P.E 5 WLAS Week 3 Not Final

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

5

MAPEH (P.E)
Ikalawang Markahan
Pilyego ng mga Gawaing
Pampagkatuto 1
Patintero

Manunulat:

Janet F. Juntilla
Enrique B. Lumictin
Melanie R. Damalerio
RTR District
SDO-Agusan del Norte
5
MAPEH (P.E)
Ikalawang Markahan
Pilyego ng mga Gawaing
Pampagkatuto 1
Patintero
Patentiro Grade 5
Pilyego ng mga gawaing Pampagkatuto
Ikalawang Markahan- Ikatlong Linggo:
First Edition, 2020

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng


Batas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano
mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang
pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang
magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang
kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,
ngalan ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon,
pelikula atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga
iyon. Pinagtibay sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang
kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram
at ginamit dito. Hindi inaangkin ng kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga
may-akda ang karapatang-aring iyon.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the LAS

Manunulat: Janet F. Juntilla


Enrique B. Lumictin
Melanie R. Damalerio
Editor:

Tagasuri:

Tagaguhit:
Tagalapat: Junel M. Anino
Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas
Isidro M. Biol Jr.
Maripaz F. Magno
Josephine Chonie M. Obseňares
Romeo O. Aprovechar
Rayfrocina T. Abao
Avelina C. Duquesa
Nilo R. Verdon
Printed in the Philippines by ________________________
Department of Education– Caraga Region, Division of Agusan del Norte

Office Address: J.P. Rosales Avenue, Butuan City, Philippines 8600


Telefax / Telephone: (085) 817-7141E-mail Address: caraga@deped.gov.ph
Panimula

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto (Learning Activity Sheets – LAS) ay


disenyo at sinulat para sa batang katulad mo na nasa Ikalimang baitang upang
matulungan kang mailarawan ang mga hugis at kilos ng katawan. Saklaw ng
Pilyegos nga mga gawaing pampagkatuto na ito ay gawain na magagamit sa pang
araw-araw at iba’t-ibang sitwasyon sa pag-aaral. Ang mga aralin na ito ay likas na
pagkilos ng katawan kung saan ito ay dapat mong malaman bilang isang mag-aaral.
Ito ay inayos batay sa mga bagay na dapat mong matutunan.

Ang Pilyego ng mga Gawaing Pampagkatuto ay naglalaman tungkol sa:


Aralin 1: Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa Batang Pilipino
Aralin 2: Mga Likas na Katangian ng Larong Pantintero

Pagkatapos ng mga gawaing ito, ikaw ay inaasahang:


1. Naisasagawa ang mga kakayahan ng laro ( PE5GS) – Ic-h-4)
2. Nasusuri ang Paglahok at paglalaro ng Patintero batay sa Philippine
Physical Activity Pyramid (PE5 PF-llb-h-18)
3. Natutukoy ang mga pag-iingat pangkaligtasan (Safety Precuations) sa
paglalaro ng patintero (PE5GS-lb-h-3)
4. Naipamamalas ang kawilihan at pagpapahalaga sa paglalaro ng patintero
(P.E5F-lb-h-20)
Paunang Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.
1.Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay _________.
A. nagpapakinis ng balat
B. nagpapaganda ng mukha
C. nagpapahina ng katawan
D. nagpapalakas ng katawan
2. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga
gawain katulad ng laro?
A. magagalit kapag natatalo
B. walang pakialam sa kalaban
C. hinahayaang masaktan ang kalaro
D. nakikipaglaro nang patas sa kalaban
3. Paano nakakatulong ang pagiging aktibo sa mga gawain sa Physical
Activity Pyramid?
A. nagpapatamlay sa kaisipan
B. nagbibigay ng sakit sa katawan
C. nagdudulot ng suliranin sa pamilya
D. ito ay nagpapalusog at nagpapalakas ng katawan
4. Bakit mahalaga na taglayain ng manlalaro ang pagkakaisa o teamwork sa
isang laro?
A. masaya ang laro
B. mapadali ang laro
C. magiging magulo ang laro
D. maging maayos at manalo sa laro
5. Ano ang layunin ng larong invasion game?
A. mahuhuli ang kalaban
B. mapaalis ang kalaban
C. mapalaki ang iskor
D. lusubin o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo
6. Pinakamadalas nating laruin noong bata pa tayo ay ang larong patintero.
Kilala din ito sa tawag na __________.
A. larong lahi C. invasion game
B. Harangang taga D. Tiyakad
7. Aling antas ng Physical Activity Pyramid ang may gawaing nagpapabilis
ng tibok ng puso?
A. ikatlong antas C. pinakamababang antas
B. pangalawang antas D. pinakatuktok na antas
8. Anong gawain ang nararapat gawin ng 2-3 beses sa isang linggo, ayon sa
rekumendadong gawain sa Physical Activity Pyramid Guide?
A. pag-eehersisyo C. paglilinis ng bahay
B. paglalaro ng chess D. panunuod ng Telebisyon
9. Ilang koponan ang kailangan sa paglalaro ng Patintero?
A. dalawa C. apat
B. tatlo D. anim
10. Sa paglalaro ng patintero , ilang miyembro ang bumubuo sa dalawang
pangkat?
A. dalawa C. apat
B. tatlo D. lima o higit pa

