Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Sangay ng Masbate

PAMBANSANG MATAAS NA PAARALANG KOMPREHENSIBO NG MASBATE


Siyudad ng Masbate

PANGALAN: _______________________________________________ ISKOR: ____________


SEKSYON: ____________________ PETSA: ___________

LAGUMANG PAGSUSULIT (UNANG MARKAHAN)


FILIPINO 9
I.A. TALASALITAAN
Panuto:Bigyang kahulugan ang mga pahiwatig ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.

__________1.Ang bawat paghakbang ay isang pagtalunton.


A. paglayo B. pagtakbo C. pag-iwas D. pagtahak
__________2. Kaytagal na inasam ni R.A.Kartini ang emansipasyon mula sa mapaniil na batas at tradisyon.
A. kaligtasan B. kasabikan C. kariktan D. kalayaan
__________3. Pakiramdam niya ay hindi siya nabibilang sa lipunan ng mga kababayan niyang Javanese.
A.kasama B. kasali C.kaugnay D. kapanalig
__________4. Ang prinsesa ay anak ng Regent ng Japara.
A.kauna-unahang hari na Muslim C.malupit na pinuno ng Japara
B. pansamantalang namamahala sa isang kaharian D.pinunong di kumikilala sa kakayahan ng kababaihan
__________5. Ang kulturang itinudla ng nakaraan at inireregalo ng kasalukuyan ay bubuhayin ng kinabukasan.
A.tatak B. pamana C. itinanim D. biyaya

II.Panuto: Panuto : Isulat ang sagot sa patlang.

___________6. Elemento ng tula kung saan magkakatunog ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ng tula.

____________ 7. Paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhang gumaganap sa dula.

____________8. Akdang-pampanitikan na nagpapakita ng matalinong pagkukuro-kuro ng may-akda sa isang paksa.

____________9. Tulang nagpapakita ng pagpapahalaga o maaring pagkamuhi ng may-akda sa isang kalagayan,pook o


pangyayari.

____________ 10. Siya ang tiyuhin ni Boi.

____________11.Uri ng sanaysay na mapili sa mga salita at may tonong seryoso.

____________ 12. Kasingkahulugan ng araw ng pangingilin.

____________ 13. Aspekto ng pandiwa na nagsasaad ng kilos na naganap na.

____________ 14. Akdang Pampanitikan na may layuning itanghal sa pamamagitan ng pananalita, kilos at galaw ang kaisipan
ng may-akda.

____________15. Mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.


III- A. Hanapin sa Hanay B ang angkop na kasagutan na hinihingi sa Hanay A . Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

A B

_____ 16. Uri ng dula na nagwawakas na kasiya-siya sa mabubuting a. trahedya


tauhan bagama’t may malulungkot na sangkap. b. komedya
c. saynete
_____ 17. Isang dula na ang pangunahing layunin ay magdulot ng d. parsa
katatawanan sa manonood. Ito’y gumagamit ng eksaheradong e. melodrama
pantomina, pagbobobo at iba pa.

_____ 18. Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga
tauhan ay laging nagtatagumpay saw akas.

_____ 19. Ang layunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay


karaniwan lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan
at nasa likod ng telon ang taong nagsasalita.

_____ 20 Ang tema ay mabigat o nakasasama ng loob, kaya nakakaiyak,


nakalulunos ang mga tauhan. Nagwawakas ito ng malungkot.

III. B.PAMPANITIKAN
Panuto:Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

___________21.Ang mga sumusunod ay mga kaugaliang Javanese na nabanggit sa akdang “Kay Estela Zeehandelaar”
maliban sa:
A. bawal ang mga babae sa mosque
B. ikinukulong sa bahay ang babae pag-edad 12 at lalabas lamang pag-edad 16 upang makapag- asawa
C.Mga lalaki lamang ang may pagkakataong makapag-aral samantalang ang mga babae ay hanggang grammar
school lang.
D. pinag-aasawa ng sapilitan ang babae

___________22. “Ibig na ibig kong makakilala ng isang “babaeng moderno”. Ang nagsasalita sa akda ay
A.nagtatanong B.nagkukuwento C.nagrereklamo D.umaasam
___________23. Ang tulang isinulat ni Pat V. Villafuerte na may pamagat na “Kultura:Pamana ng Nakaraan, Regalo ng
Kasalukuyan, at Buhay ng Kinabukasan ay nagpapahiwatig na ang kultura ay _____________
A.nagbabago B.di-nagpapalit C.naaalis D.di-itinuturo
___________24. Sa akdang “Kay Estela Zeehandelaar”, si Estela ay ang __________
A.ang prinsesang Javanese C. ang Regent ng Japara
B.ang kapatid ng prinsesa D.babaeng Olandes na kaibigan ng prinsesa

___________25.

Silang nangalahad ang mga kamay


Silang may tangang kahon ng kendi’t sigarilyo
Silang may inaamoy na rugby sa madilim na pasilyo
Sa pagitan ng maraming paghakbang at pagtakbo
Bunga ng maraming huwag at bawal dito
Anong masamang bisyo ang binanggit sa tula?

