AralPan 8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

GAWAIN BLG. 2
Paksa: Mga Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
Kompetensi: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng kabihasnang Romano AP8DKT -IIc – 3
Layunin: 1. Natutukoy ang mga kontribusyon ng kabihasnang Romano
2. Napapahalagahan ang ang kontribusyon ng kabihasnang Romano hanggang sa kasalukuyan
Konsepto:
MGA KONTRIBUSYON NG KABIHASNANG ROMANO

ARKITEKTURA
 Colesseum – malaking stadium na ginamit para sa pagdaraos ng labanan ng mga gladiator at iba pang
mahahalagang okasyon.
 Parthenon (Templo ng mga Diyos) – malaking dome na gawa sa kongreto at hindi ginamitan ng bakal na
ipinatayo ni Hadrian. Ang istrukturang ito ay nag-iisang monument na hanggang sa kasalukuyan ay
makikita pa rin sa Rome.

BATAS
 Twelve Tables – ang kauna-unahang batas sa Roma na batayan ng mahabang tradisyong legal hanggang
sa kasalukuyan.

INHINYERYA
 Aquedact (kanal) – ginawa ng mahuhusay na inhinyero upang magdala ng tubig sa mga bayan at
lungsod. Matibay ang pagkakagawa ng ilan sa mga ito na hanggang sa kasalukuyan ay nakikita at
nagagamit pa rin tulad ng Appian (Appian Way).

KRISTIYANISMO
 Pinakamahalagang pamanan ng Romano ang relihiyong Kristiyanismo. Batay ito sa aral ni Hesus na
isang propetang Hudyo na isinilang sa Palestina. Ang tagasunod ng relihiyong ito ay hinihikayat na
mahalin ang Diyos at bawat isa. Ayon sa mga Kristiyanismo, si Hesus ang tanging mesiyas na
magliligtas ng sangkatauhan.

PANITIKAN
 Virgil – ang sumulat ng Aeneid, isang epiko na hango mula sa akda ni Homer, ang Iliad. Siya ang
sinasabing pinakamahusay at pinakadakilang manunulat sa kanyang panahon.
 Ovid – nakilala bilang mahusay na makata ng pag-ibig at karamihan sa kanyang kwento ay hango sa
mga alamat na nagging basehan ng mitolohiyang Griyego at Romano.
 Ars Poetica (The Art of Poetry) na nangpapaalala sa mga manunulat na kailangang maging mapanuri
bago ipalimbag o ipalathala ang kanilang akda.
 Luvius – tinaguriang “Ama ng Panitikang Romano” dahil sa pagsulat niya ng mga dula na hango sa mga
akda ng mga Griyego. Isinalin niya ang Odyssey sa wikang Latin.

WIKA
 Ang latin ay wikang opisyal ng mga Romano gayundin ang Simbahang Katolika. Nag-ugat sa wikang ito
ang iba’t-ibang wika tulad ng Kastila, Portuges, Italyano, at Romanian.

SIYENSYA
 Marcus Terentius Varro – tinaguriang “pinakamarunong na Romano” dahil sa malawak na kaalaman
pagdating sa larangan ng siyensya at sining.

PAGSASANAY (30 pts)


A. Gaano kahalaga ang mga kontribusyon ng mga kabihasnang Romano sa kasalukuyan?
B. Pumili ng isang kontribusyon sa kabihasnang Romano sa larangan ng arkitektura at iguhit ito. Ipaliwanag ang
kahalagahan nito

.
PAGSASANAY:

You might also like