Pag-aralan
Aralin 1 : Ang Physical Activity Pyramid Guide
para sa Batang Pilipino

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa batang Pilipino ay


makatutulong upang mapanatiling malakas at malusog ang iyong pangangatawan.
Nararapat na isinasagawa ito ng madalas o palagian upang mas mauunawaan ang
kahalagahan nito.

Source: https://www.google.com/search?q=ano+ang+physical+activity+pyramid+guid
Apat (4) na Antas ng Physical Activity Pyramid Guide:
1. Ang pinakamababang antas ay ang mga gawaing nirerekomenda na mas
madalas gawin o araw araw na gawain sapagkat itoy makatutulong sa iyong
katawan.
2. Sa pangalawang antas naman ay makikita ang mga gawaing makapagpapabilis
ng tibok ng puso gaya ng pagbibisikleta, pagbabasketbol, pagtakbo at iba pa.
3. Sa ikatlong level naman ay makikita ang mga gawaing nararapat gawin ng 2-3
beses na rekumendadong gawin. Ito ay ang mga gawain tulad ng pag-eehersisyo,
pagpush up, pag-akyat ng puno pagsasayaw at iba pa.
4. Ang mga gawaing nasa tuktok naman ng pyramid ay mga gawaing nararapat
lamang gawin ng 1 beses sa isang lingo. Ito ay dahil ang mga gawaing ito ay hindi
nangangailangan ng matinding paggalaw. Ang mga ito ay kinabibilangan ng
panonood ng tv, paglalaro ng computer, pag-upo at paghiga nang matagal.
Kung ikaw ay hindi gaanong aktibo sa mga gawaing nasa Physical Activity
Pyramid, dapat ay magsimula sa mga gawain na nasa ilalim ng pyramid at unti-
unting damihan ang mga gawaing rekumendado ng Physical Activity Pyramid Guide

Mga Gawaing Pampagkatuto


Gawain 1:

Panuto: Alin sa mga sumusunod na gawain ang palagi mong ginagawa?


minsan mo ginagawa? o hindi mo ginagawa? Isulat ito sa loob ng tatsulok.

Paglalaro sa labas Pamamasyal sa ibang lugar


Pag-eehersisyo Pagtulong sa mga gawaing bahay
Pagbabasa ng aklat Panunuod ng Telebisyon

Hindi ginagawa

Minsan lang ginagawa

Palaging ginagawa
Gawain 2.

Panuto: Tukuyin kung ang mga gawain sa ibaba ay nakatutulong upang


maging aktibo, alerto at malusog ang isang tao. Lagyan ng (/) ang patlang
kung OO at (x) kung HINDI.

___________1. panonood ng telebisyon

___________2. pagbibisikleta

___________3. paggamit ng elevator sa halip na hagdanan

___________4. pagkain ng junk foods

___________5. paglalakad

___________6. pagkain ng gulay at prutas

___________7. paglalaro ng video games

___________8. pakikilahok sa mga gawaing pang-isports

___________9. pagsasayaw

___________10. pag-eehersisyo

Repleksyon

Panuto: Suriin ang iyong sarili. Lagyan ng tsek (/) ang kolum na
kumakatawan sa iyong sagot.

