Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Saint Anthony Academy

Batuan, Bohol, Philippines


Member: Bohol Association of Catholic Schools ( BACS)
Catholic Education Association of the Philippines (CEAP)

ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

GAWAIN BLG. 4
Paksa: Ang Piyudalismo, Manoryalismo sa Panahon ng Midyibal
Kompetensi: 1. Nasusuri ang mga pagbabagong naganap sa Europa sa Gitnang Panahon (Piyudalismo
at Manoryalismo)
2. Natataya ang impuwensya ng mga kaisipang lumaganap sa Gitnang Panahon
Layunin: 1. Nasusuri ang buhay sa Europa noong Gitnang Panahon: manoryalismo, piyudalismo
2. Napapahalagahan ang kontribusyon ng ilang mahahalagang pangyayari sa Europa sa
pagpapalaganap ng pandaigdigang kamalayan
Konsepto:

Pinagmulan ng Piyudalismo
 Nagsimula sa Europa nang biglang lumusob ang iba’t-ibang pangkat ng tao sa Europa katulad ng Vikings,
Hungarian at Muslim
 Vikings – mananalakay na mula sa hilagang parte ng Europe. Ang ibang tawag sa kanila ay Norsemen o
Taong Norse. Kinatatakutan ng mga tao ang Vikings dahil sa biglaang pananakop nito.
 Naghasik sa Europa ang mga Hungarian na nagmula pa sa Asya at doon na rin nagtatag ng panahanan.
 Ang mga Muslim naman ay kinatakutan din sa pagsalakay sa mga lugar na malapit sa Dagat
Mediterranean
 Ang mga pananakop na ito ay hindi nagawan ng solusyon ng lider ng bawat pamahalaan ng nasabing
lupain.

Ang Sistemang Piyudalismo


 Ang Maharlika na pinagkalooban ng lupain ng hari ay namuno sa mga estado at lalawigan
 Lupain ang basehan sa malaking bahagi ng sistemang ito
 Hindi pa kilala ang paggamit ng salapi sa panahong ito kaya ang lupain ang nagsisilbing kabayaran o
kabuhayan ng mga mamamayan
 Ang mayayamang angkan na mayroong pag-aaring lupain ay naghahangad na magkaroon ng kanya-
kanyang ari-arian.
 Manor – malalaking lupang pansakahan na kinokontrol o pagmamay-ari lamang ng mayayaman o
nakakaangat na tao

Lipunan sa Panahon ng Piyudalismo:


Panginoon (landlord)
Basalyo
Kabalyero (chivalry)
Alipin (serf)
 Ang sistemang piyudalismo ay nahahati sa iba’t-ibang pangkat ng tao. Ito ay binubuo ng panginoon,
basalyo, kabalyero at mga alipin (serf).
 Ang Panginoon (landlord) ay ang may-ari ng lupain na nagkaloob sa basalyo, taong pinagkalooban ng
lupa kapalit ng proteksyon. Ang basalyo ay inaasahang magiging matapat sa panginoong may-ari ng lupa.
 Malaki ang papel ng ginampanan ng mga kabalyero upang maipagtanggol ang kanilang pinaglilingkurang
panginoon.
 Nagsisimula ang pagiging kabalyero sa edad na pitong taon, ang tawag diti ay page, itinuturo sa kanya
ang wastong pangangabayo at ang paghawak ng armas lalong-lalo na ang paggamit ng espada.
 Sa pagsapit ng edad 16 na taon, siya ay tinatawag na squire. Siya ay inaasahang maging mahusay sa
pakikipaglaban habang nakasakay sa kabayo.
 Kapag dumating sa edad na 21, ang titulong iginagawad sa kanila ay ang chivalry o kabalyero. Magiging
ganap ang kanyang tungkulin na ipagtanggol ang kanyang lipunan.
 Ang pinakahuli ay ang serf. Ito ay ang lipunan na binubuo ng mga pangkaraniwang tao o “masa”. Sila
ang sinasabing pinakamababa at walang pagkakataon na magbago o umangat ang estado sa lipunan
sapagkat ang kanilang buong buhay ay nakatuon sa may-ari ng lupa na kanilang sinaka, Nagtrabaho sila
sa kanilang panginoon nang walang bayad. Maari lamang silang mag-asawa kapag pinahintulutan ng
kanilang panginoon.
Pagbagsak ng Piyudalismo
 Unti-unting bumagsak dahil sa pag-unlad ng kalakalan, pagsilang ng mga bayan at paglaya ng mga
alipin na nagsilbi sa kanilang panginoon.

Ang Manoryalismo
 Hango sa salitang Latin na manerium (malaking lupang pansakahan)
 Maikukumpara ito sa hacienda sa kasalukuyan
 Matatagpuan sa malaking lupang sakahan n anito ang bahay ng may-ari ng lupa o panginoon (landlord)
 Tirahan ng mga serf o magsasaka ang lupang pansakahan
 Mayroon ding simbahan na makikita sa loob ng manor na pinamamahalaan ng pari
 Mahalaga ang ginagampanang tungkulin ng mga pinunong ito sapagkat sila ang nagsisilbing tagapayo at
tagapag-ayos kapag mayroong kaguluhan o hindi pagkakaunawaan gayundin ang pagtuturo sa mga anak
ng mga magsasaka.
 Makikita din sa loob ng manor ang iba’t-ibang pagawaan, panederya, pastulan at sakahan na pawing
pagmama-ari ng isang Maharlika.

Ang Pag-unlad ng mga Bayan


 Ang pag-unlad ng kalakalan ay nagbunga ng malaking pagbabago sa paglago ng mga bayan.
 Nagdulot ito ng pagbabago lalung-lalo na sa agrikutura na nagbunsod ng pagkatuklas ng mga
makabagong teknolohiya at pamamaraan sa pagtatanim.
 Nakakatulong din ito magkaroon ng masaganang pamumuhay ang mga mamamayan at mapaayos ang
mga kalsada at iba pang imprastraktura na ginagamit upang mas mapabilis ang kalakalan.

Ang Guild System


 Isang samahan na binubuo ng mga mangangalakal, negosyaante, at mamimili na naglalayong
protektahan ang mga kasapi nito.
ARALING PANLIPUNAN 8

Pangalan:___________________________ Taon at Pangkat:___________________________


Petsa:______________________________ Marka: __________________
Guro: Bb. Anabel A. Bahinting, LPT

GAWAIN BLG. 4

PAGSASANAY
A. Panuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na salita. (20 pts)
1.basalyo
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
2. guild
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
3. kabalyero
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
4. manor
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
5. page
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
6. panginoon
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
7. serf
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
8. squire
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
9. Vikings
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
10. maharlika
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

B. Panuto: Paghambingin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng bawat isa gamit ang Venn Diagram. (30 pts)

PIYUDALISMO MANORYALISM
O

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD

You might also like