayan sa Paksa ---------------- 30% --------
Kalinisan ---------------- 10% --------
Organisasyon ---------------- 20% --------
Kabuuan 100%
Nobela
Layunin ng Nobela
Katangian ng Nobela
Gawain 2:
Panuto: Sagutin ang sumusnod na pangungusap.
1. Sa iyong palagay, ano ang katangian ng nobelang “Bata-Bata Paano ka ginawa? Bakit?
Pabula
Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing, at
kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Halimbawa:
Ang Agila at ang Maya
Isang Agila ang kasalukuyang lumilipad sa kalawakan, buong yabang niyang iniladlad at ibinuka ang kanyang
malalapad na pakpak. Habang patuloy siya sa kanyang paglipad ay nakasalubong niya ang isang maliit na
ibong Maya at hinamon niya ito.
“Hoy Maya, baka gusto mong subukan kung sino sa ating dalawa ang mabilis lumipad?” buong kayabangan ni
Agila. Kaya naipasya niyang tanggapin ang hamon nito para maturuan niya ng leksyon.
“Sige! Tinatanggap ko ang hamon mo. Kailan mo gustong magsimula tayo?”
Natuwa ang Agila, hindi niya akalain na tatanggapin nito ang hamon niya.
“Aba, nasa sa iyon ‘yan. Kung kailan mo gusto,” buong kayabangang sagot ni Agila.
Napatingin ang Maya sa kalawakan. Nakita niyang nagdidilim ang kalangitan, natitiyak niyang ang kasunod
niyon ay malakas sa pag-ulan.
“Sige Agila, gusto kong umpisahan na natin ang karera ngayon na. Pero, para lalong maging masaya ang
paligsahan natin ay kailangang bawat isa sa atin ay magdadala ng kahit anong bagay. Halimbawa ang
dadalhin ko ay asukal ikaw naman ay bulak.”
Gawain 3:
Panuto: Gumawa ng isang sariling maikling halimbawa ng pabula. Huwag kumuha ng pabula sa
internet upang maiwasto ang inyong nagawa.
Pamantayan:
Nilalaman ---------------- 40% --------
Kaugnayan sa Paksa ---------------- 30% --------
Kalinisan ---------------- 10% --------
Organisasyon ---------------- 20% --------
Kabuuan 100%
Gawain 1
Gawain 2
Gawain 3
Kabuuan
Bawal magpaskil ng kahit anong bahagi ng modyul sa ito sa kahit anong sosyal midya akawnt!!