 
1. Nailalarawan ko ang physical activity pyramid
guide.

2. Napahahalagahan ko ang mga gawain na


makakatulong sa pagpapaunlad ng aking
kakayahang pisikal.

3. Nauunawaan ko ang kahalagahan ng mga gawain


sa physical activity pyramid guide.

4. Nagagawa ko ang mga gawain na rekomendado ng


physical activity pyramid guide.
Pag-aralan
Aralin 2 : Mga Likas na Katangian ng Larong
Patintero
Ang paglalaro kasama ng mga kamag-aral o kaibigan ay
lubhang kasiya-siya. Bukod sa kasiyahan, ang mga laro ay
nakatutulong sapagsasanay ng physical fitness components.
Halimbawa ng mga larong ito ay patintero, agawan panyo at agawan
base. Ang mga ito ay mga larong Pinoy na nabibilang sa invasion
games.

Ang invasion game ay uri ng laro na ang layunin ay ‘lusubin’ o


pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo. Nililinang nito ang tatag at
lakas ng kalamnan, bilis at liksi ng katawan.

Source:
wyziewonderland.wordpress.com. Retrieved from
https://wyxiewonderland.wordpress.com/2011/10/22/patintero/

Ang larong Patintero ay isang uri ng larong invasion game


kung saan ang layunin ng laro ay lusubin o pasukin ang teritoryo
ng kalaban.

Ito ay nilalaro ng dalawang pangkat na karaniwang binubuo


ng lima o higit pangmiyembro.

Mga Alituntunin sa Paglalaro ng Patintero;

1. Bumuo ng dalawang pangkat na magkapareho ang bilang.

2. Gumuhit ng mga linyang pahaba at pahalang na pantay ang mga


sukat.
3. Pumili ng lider o patotot sa bawat grupo. Alamin kung sino muna ang
tayang grupo. Ang patotot lamang ang maaaring tumaya sa likod ng
kahit sinong ‘kalaban’.

4. Ang tayang pangkat ay tatayo sa mga linya. Susubukang lampasan ng


kabilang grupo ang bawat bantay ng linya nang hindi natatapik ang
anumang bahagi ng katawan. Kung maynatapik na bahagi ng
katawan, magpapalit ang tayang pangkat.

5. Kailangang makapasok at malampasan ng pangkat ang unang linya,


hanggang sa huling linya, at pabalik upang magkapuntos.

6. Ang pangkat na may pinakamaraming puntos sa loob ng takdang oras


ang panalo.

Source: https://www.pinterest.ph/pin/604537949951797237/

Sa paglalaro ng patintero, hindi natin maiiwasan ang madapa,


masusugatan o di kaya’y magasgasan sapagkat nangangailangan ng bilis at
liksi sa paglalaro nito. Maari tayong madapi ng ating kalaban kaya’t
kinakailangan ng sapat na pag-iingat upang hindi masaktan.
Kung makitang nadapa ang kasama sa paglalaro o di kaya ay nasaktan,
dapat siyang tulungan sa halip na pagtawanan o pabayaan.
Kinakailangan ng bilis at liksi upang manalo sa laro. Kinakailangan
din ng sapat na pag-iingat upang hindi masaktan.
Mahalaga rin ang pagkakaisa o tinatawag nating teamwork dahil
isa ito sa mga susi upang maging maayos at manalo sa laro.
Mga Gawaing Pampagkatuto
Gawain 1:: Isulat sa loob ng bilog ang mga benepisyong makukuha sa
paglalaro ng patintero.

Mga Benepisyong
Makukuha sa
Paglalaro ng Patintero

Gawain 2: Halina’t Maglaro!


Panuto: Laruin ang larong patintero kasama ang mga kasapi ng pamilya.
Siguraduhing nasusunod ang mga alituntunin o pamamaraan ng paglalaro
ng patintero. Gawing gabay ang rubric na nasa ibaba.