A. pagsinghot ng rugby C.paglalayas


B. pamamalimos sa kalsada D.pagnanakaw

___________26.Ayon sa tula sa bilang 25, sino ang mga biktima ng suliraning panlipunan?
A.tindero B.manggagawa C. batang lansangan D.batang ulila
___________27.Mula sa bilang 25, anong kaisipan ang masisilip sa taludtod ng tula?
A.pagdami ng populasyon C.kawalan ng trabaho
B. kahirapan sa lipunan D. iresponsabling mga magulang
___________28.Puso ko ay ikaw lang ang iibigin
Maglaho man ang lahat ay ikaw pa rin

Anong damdamin ng may-akda ang nasasalamin sa taludtod?


A. Pagmamahal C. Kasabikan
B. Pagdurusa D. Kagalakan
___________29.Sa tula sa bilang 25, anong uri ng lipunan ang ipinapakita sa huling taludtod?
A. Mapagkalinga C. Mapanghusga
B. Mapaniil D. Mapanlait
___________30. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang mali?
A. Ang pang-ugnay ay salitang pangkayarian
B. Pang-angkop,pang-ukol at pang-uri ay mga halimbawa ng pang-ugnay
C. Ang pangatnig ay salitang nag-uugnay ng salita,parirala o sugnay
D. Mga katagang na,ng at g ang halimbawa ng pang-angkop
___________31. Ang ____________ ay uri ng tula na nagsasaad ng kuwento.
A. Tulang naglalarawan C. Tulang patnigan
B. Tulang pasalaysay D. Tulang madamdamin
___________32. Isang sikat na mangangawit mula sa bansang Malaysia na nakilala rin sa pagiging mapagkawanggawa.
A. R.A.Kartini C. Sitti Nurhaliza
B. Prinsesang Javanese D. Regent ng Japara
___________33.Sa taludturan sa bilang 25, ang mga sumusunod ay maaring kahihinatnan ng mga batang nakatira sa
lansangan, maliban sa isa.
A.pagkagumon sa ipinagbabawal na gamot C.makakapagtapos sa pag-aaral
B. pagdami ng mga magnanakaw D.maglalagay sa kanilang buhay sa panganib
___________34.Paano nakatutulong ang paggamit ng akmang salitang naglalarawan sa mga akdang pampanitikan?
A. Napatitingkad nito ang akda
B. Nakatutulong ito sa pagbibigay ng katangian ng inilalarawan
C. A at B
D. Wala sa nabanggit
___________35. “Si Sitti Nurhaliza ay may ginintuang tinig at ginintuang puso.” Ang salitang ginintuan ay ___________.
A.Nag-uugnay B.Nagsasalaysay C.Nangangatuwiran D.Naglalarawan

___________36.
Ang tao ay dapat maging bathala o panginoon ng kanyang
sarili dahil sa kanyang mga katangiang ibiniyaya ng Diyos.Ang mga
katangiang ito ay matitibay at malalakas na kalasag upang
mapangibabaw ang kanyang pagkabathala o panginoon ano pa mang
kalagayan at sa ano pa mang tuksong pagsubok sa kanyang pagkatao.
Anong kaisipan ang isinasaad sa binasang sanaysay?
A. Maraming biyayang bigay ang Diyos sa tao.
B. Ang tao ay magandang nilikha ng Diyos
C. Sadyang marupok sa pagsubok ang tao.
D. Kung ano man ang makabubuti o makasasama sa tao ay nasa pagdedesisyon niya.
___________37. Ang salitang may salungguhit sa binasang sanaysay ay nangangahulugang __________.
A. Hamon B. Sandata C. Tukso D. Gamit
___________38. Ang akmang kasabihan na maaring iugnay sa binasang sanaysay ay
A. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
B. Ang isip ay mas mataas kaysa puso
C. Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin
D. Sa atin magmumula ang ating ikasasama, sa atin din manggagaling ang ating ikagagaling.
___________39. Anong uri ng sanaysay ang nasa bilang 36?
A. pormal B. di-pormal C. sukat D. Tugma

IV. WIKA AT GRAMATIKA. Panuto:


A.Para sa #40-41 Suriin ang pangungusap sa ibaba.Punan ng pang-angkop sa patlang upang mabuo ang pangungusap.

40-41. May mga bago____ kagamitan ang aming paaralan na ibinigay ng aming butihin____ alkalde.
42. Gustong-gusto ni Denise pagnagkakaroon ng malaya____ talakayan sa klase.

B.Panuto: Punan ng tamang pangatnig ang pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang sa unahan ng
bilang.
___________43. Ang mga mag-aaral ay nag-eensayo para sa paligsahan ____________ nagpupulong ang mga guro.
A.subalit B. datapwat C. at D. habang
___________ 44. Balang-araw maaring lumuwag ang tali ________ kami’y pakawalan.
A. O B. ngunit C. kapag D. at
___________ 45. ___________ nag-aral ako, hindi sana ako bumagsak.
A. Kapag B. Kung C. Datapwat D. Bagamat

C.Panuto: Piliin ang angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang pangungusap.Bilogan ang tamang sagot.
46. ( Matibay, Matigas ) ang pundasyon ng pinapagawang bahay ni Tony.
47. Ang mga bangin na kanilang nadaanan papuntang Baguio ay ( matataas, matatarik ).
48. Napuno na ng tubig ang ( bibig, bunganga ) ng kweba kaya hindi na ito mapuntahan
49. ( Mabunganga, Madaldal ) si Jane kaya siya ay napagalitan ng guro.
50. Kay gandang titigan ang ( mapapanglaw, mapupungay ) na mata ni Carla.

You might also like