Esp 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 9

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

GAWAIN BLG. 1
Paksa: Karapatan at Tungkulin
Kompetensi: 1. Natutukoy ang mga karapatan at tungkulin ng tao
Layunin: Napapahalagahan ang mga karapatan at tungkulin ng bawat isa
Konsepto:

Ano ang KARAPATAN?


 Ito ay ang kapangyarihang moral na gawin, hawakan, pakinabangan at angkinin ang mga bagay
na kailangan ng tao sa kanyang estado sa buhay.
 Ito ay moral dahil hindi maaaring pwersahin ng tao ang kanyang kapwa na ibigay sa kanya
nang sapilitan ang mga bagay na kailangan niya sa buhay.

Saan nakabatay ang mga Karapatan?


 Ito ay nakabatay sa Likas na Batas Moral. Ito ang batas na nagpapataw ng obligasyon sa lahat
na igalang ang mga karapatan ng isang tao.

Anim na Karapatan na hindi maalis ayon kay Sto. Tomas de Aquino:


1. Karapatan sa Buhay
Ito ang pinakamataas na antas ng mga karapatan. Kung wala ito, hindi mapakikinabangan ng
tao ang ibang mga karapatan.
2. Karapatan sa Pribadong Ari-arian
Kailangan ng tao ang mga ari-arian upang mabuhay ng maayos at makapagtrabaho ng
produktibo at nakikibahagi sa lipunan.
3. Karapatang Magpakasal
Ang tao ay may karapatang bumuo ng pamilya sa pamamagitan ng kasal.
4. Karapatang Pumunta sa ibang Lugar
Kasama dito ang karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad, o ligtas sa
anumang panganib.
5. Karapatang Sumamba o Ipahayag ang Pananampalataya
May karapatan ang tao na piliin ang relihiyon na makakatulong sa kanya upang mapaunlad ang
kanyang pagkatao at pakikipag-ugnayan sa Diyos at kapwa.
6. Karapatang Magtrabaho o Maghanapbuhay
May obligasyon ang lipunan o pamahalaan na magbigay ng trabaho sa mga mamamayan
upang sila ay mabuhay ng maayos.

Mga Karapatang Pang-Indibidawal na kinilala sa encyclical na “Kapayapaan at Katotohanan”


Pacem in Terres:
1. Karapatang mabuhay at Kalayaan sa pangkatawang panganib
2. Karapatan sa mga batayang pangangailangan upang magkaroon ng maayos na pamumuhay
3. Karapatan sa malayang pagpapahayag ng opinyon at impormasyon.
4. Karapatan sa malayang pagpili ng relihiyon at pagsunod sa konsensya.
5. Karapatan sa pagpili ng Propesyon.
6. Karapatan sa malayang paglipat ng ibang lugar upang manirahan (Migrasyon)
7. Karapatan sa aktibong pakikilahok sa mga pampublikong gawain o proyekto.
8. Karapatan sa patas na proteksyon ng batas laban sa mga paglabag ng mga karapatang ito.

Ano ang TUNGKULIN?


• Ito ang obligasyong moral ng tao na gawin o hindi gawin ( o iwasan) ang isang gawain.
• Moral ang obligasyong ito dahil ito ay nakasalalay sa malayang kilos-loob ng tao.
• Kasama sa pagiging moral ng tao ang pagtupad ng tungkulin…ang pagtalikod o hindi pagtupad
sa mga tungkulin ay pagsalungat sa buhay-pamayanan na may malaking epekto sa sarili at mga
ugnayan. (Dy, 2013)
Mga tungkulin na kaakibat ng Karapatan:
1. SA KARAPATAN SA BUHAY
A. Pangalagaan ang kalusugan
B. Paunlarin ang talento at kakayahan
C. Magpagamot
D. Iwasan ang mga mapanganib na sports na maaaring magdulot ng kamatayan
2. SA KARAPATAN SA PRIBADONG ARI-ARIAN
A. Pangalagaan ang ari-arian
B. Palaguin ang mga ito
C. Gamitin ito sa patulong sa kapwa at pamayanan
3. SA KARAPATANG MAGPAKASAL
A. Suportahan ang pamilya
B. Gabayan ang mga anak
C. Maging mabuting halimbawa
D. Pag-iwas sa eskandalo
E. Pagsasabuhay ng mga birtud
4. SA KARAPATANG PUMUNTA SA IBANG LUGAR
A. Igalang ang pribadong boundary
B. Kilalanin ang limitasyon ng kalayaan
C. Igalang ang pribadong espasyo ng kapwa
5. SA KARAPATANG SUMAMBA
A. Igalang ang relihiyon ng iba
B. Igalang ang paraan ng pag-alala ng mga patay at ninuno
6. SA KARAPATANG MAGTRABAHO
A. Magsikap sa trabaho
B. Ipakita ang husay sa gawain
C. Maging matapat sa trabaho

PAGSASANAY A:
Panuto: Punan ang talahanayan sa mga karapatan ng tao at mga tungkuling kaakibat nito.
KARAPATAN TUNGKULIN
1.

2.

3.

4.

5.

6.

PAGSASANAY B:
Panuto: Sumulat ng isang spoken poetry na nagpapahayag sa kahalagan ng karapatan at tungkulin ng
bawat mamamayang Pilipino.

PAALALA:
Magbibigay ako ng karagdagang puntos sa mga sasali sa alinmang paligsahan bilang pagdiriwang ng
ating paaralan ng United Nations month. Inaanyahan na magtanong sa inyong guro para sa karagdagang
impormasyon tungkol sa paligsahang sasalihan.

You might also like