Esp 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA 9

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

GAWAIN BLG. 2
Paksa: Batas Moral
Kompetensi: Natutukoy ang mga batas na nakaayon sa Likas na Batas Moral
Layunin: Napapahalagahan ang kaugnayan ng Batas Moral pagbuo ng pagkatao
Konsepto:

Likas Na Batas Moral


 May kinalaman sa pagpapasya ng tama sa mali, ang pagkakaiba ng kabutihan at kasamaan
 Sa mga mananampalataya, ito ang pinagbabatayan kung ang ginawa niya ay tama o mali
 Sa tahanan nalilinang sa mga anak ang pagiging moral
 PRIMUM NONNOCERE – First Do No Harm
Prinsipyo ng mga doktor na laging may pagnanais na makapagpagaling at iiwasan ang lahat ng
makapagpapalala ng sakit o makasasama sa pasyente.
 Lahat ng tao ay may kakayahang mag-isip at makaunawa sa kabutihan (Sto. Tomas de Aquino)
 Ang pag-alam sa kabutihan ay hindi lamang gumagalaw sa larangan ng pag-iisip kundi sa larangan din ng
pakiramdam (Max Scheler)

Sa paaralan ay lalo pang nagagabayan ang mga bata para matutunan nilang tamang paraan ng pagbuo ng
desisyon. Dito ay isinasaalang-alang ang mga Batas Moral. Marahil bago magpasya, magtatanong muna sa
sarili ng ganito:
 Tama ba o mali ang gagawin ko?
 Wala bang mga taong maapektuhan sa gagawin ko?
 Para bai to sa kabutihang panlahat o ako lang ang makikinabang?
 Magdudulot ba ito ng kasiyahan o kalungkutan sa marami?

Ang Pitong Kasalanang Nakakamatay ng Kaluluwa (Salungat sa Batas Moral)


 Labis na pagka-galit/pagka-suklam
 Katamaran
 Katakawan
 Pagkamainggitin
 Pagkamahilig sa kalaswaan
 Mataas na pagkilala sa sarili
 Pagiging gahaman

PAGSASANAY
A. Paano nakakatulong ang Batas Moral sa pagkabuo ng ating pagkatao?

B. Gumawa ng isang reaksyong papel. Isulat ito sa isang buong bondpaper. Ilahad ang inyong pananaw hingil sa
mga sumusunod.
a. Sexual Orientation & Gender Indentity Expression (SOGIE) Equality Bill
b. No Homework Policy Bill

You might also like