RUBRIK

Kailangan
Pamantayan Napakahusa Mahusay Bahagyan Pang
y (3) g Paunlarin
(4) Mahusay (1)
(2)
1. Nasusunod ang mga pamamaraan
sa paglalaro.
2. Naipapakita ang magandang
katangian ng isang mabuting
manlalaro.
3. Nakapaglalarong may kahusayan
at pakikiisa sa grupo.
4.Naisagawa ng buong ingat ang
paglalaro ng patintero.
Repleksyon

Panuto: Isulat sa inyong papel ang mga natutuhan tungkol sa paglalaro ng


Patintero.

Panapos na Pagtataya
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang.
1. Pinakamadalas nating laruin noong bata pa tayo ay ang larong patintero.
Kilala din ito sa tawag na __________.
A. larong lahi C. invasion game
B. Harangang taga D. Tiyakad
2. Aling antas ng Physical Activity Pyramid ang may gawaing nagpapabilis
ng tibok ng puso?
A. ikatlong antas C. pinakamababang antas
B. pangalawang antas D. pinakatuktok na antas
3. Anong gawain ang nararapat gawin ng 2-3 beses sa isang linggo, ayon sa
rekumendadong gawain sa Physical Activity Pyramid Guide?
A. pag-eehersisyo C. paglilinis ng bahay
B. paglalaro ng chess D. panunuod ng Telebisyon
4. Ilang koponan ang kailangan sa paglalaro ng Patintero?
A. dalawa C. apat
B. tatlo D. anim
5. Sa paglalaro ng patintero , ilang miyembro ang bumubuo sa dalawang
pangkat?
A. dalawa C. apat
B. tatlo D. lima o higit pa
6.Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay _________.
A. nagpapakinis ng balat
B. nagpapaganda ng mukha
C. nagpapahina ng katawan
D. nagpapalakas ng katawan
7. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga
gawain katulad ng laro?
A. magagalit kapag natatalo
B. walang pakialam sa kalaban
C. hinahayaang masaktan ang kalaro
D. nakikipaglaro nang patas sa kalaban
8. Paano nakakatulong ang pagiging aktibo sa mga gawain sa Physical
Activity Pyramid?
A. nagpapatamlay sa kaisipan
B. nagbibigay ng sakit sa katawan
C. nagdudulot ng suliranin sa pamilya
D. ito ay nagpapalusog at nagpapalakas ng katawan
9. Bakit mahalaga na taglayain ng manlalaro ang pagkakaisa o teamwork sa
isang laro?
A. masaya ang laro
B. mapadali ang laro
C. magiging magulo ang laro
D. maging maayos at manalo sa laro
10. Ano ang layunin ng larong invasion game?
A. mahuhuli ang kalaban
B. mapaalis ang kalaban
C. mapalaki ang iskor
D. lusubin o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo
Susi sa pagwawasto

Aralin 1
Paunang Aralin 2
pagtataya Gawain 1
1. D
2. D 1. Maaaring Gawain 1
3. D magkakaiba
4. D ang sagot 1. Maaaring
5. D magkakaiba
6. B Gawain 2 ang sagot
7. B 1. x
8. A 2. /
9. A 3. x Gawain 2
10. D 4. x
5. / 1. Maaring
6. / magkakaiba
7. x ang pagganap
8. /
9. /
10. /

Sanggunian
Budget of Works P.E Grade 5

Most Essential Learning Competencies

MAPEH 5 in Action Worktext in Music, Arts,Physical Education, and


Health, Copyright 2016, REX Bookstor
https://kulturapilipinas.webs.com/patintero-tagalog
http://philphysicalactivityguide.blogspot.com/2016/07/ang-philippine-
physical-activity.html
Source: https://www.google.com/search?
q=ano+ang+physical+activity+pyramid+guide

https://www.pinterest.ph/pin/486599934709525573/
wyziewonderland.wordpress.com. Retrieved from
https://wyxiewonderland.wordpress.com/2011/10/22/patintero/
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Agusan del Norte Division

J.P. Rosales Ave., Brgy. Dagohoy, Butuan City

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: cid.adn@deped.gov.ph

You might also like